Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 11

heartlessnostalgia

Kabanata 11

"What's his name? Cookie?" I asked the mother of the cute and handsome child I'm checking for tonight.

They came late at night, the mother is frantic and nervous, may lagnat kasi ang baby niya at natatakot siya.

"Y-yes," She answered, halata ang kaba sa mukha. "I-is he okay, Dra.? It's his first time to catch a fever so I am worried."

"Yes, he is." Nakita ko ang ginhawa sa mukha niya sa sagot ko. "It's just a simple fever, nangyayari talaga sa mga bata."

"T-thank, God!" She gasped, hinilamos pa ang mukha. "S-sorry, Dra., if I panicked. I-I'm just worried for him..."

"It's good, Miss." I smiled at her. "It's good na dinala mo siya kahit simpleng lagnat lang, we never know what a fever indicates so, you did the right thing." I said gently, marahang inaabot ang gwapong bata sa higaan.

"What a cute and strong kid," I uttered adorably, staring at the kid's face. "His dimples reminded me of someone."

"He...got it from his father." She answered me and I nodded, inaabot sa kanya ang kamay ko.

"I'm Philomena." Pakilala ko. "But that's a mouthful so, you can call me Philie."

"Darshana, Dra. Philie." She smiled at me. "Just call me Daru, nice meeting you, Dra." She accepted my hand for a handshake.

"Anyway, Daru, here is the prescription para kay Cookie." Sabi ko. "You can buy it in the pharmacy outside."

May narinig kaming katok sa loob ng clinic kaya natigilan kami sap ag-uusap.

"Babe?" I heard a man's voice outside and hearing that, I already knew who that is. "Can I go inside? I'm just gonna check some folders."

Nilingon ko si Daru at ngumiti, "that's my boyfriend, a doctor here too, OB-gyne. Is it okay kung papasok siya? May kukunin lang."

"Oh, sure!" She said and nodded. "It's okay."

I thanked her before speaking, "it's okay. Pasok ka." I said and the door opened.

My boyfriend got inside the room, nakita ko ang pagbaling niya saglit sa akin at kumindat kaya nangiti ako. He glanced at my patient's mother and spoke.

"Sorry for the trouble," he said but then stopped after staring for a while kaya nagsalita na ako.

"Angelo, this is Darshana." I said. "The handsome kid's her son, Cookie."

Tumayo si Daru at napatitig kay Angelo kaya pinakilala ko sila sa isa't-isa.

"Daru, this is Angelo, boyfriend ko. Sorry sa abala, hmm? He's just gonna take some folders." I smiled before glancing at Cookie, the handsome kid. "Look at her baby, handsome, right? His dimple reminded me of Chance, your bestfriend."

Angelo shifted his gaze on the bed and saw Cookie, nabakas ko ang kung anong emosyon sa mga mata niya roon kaya medyo nagtataka na ako.

"Yeah, he looks just like Chance..." I noticed something on his voice when he said that, bumabaling kay Daru. "Excuse me, Miss. Sorry sa abala, I'm just gonna take these..." kinuha niya ang folder sa gilid ng lamesa.

"I'll go, thank you." Aniya, sumulyap pa sa akin. Titig pa lang niya ay parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya itinuloy, sa halip ay bumaling siya sa bata bago sumulyap kay Daru at umalis kaya sinulyapan ko ang huli bago nagsalita.

"Sorry for that," I smiled. "Cookie can stay here for the night and the kids—"

"C-can I go to the pharmacy now?" her voice almost shook kaya mabilis akong tumango.

"Sure,"

"T-thanks," she bit her lip and rushed outside kaya nagtataka akong bumaling sa bata at napaisip.

The toddler's eyes are blue, he has dimples and his face reminded me of someone.

Chance...

But maybe it's a coincidence?

While the mother is away, I checked on the cute kid. He's sleeping peacefully, wearing a cute pair of pajamas. I really like watching and taking care of kids, it gives me a sense of duty, it makes me happy.

If Angelo and I got married, I'm excited having kids around, running on our house. It doesn't matter kung lalaki o babae, ang mahalaga'y malusog sila at masaya—ayos na ako roon.

Maybe I like kids because I'm an orphan. Ayon noon sa mga madre sa ampunan, hindi raw akong kayang buhayin ng magulang ko kaya iniwan nila ako roon, wala akong kapatid o kahit anong kakilala. The kids were good to me but it's different having a family, naranasan ko lang 'yon no'ng kupkupin na ako ni Nanay at Tatay.

Sumarado na kasi ang ampunan at walang gustong umampon sa akin, nagkataon lang na kakilala ng Madre ang mga tumayong magulang ko kaya kinuha nila ako which I am very thankful off.

Nanay and Tatay worked hard so I could go to school at ginawa ko ang best kong masuklian iyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagtatrabaho rito sa Maynila ng maayos.

They were like my guardian angels kaya mahal na mahal ko ang dalawang 'yon. Kahit madalas akong binu-bully ni Nanay at si Tatay ay tatawa-tawa lang madalas, ang saya-saya ko.

