Chapter 14
Lukas's POV
Hindi agad ako makakibo nang makita ang kalagayan ni Cairo sa harapan ko at ganun din siya. Parehas kaming napako sa aming mga posisyon at namimilog ang mga mata na nakatingin sa isa't-isa.
"Lukas..." Parang piniga ang puso ko nang marinig ang kaniyang boses. Pero iyon ang nagsilbing panggising sa akin. Natauhan ako, namulat sa reyalidad na nasa harapan ko si Cairo, naka-upo sa kama, dumudugo ang labi, may mga pasa sa mukha, magulo ang buhok at may mga punit ang damit.
Nagsariling gumalaw ang paa ko at nagmadaling lumapit sa kaniya, "Anong nangyari?! Sinong gumawa sa'yo nito?! Sino!!?" Mahigpit ang kapit ko sa magkabila niyang balikat, halos bumaon ang mga daliri sa malambot niyang balat habang inaalog-alog ang kaniyang katawan.
"Lukas, k-kumalma ka–"
"Paano?! Paano ako kakalma?! Ano 'to?! Anong nangyari?!" Panggahaw ko ng sigaw, nararamdaman kong nanginginig ang mga kalamnan ko at halos matuyo na ang lalamunan ko.
Si Cairo, na mukhang kalmado lang at hindi alintana ang kaniyang kalagayan ay marahang inilapag ang hawak na bulak bago ako hinawakan sa pisnge.
"Lukas, okay lang ako, kumalma ka." Malambing niyang sabi. Sa kabila tuloy ng aking kaba, pag-aalala at takot, dahil sa malambing niya boses at mga haplos, idagdag pa ang kumikislap niyang mga mata, ay nagawa kong kumalma.
Marahan akong inalalayan ni Cairo na umupo sa kama sa tabi niya. Inayos nito ang first aid kit bago sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.
Napalunok ako ng laway habang inuusisa ang kaniyang bawat pagkilos. Kalmado lang siya, walang bahid ng takot o pag-aalala.
Bakit ganun? Bakit parang hindi siya nababahala ng nangyari at kaniyang sitwasyon ngayon? Bakit parang ako lang ang halos mabaliw-baliw sa nangyari?
Nang matapos siyang mag-impis ng first aid kit ay muli niya akong hinarap, may maliit na ngiti sa labi bago inabot ang magkabila kong palad.
"Lukas—"
"Sinong gumawa sa'yo niyan?" Mariin kong tanong. Kung kanina'y nagsisigaw ako at halos mag hysterical na, ngayon ay pinilit kong maging kalmado.
Napakagat si Cairo sa kaniyang pang-ibabang labi bago bahagyang pinisil ang kamay ko, "Wala 'to—"
"Anong wala?!" Tumaas nanaman ang boses ko.
Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya, "Cairo you are... bleeding. You're bruised, and your shirt is ripped, what do you mean this is nothing?!" I stood up from the bed, hands in the air, going up and down to emphasize Cairo's situation.
Cairo let out a heavy sigh before reaching for my hand and pulling me back down on the bed, "Lukas, please, wala lang 'to. Sanay na ako—"
"Sanay kana—"
"Lukas!" Natigilan ako nang sumigaw si Cairo. Agad kong naitikom ang bibig ko bago napatungo.
Muling bumuntong-hininga si Cairo, "Wala na 'to sa'kin, Lukas. Sanay na ako. Buhay ko na 'to. Ako na ang bahala sa mga problema ko, kargo ko 'to lahat. Hindi mo kailangan mag-alala sa'kin. Matanda na ako, kayang-kaya ko lahat 'to." Mahinahon niyang paliwanag sa akin. Ni walang bahid ng lungkot sa boses niya na para bang gaya ng sinasabi niya ay... sanay na siya rito.
Nanatili akong nakatungo habang nginunguya ang loob ng pisnge ko.
Naramdaman ko ang palad ni Cairo na dumampi sa pisnge ko bago dahan-dahan na ini-angat ang aking ulo para tingnan siya.
Ngumiti ito, "Kaya pwede ba? Kumalma ka. 'Wag mong isipin 'tong mga 'to o kung anuman ang nangyari. Bumaba na tayo, magluto na tayo, dahil miss ko na ang luto mo at nagugutom na ako. Pwede ba yun?" Malambing niyang sabi, kumurap-kurap pa ang mga mata na talaga namang nadadala ako.
