Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Fifty-Two

_Dominous_

Cairo's POV
Lumipas pa ang ilang araw, mas naging magaan na ang loob nila Yago at Hades. Dahil wala na silang pino-problema ay mas naging masaya ang relasyon nila.

Wala na silang pake sa mga tao hinuhusgahan sila. Ang mga prof namin ay tuwang-tuwa sa dalawa. Ang cute kasi nilang mag boyfriend. Minsan ay magkukulitan ang dalawa. Mag-aasaran, pero sa huli, si Hades ang talo.

Si Grey at Code naman ay ganun din. Walang problema. Wala rin tagtuyot sa dalawa. Minsan ay papasok nalang si Grey na may pain relief patch sa leeg. Tuwing tatanungin siya ng aming prof  dahil sa tapal sa leeg niya ay sasabihin niyang masakit lang ito.

Pero kapag kaming tatlo nalang ay bigla nalang niyang tatanggalin ang tapal at doon ay makikita ang kulay violet na marka sa leeg niya. Madalas tuloy naming pagkantyawan ang dalawa.

Sana all kasi, hindi naman sa minamadali ko. Pero, bugso ng damdamin. Yung mga sexual tension na mararamdaman ko tuwing makikita ko si Lukas na hapit na hapit ang suot. Sa mga basketball game niya na pawis na pawis siya. Kapag magpapalit siya ng damit tapos nakikita ko ang hubog ng katawan niya.

Nakakalaway ba.

Nang sumapit ang pag a-apply sa med school, law school o di naman kaya ay internship ay lahat nataranta. Kaya mga group studies ay kalat na kalat. Pero kaming anim, madalas ay sa dorm o di naman kaya minsan ay kila Lukas, kung wala ang magulang niya. Pero dahil nga businessman at businesswoman ang magulang ni Lukas ay doon kami madalas kung hindi sa dorm.

Nang sumapit ang gabi bago ang interview ay napag desisyunan namin na kumuha ng mga hotel rooms. Para kahit sa iba't-ibang lugar kami kukuha ng interview ay sama-sama pa rin kami bago ang araw na iyon.

Magkasama sa iisang hotel room Grey at Code, kaya hindi sigurado kung magre-review ba ang dalawang yun o gagawa ng himala.

Si Yago at Hades ang siguradong magre-review. Nang dumaan kasi kami kanina sa 7/11 ay ang daming binili na pagkain ng dalawa, kape at energy drink din.

Magkasama naman kami ni Lukas sa kwarto. Pero ang paalam namin ay kasama namin si Elora at ang kapatid ko, isinama na rin namin sila, para hindi paghinalaan sina Lukas. Pero siyempre hindi totoo yun. Nasa ibang kwarto ang mga babae at hinayaan kami ni Elora na masolo ang kwarto.

Pero natulog nalang kami nang maaaga. Pinagpahinga namin ang aming sarili dahil sa pagod sa kaka-review.

Ako ang unang nagising kinabukasan, naligo at nag-ayos na ako. Nag buklat-buklat din ako ng mga reviewer habang naliligo si Lukas. Nang matapos ay nagbreakfast na kami sa restaurant sa hotel at umalis na papunta sa pupuntahan namin.


"Parang ang cute nito, diba? Lukas? Lux?"

"Huh? Ah- Oo." Napakunot ang noo ko, binitawan ko ang t-shirt na hawak ko at humarap sa gawi ni Lukas.

"May problema ba? Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. Kanina pa kasi ganito si Lukas.

Simula nang matapos ang lahat ng interview ay parang nawawala ito sa sarili. Nauna kasi akong matapos sa interview ko kaya pumunta ako sa kumpanya kung saan siya nag-a-apply. Nang lumabas ito ng interviewing room kanina at salubungin ko ay parang natutulala na siya.

Nang ihatid ko naman siya ay hindi siya ganito. Humalik pa nga ito sa noo ko at tumawa pa kami parehas.

