Truyen3h.Co

TOUCH ME AGAIN

Kabanata 2

makiwander



"Hindi mo na ginagamit ang sasakyan mo?"

"Sinoli mo na ba?" Sumubo muna ako ng pagkain bago sinagot si Daddy. It's been a month simula noong sabay kami ni Raeven sa pagpasok at pag-uwi, I missed half of my classes pero wala akong pakialam. Para akong kadugtong ng bituka nya. Kahit wala nga akong pasok, sumasabay pa din ako sa kanya. Of course she wouldn't know na wala akong klase. Weirdo na nga ang tawag nya sa akin pero wala akong pakialam dahil nakikipagkwentuhan na din sya sa akin.

"I did, last week."

Nagkibit balikat ako, hindi ko na gagamitin iyon. Kahit mas mahal pa sa gasolina ang binabayad ko kay Raeven, ayos lang.

Ngayon nga ay wala akong pasok, aantayin ko lang sya hanggang uwian nya para magsabay ulit kami sa MRT. Nagpapalipas lang ako sa library para hindi naman ako mainip.

Tumingin ako sa orasan ko nangmakarating ako sa estasyon. Dalawampung minuto nang late si Raeven, hindi tuloy ako mapakali. Nasan na kaya yon?

Ilang minuto pa ang lumipas nang makita kong humahangos si Raeven patungo sa direksyon ko.

"Sorry Deuce." Yun ang unang lumabas sa labi nya. She looks apologetic, pero nagulat ako sa suot nya, nakauniporme sya ng pangfastfood.

"Hindi ako makakapasok ngayon dahil yung kapalitan ko ng shift may sakit. Kinuha ko ang slot nya kasi sayang naman, pandagdag din sa gastusin namin ni Nanay."

Nakaramdam agad ako ng awa. Siguro kailangan kong dagdagan ang ibinabayad ko sa kanya araw.

"S-sorry talaga. Halika na." Humawak sya sa braso ko, I felt an electricity the flowed through my veins. T*ngina ang corny pero totoo.

Paulit ulit akong tiningnan ni Raeven habang nasa loob kami ng tren. I smiled at her, she looks worried.

"Bakit?" I asked.

"Baka malate ka, kasalanan ko pa."

Nakunsensya naman ako agad nung tingnan ko yung maamo nyang mukha, parang anghel, pucha.

"O-okay lang. Nagtext yung Professor ko, namove naman yung klase ko."

Ngumiti sya agad. "Talaga?"

"Oo. Ikaw? Papasok ka pa?"

"Yung unang klase ko hindi na, sobrang late na din eh, sa next class ko na lang ng alas-dos."

"Great. So kain muna tayo pagkababa natin? Gutom na kasi ako eh."

Dinala ko sya sa sikat na Burger stand na malapit sa school namin, hindi pa daw sya nakakakain doon dahil mahal daw. Para sa akin ay hindi naman, kung pupwede ko lang syang dalhin sa fine dining gagawin ko, yun kasi ang deserve nya. Kaya lang, paiguradong tatanggi sya. Ang sa akin naman, kahit saan basta kasama ko sya, ayos na ako.

"Ang dami naman nito.." She smiled.

"Kumain ka lang, masyado kang payat."

"Payat? Hindi naman." She said pagkatapos ay ngumiti sya kasabay pa ng pagliit ng mata nya.

"Nagtatrabaho ka pa pala?" Kaswal na tanong ko sa kanya habang nagsasalin ng catsup.

Tumango sya habang ngumunguya, "Oo. Yung nanay ko kasi walang trabaho, kaming dalawa na lang sa mundo. Gusto kong makapagtapos kaya pinipilit ko kahit parang imposible."

She said casually. Wala man lang akong nakikitang frustration sa mga mata nya, she looks dedicated and knows what she wants. Lalo akong nakaramdam ng paghanga sa kanya.

"Hindi ka ba nahihirapan?"

Ngumiti sya muli at umiling. "Mas mahirap kung hindi ko matatapos ang pag-aaral ko. Dalawang taon pa."

"Dalawang taon pa? Ilang taon ka na ba?" I know I am older than her but for her to be in second year college seems a little bit late.

"20.. Makakatapos siguro ako pag 23 na ako. Every other sem lang kasi ako nag-aaral. Pag hindi ako nag-aaral, nagtatrabaho ako para makaipon ng pang-enrol para sa semester na naiwan ko."

