Truyen3h.Co

Thorns And Roses

Kabanata 2

heartlessnostalgia

Kabanata 2

I was staring at their cold bodies on the ground. My hands were shaking. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa lalamunan ko.

The moment the men left, mabilis akong tumakbo palabas ng cabinet at ginapang sila.

I cried as I held them, the years with them were enough to make me feel this way. They took care of me, kahit hindi nila ako kilala.

Kahit hindi naging mabuti sa akin si Tatay ay may parte siya sa puso ko. He was my father, nagtrabaho siya para sa amin at habang nakatingin sa kanila ay namamanhid ang katawan ko.

Nang mapatingin ako kay Nanay ay mas nanghina ako. My hands were shaking harder this time kaya itinago ko iyon sa may hita ko at tahimik na humikbi.

"N-nay..." I whispered, even for the last time, she let me feel her love, her unconditional love for me.

I didn't know who were those people.

Sila ba 'yong naghahanap sa akin? Sila ba 'yong kukuha sa akin para sa utang ni Tatay?

Hindi ako mapakali. I am starting to blame myself and my hands trembled more.

Kung... kung lumabas ba ako at nagpahuli ay mangyayari ito? Kung sakaling tumakbo ako para humingi ng tulong ay nailigtas ko sila?

I smack my chest repeatedly because I am lacking out of breath.

"T-this is my fault..." I whispered.

I-I should have done something! Sana... sana tinulungan ko sila... Sana...

"Nay..." bulong ko at inabot ang malamig nitong mga kamay. She was resting beside Tatay at hindi ako magkandamayaw sa pagluha.

"P-patawad..." I whispered and held her hand. "P-patawarin niyo po ako... H-hindi ko man lang kayo natulungan. Sorry..." I held her hand and lowered my head.

"M-mahal na mahal ko kayo..." bulong ko at mariing pumikit.

Napatingin ako sa paligid, the place was a disaster, mga nagkalat na gamit, at ang dugo sa paligid.

Nang makita ko ang isang baril sa tabi ng Nanay ay napansin kong pamilyar ito. Nanginginig man ang katawan ko ay lumapit ako roon. My hand still has blood from the thorns and from my parents.

Tinitigan ko ang baril at umawang ang labi ko nang makitang ito ang baril ni Tatay na tinatago niya.

They... they used it to kill them?

"Ayon siya!" Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga pulis.

I saw how their eyes widened. Mula sa akin ay bumaba ang tingin nila sa baril na akmang aabutin ko at mabilis kong nailayo ang kamay ko bago ko pa man mahawakan.

"Posasan niyo!" Mas kumalabog ang dibdib ko at napaatras. Napahawak ako sa sahig at mabilis na umiling.

"H-hindi..." I shook my head.

"Bilis!" I saw two police officers looking sharply at me, may hawak silang posas at napaiyak ako nang makita iyon.

"Hawakan niyo!" I screamed when they held my arm, napaatras ako at pumalag pero hinawakan nila ako.

"H-Hindi ako... Hindi..." desperadong bulong ko.

"Sa presinto ka na magpaliwanag, Miss!" The police exclaimed. Mas nanginig ako at kumawala pero hinatak nila ang braso ko.

"Two casualties," ani ng isang pulis sa radyo niya at kahit anong kawala ko ay nagpupumilit sila.

I felt the cold chain on my hands, napatingin ako roon at mas napaluha.

N-no... Hindi ako...

"Nay, Tay..." bulong ko nang madaanan ko ang mga magulang ko.

They dragged me outside, hindi ako makaayos ng tayo sa pamamanhid ng mga paa ko. I still can't process everything.

Sa paglabas ay halos manlumo ako nang makita ang mga kasama namin sa bukid at ang mga pulis sakay ang kanilang mga sasakyan.

"T-tulong po..." mahinang sabi ko at nakita ko kung paano sila mag-atrasan pagdaan ko.

"Mamatay tao ka! Pinatay mo ang mga magulang mo!" sigaw nina Mang Delso. I shook my head at nagsalita.

"H-hindi po... Hindi ako." Iling kong paulit-ulit, ang mga mata'y hilam at nanlalabo sa luha.

"Wala kang utang na loob! Mamatay-tao!" napaiyak ako lalo nang sugurin ako ni Aling Carmen.

"Walang hiya ka!" She attacked me, hinila niya ang buhok ko at napasalampak ako sa lapag.

