Truyen3h.Co

The Broken Vow

Kabanata 3

heartlessnostalgia

Kabanata 3

I went out of my room the next day, smiling.

Wala akong hiya kahapon, pakiramdam ko nga ay nakalaklak ako ng isang boteng enervon sa sobrang energetic kaakasar kay Angelo sa seminar. Pagkatapos ng kalokohan ko sa Heimlich ay nadiin niya ang pag-push sa tiyan ko kaya lumakas ang ubo ko at napatingin ang mga tao sa amin.

Doon na ako nahiya, nagsabi na lang ako na kung p'wedeng magpa-excuse at masama ang pakiramdam ko at pinayagan naman kaya mabilis akong nakasalisi.

Medyo nakakahiya, naalala ko pa nga kagabi na kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom no'ng sumapit ang gabi pero good thing ay may kumatok na room service sa kwarto ko. Free meal daw galing sa management kaya sulit na sulit.

May karne pa 'yon at salad! Bongga ng management! Busog-lusog ang Philomena na 'to!

May hiya ako kagabi pero no'ng pagkagising ay wala na ulit. Inayos ko ang suot kong pormal kong strawberry pink dress at flat sandals, inilugay lang ang buhok at inayos ang bangs para maganda na ulit.

Naglakad ako palapit sa elevator para pumunta sa lobby para sa breakfast at napangiti nang makita ang Director namin doon kasama ang ibang professors.

"Hello, Doc, Dra., good morning po!" I greeted with a smile.

"Oh, Philie..." one of my favorite mentor and senior smiled, "ang fresh mo, hija, ah? Kumusta ka na? Masama ang pakiramdam mo kahapon, 'di ba? Ayos ka na ba?"

"Opo, Dra." Ngiti ko, "medyo nanibago lang po siguro ako sa flight kaya gano'n."

"Oh, oo nga pala, nakalimutan ko, anong kinain mo kagabi? Hindi ka ata bumaba noong dinner? Sayang, buffet pa naman." Ani ni Doc, isa rin sa senior ko.

"Ah, ayos lang po." I chuckled, "may pinadala naman po ang management na masasarap na dinner kagabi, sosyal po pala rito, ano? Karne pa tapos mamahaling salad ata 'yon, 'yong madamo."

Bigla silang tumawa, ngumiti rin ako at natawa.

"Oh, it's a Caesar Salad, I guess?" she smiled gently.

"Parang gano'n po," I said, "masarap po, bet ko! First time ko makatikim, akala ko no'ng una 'di masyado kasi puro dahon pero masarap pala."

"Mamaya sa agahan sa ibaba masasarap din ang pagkain, kumain ka ng marami, Philie. Para palagi kang may energy." Nagkatawanan kami roon.

"Pero talaga ba? May pa-free foods ang hotel?" ani ni Dr. Ruiz kaya sabay kaming napatingin sa kanya.

"Opo, kagabi." Sagot ko, "may kumatok pong crew, from management daw po."

"Oh...I see." He nodded, looking confused. "Si Dr. Dimagiba kasi kagabi hindi rin nag-dinner sa ibaba tapos no'ng pagbalik ko, nagrereklamo nagugutom at walang pagkain kaya lumabas kami para makakain siya."

Natigilan ako roon at napaisip.

"Baka naman nakaligtaan, itanong natin mamaya sa reception." Ani Dra. at nang bumukas ang elevator ay humawak siya sa akin.

"Tara na, Philie." She smiled gently.

"Salamat, Dra. Tara na po." I said before guiding her inside the elevator.

Tahimik lang ako habang ang mga seniors ko ay nagtatawanan, iniisip 'yong pagkain. Hindi ko naman first time sa hotel pero kung may free foods na room service pa, mukhang pang five-star 'yong akin kagabi.

Pero anyway...

I shrugged it off, sabay-sabay kaming lumabas sa elevator at kaagad kong nakita sina Ika na mukhang kalalabas lang din sa kabilang elevator. She eyed me from head to toe and then raised her brow, looking away kaya nagkibit-balikat ako at sumama kina Dra. na hawak ako.

Sinamahan ko sila papuntang reception at nagtanong si Doc Ruiz about sa free food service kagabi kagaya ng sa akin kaya nagulat kami sa sagot.

"My apologies, Doc. We did not send food service for the guests last night, as long as I remember." He explained to us.

"Oh, eh, bakit po kaya mayro'n sa akin?" I asked Dra. at mukhang nagtataka rin siya pero ngumiti.

"Baka mayro'ng may crush sa'yo, Philomena." She said at natawa si Dr. Ruiz at inasar din ako.

"Malamang, naku at hayaan mo manligaw kung sino 'yan, matagal na, wala ka pa ring boyfriend, Philomena." He teased kaya ngumiti ako at nakisabay sa pang-aasar.

Nagpaiwan ako kaya nauna na sila sa may buffet at pumunta ako sa reception para magtanong.

"Hi, Sir. Can I ask regarding the food service last night? I heard you didn't serve for the guests last night so I was just wondering." I said.

"You received foods last night, Ma'am?" he asked with a smile and I nodded. "Can I ask for the room number?"

