Chapter Ten
Cairo's POV
Tanghali na nang Valentines ngayon, may kung anong event sa library na may mga hearts sa pagitan ng pages tapos kapag may nahanap ka na red heart ay may premyo na chocolate. At first I find it stupid and tiring. Imagine, kailangan mo buklatin ang mga pages ng book para lang makahanp ng hearts. There's a lot of books here! At marami ang naghahanap, bago ka pa man makahanap ng isa ay nahanap na ito ng iba!
But at the same time, I find it cute. What if yung kabiyak pala ng heart mo ay nasa isang tao tapos yung tao na 'yon, they're destined to be yours? Isn't cute diba? Saka kapag nakahanap ka ng magkapares na heart ay may prize na chocolate!
So I'm so desperate to find one cause no one gave me chocolate this morning. Suppose to be if someone wants to give me one they would have gave it to me already this morning. But sadly no one, simula palang kanina ng araw ko ay sobranh sama!
Nagising nanaman ako sa sigawan nila mama at papa na nakakaubos na agad.
Habang ako ay nag bumubuklat sa bawat pahina ay biglang naglaglagan ang mga aklat sa shelf sa tabi ko, kumunot ang noo ko bago napatingin sa paligid. Pinulot ko ang mga aklat at utay-utay ibinalik ang mga ito. Wala naman kasing ibang nakakita dahil malayo ako sa nakararami.
"Aray!" singhal ko nang kasalukuyan akong pumupulot ng aklat ay nahulugan ako ng hard cover na aklat sa ulo, bwiset! Ano ba 'to?! Mga butiki ba ang naglalaro sa likod? Daga?
Tumingin ako sa shelf, bahagyang nanliit ang mata ko nang may ma-aninag ako, ahh, may tao kasi, kaya nahuhulog 'yong mga aklat, pero hindi ko mamukaan. Pero grabe naman siya. ha! Hindi ba niya napansin kanina na nahulog na kanina 'yong mga aklat? Tapos nakahulog ulit siya?
"Sorry," ani ng nasa likod ng shelf, ngayon ay kilala ko ang boses na iyon, ang boses na lagi kong naririnig sa classroom.
"Lux?!" Gulat kong turan, bakit siya andito? Napakunot ang noo ko at napatinin sa paligid.
I lean closer to the shelf, "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.
Napangisi siya habang hawak-hawak ang isang aklat, "Alam ko kasi 'yong pa event dito sa library, so hoping to find one..." Turan nito, napatango ako habang tinitingnan ang mga pahina sa mga aklat na nahulog, nagbabakasakali lang na may mahanap ako sa mga nahulog ni Lux. My breath hitched as soon as I spot a heart!
Agad kong binalikan ang pahina, but my smile faded as soon as I saw what heart I've found.
It's a half violet heart stating 'Soul' and 'Sea' it means the other heart have 'Mate' 'Rch', if I found the other half it says 'Soulmate Search' kapag na buo niyo you both have chocolates. And I still haven't found one aside from this.
"May nakita ka?" Tanong ni Lux mula sa likod.
I pouted before nodding, "Yeah, but a broken one..." I stated, nakakainis naman kasi! Paano at saan ko makikita yung kabaak nito kung ang daming aklat dito?! What if may iba nang nakahanap?
"Wait! I found- ahah!" He raised a broken Purple Heart as well, my eyes widened.
I let go of the book I'm holding and lean closer to the shelf once again, "Let me see!" I snatched the heart from him from the other side of the shelf.
"What? Does it complete yours?" He asked, I'm busy figuring out if our hearts matched each other.
My eyes widened and a smile appeared on my face. "Omg! Omg! Lux we've completed one! Ahh!" Irit ko at agad itinakbo sa librarian ang kaninang wasak na puso na buo na ngayon.
"Kuya, kuya... nakabuo po kami, Soulmate Search po." ani ko sa student librarian, napangiti siya bago tumayo at may kinuha na papel.
"Ano name mo?" Tanong niya habang hawak ang papel na listahan ng mga naka kuha. iIsa palang ang nakakuha ng red heart, si Evan.
"Cairo Asaiah Velasco po." sagot ko at isinulat niya ito.
"Sino nakahanap ng isa?" tanong niya, bahagya akong natigilan at napakagat sa pang-ibaba kong labi. Ano nga full name niya?
"Uhm, ano po... Lukas Zachary Conde." Hindi ko sigarodang sagot pero isinulat pa rin niya ito. It doesn't matter naman if tama o hindi, nag-iisa naman siyang Lukas Zachary dito, plus Conde.
