Kabanata 9
Im Sorry.
xxRAEVENxx
"Bukas ay araw na ng kasal nyo." Malamig na sabi sa akin ni Attorney Hades pagkasakay ko ng sasakyan. "Pasalamat ka at binigyan pa kita ng isang linggo na makasama sya." He continues. Tumango ako.
"Dalhin nyo na ako sa kapatid ko." Sabi ko.
"We will get there. Gusto ko lang magkaliwanagan tayo Raeven. Hindi ka maaring magpakita kay Deuce, I can bring you to hell if you will do it. Kayo ng kapatid mo."
"Hindi kayo magkakaproblema sa akin." Pinalis ko ang luha na pumatak sa akin at ramdam ko ang pagpiga ng puso ko. Tiningnan ko ang condominium kung saan ko iiwan si Deuce. Hindi ko alam kung paano nya pa ako mapapatawad.
Tiniyak ni Attorney Hades na magiging malayo ako kay Deuce kaya ang driver nya mismo ang naghatid sa akin.
Madaling araw ang naging byahe ko patungo sa kung saan. Matapos ang ilang oras, tumapat ang sasakyan sa isang malaking gate, mula doon sa labas ay matatanaw ang nakakaengganyong garden na natataman ng pagsikat ng araw. Sumagi sa utak ko si Deuce, Siguro sa mga panahong ito, gising na siya at hinahanap ako.
Inalis ko ang nararamdamang panghihinayang at pagkabigo. Kailangan kong magfocus sa kapatid ko, kailangan ko syang mailabas sa ampunan at maninirahan kaming malayo sa gulo. Attorney Hades even offered money pero tinanggihan ko iyon. Pinagtawanan lamang nya ako.
Kumbento, dito ipinatapon ng pamilya nya ang kapatid ko. Nawala din naman ang pag-aalala ko sa kalagayan nya ng makausap ko ang Mother Superior na tumanggap kay Ysobelle, mukha syang mabait.
"Belle." Nakasunod ako sa kay Sister Amy na nautusan ni Mother Superior para dalhin ako sa kapatid ko.
"Hi Sister Amy!" Isang magandang babae ang lumingon at ngumiti sa direksyon namin. She looks exactly like me, kulay abo din ang kanyang mga mata. Ngunit kabaligtaran ng naiimagine ko na mahina sya at may sakit, she looked vibrant and full of life.
"OH MY GOSH! AS IN OMG! Ikaw na ba yan Ate?" Nanlalaki ang mata nya at patalon talon pang naglakad patungo sa akin.
"Belle, wag masyadong malikot!" Suway ng madre kay Ysobelle.
"This is my sister, Sister! Taray ang ganda!" Hinawi ni Ysobelle ang buhok ko, halos kasingtangkad ko na sya at dalagang dalaga na.
"K-kilala mo ako?" Nagtatakang tanong ko.
"Of course golf course! May isang prophet ang nagsabi na darating ka daw." Masaya nyang kwento.
"P-prophet?" Kumunot ang noo ko.
"Joke! Masyado kang serious! Sabi ni Tito Hades darating ka daw today para sunduin ako." Maarteng sabi ni Ysobelle.
"T-tito Hades? So kilala mo sya?" Lalo akong nagulahan.
"Oo naman! Kapatid sya ni Mommy. Yung nag-ampon sa akin." Kwento nya pa. Kung gayon ay malapit lang si Attprney Hades kay Ysobelle noon pa man? Nawala ang aking iniisip ng hawiin ni Ysobelle ang kanyang buhok at nakangiting humarap kay Sister Amy.
"But anyway, all my bags are packed, Im ready to go." Pinagmasdan ko syang maglakad patungo sa kama nya at may kinuha doong malaking maleta.
"So Sister Amy, I really hate to say this but I am leaving." Sabi nya pagkatapat sa madre na kasama ko. Kung makipag-usap sya sa madre ay parang kaibigan nya lang.
"Ikaw talagang bata ka! Hindi ko pa nakakausap ang kapatid mo, masyado kang excited." Napailing na lang si Sister Amy kay Ysobelle. "Maiwan ka muna dyan at may ibibilin lang ako sa kanya."