"Bitiwan niyo!" sigaw ng pulis at pilit akong pinapatayo.

"Hindi! Mamatay tao ang batang 'yan! Baliw!" sigaw niya at ang namumuhi niyang mga mata ay nasa akin.

"Awatin niyo!" sigaw ng isang pulis at nakita kong inawat ng pulis ang ginang.

"Mamatay-tao! Pinatay mo ang nga magulang mo!" sigaw niya at nakita ko ang mga pandidiri, galit at panghuhusga sa mata ng mga tao roon sa akin bago ako ipasok sa sasakyan ng mga pulis.

"Secure na ang suspect," ani ng pulis sa tabi ko. I was in the middle with both of my hands in the chains, nanginginig ako sa takot.

My hands were shaking uncontrollably at naramdaman ko ang mahihinang bulong sa tainga ko.

"Baliw ka! Mamatay tao!" I heard voices at mariing napapikit ako roon.

"Pinatay mo ang mga magulang mo!" sigawan at ang mukha ng mga magulang ko habang naliligo sa dugo.

I tightly closed my eyes, halos mabingi ako sa mga bulong na iyon kaya napatungo ako at humikbi.

"H-hindi ko sila pinatay. Sila... sila ang may gawa!" I screamed to stop the voices.

"Manahimik ka!" The police shouted at doon ako natauhan. Mabilis akong napamulat at nakitang nasa byahe na kami.

Natulala ako, pilit kong ikinukubli ang panginginig ng mga kamay ko.

"Baka baliw nga talaga," ani ng isang pulis sa tabi ko.

"Ewan ko, sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip ang papatayin ang mga magulang?" ani ng isa at gusto ko mang tumutol ay nanghihina ako.

My body is in pain, sumasakit na ang ulo ko at nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Nakita ko na lang ang sarili kong hinihila patungo sa presinto. It was the first time I came here kaya wala ako sa wisyo.

Binalot ng takot ang puso ko, tumulo ang pawis mula sa noo ko at nakita ko ang mga preso sa kabilang parte ng presinto.

Hiwalay ang babae sa mga lalaki, napansin kong lahat sila ay nakatingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Anong kaso?" ani ng isang babaeng pulis habang hinahatak ako ng dalawang lalaki papasok.

"Murder," ani ng isa. "Hinihinalang pinatay niya 'yong mga magulang niya..."

"H-hindi ko sila pinatay," mahinang sabi ko.

"Manahimik ka!" sigaw ng isa kaya nagbaba ako ng tingin.

"Paupuin mo rito." Padarag nila akong iniupo sa isang plastic na upuan at kaagad kong napansin ang lalaking nasa harapan ko.

He was a police officer, I think. Nagsusulat siya roon at nakita kong napatingin siya sa akin at humarap sa mga kasama niya.

"Kaso?" aniya. I think he was about my age pero nakakatakot ang aura niya.

"Murder..."

"Murder? Sinong pinatay?" ani nito at napatingin lang ako sa kamay ko na may mga tuyong bakas ng dugo.

"Magulang niya, 'yong itinawag sa may bukid kanina," ani nito at nakita kong tumango iyong lalaki.

"Nakita ba sa akto o hindi?"

"Hindi, pero ang sabi ng mga tao roon, wala namang ibang kasama ang dalawang matanda roon bukod sa kanya. Nakita namin siyang nasa tabi ng mga bangkay kanina, nasa aktong aabutin ang baril," paliwanag nito.

"She's the main suspect for now?" ani nito.

"Oo," sagot ng isa. "Tama ng baril sa puso sa lalaki at sa ulo 'yong sa babae."

"Anong pangalan mo, Miss?" ani ng lalaki sa akin pero hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa duguan kong mga kamay.

It's my fault... but I didn't kill them.

"Miss? Anong relasyon mo sa mga biktima?" tanong sa akin.

"H-hindi ko sila pinatay," mahinang sagot ko at napapikit nang manakit na naman ang ulo ko.

"Anong motibo mo sa pagpatay? Bakit?"

"Hindi ko sila pinatay..." bulong kong ulit.

"Feeling ko, chief, may amats ang utak nito," sagot ng isa sa mga humila sa akin.

"Mayroon?" tanong nito at hinanap ang tingin ko pero nagbaba ako ng tingin lalo at tinitigan ang posas sa kamay ko.

