Truyen3h.Co

TOUCH ME AGAIN

Kabanata 30

makiwander



xxRAEVENxx

"Pumunta ka.." Walang kagana-ganang sambit ko. Tahimik na umupo si Martin sa tabi ko at kasabay ko, pinagmasdan namin ang madilim na dagat sa aming harapan. Ang ilaw lang na nanggagaling mula sa malalayong barko ang tanging nagbibigay ng repleksyon sa dagat. Walang buwan at bituin, mukhang pinagtataguan ako.

Pinagdaop ni Martin ang kanyang mga kamay. He's still wearing his doctor suit, mukhang hindi nya natanggal dahil sa pagmamadali. Tumawag kasi ako sa kanyang umiiyak, nag-alala sya ng husto.

"Nasaktan ka." Bulong ni Martin, hindi yon tanong kundi isang konklusyon. Hindi ako umimik. Tumango sya at hinila ang kanang kamay ko para humilig ako sa balikat nya.

"Ayoko nang lumaban." Impit ang naging pag-iyak ko. I hate the realization I made, I live for Deuce, only for him. Wala akong ibang rason. Kahit si Ysobelle hindi pumasok sa utak ko nang masaktan ako, the pain is too painful to bear, ang mawalan ng pag-asa na maayos pa kaming muli ay higit pa sa pagpatay sa akin unti unti.

"You will fight, Raeven." Matigas ang pagkakasabi non ni Martin. "Nasaan na ang mga gamot mo? Dapat umiinom ka na ngayon." Kinuha nya ang maliit kong sling bag at hinalungkat yon, para syang wala sa sariling hinahanap ang bagay sa bag ko na para bang may iba pa akong paglalagyan non.

"Halika, tumayo ka dyan, bibili tayo ng gamot." Tumayo na si Martin na hawak pa din ang kanang kamay ko. Hindi ako kumilos. Nagtama ang mga mata namin, I can see sadness and frustration in his eyes. He really wanted me to fight pero ayoko na. Sumuko na ako. Narating ko na ang sukdulan. Umiling ako sa kanya, unti-unting bumagsak ang balikat nya hanggang sa mabitawan nya ang mga kamay ko.

"Ganyan ka ba talaga ka-selfish, Raeven?" Puno ng hinanakit na sabi ni Martin. He stood up in front of me, hands in his waist. "I am fighting not for my life but for your life. Ang gagawin mo lang ay makicooperate sa procedures! That's it. I am not asking for anything. Just stay alive." Kumislap ang sulok ng mga mata ni Martin. Kitang kita ko kung gaano sya nasasaktan.

Humikbi ako at napayuko. Anong gagawin ko? Staying alive needs to have a reason, ang sa akin ay wala na. Ni hindi ko alam kung mabibigyan ko pa ng pansin si Ysobelle dahil sa sobrang kalungkutan. Walang nabubuhay para sa sarili, I cannot do that.

"Wala na akong natitirang lakas para ipamigay sa inyong lahat, Martin." Tumayo ako at nagsimulang humakbang. Nanginig ang tuhod ko, I took a step one by one. Bawat paghakbang ay nahihirapan akong gawin.

"Raeven!" Narinig ko si Martin na tinawag ako pero parang unti unti nang bumibigay ang tuhod ko. Paliit ng paliit ang nakikita ko at pinagpapawisan ako ng malamig. I knelt down in the grass.

"Miss!" I heard a woman's voice said, bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong magsalita at tawagin si Martin pero sobrang hina ko na.

Pagkatapos non, everything went black.

That was the last memory I had.

---

xxDEUCExx

"Raeven?" Pangalan nya ang una kong tinawag pagkadating ko sa pad ko. Mayroong ilaw kaya nagkaroon ako ng pag-asa na umuwi sya.

Tumungo ako sa closet, lahat ng gamit nya ay nandoon pa din.

Nagalit sya.

Tsk! Bakit ba kasi wrong timing?

Kung kailan nagtatapat ako kay Clover saka naman sya nandoon.

Sabagay, bakit din naman ako makukunsensya, hindi nga nya maipangako na hindi na ulit nya ako iiwan.

That was her last card, I am expecting that she will stay, she will never leave but she didn't even choose to say it!

Spur of the moment ang sinabi ko kay Clover kanina. I like her. Nakikita ko kung paano sya manatili at antayin ang asawa nyang umalis, nakaramdam ako ng inggit.

Bakit nakakaya nyang mag-intay? Bakit nakakaya nyang manatili? Bakit si Raeven ay hindi?

Binuksan ko ang whiskey sa side table ko. Itinapat ko sa aking ilong at agad na sumalubong sa akin ang alcohol. Tsk, makakatulog ako nito.

