Truyen3h.Co

What Our Love Cost

Chapter 12

_Dominous_

Cairo's POV

"Ang aga mo naman nagising?" Bati sa akin ni Athena habang bumaba ako ng hagdan. Humihikab pa ako at nagkukusot ng mata, "May date ulit kayo ni Lukas?" Dagdag nitong tanong.

Napakamot ako sa ulo ko bago tuluyang nakababa ng hagdan at nilapitan silang mag-ina sa hapag, "Mamayang hapon pa," Inaantok kong sagot bago naupo sa katapat na bangko ni Gian na kumakain na ng almusal niya.

"Talagang kina-career ka ni Lukas 'no?" Natatawang sabi ni Athena na ikinahagikhik ko rin bago sumomsob sa lamesa at nag-unan sa braso ko.

Napansin ko si Gian sa unahan ko na nakanguso habang ngumunguya, napa-ayos ako ng upo bigla.

"Gian," tawag ko rito,

"Po?" sagot nito, nakatungo pa rin sa pagkain niya at hindi manlang ako tinitingnan.

Napabuntong hininga ako bago inayos ang kwelyo ng suot kong t-shirt, "Galit ka pa rin kay Tito Lukas?" Malumanay kong tanong rito.

Natigilan nag bata, nag-angat ng tingin sa akin bago bumagal ang pagnguya.

Hindi gaano naging maayos ang pag-uusap namin ni Gian tungkol kay Lukas pero hindi rin naman kami nagkagulo. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Gian at kung bakit ganun ang pakikitungo niya kay Lukas. Pero hindi pwede na mananatiling masama ang pakikitungo niya rito lalo pa at ako mismo ay tinatanggap muli si Lukas sa buhay ko.

"Sabi niyo po 'wag na akong magalit, eh. Edi hindi na po ako galit." sagot nito bago nagbalik ng tingin sa pagkain niya, halatang napipilitan sa sagot niya.

Napanguso ako bago sinuklay ang buhok palikuran gamit ang daliri ko, "Pero yung totoo, Gian? Yung nararamdaman mo, hindi yung sinabi ko, galit ka pa rin sa kaniya? Ayaw mo pa rin kay Tito Lukas?" Malambing kong tanong rito.

Noong araw na kinausap ko si Gian tungkol kay Lukas ay nanatili akong kalmado at mahinahon. Ayaw ko na iisipin niya na dahil lang kay Lukas ay pagagalitan ko siya. Hiling din naman sa akin ni Lukas na huwag pagalitan ang bata dahil ayaw niyang mas magalit ito sa kaniya.

Gusto ko lang siyang paliwanagan at kausapin, hindi ang mas palakihin pa ang gulo.

"Susubukan ko po," Mahina nitong sabi na hindi ko gaanong narinig.
Napakunot ang noo ko bago tiningala si Athena na naghahanda ng baon ng anak niya, "Susubukan daw niya." sagot nito habang may maliit na ngiti sa labi.

Namilog ang mga mata ko bago agad nilingon pabalik si Gian, "Susubukan na?" Bahagyang lumakas ang kalabog ng dibdib ko dahil sa pagkasabik na malaman ang ibig sabihin ni Gian.

"Susubukan ko po na tanggapin siya gaya ng sabi niyo." Sagot ni Gian.

Napasinghap ako, napapalakpak habang ang ina ay napahagalpak ng tawa.

Hindi ko iyon inaasahan na sasabihin ni Gian lalo pa noong nakaraan na kinausap ko siya ay hindi nagtapos nang maayos ang usap namin dahil pinagdabugan ako nito at nilayasan sa sala habang kinakausap ko.

"Thank you, Gian!!" Halos sumigaw ako bago tumayo mula sa bangko ko at nilapitan ang bata para yakapin iyon.

"The best ka talaga, Gian!!" Niyapos ko ito nang mahigpit bago inalog-alog na ikinatawa ng bata.

"Tito, tama na po!! Kumakain ako, oh!!" Pagrereklamo nito habang pilit akong itinutulak palayo.

Mas lumakas ang hagikhik ko habang mas hinihigpitan ang pagkakayakap sa kaniya, "Mama!! Si Tito, oh!!" Pagsaklolo nito sa nanay niya.

