Truyen3h.Co

The Sweetest Sacrifice

I

maxinejiji

I


Rosella never imagined that the sound of a vacuum cleaner humming across polished wooden floors in Auckland, New Zealand would become the rhythm of her adulthood. Eleven years. Eleven missed birthdays. Eleven Mother's Day spent alone folding someone else's laundry while imagining the smell of her mother's cooking back home in the Philippines.

She left the Philippines before finishing college, choosing responsibility over a diploma. Ipinangako niya sa ina na uuwi every two years pero masyadong mahal ang airfare, hindi abot-kaya ng bulsa. Naging mas matimbang ang halaga ng bawat sentimong maiipon niya para sa maliit na bahay na matagal niya nang pangarap para sa kanilang mag-ina.

"Anak, kumain ka na ba?" Gano'n parati ang bungad ng kaniyang ina na si Rubie sa t'wing tatawag siya habang breaktime.

It was never "Kumusta, anak?" or "Pagod ka na ba, anak?"

It was always about whether Rosella had eaten. "Eh, ikaw ba, 'Ma, kumain na?" sagot niya habang binabalanse ang cellphone sa patong-patong at nakasalansang tuwalya na bagong plantsa niya.

"'Wag mo 'kong isipin, 'Ma, hindi ako nagpapabaya sa sarili," she smiled. "Isa pa, alagang-alaga rin nila ako rito."

Hindi sumagot si Rubie sa huling sinabi ng anak. Sa halip, panay ang ayos nito sa cellphone, inilalapit tapos inilalayo, hanggang sa magpaulit-ulit. Naisip ni Rosella na dahil iyon sa bad network coverage kaya lumabas siya mula sa bahay ng kaniyang employer para makakuha nang mas maayos na signal. Mukhang hindi siya nakikita nang maayos ng ina habang nag-vi-video call sila. Nang makalabas ay sinalubong siya ng presko at malinis na hangin ng New Zealand, malayo sa maalinsangan at mainit na natural na klima ng bansang kinalakihan niya.

She tapped the video call button again. Rubie appeared on the screen after a few seconds, still squinting. "Ano, 'Ma, nakikita mo na ba ako? 'Yong signal ko ba ang may problema o internet niyo diyan?"

Sa totoo lang, sa tuwing ang ina ang kausap, doon lang nagkakaroon ng problema ang linya, kung internet connection man nga niya ang problema.

"Sandali...parang malabo kasi, eh. Nasaan ka ba riyan? Bakit parang ilaw lang ang nakikita ko, Rosella?" Rubie leaned so close to the camera that Rosella could only see one of her eyes.

"Mama, malapit ka masyado. Ilayo mo 'yung phone mo."

Masyado namang malayo nang ilayo ni Rubie ang cellphone. "Sandali...oh, 'ayanay, nawala ka na naman!"

Rosella laughed softly. "'Ma, nandito lang ako. Ikaw po 'yong nawawala."

"Gano'n ba?" Rubie adjusted her phone again, frowning. "Teka nga, parang mahirap na talaga 'kong makakita. Dahil sa pagod sigurado ito."

May kurot na naramdaman si Rosella sa dibdib pero binalewala niya 'yon. "'Ma, baka kailangan mo lang magpahinga? Huwag ka na po kasi masyadong magkikilos."

"Puwede ba naman iyon, Rosella, eh, kaya ko pa," Rubie protested, though she smiled right after.

Ngumiti rin si Rosella. Pero hindi niya maitatangging kapansin-pansin na mas madalas na ang pagkurap ng Mama niya. Maging kung paano itong nag-aalinlangan sa kung ano ang ipinapakita niya sa screen, lalo na ang paglapit at paglayo nito ng cellphone sa t'wing hindi siya malinaw na nakikita. Parati nang bad network coverage ang iniisip niyang dahilan. Lingid sa kaalaman ni Rosella na 'yong maliliit na bagay na napapansin sa ina ay warning signs na pala.

For eleven years, Rosella lived by numbers. Every payday, she would sit at the small desk in her room, open her banking app, and carefully divide her salary the same way she always did.

Sixty percent went straight to her mother's monthly expenses and the savings for the small convenience store and dream house she hoped to build for them someday. Twenty percent she kept for emergencies, just in case life took an unexpected turn. Ten percent she set aside as personal savings, while the remaining ten percent covered her basic expenses in New Zealand.

