The Storm's Shadow (PREVIEW ONLY)
Kabanata 4
Kabanata 4
Siguro no'ng nagpaulan ng kamalasan sa mundo, ako ang una sa linya at kuhang-kuha kong lahat.
Hilam ang mga mata ko sa luhang 'di matigil hanggang makauwi ako ng bahay na nagalit si nanay pagkakita sa 'kin.
"Ano?! Bakit ganyan ang mukha mo? Ano? Nalaman mo ang lalaki mo may asawang iba?!" She concluded.
Hindi ako sigurado kung nakikiramay siya o sinasabi sa 'king 'Kita mo na! Sinabi ko na sa 'yo!'
I bet it was the latter.
"H'wag ngayon, 'nay," matamlay kong sinabi. "Pagod ako."
"Pagod?" Tumalim ang tingin niya, "pagod na ano? Magpakasarap sa buhay? Pagod makipaglandian sa lalaki mo? Aba't ang kapal naman ng mukha mong mapagod kung wala ka namang ambag sa pamamahay na 'to!"
Hindi na ako nagsalita at hinubad ko ang sandals ko at maingat na inilagay sa gilid ng pintuan pero patuloy pa rin siya sa litanya niya.
Simula noon ay ganito na kaya sanay na sanay na ako. 'Di naman na bago. Minsan kasi kapag paulit-ulit kasi nakakasanayan mo na lang at normal na. Na wala ka na lang maramdaman.
Pasok sa isang tainga, lalabas sa kabila.
Si Storm, si Storm na pariwara sa buhay. Si Storm na walang alam kung hindi ang lumandi. Si Storm na walang ambag sa pamilya.
"Ni wala kang maayos na trabaho!" Her voice raised. "Ilang taon na lang mag-aaral na ang mga anak mo pero wala kang ipon para sa kanila! 'Di mo gayahin si Varsha! Masipag! Madiskarte at may responsibilidad—"
"Edi siya na lang ang gawin mong anak!" I was so exhausted and spent I couldn't stop my mouth any longer. "Siya naman ang magaling, 'di ba?! Siya ang the best! Si Varsha! Palagi na lang si Varsha, edi siya na lang ang anak mo! Pinipilit ko bang gawin mo akong anak?"
Her mouth parted.
"Anong karapatan mong sagot-sagutin ako?!" She hissed under her breath. "Tatandaan mo na pinalaki kita ng maayos! Pinakain! Binigyan ng edukasyon! Pinag-aral! Malaki ang utang na loob mo sa 'kin—"
"Hindi ba ganyan naman talaga dapat ang ibigay ng magulang sa anak niya?" I asked bitterly, "bakit gagawin kong utang na loob ang responsibilidad mo?"
Mas bumilis ang paghinga niya, ang luha sa mata'y mas kumislap. It hurt me seeing her that way but can't she see I was hurt, too?
Buong buhay ko! Buong buhay ko sa akin ang bagsak ng galit niya! Kambal naman kami ni Varsha, ah? Bakit siya puro pagmamahal? Bakit sa akin puro ganito?
"I didn't asked to be born, Nanay. Hindi ko pinilit kang ipanganak ako! At ngayon 'di kita pipilitin na ituring pa rin akong anak! Para saan pa kung si Varsha naman palagi ang bida sa 'yo, hindi ba? Edi siya na lang ang anak mo!"
Her eyes widened in disbelief, hearing me this way.
"Sumasagot kang bastos ka—"
"Bakit?! 'Di ba kapag tinatanong ka sinong anak mo sinasabi mo palagi iyong isang nasa ibang bansa?! Tapos kapag ako na ang topic mag-iiba ka?!"
Natahimik siya at mukhang dedepensahan ang sarili kaya pagak akong natawa at hinawi ang luha ko.
"K-kung ayaw mo sa 'kin, okay! 'Di ko naman pinipilit na gawin mo akong anak! Kasi 'di ba, wala kang anak na patapon? 'Di ko naman ginustong ikaw ang nanay ko! 'Di ko ginustong maging anak mo kaya pasensya! Sorry kung wala akong kinabukasan! Sorry kung malandi ako! Sorry kung pabigat ako sa 'yo!"
Marahas kong hinawi ang luha ko nang makitang mas nagtutubig na rin ang mga mata niya.
I was so hurt, nagpatong-patong na ang mga putang inang problema! Wala ba akong pahinga man lang?! Kahit isang oras lang! Ayos lang naman, eh!
"H'wag kang mag-alala, 'nay," suminghot ako at marahas na hinawi ang luha ko. "Hindi na kami magpapabigat sa 'yo ng mga anak ko."
I went inside the house to go to our room. Nakita ko kaagad ang kambal na nakaupo sa kama at magkahawak ang mga kamay, ang inosenteng mga mata'y mukhang takot.
I realized I was frowning so hard that I sighed and closed my eyes.
"I'm sorry," bumaling ako sa dalawa at unti-unting lumuhod sa gilid nila, "how are you two? Kumain na kayo, mga anak?"
The two nodded, si Sunny ay kagat-kagat ang labi niya habang si Sky ay 'di sumagot at nakatitig lang sa akin.
I stared at my nephew's blue eyes gazing at me and suddenly thought of something when the door of my room opened and we saw nanay striding inside.
"Anong ibig sabihin mo, Storm?!" Mariing sinabi niya.
Napairap ako sa hangin.
Why does she care, anyway? Dapat masaya siyang aalis na ako, 'di ba? Aalis na kami?
"Mag-usap tayo sa labas mamaya," malamig kong sabi sabay angat ng maliit na plastic na hawak ko para ipakita sa dalawa.
"Ano?! Mag-uusap tayo!" She exclaimed kaya napapikit ako ng mariin sabay baling sa dalawang bata, silently telling her I'm with the kids.