Bumuntong-hininga ako bago tumango, "Sige na, hindi ko na iisipin, magluto na tayo." ani ko at mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya bago tumayo mula sa kama at hinigit na ako palabas ng kwarto.
Pero hindi iyon ang huling beses na iisipin ko ang nakita ko at nangyari sa kaniya. Hindi ko hahayaan na dito nalang iyon matapos. Hindi pwede na hindi ko iyon isipin.
Paano ko makakayanang mabuhay sa araw-araw na alam kong hindi ligtas ang kaniyang buhay at nasa panganib ito? Paano ko makakayanang sikmurain na makita siyang nasa ganong kalagayan at hayaan nalang?
Paano niya nagagawang ipagpawalang-bahala iyon? Kung sanay na siya, ibig sabihin ay madalas at matagal na itong nangyayari? Paano niya nakakaya? Paano niya nagagawang mabuhay na para bang wala sa kapahamakan ang buhay niya?
Papalampasin ko lang ngayon dahil hiling niya—dahil gutom na siya.
Pinipilit kong ngumiti at sabayan si Cairo habang nagluluto. Pinipilit kong hindi pagmasdan ang pumutok niyang labi at pasa niya sa may sintido dahil ayaw kong ma-iilang siya sa akin at bibigat ang pakiramdam ng hangin sa paligid.
Kapag wala akong ginagawa at siya ang naghahalo ng kare-kare sa kusina ay pumupunta ako ng sala para ayusin ang mga nagkalat na gamit. Wala akong imik, wala akong sinasabi at casual lang na inaayos ang mga ito.
Masaya ako, oo, pero hindi ko masasabing panatag at okay lang ako. Masaya ako, pero hindi ko gaanong na-enjoy ang pagluluto namin. Dahil kahit anong pilit ko na alisin sa utak ko ang nangyari, sumusulpot pa rin ito oras-oras.
Pinapanood ko si Cairo na gumalaw, normal lang siya, nakangiti, mukhang masaya, parang walang nangyari.
Paano niya kinakaya? Kasi ako, hindi ko kinakayang ganito ang sitwasyon niya.
Nang kumain na kami ay parehas kaming napa-palakpak nang matikman ang pagkain.
"Ang sarap! Shit!" ani ni Cairo habang may laman ang bibig, napabungisngis ako habang hinahalo ang sabaw ng kare-kare, kanin, at alamang.
"Galing ko na 'no? Kapag natikman 'yan ni Gian, naku, magwawala yun sa sobrang sarap!" Biro ko na ikinahalakhak ni Cairo. Napatakip ito sa bibig lalo pa at may lumipad na pailan-ilan na kanin mula sa bibig niya.
"Magugustuhan kana nun kapag nagkataon," ani ni Cairo na mas lalo kong ikinabungisngis habang kumakain.
Kahit papaano, sa kabila ng pag-aalala ko, sa tuwing naririnig ko ang tawa at halakhak ni Cairo ay nababawasan ang pagkabahala ko. Kapag nakikita kong masaya siya at nakangiti, sumasaya rin ako. Kapag nakikita ko na... okay lang siya, okay na rin ako.
Pero hanggang kailan siya magiging okay? Hanggang kailan niya kakayanin ang mga bagay-bagay?
Pagkatapos namin kumain ay um-order ako ng dessert habang naghuhugas si Cairo. Tinulungan ko na siya habang naghihintay at saktong pagkatapos namin maghugas ay siyang dating naman ng delivery driver.
"Ano ka ba naman, hindi ka na dapat nag-abala! May cake pa rito mula sa padala mo noong nakaraan, oh." ani niya nang ihain ko sa hapag ang ice cream na in-order ko.
Bumungisngis ako, "Ano naman? Edi... kainin na rin natin yung cake kasabay ng ice cream." ani ko bago muling bumungisngis habang si Cairo itong napa-irap bago bumuntong-hininga.
Kinuha niya ang kaniyang laptop sa kwarto i-connect sa TV nila gamit ang HDMI. Noong una ay hindi ko aakalain na gagana pa ang TV dahil sa nadatnan kong sitwasyon nito kanina, pero sa gulat ko ay gumana pa ito at nakapanood pa kami ni Cairo ng movie.
Noong una ay nasa isang dipa ang layo namin ni Cairo sa isa't-isa, hanggang sa maging halahating dipa, hanggang sa isang dangkal, hanggang sa magdikit na ang mga balikat namin. Hindi ko namamalayan na papalapit nang papalapit na pala kami sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ako ba o siya ang lumalapit, pero kung sino man sa amin, wala akong problema at hindi ako nagrereklamo.
