Truyen3h.Co

The governor's son

CHAPTER 35

Maribelatenta


Hello may excess copies po ako ng book ni Rios at Samuel, this weekend na po ang dating.

Manila..

Samuel hurriedly went home after his wife Brielle called him, he was already in Dawson pharmaceutical company when she called him and he was really incredulous when he heard about the incident in San Juaquin. 

"Daddy, si Nicollo.." Garalgal ang boses na sabi ni Thalia ng dumating ang ama, ginising siya ng kapatid kanina ng mabasa nito sa isang local tv news page sa social media ang nangyari sa nobyo at hindi niya alam kung ano ba talaga ang nangyari dahil ng subukan niyang tawagan ang number ni Nicollo ay unattended  'yon. Wala siyang idea na huling beses niya na palang makakausap si Nicollo kanina bago ito pumasok sa munisipyo. 

Niyakap naman ni Samuel ang anak, Brielle was looking at him also. And even their two sons was there too. "Pupunta tayo sa San Juaquin Thalia, hinihintay ko lang 'yong tawag ng piloto kung okay na ba ang helicopter." Sabi niya sa anak, of course he knew what his daughter felt right now. Tinatawagan din niya kanina si Eros kung ano ba ang nangyari sa anak nito pero hindi din sinasagot ang tawag niya. Kaya naman ang tinawagan niya na ay ang pinsan na si Abigail at maging ito ay nabigla din ng malaman na pinagbabaril nga ang sasakyan ng binata habang pabalik sa munisipyo. Papunta din ito kasama ang asawa na si Gerald sa ospital para alamin ang nangyari. 

"I-I'm calling him Dad pero walang sumasagot sa tawag ko, and even Tita Sienna doesn't answered my call." Umiiyak pa din na sabi ko, maski nga si Miracle ay tinawagan ko na at ang sabi nga ay sinundo daw ito ng mga in-laws nito and like me she was shocked too about the firing incident of her brother. At kung bakit o sino ang may gawa nito ay wala pang nakakaalam. 

"Baka nasa ospital ang mag-asawa anak kaya hindi sinasagot ang tawag mo. Tinawagan ko na din si Abigail at papunta na nga din daw sila kanina sa ospital para makibalita kung ano ba talagang nangyari." Sabi pa ni Samuel, natural lang naman na mag-alala ang anak niya sa nobyo nito at parang hindi niya kaya na makita si Thalia ng ganito. Parang nung isang araw lang ay humihingi si Eros sa kanya at mga kaibigan niya ng tulong para mahanap at makilala ang nagpapadala ng death treat sa pamilya nito tapos ito na nga ganito na ang nangyari.

Doon naman tumunog ang telepono ni Samuel kaya bumitaw muna siya sa pagkakayakap ng anak para sagutin 'yon. And he was glad when the pilot of his helicopter called him. 

"Halika na hihintayin niya na lang tao sa open field." Samuel was referring on the open field inside of their subdivision, naayos na pala ng piloto niya at natawagan ang homeowners ng subdivision nila para sa emergency landing ng helicopter at na clear na nga ang open field. Doon na lang sila susunduin para makapunta sila ni Thalia sa San Juaquin.

"Hindi na ako sasama Samuel at walang maiiwan sa mga bata." Sabi naman ni Brielle na nag-aalala din. Hindi nga siya magkanda-ugaga kanina ng umiyak ang panganay nila ng puntahan siya nito sa kuwarto at ang mga kapatid pa nito ang nagkuwento sa kanya kung ano ba ang nangyari.

"I know wife and kami na lang ni Thalia ang pupunta doon, and please wala munang lalabas ng bahay mga anak." Ani ni Samuel na tiningnan ang dalawang anak na lalake. 

San Juaquin..

Eros called Rios after he reached the hospital, ito ang kaibigan ni Samuel na sa PNP nagtatrabaho at may mataas na puwesto na doon. May mga local media na agad sa ospital na nakiki-usisa sa nangyari sa anak niya na nasa loob pa din ng emergency room. Naghiwalay na sila kanina ni Aidan at ito ang pinauwi niya sa mansyon para tingnan ang asawa na si Sienna at siya ang dumiretso dito sa ospital. Alam niya kaseng magagalit ito kung hindi niya uunahin puntahan ang anak nila. 

"I don't know too pare, wala pang lumalabas na doktor mula sa emergency room." Tuliro na sabi ni Eros, nandito na ang mga kaibigan niyang sina Micheal, Oscar, Gerald at balae na si June. Nakausap niya na kanina ang bodyguard na si Raul na may tama din ng baril ito kase ang katabi ng anak niya sa gitnang bahagi ng sasakyan at sumalo ng bala para sa anak pero dahil pinalibutan ng limang armadong lalake ang sasakyan ay natamaan pa din si Nicollo. Pero kung ilan at saan ay hindi niya alam dahil wala pa siyang nakakausap na doktor simula ng dumating siya kanina. 