She realized it after and sighed, shaking her head.
"Mag-uusap tayo mamaya," banta niya at padabog na lumabas.
Pagkasara niya ng pinto ay bumaling muli ako sa mga bata.
Sunshine was already peeking at the plastic I'm holding while Sky's still watching me closely.
I smiled at them.
"Pop..." my daughter mumbled.
"Ang bilis talaga ng anak ko sa lollipop, ano?" Natawa ako at binuksan ang plastic para ibigay sa kanya bago bumaling kay Sky na pinapanuod lang ako.
"Skyler?"
"Cry?" He mumbled suddenly.
I didn't realize I was crying until he reached for my cheek and removed the tears. Suminghap ako at dagling nag-iwas.
"N-no, sorry," I breathed. "Napuwing lang si Mama Storm, anak."
He didn't answer me. Mas tumitig lang siya sa akin na tila 'di naniniwala sa palusot ko.
Sa kanilang dalawa, si Skyler talaga ang aware madalas sa mga nangyayari. He was the observant type reason why Sunny can be her usual self. Carefree at masaya. Sky was the protector of his twin sister who was now lost into biting her marshmallow lollipop.
"I have macaroons," I mumbled and showed him the box. "Kain ka, anak."
His face lit up. I smiled when he took it and started eating.
"Thank...yow, Mama!" Sunny beamed.
"Mamats...po," Sky mumbled shyly while eating his favorites, his eyes seeking for mine.
Muli akong napatitig sa kanyang asul na mga mata, bumabalik ang mga naiisip lang kanina.
"Kids," I started. Napatingin sa akin si Sunny. "Remember when I told you about Papa?"
Natigilan silang dalawa at napatitig sa akin.
"Na he's working for the both of you, remember?' I asked. Hindi sila sumagot.
Si Sunny ay kuryoso ang itim na mga mata habang si Sky ay matamang nakikinig lang.
"I was wondering if..." I swallowed the lump on my throat, "you want to meet him?"
Nabuo na ang desisyon ko. Ilang linggo kong pinag-isipan 'yon.
Mayaman ang pamilya ni Marcus Sandejas at base naman sa mga nakikita kong komento sa pamilya niya ng publiko ay mukhang mabuting tao naman siya.
I was worried taking the twins to him, afraid they'll get abused or something but I really couldn't find ways to provide. 'Di ako nakatapos. Oo siguro, may utak naman ako pero mga four-year course graduate nga'y hirap na hirap kumuha ng trabaho, paano pa kaya akong high school lang ang tinapos?
The companies who offers a good pay had high standards. Kailangang may experience. Kaya nga magtatrabaho para sa experience, eh! Tapos...
I was stressed. I tried sending resumes around to seek jobs but I haven't received any call backs. Sa ngayon, ang mukha ko lang ang puhunan. Ang bar lang ang p'wedeng tumanggap pa sa akin.
I cried every night.
Hindi ako sigurado kung dahil ba ito sa mga bata, sa gastos, o 'di kaya'y kay Leo.
The things he did still stings. Basag na ako pero mas napiraso ako sa mga sinabi niya.
Will I run after him even after this? I don't think so. Sa pride kong 'to? Mamatay na lang ako mag-isa kaysa magmakaawa sa pagmamahal na palaging itinatapon ng kahit sino na mahal ko.
Si Nanay. Si Leo. Si Varsha.
Akala ko kakampi ko siya. Siya lang iyong inaasahan ko. Na kahit 'di ako mahal ni Nanay ay at least may kapatid akong mahal na mahal ako pero kahit siya...inabandona rin ako.
May kasalanan ako sa kanya pero sa tingin ko naman ay bayad na ako ro'n. Sa ganda ba naman ng buhay niya doon sa ibang bansa! Sa sobrang ganda ay sa akin na pinaako ang kambal niya!
If only she knew how precious these kids are...
I feel bad.
I stared at the twins on the bed. Magkayakap sila at maingay ang electric fan na ilang beses nang ipinaayos pero nasisira pa rin talaga. Hindi na iyon umiikot at tutok na tutok sa kanila.
It was a cold night kaya nakabaluktot silang dalawa sa lamig. Tumayo ako mula sa banig ko sa lapag at inilayo bahagya ang electric fan bago inayos ang kumot nila.
And then, I sat just beside Sky's head and brushed their heads.
"I'm so sorry, twins," bulong ko. "But I had to do this...for the both of you. Walang ma-provide si Mama Storm, eh. Sorry."
The tears wet my cheeks and I immediately brushed it off before going out to cry in the bathroom.
I was really, really emotional. Nitong mga nakaraang linggo para akong bomba na kaunti na lang ay sasabog na.
Ewan, baka nga depress na ako. 'Di lang ako sigurado at wala naman akong pera pampa-check up. Sa halip na sa 'kin sa kambal ko na lang.
My head felt like it will explode. I wake up feeling nothing at times, just...exhausted. Minsan pakiramdam ko rin nararamdaman ko ang lahat.
I researched and had sidelines to help the house habang nandito pa kami sa probinsya. Kapag umalis kaming tatlo, maiiwan si Nanay. Tapos may dialysis siya kaya kailangan kong magbanat ng buto.
Papasok ako sa umaga sa parlor para mag-sideline na mag-manicure o 'di kaya'y mag-table sa bar pero alam kong 'di iyon sapat.
'Di ako sapat kung gusto kong bigyan ng magandang buhay ang mga bata.
They are smart. I've seen it. At young age ay kahit papaano'y maayos na ang vocabulary nila. Lalo na si Sky na halos diretso na magsalita.