Nangangalahati na kami ng aming pinapanood nang maramdaman ko ang utay-utay na pagbagsak ng ulo ni Cairo sa balikat ko. Kahit kinakabahan, kahit natataranta ay pilit kong itinuwid ang aking likod at mas inilapit sa kaniya ang balikat ko hanggang sa tuluyan na siyang sumandal doon.
Napatikom ako ng bibig. Pakiramdam ko ay maiihi ako sa sobrang kilig. Halos hindi ako kumibo o gumalaw. Kahit ultimong paghinga ay nililimitahan ko dahil ayaw kong magising siya.
Nagpapahinga siya, tulog sa balikat ko. Nagpapahinga siya sa akin. Ako ang pahinga niya?
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nagising nalang kami parehas ni Cairo nang marinig ang pagbukas ng gate.
Parehas kaming napa-igtad. Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo bago parehas napabungisngis at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kawayang sofa.
"Andito pa pala si Lukas?" tanong ni Athena nang makapasok ng bahay. Nahihiya akong harapin ang mag-ina lalo pa at napansin ko agad ang masamang tingin sa akin ni Gian nang dumaan sa gilid ko.
"Ah... Oo, nakatulog kasi kami habang nanonood ng movie." sagot ni Cairo habang ako itong naglilinis ng mga pinagkainan namin ng ice cream.
Nagtapon ako sa kusina ng mga papercups nang makasalubong ko si Gian na galing sa banyo.
Natigilan siya, tiningala ako bago nagawi ang tingin sa may basurahan kung nasaan ang baso na pinagkainan namin ng ice cream.
Napalunok ako ng laway, "G-Gusto mo ba ng ice cream?" Nangangapa kong tanong sa bata.
Nagbalik ito ng tingin sa akin bago umiling, "Hindi po, gabi na." Maikli nitong sagot bago bumalik ng sala.
Sinundan ko na siya at nadatnan ang magkapatid na mukhang may seryosong pinag-uusapan sa labas sa may pinto ng bahay.
Napatingin ako kay Gian na ngayon ay naka-upo na sa sahig habang inilalabas ang mga notebook niya.
Naitikom ko ang bibig ko bago dahan-dahan na naglakad sa gawi ng bata. Naupo ako sa sofa, lampas isang metro ang layo sa kaniya habang pinapanood itong buksan ang mga noteboook niya.
Nalipad pa ang isang papel malapit sa paa ko kaya agad ko itong pinulot. Mukhang quiz paper pa niya ito sa math at... 2 over 20 lang siya.
"Akin na po," Halos mapunit ang papel sa haras ng pagkuha niya sa akin, agad niyang ginusumot ang papel bago itinago sa bag.
Napatikom ako ng bibig bago ipinatong ang aking siko sa magkabilang tuhod at bahagya siyang nilapitan.
"Nahihirapan ka sa math?" tanong ko rito.
Natigilan ang bata sa pagsusulat, ilang segundo siyang hindi kumibot bago umiling, "Hindi po," mahinang sabi nito bago nagpatuloy sa pagsusulat.
Nag-hum ako bago utay-utay na tumango, "Ayos yun, maganda na hindi ka nahihirapan. Alam mo, ako, noong elementary, mahina ako sa math. Nahihirapan din ako. Nagka-score nga ako sa quiz ko, 1 over 20, eh." Sinilip ko si Gian para makita kung ano nag magiging reaksyon niya. Sinubukan ko lang makipag-usap sa kaniya at sakaling mapa-amin na... nahihirapan siya sa math.
Muli itong natigilan pero agad din nagpatuloy sa pagsusulat.
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko habang nag magkabilang siko ay nakapatong sa magkabilang tuhod. "Kaya noong high school at college, sinipagan ko na sa pag-aaral sa math, ginalingan ko na, masaya kasi siya, eh." Dagdag ko pa.
Doon ay nilingon ako ni Gian, hawak-hawak ang ballpen niya at nilalaro-laro pa iyon, "Paano niyo po... ginalingan sa math? Anong ginawa niyo?" tanong nito sa akin.
Lumawak ang ngiti sa labi ko bago siya nilapitan, naupo na rin ako sa sahig sa tabi niya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok na ang magkapatid.
Si Gian, na wala na halos isang dipa ang layo sa akin ay biglang lumayo, tumayo, at pumunta ng kusina.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Cairo. Napatingin ako sa relo ko at nakitang quarter to 6 na kaya agad akong napatayo.