"W-wow... Para kang si superwoman." I commended, she just smiled.

"Wala naman akong choice eh. Dati scholar ako, pero bawal huminto kapag ganon. Hindi lang naman tuition ang problema ko, pati pang-gastos pa namin ni Nanay kailangan ko ding punan."

"You know what, I will increase your daily wage. Dodoblehin ko ang bayad mo sa-"

"Hindi na, kung tutuusin nga, dapat ay wala na akong kinukuha sayo. Hindi ka naman nakakaabala sa akin."

"No, don't do that. Tanggapin mo pa din, tulong ko na iyon sayo." I insisted. She just smiled and nodded.

Nakakabilib si Raeven. Ang tatag nya. Sa araw araw na pag-uusap namin, damang dama ko na ang pagkahulog ko sa kanya, pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako na-torpe ng ganito. Ayoko kasing magkamali, baka pag magkamali ako, bigla na lang syang mawala sa buhay ko. 

Binalewala ko na ang sasakyang binawi sa akin ni Daddy. I still opted to be with Raeven, not unless papayag syang magpahatid at sundo sa akin gamit ang kotse ko habang tinatanggap ang binabayad ko sa kanya, saka ko na gagamitin ang sasakyan. Ang weird naman kasi kung ako na nga ang nagooffer ng libreng sakay, ako pa yung magbabayad, ang lakas maka-DOM ng ganon.

Everything's perfect, mas nagiging magaan ang loob ni Raeven sa akin. Ikinalulungkot ko nga lang dahil patapos na ang sem, ang ibig sabihin ay hihinto sya sa pag-aaral at hindi ko na sya makakasabay sa MRT. Because of thinking too much of that, nag simula na din akong magdrop ng mga subjects ko para kung sakali, sabay kaming magtatapos ni Raeven ng pag-aaral. Baka nga next sem ay huminto din muna ako. Sana ganoon kadali.

But my life being Attorney Hades Montemayor's son don't come easy.

"I got your class cards. You dropped half of your units this sem?" Namumula ang  mukha ni Daddy and by this time I know that he is fuming mad.

"D-dad. I was just—"

"Akala ko umayos ka na! Umasa ako Deuce. You are in your 3rd year! Paano mo ginagawa to?" He looks disappointed, frustrated and really angry. Niluwagan nya ang necktie nya as he sat in the aisle of the table in our study room. Nakatayo lang ako sa kanyang harapan, bawat minuto ay nawawalan na din ako ng pasensya. I sighed.

"Dad, I never liked law." Pagsasabi ko ng totoo.

"You have no choice!" He shouted.

"Alam ko. Alam ko kaya pinipilit ko naman eh. Sukang suka na nga ako sa pag-aaral dahil alam kong ayaw ko nito but I still continue because you know what? I don't want to end up like you, divorced and miserable!" Asik ko, but I regretted the words I've said. The worst part is, I couldn't take it back.

Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ko, halos mamanhid ang mukha ko sa sakit. All my life nakarinig ako ng masasakit na salita kay Daddy but he never hurt me, ngayon lang.

"Tarantado! Your mother left us dahil naglandi sya." Dad gritted his teeth.

Naglandi. All my regret moments ago vanished like thin air, how could he use that word to Mom?

"Naglandi sya dahil wala ka nang oras sa pamilyang ito." I fought back, hindi ko hahayaang dungisan nya ang pagkatao ni Mommy kahit ano pa ang ginawa nito.

"Eh kung ganoon pala sana sumama ka sa kanya." Matabang na sabi ni Daddy.

"Gusto ko! Gustong gusto ko but you never let us choose. Ikaw ang nagdesisyon na manatili kami sa poder mo."

"At nagsisisi ka? You think you will have this kind of life if you are with your mother?" Kitang kita ko ang sakit sa mukha ni Daddy but I chose to ignore.

"I think I will be much more happier because she will let me do what I want." Hindi ako makatingin kay Daddy habang sinasabi ang bawat salita. I know I am breaking his heart but I don't want to care right now, I want him to know how I feel as his son.

"If that so.. then do whatever you want now. Hindi na ako makikialam." Tumayo si Daddy at pabagsak na sinarhan ang pinto ng study room.

---
"May problema ba?" Nag-iwas ako ng tingin kay Raeven, after the heated conversation this morning with my Dad, pinili ko pa ding sabayan si Raeven kahit na masama ang pakiramdam ko. I know I would lose my senses more kapag hindi ko nakita ang tanging nagpapangiti sa bawat araw ko.