Kapag wala akong pasok ay tinuturan ko silang magbasa o 'di kaya'y pinapanuod ko sa sirang phone ko ng videos sa YouTube para kapag nakita nila o nakasalamuha ang pamilya ng Papa nila'y kaya nilang pakisamahan.
The Sandejas' are a very prominent family. Established, wealthy despite the private life most of them had.
Wala naman akong nakikitang masamang komento sa pamilya nila bukod sa mga bashers ng public figures sa pamilya. I also found out Marcus Sandejas was a single man.
Walang sabit.
So...
Tumitig ako sa mga anak na nakadapa sa sahig at nanunuod ng Barbie. It was Sunshine's idea, obviously. Napilitan lang si Sky na makigaya kaya ayon, gumagalaw na ang ulo para makaindak sa kanta na kinakanta na ni Sunny.
I smiled.
He will take care of them, right? Magkakaroon pa sila ng magandang buhay.
Tutal naman wala na atang pakialam sa inyo ang pasarap sa buhay n'yong nanay at wala rin naman akong kakayahang mag-provide kaya wala naman sigurong masama ano?
I told Nanay my decision when I finalized it. She was furious, she even trying to reason to me.
"Ibibigay mo sa ex mo ang mga anak mo?! Aba't, napaka-irresponsable mong ina!"
Tell that to your damn favorite Varsha.
I almost said out loud.
"Iba ang ama ng mga bata," I announced. Nagulat siya.
"Ano?!"
I smirked at her, "why are you so shock, Nanay? Dapat hindi na kasi malandi ang anak mo, hindi ba?"
Tumiim ang panga niya at masama akong tinitigan.
She was pissed, kapag ganyan siya naiinis ako at nakikita ko ang sarili sa kanya.
"Marcus Sandejas," I told her, "you can search him if you want. I'm bringing my twins to him. Hindi naman p'wedeng ako lang ang may responsibilidad, hindi ba?"
The next days was spent with me fixing everything for us. Wala ako sa bahay palagi at pag-uwi ko'y 'di ako masyadong kinakausap ng kambal.
Sky was often glaring at me. Like he was in protective mode.
I was too exhausted to ask. Ngumingiti lang ako at nagtatanong kung may gusto siyang sabihin, he would snob me and talk to the unusually quiet Sunny.
She would just stare at me. Kapag ngingitian ko, ngumunguso siya sabay lagay ng palad sa hita at tungo.
Why?
Maybe...they were mad at me for dumping them to their father's side.
Ang sama-sama kong ina siguro sa paningin ng kambal dahil sa ibibigay ko sila sa Papa nila pero ano bang magagawa ko? Para sa kanila iyon.
Para makapag-aral sila, may magandang buhay at pagkain araw-araw. Para...'di na sila magtatiyaga sa maingay na electric fan. Para 'di na sila nagsisiksikan sa single bed na higaan.
"Are you kids fine?" I asked and stood, "may gusto ba kayong sabihin kay Mama—"
"No! H'wag ka l-lapit!" Sky hissed angrily and before I could say anything, nagtatakbo na silang dalawa sa kwarto.
What the...
"Kahit mga anak mo, ayaw na sa 'yo," Nanay lamented. She had seen the whole thing.
Pagod akong tumingin sa kanya.
"Pinalo mo na naman si Sunny?" She asked.
I closed my eyes, annoyed this time.
"I didn't," I sighed. "Ni hindi ko nga sila masyadong nakausap ngayong araw at nasa parlor ako. Maayos naman kagabi at bakit ko papaluin?"
Kumunot ang noo niya.
"Buong araw ka sa parlor?" She asked. Tumango ako.
"Oo, kaya wala ako rito at bakit ko papaluin si Sunny? Bakit, lumabas na naman ba siya sa gate?"
But she was quiet. As if something's bothering her but couldn't seem to voice it out to me.
"Nanay..."
"Wala," umiling siya at tumitig sa kape na hawak niya. "Natawagan mo na ba ang kakambal mo?"
I didn't dare try again. I might curse at her.
I shrugged.
Her jaw clenched. I realized she was tensed.
"Sigurado ka bang sa parlor ka lang?"
I rolled my eyes, "don't worry, Nanay. 'Di ako nagkakalat at naghahanap ng p'wedeng kabitan ngayong araw. Happy?"
Her eyes turned slits but she let go of my sarcasm and sighed.
"Kailan kayo luluwas sa Maynila?" She asked.
"Next week," sagot ko pero umiling siya sa 'kin at tumango-tango.
"Ilipat mo, gawin mong bukas," she urged.
Bitterness spread on my mouth.
She really can't wait to get rid of us, huh? What a mother.
Masama ang pakiramdam ko sa biyahe pa-Maynila at nananakit ang ulo. I am starving. So fucking starving na parang may humahalukay na sa sikmura ko.
I sighed.
Sunny was singing beside me. I usually don't mind the loud noises but my head, it's fucking spinning and I want damn silence.
"Quiet, Sunshine," prente kong sinabi kaya natahimik siya at ngumuso sabay laro ng daliri niya.
My eyes widened and I was about to say sorry for this damn fucking mouth of mine, matalim na ang tingin sa akin ni Skyler at niyakap ang kakambal niya.
I let it go. Ayaw ko nang makipagtalo at baka 'di ko mapigilan ang bibig at may kagagahang pang masabi.
I should control my mouth, mga bata 'to. Mga pamangkin ko. Mga anak ko na.
Nang makarating kami sa Maynila ay lahat kami'y litong-lito. I lowered my gaze to the twins and sighed when I saw them touching their stomach but didn't even voiced out they're hungry.
May binulong si Sunny kay Sky sabay hawak ng tiyan Niya. Sky shook his head and whispered something before offering the one remaining macaroons on a plastic to her instead. Umiling si Sunny at humawak ulit sa tiyan niya.