May nangyari kaya sa interview? Mahirap ba kapag interview sa Engineering? Nursing kasi sa akin eh. Ayos lang naman, kinaya ko naman ang mga tanong.

"Ah wala naman... ano, siguro kaba lang." Sagot niya, napakunot ang noo ko, kaba? Saan? Eh tapos na ang interview. Results agad ang ini-isip niya?

"Bakit ka naman kinabahan? Dapat nga mas gumaan na ang pakiramdam mo dahil tapos na ang interview mo." ani ko at tumingin siya sa akin bago ngumiti at inakbayan ako.

"Forget about it, let's just have some fun here at the mall. Pag-uwi natin klase nanaman." ani niya at sumimangot ako.

"Oo nga, pero at least ga graduate na tayo." Usal ko at natawa siya.

"Yes, and I hope na medyo makagaan-gaan na tayo. And we can have more freedom once we are older. We can go to more places lalo na't I'm planning to have a car, makakalayo na tayo dito sa Manila. Baka may makakita na kakilala sila mama at papa. Or anyone na kamag-anak namin." ani niya at tumango ako.

"One time, hindi ko lang sinabi sa'yo. Pero may nakakita sa atin sa mall na isa sa mga katulong namin. Buti nabayaran ko at hindi na nag-sumbong." ani niya, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at tumango.

Minsan, nalulungkot akong isipin na lihim ang relasyon namin. Na may mga bagay na hindi namin pwedeng gawin kapag nasa public kami. O di naman kaya ay may mga lugar na hindi namin pwedeng puntahan.

"Hanggang... hanggang kailan ba natin itatago 'to? I mean... nai-intindihan ko naman kung talagang kailangan na itago. Pero minsan... hindi ko mapigilan na madismaya. Kasi... nai-inggit ako sa mga magboyfriend na ipinagmamalaki nila ang isa't isa." ani ko bago napatungo.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Mali yata, mali na sinabi ko 'yon. Baka pati si Lukas ay problemahin 'yon. Ako lang naman yata ang ganito eh. Normal lang siguro na may mga bagay na hindi dapat ipagmalaki.

Napabuntong hininga si Lukas. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Utay-utay niyang itinaas ang ulo ko at pinagtagpo ang mga mata namin.

"Cairo... ipinagmamalaki rin kita, kung alam mo lang. Na sa dorm, tuwing may mga lower year na magtatanong tungkol sa atin. Proud na proud akong sinasabi na ikaw ang boyfriend ko. I'm so proud and happy to have you as my boyfriend, Cai. Yun nga lang ay hindi pa natin pwedeng sabihin sa magulang ko. Malalagot tayo." Paliwanag niya at ngumiti lang ako. Bigla nalang siyang nag nakaw ng halik sa labi na ikinagulat ko.

Mabuti nalang at nasa tagong parte kami men's section wear kaya walang nakakita sa amin. Maliban siguro sa CCTV?

Sa huli ay nakapili kami ni Lukas ng t-shirt na bibilhin. Siya pa sana ang magbabayad pero inunahan ko na. Lagi nalang siya nagbabayad sa mga date namin. Kaya naman matagal kong pinag-ipunan ang interview na ito at pagpunta namin ng mall.

Gamit ang mga baon ko ay naka-ipon ako ng 1500php kaya nabayaran ko ang t-shirt namin.

Napag-usapan namin na dito na rin kami maghapunan sa mall. Magkakasama kami ni Yago at Hades dahil nagkita kami sa KFC. 8pm na nang magkita kita kami sa parking lot. Buti nalang at Sunday bukas at walang pasok. Okay lang na mapuyat kami.


Inahatid muna ako nila Lukas sa bahay. Si Athena raw kasi ay uuwi muna sa kanila. Kaya pati si Elora ay nakisabay na.

