Chapter 55
Isang tingin ko lang ay agad na unti unting huminahon si Frosto. Padarag niyang pinakawalan ang lalaking ka awa awa at bahagya pang itinulak.
Nanghihina akong bumuntong hininga at tumalikod. Ayokong makita ng mga kaibigan ko ang pag aaway namin.
Away. Ang salitang ayaw kong mangyari sa aming dalawa ngunit hindi maiwasan ang ganitong bagay. Sa magdalawang taon ko na kilala si Frosto, sa mga karanasan ko, alam ko na agad na mararanasan namin ang hindi pagkakaintindihan at pag aaway.
Tulad ngayon... Ang sama talaga ng loob ko sa nakita ko kanina.
Dahil sa bugso ng aking damdamin , habang humahakbang ako sa hindi ko alam kung saan ako patungo.
May mga iilang tao na nakatingin sa akin kaya nahihiya akong yumuko. Isang mariin na paghawak sa aking siko napapikit na ako agad.
Amoy ni Frosto ang sumakop sa aking ilong. Ang kanyang kamay ay agad na nasa aking baywang.
"My car is here.." bulong niya at ginaya niya ako patungo sa gilid kung nasaan ang parking lot nitong bar.
Dahil ayoko rin ng problema pa at makaagaw pansin sa mga tao na nandoon ,lalo na dahil may mga kakilala na gustong kausapin si Frosto ngunit kanya iyong iniignora.
Hawak hawak na niya ang kamay ko ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan. Ayaw ko man siyang tingnan ngunit dahil sa bigat ng presensiya niya ay tuluyan akong napatingin.
Nasa labas lang siya ng pintuan ng sasakyan at tinititigan akong naluluha. Natatabunan ng bahagya ng kanyang buhok ang kanyang mga mata dahil medyo mahaba na iyon. Nakasuot siyang itim na polo shirt at nakamaong na pants. Ang tanging nakita ko na kolorete sa katawan niya ay ang kanyang relo.
"I-Inimbitahan ako dito nila Tala.." umiwas ako agad. Ayokong pag usapan ang kaninang ganap dahil alam ko na pagsisisihan ko iyon tulad ngayon.
Dahil sa bugso ng damdamin ko kanina ay biglaan ang aking pagsigaw kaya pate ang aking mga kaibigan ay nagulat.
Ngayon, nasa gilid ko si Frosto, halos madilim sa aking parte dahil sakop ng kanyang katawan ang pintuan. Nakauklo pa siya ng konti para lang maabot ako dahil mataas siyang lalaki.
"That's not our problem." huminga siya ng malalim at agad na sinarado ang pintuan. Umikot siya para makapasok kaya umiwas ako at humalukipkip.
Habang pinapaandar niya ang sasakyan ay tumingin ako sa aming engagement ring na tamang tama sa aking palasingsingan.
Kailanman, wala akong nakitang ganito kaganda na alahas. Kailanman, hindi nalalapatan ng anumang alahas ang aking katawan kundi ito lang. Ang pinakauna, ngunit napakaespesyal na bagay sa akin.
Napansin ko na ang dyamante sa gitna ay nasa gilid dahil siguro sa galaw ko kaya hinubad ko ito sa aking daliri.....
Kakahubad ko palang nun ng pumreno ang sasakyan ng biglaan! Mabuti nalang at nakaseat belt ako at nahawakan ako agad ni Frosto sa baywang!
"You are not breaking up with me.." madiin ang boses ni Frosto na nakatitig sa singsing na hinubad ko!
Ang aking halos lumuwang mata dahil sa gulat ay napapikit at dinama ko ang sobrang kabog ng dibdib ko dahil sa gulat!
"I'm sorry baby... But tell me, you are not breaking our engagement!" ang mababa ngunit madiin niyang boses ay nagbigay panindig balahibo sakin!
Halos taas baba ang aking dibdib ng magmulat.
"A-Aayusin ko lang naman." nanginig ang boses ko ng konti at ibinalik ang singsing sa aking daliri. Halos napatingala siya at napasabunot sa sarili niyang buhok.
"Damn! I'm sorry." pinaandar niya ang sasakyan. "We'll talk at home."
Sumang ayon ako sa kanya dahil iyon rin ang gusto ko sa mga oras na ito.
Hindi nagtagal ang biyahe namin o baka siguro dahil na rin sa pagmamadali ni Frosto na makauwi.
Alam kong pagod siya, nakikita ko iyon sa kanya. Pero sa mga panahon na magkasama kami ay pansin ko na kahit pagod siya ay naglalaan siya ng oras para sa aming dalawa. Minsan, ay hindi na siya nagtatrabaho para lang makasama ako.
Ayoko rin naman na ganoon at alam ko na may responsibilidad siya. Binitawan ng kambal niyang si Faustino ang kompanyang itinoka ng kanilang ama para sa kanya kaya si Frosto ang sumalo nun.
Hindi ko rin alam ang rason nun ngunit alam ko na magagampanan iyon ni Frosto ng maayos.
Namalayan ko na gabi na nga pala ng makarating sa bahay. Ang paligid ay sobrang tahimik at patay ang iilang ilaw. Tahimik akong lumabas ng sasakyan ng pinark ni Frosto ito.
Alam ko na sa ganitong oras ay tulog na si lola. Nang buksan ko ang bahay ay tumambad sa akin ang isang bag ni Frosto, siguro ang dala niya mula Taiwan. Halatang nagmadali siyang umalis dito kanina at hindi na nakuha pa ni lola dahil siguro tuloy.