"Congratulations! Sa Monday niyo pa makukuha yung chocolates,ha? Sabi kasi ay kapag may nakakita na, saka lang kami bibili ng prizes." Paliwanag niya at tumango lamang ako, I was smiling the whole time for unknown reason while walking towards Lux. Without him, my heart won't be completed.
"Nabuo ko ba?" tanong niya gamit ang usual deep hoarse voice niya. He usually use this when he's serious and not joking around.
"Ang alin?" Tanong ko, I'm acting innocent here cause I don't want to assume things but I do have idea on what he's talking about.
I hear him chuckle a bit. "'Yang puso mo na wasak." Banat nito, napaunot ang noo ko at napanganga, batukan ko na kaya 'to?!
"Sira ka ba!" Singhal ko dito bago nagmartsa palayo sa kaniya at naglakad papunta ng shelves, nagbakasakali na makahanap ng puso. Hindi niya na ako sinundan which I am grateful. I was flipping the pages peacefully nang may mag announce na kailangan namin bumaba sa activity area dahil may bidding or auction na na magaganap.
Iyong bidding or auction they called it 'Foobu', Food Buddy. May mga piling tao na pag tatayaan na may hawak na food, then pwede niyong pag saluhan ang dala nitong food habang nag kwekwentuhan just for an hour. It's kinda cute but a bit weird at some point. The money will be used for other school events. It's like a fund raising.
We arrived at the activity area, gladly there's still some extra seats. I sat down next to my friends but I didn't expect that Lux would sit beside me as well. Feeling talaga nito, akala talaga niya friends na kami. Magkaklase lang naman kami, we are not that close. Mabuti nalang ay hindi siya nag-ingay o nagsabi ng kung ano-ano at nanahimik lang.
Nag start na ang auction, ang unang student ay kakilala ko from higher year.
The bidding starts at 100 pesos, my friends know that I'm close to that person, they start pointing at me, the other grade level noticed it even the teacher who's asking of how much you'll bid went towards me.
My eyes widened, hindi na ako mapakali sa aking upuan, "Go Cai! 100 palang!" sigaw ng kaklase ko. Napalunok ako ng laway, "150 po!" sigaw ko at nag simula na ng sigawan.
"Cairo Velasco, 150!" sigaw ng student na may hawak ng mic ng biglang may sumigaw. I don't want it to go higher, but someone suddenly screamed.
"200!" Bahagyang akong napanganga, jowa 'yon ng 2nd year na out for auction ngayon, lalaki 'yong tinatayaan, it just happens na close kami, but his lover is also a boy, gladly our school supports it.
"250!" Panlaban ko, this is what auction feels, I'm not really into these kind of things but I'm just doing this for experience. But I'm not really sure why is my mind telling me to go more. Maybe because it's my first time, I don't even know if I'm doing this right, I know it's wrong.
"300!" Mas lumakas ang sigawan,
I took a deep breath, "350!" sagot ko, huwag na sanang tumaas.
"380!" sagot ng kalaban ko, third year college pa naman din 'yon.
Last na 'to, "400!" Huli kong sigaw, hindi nakasagot ang kalaban ko.
"400? Going once!" Sigaw ng speaker, hala, ako na yata ang nanalo?
"Going twice!"
"Going thrice!"
"Sold to Cairo Velasco" Nag sigawan ang mga kaklase ko, inalog-alog pa ako ng mga kaklase ko, I let out a deep breath, nakakabaliw ang bidding. Marami pa ang students and foods na ipinabid. When the person, a guy or a girl is good looking, masarap ang pagkain na hawak nila. May isa na pizza, isa ay bucket of chicken with Starbucks na kape. Others ay chocolates so parang sulit yung ibabayad mo. And yung pera naman ay mapupunta sa mga nangangailangan, so its for a cause.
Bidding ends and nag start naman ang one hour na time namin para makapag kwentuhan. I saw other people to different places eating, some are also with their crushes.
"Ano ba 'yong issue sa inyo ng basketball player ng Tiger?" tanong ng second year na kasama ko, issue pala talaga 'yon?
"Naku kuya sino po? Si Lux, wala po kuya." Nahihiya kong sagot. Wala naman ibig sabihin iyong ginawa ko noong intrams. Saka ang tagal na, ha!
"Eh!? Ang laking issue kaya noong pinnasan mo siya ng pawis noong intrams."sagot niya at muntikan na akong mabulunan sa kinakain ko.
