Chapter One
Hades's POV
Ang sakit ng binti ko, kahapon kasi nang kakarating ko lang dito sa dorm ay naliay at natumba ako habang umaakyat ng ramp. Sa sobra sigurong pagiging bano ko kahapon sa dorm ay nawala sa tamang wisyo ang mga binti ko at nagsariling naliay at nawalan ng tamang balanse. Mabuti na lamang at hindi ito naging ganoon kalala sa punto na ako'y mapipilay. Ang sama naman siguro kung unang araw ng pasukan ay pilay ako.
At bakit naman kasi patanga-tanga ako at nagawang maliay habang naglalakad! Mabuti na lamang kahapon ay walang ibang tao na nakakita sa akin. Maski ang mga magulang ko ay hindi ako napansin.
Ang mahalaga ay unang araw na ng pasukan at ano mang oras ay handa na akong pumasok. Nanahimik akong naka upo sa aking kama, nang biglang umalingawngaw ang isang malakas na pagkalambang ng bell.
Tunog ng bell ng matron sa dorm, isa daw itong alarm sabi ng mga seniors sa akin. Tumayo ako mula sa kama na kina-uupuan ko, ang bell na aking narinig ay senyales na may pagkain na sa cafeteria, libre foods din kami dito, kaya walang problema sa gastusin sa pagkain, maliban nalang siguro kung gusto namin kumain sa labas. Dala ang aking cellphone ay isinuot ko na ang aking bag sa aking balikat. Naglakad na ako papalabas ng kwarto at patuloy na naglakad sa veranda ng 2nd floor ng dorm, sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may bigla akong nakabanggaan.
"Aray!" singhal ko, muntikan nanaman akong matumba, madadalwahan sana ang sakit ko sa katawan!
"Ayy! Sorry," nang mag-angat ako ng tingin mula sa pagkakaluhod ay agad nakasalubong ng mga mata ko ang isa pang pares ng mga mata na natatakluban ng salamin.
"Hala! Sorry po talaga kuya!" ani nya, kuya?
Napakunot ang noo ko bago umiling, "Ay hindi, firsth year palang ako, ikaw ano na po year mo?" Nag-aalinlangan kong tanong, lumalabas pa ang pagkasingaw ko sa 'S', mas naging awkward ang paligid nang napatawa siya ng mahina saka kumamot sa batok nya.
"Ahh... first year lang din." sagot nya habang nahihiyang nakatingin sa ibang direksyon.
Nagparte ang mga labi ko mula sa isa't isa bago bahagyang tumango, "Ahh ganun ba? Gustho mo sthabay na tayo pumasthok?" Nahihiya kong tanong, I'm just trying to be friendly here.
Napatingin siya sa akin at bahagyang nanlaki ang mata, "Ahh hindi na, mauna kana, may hinihintay pa ako." sagot nya saka naman ako tumango.
"Sthige, sthee you later!" sabi ko, saka tuluyang bumaba ng ramp. Habang bumaba ng ramp ay naisip ko na bakit hindi ko pala manlang natanong ang pangalan niya, sayang naman, baka maging kaibigan ko pa siya.
Nawala ako sa wisyo ng paglalakad kaya aksidente akong nauntog sa pader, kapag minamalas nga naman!
"Aray ko, puta!" Mura ko habang hinihimas ang noo ko, ang sakit talaga! Hindi ko namalayan na lumihis pala ang lakad ko at napunta na sa pader.
"'Wag ka mag mura baka marinig ka ni nanay." Napatingin ako sa gilid ng ramp kung nasaan ang mga snack box namin, nakita ko ang isang babae na nakasuot ng puting t-shirt at nakapantalon sa snack area. Sa gilid naman nakatayo ang isang babae na payat tapos matangkad.
Napatakip ako sa aking bibig, "Ay sthorry! Bawal ba?" Nag-aalala kong tanong.
Napakibit balikat siya, "Siguro, napagsabihan nila nanay 'yong mga lalaki kagabi na nagmura." sabi nya sabay tayo, hawak ang mga biscuit na mula sa snack box niya at inilagay ito sa kanyang bag.
Walang pagpapaalam ay umalis na siya kasama ang babae na nakatayo sa gilid nya. Kalauanan ay umalis na rin ako at pumasok. Pag dating ko sa tapat ng main building hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung saan ako pupunta. Nang nakita ko ang mga ibang studyante na kumakain na ay kumuha nalang din ako ng pagkain na nakahain sa counter at umupo sa bakanteng upuan. Nakakabored ang mga oras na kumakain ako, wala akong kausap at pakiramdam ko ay may mga ilang mata na nakatingin sa akin. Nang matapos akong kumain ay inilagay ko sa lagayan ng hugasan ang aking pinagkainan. Nakita ko naman ang ibang studyante na nasa labas ng main building kaya gumaya nalang ako. Napakarami halos ng tao, pero hindi ganon kadami pero public ang university na ito. Iba pa rin ang dami ng mga estudyante sa nakaraan kong school.
