Truyen3h.Co

The sexy beast

CHAPTER 03

Maribelatenta



Agad akong napatayo ng marinig ko ang bell, hindi 'yong bell na manual na kinakalembang ha, kung hindi parang doorbell na na pinipindot. At gaya ng bilin sa akin ng mayordoma na si Manang Esme ay dali-dali akong umakyat sa hagdan papunta sa kuwarto ni Sir Kyden. Dalawang araw na ako simula ng magtrabaho dito pero hindi ko pa din nakikita ang boss ko, hindi siya lumalabas ng kuwarto at talagang nandoon lang. Tapos ewan ko ba kung bakit ganito ang mayayaman. ganito ba talaga dapat ang hagdan nila? 'Yong talagang madami dapat? Kung sa bagay panget naman kung maikli ang hagdan dito tapos ang laki-laki ng bahay nila.

Pagdating ko sa pangalawang palapag ng bahay ay umayos muna ako ng tayo sa harapan ng pinto, naituro na sa akin kung ano at saan ang kuwarto ni Sir Kyden. And actually para pa nga akong na-eexcite na makita siya. Sa Google ko lang kasi sinearch kung ano ba ang itsura nya and in fairness ang pogi pala ni Sir Kyden, saka mukhang chikboy ang aura. At hindi lang 'yon isa pa talaga siyang mahusay na car racer, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi lalo na sa Amerika. Half Filipino and half American kasi siya pero mas obvious na obvious ang pagiging Amerikano niya dahil sa itsura niya. Pero siyempre hindi naman tayo puwedeng mag-base lang sa itsura niya kasi nga masama 'yon. At dapat sa ugali pa din tayo titingin, kung noon ay masasabi kong ang pogi niya na ano na lang kaya ang itsura niya pagkatapos ng aksidente? Kasi sabi ng ibang kasambahay dito ay naka-mask daw si Sir Kyden, hindi 'yong mask na pang covid ha kung hindi totoong mask kung saan hindi makikita ang sunog sa mukha niya.

Tatlong beses akong kumatok sa pintuan, bilin ni Manang Esme kakatok daw muna ako at huwag basta-basta papasok na lang sa kuwarto ni Sir Kyden. Magagalit daw kasi ito kapag gano'n at natural ayoko naman na magalit siya sa akin. Aba lagi kong sinasaisip na wala na akong babalikan na trabaho kaya dapat ko lang pag-husayan dito.

"Come in.." Isang baritonong boses ang narinig ni Lean mula sa loob. Huminga pa nga siya ng malalim bago nagpasyang pumasok na. Ingat na ingat din ang pag-pihit niya sa seradura ng pinto kasi baka makagawa siya ng ano mang ingay. Sabi nga first impression last, kahit na hindi siya naniniwala sa kasabihan na 'yon.

Madilim pero mabango sa loob. Alas sais pa lang ng gabi pero nakapatay pa din ang mga ilaw dito sa loob ng kuwarto niya. Malamig din dahil nakabukas ang aircon, naaninag ko agad si Sir Kyden na nakaupo kaya parang kinabahan ako lalo.

"What you took so long? Ikaw ba ang assistant na sinasabi ni Manang Esme? Bakit ang tagal mong umakyat?" Sabi ni Kyden habang nakaupo at nakatalikod mula sa pumasok sa kanyang silid. Alam niyang may bago na namang tao dito sa bahay niya dahil pinaalam sa kanya 'yon ng mayordoma niya. Beside kakaalis lang last week ng huli niyang naging alalay, kaya naman alam na din niya na may bago na namang ipapalit dito. Ganito kasi ang nangyayari ng mga nakalipas na taon, madalas walang nagtatagal maging assistant niya. Ayaw niya lang kasi ng tanga na tao, he don't have a patience for that. As in, ayaw niyang makipag-usap at lalong ayaw niyang makipag-halubilo kapag tanga-tanga ang isang tao.

"G-Good evening p-po Sir, o-opo ako nga po 'yong bagong empleyado niyo dito." Teka ganito ba talaga siya makipag-usap? Talagang sa dilim? I mean hindi man lang ba talaga binubuksan ang ilaw kung saan puwede naming makita ang isa't-isa?

Kyden didn't bother to looked back, he just sitting on his swivel chair. Pagkatapos niyang mag-gym kanina ay naligo na din naman siya. He didn't bother to have his snacks too and instead he checked his business through his computer. Oo hindi siya lumalabas mula sa bahay niya at kung lumabas man siya ay napaka-importante talaga ng gagawin niya kapag gano'n. He distance his self to other people because he don't want to be mock by anyone. May mga pinagkakatiwalaan siyang tao sa negosyo niya, at hindi lang kung sino 'yon kung hindi malalapit niyang kaibigan. His business is into car parts, ang negosyong kung saan nagbebenta siya ng mga iba't-ibang klaseng parts ng mga high end na sasakyan dito sa Pilipinas. Galing ang mga 'yon sa bansang Japan at Germany, kaya alam mo din talaga na primera klase at matibay. Maliban doon ay nagbebenta din siya ng mga sasakyan, kahit kasi sabihin na huminto na siya sa pagkakarera ay hindi naman ibig sabihin no'n na nawala ang interes niya sa mga sasakyan. "Where's Manang Esme? I'm starving, I want to eat my dinner by 7." Sabi niya.

"Umalis po sandali si Manang pero nakasalang na po ang hapunan niyo sa kusina, niluluto na po." Magalang kong sagot, may personal chef kasi siya. O diba yayamanin si Sir kasi kung ano ang gusto niyang kainin ay 'yon ang niluluto. Ang sabi ay 35 years old na daw si Sir Kyden at dahil nga sa aksidente na nangyari sa kanya ay malaki ang naging impact no'n sa buhay niya. Nag-iba daw talaga ang ugali lalo pa at nagkahiwalay daw ito at 'yong babaeng papakasalan nga daw sana. Kaya nga curious na curious ako kung ano ba talaga ang itsura niya eh.

Unti-unti namang humarap ang binata, hindi naman totally madilim dito sa kuwarto niya dahil may nakabukas naman na lampshade sa may gilid. He just realize being in the dark is more fun and feel more safe, at mas maganda din ang mapag-isa o siguro nasanay na kasi siya dahil limang taon na siya sa ganitong buhay.

"What's your name again?" Kyden asked the woman in front of her, pustahan hindi 'to magtatagal ng isang buwan dito sa bahay niya at magre-resign din ito kalaunan. Naging habit niya na isipin kung hanggang kailan lang ang itatagal ng mga nagiging assistant niya. And like what he always said walang tumatagal sa bahay niya maliban na lang sa ibang empleyado na narito at hindi siya nakakaharap.

"Ako po si Lean Sir, at your service.." Pagbibiro ko pa para naman mabawas-bawasan ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko man makita ng husto ang mukha niya pero oo nga talagang maaaninag mo na nakasuot siya ng maskara.

"Lean.." Pag-uulit naman ni Kyden sa pangalan ng kaharap. "Do you want to have sex with someone like me who have a disfigured face?"

Complete on Patreon and vip group! Want to read this stories? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)

"P-Po? Ano po?" Gulat na tanong ko kahit naman narinig ko ang sinabi niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co