"Room 409-B." I said and he nodded, typed something on it and glanced at me.

"We have no records for that one," he said. "Can you wait here, Ma'am? I'll ask our kitchen staff."

I nodded and waited for him, inilibot ko ang mata sa malaki at engrandeng hotel at napangiti. Ang ganda-ganda talaga! Naku at mag-iipon ako para madala ko rito sina Nanay at Tatay, tiyak na matutuwa 'yon!

"Excuse me, Ma'am. I was informed we had one last night. Requested by a guest for you." He said kaya nagtaka ako.

"Can I know who it is?" I asked, "I just have to say thank you."

"Dr. Dean Samaniego, Ma'am." He said and imagine how my eyes widened.

"OMG! Weh? Talagang-talaga ba?!" I almost covered my mouth in shock.

"Pardon, Ma'am?" his forehead creased kaya naalala kong nasa America nga pala ako at English spokening dollars ang mga tao.

"Oh, my apologies." I chuckled, "I mean...is it really him?"

"Yes, Ma'am. Dr. Angelo requested the meal to be delivered to your room." He said kaya no'ng umalis ako ay para akong sumasayaw sa hangin.

Hawak-hawak ko ang palda ng dress ko, halos mapakanta pa habang naglalakad patungo sa may kainan doon.

Dati talaga sa sarili ko lang at kina Nanay sinasabing feeling ko sobrang ganda ko pero ngayon, hindi na feeling. Sobrang ganda na talaga! Na-imagine ko bigla ang mahabang buhok ko na pang-Rapunzel habang naglalakad sa Dinibdibang Lupa ng San Isidro!

Philomena, ikaw na! Ikaw na talaga, girl!

Pagkapasok ko pa lang ay diretso na ako sa mga pagkain, hawak-hawak ko ang plato ay inikot ko ang buffet table para sa ulam at salad na damo. Hindi ako kumuha ng kanin para makakain ng madami.

Bilin kasi sa amin 'to ni Nanay, well, ganito talaga sa probinsya, kapag may pyesta o kaya'y birthday, papakin mo ang ulam para matikman mo lahat! Hindi naman everyday ay may lechon, ano? Ang kanin naman madalas ko nakakakain kaya kahit 'di na muna 'yon ang kukunin ko.

Pagkatapos kong makuha ang gusto ko ay inilibot ko ang tingin, nakita ko ang mga seniors naming mentors sa isang table. Sina Ika ay nagtipon-tipon din, wala ng mga upuan kaya naglakad ako para sana makiupo pero nang makita nila ako'y basta na lang nilang pinatungan ng bag ang upuan kaya natigilan ako.

P'wede kayang sa kwarto na lang kumain?

"OMG, Philie!" I almost jumped when I heard a woman's voice, paglingon ko ay kaagad akong nangiti nang makita kung sino 'yon.

"Oh, Phoebe!" I said happily. "Good morning! Dito ka pala!"

"Oo, dito ako nakikain kasi nandito ang loves ko." Aniya kaya natawa ako roon.

"Talaga? Sino 'yan, ah?"

"Makikita mo, tara! Wala ka bang upuan? Sama ka na sa'kin!" she said happily, inagaw na ang hawak kong tray kaya nakangiting sumama ako sa kanya.

Nakakatuwa naman talaga at ang mga taong bago mo lang kakilala ay ganito kabait, nakakataba ng puso.

Lumabas kami at doon ko natantong may tables din doon, habang naglalakad ay nakita ko ang pamilyar na lalaki kaya nakagat ko ang labi ko.

"Ayon, oh, my loves ko." Phoebe whispered kaya nanlaki ang mata ko at nilingon siya.

"W-what? Sino?" tanong ko, nagpa-panic pero no'ng tinuro niya si Dr. Castiel na kaharap ng baby, my loves so sweet ko ay napahugot ako ng hininga.

"Hay, akala ko..." I muttered and I heard her laughed.

"OMG, crush mo si Yelo?!" she asked kaya gulat ko siyang nilingon.

"Si...Angelo? Well, oo...secret lang." I said kaya ngumisi siya at binagga ang balakang ko.

"Don't worry, kay Castiel lang tayo gigiling." She said kaya napatawa ako, "'tsaka 'di ko bet 'yan si Doc Samaniego, 'di 'yan nagsasalita, eh. Ice man."

"Talaga ba?! Masungit din sa inyo?" I asked at nangingising tumango siya.

"Oo, sinabi mo pa. Hindi 'yan umiimik, kahit mga kaibigan niya, 'yang sina Castiel madalang 'yan magsalita. Tititig lang siya ng malamig tapos bubusangot. H'wag kang magseselos, ah? Pero muntik ko na siyang maging crush."

"Oh? Anong nangyari?" I asked.

"Eh, no'ng bago pa lang ako sa ospital tapos 'yon, sinabihan ko siyang gwapo pero alam mo anong nangyari? Tinignan niya lang ako tapos biglang namulsa at nilagpasan ako na parang hanging Amihan kaya 'yon turned off..."

"Cool kaya," I said at ngumiwi siya.