Ibinaon ko ang mukha ko sa likuran nito at maya-maya ay naramdaman ko ang pagtapik ni Athena sa likod ko, "Bitawan mo na yung bata, magugusot yung damit niyan, sige ka." Pagbabanta nito sa akin.

Ini-angat ko ang ulo ko mula sa likod ni Gian, inamoy at hinalikan ang braso nito bago umalis na mula sa pagkakaluhod sa sahig at sinabayan na sila sa pagkain. Bago mag alas syete ay umalis na ang mag-ina at naiwan ako na nag-aalmusal. Mga bandang alas otso ay kinuha ko na ang mga nakasampay na damit sa labas lalo pa at mukhang uulan na. Dinala ko na iyon sa kwarto para tiklupin at ilagay sa kaniya-kaniya namin na damitan.

Dahil napawisan ako sa paglabas-pasok ng bahay ay naligo na ako pagkatapos para naman hindi na ako mangasim, at saktong pagkalabas ng banyo ay may tumawag sa cellphone ko. Noong una'y akala ko'y si Lukas ito, pero nang makita ang pangalan ni Grey ay napa-ismid ako bago ito sinagot.

"Napatawag ka?" Pagtataray ko rito habang nagpupunas ng buhok.

Agad kong narinig ang halakhak ni Grey sa kabilang linya, [Umagang-umaga, ang sungit mo, nag-away kayo ni Lukas?] tanong nito pabalik na nasundan ng pagtawa niya na ikinasinghap ko naman.

"Hindi 'no! And for your information, may date kami mamayang hapon, mainggit ka!" sagot ko rito bago isinampay ang towel sa sandalan ng bangko.

[Mainggit ako? Diba nga mag-asawa na kami ni Code? Bakit ako maiinggit—]

"Edi ikaw na ang winner. Nanlalamang ka nanaman! May balik 'yan!" Putol ko sa kaniya na muli niyang ikinahagikhik.

[Okay, enough with your nagging. I'm at the house right now, baking for Chiara, alam kong day-off mo rin kaya pumunta ka na rito at samahan mo 'ko.] ani nito na bahagya kong ikinanguso bago sumandal sa bangko.

"Miss mo nanaman ako 'no?" Biro ko rito na muling nasundan ng malalim niyang paghagikhik.

[Silly, just come and eat lunch here too. Nasa school at trabaho yung mag-ama, wala akong maka-usap maliban sa mga kasambahay.] ani niya at nag-hum ako bago napabuntong-hininga.

"Oo na, oo na, pupunta na po Doc Grey." ani ko bago dinampot ang suklay.

[Bilisan mo, kailangan ko ng katulong sa pag ba-bake.] ani niya na ikina-irap ko.

"Aalilain mo lang yata ako, eh–"

[Of course not! Let's have a chat too. It's been a while since we spent some time together.] Putol niya sa akin at muli akong nag-hum bago tumango.

"Oo na, ito na nga oh, naghahanda na. Sige na, ibaba mo na yung tawag." ani ko at nag-hum si Grey.

[Alright, alright, see you, take care.] ani niya bago tuluyang pinatay ang tawag.

Mabuti nalang at maayos na damit ang suot ko kaya hindi na ako nagpalit pa. Naghanda lang ako ng maliit na bag na lagayan ng wallet, susi at cellphone ko bago umalis ng bahay.

"Finally, you're here!" Bati agad sa akin ni Grey nang pumasok ako ng bahay nila, nakasuot pa ito ng apron at may mga harina sa pisnge at salamin.

"Sorry ha, matagal ba?" Sarkastiko kong turan na ikinahagikhik niya, "Bakit hindi ka nalang nagpahatid sa... manliligaw mo?" Pang-aasar nito habang may nakakalokong ngisi sa labi at sumasayaw-sayaw pa ang mga kilay.

Napakunot ang noo ko habang kinakaladkad na ako ni Grey papunta ng kusina nila, "Si Lukas? Nasa trabaho yun, mamaya pa kami magkikitang hapon—"

"So he's really courting you!" Palahaw ni Grey na lalong ikinakunot ng noo ko.