Tumungo ako sa kusina at nag-gawa ng kape. Napangiwi ako sa timpla na ginawa ko. This is not how Raeven makes my coffee. May sarili ba syang brand?

Tiniis ko na din ang lasa ng matapang at mapait na kape. Nakatingin ako sa orasan.

12 midnight

1 AM.

2 AM.

3 AM.

Hindi na ako mapakali at nagpalakad lakad. Hinilot ko ang sentido ko, hindi ako inaantok kundi sumasakit lang ang ulo.

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Tres. Isang maingay na tunog ang naririnig ko sa kabilang linya ng sagutin nya.

"Tres.."

"Kuya!" Maligayang pagbati pa sa akin ng kapatid ko. Halatang nakainom.

"Nasaan ka?"

"Valk." Tipid na sagot nito.

"Hanapin mo si Raeven kina Ysobelle. Check kung nandoon ba sya."

"Ysobelle? Ayoko, Kuya. Ikaw na lang!"

"Tres, please." Napahilamos ako ng aking mukha. "I don't need her to come back kung nandoon sya, I just want to know that she's safe."

"Kuya naman, magkaaway nga kami ni Ysobelle—"

"Tres—" I cut him off.

"Okay Okay."

Nag-intay ako ng 15 minutes ng tumawag sa akin si Tres.

"Kuya Deuce?" Boses ng babae ang sumagot.

"Ysobelle?" I asked.

"Wala po dito si Ate...Hindi ko nga din po ma-contact eh. Saka po si Tres wala na ding malay, pupuntahan nyo po ba sya dito?" Napakamot ako ng ulo at tumingin sa orasan 4AM.

"Ayos lang ba kung dyan muna ang kapatid ko? Pero wag mo syang subukang buhatin, makakasama sayo."

Ginulo ko ang buhok ko. Nagtungo ako sa shower para maligo, it's 5AM pero patungo na ako sa kalsada, nagmamaneho. Hinahanap ko si Raeven kung saan saan. I went back to Centaurus para kunin ang numero ni Tatiana pero sinabi nyang hindi nya nakita si Raeven at hindi din nagpaalam sa kanya ng umalis ito sa hotel.

Alas syete na ng umaga, huminto ako sa tapat ng Law Firm ko. Pabalik balik kong tiningnan ang contact's list ko. There's not much people Raeven can find a refuge. Wala syang masyadong kaibigan.

Huminga ako ng malalim at pinakatitigan ang numero ng walang kwentang doktor na yon. Ilang beses akong huminga ng malalim. Umaasa ako na sabihin nyang ligtas si Raeven pero ang isiping magkasama silang magdamag ang hindi matanggap ng sikmura ko.

Pumikit ako at nilagay ang cellphone sa aking tenga ng makita ko ang numero ni Martin.

'The subscriber's cannot be reached, please try your call later.'

Kingina. Kinabahan pa ako! Nakapatay din pala ang phone!

Pumasok na ako sa opisina ko na hindi pa din nawawala ang pag-iisip kung nasaan nga ba si Raeven. Naghanap muli ako ng numero ng makakatulong sa akin.

"Agent Yushima." I sighed. "May ipapahanap ako sayo."

Nag-usap kami ng private detective na kakilala ko. Sabi nya wala pa daw 24 hours na nawawala si Raeven kaya hindi pa maaring i-declare as missing but I don't need him to declare that she's officially missing. Kahit limang minuto pa lang syang nawawala pag sinabi kong nawawala sya, nawawala sya-- ganoon lang, he just need to find her. Sinabi ko ang lahat ng detalyeng kailangan nya at sinabi nyang hindi iyon madaling magagawa dahil wala ng CCTV paglabas ng hotel.

Hinilot ko muli ang sentido ko, Clover showed up in front of my office.

"Deuce.." She called.

"Clover."

"Bakit ganyan ang itsura mo?" She asked right away.

"Si Raeven.. Hindi ko na naabutan si Raeven pagkadating ko sa bahay.." I just felt I needed a release, kung hindi ay talagang mababaliw na ako.

"Si Raeven? Yung ex mo? Nasa bahay mo?"

"S-she's my---"

"Wag mo nang ituloy." Nagtaas ng kamay si Clover, I can see the disappointment in her eyes. Syempre, ang magpakita na tuliro ako dahil sa ibang babae pagkatapos kong magdeklara ng pagkagusto sa kanya ay hindi katanggap tanggap.

"Clover, Im sorry.. Masyado kasing---"

"Char lang! O e di nawawala pala si Raeven eh di hanapin mo. Ang landi landi mo pa kasi, gagamitin mo pa ako para pagselosin sya—"

"I didn't use you, Clover. I like you." Protesta ko.

Totoo yon, I like her and I entertained the idea na baka sakaling kami na lang dahil parehas lang naman kaming sinasaktan.