"'Di kaya, taong yelo 'yan! Pero...sa bagay, magkaiba naman tayo ng bet pero okay lang. Basta sa'yo si Dr. Samaniego tapos akin ang loves ko? Walang agawan ng crush, ah?"

"Okay, game." I said at para kaming tangang nagtawanan habang papalapit.

I saw how Dr. Cruz's eyes brightened when he saw us, kumaway kaagad siya sa pwesto ko kaya ngumiti ako.

"Oh, Dra. Philie!" he greeted kaya kumaway ako.

"Madaya ka, paano naman ako? Hi ka rin naman sa akin!" ani Phoebe sa kanya pero tumikhim ito kaagad at tumingin kung saan kaya napasipa si Phoebe.

While me? I am focused sa aking Angelo na hindi man lang lumingon. He's wearing a dark green dress shirt and slacks, magulo ang buhok habang nakatitig sa kape, may earpods sa tainga.

"Itulak mo ako kunwari, ah." I told Phoebe kaya ngumisi siya at tumango.

Nang ilapag niya ang tray ko sa table ay kinindatan niya ako at biglang tinulak paupo kaya suminghap ako nang bumangga sa balikat ni Angelo.

"Ay..." I said, pretending to be shock. "Sorry, natulak lang!"

I saw him removed his earpod, nakasimangot niya akong nilingon kaya nag-peace sign ako.

"Sorry, good morning, sana masarap ang tulog mo and hi, Gelo!" I greeted and waved my hand at him and his brow raised, pumirmi ang labi niya habang nakatitig sa mukha ko.

"Tss..." he scoffed and then looked away kaya narinig ko ang tawa ni Castiel sa harapan.

"Come on, man. Loosen up, nagha-hi na nga si Dra. Philie, oh? H'wag mo namang sungitan." Dr. Castiel told him pero hindi umimik si Angelo at bumaling sa kape niya.

"Hayaan mo, Doc, sanay naman na ako, kahit sa airport ganyan 'yan." I said at natatawang tumango ito.

"Castiel na lang, Dra." He smiled, looking brighter. May pagka-istrikto ang mukha niya pero hindi sa gano'n, medyo mas palangiti kumpara dito kay Angelo.

"Philie na lang din," I said and he nodded.

"Okay, Philie. Nice meeting you again." He smiled and offered his hand at me, "close mo pala talaga itong si Angelo, the ice man."

I laughed, lifted my hand to accept his hand shake nang biglang may menu na humarang sa kamay naming dalawa. Sabay kaming natigilan ni Castiel, sabay na napalingon kay Angelo na nakaangat ang kamay sa ere, hawak ang menu.

"Angelo—"

"I want to order now," he said coldly at the waiter na lumapit sa amin.

"Sure, Sir. What is it?"

May sumipa sa paa ko, napasulyap ako kay Phoebe at pinanlakihan niya ako ng mata bago bumaling kay Gelo kaya suminghap ako, unti-unting ibinaba ang kamay na aabot sana kay Castiel na natatawang nagbaba rin.

Hindi umimik si Angelo, I saw him threw the menu to Castiel na natatawang sinagip iyon.

"What?" Castiel asked.

"You order for us, ingay mo." Gelo said nonchalantly, inilipat ulit ang tingin sa katabi naming barricade at ang view sa kabila kaya napainom ako ng kape ko.

I can hear Castiel chuckling while saying their orders to the waiter, si Phoebe naman ay pasalit-salit ang tingin sa akin at kay Angelo bago papahalumbaba at babaling kay Castiel, nagpa-flying kiss pa sa huli na tinakpan ng menu ang mukha niya.

"Anong sa'yo, Philie?" ani Castiel sa akin kaya binalingan ko siya at umiling.

"Naku, hindi na." Sagot ko ang pointed my plate. "Kumuha na ako ng buffet sa loob."

"Puro gulay naman 'yan, Philie?" Phoebe noticed, pointing my plate. "Mabubusog ka ba niyan? Kaunti lang 'yan, puro ulam pa na 'di nakakabusog."

"Okay lang," I smiled. "Mabubusog naman ako niyan—"

"She'll get the same order as mine," Gelo said, stopping me.

"Ayos na ako rito, Gel—"

"Grass won't fill your stomach for today, Philomena." He said and glanced at the waiter. "That's it."

"Noted, Sir. We'll get back to you." He said before walking away.

Silence filled the place when the waiter left, nagkatinginan kaming tatlo nina Castiel at Phoebe, sabay na nilingon si Angelo na natigil sa pag-inom ng kape.

"What?" he asked coldly and it sounded like a threat kaya kanya-kanya kaming iwas ng tingin sa kanya.

Tinusok ko ng tinidor ang salad ko, I glanced at Gelo who's staring at nothing, listening to music habang 'yong dalawa sa harapan ko ay mukhang nagkukulitan.

Phoebe was talking to Castiel, more like teasing him tapos ang huli'y ngingiwi lang sa kanya at babarahin siya pabalik.

So...sana all may kausap?

Muli akong sumulyap kay Gelo at saktong paglingon niya ay kinindatan ko na.

"Are you a creep?" he asked, frowning kaya natawa na ako.

