Kabanata 22
Maki Say's: Pasensya na sa nag-intay ng matagal. Sobrang busy lang. I really try my very best to update as much pero tao lang, pagoda ever nung nakaraang week ✌🏽️😊 Pagpasensyahan nyo na ito.. Alam ko bitin. Mamaya ulit ang karugtong ❤️
Move it.
xxRAEVENxx
Argh! Bakit ba sya nakangisi? Hindi ko na halos mahawakan ang mga isdang gusto kong bilhin dahil sa pagkatuliro. Kanina ay galit ako, pero pag nakikita ko ang mga mata nyang nakasabay din sa ngiti nya, natutunaw na ang inis ko.
Pero hindi. Naiinis pa din ako.
Wala naman sa kontrata namin ang bawal mainis kaya ipagpapatuloy ko lang ang nararamdaman.
"Rae.." Malambing ang paraan ng pagkakatawag noon ni Deuce kaya mas lalo akong nainis, alam nyang galit ako and he's trying hard to calm me down sa pamamagitan ng paglalambing.
Nilingon ko sya ng may blangkong ekspresyon sa mukha pero nakangiti pa din ang kanyang mga labi.
"Wag ka na bumili ng tuna. Hindi naman na nagpupunta si Mona sa bahay."
Nagtataka ko syang tiningnan pero sandali lang iyon, humarap ako muli sa mga isda. Nakakairita pa din na magbanggit sya ng pangalan ng ibang babae, ang sakit sa tenga.
"Tsk, halika na. Uwi na tayo." Nagulat pa ako ng hawakan ni Deuce ang aking palad. Para akong nakuryente kaya hihilahin ko sana ang kamay ko papalayo pero hindi ako hinayaan ni Deuce.
Nagtungo kami sa cashier at pinagtulungan naming ilagay ang mga pinamili namin, doon nya lang ako binitawan.
Hindi pa kumpleto ito pero nag-aya na kasi sya. Isa pa, nakaramdam ako ng pagkapagod. Nakakapagod palang umiyak ng ilang oras, nakalimutan ko na ang pakiramdam non, ngayon na lang ulit.
Ilang segundo kong tinitigan si Deuce habang abala sya, iba pa din ang epekto nya sa akin, kaya pa din nya akong saktan kahit hindi nya sinasadya. Maybe because I love him too much. Yung mga totoo mong minahal lang naman kasi ang magbibigay sayo ng sobrang sakit. And seeing him happy with other girl recklessly hurt my chest, stabbed me and probably will put me to death.
"Magpahinga ka na, ako ang magluluto ng dinner natin." Anunsiyo ni Deuce habang naglalakad na kami sa lobby patungo doon sa pad nya. Tiningnan ko lang sya, nasa isip ko pa din na ako na lang ang magluluto imbes na sya kahit yun ang sinabi nya. Ako ang taga-silbi at sya ang amo, yun ang kuneksyon namin.
Nang makapasok na kami doon sa pad nya, dumiretso ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili, lumapit din agad sya sa akin para tulungan ako.
"Rae.. Anong gusto mong kainin?" Tanong nya sa naglalambing na boses. Nakakapagtaka naman na biglang lumambot ang ekspresyon nya.
"Wala--"
"Tch, nagseselos ka ba?" Deretsa nyang tanong sa akin. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng maalaa ko ang rule nya.
'Rule # 4, do not fall inlove with me'
He is testing me again.
"H-hindi. Bakit naman ako magseselos?" Patay malisya na sabi ko.
Napawi ang ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi at napalitan yon ng pagkunot ng noo.
"Hindi ka naman magagalit sa akin ng walang dahilan di ba?" Binaba nya sa lamesa ang hawak nyang delata at mapanuri akong tiningnan.
"Hindi ako galit."
"Bakit ka umiyak kanina?" Mapaghamon nyang tanong.
"May galit bang umiiyak?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"I know you Rae, you only cry when you are jealous."
"Eh bakit ba pinagpipilitan mong nagseselos ako?" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.
"Bakit ka ba kasi tumatanggi?" He crossed his arms around his chest.
"Kasi hindi nga!"
"Tch, ayoko ng magluto." Naiinis na deklara nya sabay hagis ng plastic na naglalaman ng mga bawang at sibuyas.
"Wala naman akong balak kumain ng niluto mo." Ganti ko sa kanya.