Parehas kaming sinasaktan ng mga 'asawa' namin...

I shook my head with the thought. I remember the foolishness I did years back. Sa takot ko na mawala sa akin si Raeven, nirehistro ko ang kasal namin ng hindi nya alam.

"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ni Oswald. Sya ang kasama ko noon ng nagpunta kami sa munisipyo para ayusin ang dokumento ng kasal namin ni Raeven.

"Ikakasal na nga kami sa isang buwan di ba?"

"Bakit, may duda ka ba na hindi matutuloy? Parang pinipikot mo naman si Raeven nyan, Dude!" Tutol ni Oswald.

"Hindi ko sya pinipikot, ikakasal na kami at pumayag sya, I just want to seal our first deal. Itong unang kasal namin. Sasabihin ko din naman sa kanya sa araw ng kasal namin eh!"

"Mr. Montemayor.." Tawag sa akin ng nasa harap ng cashier's window.

"Updated na ang cenomar mo, kasal ka na ngayon. Congratulations!" Ngumiti sa akin ang matandang babae at iniabot sa akin ang marriage certificate na mayroong selyo.

I am about to tell her the truth.

That she's my wife. Raeven is my wife.

Ang tanging pumipigil lang sa akin ay yung galit ko at yung takot ko. Ayoko nang masaktan ulit sa mga kamay nya. Ayoko na. I just needed to know why among all the things that she needs to sacrifice ako ang napili nya! Mahal na mahal ko sya. Hindi ako nagkulang pero bakit ang pagmamahal nya napakababaw? Bakit mayroong hangganan? Bakit walang kasiguruhan?

She will always be the stubborn girl with a steady heart. Matigas sya kahit kanino, kahit sa akin. Kaya nya akong tiisin.

Pero hinding hindi ko magagawa sa kanya ang pagtitiis na yon.

Bawat segundo na hindi sya matagpuan para akong mababaliw. Umalis ako ng maaga sa opisina at uminom, sinamahan ako ni Tres sandali pero nawalan ako ng malay sa sobrang kalasingan. Nagising ako sa pad ni Tres at madilim pa, hindi ako nag-aksaya ng oras at nagtungo sa sasakyan para magmaneho.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakarating ako ng Quezon ng walang humpay na pagmamaneho. Paulit ulit kong tinawagan si Agent Yushima pero wala syang balita. Hapon na ng bumalik ako sa Maynila dahil sa pamimilit ni Clover. Nag-aalala na daw ang mga staff ko.

I ended up being in front of Ashton and Clover. They encouraged me to talk but I can't. Wala akong masabi lalo na't ang pinakamagagaling na detective sa bansa ay hindi pa din sya nakikita.

"Hello?" Nanlamig ang mga kamay ko ng tanggapin ang tawag ni Agent Yushima. Kahit kailan ay hindi pa sya tumawag sa akin, sabi nya tatawag lang sya kapag may balita na. Ibig sabihin ay may balita na.

Inihanda ko ang sarili ko sa kahit ano, pero walang tamang klase ng paghahanda sa sumunod na narinig ko.....

"Raeven Frances Mendoza, she's in Saint Lukes Global. Coma." Walang kaemo-emosyong sambit ni Agent Yushima. I felt an avalanche in my chest. Sunod sunod ang pagbayo.

"Okay sige, I will be there." Nagawa ko pa ding sabihin kahit halos maglock ang panga ko, pakiramdam ko tumigil ang mundo.

"Tres, puntahan mo ako sa Saint Lukes." Nanginging ang boses ko habang nagmamaneho. Dinama ko ang pisngi ko at hindi ko na namalayan ang pagluha. Para akong nakalutang at sumisingit ako sa bawat butas na masisingitan ko sa kalsada.

"Kuya, may nangyari bang masama sayo?" Nag-aalala ang boses ng kapatid ko. Hindi ako sumagot at umiling na lang at pinatay ang aking cellphone.

Halos liparin ko ang Quezon City patungong Taguig. It's crazy, hindi nabawasan ang kaba ko.

"Raeven Frances Mendoza." Tumungo agad ako sa information. Nagkatinginan ang dalawang nurse na naka-istasyon doon.

Hinampas ko ang marmol na na division kaya parehas silang nataranta at hinanap ang records.

"ICU sir, third wing." Itinuro ng nurse ang lugar kung nasaan si Raeven. Halos matumba ang tuhod ko dahil wala pa akong tulog at ito ang dadatnan ko.

Napakuyom ako ng palad ng makita ko ang salamin at nandoon si Raeven, maputla at walang malay. Nagtungo agad ako sa pinto at pilit na binuksan yon pero naka-lock. Pinilit kong bayuhin para masira pero bigo ako. Malakas kong hinampas ang pintuan sa frustration.