"Good morning din, Gelo-babe, salita naman diyan, baka mapanis ang laway. Ilan ba word count mo per day?" I asked and his brows almost met, his black eyes looked like he's hearing something ridiculous at naiiling siyang sumulyap kung saan.

"Ah, minimum twenty." Ani Phoebe.

"Maximum 'yong one hundred," sabat naman ni Castiel at nang samaan siya ng tingin ni Gel ay nagtawanan lang 'yong dalawa at nag-apir, parang akala mo'y 'di nagbabangayan kanina.

"Tss, iingay niyo." Aniyang iritado pero hindi natahimik 'yong dalawa at mas inasar lang siya.

Noong dumating ang breakfast ay halos magliwanag ang mata ko nang makitang steak kaagad at karne ang nasa plato, may kaunting kanin din at fresh orange juice para sa akin kaya ngiting-ngiti ako.

"Salamat, Gel." I said, "paano ko ba babayaran 'to? Kiss?"

Halos masamid siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Nice one, Philie." Castiel winked at si Phoebe ay ngumisi sa akin, mukhang kinikilig kaya binalingan ko si Gel.

"Joke lang, hindi naman ako nananamantala ng kahinaan mo, Gel." I said gently and smiled, inaangat ang karne sa bibig ko, "alam ko namang yelo ka, ime-melt muna kita ng pagmamahal ko."

Cute na sana kaso bago ko pa masabi ang linyahan ko ay tinulak niya ang tinidor sa bibig ko kaya pumasok ang buong karne sa bunganga ko.

Ka-kwentuhan ko si Phoebe habang kumakain, she's easy to talk to and kind, mabilis makapalagayang-loob. Sa unang tingin mo kasi sa kanya'y mukha siyang masungit dahil matalim ang mga tingin niya at dahil na rin sa hugis ng mata niya pero kabaligtaran nito ang ugali niya.

She's talkative, like me, kaya nagkakasundo kami. Si Castiel ay medyo sumisingit din kapag may gusto sabihin pero si Gelo ay walang pakialam sa mundong kumakain doon.

"Uy, share ko lang sa inyo pero alam niyo ba, ang sosyal nitong hotel, ano?" I started kaya nilingon ako ng dalawa.

"Bakit?" tanong ni Phoebe.

"Kasi...kagabi, may room service ng food. Galing daw sa management." I said and I saw how Angelo stopped for a bit but then continued eating.

"Oh? Talaga?" Castiel asked, "wala atang room service sa foods para sa guests kagabi? Kasi nasa buffet lahat?"

"'Yon nga, eh." Ngumisi ako at bumaling, "kanina nagtanong ako at nalaman kong ang management pala ay itong si—" napasinghap ako nang may sumipa sa paa ko.

Nilingon ko si Gel, "bakit ka naninipa—"

"Tito Lance and Tita Chloe's looking for you, Tiel." Gelo told Castiel kaya kumunot ang noo nito.

"Huh? Nandito na sina Mommy? Mamaya pang tanghali, ah?" he asked.

"Yeah," Gel said, may tinignan pa sa phone niya. "Salubungin mo raw sa entrance, bring Phoebe with you."

"What?" he asked and glanced at Phoebe who's smiling widely at him now. "Why would I—"

"Tita wanted to see her," ani Gelo kaya nagtatakang tumayo si Castiel sa upuan.

"Meeting the parents daw, bilis, ka-excite!" Phoebe said at nang naglakad palayo si Castiel ay sumunod si Phoebe na kumakaway pa sa akin at pinapakitaan ako ng heart sa kamay.

Nang maiwan na kaming dalawa ay uminom ako ng juice bago ngumiti.

"Ano 'yon, huh? Bakit mo sila pinapaalis? Gusto mo ng private lang tayong dalawa?" I asked and he eyed me seriously, tilting his head and removed his earpods.

"No, your voice's louder than the music." Aniya.

"Sus..." I smiled at him, "kunwari ka pa, eh. Sabi ko nga lang sa kanila 'yong about sa pa-foods mo kagabi, may room service pa—"

"It's from the management, woman." Aniya, bumabaling sa kung saan kaya ngumiti ako.

"Don't be shy, alam ko naman sa kaibuturan ng puso ko na may lihim ka rin sa aking pagtingin—"

"Tss, hindi nga sa akin." Giit niya kaya natatawang tumango ako.

"Okay, sige, hindi na kita aasarin, Gelo." I said. "Kunwari 'di ko alam—"

"It wasn't me," laban niya at seryoso akong tinignan kaya tumango-tango ako.

"Okay...okay, sabi mo, hindi na ikaw." Suko ko na at sumimsim ng juice. "Pero salamat, Gelo, ah? Blessing in disguise 'yong foods kahapon kasi sobrang nagutom ako, gusto ko na ng asana lumabas kaso tatakot ako, eh. First time ko lang dito sa ibang bansa tapos grabe, parang mababaliw na ako sa gutom."

"You should've come down," he said. "Paano kung 'di kita pinadalhan ng pagkain do'n? Edi nagutom ka?" iritado niya akong tinignan pero ngumisi ako.

"Got 'ya..." I smirked and I saw him stopped.