"W-wala."

"Anong wala, ayan o, may pasa ka." She pointed on my bruise, iniwas kong muli iyon.

She sighed. Napatingin ako sa malungkot na mukha nya.

"Deuce yung totoo, may pasok ka ba ngayon o wala? O ang totoong tanong, pumapasok ka pa ba?"

I gasped. Tiningnan ko sya na nakatuon lang ang mata sa akin, she has this power to make me admit anything and everything. I looked around, nasa estasyon pa din kami ng tren pero parang balewala lang iyon kay Raeven, she pursed her lips and hold my hands habang sinusuri nya ang mukha ko.

Yumuko lang ako imbes na sagutin ang tanong nya.

"Pinagalitan ka ba sa inyo dahil nakita ang classcards mo?" Tanong nya na ikinasurpresa ko.

"Paano mo nalaman? May ESP ka ba?"

"Wala. Di ba kahapon sinundo mo ako sa school tapos nauuna kang maglakad, I can sense that you have a problem tapos nakita ko yung classcards mo sa bulsa ng bag mo, kinuha ko nga eh, hindi mo man lang naramdaman, lolokohin sana kita, kaya lang hindi pala magandang biruin ang mga taong bagsak." She smiled kindly and pressed my hand.

"Anong problema?" Ulit nya.

Bumaba kaming dalawa sa estasyon ng tren, nagsimula kaming maglakad kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta. Hindi pa din ako nagsasalita at hinayaan nya lang ako. Nakakita kami ng park sa nasuotan naming subdivision, nakaramdam kami ng pagod kaya umupo muna kami doon at nagpahinga.

"Raeven.. Kilala mo ba ang tatay ko?" I asked her. Para naman syang nagulat at naging balisa.

"S-sa personal? H-hindi." She said. Tumango ako.

"He's the best lawyer in the country. One of the best in the world. He knows different civil codes from 40 countries, that's how bad ass he is. At ako, anak nya. I am the worst in our class. Binabalewala ko na nga lang ang mga Professor ko pag tinatanong nila ako 'Anak ka ba talaga ni Hades?'. Nagpapatay malisya ako pero nasasaktan ako." Malungkot kong kwento.

"I told my Dad this morning that I don't want to be like him, he punched me. He punched me." Bahagya pa akong natawa ng maalala ko ang pagsisisi sa mata ni Daddy nung sinuntok nya ako pero agad ding napalitan ng galit ang matang yon.

"I also wanted to say that I can't be like him Raeven, he's great. At eto, ako lang to. Hindi ko kayang maging katulad nya."                

"Hindi totoo yan.." Raeven cut me and held my hand. "Nakikita ko sa mga mata mo na magaling ka, but you just deny it."

"Thanks ha, pero alam mo ba kung bakit araw araw akong pumapasok?"

Kumunot ang noo nya.

"Dahil sayo, gusto kitang makita araw araw."  Hindi ko alam kung anong meron ang suntok ni Daddy kung bakit lumakas ang loob ko, all I know is that it's been 5 months that I have this feeling towards Raeven.

"D-Deuce—"

"I like you Raeven, so much, Pucha, na-love at first sight ako. Ang ganda mo kasi, ang bait mo pa, matapang, masipag. Everything that I am not."

"Deuce, you can be anything that you want to. You just need to believe in yourself."

"Tingin mo?"

She nodded.

"So, pwpwede ba akong maging boyfriend ng isang Raeven Frances Mendoza kapag maniniwala ako?" Lakas loob na sabi ko.

"Pwede."

It's my turn to be surprised.

"P-pwede?"

"May itsura ka naman, madami kang pera, medyo weird ka nga lang at tamad mag-aral, pero pwede na." Pinipigilan nyang matawa but I can see the glint of happiness in her eyes.

Nang mapagtanto ko na hindi na nya babawiin ang sinabi nya. I literally jumped and shouted.

"T*ngina Raeven, magpapayaman talaga ako at bibilhin ko ang park na ito kung san mo ako sinagot!" I shouted.

She laughed hard and I am so happy.

"I love you Raeven.." Bulong ko sa kanya, yumakap sya sa bewang ko at humilig sa dibdib ko.

"I love you too Attorney Deuce Montemayor."

From then on, I made sure that I will also be the best lawyer like my Dad, for Raeven, because she believes in me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co