"Chief, nand'yan 'yong mga kasamahan nila," ani ng pulis at sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko sina Mang Delso, Jace, at Aling Carmen ay napaayos ako ng upo.

Magpapaliwanag ako. Alam kong maiintindihan nila ako.

"A-aling—"

"Putang ina mong babae ka!" Isang lagapak ng sampal ang natanggap ko sa pisngi ko.

"Mamatay-tao ka! Bakit sina Thelma pa!" she screamed at maya-maya'y napahagulgol.

"H-hindi po ako..." iyak ko.

"S-sinungaling! Buong puso kang tinanggap ng mga taong 'yon pero pinatay mo sila! Wala kang utang na loob!" sigaw niya na lumuluha. Nang akmang tutumba na siya ay umalalay si Mang Delso at si Jace roon.

"Nay, kumalma ka," ani Jace.

"Makukulong kang babae ka! Mabubulok ka!" sigaw niya.

Mas naramdaman ko ang pagbalot ng takot at bigat sa dibdib ko.

"H-hindi ko po sila pinatay. H-hindi," iling ko pero hindi siya naniwala sa mga sinasabi ko.

Napaharap ako kay Aling Delso at nakitang galit na galit siya sa akin.

I shook my head, patuloy na nalalaglag ang mga luha sa pisngi ko habang nagmamakaawang paniwalaan nila ako.

I looked at Jace pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin. He seems disgusted. Galit na galit din ang mga mata niya at mas napahagulgol lang ako roon habang umiiling-iling.

Nang mapakalma si Aling Carmen ay naupo silang tatlo sa isang upuan habang tumetistigo at naroon din ako para magpaliwanag.

"Anong nangyari?" sabi sa akin pero hindi ako kaagad nakasagot roon. Nagsimulang manginig muli ang mga kamay ko habang inaalala iyon.

"M-may..." I said but stopped and a sob left my lips.

"H'wag kang maniwala sa babaeng 'yan!" sigaw ni Aling Carmen.

"Kumalma muna tayo, misis. Pagpaliwanagin muna natin siya," ani ng pulis bago bumaling sa akin.

"M-may... may mga..." I stopped when I saw someone entered the prison hall. Kaagad akong namutla nang makita ang lalaki iyon.

It was the man who has a tattoo on his neck, 'yong kasama kanina...'yong nakaitim...

"May ano, miss?" ani ng pulis pero napako lang ang tingin ko sa lalaking iyon. He was staring at me, nang makitang nakatingin ako sa kanya ay tumaas ang sulok ng labi niya.

He eyed me mockingly and act like he's zipping his lips.

Halos sumikip na ang dibdib ko at parang hindi na ako makahinga.

He grinned evilly at iniaktong gigilitan ang leeg kaya mas namutla ako. Napaatras na ako sa upuan ko at napasigaw nang malaglag ako.

"Miss?! Miss?!" mabilis nila akong dinaluhan pero sumigaw ako at pilit na tinatakpan ang mukha ko.

"H-hindi! Hindi ko sila pinatay!" sigaw ko ng paulit-ulit. Nagwala ako, pilit nila akong pinapakalma pero hindi ako mapirmi sa upuan ko dahil sa takot.

I catched for my breath, naririnig ko ang sigawan pero tanging maliliit na boses lang ang naiintindihan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. My chest moved up and down at I felt like it was spinning. The voices were fading, the place becomes blurry at sa pagkurap ko at pilit na pagtayo ay roon na ako bumagsak at nawalan ng malay.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

"WE'LL arrive in five." Mabilis akong nagmulat at napatayo.

"She's awake!" Napalingon ako at nanlaki ang mata ko nang makitang nasa isang ambulansya kami.

Napansin kong nakahiga ako kanina sa isang stretcher at mabilis na hinanap ang mga tao roon.

I saw a woman in her scrub suit, naroon siya sa gilid katabi ang dalawang nurses at bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na ito.

"Good evening, I am Dra. Katrin Lim," pakilala niya at hindi ako nakaimik roon.

I felt scared at napaatras ako.

"No, h'wag kang matakot," she smiled at napansin kong mukhang maayos naman siya. "We won't hurt you."

"N-nasaan ako?" bulong ko. Nang mapatingin sa kamay ko ay nakaposas pa rin ako.

"Nasa ambulansya ka, pupunta tayong ospital," aniya at ngumiti.