Kapag nagkaanak kami ni Gelo, gusto ko ng dalawa o tatlo, basta hindi lang isa para masaya silang maglalaro at hindi mararamdamang mag-isa.

I waited there, just watching the kid kaya nagulat ako nang bumalik ang Mommy niya, si Daru na halatadong umiiyak. It made me wonder and curious but I am not the type to meddle with someone else's business kaya ngumiti ako. I gave her a glass of water and tissue instead, tinabihan at kinausap.

"I don't know what happened but I want you to know tomorrow will be better," I said, remembering what Nanay is always telling me.

"P-pero paano kapag hindi?" her voice broke, sniffing kaya nalungkot ako pero ayaw kong iparamdam iyon sa kanya kaya nagsalita ako.

"Then, tell it again to yourself tomorrow. Habang may bukas pa, there's always a chance to be better. Hindi man bukas talaga, malay mo sa susunod na bukas?" I chuckled lowly. "Because I know, there's always that one tomorrow that will make everything better. It will be, in time."

I felt lighter and happy when I noticed the relief on her face after I said that, she thanked me and told me it made her at ease and it is too, for me.

Tomorrow indeed, will always be better. Hindi man ngayon ay darating ang tamang oras para doon.

"What do you think, Philie?" Tita Natalie was all smiles while watching me fit the gown she personally made for me.

"Ang bongga, Tita." I said in a small voice, nag-iinit pa ang pisngi sa hiya. "Sure po ba kayong sa'kin 'to?"

She chuckled, nodding her head. Lumapit siya sa akin sa salamin para tignan akong suot ang eleganteng gown na gawa niya.

It was elegant, long and classy. Kitang-kita ang maliliit na crystals sa may dibdib at may mas maliliit ding nasa baywang pababa sa laylayan ng gown.

"Yes, you looked beautiful, Philie!" I saw the adoration on her eyes while looking at me. "And of course, you made my son happy so this is the least I could make to thank you."

"Grabe naman si Tita," I giggled, pabirong pinalo siya at ngumiti siyang lalo, ikinawit pa ang braso sa akin.

"What? It's true, Philie." She insisted. "Angelo's...a very cold man. Really. I know you're aware of it, right? Aminin mo, no'ng una kayong nagkakilala?"

Napaisip ako at mayamaya'y natawa, muling sumagi sa utak ang pagiging isnabero at masungit ng mapapangasawa ko na parang kahapon lang.

"Nagmana po kay Tito Terrence," I answered at nang lumakas ang tawa niya ay napatawa na ako.

"Natumpak mo!" she said at natatawang nag-apir kaming dalawa.

"Tss, pinag-uusapan niyo na naman kami?" we both stopped upon hearing voices, sabay kaming napalingon at nanlaki ang mata nang makitang kakapasok lang ni Tito at Angelo sa boutique ni Tita Nat.

"Anong...hoy, Dean Angelo!" miski ako ay nagulat sa tili ni Tita. "You can't see your wife wearing the wedding gown! Santisima!"

Wala man lang reaksyon si Gelo, tila walang naririnig. He remained looking at me from head to toe kaya halos matapilok siya nang sugurin siya ni Tita para takpan ang mata niya.

"Mom!" he growled.

"You ice man!" Tita hissed and covered his eyes more, "T! What did I tell you? Bawal makita ng groom ang bridal gown—"

"It's just a superstition, babe." Ani Tito T, mukhang nang-aasar pa.

"Kayo...mag-ama nga kayo!" she gasped, takip-takip pa rin ang mata ni Gelo na hindi na rin pumipiglas at natatawa na.

"Mom, sorry—"

"No! Bawal!" she gasped and tilted her head to look at me, "Philie, changed your clothes now. Makulit kasi itong boyfriend mo!" napangiwi na ako at natawa nang tampalin niya ang noo ni Angelo.

Tito Terrence caught my eye and smiled a little and I nodded, waving at him before entering the dressing room again.

"Oh, bumalik ka kaagad?" may humawak sa braso ko kaya ngumiti ako pagkakita sa kanya.

"Hello, Tita Jo." I greeted despite his handsome and tall physique. Lalaking-lalaki pero tawagin daw siyang Tita Jo.

He's Tita Natalie's co-owner of her well-known boutique, CAGE.

"Naks, Tita! 'Yan ang gusto ko sa 'yo, hindi kagaya ni Natalie at Joselito! Ke ganda-ganda ko tapos Jose ang tawag? Pesteng babaita. Halika rito." Marahang inalalayan niya ako papasok at inayos ang zipper sa likod ko. "Bakit ang bilis mo bumalik? Tapos ka na agad tumingin? Musta ang size?"

"Ayos na po ako sa size, naayos po ni Tita ng bongga." I chuckled, "atsaka nand'yan po kasi sina Gelo."

"Oh, si inaanak?" natawa siya, "pero nakita ang gown mo? Hala? Anong sabi ni Natalie?"

"Ayon, nagalit." Sagot ko, "kasama niya si Tito Terrence po kasi papasok."

I noticed him froze, biglang nanlaki ang mata at suminghap, dali-dali akong iniwan at sumilip sa labas.