There was no room for rent splurges, luxuries, or weekend shopping trips like the other workers who often posted photos of their travels. Rosella had different priorities.

"Rosella, you never join us," one of those workers once said, iyong housekeeper n'ong katabing bahay ng amo niya.

Ngumiti lang si Rosella. "I'm already traveling. Just not here."

May kababayan pang nagsabi, "Huwag puro padala, Rosella! I-reward mo rin ang sarili mo. Deserve mo 'yan."

"Iyong dahilan ng pagpapadala ko ang reward ko sa sarili ko," parating sagot niya, habang iniisip ang small dream house niya.

Her journey was measured in remittances. Bawat resibo, tagumpay na sa kaniya. Every peso sent back home is a hollow block she could not yet touch. Ang buhay at tagumpay na meron siya ay hindi nasusukat sa dami ng bansang napuntahan niya, at lalong hindi sa dami ng mamahaling bagay na meron siya.

For Rosella, it was the numbers on her bank account, in exchange rates, and in the small relief of knowing she could retire early and spend the future with her mother.

One evening, after transferring money home, she stared at her bank balance and allowed herself to imagine. She leaned back on her chair with eyes half-closed and while smiling.

In her mind, she walked through a small house painted in cream and light blue in the middle of a fenced, spacious lot. Sa harapang bakuran, doon nakatayo ang maliit na convenience store, fully air conditioned, may cashier counter at hile-hilerang shelves ng goods na ibebenta nila. May maliit na veranda naman sa bungad ng bahay nila gaya ng sa mga nakikita niya sa New Zealand.

May malawak na kusina, sapat ang laki para makapagluto nang magkasama ang dalawang tao, at may kitchen island sa gitna nito. Sa harap naman ay may kahoy na bangko kung saan uupo ang kanyang ina tuwing umaga, iinom ng kape habang pinapanood ang mga kapitbahay na dumaraan.

"'Ma, ako na ang maghihiwa ng mga gulay," she imagined herself saying.

"Hindi, ako na. Ikaw ang bisita," Rubie would reply.

"Hindi na ako bisita, Mama. Dito na ako, for good." In-imagine din niya ang saya na makikita sa mukha ng ina matapos sabihin iyon.

Rosella opened her eyes. Her smile stayed. Malapit na, she told herself. Konti na lang. Mabubuo ko na ang pangarap ko para kay Mama.

Pero ang buhay ay walang formula. Gaano man kaganda ang iyong plano, may sarili itong disenyo at proseso. Nakatanggap siya ng video call isang umaga ng Miyerkules mula kay Gemma, kapitbahay at matalik na kaibigan ng kaniyang ina, na tumitingin din kay Rubie dahil mag-isa lang ito sa bahay.

"Hello, Ate Gemma! Kumusta po? Napatawag po kayo?"

"Mabuti naman ako Rosella." Bakas na agad sa mukha ni Gemma ang matinding pag-aalala sa mukha. "Naku, may emergency kaya napatawag ako."

Kumabog agad ang dibdib ni Rosella. "Bakit po? Ano'ng nangyari?" Nahulaan agad niyang may kinalaman ito sa Mama niya.

"Naku, anak, ang Mama mo, nadulas kanina sa banyo."

"Po?" Naghisterya siya, awtomatikong nanginig ang kamay na may hawak ng cellphone.

"Mabuti at dumaan ako sa inyo. Namunga kasi ang mga okra ko at bibigyan ko sana ang Mama mo. Nasa pinto pa lang ako, narinig ko na siyang humihingi ng tulong kaya nagngalingali ako papasok. Nakita ko nga siya sa banyo, nadulas daw siya."

The vacuum cleaner slipped from her hand. Her ears rang. "Ano po? Eh, kumusta na po si Mama?"

Hindi niya na nagawang magpasalamat sa pagmamalasakit ni Gemma dahil sa matindi niyang pag-aalala.

"May maliit siyang sugat sa noo, at may kalakihan sa siko pero maayos na siya. Huwag kang mag-alala. Itinawag ko sa iyo para malaman mo. Hindi ko kasi alam saan tatawagan ang mga kapatid mo at ikaw lang ang friend ko rito."

"Maraming salamat po, Ate Gemma. Nasabi po ba ni Mama ang dahilan bakit siya nadulas?" Hindi pa rin nabawasan ang pag-aalala ni Rosella.