"Fuck..." he cursed and licked his lower lip, I saw how the sun rays from the sky touched the half-side of his face, making him look like a piece of rare art, beautiful yet expensive.

"Okay lang, don't be shy. Mabait naman ako, Gelo. I don't bite." I said and his forehead creased, sighing.

"I was just worried, nadiin ko ata 'yong tiyan mo." Aniya, "nothing else, it's not that I like you or what, your mouth is annoying, you're loud and always smiling, it's irritating."

"Eh, bakit defensive?" I smiled and he shook his head, brushing his messy hair with his fingers kaya sumabay iyon sa kamay niya.

"I'm not, I'm not interested." He answered instead kaya medyo inilayo ko ang plato kong walang laman at pumahalumbaba sa lamesa, nakamasid sa kanya.

"Angelo..." I called and he tilted his head, nasalubong ko ang malalim at malamig niyang mga mata. "Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong ko.

"What?"

"Uy, may paniki!" I pointed somewhere kaya napalingon siya pero wala ring nakita kaya nakakunot ang noong binalikan ako ng tingin.

"How about sa second sight?" I smiled sweetly, showing him my beautiful eyes and he was stunned for a while, staring at my face and suddenly, the side of his lips lifted.

"Baliw." He muttered and I grinned.

"Ayiee, na love at second sight siya sa akin!" I giggle and he chuckled a bit, pinalo ko ang braso niya at marahang tinulak niya ako.

"You're crazy, shut up." He said, tumitikhim at sumisimsim ng kape.

"Sus, nagme-melt na ba ang ice man sa init na hatid ng alindog ni Philomena?" I asked in a reporter's tone, "abangan sa susunod na kabanata!" sinundot ko ang tagiliran niya at nagulat ako nang bigla siyang mapaubo.

"Hala!" I gasped, "are you okay?"

He nodded, covering his mouth while coughing kaya napakagat ako ng labi at nagsalita.

"Baka...baka gusto mong turuan din kita mag-Heimlich at baka matutunan mo na akong mahalin?" I asked in an innocent girl's voice and he cursed, medyo tinulak ako pero napalakas kaya nahulog ako sa upuan.

"Dean Angelo naman! Ang sakit mo magmahal, huh!" I exclaimed dramatically and his eyes widened.

"Shit, Philomena! I'm sorry!" he cursed, mabilis na tumayo at halos buhatin na ako pabalik sa upuan.

Dahil ata sa kadaldalan ko ay nahuli kaming dalawa sa program, tapos na sila sa intro at talk lang naman ngayon mula sa foreign and well-known medical practitioners kaya okay lang kung nasa likod na kami.

We were both quiet, katabi ko si Gelo na nakasandal sa upuan niya at nakahalukipkip, seryosong nakikinig sa nagsasalita. Medyo nabo-bored naman ako kaya sumandal ako at humalukipkip, sineseryoso ang mukha, ginagaya siya.

"What are you doing?" he asked when he noticed me.

"Philomena Samaniego, Doc. The ice woman." I said in a cold tone and then slowly check him out and I saw him smiling a bit.

"You're crazy," he said in a low voice.

"Para sa'yo lang, babes ko." I whispered back and he shook his head, he crossed his leg in a manly way kaya ginaya ko 'yon.

"What are you doing?" he asked.

"Ginagaya ka lang naman, babe." I said, pinapalakihan pa ang boses.

"Lower your leg," he said seriously kaya natigilan ako.

"Huh? Bakit?"

"Your skirt's hitching, nasisilipan ka." Aniya na bumaling kung saan kaya napasinghap ako nang mahuli 'yong isang lalaking biglang umiwas ng tingin.

"Ano ba 'yan, gusto nga kitang gayahin, eh." Nguso ko at malungkot na umupo ng maayos and he sighed, ginaya ang upo ko kaya nilingon ko na siya.

"There, happy?" he asked and my heart thumped, I nodded while smiling.

Marami akong natutunan sa naririnig na mga lessons and tips from the professionals pero s'yempre, may time pa rin na antok na antok ka na kaya halos bumagsak na ang mata ko.

"Do you want some candies?" Gel then whispered kaya napamulat ako at nilingon siya, kaagad na nahuli ang malambing niyang tingin.

"Hmm?"

"Candies," he said, "I'll buy some if you want."

"Ah, h'wag na, h'wag." Iling ko nang biglang may naalala, mabilis kong binuksan ang hand bag ko at naglabas ng maliit na pack. "May baon ako, masarap 'to."

Pinasilip ko siya sa bag ko at binalingan niya ako, "what's that?" he asked.

"Pili nuts," I answered. "'Di ba nga, sabi ko sa'yo, maraming pabaon si Nanay. Kasama na 'yan, madami pa sa bag, mga chichirya 'yon, basta kutkutin lang. Gusto mo?"

I saw him looking hesitated kaya binuksan ko na at kumuha ng isa bago tinikman.

"Try mo, masarap." I said while smiling and when he glanced at me, mukhang aayaw ay dumukot pa ako ng isa at inilapit sa bibig niya.

"Open your mouth," I commanded kaya napakurap siya at lumayo.