"Ay, si Fafa T!" irit niya habang nakadungaw kaya natawa akong lalo.

"Crush niyo po si Tito, Tita Jo?" naaaliw kong tanong.

"Hindi, ah!" nanlaki ang mata niya, umisang silip pa at naglakad papunta sa akin. "May sasabihin ako sa 'yong malupit na sekreto, Philomena."

Tumango ako at bumalik siya sa pagtanggal ng mga kung ano sa likod ng gown ko.

"Secret lang natin, ah?"

"Sige po, Tita." Tango ko naman.

"Ang totoo kasi niyan, ako talaga ang dapat mapapangasawa ni Fafa T." He said seriously kaya dali-dali ko siyang tinitigan sa salamin.

"Talaga po?" I asked.

His lip twitched nodding at me.

"Oo, ako bet niyan, eh. Kaso kerengkeng itong si Natalie at pinikot ang mahal ko kaya sila nagkatuluyan." Aniyang seryoso pa. "Natalie-harot."

"Ang kapal, akin lang ang asawa ko!" biglang umentrada si Tita Nat mula sa likod at doon na ako napatawa sa kanila.

"Ang kapal mo, Natalie! Kerengkeng ka, balak mo pa lokohin itong si Philie na ikaw ang totoong minahal ni Papa T—"

"Excuse me pero naka-tatlo kaming kasal tapos tatlong bata ang nabuo tapos pikot?" tawa ni Tita Natalie nang sumama na ang mukha ni Tita Jo at napahagikhik na rin ako, napapatakip pa ng bibig.

Natahimik lang ako sa pagtawa nang bumusangot na rin sa akin si Tita Jo.

"Wala na, pinagkakaisahan na ako! Una, inagaw sa akin si Fafa T tapos itong isa naman, ninakaw na rin sa akin ang inaanak kong kasing gwapo ni Fafa T!" he stomped his feet, "mga kerengkeng!"

This wedding is really making me nervous and excited at the same time. Pinaghandaan talaga. I insisted na sana ay simple lang dahil nakakahiya but they refused.

Hati naman kami ni Gelo sa gastos sa mismong wedding, the foods and souvenirs but the gowns for the bride and the bridesmaid and guests, sila Tita na raw.

Ano pa nga ba raw na designer sila kung ako pa ang mamomroblema sa gown ko?

I was amazed when they informed me Tita Nat would design my wedding gown and it was superb. Dagdag pa na nag-offer si Crest Sandejas—pinsan ni Angelo na isa ring sikat at owner ng boutique sa Pilipinas ay gagawa ng gowns na susuotin ko for the reception.

Naiiyak pa sina Nanay at Tatay, naalala ko noong una nilang punta rito sa Maynila. Angelo and I fetched them from San Isidro so they could go with us always if they wanted sa mga prenup shoots and wedding decision makings. Masaya rin ako kasi noong inaya akong pakasal ni Gelo ay wala akong narinig mula kina Tita Nat.

They said they liked me for their son and I was pleased and overwhelmed when they told me that I bring the best of Angelo ever since we became a couple.

Sina Tito Terrence, Tita Nat, Blaze at Amber pa mismo ang dumayo sa San Isidro para mamanhikan kasama ni Angelo kaya natutuwa si Nanay at napunta ako sa mabuting tao at pamilya.

"Nay, nand'yan po 'yong ibang grocery sa kusina." Angelo informed my parents na nasa isang unit kung saan sila p'wedeng mag-stay ni Tatay bago kami lumipad ng America para sa kasal.

"Naku, salamat, hijo at nag-abala ka pa." Nanay was so fond of Gelo, I caught her tapping my fiancée's cheek. "Napakabait na at napakagwapong bata pa."

"Tss..." meanwhile, my Tatay isn't really a fan of him.

"Bakit, Tay? Ayaw mo ba kay Gelo? Gwapo nga, oh. Tapos bait pa? Ayaw mo?" bulong ko kay Tatay na bumusangot na sa akin.

"Tss...ang bilis mo kasing mag-asawa, Philomena." Reklamo niya, "hindi pa nga kayo nagtatagal, oh. Sigurado ka bang hindi ka sasaktan niyan?"

"Tay, sobrang tatlong taon na kami." Sagot ko at natawa, "atsaka matanda na ako, oh? Lalagpas na ako kalendaryo? Ayaw mo ba 'yon, malapit ka ng magka-apo?"

"Tss, wala ako tiwala diyan. 'Di naman kagwapuhan."

I ended up laughing, "asus, ang Tatay ko. Akala ko ba noon okay na akong mag-jowa kaso wala lang nanliligaw? Bakit ngayon ayaw mo na? Finally, 'di na lang diploma ang mayro'n ako?"

"Ikaw talaga..." I closed my eyes when he playfully flicked my forehead.

"Mabait naman po si Gelo, Tay." Sabi ko. "Nakilala niyo na rin po naman ang pamilya niya, 'di ba? 'Tsaka ilang taon na kami ni Angelo kaya alam kong mabuting tao siya."