She is pretty, maputi, matangos ang ilong at singkit ang mga mata.

"O-ospital?" I asked. She nodded, nakita kong nakamasid sa akin ang dalawang nurse roon kaya nagbaba ako ng tingin.

I was barefoot, nakasuot lang ako ng shirt at pantalon na kanina ko pa suot-suot. It has blood stains, nang mapatingin ako sa kamay ay naroon pa rin ang mga natuyong dugo.

"Tell Dr. Valderama to prepare a room for the lady," aniya sa nurse at napaharap ako kaagad sa kanya.

"W-what hospital are you from?" mahinang tanong ko at ngumiti ang babae at sumagot.

"You'll know later," she answered me.

Hindi na ako nagsalita roon at nanatiling tulala. Habang nakatingin sa pintuan ng ambulansya ay nagulat ako nang makita ang ilaw mula sa ibang sasakyan sa likod. Nakagat ko ang labi ko at napabuntonghininga.

The police are still here. They will lock me in jail, I knew it.

The man earlier, 'yong nagpakita sa akin sa presinto. I know he's threatening me and... If I tell anyone about this... He'll kill me.

The vehicle stopped, napalingon ako sa doktor na sa may tabi ko bumaba. I felt someone drag my arm kaya napalingon ako roon at nakitang ang dalawang nurse ay hawak ang magkabilang braso ko para ibaba ako ng sasakyan.

Sumama naman ako, nakita kong nagsibabaan ang mga pulis sa likuran namin at pinalibutan kami.

The fear crept inside me again at nakita kong kinakausap ng mga pulis ang doktor. I looked around and to my horror ay napaatras ako nang makita ang pangalan ng ospital.

Valderama Institute of Mental Health

I was startled, napatingin ako sa paligid ko at ang kamay ko ay nag-umpisa nanamang manginig.

"H-hindi ako baliw..." I whispered and moved backwards. Humigpit ang hawak sa akin ng mga nurses at nakita kong naalerto ang mga pulis.

"H-hindi ako baliw..." I said it again and shook my head, my tears fell like they knew what to do.

"Ipasok niyo na 'yan," utos ng Doktor at napasigaw ako roon.

"No! Please!" I screamed and moved, I tried to free myself pero hindi nila ako hinayaan. Their grip on my arm tightened at sigaw lang ako nang sigaw habang ipinapasok nila ako sa loob ng institusyon.

"P-parang-awa niyo na," I cried. "H-hindi ako baliw, please..."

"Hawakan niyo nang maigi," ani ng doktor sa likuran namin. Nararamdaman ko pa rin ang panginginig ng mga palad ko.

"What's her case?" ani ng doctor. Humihikbi lang ako habang hinihila nila ako papasok.

I saw the white walls, ang malapad na hallway at ang mga upuan sa gilid. The lights were dim at halos mapaupo ako sa panghihina roon.

"A suspect for murder..." ani ng pulis. "Dinala namin dito kasi mukhang may sakit sa ulo, kanina pa siya sigaw nang sigaw at bumubulong. Ang sabi rin ng mga kasamahan nila sa bukid ay madalang magsalita itong babae at medyo weirdo kaya siguro."

"Okay, we'll see what happened..." ani ng doktor.

I am not crazy... I did not kill them... I promise!

"Buksan niyo!" Napatalon ako at napalingon nang may sumigaw. I saw someone locked in a room, may mga rehas ang isang parte ng kwartong iyon at ang tao'y nagpupumilit lumabas.

"Fred, pakalmahin niyo," utos ng doktor sa kanya.

"Sino 'yan, huh?! Bago?!" the woman screamed from that room. "Miss, lagot ka! Mamatay tayong lahat dito!" sigaw niya at tumawa nang malakas at naririndi ako sa naririnig.

I suddenly heard whispers again, telling me I was a killer, I remembered my parents face, the gunshot... 'yong lalaking may tattoo...

"P-pakawalan niyo ako!" I shrieked at gumalaw pero dumiin ang kamay nila.

"Manahimik ka nga, miss!" The nurse exclaimed but I shook my head and cried, telling them to let me go.

"What's happening?" I heard a baritone, cold voice.

Napatungo na lang ako at wala nang magawa, ang mga luha'y parang agos ng talon na patuloy sa pagbasa ng pisngi ko.

"Good evening, Doc," the nurses greeted.

"What's with the commotion?" he asked pero nanatili lang akong nakatingin sa mga kamay ko.