"Ako na—"

"Shh, sige na, open your mouth, Mr. Yelo." I said and when he shook his head and glared at me ay ngumuso na ako. "Come on, Mr. Yelo, don't be choosy, sige na. Masarap 'to, promise, say ahh..."

"Miss Persistent, huh?" he smirked, medyo ngumanga siya kaya kinikilig na sinubo ko sa kanya 'yon at pinagmasdan ang reaksyon niya.

"So...?" I asked when I saw him nodded, still chewing the nuts.

"It's good." He answered.

"'Di ba? Masarap 'yan, gawa ni Nanay...alam mo ba kung ano pang masarap na gawa niya?" I asked and he shook his head.

"What?"

"Ako." I answered with a grin.

Bigla siyang napamura at napapikit ng mariin, nakukonsumi sa akin, napatawa ako ng malakas at pinalo-palo siya.

"Angelo, ano ba—"

"What are you two laughing about?" a voice from behind stopped us, parang dumagundong iyon kaya sabay kaming napalingon sa likod at nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa masungit na coordinator dito. "Stand, you two."

Sabay kaming napatayo ni Angelo.

"Ma'am," Gelo cleared his throat and spoke, "my apologies—"

"No apologies, you two should go up the stage and demo—"

"A-aww..." bigla akong humawak sa tiyan ko at ngumiwi kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"Philie," Angelo called seriously at mas dumaing ako at kumapit sa braso niya.

"A-aww...Gel, masakit tiyan ko." I said and I felt him touched my waist with his warm hands.

"Philomena..." he called again, "are you okay?"

"No..." I shook my head, ma-dramang sumulyap sa coordinator at ngumiwi. "M-Ma'am, my apologies but my o-ouch..." mas dumaing pa ako.

"I should bring her to the clinic," Gelo said, nagulat pa ako nang basta niya akong buhatin sa braso niya kaya humigpit ang hawak ko sa bag, mawawala na sana ang acting ko pero ngumuso ako at bumaling sa coordinator na mukhang natataranta.

"O-okay, okay...bring her to the clinic!" she said, panicking kaya humigpit ang hawak sa akin ni Gelo at walang salitang binuhat ako palabas ng hall.

While he's almost running in the hallway, I can hear his fast heartbeat. He's warm, despite the coldness his personality has.

"Where the fuck is it?" kunot na ang noo niya habang inililibot ang tingin para sa clinic kaya bigla akong natauhan.

"Gel..." I called.

"Hang in there, malapit na tayo—"

"I'm okay." I said kaya nagbaba siya ng tingin sa akin at ngumiti ako.

"What? I thought you're hurt?" he asked kaya umiling ako at umiling.

"I'm okay, baba mo na ako." Nagtataka pa siya no'ng una nang ibaba ako pero kalauna'y ginawa na rin at kaagad na hinawi ang buhok ko at humawak sa noo ko.

"What happened? Is your stomach aching? Are you sick?" he asked, tuloy-tuloy kaya ngumiti ako at hinuli ang kamay niya.

"I'm okay," I said and his brows furrowed.

"What? But you said..."

"Pagsasalitain at demo tayo sa stage, Gel." I said and he licked his lower lip.

"And so? You're hurt, Philomena!" humawak siya sa siko ko, "I should take you to the clinic."

"No, okay lang ako talaga." I smiled, "it's my way para makatakas tayo sa demo."

Mukhang mas naguluhan siya, may pawis pa ang noo kaya kinuha ko ang panyo para punasan ang noo niya.

"Gusto mo ba magsalita sa harap? Nakakahiya kaya, ano?" I said, "'tsaka ikaw ba, magsasalita?"

"I won't," he answered, staring at me. "You're there, why would I? Am I host too but I won't speak."

"See?!" natawa na ako at pinunasan ang pisngi niya, "pasalamat ka nga sa akin iniligtas ko tayo sa kaba sa demo. Talo ako, eh, ako magsasalita tapos display ka lang?"

"Why not?" he asked me seriously, inangat ang kamay at lumalim ang paghinga ko nang inalis niya ang buhok na nakadikit sa pisngi ko. "You're smart, right? You probably know what to say."

"Demo nga kasi, Dean Angelo." I pointed out, hinawakan ko ang chin niya paangat para mapunasan ang leeg niya at hinayaan niya lang ako.

"You know how to," he insisted. "It's just a demo for Heimlich."

"Oo nga, 'di nga kasi ako natuto mag-Heimlich." I said, "natutunan ko lang paano magmahal."

When he glared at me, I ended up laughing, naiiling na hinuli niya ang kamay ko na pinupunasan ang leeg niya at kumalabog ang puso ko nang bumaba ang kamay niya sa pulsuhan ko.

"We should go away from here," aniya kaya natigilan na ako.

"Bakit?"

"That woman's strict and scary. If we are caught sneaking like this and lying, we're dead." He said and cursed, gripping my wrist. "Fuck, I don't know why am I fucking doing this but let's run."

"Run?" I asked and he stared at me, nodding.

"There they are!" we heard voice at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang ibang guard at 'yong coordinator.

"OMG, tara!" I exclaimed, hinatak na si Angelo at sabay na kaming tumakbo paalis sa hallway na 'yon palabas.