Nangilid ang luha ko pero ngumiti ako at tinawag ang dalawa.
"Tara, mga anak. Eat tayo!" I said enthusiastically.
Sunny's eyes brightened upon hearing me. Si Sky ay nasa protective mode at mukhang aayaw para sa kanilang magkapatid pero matalino siya. Alam kong alam niya na gutom na ang kapatid niya at mas magugutom kung tatanggi siya para sa kanila.
Sumama sila sa akin.
Pinaupo ko sila sa may bench at pinabantayan sa kanila ang gamit namin bago ako pumunta sa stall ng mga hotdog sandwich.
I checked my purse. I only had five hundred pesos cash left.
I looked around to see if there's any ATM machines left but saw none. I sighed.
Sakto lang ito sa pamasahe naming tatlo papunta sa bahay ng kakilala ko rito sa Maynila.
"Ano 'yon, Ma'am?" Tanong ng tindera.
"Tatlong footlong," I said. "Magkano isa?"
"Singkwenta,"
I stopped.
The fuck is this expensive?!
I mentally counted the money and stopped the lady.
"Sorry, Miss, dalawa na lang pala."
"Na-punch na," she announced blankly.
Tumitig ako sa kanya at nairita sa paraan ng pagsasalita niya.
"Pakibawasan," I said. "Two would be fine."
"Pero na-punch ko na—"
"Wala ka bang manager?" Irita kong sagot pabalik.
She stared at me intently. I fought back with a taunting stare because I'm petty.
Hindi lahat ng pagkakataon customers are always right pero bakit ba? Customer ako kaya tama ako ngayon!
Nang masigurado niyang 'di ako aalma ay bumuntonghininga siya sabay sigaw, mukhang irita pa sa 'kin.
"Ma'am! Pa-void!" She called.
I went back to twins and handed them the foods. Sunny excitedly took it from me while the little boy's still cautious. I smiled.
I wasn't that afraid not to take them to their father. I know for sure Sky would do his best to protect his sister.
"Come on, Kuya Sky," masuyong sabi ko at inabot sa kanya ang pagkain.
Hesitantly, he took it from me, his forehead creased.
"You...Mama? Hindi kakain?" He asked.
"I'm fine, baby," I gave him a small smile. "Busog pa si Mama, water lang ako." Ipinakita ko sa kanila ang tumbler.
Nakituloy muna kami sa kakilala kong barkada na taga sa amin noon at lumipat lang sa Maynila pansamantala habang inaasikaso ko ang kambal.
S'yempre babayaran ko ang pag-stay namin at ayos naman dahil kahit papaano'y mas mura kaysa sa mag-stay kami sa mga hotel.
We spent days there—inabot pa ng linggo.
For Marcus not to question the kids, I followed him from the distance twice when he got out of the airport to eat in a fast food. I took his spoon and took samples from the twins for the DNA test.
Nang makuha ko ang sagot ay atsaka ako nagsabi sa dalawang bata na may pupuntahan kaming importanteng tao.
I didn't tell them yet we are meeting their father tonight but I felt like they somehow knew.
I wore a pink dress to look formal at least then dressed my babies, too, para maayos sila kapag nakita ang Papa nila.
"Dapat magalang kapag may tao, ah?" I reminded them both. "H'wag masyado maingay kapag 'di kailangan."
Sunny nodded. Sky was silent.
Hindi ko na kailangang paalalahanan 'yan at tahimik naman siya palagi.
"Sunshine," I called as I was fixing her hair for pigtails.
"Po?"
"Be a good girl, hmm? H'wag tatakbo para 'di makabasag ng gamit, okay?"
"Opo..." she nodded.
"Ayos lang bang iwan ko muna rito ang gamit namin?" I asked my friend at sinabihan ko siya na baka last day na namin dito sa kanya. "Kukunin ko talaga agad kapag tapos, promise."
She smiled.
"Ayos lang, 'te," she nodded. "Punta rin naman akong bar mamaya. Welcome kayo palagi dito, ah? Kung sakaling..." she glanced at the kids.
"Thank you," ngumiti ako at niyakap siya bago ko inaya ang mga bata paalis.
They were nervous. I am sure.
I already gave them a background regarding their father no'ng nasa probinsya pa kami but they're still little. Mahirap pa mag-process sa kanila ang nangyayari. I understood.
This is a shock to them.
Pumunta kami sa condo ni Marcus habang magkahawak ang kambal sa likod ko at umiikot ang tingin sa maganda at malaking building.
I went to the entrance but we were stopped. I protectively placed myself in front of the kids. Kumapit sila sa damit ko.
"Excuse me, Ma'am? Sino sila?"
"Good evening," pormal kong bati. "I'm Storm Romana and I'm looking for Marcus Sandejas, he's living here, right?"
Tumigil ang guards at naging alerto.
"ID, Miss?"
I took my identification and showed them. Binasa nila iyon bago nagtanong.
"May appointment ka, Miss?"
I shook my head.
Why the hell do I need appointment? This was his condo! Not his office!
I shook my head.
"Do I need one?" I asked, "I am with our children."
Kumunot ang noo nila pero halatang 'di na nagulat doon.
"Pasensya na, Miss, pero bawal—"
"What?!" I asked, "no. We are waiting. Call him and tell him we're here." I announced.
"Pre, check mo nga sa 24-A," ani ng guard. "Tanong mo si Sir."
They tried their best shooing us away but to hell I'd give up. Kung ako lang, hindi ko ipipilit ang sarili ko pero nandito ang mga bata!
Ano na lang ang iisipin nila kung akala nila'y tinataboy sila ng Papa nila?
We couldn't get inside the building. It started raining and I almost begged them to let us in but they wouldn't.
Sinabi pa ng isa na sinabi raw ni Marcus na paalisin ang naghahanap at abala siya kaya mas nagpuyos ako sa galit.