"A mental patient, Thorn, suspected murder case," ani ng doktor na babae at natahimik ako pagkarinig ng pangalang iyon.

"Why are you dragging her?" he asked.

"Nagwawala kasi, Doc," sagot ng nurse at mabilis akong nag-angat ng tingin.

Our eyes met, nakita ko ang gulat sa mata niya pagkakita sa akin at umawang ang labi niya. My heart throbbed.

He... was scared of me. I felt ashamed of myself...

"L-let me go..." bulong ko bago muling tumungo at kumawala.

Gusto kong tumakbo palayo, sana namatay na lang din ako...

"Kumalma ka, Miss!" The nurse exclaimed at napapikit ako nang maramdaman na ang kuko niya sa braso ko.

"P-please... Please..." bulong ko pero pinirmi nila ako.

"Let her go." Parang nabuhusan ako ng tubig nang marining ang boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakalapit na si Thorn.

He was looking at the nurses coldly, his jaw clenching as if he was gritting his teeth.

"Doc, hindi pwede, magwawala lang siya—"

"I said let her go!" his voice roared at miski ako ay natakot roon. "You are hurting her, let her go!"

Naramdaman ko ang pagkawala ng hawak nila sa braso ko at kaagad akong nanghina roon. My knees become weak at akala ko'y babagsak na ako pero may sumalo sa baywang ko.

I was shocked. Sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang itim na mga mata ni Thorn habang nakatingin sa akin sa kabila ng salamin niya.

He held my waist to support me at hindi ako nakagalaw roon.

"Are you alright?" He asked at nang bitiwan niya ang baywang ko ay napaatras ako.

"No, I won't hurt you," he said softly.

Ang hikbi ko'y hindi matigil.

"Damn..." he cursed at nakita kong mariin siyang napatingin sa mga tao roon sa likod at nagsalita.

"I always tell you to don't force the patient!" sigaw niya roon.

"D-doc, kasi nagwawala siya..."

"You should have talked to her nicely! Look what happened!" sigaw niya roon at napatingin sa akin. Maya-maya'y lumapit siya at nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay ko bago napabuntonghininga.

"Keys..." he said.

"Doc, hindi pa siya pwedeng pakawalan. Makakatakas iyan," ani ng pulis.

He puffed and breathe and ran his hand frustratedly on his hair.

"You know why is she like this?" he asked. "Because you're harassing her..."

"Ito ang protocol namin, Sir, kailangang posasan ang mga suspect ng—"

"I know but..." he bit his lip, nakita kong naiinis na siya. "Even if she's a suspect, you should have treated her right. Hindi pa naman napapatunayan, 'di ba?"

"Oo, Doc pero—"

"Maybe she was stressed that's why she's being like this," aniya. Nang lumapit pa siya sa akin ay hindi na ako nakaatras.

"Keys, you have to let her go, she won't escape," aniya at hinanap ang mata ko. "Right, Scira?"

"You know her?" the other doctor asked.

"I met her earlier nang nasiraan ako and she's..." he stopped and searched for my eyes. "She's not like this. So I assume na na-stress siya kaya ganito ang mga kilos niya."

"Pero pinatay—"

"She's just a suspect at habang hindi pa napapatunayan ay wala kayong karapatang itrato siyang criminal," he said sharply at napatungo ako roon.

Nahihiya ako para sa sarili. I was devastated.

"Give me the keys," he said at nakita kong iniabot sa kanya ang susi. I saw him stared at me, nang tumingin ako sa kanya ay kumalma ako.

"I'll just remove your handcuffs, 'kay?" he said softly.

Marahan akong tumango roon at nakita kong ngumiti siya.

"Okay, calm down," mahinang sabi niya at inabot ang kamay ko. I flinched when he touched my hand, nakita kong nangunot ang noo niya nang makita ang panginginig ng kamay ko at mabilis na hinanap ang mga mata ko.

"I won't hurt you," mahinang sabi niya. "You know me, right? I'm Thorn, you helped me, right?"

Hindi ako nakasagot at napapahikbi lang.

"Sshh..." he hummed. "I won't hurt you," he said gently holding my shaking hands.

I felt something when his skin touched mine, kaagad na nagsirko ang puso ko roon.

"I promise..." aniya at marahang tinanggal ang posas ko.