"Oo, hindi ba obvious? Diba nakikita mo na pinapadalhan ako ng pagkain?" Naguguluhan kong tanong. Ulyanin na yata si Grey at nakakalimutan na kasama ko siya minsan kapag pinapadalhan ng pagkain ni Lukas. Kaka-sex nila 'yan, kaya ganiyan.

Humagikhik ito bago nilapitan ang ginagawa niya sa counter top. Nagkibit-balikat ito, "Hindi ko naman alam na nanliligaw na pala sa'yo. Akala ko... sinusuya ka palang, pinatawad mo pala agad?!" Singhal nito habang may hinahalo sa malaking mangkok;.

Napabuntong-hininga ako bago dinampot isa-isa ang mga nagkalat na kutsara sa countertop, "Dapat ba hindi? Patatagalin ko pa ba kagaya ng ginawa niyo ni Code?" tanong ko rito bago nagbalik ng tingin sa kaniya habang naka-angat ang kaliwang kilay.

Sinamaan ako ng tingin ni Grey, natigilan sa paghahalo bago umirap na ikina-iling ko habang nakangisi, "At isa pa, hindi na kami pabata, Grey. Thirty-tree na ako, si Lukas...?—"

"He's thirty-two," sagot ni Grey at tumango ako.

"Tama, trentahan na kami, hindi ako teenager para magpakipot pa. Kung noong college, oo, pakipot ako, pero ngayon... iba na ang panahon." Halos bumulong nalang ako sa pahuli kong sinabi.

Kumuha na ako ng tissue na nasa katabi ko lang bago pinunasan ang mga nagkalat na harina sa countertop. Nang mapansin na hindi pa sumasagot si Grey ay nilingon ko ito.

"Wala kang sasabihin?" Taka kong tanong,

Nag-angat ng tingin sa akin si Grey, namilog ang mga mata bago ngumisi, "I just... thought... mahal mo pa si Lukas, 'no? I mean— even before he... showed up in your life again?" tanong niya at doon ay natigilan ako.

Nag-ayos ako ng tayo, tinupi ang tissue na hawak bago umiling, "Grey, alam mong hindi na. Focused ako sa trabaho, sa bahay, sa mga utang, kaya... wala na, nawala na yung kung anong nararamdaman ko kay Lukas noon." sagot ko rito.

Heto nanaman tayo! Paulit-ulit! Hindi ko na nga mahal, noon! Pero noong bumalik, willing akong mahalin ulit!

Utay-utay tumango si Grey, "Pero tinanggap mo ulit?" tanong niya na para bang kino-corner niya ako.

Napabuntong-hininga ako bago umirap, "Dahil nagpaliwanag siya at sinabi na hindi naman talaga siya nangaliwa. Humingi ng tawad, nagmaka-awa, kaya... tinanggap ko ulit. At isa pa, si Lukas na yun. Nawala man yung pagmamahal ko sa kaniya noon, pero noong bumalik siya... medyo bumalik na rin."

"So marupok ka?" Agad kong sinamaan si Grey ng tingin na ikinahalakhak niya ng tawa.

Gusto ko pa sanang makipagtalo, pero tatagal lang ang usapan tungkol sa bagay-bagay na yan kaya tinanggap ko nalang. Kung marupok, edi... marupok. Ano naman?

"Pero alam mo..." Binasag ko ang saglit na katahimikang bumalot sa amin.

Si Grey na naka-squat sa harap ng oven nila at sinisilip ang niluluto ay nag-hum bago ako hinarap, "Ang ano?" Taka niyang tanong.

Napanguso ako, pinag-cross ang mga braso bago isinandal ang balakang sa countertop, "Ayaw sa kaniya ni Gian. As in... galit pa nga yata, eh. Hindi siya boto kay Lukas." ani ko na ikinakunot ng noo ni Grey.

"How come?" Taka niyang tanong bago naglakad palapit sa akin.

Napatingala ako sa kisame, "Tinawag niya si Lukas na 'bakla' nang paulit-ulit na para bang iniinsulto niya si Lukas. Tapos sinasabi pa niya na hindi raw ako bakla at... binabakla raw ako ni Lukas. Ayaw niya na si Lukas ang... nanliligaw sa akin, dapat daw ay babae ang partner ko." Paliwanag ko at lalong kumunot ang noo ni Grey bago sumandal sa katabi ko.

