Truyen3h.Co

TOUCH ME AGAIN

Part 2.7

makiwander


Wala Na Sya.



xxDeucexx


"Hindi kita bibitiwan... Look, Im sorry.."


Her mouth went half opened. Tiningnan ko lang sya at inantay ang kanyang sasabihin. I know I offended her few days ago at hindi ako magtataka kung galit sya.


"Gusto ko ng kausap. Can I talk to you?" Dugtong ko ng hindi sya magsalita. Unti unting lumambot ang kanyang ekspresyon. Tumango sya at tiningnan ang box na nakasabit sa balikat nya.


"Kailangan ko tong ubusin.." Sabi nya.


"Ako na lang ang bibili."


"Naku, wag na. Aanhin mo naman ang madaming ice drop.. Ibebenta ko lang ito sandali--"


"Alam mo namang hindi kita iiwan na mag-isang nagbebenta nyan hindi ba? But the last time I did that, tinawag akong Banana Man. No, I won't let that happen again. Bibilhin ko yan."


"Tapos?"


"Tapos? Tapos na! Hindi naman natin makakain lahat yan."


"Pupwede ko bang ibigay sa mga street children?" She then asked. Tumikhim ako, oo nga pala, maari din iyon. Hindi ko naisip dahil matagal na akong hindi mabait.


Kinuha ko kay Dalisay ang ice box at nilagay iyon sa likod ng sasakyan ko. Nagmaneho ako tulad doon sa itinuturo ni Dalisay. Ilang liko pa at natagpuan namin ang isang public park na maraming batang naglalaro. It's a hero monument pero ginawa ng tirahan ng mga squatters.


"Bababa tayo?" Alanganing tanong ko.


Tumango sya kaya napangiwi ako. Paano na lang kung hindi kami makalabas ng buhay.


"Parang campsite no.. Mayroong tent tapos kahit tanghali na, tulog pa din yung iba. Yung itak ni Andres Bonifacio ginawang sampayan. Tapos yung kabayo ni Gregorio del Pilar, tinanggal na nila yung paa." Puna ko sa lugar. I am actually discouraging her.


"Natatakot ka? Ako na lang.." Nakangiting tanong ni Dalisay. I groaned. She's really up for it.


"Sasamahan kita, baka kung mapano ka pa.." Sambit ko. Lumapad ang ngiti ni Dalisay.


"Nag-aalala ka?" Tanong nya na mayroong kinang sa mata. Tss, sabi na nga ba at may crush sya sa akin!


"Normal na sa akin ang mag-alala." Nag-iwas ako ng tingin.


"Normal. Salbahe ka kaya." Pagpupunto nya. "Di ba sabi mo wag na akong babalik."


"Napigilan ba kita nung bumalik ka?" Tanong ko pabalik.


"Hindi ko gustong bumalik. Dinala ko lang yung bill mo ng tubig." Umismid pa sya. Naiinis na naman ako. Ganon? Wala talaga syang balak magpakita at nagkataon lang lahat ng yon?


"Eh di sana iniwan mo na lang doon sa baba ng pinto!"


"Kasi may babae ka doon nung araw na yon?" Nakataas ang kilay na tanong nya.


"Hindi ko babae si Clover!" Sigaw ko. Napayuko sya at tumingin sa labas ng bintana. Kitang kita ko kung paano lumungkot ang mga mata nya tapos yung puso ko biglang lumakas ang tibok habang pinagmamasdan sya.


Argh! Ano na namang problema sa muscle ko sa dibdib!?


Dahan dahang naglakbay yung kamay ko sa kamay nya hanggang sa tuluyan ko ng mahawakan. Halos magwala ang puso ko sa ginagawa ko pero hindi ko na maialis ang kamay ko.


"Baba na tayo.." Mahinahong wika ko sa kanya pero hindi man lang sya kumilos. Nakatingin lang sya doon sa mga batang naglalaro.


"Kaibigan ko si Clover. May asawa yung tao." Paliwanag ko. Teka, bakit nga ba ako nagpapaliwanag?!