Sa buong araw ng Linggo ay nakahiga lang ako. Dahil sa sobrang traffic sa daan kapag gabi ay napagod ako sa biyahe pauwi kagabi. Nagskip na ako ng breakfast at 2:30pm na nagtanghalian.

Nakakawalang gana na gumalaw-galaw lalo na dahil sa puyat at pagod.

Nag Lunes at balik sa normal ang klase. Dahil wala nang pag-aaralan pa except sa finals ay medyo napahinga ang utak namin. May mga pailan-ilan lang project pero mga type written nalang kaya hindi na gaanong hassle.

Nang mag Tuesday ay may pa practical exam kami. Final na 'yon kaya ginalingan namin. Nang matapos ay nag recess na kami.

"Mamimith ko kayo kapag naka-graduate na tayo." Pag e-emote ni Hades. Napa-irap naman ako habang ang iba ay tumawa.

"Para kang sira, magkikita-kita pa rin tayo, okay kaya na yun." ani ni Code at tumango kami. Naubos ko na ang recess ko at pumunta sa may water dispenser para kumuha ng tubig. Akamang itatapat ko na ang baso ko sa dispenser nang may makabungguan ang kamay ko.

"Sorry," ani ko bago naglakad palayo. Hindi ito nag-salita at kumuha lang ng tubig.

Napansin ko ang kamay niya. Pasa ba 'yon? O oil pastel? Ang balita kasi ay may poster making siyang sinalihan ngayon lang. Kaya malamang ay oil pastel. Umalis na siya at sumunod naman ako.

Pagbalik ko sa kanila ay iba ang mga ekspresyon nila. Mga gulat at pag-alala ang kitang kita sa mukha nila.

"Hm? Bakit?" Taka kong tanong.

Napakunot ang noo ko nang walang sumagot.

Nilingon ko si Lukas. "Bakit? Anong meron?" Taka kong tanong habang tinitingnan sila isa isa.

Hanggang sa nagsalita si Lukas.

"We're fucked up Cair." Usal ni Lukas. Napakunot lalo ang noo ko.

"Huh? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ko na may halo nang pag-aalala.

"Dad called me, alam na niya, nila ni Mom." ani ni Lukas...

"Alam ang ali--" Nanlaki ang mata ko. Alam na nila tito?! Ang relasyon namin?! 

"H-Huh?! Eh ano sabi!!? Nagalit ba? Sumigaw ba?!" Natataranta kong tanong.

Napa-iling si Lukas. "Kalmado ang boses ni dad sa phone. Pero alam kong mamaya pag-uwi sasabog siya sa galit." ni niya at nanlaki ang mata ko.

"Huh?! Uuwi ka?! Sama-"

"Cai, no! Hindi Pwede, 'wag ka ng sumama. I can handle it. Tara na sa klase." Putol niya bago ako hinawakan sa pulso at bumalik na kami sa classroom.

Sa sobrang kaka-isip ko ay hindi ko namalayan ang pagtakbo ng oras. Basta nakita ko nalang na hapon na at nag-sisiuwian na ang ibang estudyante.

Nagmadali akong lumabas ng room at pumunta sa classroom ni Lukas. Pero wala na siya roon. Kaya ang huli kong pag-asa ay sa dorm.

Mabilis akong tumakbo papunta ng dorm. Tinanong ko sa mga matron kung nasa taas pa si Lukas at sa awa ng Diyos ay andun pa. Hinintay ko siyang bumaba.

Nang makita ko naglalakad niyang pigura ay napatayo ako.

"Lukas sasama-"

"Cairo no! Baka pati ikaw masaktan ni dad." Putol nito sa akin, bakas na sa boses niyo ang hagas.

"Eh ikaw?! Ayaw ko naman na masaktan ka!" sagot ko agad, napahagod si Lukas sa buhok niya bago ako hinigit palabas ng dorm.

"Cairo... anak nila ako, okay lang na--"

"Lukas hindi okay na bugbugin ka nila! Kahit anak ka nila, mali 'yon! Sasama ako!" Sigaw ko.
Huminga nang malalim si Lukas bago napahilamos sa mukha.

