Truyen3h.Co

Unspoken Truth

Chapter 22

CussMeNot

Chapter 22

I stared at my fiancee. I sighed heavily. Pumunta siya dito para pag usapan ang plano niya upang hindi matuloy ang kasal namin. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya dito kaya nagulat ako nang bigla siyang pumasok sa opisina ko habang nakangiti. I thought she's hera but my smile vanished when i saw her.

I talked to her. She's smiling while talking to me but my face remained serious. Wala siyang pinagbago, masayahin parin siya. Hindi ko maiwasang ipagkumpara siya kay Hera. Maganda siya, but my Hera is more beautiful than her. Mabait din naman siya pero mas lalang parin ang kabaitan na taglay ni Hera. My Hera is one of a kind. Walang pwedeng lumampas sa kanya.

Maganda man ang katangian ng babaeng ito ay hindi parin iyon naging sapat para mahulog ako sa kanya. Iyon ang ipinagtataka ko. Dati ay lagi siyang nadalaw sa akin dito para makipag usap at bumisita sa akin pero natigil lang iyon ng harapan kong sinabi sa kanya na walang patutunguhan ang ginagawa niya. Gusto niyang magpakasal sa akin pero ayoko siyang pakasalan dahil hindi ko siya mahal. She just smiled at me while i rejected her. Imbis na magalit ay tinawanan niya lang ako. It's the last time that i saw her. That was two years ago. Wala pa si Hera sa buhay ko.

But she came back now. Akala ko ay ipipilit niyang pakasalan ko siya pero kabaliktaran ang gusto niya. Sinabi niya ang lahat ng plano niya para hindi matuloy ang kasal namin. Nakikinig lang ako sa kanya habang umiimik siya. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat ng kailangan naming gawin. Gusto niyang pumunta kami sa Bansang britain para kausapin ang mga parents niya. She wanted to get out in this engagement. She wants to marry her boyfriend.

Sumang ayon ako sa lahat ng gusto niya. Sana maging maayos ang lahat. I hope we can convince her parents, and if our plan worked. I will marry Hera. I'll marry the woman that I love, but before that, I still need to do my part in our plan.

Lumabas kami sa opisina ko. She's holding my hand while walking. Sanay na ako, because every time that she's with me, she's always holding my hand. But I was shocked when she kissed me on the side of my lips. She said that it was just a friendly kiss.

Imbis na magalit ay kaba ang naramdaman ko. What if Hera saw us? I know that she will get mad at me. I hope she's still eating lunch with her friend.

"Bye. See you later," she said.

I just nodded at her while staring at her with a serious face. I touched her face then I patted her shoulder.

"Be a good girl. Huwag mong pasakitin ang ulo ng boyfriend mo, baka magbago ang isip niya at hindi ka na pakasalan." i said with a low voice.

Naging malapit din naman siya sa akin at para ko na rin siyang itinuturing na kapatid. She's like a younger sister to me. I hope maging maganda ang kalabasan ng plano namin.

"He loves me. Hindi na magbabago ang isip niya. Isang drum na gayuma ang pinainom ko sa kanya" mahina na bulong niya. She know how to speak tagalog, Pilipino kasi ang boyfriend niya.

Ihahatid ko na sana siya sa elevator nang bigla kaming natigilan nang makarinig ng kalabog. I saw Hera staring at us with tears running down her beautiful face. I gulped hard. I nervously stared at her. I don't want to see her crying kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Who is she?" my fiancee asked me.

"She's my secretary," I answered with a serious face.

She's my everything. I want to tell her that she's the girl that I want to grow old with but I can't. I need to stick to the plan.

I saw the pain in her eyes. Tumalikod siya sa amin. Aligaga siyang nag ayos sa mesa niya para hindi namin makita na umiiyak siya.

Gusto ko siyang lapitan. I want to wipe the tears on her face. Gusto kong makapag usap kami pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa ngayon. Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang lahat lahat.

"Oh, okay! By the way, hihintayin ka namin sa condo ko mamaya. Bye, see you later."

Tumango ako pero nanatili kay Hera ang mga mata ko.

Matapos nitong magpaalam ay naglakad na siya papuntang elevator. Nang makaalis siya ay katahimikan ang namagitan sa amin.

I sighed heavily. She's hurt. She's fucking hurt. Nilapitan ko siya. Tahimik siyang umiiyak. Gustuhin ko mang hawakan siya upang patahanin ay hindi ko naman magawa. Instead of hugging her, mas pinili ko na lang kunin ang folder na pinakuha ko sa kanya kanina.