Nanahimik si Tatay, pinagmasdan namin si Nanay at si Gelo na nag-uusap sa may kusina. Nanay is smiling at him, even fixing his hair and Angelo's lowering his head, pinapaayos din ang buhok sa huli na nakikinig sa kanya ng mabuti.

"Mahal na mahal mo ba talaga 'yan? Mukhang isnabero at masungit, oh, pero sipsip sa Nanay mo." Reklamo niya.

Natatawang tumango ako at sumandal sa balikat ni Tatay.

"Opo, Tay. Mahal na mahal ko 'yang masungit na 'yan. He may be like that or look like that, sobrang lambing po niyan sa akin at maaalahanin."

"Ikaw, pumunta ka lang sa Maynila madalas na ang ingles mo, ah?"

"Naman!" napahagalpak na ako at nilingon siya. "I'm spokening dollars now, you know?" biro ko pa at natatawang pinisil ni Tatay ang ilong ko.

"Pero mahal ka ba niyan?"

"Sa tingin mo, Tay?" I asked and he stared at Angelo and sighed, nodding.

"Mukha naman," aniya. "Swerte na niya sa 'yo kasi medyo may itsura ka naman."

Bumagsak ang balikat ko, nang balingan ko si Tatay ng nakasimangot ay tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Nahahawa ka na kay Nanay sa pang-bu-bully sa akin, ah?" reklamo ko.

"Libangan namin 'yan ng Nanay mo, ano. Akala mo ba, umiiyak 'yan kapag nami-miss ka? Hindi, ano."

"Tatay nga!" I hissed, "anong sinasabi niyo ni Nanay sa likod ko, ah?"

"Sabi niya kapag nami-miss ka niya, miss na raw niya ang pagdilim ng San Isidro kapag nando'n ka." Aniya.

"Excuse me?!" nanlaki na ang mata ko kaya mas natawa si Tatay.

"Joke lang, anak." He smiled gently, "masaya naman akong ikakasal ka na at mukha namang mabuting tao iyak boyfriend mo pero nakakalungkot din kasi aalis ka na sa amin."

"Grabe ang Tatay, hindi naman, ah?" marahang sagot ko. "Mag-aasawa lang pero 'di naman ibig sabihin no'n ay iiwan ko na kayo. S'yempre po ay madalas akong bibisita at tatawag sa inyo. Love na love ko kaya kayo nina Nanay."

He sighed, inakbayan niya ako at napangiti nan ang halikan niya ang noo ko.

"Basta ba ay masaya ka, masaya na kami ng Nanay mo para sa 'yo." Aniya, "pero ang swerte na rin sa 'yo niyang si Samaniego at Reyna ka naman ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro."

"Yes naman! I love the energy, Tatay!" I exclaimed.

"Asus, ang mag-ama ko..." natigil kami sa tawanan ni Tatay nang lumapit na si Nanay, nakakapit pa sa braso ni Angelo na nakangiti ring pinagmamasdan kami.

"'Tay..." he called my father.

"Tatay ka riyan, 'di pa tayo close." Sagot ng huli at nang napakurap si Gelo sa gulat ay napatawa ako ng mahina.

"Hoy, ikaw, h'wag mong awayin itong son-in-law ko. Ke gwapo-gwapo ay aawayin mo? Tignan mo at talo ka, ma-muscles ang braso!" bida ni Nanay sa muscles ni Gelo kaya nailing ako.

"Makapagsalita itong si Rosita kong mahal...may muscles din ako, oh!" he showed us his arm, "talo ko pa 'yang taong yelo at walo ang abs ko." Nang akmang i-a-angat ni Tatay ang shirt ay napatili na ako at napatawa ng mahina si Gelo.

Rambol kapag nagsama-sama kami, si Nanay ay number one fan ni Angelo habang si Tatay ay number one hater niya.

"Sige, siya at matulog na kayo niyang si Philomena. Kapag sinaktan mo 'yang anak ko, papahabol kita sa kalabaw, naiintindihan mo?" banta pa niya kay Gelo na kinakabahang tumango.

"I won't hurt Philomena, Tatay." He answered.


"Anong Tatay? Sinabi ko bang close tayo?" halos mamaywang na ang huli kay Gelo na namilog pa ang mata.

"H-hindi naman po, Tay." Aniya.

"Ang lokong ito—"

"S-sorry, Tay." Kinakabahan na niyang sagot at kung hindi lang pinuwersa ni Nanay si Tatay papasok sa kwarto nila ay hindi na siya tatahimik.

Sabay kami ni Gelo na umuwi, hawak-hawak niya ang kamay ko noong nagdesisyon kaming maglakad-lakad muna sa parke kahit madilim na at malalim ang gabi.

"Pasensya ka na kay Tatay, ah?" nakangiting sabi ko, hinahaplos ang palad ni Angelo.

"It's nothing," he chuckled lowly. "He's just scary at times, babe. Parang may kutsilyo 'yong mata kapag nakatingin."

"Overprotective kasi 'yon," I said. "Sa ganda ba naman ng anak niya? Duh, kung kamukha ko lang din ang mga bata ay protective ako."