"Tsk, ito talaga si Sister, pag-aalalahin mo pa ang Ate ko eh. Baka matakot yan at hindi na ako kunin." Inakbayan ni Ysobelle si Sister Amy at hinalikan sa pisngi, tumawa lang ang madre.
"Hindi mo ako makukuha sa paglalambing mong bata ka! Kakausapin ko pa din ang kapatid mo." Naglakad na si Sister Amy papalabas ng silid ni Ysobelle at hinila nya ako.
"Pagpasensyahan mo na ang batang yon. Makulit talaga at isip bata. Napakamasayahin, lahat ay kaibigan nya." Ngumiti lang ako at tumango. Maayos syang napalaki ng nag-ampon sa kanya, mabuti naman kung ganon.
"Hindi naman alagain ang kundisyon ni Belle. Mayroon syang gamot na iniinom para hindi na umatake ang sakit nya sa puso. She takes a good care of herself, ayaw nya kasing mayroong nag-aalala sa kanya at hindi sya tinuturing na normal. Naalala ko nga noong unang dinala yan dito ng mga kapatid nya, she's smiling at nagpasalamat pa ng husto sa mga taong nang-iwan sa kanya. Sabi nya nga, maswerte sya sa pamilyang napuntahan nya dahil inalagaan sya ng mga ito kahit may sakit sya." I smiled with the thought. I am proud of her.
"Lagi mo lang syang pipilitin na mag-light exercise. Tanghali kasing gumising ang batang yan. Yung pamangkin kong doktora ang tumitingin sa kanyang kalagayan ngayon. Sya din ang nagbibigay ng gamot."
"Talaga po? Maraming salamat." Singit ko.
"Naku, kaibigan na kasi ni Ysobelle yon, napamahal na din ang pamangkin ko kay Ysobelle. Kaya sana, wag kayong lumayo sa bayan na ito para madadalaw pa din namin sya at matitingan sya ni Phen, ang pamangkin ko. Mamaya ay ayain mo si Ysobelle doon para maipakilala ka nya. Magbibigay yon ng gamot kay Belle. Teka, mayroon ba kayong matutuluyan?"
Nahihiya man akong sabihin na wala, pero parang mahirap magsinungaling sa isang madre. Nasa kumbento pa naman kami.
"Maraming matutuluyan dito sa Tagaytay, pero sa tingin ko mas makakabuting kay Phen na lang kayo tumuloy." Suhestyon nya.
"N-naku, hindi na ho. Nakakahiya po dahil inaalagaan nya na si Ysobelle tapos makikituloy pa kami." Hinawakan ni Sister Amy ang kamay ko ng mahigpit at nginitian ako.
"Lumaki si Phen sa kumbento, naulila sya ng kapatid ko. Kaya alam nya ang pakiramdam ng walang matutuluyan. Tutulungan kayo non. Teka, ang mabuti pa ay tatawagan ko lang." Iniwanan ako ni Sister Amy at pumasok sa isa sa mga pintuan doon.
Naglakad lakad ako sa ampunan, nakita ko ang masasayang batang nagtatawanan at naglalaro. Kung siguro napunta na lang din ako sa ampunan simula ng mawala si Papa, mas naging masaya talaga ako.
"Ang lungkot naman ng mukha mo, Ate. Smile ka lang. Mas bagay sayo." Sumulpot sa harapan ko si Ysobelle at malapad na nakangiti. Nahawa na din tuloy ako sa pagngiti nya.
"Sabi ni Sister kay Sissy Phen daw tayo titira?" Excited ang boses ni Ysobelle, mukhang close nga sila nung tinutukoy na pamangkin ni Sister Amy. "Mabait yon Ate, saka bagets. Hahawaan ka namin ng kakikayan."
"Hindi ba ako kikay?" Nakangiting tanong ko.
"Ang manang mo kaya!" Humalakhak si Ysobelle. Nakitawa din ako sa kanya.
"Hello Philippines! And Hello World!" Isang malakas na boses ang nakakuha ng atensyon namin ni Ysobelle.