That asshole! I am with his kids!
But he didn't know, Storm. Pagkalma ko sa sarili.
I sighed.
I shouldn't let emotions get ahead of me. I have the twins. Sa akin lang sila umaasa at...
"Please, Sirs," desperada ko nang sabi. "Kahit ang mga bata lang."
Inilapit ko ang kambal sa palad ko para 'di sila mas mabasa ng ulan.
"Please..." I whispered. "Just the kids. Baka magkasakit."
Pinagmasdan nila ang kambal. They were all wet from the rain and it's kids, mukhang nahabag sila at hinawi ang sarili para paraanin ang dalawa.
I squeezed the kids' palms gently at sa pag-alis ng guards para paraanin kami ay suminghap ako.
"Run!"
The twins ran inside. Bago pa ako mahablot ng guards at parang tanga rin akong nagtatakbo papasok para Sundan ang mga bata.
Nagkagulo at umingay sa sigawan na kunin kami pero wala akong pakialam. I saw the elevator door opening kaya sumigaw ako.
"Twins! Elevator!"
The twins ran towards the open one kaya nakahabol ako papasok at dali-daling pinindot pasara ang elevator.
"Miss!" Sigaw ng guards pero bago pa sila umabot ay nagsara na.
"Yes!" I exclaimed happily and I was grinning when I heard Sunshine's giggles.
"N-no na po, Mama?" She asked.
"No, darling. Naunahan natin sila." I winked at her and offered my hand, she giggled and gave me a high-five.
Bumaling ako kay Skyler na nakatitig lang sa akin. I gave him a smile.
Tumungo lang siya at kinalabit si Sunny na nagki-kwento pa kung paano niya tinakbuhan ang guards.
I was wet from the rain. Nananakit na ang ulo ko sa gutom at antok pero nag-focus ako.
Tumitig ako sa mga floor at naalala ang narinig sa guards kanina. I pressed the 24th floor and when we got there, 'di na ako nahirapan dahil iisa lang ang naroon.
Damn, he owned the entire floor?
My heart's been thumping crazily in nervousness. Kaba para sa sariling gagawin pero mas kaba para sa mga bata.
If Marcus rejected them...ewan ko na. Parang 'di ko kaya na ang mga bata ang makaramdam nito.
Ang sakit nga sa 'king matanda na ang ginagawa ng Nanay, sa kanila pa kayang dalawang taon pa lang?
I sighed.
I was so tempted to ask the kids again if it's fine meeting their Papa, or if they were aware we're probably meet him tonight but I know for sure the guards are after us.
I sighed.
Hinaplos ko ang buhok ng dalawang bata at itinago sila sa likod ko bago pinindot ang doorbell.
You can do it, Storm.
When the door opened, I masked every ounce of my expression with a calculated one.
The handsome man, Marcus Sandejas, was handsome in photos and in distance but I didn't know he was more handsome in actual—this close.
Kumunot ang noo niya. I saw how panic spread on his blue eyes and he was looking for something on my face. Like he had known me for some time now.
Pinaraanan niya ako ng tingin at mas napuno ng kwestyon ang mga mata nang makitang basang-basa ako ng ulan.
"Who—"
I gasped when I heard footsteps running.
Fuck, they're here!
"Sir, sorry po! Nagpumilit kasi silang umakyat! Pinapalabas na po namin kasi bawal," paliwanag ng mga security guard na kakalapit lang sa amin.
Mas nangunot ang noo ni Marcus at napasulyap sa gilid ko. Shock registered on his face when he saw the twins. I saw how his lips parted.
I was nervous.
Oh, God. Did he like the kids? Please...please do!
"Sir, ilalabas na namin. Pasensya na po," the guards said and I suddenly felt a grip on my arm. Nairita ako kaagad at iwinaksi iyon.
"Let me go!" I hissed angrily.
"Ma'am, pasensya na pero bawal po—"
"I said let me go!" I exclaimed harshy, trying to protect the twins para 'di sila mahawakan.
"Sabi nang—"
"Let go of her," Marcus' serious voice echoed. Napatingin ako sa kanya at ang mga mata niya'y nakatuon lang sa kambal.
"Sir?"
"It's...it's okay," he said, still looking at the twins peeking on my sides.
The seriousness on his expression broke into obvious worry when he saw the kids are wet with the rain, too.
Nakita ko ang pag-register ng galit sa mata niya, ng pag-aalala, ng awa...
Was it a good sign? Mukha naman siyang mabuting tao. Hindi naman siya masama, 'di ba? Mapoprotektahan naman niya ang kambal?
"Sir? Papalabasin namin—"
"I said no!" his voice roared. Nagulat ang kambal at nagsumiksik ulit sa likod ko, mukhang natatakot. Inabot ko sila.
He realized what he had done. He panicked silently.
Muntik na akong matawa.
Really, Varsha? Ito 'yong tatay ng anak mo? Well...hindi ko masisi, he's handsome and quite cute pero si ano pa rin...
I stopped.
Sino, Storm? Sino?!
"I-I mean..." he cleared his throat. "It's okay, you can both go. Ako na ang bahala rito," kalmado niyang turan hanggang sa umalis na ang dalawa.
Silence filled the hallway when the two vanished.
I was still silently scolding myself from thinking of some assholes from the past when I realized Marcus was watching me like a hawk.
Really, Varsha? No wonder inialay mo ang keps mo sa lalaking 'to! Aba, ang gwapo! Sa sobrang gwapo nagka-kambal pa kayo!
I smirked at Marcus.
Varsha, huh? You thought I was her?
"Hello, Macky, remember me?" I asked me straightforwardly. He heaved a gasp and nodded, staring at my face.