"Pupwedeng magpa-annul yung ganon di ba?" Malungkot na tanong nya.


"Pwede, depende sa kanila. Teka nga. Ano bang pakialam natin sa kanila?!"


"Ewan ko, baka may pakialam ka." Sarkastikong sambit nya.


"May pakialam lang ako bilang kaibigan nilang dalawa."


"Okay." Walang ganang tugon nya. Nauna pa syang bumaba sa akin. Kinuha nya sa likod ng sasakyan ang ice box habang nagpapatay ako ng makina.


Dire-diretso syang naglakad doon sa gitna ng mga batang naglalaro at namahagi ng ice drop at nagmadali akong sumunod sa kanya. Naglapitan ang mga bata na parang kilalang kilala sya.


"Bigyan mo ang kapatid mo, Hajid. Wag kayong mag-aaway." Nakangiting sabi nya.


"Okay po, Ate Ganda." sagot naman ng bata.


"Ate Ganda! Si Putot po tinubuan na ng buntot." Masayang pagbabalita ng maliit na batang babae. Sabay pakita kay Dalisay ng isang tuta. Napaiwas ako dahil baka mangagat iyon, hihilahin ko sana si Dalisay papalayo pero inagaw ni Dalisay ang tuta doon sa bata.


"Magaling, Putot." Hinawakan ni Dalisay ang ulo ng tuta pagkatapos ay lumuhod para harapin ang batang babae.


"Nena, madumi na naman ang damit mo. Di ba binigyan na kita? Nasaan na ang maruruming damit mo? Kunin mo na din yung kay Kuya Elton nang malabhan ko ulit."


"Ate Ganda, nakakatamad naman po kasing magpalit ng damit at maglinis ng katawan!"


"Hindi mo dapat kakatamaran yon dahil yon ang mag-iiwas sayo sa sakit. Sige na. Kunin mo na yung mga labahan nyo at isama mo na yang suot mo ngayon. Mag-iintay ako." Utos ni Dalisay.


Namahagi si Dalisay ng ice drop sa mga bata. Mabilis lang naubos yon. Kakilala nya nga ang lahat at parang malalapit na kaibigan kung pagsilbihan nya ang mga ito.


"Ganda! Bukas birthday ng Tatay Goryo mo, magpapansit kami, punta ka ha.." May lumapit na isang matandang babae kay Dalisay na tinatawag nilang 'Ganda'.


"Talaga po? Ito ho, idagdag nyo na.." Kumuha si dalisay ng pera mula sa kanyang bulsa at iniabot yon sa matanda.


What the fck?!


Sya nga itong kaliwa't kanan ang trabaho tapos namimigay pa?! Mayaman lang ang peg?!


"Bakit mo ba tinutulungan ang mga yon?" Kyuryosong tanong ko habang nagliligpit si Dalisay ng ice box, nagsialisan na ang kaninang ini-sponsoran nya ng feeding program.


"Bakit hindi?"


"Dalisay, ang mga tao dapat tinuturuang mangisda. Hindi yung ilalapit na lang sa kanila ang grasya." Turan ko.


"Hindi lahat ng tao kasing swerte mo."


"Hindi ako swerte, nagtatrabaho ako." Pagdidiin ko. Totoo naman yon! I just don't sit and wait for food. I work for it. Lahat ng bagay makukuha mo kung pagtatrabahuhan mo.


"Ang mga taong yon kahit buong buhay silang magtrabaho, hindi nila kikitain ang isang buwang kita mo. Mas mahirap pa nga ang trabaho nila sayo. Nakabilad sila sa init at madalas basurahan ang kinakalakal nila. Yung pagtulong ko, paraan yon para bigyan sila ng pag-asa. Kung wala na kasing pag-asa ang isang tao, gugustuhin na lang nilang mamatay."


Nakunsensya agad ako sa sinabi ni Dalisay. Sya yung tipong kung mangaral, mararamdaman mong napakasama mong tao. Sya yung tipong kung mangaral, parang gusto mo na lang magpakabait. Sya yung tipong parang--- Siya.


