Truyen3h.Co

What's Between Our Legs

Chapter Thirteen

_Dominous_

Hades's POV

"Malapit na tayo! Bilisthan mo!" Halos masira ko na ang pinto ng banyo kaka-katok dito.

Ilang minuto nalang ay mag tatanghal na kami ng role-play namin at ako hindi pa manlang nakasuot ng damit, may damit akong suot! Pero hindi ang dapat ko na suot sa role-play.  

May flag ceremony tapos first period kami mag peperform?! Sobra kaming ginahol sa oras. Nang mag bukas ang pinto ng CR ay dali-dali akong pumasok at agad binuksan ang butones ng polo ko at hinubad, wala nang cubicle-cubicle basta naghubad ako doon. Nakasara naman 'yong pinto.

Nasa kalagitnaan ako ng pag susuot ng pantalon nang biglang bumukas ang pinto. Laking gulat ko nang pumasok si Yago. Bumaba ang tingin nito sa pantalon ko at agad namula ang pisngi niya.

"Papasthok kaba o tatayo kalang d'yan?!" Pagsusungit ko, nakabukas ang pinto at nakatayo lang siya doon. Paano kung may iba na makakita? 

"Baka may makakita stha 'kin na ba kapag tumayo ka lang d'yan!" Dagdag ko bago umirap at nagpatuloy sa pag susuot ng pantalon. Narinig kong sumara ang pinto kaya napatingin ako sa tabi ko at nakita ko sa salamin si Yago. Aaminin ko nagulat din ako doon na pumaosk siya. Akala ko ay aalis muna siya para hayaan ako na magbihis. 

Umismid ako at nag ala-ala na wala akong kasama sa loob. Nang masuot ko ang pantalon ko ay inayos ko na ang damit ko. Ngayon ay coat nalang ang kulang. Naisuot ko na ang isang kamay sa coat ng mahirapan akong isuot ang kaliwa kong braso. Napa-ungot tuloy ako.

"Kailangan mo ba ng tulong?" Nag-aalinlangan na tanong ni Yago.

Napagakat ako sa pang-ibaba ko na labi, "Oo..." Nahihiya kong sagot, napayuko ako. Naramdaman kong lumapit si Yago sa likod ko at dahan-dahan akong inalalayan. Ramdam ko ang mga kamay ni Yago na inaalalayan ang braso ko na pumasok sa kamay ng coat ko. Bumitaw siya ng tuluyan kong maisuot ang coat. I looked down defeatedly, I've been bad to Yago these past weeks. Lagi ko siyang sinusungitan at ginagalitan, madalas ay iwasan at hindi pansinin.

Nakakabigla na tinulungan pa rin niya ako. I heard I'm clear his throat.
"May kailangan kapa bang ayusin?" Alanganin niyang tanong.

"Ahh... w-wala na, mag sthasthapatosth nalang ako..." Naiilang kong sagot.

Napatango siya, "Tulungan na kita." Sinubukan ko siyang pigilan ngunit huli na ang lahat at bigla niya akong binuhat.

"Hala Yago, mabigat ako!" Mahina kong hinampas ang braso niya upang bitawan manlang ako pero hindi.

"Hindi ko naman maramdaman ang bigat na sinasabi mo." Sagot niya at nagulat ako ng maramdaman kong lumapag ang puwitan ko sa patag na bagay. Iyn pala ay naka-upo na ako sa sink.

"Ito ba sapatos mo?" Turo niya sa plastik na nasa sahig, nakagat ko ang pang ibaba kong labi at tumango. Pinulot niya ito at kinuha ang pares ng aking sapatos. Tinanggal niya ang sapatos na suot ko sa aking paa at lumuhod sa harap ko. Na-ilang ako bigla sa posisyon namin.

Sinuot niya sa paa ko ang sapatos. May bahid ng alaga at pag dadahan-dahan dito. Lalong namula ang nangangamatis kong pisngi. Umangat siya ng tingin mula sa pagkalaluhod at napalunok ako ng laway.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at tiningnan ako ng malalim sa mata. Parang nakatingin siya sa kaluluwa ko. Nagulat ako paghiwalayin niya ang hita ko at inilagay ang sarili siya sa pagitan.

"Yago..." Naiilang kong tawag at sinubukang saraduhan ang hita ko pero pinigilan niya ito.

"For few minutes, Hades, 'wag mo naman ako itaboy." Iyon ang kaniyang sinabi bago ako ikulong sa mga bisig niya.

Nanlaki ang mata ko at nanigas sa kina-uupuan ko. 

"Yago, baka may makakita sthatin." Saway ko, hindi kasi pwede 'to! Baka kung sino ang makakita sa amin!

"Please Hades, lagi mo nalang ako tinataboy. Ano ba ang problema natin?! Please sabihin mo nang hindi tayo parehas na nag su-suffer... dahil alam kong nasasaktan ka... at nasasaktan din ako. Please Hades, what's the matter?" Pag susumamo niya, nakagat ko ang pang ibaba kong labi at huminga ng malalim.

"Bakit mo binigyan ng chocolate si Joyce noong valentinesth?" Seryoso kong tanong ko at nanlaki ang mata niya bago tumingin sa ibang direksyon. Bwiset!

Tinulak ko siya pero hindi manlang siya natinag at mahigpit na hinawakan ang hita ko at napa-ungot ako.

"Hades, please let me explain..." sabi niya pero umismid lang ako.

"Exthplain exthplain ka d'yan! Luma na 'yang linesth na 'yan! Bahala ka!" sigaw ko at saka muling sinubukan na isara ang hita ko pero nagmatigas siya at lumaban.