"And how about Sienna? Nasaan na siya?" Tanong ni Oscar, nasa bahay lang sila ng asawang si Luna kanina ng matanggap ang balita na inambush nga ang sasakyan ni Nicollo. 

"She passed out when she recieved the death treat at home, at kaya nga ako nagmamadali kanina na umuwi ay dahil doon pero tumawag naman sa akin si Raul at sinabi nga ang nangyari sa kanila." Kuwento pa ni Eros, isa ito sa kinakatakot niya ang pumunta sa ospital. Dahil parang nagka-trauma na siya noong naospital ang asawa niya sa kagagawan niya. At ang huling beses lang naman niyang napunta sa ganito ay noong dalhin niya sa Amerika si Aidan para samahan magpa-opera.

"Pinahatid ko na doon si Abby para may kasama si Sienna." Sabi ni Gerald.

"Pati sila Angela at Miracle ay nagpunta na din doon pero pinasama ko lahat ng bodyguards ko." Sabi din ni June.

"I-I don't know, kung sino ba ang putanginang gumawa nito kay Nicollo at sino ang nagpapadala ng treat sa amin." Gulong-gulo na sabi ni Eros, he felt useless actually dahil pinangako niya sa sarili na ano man ang mangyari ay poprotekhan niya ang pamilya niya pero heto at nasa alanganin ang buhay ni Nicollo. At parang hindi niya maisip na may mangyaring masama sa anak niya, people may know he have a strong personalities but deep inside mahina siya sa ganito lalo na kapag pamilya niya na ang pinag-uusapan. 

Wala naman magawa ang apat na kaibigan ni Eros kung hindi tingnan siya, Eros will be Eros pero iba na talaga kapag ganito. 

"Eros.." Tawag ni Rios na kasama ang ibang pulis na taga doon sa bayan ng Burgos kung saan dito din Mayor si Nicollo. 

Tumayo naman agad si Eros at nilapitan si Rios. 

"Patay ang driver ng anak mo at 'yong isa pang bodyguard na nakaupo sa harap. And upon investigating nakakatanggap na pala itong si Nicollo ng mga death treat simula noong nakaraang buwan." Paliwanag ni Rios, buti na lang at one call away lang din ang kaibigan niyang si Marcus Delgado at napahatid agad siya sakay ng isa sa helicopter nito papunta sa San Juaquin matapos siyang tawagan nitong si Eros kanina.

"P-Paanong nakakatanggap siya ng death treat?"Naguguluhan na tanong ni Eros, si Nicollo may death treat din? How come?

"Pinag-report po ni Mayor kanina 'yong bodyguard niya sa presinto tungkol sa death treat na natatanggap nila at may ebidensiya po doon Gov." Singit naman ng hepe ng ng presinto sa Burgos, bagitong pulis pa lang siya ng maging Gobernador si Eros noon pero kapag nakikita niya ito ay hindi na din naalis ang tawag niya na Gov.

"Putangina!" Mahina pero mariin na pagmumura ni Eros, kung may natatanggap na death treat ang anak niya ay pareho lang pala sila. Pero hindi ito nagsabi sa kanya at maging ang mga bodyguards nito. 

"Tinitingnan namin ang lahat ng anggulo kung ang nag-ambush ba kay Nicollo ay 'yon din bang mga may gawa ng pag-patay sa ibang pulitiko dito sa probinsiya niyo and looking on your reaction ay alam kong hindi nagsabi ang naak mo tungkol sa mga treat na nakukuha niya."  Sabi pa ni Rios.

"Yes wala talaga dahil maski ako ay nakakatanggap ng gano'n diba? And I told you about that when we were in Manila." Ani ni Eros, ngayon na-realize niya na baka kaya hindi nagsasabi si Raul sa kanya ay baka sinabihan ito na Nicollo na wag ipaalam sa kanya. He knew his son at ayaw nito na mag-alala sila lalo na ang asawa niya. 

"Pero may nakuha na po kaming mga cctv footages na sinakyan ng namaril kay Mayor at inaalam na ho kung sino ang may-ari no'n." Sabi ulit ng hepe.

Eros nodded. "Sige salamat, maraming salamat sa inyo and please kapag nalaman niyo kung sino ba ang gumawa nito sa anak ko ay ako mismo ang papatay sa kanya."

#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co