We were like sneaking kids while running, I can see Angelo's cold façade fading, he was like a child, chuckling a bit while we're running like fools to escape the guards. When he did that, mas nagliliwanag siya at gumagwapo kaya halos madapa pa ako kakatitig sa kanya.

"Stupid," he sneered kaya ngumiwi na ako at sinipa siya.

"You're a bully, Angelo!" I hissed at mas natawa siya, unti-unting hinuli ang kamay ko at pinagsaklop iyon, halos hilahin na ako.

Kakatakbo namin ay napunta kami sa pinakamalapit na beach sa hotel, we were both catching our breaths, naupo kami sa may kahoy na upuan malapit sa dalampasigan at parang nawawalang bata.

"Fuck, Mom would faint if he sees me running like that." Ani Angelo pagkaupo namin kaya natawa ako at nilingon siya.

"Why? Ayaw ba niya na tumatakbo ka?" I asked and he shook his head, brushing his hair with his fingers.

"No, I never run like a fool before. Just now." He said, glancing at me. "Nakakahawa ata ang kabaliwan mo, Philomena."

"Excuse me, Dr. Samaniego?!" I raised my brow but when I saw him smiling at me, parang natunaw naman ako. "S'yempre, gano'n talaga, welcome to the club!"

He was chuckling, looking behind us.

How adorable. You looked good smiling, Angelo. You're just like an angel.

"Do you want some water?" he asked and I nodded, catching my breath.

"Yes, please. Grabe, parang lumabas ang kaluluwa ko kakatakbo, Angelo. Ang laki kasi ng hakbang mo, kitang maliit lang 'yong akin." Ngiwi ko at ngumisi siya, tumayo at ginulo ang buhok ko.

"You're just slow," he said, pinatong ang phone sa tabi ko at pumunta sa nagbebenta ng tubig doon sa may store.

Wow, I'd never thought I would her him laugh like that. Akala ko'y 'di ko makikita ang gano'ng klaseng ngiti sa kanya.

Nawala ang pagmamasid ko sa kanya nang mag-vibrate ang phone niya, bumaba ang tingin ko roon at nakita ang nag-text na lumitaw sa screen.

From: Sam

Hi, Dean, I'm in States right now. Can I meet you? Please? It's been months.

Who's Sam?

Muling nag-vibrate, nagulat ako nang makitang may tumatawag na.

Sam calling...

My forehead creased, kaagad kong nilingon ang pwesto ni Gelo at nakitang bumibili pa siya kaya inabot ko ang phone niya at ini-swipe.

"Hello?" I answered.

"Who's this? Bakit na sa'yo ang phone niya?" I heard a woman's voice in the other line, stopping me.

"Hello, sorry, this is Philie." I said, "si—"

"Where's Angelo?" she asked me, sounding annoyed.

"Uh, he's buying water. He'll be back soon—" I answered but then it was cut off, nagulat ako at napasulyap doon.

"Who's that?" narinig ko ang boses ni Gelo kaya halos mapatalon ako sa gulat, mabilis akong lumingon at nakita siyang nasa likod ko.

"May tumawag," I said, "sorry, sinagot ko. Nandoon ka pa kasi."

He nodded, naupo sa tabi ko at inabot sa akin ang tubig.

"Who is it?" aniya, hindi man lang sumulyap sa phone na ibinigay ko at binuksan ang tubig niya.

"It's Sam? Nakita ko sa name." Sabat ko and he nodded, uminom siya ng tubig at tumitig kung saan.

"What did she say?" aniya kaya saglit akong uminom at sumagot.

"Kung saan ka raw at bakit ako ang sumagot, nag-text, nakita ko...nasa States daw siya at baka raw p'wede kayong magkita?" I said, hesitating and he nodded, sabay kaming napatingin sa phone nang mag-vibrate ulit at inangat ko 'yon.

"It's Sam," sabi ko at nilingon niya ako.

"Reject it," he said, stopping me.

"Huh? Bakit? Hinahanap ka, baka importante?" tanong ko and he sighed, inabot mula sa akin ang phone at sa gulat ko'y ni-reject niya iyon at muling ibinulsa ang phone.

"Why...who's that?" I bit my lip when I realized something, "sorry, Gelo, ah? I'm so nosy, kakakilala pa lang natin."

"She's an ex," he answered, stopping me.

"W-weh?" halos pumanting ang tainga ko. "How? Talaga ba? I mean...paano? Paano nangyari?"

"What? Do you think I don't do girlfriends?" he asked, glancing at me, nangingiti siya sa reaksyon ko kaya kumurap ako.

"No! I mean...hindi kasi halata sa'yo? Paano? Eh, ang sungit mo? Tapos...hard to get ka, parang binibini." I explained and I heard his deep chuckle, tilting his head to see me.

"We just clicked, Philie." He explained, "I met her through a cousin, no courtship or so, we did try to have a relationship and it worked...for years until it's, I don't know."

I nodded, ngumuso ako at hinawi ang buhok ko, sumusulyap sa kanya.

"Anong nangyari? Ilang taon kayo?" I asked, "it's okay if you won't answer, I understand."

"I never told anyone this," he said and glanced at me, "but I'll tell you."