Ngayon na nandito na siya ay medyo kumalma ako at naiilang na tumingin. Nasigawan ko siya kanina at alam ko na mabigla siya.
At himala na nawala ang pagod at antok ko. Narinig ko ang pagsarado ng pintuan sa sala kaya pumunta akong kusina. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang baso hanggang sa may humawak 'nun.
"We need to talk." mababa niyang boses agad ang aking narinig. Unti unti ko siyang tiningala at napangiwi ako.
Inexpect ko na talaga na mag uusap kami ngayon at lalo na hindi ako makakatulog dahil sa nangyari kanina.
"Ang bilis mo umuwi. Kung uuwi ka, sana naman iyong may sapat ka na pahinga." nag aalala na ako sa pagod niya. At kahit na hindi ko tanungin ay alam ko na hindi pa siya kumakain.
"Mag steam ako ng okra at may pritong isda pa dito."
Napatigil ako ng hawakan niya ang aking kamay at hinila ako papunta sa kanya. Halos umingay ang pinggan na lalagyan ko sana ng isda ng hilahin niya ako.
Nakaupo siya sa upuan. He made me sat on his lap at naramdaman ko ang kanyang kamay na pumulupot sa aking baywang.
Ang kanyang swabeng bango ay agad kong nalanghap. I closed my eyes tight at dinamdam ang kalabog ng aking dibdib.
"K-Kumain ka muna please." nag aalala kong sabi sa kanya na hindi siya nililingon dahil nakabaon ang kanyang mukha sa aking leeg.
"Why are you still kind even though you should be angry with me?" namamaos niyang aniya.
Tinikom ko ang bibig ko at kinagat dahil naalala ang pagsigaw ko sa kanya kanina. Hindi dapat ganoon ngunit sa tuwing naalala ko ang babae ay nagagalit ako.
Nanubig ang aking mga mata dahil sa galit.
"I told you that I am not so kind when I am jealous. Pero iyong babaeng sumagot ay isa sa mga investors sa Taiwan. I am sorry if she answered your call. Pinagalitan ko siya at lalo na hindi ko gusto ang ginawa niya."
"Pero nakahawak siya sa braso mo."
Ang kanyang mga mata ay titig na titig sa akin at bumaba iyon sa aking labi.
"So This is you when jealous huh?"
Ngumuso ako at huminga ng malalim.
Kinuha niya ang aking kamay at hinimas ang aking daliri na may nakalagay na singsing.
Tumitig rin ako doon at nakita ang dalawang engagement ring namin.
Sa huli, I realized, na hindi dapat magpa dalos dalos. Na mapag uusapan ang lagat ng bagay.
"Sol, Kung ako ang tatanungin ay gusto na kitang pakasalan. But I respect your decision. Na gusto mong makapagtapos muna..." bakit parang may hinanakit sa boses niya?
"But I promise you. You are safe with me. Hindi lang ikaw ang aalagaan ko. Pate ang mga mahal mo sa buhay."
Naalala ko ang mga kapwa ko mangyan na pinagawan niya ng mga bahay at binigyan ng trabaho. Binigyan niya ng pag asa.
Dumaloy ang aking luha. Marahil nga tulad ko, si Frosto para sa mata ng ibang babae ay sadyang nakakahalina na klaseng lalaki ang fiance ko. Pero may tiwala ako sa kanya.
Hinawakan ko ang panga niya. "Salamat Frosto. Salamat sa pag alaga mo sa mga ka baryo namin. Sa tulong mo sa amin ni lola at sa pag aaral ko. At....hindi ibig sabihin n-na marami kang tinulong sa amin kaya kita gustong pakasalan.." sabi ko sa isang mahina na boses.
Habang siya naman ay hinahalikan ako sa aking balikat at pisngi.
"Kundi dahil sa mahal kita."
Tumigil siya na tila ba isang malaking bagay ang pagsabi ko nun' para sa kanya.
Hinuli niya ang aking baba at hinimas. "Don't say you love me kung hindi ka pakakasal sa akin...Agad."
Kinagat ko ang aking labi at nagkatitigan kaming dalawa. Hindi niya alintana ang aking bigat na nakaupo sa kanyang kandungan.
Alam ko na pumayag ako sa aming kasal pero sinabi ko na gusto ko kapag makapagtapos na ako ng pag aaral. Gusto niya na rin na magka anak kaming dalawa.
Oo. Anak.
Salita palang ay alam ko na malaking obligasyon. Ngunit may mga gabi kaming walang proteksyon at hindi ko iyon pinagsisisihan.
"Papakasal na ako sayo." bulong ko na hindi makatingin sa kanya.
Ang kanyang madidilim na mga mata ay tila ba nagliwanag at ang kanyang seryosong mukha ay naging maaliwalas.
Umiwas siya at napamura. "Napipilitan ka lang. Sol, I get jealous easily. Siguro sinasabi mo lang ito para maibsan ang selos ko sa teacher mo."
Umirap ako sa kanya. "Totoo nga!"
Tinitigan niya ako na tila ba naghahamon.
"Really huh? I want it the next day then. We'll settle everything tomorrow."
Halos magulantang ako sa kanyang sinabi.
Hinalikan niya ang aking ilong kaya napapikit ako.
"I can't wait to see my baby-fiance wear a wedding gown." malambing ang boses niya ng sabihin iyon habang ako ay hindi ko maproseso ang araw na gusto niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co