Truyen3h.Co

The Courtesan

CHAPTER 30

Maribelatenta

Naibato ni Pierre ang hawak na telepono ng tumawag sa kanya ang manager ng bangko, Naya really returned his money to his bank account at buong 800 million talaga ang ibinalik nito sa kanya. He thought she was only kidding when she said that to him pero hindi pala dahil isinoli talaga nito sa kanya ang pera na binigay niya dito. 

"Sino 'yong tumawag? Bakit mo ibinato ang cellphone mo?" Tanong ni Troy na kaibigan din niya na nandito ngayon sa bahay niya. His friend paid a visit to him to him now at niyaya nga siya nito umalis at mag bar pero wala naman siyang mood ngayon umalis ng bahay. 

"Naya returned the money I gave to her." Pierre answered seriously, he just went home this afternoon on his house dahil nagkaroon ng aberya ang isa niyang negosyo kaya pinuntahan niya at umuwi na nga dito sa bahay niya pagkatapos. Ayaw pa nga sana niyang iwan si Naya kanina sa bahay nito kung hindi lang talaga importante ang lakad niya. Kaya hindi niya din inaasahan na tototohanin nito ang sinabi kanina na isosoli ang pera sa kanya matapos kumpirmahin 'yon ng ng manager ng bangko. And now he's wondering why she did that. 

"Naya? You mean totoo talaga ang kinuwento sa akin ni Luis na may something sa inyo ni Naya Aragon?" Parang hindi makapaniwala na tanong ni Troy, oo nakita na niya ang dalawa na magkasama sa party na dinaluhan din niya pero hindi niya alam na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa din ang mga ito. "How come? I mean what's your reason why you're dating her? Kase ako mero'n ako noong dahilan at maski si Luis ay gano'n din. Pero ikaw? Wala ka naman babae na gustong pagselosin diba?"

"I don't know too, hangang nextweek na lang ang anim na buwan na kontrata naming dalawa and after that wala na kaming pakialam sa isa't-isa pero dahil binalik niya ang pera sa akin ay isa lang ang ibig sabihin nito she finished whatever we have." At 'yon ang hindi maintindihan ni Pierre dahil masaya naman sila kanina na magkasama, they even had a brunch together at kasama pa nga nila ang kaibigan nitong si Uno kaya bakit ganito? Why she returned the money to him? And he's really wondering why..

    "Are you sure on this? Baka hanapin tayo ni Mr. Mozanto Naya, I mean baka hanapin ka." Sabi ni Uno ng makaupo na sila ng maayos sa loob ng eroplano, hindi niya nga alam kung bakit biglang nag-aya umalis itong kaibigan niya ng biglaan at papunta nga sila ngayon sa Batanes para daw magbakasyon. Eh samantalang hindi naman alam ng kaibigan niyang ito ang salitang bakasyon dahil wala itong tigil sa pagra-raket. Basta kanina ay sinabihan siya nito na magdala ng ilang pirasong damit dahil aalis nga sila ng ilang araw tapos habang papunta na sila dito sa airport ay pinakita nito sa kanya ang ticket nilang dalawa sa eroplano. 

"Hindi niya ako hahanapin no, isa pa bakit naman niya ko hahanapin? I already returned to him his money." Sagot ko naman, bago kami sumakay ng eroplano ay bumili ako ng bagong sim card at tinapon ko na ang sim card na gamit ko kung saan naka save ang number niya. Sigurado kaseng tatawagan niya ako kapag nakatanggap siya ng tawag mula sa bangko at sabihan sa kanya na binalik ko nga ang pera na ibinayad niya sa akin. I don't know but that's the right thing to do ang tapusin kung ano man ang naging usapan naming dalawa ni Pierre. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw habang nasa ibang bansa siya ay nagiging emotional ako kahit na wala namang dahilan, o dahil kaya ganito ako kase nasanay ako na magkasama kami at alam kong matatapos na ang anim na buwan na usapan namin? Siya lang din kase ang naging kliyente ko na pinaka-matagal plus sa kanya ko lang din naman binigay ang sarili ko kaya siguro ganito. 

"Isa pa 'yan Naya, ang laki-laki ng pera na 'yon tapos sinoli mo lang. Ay naku ang dami na nating mabibili no'n tapos ang dami na nating matutulungan na bata no'n!" Parang nagrereklamo na sabi ni Uno, tinutulungan kase ni Naya ang mga bata na naulila sa lumubog na barko na sinakyan din ng magulang nito. Nagkaroon kase ng foundation o grupo ang mga naulila at dahil nga medyo kumikita si Naya sa mga kliyente niya ay buwan-buwan siyang tumutulong doon at nagbibigay ng pera.

"Kaya ko naman kumita ng pera kahit hindi gano'n kalaki, tsaka pag nakabalik na tayo sa Manila ay ituloy na natin ang negosyo na sinasabi mo. Ako ng bahala sa puhunan basta ikaw na ang bahala sa mga kailangan at pagma-mange no'n." Uno plan to have a salon, mahilig din naman kase ang baklang ito sa pag-aayos kahit pa sabihin na hindi naman ito nagme-make up katulad ng ibang bakla dahil nga nagda-damit pa din ito ng pang-lalake. At 'yon na nga lang siguro ang dapat naming gawin once na makabalik kami dito sa Manila ang magnegosyo na lang tutal may ipon naman ako sa bangko. 

I planned this ahead na si Pierre ang huli kong magiging kliyente dahil kapag tumanggap pa ako ng kliyente ay hindi malabo na magkakasalubong kaming dalawa sa mga party na pupuntahan ko. At 'yon ang gusto kong iwasan, I want to avoid him now for good. 

"Pero sana hindi mo na sinoli ang pera Naya, magbubuhay prinsesa ka na sana sa laki ng pera na 'yon. Tsaka pa-kunsuwelo niya na sana 'yon sa 'yo I mean anim na buwan ka niyang napakinabangan pero ikaw wala ka namang nakuha sa kanya tapos ganito pa ang nangyayari."

He's right, kahit nga hindi na ako tumanggap ng kliyente o costumer ay siguradong mabubuhay na ako sa laki ng pera na ibinayad sa akin ni Pierre pero kase hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit parang hindi na tama ang ginagawa namin. O siguro kase na-attached lang ako sa kanya? Kaya ganito ang nararamdaman ko? Balak ko nga din ipasoli kay Uno ang binigay na regalo sa akin ni Pierre, 'yong mga damit, dress at mga alahas na binigay niya sa akin.

Naya was on a deep thought when Uno held her hand.

"What?" I shrugged my shoulder while looking at him, kalabit kase ito ng kalabit sa kamay ko at lalo lang akong nahihilo dshil may mga pasahero pa kase na sumasakay sa eroplano.

Hindi naman agad nagsalita si Uno at sa halip ay may tinuro ito sa unahan ng eroplano. "Oh my god girl si Mr. Mozanto!"

Napaayos tuloy ako ng upo ng marinig ko ang sinabi ni Uno at kasabay no'n ang pagtingin ko sa harapan at pagtama ng tingin naming dalawa ni Pierre. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co