"Ah ganon? Wala kang balak? Pwes wala din akong balak kainin ang niluto mo." Masungit nyang sabi sabay talikod sa akin at nagtungo pabalik ng kanyang kwarto.
Tsk! Ang bilis talagang magbago ng mood non. Ginulo nya lang ang kaninang inaayos ko.
Nang mailagay ko na sa tamang shelves ang pinamili namin, nagsimula na akong magplano ng lulutuin. Nasilip ko si Deuce sa kanyang silid na nakahiga at nakatakip ang kanyang braso sa mga mata. He's like that if I do something that he hates, and what now? Gusto nya na nagseselos ako? He just wanted to test me at hindi ako bibigay.
Ilang segundo akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto nya at nakatingin sa kanya. Hindi man lang nagpalit ng damit.
Lumayo na ako para makapagsimula na. I prepared the beef, magluluto ako ng bulalo, tingnan natin kung matanggihan nya ang iluluto ko.
I was in the midst of my cooking ng lumabas si Deuce mula sa kanyang kwarto. Bago syang shower at nakapagpalit na ng khaki shorts at plain white vneck shirt. Bitbit nya ang susi ng kanyang sasakyan. Awtomatikong nag-landing ang mga mata ko doon sa wallclock, 8PM.
Aalis sya?
Hindi sya nagsasalita ng palabas na sya ng pinto.
"Bukas kailangan kong umalis." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko. Magpapaalam sana ako mamaya o bukas na mismo kaya lang baka hindi naman sya dito matutulog ngayong gabi.
Napatigil sa paghakbang si Deuce at nakataas ang kilay na tiningnan ako.
"Sabado pa lang bukas." Sabi nya.
"K-kailangan ni Ysobelle ng kasama bukas sa school. S-si Tres kasi nasa Singapore daw."
Ilang segundo akong tiningnan ni Deuce at nagkibit balikat.
"Bahala ka."
Tumango ako at muli syang pumihit para lumabas na ng kanyang pad.
Napabuntong hininga ako dahil hindi man lang sya nagsabi kung saan sya pupunta. Tiningnan ko ang niluluto ko, malambot na ang karne pero hindi ko man lang sya nagawang ayain.
O di kaya naman ay pigilan umalis.
Bakit ko naman gagawin yon?
Wag ko nga daw i-invade ang privacy nya.
Nakakatampo lang kasi..
Pinatay ko na ang kalan at ang ilaw sa kusina pagkatapos na maluto ang bulalo. Nawalan na din ako ng gana kumain. Paniguradong nagsisiya na naman yan si Deuce sa piling ni Mona o kung sino mang babae nya.
Itinira ko lang ang malamlam na lampshade sa may salas at naghanda na para matulog.
Nakatingin ako sa malapad na kama ni Deuce, yon ang ginawa kong pampaantok pero hindi epektibo hanggang sa aksidente kong mailagay ang yakap kong unan sa aking ilong. I sniff on the pillowcase in my bed. Amoy ni Deuce, dito kasi sya aksidenteng nakatulog kagabi. With that thought, nakatulog ako ng mahimbing na parang yakap yakap nya lang.
---
xxDEUCExx
Aist! Hindi man lang ako pinigilan. Ayaw ko pa namang umalis ngayon.
Umaasa ako na nagseselos sya. Siguradong sigurado ako base doon sa ikinikilos nya, pero bigla ba namang itinanggi.
Tsk, bakit ko nga ba hinahangad na magseselos sya?
-Wala lang! Galit ako sa nagsisinungaling!
Naku naman! Kanina pa ako paikot ikot na nagmamaneho, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Yung babae talaga na yon! Ano pa't nagluluto sya kanina kung hindi man lang ako aayaing kumain?
Eh ano naman kung sinabi kong hindi ako kakain ng niluto niya? Dapat nag-aya sya dahil amo nya pa din ako!
Naiinis akong nag-U turn pagkatapos kong magmaneho ng ilang kilometro. I think I should go home and face her dahil kung naiinis sya sa akin mas naiinis ako sa kanya.
Nasa isang hindi kumportableng sitwasyon kami pero kailangan kong masanay sa mga ganitong---
Tampuhan.
Kingina bakit may tampuhan?
May tampuhan ba sa pagitan ng amo at ng maid nya? Dapat ay wala hindi ba?