May isang prof na nagpapila sa 'min sa labas at makalipas ang ilang minuto ay pinapasok kami sa loob para mag flag ceremony na. Nang nagsimula ang morning exercise at tumugtog ang kanta ay nagsimulang sumayaw ang mga nasa paligid ko.
Natapos na din ang flag ceremony, umakyat sa stage ang principal ng school sa stage.
"Good morning students!" Bati ng Principal.
"Lets welcome the new students of our school, please welcome our freshies!" Agad naman nagpalakpakan ang mga higher years, napakamot ako sa ulo ko dahil kitang-kita ko ang tingin ng ibang students sa amin.
"Please students introduce yourself." ani ng principal, napangiwi ako. Kailangan pa ba talaga? Grabe naman, para naman kaming mga bata nito.
Pero sa huli ay wala akong nagawa. Patuloy ang pagpapakilala ng mga ka batch ko. Nauna ang mga babae bago sumunod ang mga lalaki. Makalipas ang ilang mga 'hello' 'hi' 'goodmorning' at iba pang uri ng pagbati ay oras ko na.
"Hello good morning po." ani ko na nahihiya pa, nang makita ko ang ilang mga ngiti ng aking seniors ay napatakip ako sa aking bibig.
Napahinga ako ng malalim, "Hello, ako po sthi Hades Minuel Villamor mula stha Tayabasth Quezon." Nahihiya kong turan bago agad ini-abot sa kasunod ko ang mic at bumaba na ng stage.
Ang susunod sa akin ay hindi ko naman napansin hanggang sa nagsalita siya sa mic at agad kong na kilala ang kanyang boses.
"Ahh, hello po ako po si Ariyago Beau Atienza. you can call me Yago, mula po sa Tayabas Quezon." Pagpapakilala ng lalaking nakabangga ko kanina sa veranda ng dorm. Bahagyang nahulog ang panga ko nang mapagtanto na mula kami sa iisang probinsya at bayan.
Pagbaba niya ng stage ay nagtama ang aming paningin, nginitian niya ako habang ako naman ay tiningnan lang siya at bahagyang tumango bago naglayo ng tingin.
So siya si Ariyago? Or pwede rin sigurong Beau, but I would rather call him Yago since that's his nickname.
Habang nagpakilala ang mga natitira pa na lalaki ay nanatili lang ako doon na nakatayo at naka cross ang mga braso habang nakikinig.
Matapos ibigay sa amin ang aming mga schedules at mga assigned classroom ay pina-akyat na kami sa tass. Nakapunta naman na ako sa second floor noong nag interview kami dito noon. Iyon nga lang ay iba ang pakiramdam na sa wakas ay estudyante na ako dito hindi gaya noon na kinakabahan pa ako dahil sa interview.
Pag pasok ko sa classroom ay agad kong nabungaran si Yago, magkaklase nga pala kami.
Cairo's POV
I'll be honest, okay naman ako sa section na napuntahan ko, Alioth? Ok lang, kaso 'yong iba kong kakilala ay nasa Suhail. Pero may iba naman akong kilala dito sa Alioth.
'Hi everyone, I'm Cairo Asaiah Velasco, from Lucena City, I graduated Senior high at Enverga College. And moved here in Manila.'
Napakunot ang noo ko at umiling nang mag practice ako sa utak ko ng introduction ko, panigurado ay ipapakilala kami sa buong section. Kung tutuusin ay hindi kami kagaya ng section sa highschool, para lang kaming mga estudyante ne iginrupo pero magkakaiba ang courses. To make it organized, I guess?
'Hi! I'm Cairo Asaiah Velasco, from Lucena City, I-'
"May nakaupo dito?" Napa-angat ako ng tingin ng isang matangkad na lalaki na may bilugang mata at dimples ang bumungad sa akin.
"Ahh... wala." sagot ko at tumango siya bago ibaba ang bag niya sa katabi kong bangko. Napatulala ako sa kaniyang hitsura. He has the looks and like what I said, he's tall and has dimples. I slightly pursed my lips and look down. Heart, kalma, focus on studies tayo!
"Lux nga pala, Lukas Zachary Conde, in case na hindi mo nakinig introduction ko kanina." ani nya habang naka abot ang kamay para sa isang handshake.
"Cai, Cairo Asaiah--"
"Velasco, narinig ko, hindi naman ako ka distracted kagaya mo kanina."
What? Did he just said that I'm not listening and not focusing on the event a while ago? Mukhang hindi ko yata magugustuhan ang lalaking 'to. Just based on his attitude right now. Masyado siyang assumero.