"Ah, oo, uuwi na ako. May... meeting din kasi ako mamaya, eh." sagot ko at agad tumango si Cairo.
"Tara na, ihahatid kita sa labas." ani niya at agad akong tumango bago kinuha na ang mga gamit ko.
Kumaway pa ako kay Athena bago kami lumabas ni Cairo ng bahay. Nang nasa labas na at papasok na ako ng sasakyan ay nagsalita si Cairo.
"Hindi ka naman inaway ni Gian?" tanong niya nang papasampa na ako ng kotse.
Natigilan ako, ngumiti, bumungisngis bago umiling, "Hindi naman, medyo... nagkausap nga kami, eh." ani ko at animo'y lumiwanag ang mukha ni Cairo.
"Talaga? Anong sabi niya?" Tanong niya. Kitang-kita sa mukha niya na interesadong-interesado niyang malaman ang napag-usapan namin ng pamangkin niya.
Ngumisi ako, "Inalok ko ng ice cream, ayaw raw niya kasi gabi niya. Tapos... tinanong ko lang tungkol sa school, kung nae-enjoy ba niya ang math, ganun." ani ko at napasinghap si Cairo.
Nag-cross ang mga braso niya sa harap ng kaniyang dibdib, "Naku, math pa? Eh 'yan ang pinag-aawayan ng mag-inang 'yan, eh. Kailangan kong awatin yung magnanay dahil kulang nalang umiyak na rin si Athena kakaturo sa anak." sagot ni Cairo na ikinahagikhik namin parehas.
"Kapag... kailangan ni Gian ng tulong sa math, libre ako, tumawag ka lang." ani ko at muling napasinghap si Cairo.
"Sige, tingnan natin kung magka-ayos kayong dalawa sa pagtuturuan." ani niya na parehas naming ikinahagikhik bago ako tuluyang pumasok ng sasakyan.
Isasara ko na sana ang pinto nang lumapit si Cairo, "Lukas," tawag niya, binuhay ko na ang sasakyan bago siya nilingon at nag-hum, "Yes?" I asked, a smile printed on my lips.
Cairo pursed his lips, "Thank you... for... today. I really had fun and enjoyed it so much," he said softly. I felt my heart beat faster, almost jumping out of my chest, while my breath hitched for a second.
I gave him a warm smile before nodding, "No problem, anything for you." I replied, and Cairo slowly nodded.
He licked his lower lip, "About what you saw..." I felt like my heart skipped a beat.
Cairo reached for my hand on the steering wheel, looked me straight in the eyes as if he was hypnotizing me. "Forget about it, okay? I'm fine— I'll be fine," he said softly.
I didnt't respond or say anything, I just smiled and nodded. He let go of my hand, bid me goodbye, before I closed the door and drove off.
Before I head back to my place, I took a turn to the Chua and Conde's house to ask Grey about something. They just finished having dinner when I arrived. Chiara was happy to see me and immediately asked for a lift, which I gave. But when the two husbands saw the expression on my face, Code told his daughter to go upstairs to her room.
"Ano nanamang nalaman mo?" Taas-kilay na tanong sakin ni Grey habang naka-cross ang mga braso sa harap ng dibdib at naglalakad palapit sa akin.
Napalunok ako ng laway, nag-iwas ng tingin at pilit kino-kondisyon ang sarili.
Nagbalik ako ng tingin sa mag-asawa, "May alam ka ba sa... mga bumubugbog kay Cairo?" tanong ko.
Sabay tumingin sa akin ang dalawa. Si Grey ay kumunot ang noo habang si Code ay nahulog ang panga.
"Ano?! —"
"Sandali," Agad pinigilan ni Grey ang asawa. He took a step towards me, tilted his head to the side while squinting his eyes, "A-Anong bumubugbog? Si Cairo? Binubugbog? Nino?!" May pagkataranta at panggigigil sa boses ni Grey.
Napahilamos ako sa mukha bago umiling, "Hindi ko alam, ayaw niyang sabihin. Nadatnan ko nalang siya kanina na... na sugatan, may mga pasa, putok yung labi." Paliwanag ko kay Grey. Natigilan ito, natulala sa sahig habang nakapameywang.
"Tatawag ako ng pulis—"
"Hindi,"
"Wag," Parehas naming pinigilan ni Grey ang asawa niya.
Kumunot ang noo ni Code, "Anong hindi?! Binubugbog yung kaibigan natin! Kailangang managot ng kung sinong Pontio Pilato ang gumawa niyan kay Cairo!" Singhal ni Code, halos maibato na ang cellphone sa sobrang panggigigil.
