Chapter45
Chapter 45
Were Done’
Days passed like a blur. Pilit kong nilimot yung interaksyon sa pagitan namin ni Claire. Naging okay naman kami ni Sebe. Bawat araw na nagdaan ay lalo lang siya naging sweet sa akin.
My baby bump is now visible. Ramdam ko na gumagalaw ang baby sa loob ng aking tiyan.
Kakaiba yung pakiramdam na ganito. Halos hindi pa matatak sa utak ko na magiging ina na ako. Ngayon hindi na ako mapili sa aking kinakain. Pero may mga cravings pa rin ako.
Minsan dumadalaw sa akin si mommy Christina at daddy Raymundo. Sa mga nagdaan din na araw ay nagkakilala din si Mama at sila mommy Christina and daddy Raymundo.
Wala akong masasabi. Hindi ko halos maisip na magiging ganito ka ayos ang lahat. I have nothing to ask for. Kontento na ako ngayon kay Sebe.
"Mas mabuti na iyon dahil hindi niya natuloy ang balak niya! Loka loka talaga e." Sabi ni Jenn at ininom ang juice sa mesa.
I got bored. Timing din na pupunta siya dito dahil wala din daw siyang magawa. Sa mga nag daan na araw ay palaging bahay at trabaho si Sebe. Minsan hating gabi na umuwi. Pero inintindi ko.
Hinimas ko ang umbok ng tiyan ko tsaka naupo sa harap ni Jenn.
"She's okay now..I know Clinton will take care of her."
Umangat ang tingin ko kay Jenn na nakangisi.
"Bakit?" Malamig na tanong ko at kinain ang mansanas na nasa harap.
"Malaki na ang tiyan mo! Mag fa-five months na yan!"
"Oo, gusto ni Sebe babae."
She chuckled.
"Syempre! gusto niya na maliit na ikaw.Teka, kahit ba malaki na ang tiyan mo ay " Nagkibit balikat siya.
"You know! Nag aanohan parin ba kayo?"
Napapikit ako sa sinabi ni Jenn. Oh dammit. If she only know.
I shrugged.
"He's a monster bed." Simpleng sabi ko na ikinatawa niya.
"I knew it!"
Nang hindi makontento sa bahay ay nagkayayaan kami Ni Jenn na pumuntang Shang rila.
I wore a white dress and a flat doll shoes. Hinayaan ko ang mahaba kong buhok na lumugay.Sasamahan daw ako ni Jenn mamimili ng mga maternity dress.
"Eto kaya?" Kinuha ni Jenn ang isang dress na nakahanger at sinukat sa akin.
Tinignan ko iyon. It's okay I find it fine.
"Magkano ba?" Tanong ko.
She pouted at hinanap ang tag " Six hundred fifty."
"I'll get it."
Nilapag niya sa cart iyon at lumibot kami.
Luminga linga ako sa paligid upang maghanap ng puwedeng bilhin. Nang hindi sadya na mahagip ng tingin ko ang isang lalaki na nakatalikod.
My forehead creased when I saw a familiar persons.Nanliit ang mata ko at nilapitan iyon. Hindi ko na alintana si Jenn na nandoon.
"Hey! Saan ka?" Medyo sigaw ni Jen.
"Dito lang. " sabi ko na walang lingon.
Hindi na ako sinundan pa ni Jenn kaya lumapit na ako doon. Nasa jewelries section si Sebe?
Nabigla man ako pero nanatili ako sa kinatatayuan ko hindi malayo sa kanya.
He's like waiting someone? Nakapamulsa siya na nakatayo doon .Bakit siya nandito? Bakit hindi siya nagtext sakin?
Lalapit na sana ako pero natigil ako sa kinatatayuan ko nang biglang lumabas galing sa jewelries section si Claire!
What are they doing here? Bakit sila magkasama? Parang tinarakan ng punyal ang aking puso nang makitang humawak si Seb sa kanyang baywang at tumawa silang dalawa.
Napakurap kurap ako. Ramdam ko ang pagsikip nang aking dibdib. Bago pa ako nabuwal doon ay bumalik na ako sa kinatatayuan ni Jenn na abala sa pagpipili.
"Let's go Jenn." Sabi ko sa kanya sa nanginginig na boses. Hindi ko na kinuha ang dress hinayaan ko na iyon doon.