"Narinig ko rin na magaling ko sa math, good! I think magkakasundo tayo." ani niya, hindi ko na ginawang sumagot. Nanatili akong naka-upo doon at pinagmamasdan lang siya.
"By the way, I'm a basketball player at my previous school, I'm from Tiaong, and pinsan ko 'yong Lora Neisse kanina. Do you play basketball? Or mas gusto mo kasama mga babae?" tanong niya at napakunot ang noo ko, ano bang pinagsasabi niya? I'm getting offended, hindi ko na nagugustuhan ang mga pinagsasabi niya. He talks too much!
"No, I play, but not good and I would rather not to. And also I'm also hanging out with boys not just girls." sagot ko, nakakainis eh, ang yabang niya pala.
"Good! I saw the basketball ring sa gate, let's play later." ani niya and I just nodded. Kailan ba siya titigil kakasalita? Ang ingay pala niya, arrogant and everything na pwede kong sabihin para lamang i-describe ang masama niyang ugali.
Soon our adviser arrived and as usual, introduction, but knowing more about Lux is fine, except that he's to talkative and arrogant like what I said.
Break time came, I stand up form my seat and about to leave the room when Lux called me.
"Cai! Mag re-recess kana?" tanong nyia, tumango lamang ako.
"Sabay na tayo!" ani nya sabay takbo papunta sa 'kin, laking gulat ko nang pag lapit niya ay agad siyang bumangga sa akin na sanhi ng pagtumba namin, nakapaibabaw siya sa 'kin, habang ang parehas niyang binti ay nasa pagitan ng akin, nanlaki ang mata ko at agad napatayo.
"Ok kalang?!" tanong niya sabay tayo at inabot ang kamay ko, pagtayo ko ay agad nagtama ang paningin namin. Agad namula ang mga pisngi ko at ramdam ko ang pag-init nito, agad akong bumitaw sa kamay niya at humaripas ng takbo palabas ng classroom pababa ng cafeteria. Pagbaba ko ay diretso ako sa water dispenser at kumuha ng malamig na tubig at ininom ito, kumuha ako ng pagkain at kumain. Humihinga pa ako ng malalim nang mapatingin ako sa ramp at nakita si Lux na may kasamang babae.
Nakasalamin naman ako pero talagang malayo lang sila para mamukaan ko 'yong babae, sa bawat paglapit nila ay pilit kong kinikilala ang babae, nang makalapit sila ay nakilala ko ang na ito, taga Suhail?
"Hi kuya Cai, Cai nga po diba?" tanong niya, pinagmasdan ko ang hitsura niya, maganda, sexy, matangad, okay lang.
"Trixie nga po pala, Trixie Tiffany Celeste, Trixie nalang po." ani niya sabay abot ng kamay para sa another handshake and of course I accepted it.
"Cairo Asaiah Velasco." Seryoso kong turan, tumango siya na parang na-awkwardan ito, nanatiling nakatayo doon si Lux.
"Uh.. Trixie mag recess na tayo?" Pag-aaya ni Lux at napatingin sa kanya si Trixie.
"Sige, bye po kuya Cai." Pagpapaalam nya at kumaway pa, isang pilit na ngiti ang isinukli ko sa kaniya.
Nang maka-alis sila ay napairap ako, Kung maka kuya Cai naman siya. And there's something in her voice that annoys me, masyadong matinis.
Pag-ikot ko pabalik sa ramp ay may grupo ng tatlong babae na magkakasama ang isa ay may salamin, 'yong isa medyo chubby, 'yong isa, hindi sa pagiging judgemental pero mukha siyang ewan. Nagkakakanta ito ng hindi maipaliwanag na lyrics. KPOP siguro dahil medyo pamilyar ang kanta. Napapangiwi ako sa bawat paglapit nila sa direksyon ko.
Napa-urong ako nang muntikan akong mabangga ng kumakanta, natigilan ito at silang tatlo ay napatingin sa akin.
"Sorry po talaga kay Sofia, maingay talaga 'yan." sabi ng chubby na isa, ano nga name nya? Hinid ko matandaan.
"Victoria Elora Neisse nga pala, si Sofia itong maingay." Pinalo pa ni Sofia si Elora.
"Tapos siya si Athena Galathea Buenaventura, taga Alitoh ka diba? Siya rin." Sabay turo nya kay Athena.
"Sige una na kami? Gutom na ako." sabi ni Elora, tumango ako at sabay naglaka, narinig ko pang kumanata si Sofia.
"Tama na nga! Nakakahiya." Napatawa ako nang marinig na sinaway ito ni Elora.
Hindi kalaunan ay nagsimula na ang kasunod kong klase, it wasn't as exciting as I expected it to be.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co