Tumalikod agad ako habang bumubuntong hininga. I closed my eyes tightly. Fuck! I hate seeing her crying.

"Stop crying," I said in low voice.

I fucking cursed at my mind. Please, baby stop crying. Nasasaktan din ako tuwing nakikita kitang umiiyak. Gusto kong sabihin at ipaliwanag sa kanya ang lahat para hindi na siya masaktan pero hindi pa ito ang tamang oras.

"Cancel all my appointments later." madiing sabi ko at pagkatapos ay naglakad na agad ako papasok sa opisina.

"Mom, please ayokong magpakasal sa kanya. Give up your ambition. Nandito naman kami. Hindi mo naman kailangan ng kapangyarihan at posisyon sa lipunan para maging masaya. I'm here. I will take care of you, i promised. So, please cancel my engagement. I love Hera so much, and she's the only girl i want to marry." i plead while talking to my mom over the phone.

Patatlong beses ko ng sinabi sa kanya ang mga salita na iyan pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya makumbinsi. Nanghihinang napasandal ako sa upuan.

"No, Tyron. You need to marry her. Iyon lang ang makakapagpasaya sa akin. Intindihin mo naman ako." she said

Inis na inihilamos ko ang aking kamay sa mukha ko. Iyon ang ikakasaya niya? Paano naman ako? Paano naman iyong ikakasaya ko? She really doesn't care about me at all. Wala talaga siyang paki alam sa nararamdaman ko.

"Mom what about me? It's not what I want. I wanted to marry the woman I love. What about my happiness? Yes, you'll be happy if I do the things that you want but what about me? I'll suffer. Pwede bang isipin mo naman ako? Pwede bang pagbigyan mo naman ako? Mom, please I'm begging you. Stop these nonsense things, please?" I begged her.

Sa kauna unahang beses ay nagmakaawa ako sa kanya. Sa unang pagkakataon ay ibinaba ko ang pride ko. Hindi man kapanipaniwala pero ito ang ginagawa ko.

King Tyron Sandoval. A fucking ruthless billionaire is begging for a simple thing? Ayokong makasal sa taong hindi ko mahal.

Damn this life! Hindi man lang ako makagawa ng paraan para lang malusutan ang kabaliwan na ito.

"Pero ito ang gusto ko. Gusto kong makasal ka sa kanya. Masama bang humingi sayo ng simpleng bagay? Simple lang 'yun. It's just a simple thing." she reasoned out while crying.

Naglulumo na napahawak ako sa noo ko. Ang hirap niya talagang pakiusapan.

"But mom it's not a simple thing for me. We are talking about marriage. It's not a simple thing. For me it's sacred." I said slowly.

Pilit kong ipinapaintindi sa kanya ang lahat pero hindi siya nakikinig. I sighed heavily. Why can't she understand? Pilit niyang ipinipilit ang bagay na ayaw ko. Bakit ako pa? I'm not her only child, there's Hyron. Bakit hindi na lang siya? She wants me to suffered and she wants my twin to enjoy his fucking life. Fuck that favoritism of hers! She chose him back then when we were just a kid, and right now she's still chosing her favorite son freedom.

"I don't care, King Tyron. Marry her or I'll kill myself, but before that uunahin ko muna ang babaeng pinakamamahal mo." she said then she laughed like a madwoman.

"The fuck, Mom! Are you crazy? Don't fucking do that! You can't do that" napatayo agad ako mula sa pagkakaupo at napahilot ako sa aking sintido.

"Oh try me, son. Try me. I can do that." then she ends the call.

"Fuck! She's crazy as fuck! Damn it!" I cursed nervously.

Nagmamadali kong kinuha ang mga importante kong gamit. Tumakbo agad ako palabas sa opisina at sumakay sa elevator. Hindi ko na napagtuunan pa ng pansin si Hera dahil sa pagmamadali.

Later baby! Uunahin ko munang asikasuhin ang baliw kong ina. Kahit naiinis ako at nagagalit ako sa ina ko ay hindi parin maaalis sa akin ang pag aalala sa kanya.

Habang sumasara ang pinto ng elevator ay nakatulala lang ako. Kinakabahan ako habang nag iisip.

Even if she don't love me the way she love my twin, I still care for her and I still love her. Kaya ayokong may mangyari sa kanyang masama. And i know that she can kill herself. Walang pagdadalawang isip niyang gagawin ang bagay na iyon.

I stared blankly at the numbers. Inip na inip at inis na inis ako ng makitang sobrang bagal ng pag andar ng elevator. I fucking glared at that thing.