"Ate Phen!" She almost jumped for joy ng makita ang isang babaeng nakaputi pero nakasuot ng pink na headband at sandals. She's a big boned woman pero maamo ang mukha. Sya pala ang tinutukoy napamangkin ni Sister Amy.
"Hello! Hi! Ay ikaw ba ang Ate ng babaitang ito? Ikaw si Raeven? Hala, tingnan mo nga naman. Gwapa ka gyud!"
Ngumiti ako pero hindi ko naintindihan ang huli nyang sinabi.
"Maganda ka daw." Bulong ni Ysobelle. "Nag-aaral kasing mag-bisaya ito si Ate Phen kasi yung crush nya na pasyente, Cebuano, so sya ang nag-aadjust."
"Ay naku, chinismis mo naman ako kaagad sa Ate mo, baka sabihin nanghaharass ako ng pasyente ko!" Reklamo ng doktora.
"Hindi ba?"
"Minsan!"
Puno ng ingay ang sasakyan ni Phen habang nagmamaneho sya papauwi sa kanila. Kumakanta ng maiingay na kanta si Ysobelle at Phen. Lagi daw silang nagda-drive sa Tagaytay kapag walang pasyente si Phen.
"Ikaw Raeven? Nalibot mo na ba ang Tagaytay?" Ngumiti ako at umiling sa tanong ni Phen. Bumaling naman si Phen kay Ysobelle at pinanliitan ng mata ang kapatid ko.
"Ang tahimik ng Ate mo! Sigurado ka bang hindi sya poser?" Humalakhak si Phen kaya natawa din ako.
"Ikaw naman, baka may pinagdadaanan lang..." Pagtatanggol sa akin ni Ysobelle.
"PInagdadaanan? Alam ko ang sagot dyan!" Nagkindatan si Ysobelle at Phen nang magkatinginan pagkatapos ay inilipat nila ang mga tingin nila sa akin. Ngumisi silang dalawa na parang may gagawing hindi maganda.
"Hindi ako umiinom!" Sabi ko.
-----
"Ayun nga... Hindi ko naman kasi sya iiwan kaya lang minsan, hindi lang kayo meant to be..." Suminok ako at ramdam na ramdam ko ang pamumungay ng mga mata ko. Hindi ko alam kung pang-ilang bote na ito pero nandito pa din, masakit pa din. Namimiss ko pa din si Deuce.
Pati ata ang sakit na nararamdaman ni Deuce, sinama ko sa akin. I wish I could talk to him pero hindi maari, isinuko ko kay Attorney Hades ang cellphone ko bago kami magkahiwalay.
"Ah, alam ko yan... Hindi meant to be. Hala, grabe beh, si Cholo, yung ex ko, nung nalaman nyang sa kumbento ako lumaki, hindi na ako tinext! Akala nya kasi hindi sya makakaiscore sa akin. Yan tuloy kay Bonbon ko naibigay yung virginity ko. Yung secretary ko sa clinic." Humagikgik si Phen, pulang pula na sya at halatang halata na lasing na.
"Boyfriend mo yun?" Nakuha ko pang itanong.
"Gaga, hindi, secretary ko lang." She giggled. "Sinarhan namin yung clinic tapos ayun na. "
"Ay grabe, Ate Phen! 16 pa lang ako, kung ano ano na ang pinaririnig mo." Reklamo ni Ysobelle habang umiinom sya ng kanyang juice.
"Oo nga! Baby girl ka pa lang. Basta kapag inaya ka ni Mico sa madidilim na lugar, wag kang sasama. Kilala mo ba si Mico, Rae? Ayang kapatid mo, may boyfriend na! Kaklase nya pa."
Nanlaki ang kaninang nanliliit na mata ko. "Ang bata mo pa Ysobelle!"
"Ano ka ba, Ate Raeven, YOLO! Pag masyado mong iniiisip ang mga bagay bagay, hindi ka magiging masaya. Just fall in love without thinking that you will be hurt."