"Deuce.." Napatingin ako kay Dalisay. She stared at me for a moment. Inabot nya ang kamay ko at nandoon na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.


Hindi maari to. Kung ganito ang reaksyon ko, I am not really letting go of Raeven. Dahil ba pinakawalan ko na ang abo nya, ibababaling ko naman kay Dalisay ang atensyon ko?


"Miss na miss ko na si Raeven. Sya lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko." Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Napangiti si Dalisay.


"Paano kung bumalik si Raeven?"  She asked.


"Impossible--"

"Paano nga!" Pagpupumilit nya. Aist! Bakit ba ang kulit ng babaeng ito?

"Hindi ko alam.. Kung babalik sya tatanungin ko sya kung bakit sya nagsinungaling kung ayaw nya ng mga taong sinungaling.. Kung babalik sya tatanungin ko kung bakit pinagtulakan nya ako noon nung may sakit sya. Gusto ko lang namang alagaan sya." Napabuntong hininga ako.Napawi ang ngiti nya.


"Deuce--" Tawag nya sa aking pangalan.


"Excuse me." Agad kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog iyon at tinalikuran si Dalisay.


"Attorney Montemayor. Can we talk privately?" Sabi ng nasa kabilang linya.


"Agent Yushima."


"Magpaalam ka kay Dalisay." Utos nya sa akin.

"Ihahatid ko lang---"


"Maybe it's not safe."


Nagtataka kong binalikan ng tingin si Dalisay. Sa kanyang tabi nandoon si Nena na ipinapakita ang tuta na hawak nito kanina.


"Carsan Group. Does it ring a bell? Lumayo ka na at puntahan mo ako sa coffee shop kung saan kayo malapit. My guys are watching on you kaya wag kang mag-alala sa mga nakasunod sayo."


Kinabahan ako. Carsan is the biggest drug syndicate in the country. Noong nakaraang taon lang, naipakulong ko ang leader nila. I was never afraid, after all, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Tumango ako kahit hindi ko masyadong naiintindihan.


"Dalisay, I have to go. May emergency meeting ako." Pagpapaalam ko kay Dalisay. Tumango sya  at ngumiti sa akin.


"Ingat ka sa pagdadrive." Pagpapaalam nya. Ilang segundo ko syang tinitigan. If she has something to do with the syndicate, napakagaling nyang umarte. May parte ng puso ko ang nanghinayang, akala ko magiging magkaibigan kami.


Mabilis akong nagmaneho patungo sa coffee shop na sinabi ni Agent Yushima. At my back are motorcycles and sports car, probably Yukan'na.


Yukan'na is Agent Yushima's group of gangsters funded by a Mafia but they exist to protect not to harm.


(Maki Say's: Promoting The Bad Boy's Slave =p)


Sa pinakasulok na bahagi ng coffee shop, pinuntahan ko si Agent Yushima. Tumayo agad sya pagkakita sa akin.


Napansin ko agad ang makapal na brown envelop sa ibabaw ng lamesa. Nagsimula syang maglabas ng litrato ng isang babae na hindi ko kilala.


"Dorothy Fereira. Girlfriend of Vince Young, Carsan leader." Sambit ni Agent Yushima.


"Nawala sya nung na-convict si Vince. According to my sources nagtungo sya sa Amerika at doon nagpa-plastic surgery, she went to Beverly Hills. From Dorothy, to this girl." Nilabas ni Agent Yushima ang before and after photo ni Dorothy. Napaawang ang labi ko dahil si Dalisay ang nasa kanang litrato. Hinawakan ko ang medical records and it is confirming what changes they did to Dorothy to be Dalisay.


"Five months ago, Dorothy went to Go'quiao, Chinese syndicate. Sikat sya sa Amerika na taga-falsify ng documents. Go'quiao do not fake documents, he make them appear to be legal. Simula late registration of birth, dadaan sa legal na proseso. Sumunod ang school records, examination to be accelerated na hindi na kailangang pumasok sa eskwela hanggang sa passport."