"He's... homophobic?" May pag-aalinlangan sa boses niya na para bang nangangapa siya sa sasabihin.

"Pwede kaya yun?" Napatagilid ang ulo ko. "Pero saan niya matututunan yun? Walang homophobic sa bahay namin, ha—"

"Of course, may magiging homophobic pa ba sa inyo, eh parehas kayong bakla ni Athena?" Putol ni Grey na ikinahagikhik pa namin parehas.

Natigil ako sa paghagikhik, napasaltik ng dila bago natulala sa mga cabinet, "Susubukan naman daw niyang... magustuhan si Lukas. Pero dahil sinabi mo na rin... nag-aalala ako na baka nga...—"

"Homophobic yung bata? Okay, what I said was... wrong, hindi dapat ako nag-assume na homophobic yung bata, I'm sorry. Siguro ay... hindi lang siya sanay. Alam mo na, ang lalaki ay para sa babae, and vice versa." Paliwanag sa akin ni Grey.

Napanguso ako bago muling tumingala sa kisame at biglang may na-alala, "Pero andun siya sa kasal niyo. Nakalimutan ko ngang takpan ang mata niya noong naghalikan kayo ni Code sa harap, hindi na dapat... bago sa kaniya ang relasyon na lalaki sa lalaki." ani ko at bahagya pang umangat mula sa pagkakasandal sa countertop.

Si Grey ay mukhang may naisip agad na isasagot sa akin dahil gaya ko ay umalis din ito mula sa pagkakasandal, "Pero iba yun sa bata kung sa taong malapit na sa kaniya nangyayari ang ganung bagay. Cairo, when Code found out our fathers were exes, hindi siya makapaniwala at nandidiri pa. Isipin mo, kami ni Code, bakla, walang kaso sa kaniya. Pero noong nalaman niya na bakla rin mga tatay namin, hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha niya noong gabing yun." Pagpapaliwanag at pagkekwento niya.

Nagparte ang mga labi ko. Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya utay-utay akong napatango.

"Sabagay..." bulong ko,

Tumango si Grey, "You get it now? Give the kid days and weeks or maybe months! Who knows how long it will take him to fully accept Lukas as his future... uncle-in-law." ani nito bago bumungisngis at tinalikuran ako para siliping muli ang bina-bake niya.

Habang nagluluto ng tanghalian ay nagsimulang magkwento sa akin si Grey tungkol kay Chiara at sa bagong school na pinapasukan nito. Sa kabila ng naging problema nito sa dati niyang school ay walang nagbago sa ugali ng bata at bibong-bibo pa rin. Marami pa rin daw itong mga kaibigan at parang may tindahan kung magdala ng maraming baon para ipamigay sa mga kaklase niya.

Kumawala ang isang malalim na buntong-hininga sa labi ni Grey habang naghahanda ng pagkain, "Ang bilis niyang lumaki, last year lang parang... baby na baby pa siya. Pero ngayon... ang laki na." ani nito sa malungkot na boses.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko bago tumango, "Naiintindihan kita, ganiyan na ganiyan din ako kay Gian. Parang ang bilis ng panahon, 'no?" ani ko at tumango ito bago naupo na sa bangko niya.

Nagpatuloy ang pagkekwentuhan namin habang nagtatanghalian. Karamihan dito ay tungkol sa anak niya at sa pamangkin ko. Naka-abot na rin kami sa anak nila Yago na hindi namin napigilan i-kumpara sa mag-asawa dahil pinagbiyak-biyak lang ang mga mukha at ugali nito.

Pagkatapos namin kumain ay nag dessert na kami ng mga ginawa niya kanina at ipinagbalot na rin ako nito para sa inaanak niya at siyempre, para sa amin ni Athena. Bago mag alas dos ay umalis na rin ako at umuwi na ng bahay para naman maghanda sa date namin ni Lukas.

"Wala pa sila Gian?" Tanong ni Lukas nang pumaosk ng bahay. Lampas alas tres na ng hapon at sakto na katatapos ko lang din mag-ayos dahil napa-idlip pagkarating ng bahay.