Padabog kong binuksan ang pad ko pero ganon na lang ang gulat ko ng nakapatay na ang mga ilaw.
Tulog na?
Lampshade na lang ang nakabukas, tumungo agad ako sa kwarto ko at doon ko nga sya nakitang mahimbing na natutulog na may yakap na unan.
Marahan kong sinarhan ang pinto at sinilip ang kusina. Nandoon pa din ang niluto nyang bulalo. Ang kanin na niluto nya, wala ding bawas. Hindi ba sya kumain?
Nakaramdam agad ako ng pangungunsensya sa isiping hindi sya kumain dahil nagtatampo sya pero mas lamang ang pagkalam ng sikmura ko.
Kumuha ako agad ng plato at pinagsilbihan ang sarili ko. I started eating my heart out. Sarap magluto ni Raeven. Halos maubos ko ang kanin na niluto nya but I saved something for her, baka sakaling magising sya at magutom.
After washing my plate I headed to my room and shower. I am planning to light a cigarette in my veranda, kaya lang pinakatitigan ko si Raeven. Mabagal ang kanyang paghinga, ibig sabihin ay tulog na tulog sya.
Bakit hindi man lang sya kumain? May hunger strike ba na hindi ko nalalaman?
Isang beses ko pa syang tiningnan, gusto ko pa syang asarin pero tinulugan naman ako.
A naughty thought crossed my mind when I saw the bottle of scotch rested in my table. Naglagay ako non sa wine glass at nagtungo sa CR. I mouthwashed with the alcohol pagkatapos ay nakangiting lumapit sa natutulog na si Raeven.
Pumwesto ako doon sa pagitan ng kama ko at sa gilid ni Raeven. Hindi man lang sya kumilos at kapag nagising sya, sasabihin ko na lang na lasing na lasing ako.
Inamoy ko ang buhok nya, it's so fcking addicting. Dinaig pa nito ang amoy ng mamahaling pabango ng mga babaeng nakatabi ko. Her scent is cheap, but it smells home. I like it..
So much..
Bahagyang nag-inat si Raeven at nanigas ang katawan ko. Akala ko gigising na sya pero sumiksik sya sa dibdib ko at pinatong ang kamay nya sa bewang ko. Nakakunot ang noo nya.
Kung anong bait nya kapag gising, sya namang sungit nya kapag tulog. Napangiti ako at hinaplos ang noo nya para unatin ito, bumabalik lang yon sa pagsimangot.
"Hay Raeven.. Bakit ba hindi ka kumain? Inintay mo ba ako?" Bulong ko sa kanya na para bang naririnig nya ako.
"Bakit ba ayaw mo ding aminin na nagseselos ka? Ayos lang naman yon dahil gwapo ako, hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon hindi mo pa din ako makalimutan. Haha!"
Para namang narinig ako ni Raeven dahil mas kumunot ang noo nya pero mas lalo syang nagsumiksik. Sa liit ng kama nya, naipit ako ng husto.
Pero ayos lang.. Masarap sa pakiramdam.
Bumuntong hininga ako.
Malungkot kong tiningnan si Raeven, "Kailan ka kaya mauubusan ng dahilan para hindi ako iwan? Ang hirap kasi yung pakiramdam na andon ka na eh, hinehele ka na sa ere tapos bigla kang maiiwan mag-isa. Ang hirap... Ang hirap balikan nung dati. Gusto mo pa pero mas lamang yung ayaw mo na." Tahimik kong pinunasan ang luhang nagbadya sa mga mata ko habang nakatitig sa babaeng minahal ko pero sinaktan ako ng husto.
---
Ahh! Saturdays! Isa ito sa pinakapaborito kong araw. I get to relax, watch dvds and wake up a little bit late than usual...
Marahan kong minulat ang mga mata ko. Halos mapabalikwas ako ng makita ang mukha ni Raeven na nagtatakang nakatingin sa akin habang kumukurap kurap pa.
Una kong napansin, ang cute nya!
Pero bigla syang nagtaas ng kilay at kinurot ako sa tagiliran. Yung madiin at maliit na kurot.
"Aww!" Reklamo ko. "Bakit?" Nakangiwi ako sa sobrang sakit.
"Anong bakit? Bakit ka nandyan?!" Nanlilisik ang mga matang tanong nya sa akin.