Nilabas ni Agent Yushima ang kopya ng birth certificate, diploma, passport at litrato ni Dalisay sa isang aesthetics clinic na mukhang sa labas nga ng bansa.


"Where did you got these pictures? If these was five months ago, hindi ko pa sya pinapaimbestigahan." I asked.


"Sa isang Intel nanggaling yan. Nasa watchlist si Dorothy noon pa man. Hindi man sya nakasuhan, of course they want to make sure if she is really innocent. Nakaabang kung sakaling gagawa ng masama." Nagkibit balikat si Agent Yushima.


"So you are saying that Dorothy and Dalisay is just one person?" Pagkukumpirma ko.


"Probably. And Dorothy has a motive in getting close to you."


"Ano naman?"


"Attorney, these are drug addicts. They will kill for nothing. Hindi ko naman sinasabing maniwala ka, but this serves as a warning. Wag kang mag-alala, anu't ano man ang mangyari, Yukan'na is watching on you 24/7. Of course we can't inside your pad, but I suggest, itago mo ang deadly weapons kung nasa paligid si Dorothy."


Wala sa sariling nagmaneho ako pabalik ng condo ko. Hindi ko lubos maisip na si Dorothy at Dalisay ay iisa. What is she thinking? Hindi ko maiwasan na magalit ng husto. She's playing on my feelings! Ginagamit nya pa si Raeven!


Sumakit ang ulo ko pagkauwi ko. Although I know someone's protecting me, naiinis ako sa isipin na may nagnanais na ilagay ako sa panganib. These people aren't playing fair! I get Dom Perignon from my wine cellar at pinuno ang wine glass ko na puno ng yelo. I drank it straight.


Whatever it is you are doing Dorothy, I am sure you will get what you deserve.


-----

xxRaevenxx


"Hello Dora!" Nakangising bati sa akin ni Jolina pagkapasok nya sa apartment. Sumimangot ako at binalik ang tingin ko sa aking laptop, kausap ko si Ysobelle.


"Ate, si Jolina ba yon?" Tanong ni Ysobelle mula sa kabilang linya.


Tumango ako. Ngumiti si Ysobelle maya maya pa ay tiningnan ako ng seryoso.


"Alam na ni Kuya Deuce?"


"Hindi pa.. Kanina dapat sasabihin ko na kaya lang mayroong tumawag sa kanya."


Nadidismaya ang mukha ni Ysobelle kaya ngumiti ako.


"Mamaya sasabihin ko na." Pagpapanatag ko sa kanya.


"Ikaw naman kasi, pinabago mo pa ang kulay ng mga mata mo eh." Napakamot ang kanyang ulo.


"Ginawa ko lang naman iyon nung hindi ko pa alam na magaling na ako. Wala akong intensyon na makilala nya ako, pero ngayong magaling na ako, pupwede na ulit Ysobelle." Nangingilid ang luha ko sa sobrang saya. Narinig ko lahat ang sinabi ni Deuce doon sa park, mahal nya talaga ako at dapat magtiwala ako doon. Kahit magalit sya kapag nalaman nya ang totoo, hindi ako susuko na suyuin sya basta magtitiwala sya sa akin.


Naghanda ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ysobelle. Sinuot ko ang damit na ipinahiram sa akin ni Deuce noong una kaming magkita bilang si Dalisay. I know that this is really for me. Alam nya ang sukat. Isang kulay dilaw na dress ito. Pinaayos ko kay Jolina ang buhok ko, humaba na ang bangs ko pati na din ang buhok.


Nilagyan din ako ng manipis na makeup.


"Ang ganda.. Lalo na siguro kung kulay abo ang mata mo hindi ba? Pero hindi nakabawas ng ganda!" Wika ni Jolina habang pinagmamasdan namin ang repleksyon ko sa  salamin.


"Kailangan ko na umalis. Hindi na ako makapaghintay."


Tumango si Jolina at nginitian ako. Alam kong masaya sya para sa akin, at masaya din ako sa tapang na mayroon ako ngayon. Deuce is worth the risk, alam kong mamahalin nya ako ng buong buo pagkatapos ng lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang numero ni Attorney Hades.