Bigla siyang natawa, nang lingunin ko na ay muli niyang hinuli ang daliri ko at pinagsaklop ang kamay namin.

"Hindi ba magtatakbuhan?" he teased.

"Ikaw..." I kicked his foot kaya mas natawa siya at nagnakaw ng halik sa pisngi ko.

"I love you, babe. I was just kidding. Of course, you're beautiful." Aniya, "kung magkakaanak din tayo na sobrang ganda kagaya mo, itatago ko rin."

My cheeks flushed, pinalo ko siya at kinilig.

"Angelo, ano ba—"

"...sa maleta." Dugtong niya at nang sumimangot na ako ay tawang-tawa.

"Ang saya-saya mo, taong-yelo, ah?" reklamo ko. "Happy ka? Happy ka?"

"Oo, happy kasi kasama kita." Hirit niya, nakipagtitigan pa ang itim na mata at seryoso lang dapat ako, hindi ngingiti kahit sasabog na ang brain cells pero umangat ang sulok ng labi niya bago kumindat.

"Dean Angelo, maharot kang doktor ka!" tili ko at pinagpapalo na siya kaya hinuli naman niya ang kamay kong humampas, nagulat ako nang basta na lang niya akong hilahin palapit sa kanya hanggang sa kaunti na lang ang distansya sa mukha namin.

"Got you," he whispered, I smelled his minty breath as his eyes dropped on my slightly parted lips.

Pumatak siya ng halik doon kaya mabilis kong natikom ang labi.

"Gelo, ang landi mo." Bulong ko sa labi niya bago pumatak din ng halik.

"Why? Ayaw mo ba?" aniya sabay kagat sa pang-ibabang labi ko.

"S'yempre...s'yempre gusto!" I answered, "landiin mo pa nga ako! 'Yong hard, ah?"

"Hard?" he caught my gaze, "how about I'd fucked you later in my car's trunk?"

"SPG!" sa gulantang ko'y pinalo ko na ang bibig niya, nag-iinit ang pisngi at nahihiya sa pinagsasabi nito. "Nakakagulantang pa rin talaga lumalabas sa bibig mo, ano? Hindi pa rin ako sanay. Parang dati puro ka lang Tss, shut up, don't talk to me." I mimicked.

"Really? Ganyan baa ko talaga kaunting magsalita?" he asked, the curiosity is obvious kaya tumango ako.

"Hmm," I hummed. "Seryoso ka lang at madalang magsalita, when I get to know Tito Terrence, alam mo ba nakikita kita sa kanya. Tahimik na nagmamasid lang, hindi masyadong nagsasalita pero kapag nand'yan si Tita Natalie ang daming sinasabi."

"Am I like that to you too?" he asked and I nodded, moving my forehead to rest on his.

"Yes," I answered.

"It's not a bad thing, right?" his gentle voice asked kaya tumango ako.

"Nope," I shook my head. "Not at all. In fact, I am glad because you're only like that with me. I feel...you know, special?"

"You are special..." he moved a bit, kissing the tip of my nose before resting his back on the bench, pulling me closer to him so I could do it too. "Sabi nga ni Nanay, famous ka sa San Isidro."

"I told 'ya!" I grinned, resting my head on his shoulder habang nakapatong na ang kamay niya sa upuan kung saan ako nakasandal. "Ano pang sabi niya, na crush ako ng bayan?"

"Hmm...crush ka raw ng mga nagsasabong sa inyo." Aniya.

My jaw dropped.

"Ano?! Excuse me, ah? Crush kaya ako ng karamihan do'n? Lalo na no'ng nanalo akong reyna ng San Isidro? Daming nag-a-add sa Facebook ko! FYI!"

"Oh? Mga arabo, ano?" he asked playfully.

"H-hoy!" ngumiwi na ako. "Ayan siguro pinag-uusapan niyo ni Nanay sa kusina, ano? Habang nagpapa-bango ka kay Nanay bina-bash niyo 'ko? Mga back stabber na kayo!"

"Back stabber?" ani Gelo, "saan bandang likod ba, Philomena?" binaba niya ang tingin sa dibdib ko.

When my mouth parted dramatically, he began laughing. Sinipa ko siya sa irita sa pang-aasar pero mas mabilis siya.

Tatawa-tawa siyang tumayo, basta na lang ako binuhat at sinampay sa balikat at tinakbo ang sasakyan niya bago nagmaneho pauwi and guess what? Tao lang naman ako...minsa'y rumurupok din kaya ayon, halos masira 'yong trunk ng sasakyan niya dahil sa ano...naabunan na naman ang kagandahan ko.

The preparation for the wedding was done beautifully after the teamwork. Katabi ko si Angelo sa private jet, kasama namin sina Nanay, ang pamilya niya—pwera na lang kay Amber na bunsong kapatid nila na male-late raw sa wedding dahil sa importanteng event na same day, hahabol na lang daw.