"Tomoohhhh!" Humalakhak si Phen pagkatapos ay sumalampak na sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Ysobelle. Tulog na si Phen. Mabuti na lang at kapitbahay lang nya ang bar na pinuntahan namin kaya hindi kami nahirapan ni Ysobelle na bitbitin sya.
"Dito Ate.. Dito ang kwarto ni Ate Phen. Tapos tayo, dito tayo sa kabila matutulog. Punta ka na don, ako na ang bahala kay Ate Phen." Sabi ni Ysobelle, dumiretso sya doon sa cabinet sa silid ni Phen at kumuha ng malinis na damit.
"Tutulungan na kita." Alok ko.
Tinitigan ako ni Ysobelle na parang hindi makapaniwala pagkatapos ay tinusok ang tagiliran ko, "Oy si Ate, ang tibay. Wala pang amats?" Panunukso nya. Nagtataka din ako kung bakit hindi ako tinablan ng sobra sobrang alak na nainom ko kahit unang beses kong uminom. Maybe the pain is too big that even the alcohol can't wipe it away.
"Sige na Ate, magshower ka na habang may malay ka pa. Sanay na ako dito kay Ate Phen, lasenggera talaga tong doktora na to, buti nga may mga nauuto pang mga pasyente." Tumawa si Ysobelle, and for some reason, hiniling ko na sana ay katulad ko na lang sya. And for a while I thought, wala akong karapatan na maging malungkot.
Lovelife lang yan Raeven. Nangako ka naman na hindi ka na magmamahal ulit di ba? At least hindi ka magtataksil kay Deuce. Hindi ka pa din gagawa ng ikakaselos nya. Totoohin mo na sa kanya ka lang, kahit marahil sya ay hindi na.
Nagshower ako at sobrang nanginig ako sa lamig. Masyadong mababa ang temperatura sa Tagaytay, wala akong masyadong nadalang damit. Mabuti na lang at mayroon akong binaon na Tshirt ni Deuce, makapal yon at mahaba, yon ang sinuot ko. Sa ganitong paraan, ramdam ko pa din ang yakap nya. I can smell his skin from his shirt.
"Hi Ate.." Sumilip si Ysobelle, nakapagpalit na din sya ng pantulog at yumakap sa akin nang mahiga sya sa tabi ko. "Bakit mukhang malungkot ang Ate ko?" Malambing na tanong ni Ysobelle sa akin.
"Hindi ako malungkot—"
"Pero hindi ka din masaya." Hinila ako ni Ysobelle para humarap sa kanya.
"Ate, life is beautiful. Dapat masaya lang! Madami mang challenges but it will define us. Masaya akong nagkita na tayo Ate. Nabanggit sa akin ni Mommy noon na may kapatid pa ako. Gusto kitang makita kaya lang hindi ko alam kung alam mo bang nageexist ako.. Kaya nga nung sinabi ni Tito Hades na magkikita na tayo, tuwang tuwa ako. Hinanap ka nya para sa akin—"
"Mabait ba si Tito Hades mo sayo?" Kyuryoso kong tanong. Wala syang kaide-ideya sa ginawa sa amin ng taong yon. Masyado talagang maliit ang mundo.
"Yup. Hindi ko nga alam kung paano nya na laman na may kapatid pa ako. Although my life is an open book. Alam ng lahat na ampon ako. Hindi ko naman ikinahihiya yon, nakakatuwa nga kasi maayos na buhay ang binigay sa akin nila Mommy, may educational plan pa ako."
"Hindi sumama ang loob mo kahit na pinaalis ka nila?"
Mabilis na umiling si Ysobelle, kitang kita ko ang repleksyon ng lampshade sa kanyang mukha. "Wala silang obligasyon sa akin. Kung hanggang saan ang inabot ng tulong nila, hindi ako hihingi ng sobra pa doon. Isa pa, masyado akong blessed para mastress! Hindi Nya ako pinababayaan."