Oh, Varsha. We had the same face, twin. Kahit nga si Nanay nahihirapan sa ating dalawa kapag pareho tayo ng ayos. Paano pa kaya ang tatay ng anak mo?
"What are you doing here?" marahan niyang tanong, naguguluhan pa rin. Muli siyang sumulyap sa mga bata na basang-basa ng ulan at nakatago sa likod ko. "Why are the kids—"
"Because you didn't meet us. Sinabihan mo pa ang mga guards mong palabasin kami. How heartless you are, huh?" I asked bitterly, still annoyed he almost shooed us!
With the kids! Basang-basa ng ulan ang mga bata! Paano kung 'di kami nakatakbo, eh, nagkalagnat pa ang kambal mo?!
"What?" malamig niyang sabi.
I realized I was back in my bitchy mode. I blame my damn headache and straving stomach. Hindi Maganda kung pasmado ang bibig ko kaya suminghap ako at pumikit, humahawak pa sa dibdib.
I should be a good girl...that's what Varsha is.
Mahinhin. Mabait. Kalmado. Mapagpasensya.
Hindi brutal ang bibig ni Varsha! What if he noticed I wasn't the Varsha before because of this damn mouth?!
Hinga, Storm. Mabait ka ngayon dapat!
"I'm sorry...nadala lang ako ng emosyon," bulong ko at umiling. "Nag-alala lang ako sa mga bata k-kaya...kids, come here."
Slowly, I took the kids from the back. Tig-isang kamay kong hinawakan ang dalawa.
Pinagmasdan ko si Marcus Sandejas. Ang mata niya'y nasa kambal pa rin at malambot iyon, malambing. It felt like he felt so bad seeing the kids this wet, like he wanted to cover them with something to stop the cold.
I liked to think it's a good sign he'll love them...
"Macky," tawag ko kaya muli siyang bumaling sa akin.
"This is Sunny and Sky," I introduced the two. "Mga anak natin."
His knees wobbled like he had lost his own composure. Napahawak siya sa pintuan at napatitig sa kambal, ang mata'y namumula na sa paambang luha.
Pinapasok niya kami sa kwarto. Pinaliguan ko muna ang dalawang bata bago ko sila pinalabas sa banyo at pinagsabihan na h'wag magulo at 'di pa namin alam ang ugali ng Papa nila.
Who knows if he didn't like loud kids? Or something?
Ewan! Ang sakit ng ulo ko!
I think I was sick. Sobrang hindi ako sanay ata sa biyahe dahil hanggang ngayon ay may oras pa rin ako para akong masusuka.
I took my time in the shower at para akong nasa hotel. I was amazed with the place, it was large and screaming money and status. May jacuzzi pa at kapag lumapit ka sa may gilid, salamin pala kaya kitang-kita ang over looking na siyudad sa ibaba.
Ang sarap ng ganitong buhay...
Ganitong buhay ang deserved ng mga bata...
Kinuha ko ang damit na ipinabili ni Marcus at inangat sa ere. My eyes twinkled with how expensive it looks and when I wore it, ang sarap sa katawan at malambot!
I stared at myself in the mirror.
I look so worn out like I aged a lot in just a couple of weeks.
Maganda pa rin naman ako. Nabawasan lang ng mga one percent.
Bagay siguro sa akin mayaman! Tapos maganda naman ako at sexy! Saan kaya p'wede mag-apply maging trophy wife?
'Yong tipong maging maganda lang ambag mo sa pamilya, gano'n!
I flipped my hair and reached for the hair blower when my phone lit.
My forehead creased when I saw Varsha's name on the screen.
I smiled bitterly.
Masaya na ang buhay mo d'yan, ah? Ngayon mo lang kami...ako naalala?
I didn't answer it.
It rang again.
She probably found out now where I brought her children—or not, I don't know. Wala akong kapatid na kung kailan kailangan ko siya'y nang-aabandona. Wala akong kapatid na...kagaya niya.
I turned my phone off and stared at myself in the mirror.
This is the life you should have Varsha but it seems like you are having the time of your life abroad. It seems like you already dumped everything on my shoulder.
You...abandoned me.
In the case, I'll get the life that could've been yours.
I was pissed. Angry. Stressed. Isama pa na ang sama-sama talaga ng sikmura ko kaya iritado akong lumabas ng banyo at nagulat na kausap na ni Marcus ang kambal.
That night, I introduced him to the kids formally and vice versa and just as we are watching the kids eat, I heaved a deep sigh.
The kids deserved this life. I deserved it, too, right?
"Marcus," I started and he stopped staring at his kids to look at me gently.
"Hmm?" Parang wala sa sarili niya pang tanong.
"I..." I fisted my dress and glanced at the kids, "do you want to give the kids a whole family?"
He looks confused but he nodded, "of course..."
"Would you like to marry me?" Walang-hiya ko nang sinabi at nakita ko ang gulat sa mukha niya pero isang baling niya lang sa dalawang bata na tuwang-tuwang kumakain at si Sky na ibinibigay ang ilang ulam niya kay Sunny ay nakita ko ang pagtutubig ng mata niya.
It was as if he remembered something good. A memory he cherished.
I saw his slight nod.
"Sure," he whispered. "I'll call the lawyer tonight."
Medyo nagulat ako.
"Ngayong gabi agad?" I asked, trying to mask the shock.
He nodded, "for the twins..."
Kinagat ko ang labi at tumingin sa dalawang bata.
For the kids...
That night, we signed a marriage contract and he was in high cloud with the news he had children kaya pumunta na kami sa bahay nila para daw maipakilala kaagad.
My eyes widened dramatically with how large their mansion was.
What the hell?
"Wow! C-castle ba 'to po?" Mahinang tanong ni Sunny sa akin.
I nodded at her, "guess so, baby."