Agad itong hinawakan ng asawa sa balikat, "Okay, calm down now, baka marinig ka ni Chiara." Malumanay na sabi ni Grey dito.
Nag-iwas ng tingin si Code habang malalim pa rin ang bawat paghinga.
Tumikhim ako, "Ayaw niyang... gawing malaking bagay 'to. Pinakiusapan niya ako na 'wag ko nang isipin at alalahanin ang nakita ko." Mahina kong sabi. Umangat ang tingin sa akin ng mag-asawa, si Code ay mukhang anumang oras ay susuntok sa kunot ng noo niya.
"That is something Cairo would say," Grey mumbled.
I hummed, "So... do you know someone who would do this to him?" I asked calmly this time.
Sa aming tatlo, mukha si Code ang hindi pa rin kalmado at kating-kati na tumawag ng pulis.
Grey slowly shook his head, "Wala akong maisip, eh." sagot niya at agad akong tumango.
"Alright, I'll get going now— but if you ever... know or find something," I walked closer to Grey. "Tell me immediately, please." I plead, looking straight into Grey's eyes.
Grey smiled and gave me a small nod, "I will, don't worry," he said, and I nodded, a faint smile on my lips as I bid goodbye to the two and head home.
My meeting ended around 11 PM. A deep sigh escaped my lips before turning off my computer and removing my glasses. I took a sip of water first before lying down flat on my bed, my hands resting on my stomach.
I'm having a mild headache right now, that's why I badly want to sleep already. But the events today still haunt me.
Ano bang gagawin ko? Mag-aalala kay Cairo at makikipagsabwatan sa mag-asawa para managot ang gumawa nito sa kaniya? O susunduin ko ang hiling ni Cairo na huwag na itong isipin at problemahin pa?
Napahilamos ako sa mukha bago bumangon. Kinuha ko ang paracetamol mula sa drawer ng bed side table ko at ininom iyon na nasundan din agad ng dalawang melatonin gummies para makatulog na ako.
Maaga ako sa trabaho kinabukasan lalo pa at may 7AM meeting ako na halos abutin na ng tanghalian. Sa sobrang pagod ko, gusto ko nalang makita si Cairo. Kaya naman nang makabalik ako ng opisina ko ay kinuha ko lang ang wallet ko bago umalis na rin para bumili ng tanghalian ni Cairo.
My secretary and I were walking through the hallway, casually making eye contact with other doctors and nurses, when someone, who came out from Cairo's clinic, pushed me against the wall, grabbing my collar.
"Sir!!" Agad ibinaba ni Ethan ang pagkain sa sahig para lapitan ang doktor na pilit akong kinekwelyuhan.
"What did you do to Cairo, ha?!" Nanggigil nitong tanong sa akin.
Napakunot ang noo ko habang tinitingnan ang doktor na halos hindi pa umabot ng balikat ko ang tangkad. Kilala ko 'to, ah! Nakita ko na 'to!
"Doc Eli!" Parehas kaming napalingon sa gawi ni Cairo na kakalabas lang ng clinic niya.
Pinanood kong tanggalin ni Cairo ang kamay ng Doc Eli na ito sa kuwelyo ko at pumagitna sa aming dalawa.
"I swear, hindi si Lukas ang gumawa sa akin nito, in fact...— kalimutan na natin, please." Pagsusumamo ni Cairo sa doktor na iyon.
Napakunot ang noo ko bago nagbalik-balik ng tingin kay Cairo at sa Doc Eli na kausap niya. Masama rin ang tingin sa akin nito at malalim ang bawat paghinga.
Hinarap ako ni Cairo, "Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Inusisa ni Cairo ang suot kong damit at inayos pa ang kwelyo na nagusot.
Hinarap nitong muli ang doktor, "Doc Eli, I already told you, Lukas didn't do this to me. And as I said, let's forget about it, wala lang 'to. This is just a simple fight I got involved in," he explained calmly to the doctor who won't stop glaring at me.
Doc Eli adjusted his glasses before fixing his scrub, "I believe you, Doc Cairo," he said sternly.
But he then took a step towards me, "One wrong move, mister, you'll have to deal with me."
-----------
a/n: hi guyss!!! this is will be the last update before Christmas ksksksks, hindi ko alam if mag u-update pa ako before 2025 ends hehehe
Another poll cause I wanna know your thoughts kskss
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co