Umiling ako habang nagsusuot ng sapatos, "Alas singko pa susunduin ni Athena si Gian," sagot ko bago tumayo mula sa pagkakaluhod sa gilid ng hagdan.

"Ready ka na?" tanong ko rito habang nagpapagpag ng tuhod.

Bumuntong-hininga siya bago tumango, "Yes, let's go, gutom na ako." ani niya na ikinabungisngis ko bago tumango at kinuha na ang bag ko.

Tinanong niya kung saan ko gustong pumunta o kumain. Itinuro ko siya sa isang lutuan ng pancit na madalas namin kainan ni mama noon. Bumili ako ng dalawang luto ng pancit at isang order na rin ng shanghai at manok.

Nagtalo pa kami ni Lukas kung sino ang magbabayad, pero hindi ako nagpatinag lalo pa at medyo marami rin ang in-order ko.

"Softdrinks? Softdrink ako na ang bibili, ha." ani niya, nakaturo pa sa akin at parang sine-secure na niya na siya ang bibili ng mga ito.

Tumatawa akong tumango, "Sige, samahan mo na rin ng tasty na tinapay." ani ko at tumango siya bago lumabas ng kainan para bumili sa katabing 7/11.

Pagbalik niya ay hindi pa luto ang mga order namin. Kinamusta ko ang araw niya sa trabaho at kung ano ang mga pinagkabusy-han niya.

"May meeting kami kaninang after lunch. Kasama yung ibang mga executives tapos mga tauhan ko sa factory," pagkekwento niya at utay-utay akong tumango.

"Oh, tapos?" Pag-enganyo ko sa kaniya na mag-kwento pa.

Kumiling ang ulo nito, "Kaninang mga... mag a-alas tres ng hapon, kaya medyo na-late akong dumating ay dahil isinugod ko sa ospital yung secretary ko." Dagdag niya na meydo ikinakunot ng noo ko.

Napatuwid ang likod ko, "Bakit? Anong nangyari?" tanong ko,

Napa-iling si Lukas, "Nahimatay eh, nasa meeting kami, katabi ko sa meeting room tapos biglang sumandal yung ulo sa balikat ko, akala ko nakatulog lang, nahimatay na pala." ani niya at utay-utay akong tumango.

"Kamusta na siya ngayon?" tanong ko habang pinaglalaruan ang bote ng toyo sa lamesa.

Ngumiti si Lukas bago tumango, "Nasa ospital pa rin, pinabantayan ko na kay Mikko at pinakisuyuan na rin na ihatid si Ethan pauwi kapag okay na siya." sagot niya at utay-utay akong tumango.

Mikko? Sino naman si Mikko? Bakit parang puro lalaki ang empleyado niya? Ganito ba kapag bakla ang nanliligaw sa akin? Imbes na sa babae ay sa kapwa lalaki nag-iiba ang kulo ng dugo ko?

Bago pa man ako maka-isip ng kung anu-ano ay dumating na ang mga order namin. Dalawang malaking plastic bag iyon na si Lukas na ang nagdala sa sasakyan. Inilagay niya ito sa likuran habang ako naman itong naka-upo na sa passenger seat.

Tinanong niya kung saan kami pupunta, inilagay ko ang cellphone ko sa isang tripod sa dashboard at naka-flash ang GPS app para sundan niya.

Mukhang hindi pa niya napansin kung saan kami pupunta, hindi rin siya nagtanong at sinundan nalang ang app. Pero habang papalapit nang papalapit ay mas lalong kumakalabog ang dibdib ko.

"Nasa... sementeryo tayo?" Nangangapa niyang tanong nang pumasok kami sa gate.

Napangiti ako, nilingon siya, bago tumango, "Oo, death anniversary kasi niya." sagot ko na ikinakunot ng noo ni Lukas.

Nagparte ang mga labi niya, "Nino?" Taka niyang tanong,

Hindi agad ako sumagot, kinuha ko ang cellphone ko mula sa tripod bago nag-alis ng seatbelt. Nilingon ko pabalik si Lukas, "Ni Mama, death anniversary niya ngayon, sampung taon na."

-----------

a/n: if nabasa niyo ang book 1, medyo malulungkot kayo sa news na yan knowing how Cairo's mother treated them both, pero again, hindi naman required basahin book 1 ksksks

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co