Sa Manila sana ang wedding namin but Tita Natalie insisted we get wed to a place where we met each other...formally. Aniya'y once in a lifetime moment iyon at gusto rin naman namin ni Angelo kaya sa America iyon gaganapin, kung saan naganap ang convention. Ang dahilan kaya kami nagkakilala.

"Are you nervous?" Angelo whispered upon giving me a medicine for drowsiness dahil hindi nga ako sanay pa masyado sa byahe.

"A bit?" I answered, "masaya na kinakabahan. Malapit na ang kasal natin, Gelo. Two days from now na."

"It'll be great, I'm sure." He touched my chin, "don't be nervous, babe. After the wedding, we'll tour around and make love in any places you like."

"Ikaw..." pinitik ko na ang labi niya pero hinuli niya iyon at kinagat kaya nilayo ko na. "Mamaya na ang landian, Dean Angelo, huh? Nandito ang pamilya natin."

"It's okay, they won't mind." Aniya at sinuklay ang buhok ko. I caught him staring intently at me, as if checking me out.

"Makatitig naman si Doc, oh? Matunaw naman ako niyan?"

"Nothing, you're just beautiful." He uttered, "so beautiful, I wanna memorized your face, Philomena."

"Why?" I asked, "makikita mo naman everyday ang kagandahan ko, don't worry. Pagkagising mo pa lang after ng wedding natin, ang alindog ko na ang breakfast mo."

He chuckled, he even pinched my cheek and stole a quick kiss.

"I just feel like staring at your face today, para hanggang panaginip ko, dala ko." Aniya bago hinaplos ang pisngi ko, "and Mom said I can't see you before the wedding. It's annoying."

"May pamahiin kasi sila, Gelo." I said, "oh, siya. Titigan mo ang kagandahan ko nang 'di mo makalimutan hanggang sa panaginip." Pumahalubaba ako at tumitig sa kanya at pinagmasdan niya rin ako, tila kinakabisado ang bawat sulok ng mukha.

"Let's take a photo for this," aniya at inilabas ang phone.

"Wow, himala at gustong mag-selfie ni Mr. Yelo?" tawa ko at inabot ang phone niya bago inilagay sa camera.

He moved his face closely and spoke, "I just don't want to forget this moment. I love you." He said before placing a kiss, the camera capturing how shock and amazed I am.

When we got to America, mas dumoble ang pagka-busy dahil nag-final touch pa kami sa lahat. Huli na rin nang mabasa ko ang text mula sa isang unknown number.

From: Unknown Number

Hi, Philie! Thank you for the wedding invitation, looks like hindi ko na talaga kayo matitibag ni Gelo. Haha! Kidding. Anyway, I am not sure if I could go but right now, I'm in America too and I will try to go if I could. I hope you'll be happy with him :)

It was tiring but to be able to stand in front of the church and marrying the man you prayed for, the hard work's been paid off.

It was such a dream come true, marrying the man you truly love.

Para kang tataya sa lotto, impossibleng makuha pero sa milyon-milyong tumaya, ikaw pa rin ang nanalo.

Once in a lifetime experiences tends to be cherished because you'll never know if you could still grab another chance or it's the last.

While looking at the man I truly love standing at the end of the altar, I couldn't help but tear up.

Pangarap ko lang ito dati pero ngayon...nandito na siya, nakasulyap sa akin at kumikislap ang mga mata sa pinipigilang luha habang papalapit ako.

"Anak, handa ka na?" bulong ni Nanay sa akin kaya nilingon ko siya at tumango.

She touched my arm, si Tatay sa gilid ko ay naluluha na rin pero nagpipigil at ipinapakita sa aking ayos lang siya at hindi iiyak.

"Ibibigay na talaga kita sa lalaking 'yan," singhap ni Tatay kaya natawa ako at sumulyap sa kanya kahit ang belo ay nakatabon sa aking mukha.

"Angelo's a good man, Tatay." I muttered, "hindi niya ako papabayaan."

"Siguraduhin niya lang at talagang ipapahabol ko siya sa mga kalabaw sa probinsya." Aniya kaya natawa ako at sumulyap kay Nanay na nailing na lang.

"Ready?" the wedding coordinator glanced at me and I sighed, muling sumulyap sa mapapangasawa kong nag-aantay sa kabilang dulo ng altar at tumango.

"Ready..." sagot ko.

A soft song played in the background, my wonderful and long white gown touched the red carpet the moment we began walking. Nakahawak ako sa magkabilang braso ng mga tumayong mga magulang ko.

There are times

When I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times

When I just want to feel your embrace

In the cold of the night

"I just can't believe that you are mine now..." I sang quietly together with the song while glancing at my dream man, waiting for me in front of the altar...in front of God.

In my hand is a bouquet of baby's breath flowers at mas nangilid ang mga luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan si Angelo sa gitna na nakatitig sa akin.

I caught a tear falling from his cheek at dali-dali niya iyong hinawi at muling tumitig, ang mata'y punong-puno ng halo-halong emosyon.