Para kong hinahabol ang oras. Nang makarating ako sa basement ay tumakbo agad ako sa kotse ko.

Sasakay na sana ako sa kotse nang bigla akong natigilan dahil may humawak sa braso ko.

I stared at her blankly. I'm sorry Hera but I need to go home. I badly need to go home. She touched my hands. Walang reaksyon na tumingin ako dito. I can't smile, and I can't talk. I'm worried about my mother.

Bumuntong hininga siya at tinanong ako.

"Pwede ba...tayong mag-usap?" she looks nervous while she's asking that question.

Marahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. Tumingala ako at pumikit para mag isip.

Gusto ko siyang makausap, but i need to go to my mother. It's hard to chose but i need to. Gustuhin ko man siyang isama pero hindi pwede. If my mother see her she will going to histerical.

I clenched my jaw so tight while staring at her. I sighed deeply, then I answered her.

"I can't. May pupuntahan pa ako." I said in a low voice.

Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin sa akin. Kinagat niya ang ibaba niyang labi upang pigilan ang pag iyak.

Fuck! She's going to cry.

"Pu..puntahan mo siya, diba?" nakayuko habang nanginginig ang boses na tanong niya sa akin.

Hindi ko agad nasagot ang tanong niya sa akin dahil naguguluhan ako. What is she talking about? Nagkasalubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa kanya. I saw that she bit her lips and then she stared at me. I stared at her with a serious face.

"Hindi ka man lang ba magpapa...liwanag sa akin?" may hinanakit na tanong niya sa akin.

"I have to go." seryoso kong sabi.

I really need to go. Hindi ako pwedeng magtagal dahil baka may gawing hindi maganda si Mom. Kailangan ko siyang puntahan at tingnan.

Hindi ko masagot sagot ang mga tanong ni Hera dahil masyadong pre-occupied ang utak ko sa mga naiisip. Nakatulala lang ako sa kanya.

"Ko-konting oras lang na..man, Tyron. Kahit ilang minuto lang, p-please." nagmamakaawa niyang pakiusap sa akin.

Umiyak na naman siya. Kitang kita ko ang pag-bagsak ng mga luha niya galing sa mga magaganda niyang mata.

I looked away and I closed my eyes tightly. Pagkatapos ay bumuntong hininga ako at muli ko siyang hinarap.

"Get in. Ihahatid na kita sa bahay mo. And can you please stop crying?" may inis na sabi ko.

Hindi ko maiwasang mainis. I told her to stop crying, pero umiiyak parin siya. I can't bear seeing her get hurt. I don't want to see her cry. Seeing her in that state made me feel like I'm being torn into pieces.

Pumayag siya sa gusto ko. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Ang tahimik naming byahe ay natigil nang bigla siyang tumikhim. I glanced at her while i'm driving. Saglit lang yun at ibinalik ko din sa daan ang aking tingin.

"Ano ba ako para sayo? Sino ba ako sa buhay mo?" i frozed when she asked me that.

You're the woman that I fucking love. I wanted to tell her that, pero pinigilan ko ang sarili ko. This is not the right time to explain everything to her.

Humugot ako ng malalim na paghinga at itinabi ko ang sasakyan para itigil. Pinatay ko ang makina pagkatapos ay pabagsak akong sumandal sa sandalan. Hindi ko siya sinago sa tanong niya sa akin, dahilan upang lalo siyang mainis at masaktan.

"May fiancee ka pala! Manloloko ka! Pinaglaruan mo ako! Tangina! Bakit ba ako naniwala sayo? Ang tanga tanga ko talaga! Ginawa mo akong palipasan ng oras! Ginamit mo ako para lang paglabasan ng init ng katawan mo. Pinaasa mo ako at ako naman si tanga naniwala sayo. Nagpabilog ako sayo at nagpakatanga dahil mahal kita. Pumayag ako sa lahat ng gusto mo kahit na alam kong walang tayo! Ibinigay ko ang lahat sayo lalong lalo na ang katawan ko, dahil mahal kita. Ibi..nigay ko ang lahat ng pagmamahal ko

...kahit na walang kasiguraduhan na mahal mo din ako. Nagpaka...tanga ako kasi mahal na mahal kita eh." may hinanakit na sabi niya sa akin.

Gusto ko siyang hawakan at yakapin, pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.