"Raeven.." Alam nya agad na ako ang tumatawag.


"Ngayon ko na po sasabihin."


"T-talaga?" Hindi makapaniwalang sagot nya. Maya maya pa narinig ko ang mahinang pagtawa nya, nanginig ang kanyang boses, "I hope you will both be happy. Yun lang ang hihingin ko. Take care of my son."


"Opo. Salamat din po Attorney."


Pagkababa ko ng kanyang tawag, humakbang ako papalapit ng pinto. Mayroon pa akong dapat pasalamatan. Dinial ko din ang kanyang numero.


"Martin.."


Hindi ako nakarinig ng pagsagot mula sa kabilang linya.


"Martin, salamat sa lahat."


Nakarinig ako ng pagsinghap sa kabilang linya. Hindi ko tiyak kung anong ginagawa nya, kung galit ba sya o kung ano but I have to be fair and let him know.


"I am really hoping you will find someone for you." Wika ko pagkatapos pinatay na ang tawag.


I am not dense. Alam kong umaasa si Martin kahit malinaw ang sinabi ko na wala syang aasahan. Hope is what keeps a person going but it also takes away life. Ayaw kong mangyari kay Martin iyon. Kaya nanatili ako bilang kaibigan nya habang nagpapagaling ako. I am not meant for him. He knows that. Lalo na siguro kung malalaman nyang kasal pala kami ni Deuce.


Tumuwid ako sa pagkakatayo sa tren. These are the memories that I wont forget. Dito kami nagkakilala ni Deuce, ito ang umpisa ng lahat. 


Sa simpleng tren...


Madami nang nangyari. Pinaghiwalay kami ng kanyang ama, pinaghiwalay kami ng sakit, pinaghiwalay kami ng kamatayan. I want to say that we surpassed it all. Ours is not a perfect relationship. We may be happy but we lied so many times, not because we want to but we have to.


Faults are not there to break, it's for us to get stronger.


Kinuha ko ang keycard na mayroon ako sa pad ni Deuce. I opened it right away. Nakita ko sya na nakaupo sa sofa at nakayuko.


Lumapit ako sa kanya at nakita kong nakapikit sya.


"Deuce." I whispered. Tinapik ko ang kanyang pisngi, umungol sya. His breath reeks alcohol.

"Mmm.."

"Deuce, bakit ka naglasing?" I asked. Minulat nya ang kanyang mata at tiningnan ako.


"You are here.." Bulong nya. Hinila nya ako pabagsak ng katawan nya. Nagtataka ko syang tiningnan. Nakangisi sya sa akin at mapupungay ang mga mata.


"Bumalik na ako, Deuce. Magaling na ako." Sambit ko ng buong antisipasyon. Napangiti sya at umiling.


"Really?" He asked.


"Ako to.. Si Raeven." Nanginig ang boses ko.


"Of course!" He chuckled.


"So what to do you want as a welcome party, huh?" Natatawang tanong nya.


"Nakainom ka, Deuce." Pigil ko sa kanya.


"I still know what Im doing." Pagkasabi nya non, siniil nya ako ng halik. The kisses came too strong but I didn't mind it. Ito ang gusto ko sa umpisa pa lang. It brings back a lot of memories. I want to understand the rhythm, slowly, I answered back. Natigilan sya at tinitigan ako. I rechead for the hem of his shirt at kumapit doon.


Kumapit sya sa aking bewang. His hands went up and down. Hindi ko matandaan kung kailan ito naging sobrang sensitibo pero tumatayo ang balahibo ko sa bawat paghawak.


"Deuce.." I whispered. Sa sobrang lambing ng boses ko, nahiya ako sa pagkakabigkas non. Pinakiramdaman ko ang kanyang kamay na naglakbay sa ilalim ng aking dress. Mapupungay ang kanyang mga mata habang hinahaplos ang mga binti ko.


Hindi nya pinuputol ang halikan sa pagitan namin. Damn. Gusto ko munang makapag-usap kami ng masinsinan pero hindi nya ako pinagbibigyang magsalita!