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with

Anything in this world

You're all I need to be here with forevermore

I smiled at him, kita ko ang pag-ngiti niya at tinapik ng best friend niyang si Chance ang likod niya, natatawa sa pag-iyak ng huli. I saw my fiancée, now my soon-to-be-husband glared at him and smacked his arm, nagtawanan ang mga lalaki sa unahan sa ginawa ng dalawa sa gitna.

"Philie," I saw how Tita Natalie smiled at me when we reached them.

"Tita," I called and smiled softly at her. My heart jumped when she slowly pulled me for a hug and whispered.

"Welcome to the family, anak. Call me Mom." Bulong niya.

"Salamat po, Mom." I whispered back and hugged her.

You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with

Anything in this world

You're all I need to be here with forevermore

Sumulyap ako kay Tito Terrence na nakikipagkamay pa sa Nanay at Tatay ko at nang magkatinginan kami ay kaagad siyang ngumiti.

"Tito," I called.

His cold eyes smiled too when his lips did, he offered me his arms at yumakap ako sa kanya.

"Welcome to the family, Philie." He said.

"Salamat po," I whispered, the emotions piled up inside my chest. The mixture of happiness, nervousness and excitement of getting married to the man I love.

I saw Angelo hugging my parents, I even heard Tatay threatening him na ipapahabol siya sa kalabaw kung sasaktan ako.

"I won't hurt her, Tay. Pangako, mahal na mahal ko 'yan, eh." Nakipagbiruan pa ito kaya nangiti akong lalo.

Blaze, my fiancée's brother called me and greeted me too. Ang mga kaibigan naman ni Angelo ay kumaway sa akin kaya natatawang ngumisi ako at kumaway.

"At napikot na ni Philomena si Mr. Yelo." Ngisi sa akin ni Chance kaya natawa na ako at nailing.

"Well, maalindog kasi ako." Pagsasakay ko sa kanya at sabay kaming nagtawanan.

He offered me his hand and smile, his dimples deepened as he spoke.

"Congratulations, Mrs. Samaniego." He smirked.

"Thank you, Chance." Ngisi ko. "Ikaw na ang susunod?" I teased.

"Nah, mga libong beses pa akong luluhod sa Quiapo para patawarin niya ako." Ngiti niya.

My lips pursed, "hindi pa rin kayo bati?" I asked, naaalala ang kwento niya sa amin ni Gelo noon tungkol sa babaeng gusto niya.

He shook his head and sighed but then smiled, "let's not spoil the day, Philie. It should be a happy day for you and ice man—"

"Get off my wife!" natawa ako nang may tumampal sa kamay ni Chance at nang sumulyap ako ay kunot na ang noo ni Angelo at nakanguso.

"Chill, man. I'm just congratulating our Miss Persistent awardee..." he motioned me kaya napairap na ako, natatawa.

"Persistent ka r'yan," irap kong natatawa.

"Tss, do'n ka na lang sa baby doll mo—"

"Shh," nanlaki ang mata ni Chance kaya sabay kaming natawa ni Angelo. "Lumayas na nga kayong dalawa. Do'n na! Shoo!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Angelo at nakita ko ang paglambot ng malamig niyang mga mata nang masalubong ang mga mata ko.

"You look beautiful, wife..." he muttered huskily, slowly touching my waist.

"You look handsome too, husband." I winked at him and he chuckled and planted a quick kiss on my head.

"This way, babe." He muttered and assisted me to go in front of the priest patiently waiting for us.

Dean Angelo Samaniego, my babe, looked dashing on his navy blue three-piece-suit and tie, his slacks have the same color as his suit and he's sporting a handsome clean cut. With his pointed nose, thin red lips and sculpted jaw, I couldn't say enough compliments to suit him.

His black eyes stared at me again and I smiled sweetly.

"What's with the look, Dr. Samaniego? Still can't get enough, huh?" malambing kong bulong habang nagsasalita ang pari sa gitna.

"I'm just amazed you'll be my wife now," he whispered while looking at me.

He slowly took my hand, hinaplos niya ang palad ko ng hintuturo niya at nakagat ko ang labi sa sobrang sayang nararamdaman ngayon.

I love it whenever his cold eyes smile whenever he's looking at me. I love how the ice surrounding him is melting whenever I'm with him.

He's aloof of people, he only talks when asked kaya hanggang ngayo'y masaya akong iba siya kapag kasama ako. He talks a lot whenever he feels like it, malambing kahit minsa'y masungit talaga.

He's clingy and I find him really adorable whenever he's jealous and rolling his eyes like a kid.

"Taong yelo," I suddenly whispered and he glanced at me and pouted.

"I'm not an ice man, Philomena." He glared at me and I chuckled and immediately kissed his cheek with my veil still on.

"Not anymore," I smiled and whispered. "I love you, Gelo..."

"I love you too," he whispered back. "I can't wait to strip you off that sexy wedding dress."

"Ikaw talaga..." nguso ko, "shh, quiet lang tayo at magagalit si Lord."

He chuckled and glanced at the altar, "sorry, Lord, and thank you, for giving me Philomena."

When the priest informed us to finally say our vows, we were both nervous. I stared at my husband, Dean Angelo Samaniego and again, thanking the almighty God above for giving me a chance to be with him.