Hindi ako manloloko. Hindi kita pinaglaruan. Mahal kita, mahal na mahal kita. Hindi kita ginawang palipasan ng oras dahil sayo tumatakbo ang bawat oras ko. Hindi totoo ang paratang mo na ginamit kita. Hindi yun totoo dahil hindi lang init ng katawan ang pinapairal ko, may kasamang puso at pagmamahal ang lahat ng nangyari sa atin. Hindi init ng katawan kundi may halong pagmamahal.

I will do everything. Gagawin ko ang lahat para sayo.

Gusto kong sabihin sayo na mahal kita pero nagdalawang isip ako. Baka kasi hindi ka maniwala at magalit ka. I'm not good at saying what i feel. Hindi ko kayang magsabi ng nararamdaman. Hindi ko alam kung paano sabihin.

I told her that i have a fiancee. She cried. At wala akong nagawa kundi ang tingnan lang siya habang lumuluha. Masakit makita siyang nasa ganoong estado pero wala akong magawa. Kailangan kong tiisin.

Ilang minuto pa kaming nag usap at nag away. Umiyak siya sa harapan ko at halos madurog ang puso ko nang makita ang mga luhang ako ang may gawa.

Damn, I lied to her. I fucking lied to Hera.

I told you I don't love you but in fact, I fucking love you so much.

Sa bawat minutong lumilipas ay hindi ako mapakali. Hati ang utak ko sa pag iisip. Iniisip ko si Hera at iniisip ko din ang nanay ko.

Natigil lang ang pag uusap at pagtatalo namin ng tumunog ang cellphone ko. I read the message. Nabasa ko ang text ng isa sa mga kasambahay namin. Muntik na akong mapaiyak sa sobrang takot. Namutla ako nang mag sink in sa utak ko ang lahat.

Sinugod siya sa ospital. She tried to kill herself again. Nanghina ako.

Mom? Why did you do that? Napahilamos ako sa aking mukha. Magpapakamatay na naman siya? Uminom siya ng madaming gamot at na over doze siya.

Pinilit ko si Hera na sumakay sa kotse para maihatid ko muna siya bago ako pumunta sa ospital pero masyadong matigas ang ulo niya kaya nagalit ako. Nagsawa ako sa pamimilit at pagmamakaawa sa kanya. Naghalo halo ang pag aalala, kaba at takot ko kaya nasigawan ko siya.

"Fuck! You are too stubborn. I don't have time for this shit! If you do not want to go with me then fine. I'll leave you here if that's what you want." galit na wika ko.

Inis na napahilamos ako sa aking mukha. I need to fucking go! She needs me! I know that she needs me!

Tumunog ulit ang cellphone ko kaya dali dali ko itong sinagot. At matapos kong marinig ang sinabi nung nasa kabilang linya ay nagmamadali na agad akong tumakbo papasok sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis.

I'm sorry, Baby. I'm sorry but my mother needs me. Kailangan niya ako ngayon. I'm sorry.

Kalahating oras akong naghintay sa labas ng emergency room. Nag aalalang nakayuko lang ako habang naka upo. I hope she will be fine. Sana maging maayos lang sya.

Pagbukas ng pinto ang aking narinig kaya napatayo agad ako. Lumabas doon ang doktor at kasunod niya ang paglabas ng mga nurse habang may hila na higaan kung saan nandoon si Mommy at natutulog.

Lumapit sa akin ang doktor. "Maayos na siya. We saved her. Mabuti na lang at hindi masyadong mataas ang dosage ng ininom niyang gamot. Take care of her, Okay? She's suffering from depression. Kailangan niyong tulungan ang pasyente." madami pang sinabi ang doktor pero hindi ko na naintindihan pa ang iba.

She's depressed again, and I need to take care of her. My mother needs me. She needs me.

Binantayan ko siya. Hinintay ko siyang magising upang kausapin. When she woke up, she cried. Umiyak siya at nagmakaawa na gawin ko ang gusto niya ngunit hindi parin ako pumayag.

Habang ako ay nagmamakaawa sa kanya na itigil ang kasal, siya naman ay umiiyak lang. Kalahating oras ko syang pinakiusapan. Sa mahabang pakiusapan ay pumayag siya. But she asked me a favor. She wants me to come with her to America, upang magpagamot. Gusto niyang samahan ko siya habang nagpapagamot siya sa ibang bansa. Sa ibang bansa kung saan malayo kay Hera.

Pumayag ako. Para na din sa ikakabuti ng aking ina. So, i chose my mother over Hera. Mas pinili kong saktan ang babaeng pinakamamahal ko para lang sa aking ina.

But I promise my Queen Hera. I will come back. Aayusin ko ang lahat ng pagkakamali ko.

-------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co