Wow.
My lip twitched.
Now that I am married to him...I won't live desperately. Hindi ko na kailangang magbanat pa ng buto pero akala ko lang pala 'yon.
I found out I was pregnant. With Leo's child.
What will I tell Marcus if my stomach started showing?
I was annoyed at him at times because he reminded me of Varsha, napagtataasan ko ng boses minsan at nakakairita siya pero sa kabila no'n ay mabuti siyang tao. Mabuti sa mga bata.
Nakakahiya naman at ang ayos ako pakitunguan ng tao! Na maayos siya sa mga bata tapos buntis ako sa ibang lalaki?!
Yes, fuck! I don't love him. He's attractive, fine but he wasn't what this fucking stubborn heart was calling and now? How would he respect me if he found out I was...pregnant?
Mabuti siya sa mga bata. Paano kung biglang magdalawang-isip siya na 'di kanya ang dalawa at ipagtabuyan sila?
I can't have him getting mad of the twins because I'm shitty!
Kaya wala na akong choice...
I couldn't ruin the image of the kids for him, so, I'd ruin myself. Again.
Kulang ang pinapadalang pera ni Varsha. It wasn't enough for Nanay's dialysis at nahihiya na akong manghingi kay Marcus na hinahayaan lang ako sa gusto ko.
He wasn't even asking much where I'm spending it. Parang willing siyang paluguran ano'ng gagawin ko basta h'wag ko lang kunin sa kanya ang kambal.
The kids loved him. I have notice the detachment they started having with me. Palaging galit sa akin si Sky at si Sunny...I don't know why but it felt like she was distancing herself to me.
I demanded money from Varsha for Nanay but she only cried at me. Saying she doesn't really have a spare. That she's struggling, too.
I don't believe her. She's a liar.
I was only her sister when it's convenient. Pero kapag kailangan ko siya, itatapon niya ako kagaya ng iba.
She was mad after finding out what I did to the kids pero naka-move on naman ata kaagad nang sinabi kong maayos ang lagay ng kambal at h'wag siyang mag-alala.
I only wanted the money for Nanay's dialysis. Nahihiya na akong kumuha kay Marcus ng dagdag at siya ang sumasagot sa lahat ng gastusin namin sa bahay.
Kaya wala na akong choice.
Kailangan ko rin talagang kumayod, para na rin sa anak ko.
I reached out to Lolly, my friend. 'Yong nagpatira sa amin sa Maynila no'ng una at nagtanong kung may trabaho siyang alam na p'wede ako.
She introduced me to the madame of some high-end bar in the city. Hiring daw sila ng ng all-around sa bar nila.
Waitress, dancer, table girl...kaya ko naman 'yon lahat at naranasan ko na naman kaya pumayag ako.
Isa pa, the salary was decent. It was enough to cover the cost sa kulang na padala ni Varsha para sa dialysis tapos ipon ko para kay baby.
Good thing pa is kapag may tip sa mayayamang customers? Sa amin lahat.
I started going home late. Marcus was questioning me. 'Di ko siya sinasagot no'ng una pero mainitin ang ulo ng gago kaya napagtataasan ako ng boses.
Eh, ma-pride din ako. Nasasagot ko siya ng pabalang hanggang sa nagsisigawan na kaming dalawa, parehong galit ay walang gustong magpakumbaba.
Nakakairita siya! Minsan ang sarap supalpalin ng bibig sa irita ko!
"Storm!" Lolly called.
Nagmumog ako at pinunasan ang bibig.
I felt like puking earlier. 'Di naman natuloy pero ang sama talaga ng pakiramdam ko.
"Oh?"
"Labas na raw mamaya in fifteen minutes! Okay lang ba raw sa mga table ka ngayon? May VIPs ata. Saktong-sakto malaki mag-tip mga 'yon!"
My eyes brightened.
"Sure! Sige, labas ako mamaya!"
"Okay! Iksian mo ang suot, ah! Kapag may humawak, pahawak mo lang! Sayang ang tip!"
Ngumisi ako at natawa bago nag-thumbs up sa kanya. Pagkaalis niya'y atsaka ako nagpatuloy sa make up ko.
I wore a sparkly red uniform. Short dress iyon at paniguradong dudukwang ka lang makikita na ang paayuda ni Mayor.
I wasn't ashamed because I have a nice body. I have smooth legs, walang peklat at makinis pa.
Ito lang kasi ang puhunan ko sa buhay kaya dapat alagaan.
Tuwang-tuwa si Madame pagkakita sa akin. He was gay but he dresses like a man, kung 'di lang dahil sa pilantik niya't makukulay na wig ay aakalain mong lalaki.
"Stormie!" He sang when he saw me. "Ang ganda ng bagong alaga ko, oh! Ayos lang ba at mag-waitress ka ngayon? Absent kasi iyong si Nina! P'wede ka rin mag-table if gusto mo ng tip."
I smiled, "ayos lang, Madame. Gora naman ako kahit saan!"
"Great!" He beamed. "Doon ka sa VIP, okay? Mayayaman iyon! Kindat-kindatan mo lang, maganda ka naman kaya for sure may tip ka!"
I chuckled, my eyes dancing when thinking of the tips I might bring home tonight.
Bilhan ko ng pagkain ang kambal pag-uwi! Tapos parang gusto ko ng marshmallows...
"Sure po!"
"Doon ako tatambay sa VIP kasi may kilala ako do'n. Mga socialite! Nagba-bar hopping ata at may isinamang bagong pogi! Pinsan ata ni Dex!"
I didn't know sinong ikinikwento niya kaya sumang-ayon na lang ako.
"Naipadala na sa bar ang orders, in five minutes it will be ready. Kunin mo na lang at i-serve, ah?"
