Truyen3h.Co

The governor's son

CHAPTER 30

Maribelatenta



Nicollo is backkkk..

"Tsk, kung kailan naman wala ka na sa pulitika tsaka ka nakakatanggap ng mga ganyan." Hindi makapaniwalang sabi ni Gerald sa matalik na kaibigan na si Eros, pinuntahan niya ito sa mansyon nito dahil tumawag nga ito sa kanya. Tapos heto pala at may problema pala ito at hindi lang simpleng problema dahil malaking problema at hindi basta-basta puwedeng hindi pansinin. 

"At wala din akong idea kung sino ba ang putangina nagpapadala niyan." Gigil na sabi ng dating gobernador na si Eros, ito na ang pang-anim na beses na nakakatanggap siya ng death treat at hanggang ngayon hindi pa din niya alam kung kanino ba 'to nanggagaling. Ikinuwento niya na ang tungkol dito sa mga kaibigan niya dahil iniisip din niya na baka totohanin na lang isang araw ng nagpapadala ang mga banta nito at 'yon ang guato niyang iwasan. 

"Nagpatulong ka na ba sa mga pulis? Mahirap 'yan pare lalo na at hindi mo alam kung sino ang nakabangga mo." Ani ni Micheal na tinitingnan ang maliit na box na may lamang manika at may dugo. Base sa amoy no'n ay alam nilang dugo lang 'yon ng hayop pero kahit na, siraulo pa din ang nagpapadala nito kay Eros.

Sinenyasan naman ni Eros ang isa sa mga tauhan niya para alisin 'yong box na natanggap niya kaninang umaga na nasa ibabaw ng lamesa. Katakot-takot na sermon ang nakuha ng mga 'to kanina dahil lagi niyang bilin na dapat mahuli ng mga ito kung sino ba ang putanginang nagpapadala ng treat sa bahay nila pero wala dahil base sa cctv video na nakakabit sa harap ng mansyon niya ay hinagis lang 'yon ng dumaan na naka-motor sa labas ng gate nila.

"Tinanong mo na ba si Nicollo? Baka naman may naka-alitan siya sa pulitika kaya ikaw ang napapadalhan mg ganyan." Sabi din ng balae ni Eros na si June na naroon din.

Eros shook his head as his answer. "Kilala ko ang batang 'yon magsasabi 'yon sa akin kapag nakatanggap siya ng ganyan isa pa wala naman siyang nakaka-away simula ng maging mayor siya."

"Pero hindi mo masasabi, ang inggit ay kasama na sa pulitika at baka may naiinggit sa 'yo o kaya kay Nicollo." Sabi din ni Gael na pinsan naman ni Eros, siya din ay nabigla ng malamang ilang beses na nakakatanggap si Eros ng mga ganoong treat. At oo medyo nakakabahala na dahil pang-anim na beses na pala ito.

'Yon din ang isa sa iniisip na dahilan ni Eros pero sino naman kaya sa ang maiinggit sa kanila? At kung kay Nicollo naman 'yon ay bakit may maiinggit sa anak niya? Malinis ang pagka-panalo ng anak niya bilang mayor dahil land slide talaga ang nangyari noong eleksyon. "Kaya nga hindi ako masyadong umaalis nitong mga nakaraang linggo ng bahay dahil baka si Sienna ang makatanggap ng mga ganito o kaya makita niya." At 'yon ang isa sa ayaw niyang mangyari, Sienna might get hysterical once she found out about this. At hinding-hindi niya papayagang mangyari 'yon lalo pa at may sakit sa puso ang asawa niya.

"Pagsasabihan ko sina Aidan at Miracle na mag-ingat at huwag munang maglabas-labas." Sabi pa ni June at baka magpadala din siya ng mga tauhan para sa mga ito bilang dagdag proteksyon. Alam naman niyang hindi papayagan ng anak niyang si Aidan na may mangyaring masama sa pamilya nito pero mabuti na din ang nag-iingat.

"Pinapasundan ko sila sa mga tauhan ko ng hindi nila alam, ayoko muna Hunyo malaman ni Miracle ang tungkol dito dahil sigurado akong mag-aalala 'yon para sa amin." Ani ni Eros,  katulad ng asawa niyang si Sienna ay naoperahan na din ang panganay niyang anak na si Miracle at kahit na-operahan na ito at okay naman na ang puso katulad ng asawa ay ayaw niyang may mangyari dito na hindi maganda kapag nalaman nito ang mga treat na natatanggap niya. The safety of his family is more important now, at kung kaya naman niyang alamin kung sino ba ang gumagawa ng mga ito na hindi sinasabi sa kanyang pamilya ay gagawin niya. 

"I'm just worried about our apo's Eros, alam ko hindi papayagan ng anak kong si Aidan na may mangyaring hindi maganda sa pamilya niya pero syempre hindi naman na natin sila kasama sa bahay." Dagdag pa ni June, nakabukod na kase ang mga ito sa kanila.

"No worries dahil naghagilap na ako ng tao na tutulong para makilala kung sino ba ang nagpapadala ng mga ito sa akin at oras na malaman ko kung sino ang putanginang 'yon ay mapapatay ko na panigurado." May diin na sabi ni Eros, hinding-hindi siya papayag na may mangyaring masama sa pamilya niya at handa siyang makipag-patayan kapag ganito na ang nangyari.

   Gigil na pinag-susuntok at pinag-sisipa ni Nicollo ang lalakeng nahuli ng mga bodyguard niya na nagpadala ng sulat sa kanya sa munisipyo. Alam niyang may nag-utos lang dito at ang gusto niya lang din mangyari ay sabihin nito sa kanya kung sino ba.

"Umamin ka na kung sino ba ang nag-uutos sa 'yo dahil kapag hindi ka pa nagsalita hindi kita hahayaang umalis dito ng buhay." Hindi siya natatakot para sa sarili kung hindi natatakot siya na malaman ito ng pamilya niya at pati na ang girlfriend na si Thalia.

Mariing umiling lang ang lalake at kahit nakagapos na ito sa upuan at puro pasa na ang mukha ay nagawa pa nitong tawanan ang binata. Kaya naman sa labis na pang-gigigil ni Nicollo ay muli niyang sinikmuraan ito. Huwag lang talaga magkakamali na ang pamilya niya ang padalhan ng mga gano'ng treat dahil talagang maghahalo ang balat sa tinalupan kapag nagkataon. Ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang tungkol dito, lalo na ang Mommy Sienna niya. 

"So hindi ka talaga aamin ha?" Hinawakan ni Nicollo ang panga ng laki at dumiin ang paghawak niya doon. 

Bayad ako Mayor, at kahit anong piga mo pa sa akin ay wala akong sasabihin sa 'yo." Dinura pa ng lalake ang dugo sa kanyang bibig tsaka nakangising tumingin kay Nicollo.

"Kung gano'n mabuti pang patayin na lang kita." At tsaka binunot ni Nicollo ang baril sa kanyang tagiliran at binaril ang lalake na nakatali sa harap niya. Kung ang Daddy Eros niya ay madadaan pa sa usapan at suhol siya naman ay hindi dahil maikli lang din ang pasensya niya. 

Leon Dela Vega (2nd gen) is now on going and pay to read on patreon and vip group.

#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co