He carried me like a paperweight doll at ibinunggo ang aking likod sa pinto ng kanyang kwarto. Hindi ako dumaing, I wrapped my hands around his neck at tinitigan syang mabuti. In his eyes I can see different type of emotions pero angat na angat ang lungkot at hinagpis.


Binaba ni Deuce ang strap ng aking dress kasama ng aking bra, my mounds totally exposed, he cupped it right away. Napaungol ako sa sensasyon. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi lalo na ng mataman akong titigan ni Deuce. This is not how I imagined my confession but I missed him so much!


He touched me like he knows where to put his hands to make my body arch, bawat haplos umaangat ang aking likod. I want him! So bad.


Pinanliitan nya ako ng mata at muli akong siniil ng halik. He pulled my dress once more at sa pagkakataong iyon, nasira na ito. 



"Deuce!" Wala na akong magagawa, he kissed my stomach and went down slowly. He placed his legs in between my thighs and I can't help but to get aroused with his movements. Iniangat ko ang likod ko at hinila ang kanyang tshirt, he got what I wanted to do, he paused and then removed his shirt pati ang kanyang pantalon at tanging boxers na lang ang natira sa kanya.


I can feel his maleness poking my lady part as he placed his mouth on my breast, halos masabunutan ko sya sa kanyang ginagawa. Pumikit ako at kinagat ang pang-ibabang labi. He pulled my panties habang abala sa paghalik, sa isang iglap, I felt his shaft in my entrance. Walang pasubali iyon. I gasped in pain as he made his way to my entrance.


Hinayaan ko sya kahit masakit, his thrust is rough and rigid, parang walang direksyon at walang pakialam. Lumuluha ako ng husto dahil sa hapdi pero hinaplos ko ang kanyang mukha na pinagpapawisan ng husto, tinabig nya ang kamay ko. Pumikit sya sa bawat pag-indayog, sinalubong ko ang kanyang pag-galaw para hindi ako masyadong masaktan. 


He didn't utter a word, tumingala lang sya habang patuloy sa kanyang ginagawa. His maleness  is in its full glory kaya napaimpit ako sa pag-ungol. Masakit at mahapdi kahit hindi ito ang unang beses. He let a soft groan as he moved faster, humawak sya sa aking balakang at hinampas ang aking sarili sa kanya. Naliliyo ako sa  kanyang ginagawa. Fck he's so turned on! Ilang sandali pa, I can feel his liquid gush through me, binagsak ang kanyang mukha sa aking leeg, hindi ko na alam ang nangyayari. I just want to satisfy him and I think I did.


"Why are you doing this to me?" Ito ang kauna unahang salita ang sinambit ni Deuce, nabasa ang aking leeg, hindi ko alam kung ng pawis o luha.


Kung luluha naman sya? Bakit?


"Deuce, binalikan kita, magpapaliwanag ako. Mag-iintay ako hanggang sa maintindihan mo." He stopped moving at lumalim ang kanyang paghinga, palagay ko ay tulog na sya. 


Nanlumo ako ng pagkagising ko wala na sya.


-----


Maki Say's: Hi!


Wala akong masabi kundi Thank you for reading. Sobrang layo nito sa mga sinulat ko noong una, pero sana maintinidhan nyo na naghahanap ako ng tamang timpla at genre. Kung may mali, may butas, may kulang, sasabihin ko pa din na andito ang kaluluwa ko, pinagpaguran at pinag-isipan. Sobra. Huminto na ako sa pagbabasa ng comments kasi nadidiscourage na ako noon pa man. Masakit. Kaysa idiscontinue ko si Attorney, I still stood up and put my faith in this story--tatapusin ko. Alam kong binasa nyo ito dahil sa Whirlwind, expecting that the flow will be the same, but there's no two story alike. Kagaya ng buhay mo, ay hindi katulad ng buhay ng kaibigan mo. O ng kamag-anak mo, kahit ng kapatid o magulang mo, iba pa din ang sa bawat isa.


Hugs! Thank you for staying with me til the end.


See you in  the last 2 chapters! :)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co