"Ano? Bakit? Kakarating lang natin ha!"
Mabilis ang bawat hakbang ko na tila wala na akong pake kung buntis man.
Suminghap ako para hindi bumuhos ang aking luha! Gulong gulo ako! Bakit sila magkasama?
They look so good and happy together! Tila sanay na sanay sila sa isat isa! Well,oo nga pala magkababata pala sila.
Pumait ang sistema ko dahil doon. Sapat na ang nakita ko para makaramdam ng ganito. Hindi siya nagti text sa akin. Hindi din tumatawag.
Anong ibig niyang sabihin?
Nang dumating sa glass house ay hindi na pumasok si Jenn. Diretso uwi na daw siya. Which is pabor sa akin. Gusto kong makapag isa.
Gusto kong isipin na wala lang iyon . That they were just close because they were childhood friends!Napaupo ako sa sofa kasabay ang buhos ng aking luha.
She's crazy! I am pregnant for fuck sake! Wala na siyang magagawa!
Ang tahimik ng buong mansyon ay nagbigay lungkot sa akin. Sebe suppose to be at my side all the time. Pero inintindi ko dahil may trabaho siya.
I felt so alone and hopeless right now. Mali ba ang desisyon ko noon na manatili sa kanya at mahalin siya? Mali ba ako?Kahit na mabigat ang loob ko ay nagluto ako ng hapunan. Nilapag ko sa mesa ang mga ulam at kanin.
Tinignan ang orasan sa gilid ng lamesita. It's eight clock in the evening.Ngayon ko lang naisip na mag iisang linggo na ginagabi si Sebe.
Kung dumating naman siya ay gumigising ako at siya ay diretso tulog na.
Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako. Alas diyes na nang gabe! hindi pa umuuwi si Sebe? Tinignan ko ang pagkain sa harap ko sa mesa at nakitang hindi pa nagalaw iyon.
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib at galit.Bumuntong hininga ako at kumain mag isa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
I am so stress!
Nang matapos ang dapat gawin ay humiga na ako sa aming kama. I hugged the pillow beside me.Kalagitnaan ng gabi ay naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto.
Hindi ako kumibo. Nanatiling nakapikit ako at pilit dininig ang kanyang galaw.Gustong gusto ko siyang sigawan at singhalan dahil sa nakita ko kanina pero hindi ko ginawa.
Higpit na hawak ang kumot sa aking katawan ay sabay ang paglubog ng kama . Tanda lang na tumabi na siya sa akin.
Agad kong nalanghap ang amoy ng alak sa kanya.Naramdaman ko agad ang pag dampi nang kanyang palad sa aking pisngi.
Halos maiyak ako nang naramdaman ko ang init ng palad niya na banayad na humahaplos sa akin. Yung feeling na magkasama kami sa iisang bubong pero parang nakukulangan ako.
He's being so cold. I am not used to this.
Siguro kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga malalaman ko. Alam kong meron akong hindi nalalaman eh.
Siya lang ang hinihintay ko na magsabi sa akin.
Natapos ang gabi na iyon na nakaya ko. Pag gising sa umaga ay ganon pa din . Hindi ko na siya naabutan pa . Palagi siyang maagang umaalis.
Pero may nakahain na sakin na breakfast,vitamins at gatas sa dining area. Even if he's cold. Nanatiling caring naman siya sa akin.
Agad kong tinignan ang aking cellphone ng tumunog iyon.
From Sebe: Goodmorning baby.
Eat your food and drink your vitamins. I love you.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or ano. Pero hindi ko naman magawa ang ngumiti.
Napagtanto ko na hindi biro ang maging buntis. Ang daming bawal. Palagi ding sumpungin.Nang dumating ang tanghalian ay napasyahan ko na magluto at dalhan si Sebe ng pagkain.
Nilagay ko ang adobong manok at kanin sa tupperware at nilagay sa eco bag.
Inayos ko din ang sarili ko. Nagsuot ako ng pink na dress at pink na dollshoes.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Bakit namayat ako? Namayat at malaki ang aking eyesbags.
Umiinom naman ako nang vitamins ah. Nakita ko din na maputla ako.Hindi ko nalang pinansin ang aking itsura at pumunta na sa HMC building.