Tumango ako, I am really inspired by Ysobelle. Napakapositive nyang bata. Akala ko positibo na ako, pero tinalo nya ako. I promised that from day-on, hindi na ako malulungkot. I won't dwell in the past. Sana ay kaya ko.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ako sanay sa klima, masyadong malamig, kaya ito ang gumising sa akin. Nakialam na ako sa kusina ni Phen at nagluto na ng almusal. Hindi ako tiyak sa maaring kainin ni Ysobelle kaya naghanda din ako ng gulay para sa kanya.
Nagtimpla ako ng kape para sa akin at sumilip ako sa labas. It's 6 in the morning kaya ang makakapal na fog pa ang nakikita ko.
"Good morning, andyan ba si Ysobelle?" Muntik ng malaglag ang tasa na hawak ko.
I really thought Deuce is standing in front of the gate. The guy is wearing a plain white shirt and blue jeans, nakapamulsa sya at nakatingin sa aking mabuti. Hindi ako agad nakasagot.
"Tres! Anong ginagawa mo dito?" Nakasimangot ang mukha ni Ysobelle na nakatingin sa lalakeng akala ko ay si Deuce. "Bubwisitin mo na naman ako umagang umaga! Sinabi ba ni Sister Amy na nandito ako? Sabi ko sabihin na nasa Timbuktu na ako pag ikaw ang naghanap eh!" Nagkakamot pa ng ulo si Ysobelle habang naglalakad patungo sa gate, hindi man lang sya nakapagsuklay. Naghilamos na ba ang batang yon?
Tumawa ang lalakeng kausap ni Ysobelle, it sent me shivers, kaboses na kaboses nya si Deuce.
"Magpakabait ka, nandito na ang Ate ko." Naririnig ko pang binubulungan ni Ysobelle ang kausap.
"Good Morning! Tres Montemayor." Nilahad ng lalake ang kanyang kamay sa akin. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong hindi iyon si Deuce, he looks more younger but he also has the playful aura like Deuce.
Doon pa lang nag-sink in na lumaki si Ysobelle na kinikilalang pinsan sina Deuce. I wanted to ask her if she knows Deuce but I don't want to cross the line. Ayoko ng malungkot at malaman pa ni Ysobelle na sya ang pinili ko kaysa kay Deuce. I don't want her to feel guilty.
"Bakit ka nandito?" Ysobelle asked habang inaabutan ng baso si Tres. Nakapout pa sya na tiningnan ito.
"Grabe ka sa akin. Sinong pinagmamalaki mo? Yung patpatin mong boyfriend?" Umirap naman si Tres sa kapatid ko.
"May pangalan si Mico, KUYA Tres!" Ysobelle give emphasis to the word 'Kuya'
"Kamusta ang puso mo?" Tres looked at my sister. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yon but there's softness in his eyes. Malapad na ngumiti ang kapatid ko.
"Uy concerned sa akin." Humalakhak si Ysobelle.
"Tsk. Wala lang akong maisip na itanong" Nag-iwas ng tingin si Tres.
"Namiss mo ko kaya ka pumunta dito sa Tagaytay hindi ba?"Pangungulit ni Ysobelle.
"Kapal ng mukha mo." Umismid si Tres pero mas lalong tumawa si Ysobelle na hindi ko maintindihan kung masokista sya na gustong gusto na binabara ng kausap. "Magulo sa bahay. I went home for Kuya's wedding pero hindi natuloy. Nandoon nga sya sa simbahan kahapon kahit alam nyang walang dadating na bride."
Halos masamid ako sa pagkukwento ni Tres. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanila at nakikinig.
"Sino ang girl?" Kyuryosong tanong ni Ysobelle.
Oh Please no.
"I forgot her name, hindi naman kasi namin alam na may girlfriend pala si Kuya. Bigla na lang daw ikakasal, kaso ayon, hindi natuloy. He was really devastated. Nagwala sya doon sa simbahan."
Sa pagkakataong yon, tumulo ang luha ko. Hindi ko kayang makinig. I can just imagine Deuce's reaction. Tumungo na lang ako sa kwarto at nanatili doon. Pinagmasdan ko ang litrato naming dalawa kung saan sobrang saya nya pa dahil sa akin.
Im sorry Deuce. Makakalimutan mo din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co