Chapter40
Chapter 40
Dream
"Wag please!!" Sigaw ko ng tinutukan ni Mike si Sebe ng baril. Duguan na ang mukha ni Sebe at may tama sa balikat. Wala siyang malay!
Parang sasabog sa kaba at takot ang aking nararamdaman para kay Sebe at sa anak namin.Gapos ako ng dalawang lalaking nakaitim.
Mike laughed evilly.
"Alam mo? Minahal naman kita e, pero bakit siya pa?!" Sigaw nito sa akin.
Agad akong umiling,luhaan.
"Pwede namang tayong dalawa at sila ni Eli diba? Bakit siya pa ha?!" Sigaw nito muli sa akin at tinutok ang baril sa ulo ni Sebe.
"Please..M-Mike! Maawa ka! Bu-buntis ako!" I begged.
Nagbabakasakaling maawa siya sa akin at wag patayin si Sebe. Awang awa ako sa mukha ni Sebe.
God knows how I prayed to take all the pain. Kung pwede ako nalang sa sitwasyon niya.
"I can be a father of your child.".
Sabi niya at sabay ang pagputok ng baril niya sa ulo ni Sebe.
Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko. Dinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Wag!" My screamed.
Umahon ako na tila mula sa pagkakalunod at huminga ng malalim. Tagaktak ang pawis at puno ng luha. Ramdam ko ang pag hawak ni Sebe sa aking braso ang isa hawak ang pisngi ko.
"Baby.. " Punong puno ng pag alala ang mukha nito.
"S-Sebe." I sobbed at niyakap siya ng mahigpit.
Oh my god! It's a nightmare!
Sobrang higpit ng yakap ko,walang pakealam kung hindi man ako masyadong makahinga.
"Baby It's okay.I'm here." Hinagod niya ang buhok at hinahalikan.
"A-Akala ko.. Akala ko mawawala kana sakin." My voice croaked. Nalunod iyon ng aking hikbi.
Amoy ko ang inumin sa kanyang bibig. Siguro kakatapos lang nilang mag inuman.
Tahimik na din ang buong paligid. Hindi na pareho kanina na maingay ang kuwentohan nila.
"Hindi ako mawawala. It's just a fuckin' dream. I wont let that happen." He surely said at hinalikan ako sa pisngi.
Mas lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.Sobrang pasasalamat ko na ang lahat na iyon ay panaginip lang!
Parang ayaw ko ng umalis pa sa tabi ni Sebe kung pwede lang na wag na siyang umalis sa tabi ko gagawin ko.Sobrang natakot ako sa aking panaginip.
Akala ko totoo!
Mas lalong idiin ang sarili kay Sebe at umiyak ng tahimik. He's just kissing my cheeks and my hair.
Nang nahimasmasan ako ay bumaba siya at kumuha ng tubig. Alam kong medyo lasing siya dahil namumula na ang dibdib at leeg niya,kita ko iyon dahil nakahubad siya ng pang itaas.Bumalik siya ng may dalang tubig at gatas.
Umupo siya sa tabi ko at iniabot iyon sa akin.
"Saan sila Kylie?" Tanong ko.
"Tulog kana."Pagkatapos kong inumin ang gatas ay nilapag ko iyon sa side table.
Wala akong sabing kumandong sa kanya at agad naman humawak ang dalawang kamay niya sa aking baywang.
"Dahan dahan." Paala ala nito.
I hooked my arms on his neck and buried my face. "Ang sama ng panaginip ko." Mahinang sabi ko sabay buntong hinga.
"Its just a dream".
"Pero natatakot ako." Sabay tingin ko sa kanya.
"Wala kang dapat ikatakot. I will protect you. May mga taohan ako para sa kaligtasan mo."
Napakurap kurap ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kanyang taohan. Iba kasi ang bodyguards niya. Iba rin yung mga taohan niya na tumulong sa amin noon sa school.
They have guns! And they wearing all black in uniforms!
"Hmm," I caressed his hard and bulky chest. "Where did you get your men?"