Ngumingiti ako sa mga ngumingiti sa akin. Bumabati sa mga bumabati.
"Good noon maam." Bati ng sekretarya ni Sebe sa akin.
"Good noon." Bati ko.
"Wala po diyan si Sir Sebe ma'am." Sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko.
Tila natakot naman siya sa sakin . Hindi ko din kasi matandaan na kumausap ako sa kanya ng maayos. Madalas kasi noon ay hanggang bati at tango lang ako.
"Where is he? " seryosong tanong ko.
"Nasa conference room po maam! May meeting po sila kasi kanina. Pero tapos naman po baka nandoon pa siya.".
"Okay saan yun?"
"Diretso lang po at kumaliwa ka ang unang pinto po"She smiled.
"Thanks."sabi ko at agad tumalikod.
Namamawis ang aking noo at kinakabahan ako. Bawat hakbang ay parang sasabog ako.Hindi ko alam kung bakit. Pagkaliko ay nakita ko na agad ang kulay ginto na pinto.
I inhaled deeply at dahan dahan iyong binuksan.
Sa babagasin ma mesa sa harap mismo ng mga maraming silya sa harap ay nakaupo si Claire doon.
Sebe and Claire fucking kissing. Kita ko ang mahigpit na hawak ni Claire sa batok ni Sebe at paghawak ni Sebe sa baywang ni Claire.
They're looked so busy huh? Na kahit binuksan ko na ang pinto ay hindi pa nila ako narinig?
Ramdam ko ang malapit ko na napag sabog. Uminit ang pisngi at batok ko sa galit. Ramdam ko ang namumuo na luha sa aking mata.
Padarag kong binitawan ang eco bag na may pagkain. Agad silang napatingin sa akin . Kita ko ang pagtulak ni Sebe kay Claire .
Pareho silang namutla.
Nanlilisik ang mga mata ko na tinignan sila.
"T-tapos na kayo?" Tila naging bulong iyon dahil hindi ko magawang sumigaw sa sakit.
"Baby.." Lumapit agad si Sebe sa akin para hawakan ako.
Hinintay ko siya na makalapit at sinampal ng pagka lakas lakas ang kanyang mukha.
"Mga baboy kayo! So eto pala? Kaya ka malamig sa akin?" Sigaw ko nang tuluyang sumabog na.
Kita ko ang bakat ng sampal ko sa mukha ni Sebe. Namula iyon pate ang leeg niya ay pula na din sa hindi ko malaman na dahilan.
Binalingan ko agad si Claire at walang pag iisip na lapitan at hinigit ang kanyang cleavage. Pinunit ko ang damit niya at pinagsasabunotan siya.
Walang silbi ang kanyang tili dahil sa galit ko. Lumabas ang kanyang dibdib dahil punit na ang pang itaas niya. Agad umikes ang kamay niya doon.
" Please let me explain!" Si Sebe at pilit akong hinihila palayo kay Claire.
Agad ko siyang tinulak at sinampal ulit.
"Huwag mo akong hawakan!" Sigaw ko.
Basang basa na ang mukha ko nang sariling luha.Agad siyang tumingala at nagmura.
"Please... Pakinggan mo ko.."
"Pakinggan ang ano?!" Sigaw ko pabalik.
"Kung paano mo ko niloko? Ha?"
Pilit niya akomg niyakap pero hinawi ko siya.
"Baby.." He pleaded.
Umiling ako. Binalingan si Claire.Iyak siya nang iyak at pilit tinatago ang dibdib.
"Ano? Masaya kana? Maging masaya kana!." Sigaw ko at binalingan si Sebe.
"Dahil ayoko na!"
"Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Simula ngayon hindi mo na kami makikita nang anak mo! Simula ngayon,
sinusumpa ko na hindi ka niya kilalaning ama!" Sigaw ko.
Umiling si Sebe kita ko ang pagpula ng mata niya.
"Fuck ,baby. You can't do this. I love you so much.." Halos lumuhod na siya sa harap ko.
"I can." Diin na sabi ko. "And we're done."
Himawi ko ang kamay niya.
"Walang kasalan na mangyayari!"
Agad akong lumabas ng conference room. Hindi ko na alam ang gagawin ko .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co