"Attorney Montemayor." Mula sa di kalayuan napalingon ako kay Martin.

I attacked him, hinwakan ko sya sa kanyang kwelyo pero matapang nyang sinalubong ang titig ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Gigil na tanong ko.

"It's the patient's request." Kalmado nyang sabi.

"Request? Paano pa sya makakapagrequest kung wala syang malay?!" Puno ng hinanakit na tanong ko.

"It's her request after she was diagnosed with Leukemia. She's under severe stress and in a span of one month, her condition aggreviated to Stage 2."

Leukemia? Kailan pa?

"P*tngina bakit hindi ko alam?!" Sigaw ko, wala akong pakialam kung sino ang makakarinig. The hospital guards came rushing to our direction at pilit akong hinihiwalay kay Martin pero hinawakan ako ni Martin sa braso at hinila papalayo sa guards.

"Iwan nyo muna kami." Utos ni Martin sa mga gwardiya.

Kumuha si Martin ng card mula sa kanyang bulsa at iniswipe nyo yon sa kwarto ni Raeven. Mula sa pinto, pinagsuot muna nya ako ng scrub suit at mask at pinagdisinfect, isa pang glassdoor ang humaharang pero gusto ko nang lumusot doon para lapitan si Raeven but I can't.

Nanginginig ang mga kamay ko ng matapos akong magbihis. Tinulak ko agad ang glassdoor at nilapitan si Raeven, payapa syang natutulog, kitang kita ang mga pasa sa mga braso nya. Mga pasa na hindi ko man lang napansin noon.

"Rae... Gising. Uuwi na tayo." Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Napatakan pa ng luha iyon.

"Stage 2 Leukemia, survival rate 50%, in Raeven's case it's 30%"

"Gawin mo ang lahat." Hinaplos ko ang buhok ni Raeven, ang kanyang mukha at labi.

"You don't have to say that. Bago sya nawalan ng malay, yun ang sinasabi ko sa kanya but she gave up. Sumuko sya nung araw na yon." Pumiyok si Martin sa pagsasalita. Unti unti akong nag-angat ng tingin. Umiiyak din sya kagaya ko.

Walang humpay ang pagtulo ng luha ko.

"Raeven.. Bakit ganon? Ha? Sabi mo ako ang madaya pero ikaw yon. Ikaw ang madaya kasi iiwan mo na naman ako!" Hinalikan ko ang likod ng palad ni Raeven. Hindi sya gumagalaw. Walang reaskyon.

"I will bring her to the States tonight, Attorney Montemayor." Nagsalita muli si Martin. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Raeven.

"Sasama ako."

"Hindi maari. Private plane ang magdadala sa kanya doon. Inarrange ko na ang documents namin kaya hindi ka makakasabay."

"S-saang ospital? Susunod ako." Tanong kong muli.

"Mas makakabuti kung hindi na."

Tumayo ako at muling kinwelyuhan si Martin, "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Bakit hindi mo ako isasama? Kailangan ako ni Raeven!"

Ngumisi si Martin at umiling.

"Kailangan nga ba o ikaw ang magiging dahilan ng pagdali ng buhay nya?" Unti unting lumuwag ang pagkakahawak ko.

"Nong isang linggo, stage 1, ngayon stage 2. Sino ba ang nagpapahirap sa kanya? Ikaw hindi ba? Ayaw na nyang mabuhay Attorney, at ang Raeven na nakikita mo na nakahiga dyan, yan na lang natitira sa kanya. Yan ang tanging naisalba, yan na lang ang mayroon sya. I still want to save her even the chances are small kaya hindi ako makakapayag na kunin mo pa sa akin ang katiting na pag-asa na yon."

"Kaya mo ba syang buhayin?" Kumuyom ang mga palad ko.

"Hindi ako Diyos."  Nagtiim bagang sya.

"Mangako ka, bubuhayin mo sya, babalik sya. Mag-iintay ako, Martin. Iinatayin ko ang asawa ko."

Hindi ko na inintay ang sasabihin pa ni Martin. Tinutok ko ang paningin ko kay Raeven.

Sa huling iglap pinagmasdan ko syang natutulog, wala syang kaalam alam kung gaano kalaki ang pag-aalala ko. Ilang ulit kong hinalikan ang labi nya sa pagitan ng mask, ilang beses kong napatakan ng luha ang katawan nya pero hindi na talaga sya gumalaw.

"Attorney, it's time." Napalingon ako sa pinto at may pumasok ng mga nurse, all of them are foreigners, lumapit sila sa kama ni Raeven at may mga pinindot na aparato doon.

I cried hard. Hindi ko alam kung ano pang magagawa ko para hindi matuloy, hindi ko alam kung paano ko pa sya pananatilihin na malapit sa akin.

Dahil sa pagkakataong yon, hindi ko na hawak ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co