Truyen3h.Co

The sexy beast

CHAPTER 01

Maribelatenta



Only 2 chapter of The sexy beast will be post here in wattpad, this story is on going and pay to read on Patreon and vip group. You can dm me on my fb page how to join!

"Naiintindihan mo ba ako Lean? kapag narinig mo 'yong bell sa kahit saang parte ng bahay na 'to ibig sabihin no'n tinatawag ka ni Sir Kyden sa kuwarto niya at pupuntahan mo siya sa itaas dahil siguradong may iuutos 'yon."

"Opo naiintindihan ko po." Magalang kong sagot kay Manang Esme, ako si Lean Lampitoc at lilinawin ko lang hindi Lean ang pag-bigkas sa pangalan ko kung hindi Li-yan with silent y! Bente singko anyos na ako at ito ang unang araw ko sa trabaho at oo aminado naman akong kinakabahan ako. Pero sino ba naman ang hindi kakabahan kung alam mo namang masungit at mailap ang magiging boss mo pero sumige ka pa din. Pero kasi sino din bang hindi masisilaw sa tumataginting na singkwenta mil na sahod kada buwan? Siyempre isa na ako doon, kaya naman kahit nagtatrabaho na ako bilang assistant nurse sa provincial hospital dito sa amin ay nag-resign ako doon agad ng matanggap nga ako dito. Kaya kailangan kong ayusin talaga ang pagta-trabaho dito dahil unang-una wala na akong babalikan na trabaho.

"Wag kang opo ng opo diyan at isa-isip mo ang lahat ng sinasabi ko at tandaan mo. Hindi puwedeng magkamali dito Lean naiintindihan mo ba? Alam mo naman na hindi lang ikaw ang unang kinuhang maging assistant dito kaya dapat pag-butihin mo ang magiging trabaho mo." Sabi pa ng matanda na ang edad ay singkwenta'y sais anyos. Siya ang tumatayong mayordoma ng pamilya Sawyer at sa totoo lang ay hindi na talaga siya nakapag-asawa dahil sa paglilingkod niya sa pamilyang ito.

At totoo ang sinabi niya kanina, hindi ito ang unang beses na kumuha sila ng magiging assistant ng Sir Kyden nila. ng personal assistant ba. Kung hindi halos buwan-buwan ay nagpapalit sila. Kung minsan pa nga ay hindi umaabot ng isang buwan dahil natatakot sa kanilang amo lalo na kapag galit talaga. Buhat kasi ng maaksidente ito ay dito na lamang ito nag-lagi sa bahay. Hindi dahil sa nalumpo o may malubhang sakit kung hindi dahil nasunog ang kalahating bahagi ng mukha nito. At para makaiwas sa mga tukso at hindi magagandang salita mula sa ibang tao ay mas pinili nitong magtago na lamang dito sa bahay. Kaya naman hindi din niya maiwasang maawa dito kung minsan lalo pa at mabait naman ito noon pero nagbago lang talaga noong maaksidente ito.

"Wag po kayong mag-alala Manang, hindi naman po ako tatanga-tanga." Masaya kong sabi, mabuti ng alam din ni Manang Esme na hindi ako slow kausap. Aba sa dati kong trabaho bawal talaga ang shunga doon dahil buhay ang pinag-uusapan. Sayang lang talaga at assistant nurse lang ang nakayanan ng magulang niyang patapusin sa kanya. Kasi kung siya lang ay pangarap niya talagang maging nurse at sa ibang bansa makapag-trabaho.

"Hayyy basta ayusin mo ang trabaho mo at ang mga sinabi ko sa 'yong bata ka tandaan mo ng maigi. At kapag nakaharap mo si Sir Kyden umayos ka ng asta." Sabi pa ulit ng matanda, narinig na niya kasi ng maraming beses ang sinabi ng dalaga. Pero sa huli ay hindi din ang mga ito nagtagal dito sa bahay ng amo niya. Pero sana ay huli naman na ito, dahil hindi na niya alam kung saan pa siya maghahanap ng magiging assistant ng boss niya.

"Yes Manang, don't worry po!" Aba kahit sungitan pa ako ng magiging boss ko dito ay handa kong tiisin 'yon no! Maliban sa malaki ang sahod ay magkakaroon pa daw ako ng 13th month pay at bonus kung sakali. At 'yong singkwenta mil na sasahurin ko dito ay walang-wala sa sinasahod ko sa pinapasukan kong ospital na dose mil kada isang buwan lang. Kaya kahit anong mangyari ay magpapakatatag ako dito sa bago kong trabaho!

"Get out! Alisin mo ang pagkain na 'yan dahil wala naman akong sinabi na dalhan niyo ako!' Malakas at galit ang boses na sabi ng trenta'y tres anyos na si Kyden. Kasalukuyan siyang nag-eexercise sa gym niya ng dalhan siya ng meryenda ng isa sa kasambahay nila. At natural nagalit siya dahil hindi naman siya nagpapaakyat ng pagkain dito. At kung kakain man siya ay mamaya pa 'yon at hindi ngayon.

"S-Sorry po Sir, sorry po Sir.." Naiiyak na pinulot ng kasambahay ang pagkain na nagkalat sa sahig. Paano ba naman tinapon 'yon ng amo niya, mainit-init pa naman ang mga 'yon. Pritong saging 'yon dahil nga health conscious itong boss nila at maski tinapay ay hindi kumakain. Pero heto nga at nabulyawan siya at napagalitan.

Inis pa din na binuhat ni Kyden ang dumble na nasa 30 kilos matapos makitang lumabas ng gym niya ang katulong nila. Ito ang ayaw niya, ang tanga kausap at hindi marunong makaintindi ng instruction. Kaya ang ending siya ang napapasama sa mata ng taong nakapaligid sa kanya partikular sa mga tauhan nila dito sa bahay. But he don't care, life became unfair to him also. Dapat nga hindi na siya nabuhay ng maaksidente siya pero heto at dapat niya daw itong ipag-salamat.

Ipagpa-salamat for what? His life became abnormal since his accident happened 5 years ago. Iniwan siya ng fiancee niya na naging nobya niya for almost three years. At alam niya kung bakit ito nakipag-hiwalay, 'yon ang katotohanan na hindi nito matanggap na hindi na mawawala pa o maaalis pa ang mga sunog sa katawan niya. Na kinakahiya siya ni Catherine dahil isa nga naman itong businesswoman at hindi magiging maganda ang imahe niya dito kung sakali. Dahil nawala na ang maganda niyang mukha katulad noon, people said he look monster now. And he hate it, he hate those people who said that to him and treating him like a beast.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co