"Mr. Yelo..." I started off, earning a laugh from the crowd. "Angelo, the truth is...I don't know how to start this."

My lips pursed, naiiyak na pero pinisil niya ang kamay ko at marahang hinaplos.

"It's okay, I love you." He whispered.

"I wanted to say thank you, for coming into my life." Nangilid ang luha ko. "Alam kong...alam kong hindi naging madali bago tayo napunta rito, s'yempre noong una kitang nakilala mas malamig ka pa sa yelo."

"Ice man kasi 'yan, parang si Terrence!" ani nila Tito Greg doon—Tito ni Angelo na nasa upuan kaya natawa na ako at gano'n din si Gelo.

"You're literally a one-word man, tatango lang at iirap sa hangin. It was hard taming you, you know but look where we are now? Crush ko lang noon, asawa ko na ngayon."

"Edi isang malaking sana all!" Chance exclaimed, earning a laugh from us and the crowd.

Natatawa pa ako habang naiiyak kaya inabot ni Gelo ang pisngi ko sa kabila ng belong nakaharang.

"Dream come true ito, guys. Effective siguro 'yong orasyon ko kasama ang mga butiki." I even joked kaya nag-ingay na naman sila. "But you see, despite Angelo being cold and snob at first—he's one-of-a-kind and sweet. When you get to know him, when you break the wall separating you from him—mas makikilala mo siya. He's smart, gentleman, sweet, minsan din may sense of humor pero naka-poker face."

"Philomena..." Gelo called and pouted kaya napahagikhik ako.

"Angelo's the best boyfriend, ever. I am lucky meeting him, I am thankful because he's here with me. Sa tatlong taon naming magkarelasyon, 'di man kami nagkakaintindihan minsan ay naaayos namin. He's understanding and he knows me well kaya nagpapasalamat talaga ako. Salamat, Gelo. Salamat kasi hinayaan mo akong mas makilala ka pa, hinayaan mo akong pumasok sa buhay mo at ito na ngayon—tayo at ikakasal na." My tears fell more upon saying that.

"I know there's no such thing as perfect but I'll do my best to be a good friend, companion, girlfriend, a good wife and the mother of our future children. Mahal na mahal kita, Gelo. Whatever happens, I will be here and fight for you, hindi kita susukuan. Si Philomena ay kay Gelo lang." With my shaking hands, I put the gold band on his finger. "This is my vow for you."

When it was his turn, wala pang sinasabi ay namumula na ang mata niya sa paambang mga luha. He even cleared his throat and sighed loudly.

"Hashtag medyo nervous." Castiel said loudly kaya napamura ng mahina si Gelo at sinamaan siya ng tingin.

"I'm not!" laban pa niya.

"Sige nga, tingin ng 'di nervous?" Cairis grinned.

"Tss..." pagsusungit ni Angelo kaya nag-asaran sila bago pa man makapagsalita ang asawa ko.

"Philomena Dianne Suarez...my Philie, babe and little piglet." He started off. "Oink-oink?"

When I glared playfully, he chuckled. Pinisil niya ang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"First off, I love you." He said and I caught him blushing. "Thank you for your patience, babe. I know I'm not an easy man to be with. I am not the expressive type, I don't actually know how to court someone or show my sweet side but despite it, you accepted me and waited for me. You bring out the best of me, babe. You showed me the best parts of me I haven't seen yet. Thank you for making me smile and feel love. Thank you for being my h-happiness."

His voice broke, kasabay nito ay ang pagkahulog na ng mga luha ko.

"I-I may not be the best man, I may not be the sweetest but you stayed with me, for years. Hindi mo ako sinukuan, maraming-maraming salamat, Philomena. Mahal na mahal kita." His hand shook a bit, mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko bago iyon iniangat sa kanyang labi para magpatak ng halik.

"You are the best thing that has ever happened to me, Philie. Hindi ko alam kung paano ako kung wala ka." When his tear fell again, I was sobbing silently. "I couldn't promise but I'll do my best to be a good husband and father to our children. From this day forward, my heart belongs to you—only you. I will do my best to be patient and responsible, I will do my best to make you happy and we will build a family together. G-gusto mo ng maraming anak, 'di ba? Kasi ikaw lang mag-isa?"

I nodded, sniffing while staring at him.

"Then we will have kids, a lot of them. I will work hard to provide and take care of you and our children. I don't know what the future holds but I couldn't see it without you in it. Noon, ngayon at sa hinaharap—ikaw lang. You're the only person I could see my future with. Let's grow old together, Philie."

"W-we will, Gelo...we will." I sobbed and watched him put the ring on my finger.

"I love you, Philomena Dianne Samaniego. Ang Reyna ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro, reyna na ng puso ko ngayon. Si Angelo ay kay Philie lang—hanggang sa huli." He uttered while staring at me. "...this, I vow to you."

I thought, it was finally the start of my happy ending—never knowing it was also the end of it. Those vows, it ended up being broken, same as shattered mirrors, leaving those who touched them hurt and bleeding, staring at the cracked reflection of their faces.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co