My wrist hurt when the cuffs were removed. Nakita ko ang pamumula roon at nanatiling hawak ni Thorn ang mga kamay ko bago iabot sa mga pulis ang posas.

"I'll take care of her," he said formally. "I'll treat her wounds and Dra. Lim will entertain you."

"This way..." Dra. Lim said at narinig ko ang yapak nila paalis. I stayed staring at my shaking hands, nakita kong humigpit ang hawak roon ni Thorn at lumingon sa likuran ko.

"Follow me," he told the nurses bago bumaling sa akin. "Can you walk?" he asked me. Mahina akong tumango.

He let go of my hands and held my arm softly to support me at isang hakbang pa lang ng paa ko ay nawalan ako ng lakas kaya napamura siya at muling inabot ang baywang ko.

"Careful. Can I carry you?" tanong niya at nagtaka ako roon. "I have to treat your wounds first. You're too weak to walk so, if you'll allow me to carry you..." paalam niya at tumango na lang ako roon.

I was startled when he put his arm at the back of my knee and his other arm on my back and lifted me to carry me.

Nang tumama ako sa dibdib niya ay sinilip niya ako at nagsalita.

"Hold on tight," he said at dinala ko ang braso ko sa leeg niya para kumapit at doon na siya nag-umpisang maglakad paalis.

I felt his warmth as he carried me, I heard his fast heartbeat. Naamoy ko rin ang panlalaking amoy niya at habang nakakapit at dala-dala niya ako ay hindi ko maiwasang maiyak.

He was so gentle. He wasn't scared of me. He didn't judge me right away. I felt safe as he held me closer to his chest, looking so serious while looking at one direction.

Sinipa niya ang pintuan ng isang kwarto at nakita kong nakasunod sa amin ang dalawang nurse na lalaki.

He let me sit on the hospital bed slowly. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakita kong nakatingin rin siya sa akin.

"Are you fine?" I shook my head. Narinig ko ang buntonghininga niya at ang pagtango sa sinabi ko.

"It's alright, they won't hurt you anymore," pagkausap niya sa akin. "I won't let them hurt you."

"H-hindi ko naman sila pinatay," I said at napapikit.

"Sshh... I know you didn't..."

I opened my eyes, nakita kong nakatitig siya sa akin at kaagad kong nakita ang sinseridad sa mga mata niya.

"Y-you believe me?" I asked.

"Yes," he smiled at me at patted my head. "I know you're a good person, Scira. I knew it the moment I approached you to ask for help," he said, smiling.

Hindi ako kaagad nakasagot roon. My heart beat increased rapidly. He believed me. Halos hindi mawala ang sayang naramdaman ko.

"Bring me my things, pakidala ng medicine kit," aniya sa nurse roon na kaagad ring umalis.

"And Josh?" nilingon niya iyong natira.

"Yes, Doc?"

"Pakiayos ng kwarto ni Scira. She'll rest after this," aniya sa malamig na tono at nagpaalam ang nurse paalis pagkatapos.

We were left in the room together. Nakita kong pumunta sa may lababo si Thorn... I mean Doc at nakita kong may hawak siyang bimpo.

He was wearing a lab coat. I am staring at his back, I saw him wearing a baby blue polo shirt and pants underneath his coat. He's still wearing his glasses.

Nang bumalik siya ay kita kong hawak na niya ang binasang bimpo at isang maliit na planggana. He dragged a chair near me at kaagad na naupo roon.

"Gusto mo tubig?" he asked kindly at nang tumango ako ay iniiwan niya ang hawak sa side table bago kumuha ng tubig.

"Here..." he hand me a glass of water na kaagad kong ininom.

Dire-diretsong ininom ko iyon at nakita kong nakamasid lang siya sa akin sa ginagawa ko. His piercing black eyes was staring at me, ang kulay tsokolate niyang buhok ay medyo nagulo dahil sa pagsuklay ng daliri niya roon kanina.

Kaagad akong nakahinga nang maluwang matapos kong uminom at nang ibaba ko iyon ay nakangiti na si Doc.

"You like more?"

I shook my head, napatawa naman siya roon bago tumango at inabot mula sa akin ang baso.

"Alright, linisin na natin ang sugat mo, hmm?" aniya at inabot ang kamay ko.

It was still shaking and I didn't know why.Sumulyap siya sa kamay ko pero wala siyang sinabi at hinugasan ito sa planggana na dinala niya.