"Cairo please, please. Ayaw ko na mapahamak ka. Hindi mo sila kilala. Pwedeng nilang gawin ang kahit ano sa'yo. Kahit sa pamilya mo. Si tita, tapos 'yung tita mo. Baka masisante sila." ani niya. Umiling ako habang pinipigilan ang mga luhang namuo sa mata ko.

"Lukas please, please, magkasama tayo dito. Please gusto ko andun ako para... para maipaglaban ko rin ang relasyon na 'to. Please... please Lukas. Handa akong masaktan, mabugbog o anuman. Basta kasama kita." Sa mga panahon na ito ay umaagos na ang luha ko sa aking pisnge.

Napabuntong hininga si Lukas bago pinahid ang luha ko.

Tumango ito, "Sige... I'll let you go with me. But promise me, promise me na 'wag mo na silang kalalabanin. Fight for our relationship. Pero kapag alam mong sasaktan kana nila stop okay?" ani niya at tumango ako.

Bumalik siya sa loob para kumuha ng dorm pass. Nang lumabas siya ay saktong dumadating ang sasakyan nila.

Sa biyahe ay hindi ko mapigilan ang maluha sa takot. Nakapanood na ako ng mga ganito sa drama. 'Yung paghihiwalayin sila ng magulang nila. Dahil mayaman ang isa at ang isa ay hindi.

Pero sa sitwasyon namin ay iba. Hindi ito ang tipikal na relasyon. Wala kami sa TV.

Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng mansion nila Lukas na nagsimulang manginig ang kamay ko. Agad kong ibinulsa ang gamot ko na matagal ko nang hindi nagagamit. Pero parang sa hapon na ito ay muli ko siyang mabubuksan.

Pinagbuksan kami sa loob. May naghatid sa amin sa sala at doon ay nakita ko ang dalawang postura na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita.

Ang mom ni Lukas, napaka-elegante ng dating habang naka-upo. Taas noo ito at tila ba ay pinagmamasdan ako sa oras na dumating kami.

Ang dad aman ni Lukas, nakakatakot nang sobra. Hindi pa ito nagsasalita o wala pang ginagawa ay nakakatakot na.

Ibinaba ni Lukas ang bag niya.

"Mom, Dad, si Cairo po, boy--"

Natigilan si Lukas nang tumayo ang Dad niya. Naglakad ito papunta sa amin na siyang nakaka-intimidate.

Tumigil ito sa harap namin na siyang nakapagpaurong sa akin nang bahagya.

"Ano mo?" tanong nito at pinagtaasan si Lukas ng kilay.

Napalunok si Lukas, "Boyfrien-"

Biglang nagpakawala ito ng malakas na suntok na dumiretso sa mukha ni Lukas. Napasingap ako at agad dinaluhan si Lukas na nasa sahig dahil sa pagkatumba mula sa suntok.

"Boyfriend?! Ha! Bakla ka!? Huh?! Wala akong anak na bakla!" Sigaw ng dad niya habang sinisipa sipa si Lukas sa binti. Hindi ko makuhang tingnan ang pagsipa niya. Napapapikit nalang ako habang ang mga luha ay umaagos sa pisnge ko.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Lukas. Pero nararamdaman kong lumuluwag ito tuwing sisipa ang papa niya na siyang nakakapag pasigaw kay Lukas.

"Sino Lukas?! Sino ang nagsabi sa'yo na magpakabakla ka?! Tangina, Lukas Zachary! Naiisip mo ba ang ginagawa mo?! Isa kang kahihiyan sa pamilyang 'to! Anak ka ng isang sikat na tao sa business industry! Tapos magpapakabakla ka?! Ha!" Sigaw ng tatay niya bago manggigil at tinapakan ang binti ni Lukas.

"AHHHH!" Nagpakawala naman ng malakas na sigaw si Lukas na siyang nakapagpadurog ng puso ko.