"Nahihirapan na raw makakita ang Mama mo. Ang sabi ng doktor, kailangan nang ipa-check iyong mga mata niya, mukhang may katarata na raw pareho."

Katarata. Isang salita lang iyon pero parang may bigat na hindi niya agad kayang tanggapin.

Her brothers arrived at the hospital later that day. They called her through a video, showing Rubie lying in bed, trying to smile.

"Rosella, anak, okay lang ako. Gasgas lang 'to," Rubie insisted.

But Rosella noticed the uncertainty in her mother's gaze, the way her eyes searched for where the voice was coming from.

"'Ma... ilang beses ka nang nadulas?" Rosella asked quietly, naiisip niya nang hindi na ito bagong pangyayari.

Rubie hesitated.

"Tatlo," her brother answered instead.

Rosella's heart sank. All those days her mother said she was fine. All those times she said, "Huwag kang mag-alala."

She wasn't fine, and Rosella wasn't there.

Two weeks later, the diagnosis was clear: early-onset cataracts. Kailangan ng surgery para maagapan ang paglala o potensyal na pagkakabulag ng mga mata ni Rubie. Rosella sat on her bed in Auckland, staring at her carefully planned spreadsheet.

Her emergency fund, the ten percent she had protected for years, was definitely not enough. Saka niya tiningnan ang column ng sixty percent niyang fund na para sa pangarap niyang bahay, convenience store, at sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas para makasama na uli ang ina at personal itong maalagaan.

Naluluha man ay sinara niya ang kaniyang laptop. Nakapagdesisyon na agad si Rosella.

Rosella stood for a long time outside the kitchen before finally knocking on the half-open door of the study. Her hands were clasped tightly together, the way she held them whenever she was trying to steady herself. Inside are her employers who were busy reviewing paperworks.

"Excuse me, Ma'am... Sir," she said gently.

They looked up at once, sensing something different in her voice. "Yes, Rosella? Is everything alright?" her employer asked.

Napalunok sa kaba si Rosella. Sa loob ng labing isang taon, maliliit na pabor lang ang hinihingi niya sa mga ito, tulad ng paminsang day off o ang manatili sa kuwarto niya para makapag video call sa pamilya. Ngunit ngayon, mas mabigat ang mga salitang kailangan niyang sabihin. Napakabait ng kanyang mga employer kaya siya tumagal sa trabaho, at hindi niya inakalang sa ganitong paraan siya magpapaalam.

"I just received a call from the Philippines," panimula niya. "My mother had an accident. She had a fall and was taken to the hospital."

Concern crossed their faces, urging her to continue.

"The doctors found that she has early-onset cataracts. They said she needs surgery as soon as possible. After the operation, someone must stay with her...to help her recover and make sure she will not have an accident again." Her voice trembled slightly, but she kept going. "My brothers already have families of their own and live far from our home. I'm the only one who can be there to take care of our mother."

The room fell quiet, filled only by the weight of what she was leaving behind.

"I am very grateful for all the years you trusted me here," Rosella added, bowing her head slightly. "But I need to be with my mother now. She needs me. She took care of me all my life. This time, it is my turn to take care of her."

It was not an easy decision, lalo pa at hindi naman gano'n kalaki ang naipon niya, but it was the clearest one she had ever made.

Pumayag ang employers niya. Bukod sa mababait talaga ang mga ito, matatapos na rin ang kontrata niya. Iyon nga lang, gaya ng sa mga nagdaang taon, maaga pa lang ay tinatanong na ng mga ito kung magre-renew siya. Nagsabi na siyang magre-renew pero nangyari ang aksidente.

"'Ma," she said during their next call, her voice was steady. "Uuwi na po ako."

"Hindi! Sayang ang trabaho mo, napakarami mo pang pangarap—"

"'Ma," pagputol niya sa sinasabi ng ina. "'Tsaka na po 'yong bahay. Ikaw muna. Mas priority kita."

She booked her ticket that night. Packing felt unreal. Eleven years of life reduced to one suitcase.

She paused when she saw the chocolate bars she had bought weeks earlier, Hershey's Limited Edition chocolate bars she meant to bring home before the year ends as her pasalubong.

"Uuwi na tayo," she whispered, placing the Hershey's chocolate bars carefully between folded clothes.

The flight home felt longer than all her years abroad combined. As the plane lifted into the night sky, Rosella closed her eyes and held on to one quiet thought.

For eleven years, she had been building a future for her mother.

Now, she was finally going home to be part of it.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co