"I must be special, eh?" I winked and he chuckled.

"No, Philomena. You're crazy." He said kaya nailing ako at nakinig sa kanya.

"It's almost three years, I think." He said, "it's a good relationship at first but it's getting out of hand even just in the first year but we tried working it out since I am willing to fix it. Nagkikita kami minsan tapos mas madalas ang hindi, I go with it and tried my best but that relationship isn't for me. I felt like I'm just going with the flow."

Feeling ko 'yon na ang pinakamahabang sinabi niya pero hindi ko pinuna at baka ilubog ako sa dagat.

"What happened then?"

"She became demanding, I understand it since kulang talaga ako sa oras sa kanya dahil sa trabaho and I dealt with it the best I could but when she asked me to forget work and focus on her, I lost it. I broke up with her."

Umawang ang labi ko roon sa gulat.

"Then...she's calling you, paano kapag willing naman pala siyang ayusin? Are you still willing to fix it?" I asked, tunog masokista pero I wanted to know since he's my crush and I think I like him.

"I'm not into relationships anymore, Philomena." He said seriously, staring at his water bottle. "That isn't for me, I realize it now."

"Why not? Bakit mo iko-close sa possibility ang feelings mo? Paano kapag nakahanap ka ng perfect girl. Ehem, hindi sa sinasabi kong ako pero parang gano'n na nga." I said in a low voice at sumulyap siya sa akin.

His jet black eyes were serious but when he smiled a bit, gumaan iyon sa paningin ko.

"Sorry, I'm not interested with loud girls." He said, staring at me.

"Bagay nga kasi tayo kasi tahimik ka," I explained.

"You're talkative, Philomena. My ears would bleed." He smirked, "and I won't have much time with you, I'm a doctor. I have more time with patients than girls. I am not cheesy, I don't do sweet things, it's cringey."

Napatawa na ako at tinusok at pisngi niya, bumaling siya sa akin at kumunot ang noo.

"Are we close?" he sneered kaya napatawa ako, umusog sa kanya hanggang sa madikit na ang balikat naming dalawa.

"Is this close enough?" I asked in a cheerful voice and he sighed, almost pushing me.

"Philomena..." he warned.

"Yes, Gelo ko?" I stared at his eyes and gave him a sweet smile and he sighed, looking away.

"You're annoying," he muttered kaya mas natawa ako at siniksik pa siya.

"Love mo pa ba siya?" I asked and he was silent for a while before speaking.

"What is love anyway?" he asked kaya nanlaki ang mata ko.

"Hoy, Dean Angelo! Three years kayo ng girlfriend mo tapos..."

"I like her, Philomena but I wasn't that sure if it's like that...I don't know and it faded before it could even go deeper like that. I was busy and she keeps on nagging and forcing me to go with her but I can't. We became unhealthy for each other, we always fight and fight. It's tiring."

"How about trying new relationships?" I asked and he shook his head.

"No, not interested." Sumandal pa siya at ginaya ko na.

"Hindi naman lahat ng girls gano'n, Gelo. I understand you kasi nga doktor din ako 'tsaka 'di kita ipe-pressure." I said kaya kunot-noo niya akong nilingon at ngumisi na ako.

"Lalaki ka ba, Philomena?" he asked kaya mas natawa ako.

"What? Sinasabi ko lang na hindi naman lahat ganyan, may mga tao rin namang kayang makisabay sa'yo at maintindihan ka. Kagaya ko, naiintindihan kita. Baka naman p'wedeng mag-apply?"

He looked at me unbelievably, "you're crazy." He shook his head. "Don't fool around, kapag 'yan pinatulan ko..."

"Yiee, gusto ako patulan!" I giggled, "game!"

"Shut up, you're loud again." He closed his eyes kaya tumitig ako sa kanya at napangiti.

"Alam mo ba, naniniwala akong kung kaya ng lalaki, kaya rin ng girls." Panimula ko. "Like pa lang kita pero nararamdaman ko sa kaibuturan ko na ikaw na ang the one. Equality 'yon kaya kaya ko rin patunayan ang feelings ko na 'to sa'yo."

He scoffed, still with his eyes closed.

"I can compromise, I can cook and clean. Naiintindihan ko ang struggles mo as a doctor kasi ako rin gano'n. I can be quiet and loud at the same time, cute ako no'ng bata pero maganda na ako ngayong paglaki. Wala man akong dibdib, reyna naman ako ng Dinibdibang Lupa ng San Isidro..." I said at tumaas ang sulok ng labi niya at hindi umimik.

"Dean Angelo, kanina ko pa iniisip kung ano p'wede nating endearment kapag mag-jowa na tayo." I said at bigla siyang nagmulat ng mata at nilingon ako.

"Do you want me to take you to the hospital or something?" he asked kaya natawa ako.

"Seryoso nga 'to, I decided upon thorough evaluation na babe na lang." I smiled and he shook his head, muling sumandal kaya tinawag ko ulit.

"Gelo-babe, naniniwala akong ako na ang init sa'yong tag-lamig." I said kaya nilingon niya ako at tinitigan ko siya at humugot ng hininga. "P'wedeng manligaw?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co