Tanong ko.
He remained serious.
"Kay Marco." Tanging sagot niya.
"Yung kaibigan mo?" Tanong ko.
He nodded..
"He's really rich and powerful pala." Wala sa sariling sinabi ko. Totoo naman yun e.
Biglang tumalim ang tingin niya sa akin.
"What?"
"You like him?" He accused.
What the fuck?
"Hindi! Totoo naman yung sinabi ko!"
"You're very pregnant with my baby Natalia."
Humagalpak ako sa tawa.
"What the fuck Sebe." I cannot believe him. Kaibigan niya yun e! Pinagseselosan niya!
He cursed too.
"Your mouth." He warned.
Agad akong napatikom..Nanghagilap ng pwedeng sabihin. I cleared my throat.
"Ano na pala ang tungkol kay Eli at---".
"Hindi ka pwedeng mastress Natalia, wag ka nang mabahala. Ako na ang bahala tungkol diyan ang importante sa akin ngayon ay kayo ng anak ko. Ayokong maulit pa ito.."
Mabilis lumipas ang araw. Umuwi na sila Kylie at Jenn kasama ang kanilang boyfriend.
Huling araw na namin dito sa Tagaytay. Hindi na ako nag open topic pa tungkol kina Eli at Mike . Ayaw ni Sebe na ma depress ako. Siya na daw ang bahala doon sa tulong na din ng kanyang kaibigan na si Marco.
Hindi ko alam kung ano ang mga tulong ni Marco sa kanya. Ang alam ko lang ay isa sa mga mapagkakatiwalaan na mga agent ang kanilang team.
Yung trabahong secret agent. Legal silang humawak ng baril. Ganon sila ka yaman. Na kahit na mga alta ay lumuluhod pa sa kanila. Kahit presidente ay walang sabi sa kanila.
Nakaupo ako sa kama at nanonood ng Netflix. Habang si Sebe nasa laptop at may kausap sa cellphone.
He's busy lalo nang wala siya sa Manila. Damon took the responsibility for now na wala si Sebe.
Lalo na si Sebe na ngayon ang Ceo at si Damon ang COO.
Agad akong umahon sa kama at pinuntahan siya. Umangat siya ng tingin sa akin habang papalapit ako.Kumalabog naman bigla ang dibdib ko sa isang tingin niya lang.
I am wearing a white dress. Agad niyang hinubad ang eye glasses niya at agad nilahad ang kamay sa akin.
''Sit here.." He tapped his lap.I smiled and bit my lip. Marahan na umupo sa kanyang kandungan.
"Tired?". I asked at hinilot ang kanyang noo.
"Yeah..."
"Sebe, pasanin ba ako?" Agad siyang napadilat dahil sa sinabi ko..
Totoo naman! Noon hindi naman siya ganito ka busy! Lagi naman siyang may nakalaan na oras para sa sarili niya. Ngayon ay halos hindi na siya maka pagpahinga dahil sa trabaho niya.
"What are you saying?" He hissed.Tinigil ko ang paghihilot sa noo niya.
"Cant you see? Halos napabayaan mo na ang kompanya ninyo. Nang dahil sa akin ay nagkagulo gulo ang tahimik--".
"You're my responsibility now Natalia. Kung ano man ang problema mo. Problema ko din ngayon, lalong lalo na buntis ka sa akin.Please baby dont pressure yourself about this.".
"Pero Sebe.." Nangingilid ang aking luha.
"I love you and I'll protect you as long as I can. I'll protect you and our baby. Kung bakit man ako ganito ngayon dahil gusto ko kayong bigyan ng perpektong pamumuhay."
Pa simple akong suminghot para hindi makaiyak.Gosh! Wala na akong hihilingin pa. I really love him so much. Hindi ko aakalain na may magmamahal sa akin ng ganito.
"I love you.." Tanging sabi ko at niyakap siya ng mahigpit..
If this is a dream then I dont want to wake up anymore. Mananatili akong ganito kasama siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co