"E-ewan ko. Nakainom--" Hinampas ako ni Raeven sa dibdib kaya mas lalo akong napangiwi. Doble ang sungit nya ngayon.
"Bakit ka uminom?"
"I-im bored." Sagot ko. Umirap sya sa akin at tumalikod. Kapag ganito sya kasungit at may topak sa umaga..
Isa lang ang dahilan..
"Gutom ka?" Tanong ko. Padabog nyang hinawi ang buhok nya at humalukipkip.
Pucha bakit napakacute?
"Oh, sige. Magluluto ako. Mabilis lang to." Hindi sya kumibo pero bumangon na ako. Nagmamadali akong naghanda ng pancake batter para sa kanya. Paborito nya ang pancakes at napapakalma sya ng strawberries at ng kahit na anong matatamis.
"Rae, luto na.." Tawag ko sa kanya. Nakasimangot pa din syang bumangon at dumiretso sa lamesa. Walang pag-aalinlangan syang kumain..
ng kumain..
ng kumain...
ng kumain..
Nanlaki ang mata ko na pati ang parte ko sa nilutong agahan, kinuha din nya! Pero napangiti lang ako muli ng samaan nya ako ng tingin.
Gutom na din ako eh!
"Bakit hindi ka pa kumakain? Wala ka bang gana?" Nakatingin sa akin si Raeven na parang maamong pusa. Tsk, busog na kasi kaya mabait na ulit!
Tinaasan ko sya ng kilay at nginuso ang plato na wala ng laman. Pagkakataon naman nya mapangiti.
"S-sorry." She said.
Kapag ako ang kumakain, naalala ko sya, samantalang nasa harapan na nya ako, bigla akong kinalimutan?!
"Okay lang.." Kahit hindi.
Tumayo sya agad at nagtungo sa ref para ipaghanda ako ng pagkain. She left me while eating breakfast. Saka ko lang naalala na aalis nga pala sya ngayon.
Lumabas sya ng kwarto ko na nakaligo na at nakasuot ng puting bestida. Winawagayway ng hangin ang mahabang buhok nya sa bawat pagkilos. Her cheeks is naturally pink as well as her lips. Maganda sya pero wala syang ideya kung gaano.
"Deuce?" Untag nya sa akin. Bumalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang boses nya.
"Sabi ko una na ako. Pupunta ako sa school ni Ysobelle para sa activity nya. Bukas ng gabi na ako babalik."
"Bukas pa?" Buong panghihinayang na tanong ko.
Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin, "Ibawas mo na lang sa sweldo ko ang dalawang araw. Pasensya na, kailangan ako ng kapatid ko."
Tumango ako kahit labag sa loob ko.
Bakit kailangang bukas pa sya babalik kung pwede namang mamaya?
Hindi na nasagot ang katanungan ko dahil hindi naman ako nagtanong.
Umalis nga si Raeven at iniwan ako mag-isa. Bumalik ako sa kwarto ko at inabala ang sarili ko sa panonood ng dvds kagaya ng dati kong ginagawa hanggang sa mapansin kong gabi na.
I tried to jog in my treadmill that night to spent myself pero hindi naman ako makatulog.
Aist! Dalawang araw pa lang naman syang natutulog dito pero hindi na ako sanay na wala sya.
Tumingin ako sa maliit na kama nya. Doon ako nahiga at niyakap ang unan nya.
I miss her..
Hanggang sa mag-umaga na kinabukasan at hindi na ako nakatulog.
Nagmadali akong magshower at magbihis. I found myself driving in her place. Susunduin ko sya. O kaya sasama ako sa kung anong gagawin nya ngayong araw na to.
Kahit ano...
Basta kasama ko sya.
Napangiti ako ng makita ko si Raeven na papalabas ng maliit na gate ng apartment nila. Nakangiti sya habang nakatingin sa kanyang likuran.
And there I saw a guy smiling at her too..
It crumpled my heart right away. Parang dinudurog, parang sinasaksak.
Doon ko lang naramdaman na hindi lang pala ako ang binigyan nya ng mga ngiti nyang yon, kagaya ng pagbabago ko, marahil sya din ay nagkaroon ng pagbabago. Hindi ko lang namalayan dahil tutok ako ng sobra sa nararamdaman ko.
I have to move it otherwise papanoorin ko kung paano sya maagaw ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co