He cleaned my hands to remove the dry blood at nanatili lang akong nakatulala roon. Matapos nito ay inilapag niya sa lapag ang planggana at pinunasan ng tuyong bimpo ang palad ko.

"There..." he smiled.

Maya-maya'y dumating ang nurse dala ang medicine kit at umalis din. I saw him opened his kit habang nakaupo sa harapan ko.

He was searching for a certain thing from there kaya sumulyap ako sa kamay ko. I have a wound on my fingers that was pricked by the thorns. Ang mga pulsuhan ko ay mayroon ring kulay pulang pabilog na tanda ng mga posas ko roon.

"Give me your hands," aniya at inabot ko sa kanya ang kamay ko. He stared at my fingers at nakitang may sugat doon.

"Where is this from?" he asked.

"D-doon sa rosas." He stopped, nakita kong nangunot ang noo niya at mabilis na hinanap ang mga mata ko.

"Damn, I'm sorry," he said. "I should've removed the thorns," ngumiwi siya.

"N-nadiinan ko lang naman. Ayos lang," sagot ko.

He nodded, nakita kong ngumuso siya habang nakatingin sa sugat ko bago naglagay ng gamot sa cotton.

"I was in hurry to get the roses, sorry, sana ay inayos ko man lang," aniya.

"H-hindi naman masakit..."

"Kahit na," aniya at muling hinawakan ang palad ko. "Thorn pa man din ang pangalan ko," iling niya at napatawa ako roon.

Napaangat siya ng tingin nang marinig ako at tinagilid ang ulo niya.

"There, you laughed..." he said at natahimik ako roon. "Don't cry," aniya sa akin at pinahiran ng ointment ang palapulsuhan ko. "You are beautiful when you smile, don't let your tears remove that beauty," aniya.

Kumalabog naman ang puso ko.

"I'm sorry if they have to brought you here," aniya. "But I think you are safer here."

"I-I'm not crazy..." sabi ko. "P-pangako, sinasabi nilang baliw ako pero hindi," iling ko.

"You are just stressed, I think..." aniya.

Nakita kong sumulyap siyang muli sa kamay ko.

"Anyway, Scira," sabi niya at doon na ako nag-angat ng tingin. I saw him looked at me, his midnight black eyes was what I saw.

It was soft, like a calm dark sky.

"Kailan pa nanginginig ang kamay mo?" he asked.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na nanginginig pa rin. I tried holding my other hand to stop pero hindi ito tumitigil.

"K-kanina..." mahinang sagot ko. "It just happened."

He sighed, nang abutin niya ang kamay ko ay nagulat ako roon.

"Let me..." aniya.

Inabot niya ang kamay ko then he caressed it softly. Marahan ang haplos niya roon na parang kinakalma niya at nakatitig lang ako roon.

"Don't be scared," mahinang sabi niya at minasahe ang kamay ko. "You are not crazy," he said.

"I'm not..." bulong ko.

"Look at me," aniya at nag-angat ako ng tingin sa kanya.

I saw his face and silently praised how good-looking he is. His eyes were soft yet his features were hard. I saw how defined his nose is, his reddish lips, his jaw and his thin beard on his jaw.

"I want you to calm down," he said, looking at my eyes. "Breathe in, breathe out..."

I did what he told me.

"Relax, think of any good happenings in your life. Try to forget what happened today. Just relax..." his voice said soothly.

I suddenly remembered my parents, they were smiling at me. Nanay is waving at me when I got home, si Tatay naman ay nanunuod ng TV at nang makita ako ay tumango siya sa akin.

"You're safe," aniya. "Nothing to be scared of..."

Marahan akong tumango, ang dibdib ko'y gumagaan na. He smiled at me, maya-maya'y bumaba ang tingin niya sa kamay ko.

"See?" he smiled at umawang ang labi ko nang hindi na nanginginig ang mga kamay ko.

Nanlaki ang mata ko. Napangisi naman siya at ginalaw ang kilay niya.

"Ang galing..." I murmured.

"Ikaw ang magaling," tawa niya at hinaplos ang daliri ko. "You made it, you calmed yourself down."

I watched as he caressed my fingers. Maya-maya'y marahan niyang inilapag iyon sa hita ko at napahawak ako kaagad sa kamay kong nawala na ang panginginig.

"Thank you." I whispered at nakita ko ang pagngiti rin ng mata niya bago guluhin ang buhok ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co