"Yes, Madame,"
"Thanks! Pahinga ka muna d'yan at mahaba pa ang gabi!"
The bar was really high end. Halatadong mayayaman ang mga tao dahil nakakita pa ako ng mga public figures na kaswal lang na papasok o 'di kaya'y tambay sa bar.
There are a few men trying to converse but I'm new to the job. Gusto ko pa-good shot kay madame para ma-regular ako kaya 'di ko muna masyadong in-en-ter-tain.
I fixed my uniform and then twirled my curly hair with my fingers as I strode towards the VIP area. Kumpara sa regular area ay mas tahimik doon.
Lumapit ako at nasalubong kaagad ang tingin ni madame na tuwang-tuwa na makita ako.
"Boys! Ito ang bago kong alaga, si Storm!" He introduced.
It was a bit dark in the area kaya 'di ko masyadong napagtuunan ang mukha ng iba sa kanila.
"Good evening," I greeted them, lowering the bottle of expensive drinks with the shot glass.
May humawak sa may hita ko. I glanced that way and gave the man a flirtatious smile.
"Drink, sir?"
"Yes, please," ngumisi siya.
I poured him a shot until I heard a voice.
"Sorry, hinanap ko pa kasi itong isa ay uuwi na raw!" A man's voice said.
Busy ako sa kaka-lagay ng inumit sa shot glass ng ibang lalaki, 'di masyadong napagtutuunan ang itsura nila.
"Ay, bakit?" The man I first poured a shot of liquor asked. "Masaya Dito sa bar! Marami pang magaganda!"
He touched my leg again. I gave him a small smile before refilling another shot.
I felt a gaze burning at the back of my head. Hindi ko pinansin masyado.
"Ito kasi, takot sa bar!" The man chuckled, "iwas na iwas! May trabaho raw siya. Na Naman!"
"Oh? Ito ba si..."
"Leonardo!" ani ng boses, "'yong kinikwento kong pinsan, si Nard."
I stiffened. I silently prayed na sana overreacting lang ako. Na anxious lang talaga pero mas umikot ang sikmura ko. Para akong nasusuka na 'di maintindihan.
I became hypersensitive of the gaze burning on my skin and slowly, I turned my head.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang masalubong ang pamilyar na mga matang 'yon.
His forehead's creased but I saw how his eyes slightly widened when he caught a glimpse of my face. Umawang ang labi niya at 'di na nasagot ang tanong sa kanya ng katabi.
"'Di ba, Nard?" He asked but he was still staring at me.
My heart raced. Gusto kong haklitin iyon paalis sa dibdib ko at itapon palayo.
The man beside him curiously followed his gaze and I saw how his jaw dropped when he saw me.
"Oh!" naturo niya ako. "Aren't you..."
I smiled and moved a bit.
"Good evening, Sirs. The seats are here," turo ko sa bakanteng parte ng couch.
The man earlier reached for my waist. Humawak siya sa tiyan ko.
Leo's eyes snapped to the man to his palm on my stomach. His gaze darkened. His jaw clenched.
The man he's with was still gawking at me like he'd seen a ghost. Siniko niya si Leo na akala mo'y mambabalikwas ng lamesa habang matalim na nakatitig sa lalaki sa tabi ko na walang pakialam at umiinom lang.
I stared at them coldly.
"Nard..." he called again, "wasn't she...miss?" Ako naman ang tinuro niya.
I smiled at him, waiting for his questions.
"Yes, sir?"
"Aren't you..." he looks confused, "teka, paano..."
"Oh! Magkakilala kayo?!" Napatayo si madame sa upuan kaya nagulat ang lalaki na hawak ako kaya naibaba niya ang palad sa tiyan ko.
Sinadya kong umatras para 'di na niya ako naabot muli at nag-refill pa ng shot glass.
"She seems familiar," ani no'ng groom no'ng sa stag party noon. "Parang..."
"She's Storm! My new recruit! Ang ganda, ano?" He introduced happily. "Darling! Come here!"
Umayos ako ng tayo at pormal silang hinarap.
"Storm, this is Dex!" Turo niya sa groom na nakanganga lang sa akin.
"And this is Nard!" He introduced the brute who's been staring at me intently.
His gaze are dark, his lips thinned with his clenching jaw.
Galit ka? Para saan?
Oh...well...nandito na naman pala ako. Pagkatapos niya akong bayaran dapat 'di na ako nagpakita, 'di ba?
Sinalubong ko rin ang tingin niya, walang emosyon.
"Boys, this is Storm. Magkakilala ba kayo?" Madame asked again.
"She's..." lumunok si Dex.
"Ah, he's a client before, madame." Sinagot ko na, "may stag party, sumayaw ako."
"Oh?!" He gasped, "don't tell me..."
Namilog ang mata ni Dex bago namula ang mukha.
"No, Tita! I didn't! Hindi ako—"
"He's a good boy, madame," I chuckled, "he was just there to party. I didn't dance for him like that."
Nakahinga ng maluwag si madame.
"Naku, Dex, ah? Akala ko! Yari ka kapag nalaman ni Aaliyah!" He scolded.
"She knows, Tita," his lips protruded, "nagsabi ako."
I smiled.
He really is a good boy.
"Oh, kaya naman pala! Kasama n'yo ba si Nard noon?" Ani madame sabay baling kay Leo na hindi inaalis ang titig sa akin. "Storm, ito 'yong kinekwento kong pinsan ni Dex!"
"Ah, yes, Tita. Kasama namin no'n si Nard." Dex glanced at me curiously, probably remembering how desperate I was to talk to his cousin.
"Oh, I see!" Madame beamed. "Bale kilala mo na pala itong si Nard, Storm—"
"No po, hindi ko kilala," putol ko bago umiling at pormal na ngumiti. Leo stiffened.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co