"Naku kuya, grabe naman, issue agad 'yon!?" Di ko makapaniwalang turan, nakakainis kasi. Nag malasakit lang naman ako na punasan ng pawis yung tao. Napakamai-issue nila.
Nagkibit balikat siya, "Sa class namin oo, naging issue agad 'yon." Sagot niya.
-
"Uy, time na." ani ni kuya, matagal-tagal na rin kami nag-uusap, ang pagkain na mga snack na dala niya ay naubos na namin, tuloy lang ang usap namin. About sa section nila or section namin.
I slowly nod, "Sige po kuya, may gagawin pa po ako. I had fun talking to you po, bye!" Paalam ko dito, sabay naman kami umalis ng garden kung saan napagdesisyunan namin na mag stay.
I went back to our classroom to get my stuff, uwian na rin kasi at wala na halos tao dito sa loob, aktong lalabas na ako ng classroom nang bigla kong makasalubong si Lux.
"Uy, Lux, bibili ka kay mang Willy?" tanong ko dito.
"Oo," Tipid niyang tanong habang inaayos ang gamit niya, I am watching him fix his things and he is throwing things inside his bag, bakit may pag dadabog?
"Tara libr-
"'Wag na, kasama ko si Trixie." Putol nito, my eyes widened a bit, I was just startled when he raised his voice, he walk pass by me and I watch him leave the classroom. Hala, galit ba siya?
Hades's POV
Nakakaloka kaninang auction, masyadong malakas iyong tension. Lalo na kapag mga higher years na ang naglalaban-laban. Mukhang hindi nila iniisip na for a cause 'ypn eh, parang may halo nang personalan.
Naglalakad ako papuntang dorm, pero kay mang Willy talaga ako pupunta, sa paglalakad ko ay nakasabay ko sina Tasia.
"Uy, Tasthia! Lalabasth kayo?" Tanong ko habang sabay-sabay na kami naglalakad.
"Oo, nasa labas daw si Joyce,eh. May practice kami ng choir." Sagot niya at tumango nalang ako, nang makarating kami kay mang Willy ay ang dami ng tao, lagi naman.
Naka-order na ako at hinihintay ito na maluto ng makita ko si Yago, kasama si Joyce?! Eh, hinaganap ni Tasia si Joyce, eh. Hindi pa ba nakikita ni Tasia si Joyce?
Naramdaman ko nanaman ang kirot na nararamdaman ko. Wala eh, nakikita ko nanaman si Marco na may kasamang iba.
Dumaan sa may harapan ko si Sofia na nag dadaldal nanaman, "Uyy alam mo ba si Yago pa sikreto daw na nag bigay kay Joyce ng chocolate. Buti nalang nakita ko rin 'yon. Akala niya ha!" Chismis ni Sofia, may mga kasunod pa siyang sinabi pero hindi ko na ito lubos na naintindihan.
Hindi ko na narinig ang kasunod na sinabi ni Sofia dahil ang mata ko ay nanatiling nakatutok kay Yago.
"Oh tutoy..." Inabot na sa akin ni mang Willy ang order ko, walang ano-ano pagkabigay ko ng bayad ay ay dali-dali akong umalis.
Ayoko na silang makita, kung paano tumawa si Yago kasama si Joyce, ayoko na! Nakaka... ilang tingnan.
Pumunta ako ng garden at doon kinain ang aking binili. Pero sa aking pagkain ay bakit ba biglang tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan. Umiiyak nanaman ako?
Huminga ako ng malalim habang ngumunguya. Naiinis na ako sa nararamdaman ko.
Itinapon ko ang aking kinainan, Friday ngayon at uuwi ako ng Tayabas. Malamang maya-maya ay andito na ang ama ko. Kaya naman dapat ay alisin ko na agad ang kung ano man na nararamdaman ko.
Umakyat ako ng dorm at nagsimula nang ayusin ang gamit ko. Pero hindi pa rin tumitigil ang pailan-ilan na luha sa pisnge ko maski ang nakakabagabag na pakiramdam sa dibdib ko.
Nagulat ako nang may tumawag sa akin,
"Hades, uuwi ka?" Kilala ko ang may ari ng boses na iyon.
"Oo...!" I put stress on my answer.
Narinig ko itong tumawa, "Bakit galit?" Pabirong tanong ni Yago.
"Wala!" Sigaw ko at ibinalibag ang isa kong t-shirt sa maleta.
"Hala! Galit siya... bahala ka nga, ingat ka pag uwi." ani niya bago lumabas, saka ko siya nilingon at nakita ang kaniyang likod.
Napasinghal ako, "Akala ko ba may nararamdaman ka rin para sa akin?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co