Napalunok ko at napahinga ng malalim bago nagsalita.

"Tito tama na po! Nasasaktan na si Lukas!" Pigil ko, natigilan naman si tito bago ako tinitigan. Nabalot ako ng takot. Bigla ako nitong dinakot sa kuwelyo at hinigit patayo.

"Dad 'wag si Cairo!" Narinig kong sigaw ni Lukas na hindi makatayo.

Pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko nang magtagpo ang mata ko at mata ng Dad ni Lukas.

"Ikaw ba?! Ikaw ba ang nag-impluwensya sa anak ko?! Huh?! Ikaw bakla ka!" Akmang susuntukin ako ni tito nang bigla siyang itinulak ni Lukas.

Napayapos sa akin si Lukas para kumuha ng balanse dahil hindi ito makatayo nang maayos dahil sa mga sipa na natamo mula sa walang pusong ama nito.

"Dad, saktan mo na ako 'wag lang si Cairo! Hindi siya ang may kasalanan! 'Wag niyo siyang sisihin! Ako! Ako nalang! Sa 'kin niyo ilabas ang galit niyo! Ako ang unang nagkagusto sa kaniya! Ako, dad!" Sigaw ni Lukas. Mahigpit ang pagkakahawak namin sa isa't isa. At kahit nanghihina sa takot ay sinubukan kong tatagan ang pagkakatayo ko. Nakasandal sa akin si Lukas. Hindi pwede na maski ako ay bumigay.

Halos magusok ang ilong ng dad sa galit. Sumenyas ito sa mga katulong.

"Kunin si Lukas. Ikulong sa kwarto niya. Paalisin ang lalaking 'yan sa bahay na 'to." Utos nito at tumango ang mga katulong.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit ang mga katulong sa amin at inalis ang braso ni Lukas na nakapulupot sa balikat ko.

Hinigit nila si Lukas palayo at kinaladkad ako palayo.

"Uy! Sandali! Lukas!" Sigaw ko, si Lukas naman ay kinakaladkad ng iba paakyat ng hagdan.

"Cairo! Hayaan mo na sila! Magiging okay rin ang lahat, babalikan kita!" sigaw ni Lukas habang nasa hagdan.

May mga isinagaw pa siyang iba pero hindi ko na ito narinig. Ibinagsak ako ng mga katulong sa sahig na para bang isa akong basura.

Tumayo ako at tiningnan ang mansion bago naglakad palabas, umalis habang umiiyak. Sana'y hindi sila maging ganon kalupit kay Lukas. Siguradong may mga pasa na ang binti niya. Sana'y hindi na nila palalain at dagdagan pa.



Tatlong araw na ang nakakalipas, hindi pumapasok si Lukas. Kahit mga prof ay walang ideya kung anong nangyari. Tanging ako, Yago, Hades, Code, at Grey lang ang nakakaalam.

Hindi namin sinasabi sa iba. Tahimik lang kami, kahit ako mismo ang tanungin ng mga prof ay hindi ako sumasagot. 

Halos sa tatlong araw na 'yun ay wala akong gana sa lahat. Kumain, matulog o bumangon. Kasi wala naman siya na makikita ko pagpasok. 'Yung lubo niya na malalalim. Ngiti niya, pang-aasar niya. Tapos mga pambawi niya kapag alam niyang na-asar niya ako.

Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako. Pang-apat na beses ko na 'tong iyak ngayong Biyernes. Paggising ko, habang naliligo, pagpasok at ngayong lunch.

"Cairo... tama na. 'Wag ka na umiya, thige ka, nakakapangit 'yan." ani ni Hades na ikinatawa ko nang bahagya.

Nagpahid ako ng luha at tumango, "Eh kasi naman Hades, paanong hindi ako mag-aaala? Tatlong araw na tayong walang balita tungkol kay Lukas." Usal ko, napasimangot si Hades habang tiningnan lang ako.

Natahimik kami. Kahit maingay sa paligid.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko at pangalan ni Lukas ang lumabas. Nanlaki ang mata ko at agad ko itong dinampot at sinagot ang tawag.

"Hello?! Lukas?! Kumusta?! Ayos ka lang ba?! Yung ano mo... kamusta?" I tried my best to censor my words, ayaw kong marinig ng iba ang sasabihin ko.

Walang sumagot sa mga unang segundo. Pero saka-saka ay nakarinig ako ng paghinga.

[C-Cairo... okay lang ako. Okay na, I fought for our relationship. It's done, the suffering. Please... pumunta ka rito mamaya. And stay with me, sleep with me... please.] Nanlaki ang mata ko at agad napatabgo.

"K-Kumain kana ba?" tanong ko at narinig ko siyang mag-hum.

[Yes... kumain na ako. I'll take some rest now. I'll wait for you, I love you.] ani niya na halos maluha nanaman ako.

"I love you too, I'll be there, don't worry.." Sagot ko bago pinatay ang tawag.

Nang ibaba ko ang tawag ay nakatitig sila sa akin, "Anong sabi?" Alalang tanong ni Yago,

Nakahinga ako nang maluwag, "Okay na..."

Ikinwento ko sa kanila ang sinabi sa akin ni Lukas. Masaya sila para rito. Sabi rin nila na nakahinga aa sila nang maluwag.

Hinintay kong matapos ang araw bago umuwi ng bahay. Na-paalam ako kila mama na kila Lukas muna ako tutulog. Naikwento ko na rin kasi ang nangyari. Pero sabi ko na amin-amin lang ito.

Pinayagan din naman ako ni mama na pumunta sa kanila. Binigyan din niya ako ng mga payo at bagay na dapat kong gawin. Mga plus points daw para pumasa na asawa. Nakuha pa talaga ni mama na magbiro. 6pm nang makarating ako sa tapat ng mansion nila.

Pinagbuksan ako ng mga katulong ng gate at t inihatid sa loob. Pag ating ko sa may hagdan ay nakita ko si tita.

Kinabahan ako nang tawagin ako nito.

"Cairo... Cairo nga diba?" tanong niya at utay-utay akong tumango.

Naglakad ito papalapit sa akin na medyo ikinakaba ko.

"Ingatan mo siya, alagaan mo ang unico hijo ko. Hindi na kami hahadlang pa ng dad niya sa relasyon niyo." ani niya na nakapukaw ng puso ko.

Napangiti ako, "Salamat po tita." ani ko at ngumiti si tita. Hinimas niya ang likod ko at sinabihan na umakyat na sa kwarto ni Lukas.

Dahil madalas ako rito ay memoryado ko na ang mga silid sa mansion. Study room, music room, movie room, bar, laundry, gym.

Tumigil ako sa tapat ng kwarto ni Lukas, huminga ako nang malalim bago kumatok.

Bumukas ang pinto, sinalubong ako ng isang nurse. "Nasa loob po siya, maiwan ko na kayo." ani ng lalaking nurse bago lumabas.

Pumasok ako at isinara ang pinto. Hindi ko pa rin siya nililingon. Pero nang gawin ko ay halos madurog ang puso ko. May mga pasa na siya sa mukha. ibig sabihin... hindi lang 'yon ang ginawa nila.

Napatakbo ako sa kama niya. Ibinaba ko ang bag ko at agad lumuhod sa gilid ng kama niya.

Agad ko siyang hinawakan sa kamay, "Lux, anong nangyari? Bakit nandagdagan?" Nag-aalala kong tanong habang ang mga nanginginig kong kamay ay gumagapang sa mga pasa at sugat niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisnge niya. "I fought for it, cai. Normal lang na may mga sugat ako." ani niya at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Ang mahalaga... nanalo ako, nanalo tayo."



------

a/n: last muna for today mwhehehehe, mention errors!! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co