"Pinagsisihan ko na Hades, please. Alam kong mali, alam ko na dapat sinabi ko rin sa 'yo. I just gave her because we're friends. I was stupid for doing that. I still am, until now! Kasi hindi ko 'man lang naisip na kaya ka nagkakaganito dahil nalaman mo. Akala ko... akala ko hindi mo papansinin." Pagsusumamo niya, pero hindi ko siya pinansin at nag cross ng akong mga bisig sa tapat ng aking dibdib.

Napatungo ito at napabuntong hininga, "Hades, I'm sorry, dapat inisip ko 'yong feelings mo,  okay? I know I told you that I might be also growing feelings to you." ani niya at bumaling ako ng tingin sa kaniya at nag taas ng kilay.

"I should have kept my words. I shouldn't be thinking about other girls. I should have been loyal kahit wala pang tayo." Naptigil siya at sinapo ang magkabila kong pisnge. 

He smiled, "Doesn't matter if lalaki ka at lalaki rin ako, what important our feelings for each ther." he softly said, I can no longer help it and threw myself at him to hug him. Naramdaman ko siyang ibinalot ang bisig maski sa aking likod. Lumipas ang ilang segundo ng biglang nagbukas ang pinto bumaling kami agad dito pero isang mahinang 'sorry' lang ang narinig namin ag saka sumara ulit.

Naghiwalay kami ni Yago mula sa pagkakayakap.

"Tara na, baka mag start na, okay kana ba?" Paninigurado ni Yago at tumango lang ako.

Hanggang sa ako naman ang nakakita ng mali sa suot niya, damit lang iyon na pang opisina. Ang necktie nito ay hindi maayos ang pagkakalagay kaya namna inayos ko na ito. Napatingin siya sa akin pero hindi ako tumigil at patuloy na inayos ang damit niya. Nang matapos ako ay nginitian ko siya.

"Tara na." akit ako at ngumiti lamang siya, saka kami lumabas at handa na mag tanghal.

Cairo's POV
"Guys! Pakibilisan na po ang pagbibihis at malapit na daw po matapos ang Suhail mag perform!" sigaw ng President namin at tumango ako.

Nasa isang tabi nalang ako, suot na ang damit ko na pang main character. Muli akong tumingin sa salamin ang inayos ang make-up ko. May pa make-up pa naman kasi 'yong ng kaklase ko, na-iilang ako sa make-ups. At medyo nangangati na rin ang mukha ko which is not good.

"Hindi mo naman kailangan niyan." Nagulat ako ng mag salita si Lux sa tabi ko, si Lux naman ay nakasuot ng damit na halos katulad ng akin. Siya naman kasi si ay kapatid ng character ko sa play. 

"Awan ko ba sa kanila." singhal ko at sumimangot. I don't get it kasi, why would I need to wear this? 

"Ikaw ba nilagyan nila?" tanong ko and he raises his eyebrows.

"Ipapakain ko sa kanila 'yan kapag nilagyan nila ako." sagot niya ag napatawa ako pero mabilis naputol ang tawa ko ng umarangkada nanaman ang kati sa pisngi ko kaya agad ko itong kinamot. Nagulat ako ng biglang hatakin ni Lux ang kamay ko.

"Cai stop! Namumula na 'yang pisngi mo!" Nag-aalala niyang turan kaya nanlaki ang mata ko at agad dinampot ang salamin sa harap ko. Nang tingnan ko ang repleksyon ko ay laking gulat ko ng namumula na nga iyon... agad tumayo si Lux at hindi ko na nagawang usisain kung bakit at patuloy lamang akong nakatingin sa salamin. I traced my fingers on the rashes... gosh, rashes.

Bumalik si Lux na may dalang wet wipes sa kamay niya. Napakunot ang noo ko,

"Kanino 'yan?" tanong ko, sinong babae nanaman kaya ang nasungitan nito at napilitang bigyan ng wipes 'tong sungit na 'to.

"Mas mahalaga pa ba kung kanino 'tong wipes na 'to kaysa d'yan sa mga rashes mo?" Sungit niyang sagot bago puwersahang ibinaling ang pisngi ko sa direksyon niya.

"Aray! Dahan-dahan!" Ungot ko at tiningnan niya lang na para bang binabantaan  niya  ako bago patuloy na pinupunasan ang mukha ko.

"Next time don't let them put this thing on you. Look what it did on your skin." Galit niyang turan.

Napatawa ako nang bahagya, "Ay, bakit nagagalit?" Pabiro at nag ala-alang galit din ako. Pero sinamaan niya lang ako ng tingin kaya agad akong nag seryoso, narinig ko siyang huminga at inalis ang kamay niya sa mukha ko bago umayos ng upo.

He sighed, "Ayaw ko kasing nakikita kang nahihirapan." Malumanay niyang sagot. 

He really changed throughout these past days, after what he said sa rooftop. I thought he was joking and playing around. Pero nagulat ako nang harapin niya ako at ulitin ang sinabi niya. When I asked him about him and Trixie, he said he was trying to stop the feeling in him. Because even him know about that the feelings between us is wrong, he thought he just need to go around with girls again, thinking it was just a short phase and it will go away soon. But he said he was wrong and he can no longer hold his feelings anymore. 

Tiningnan niya ako sa mukha kaya tiningnan ko rin siya. Akala ko naman ay nagbibiro lamang siya ng staring contest ng bigla niyang dinakma ang mukha ko at ibinaling ito sa kaliwa.

"Ano 'to?!" Taka niyang tanong bago idinaan ang daliri niya sa kanan kong pisngi.

"Ano 'yan?" Taka kong tanong, aba malay ko ba kung anong meron doon.

"Parang... sugat? Awan... wait." Binitawan niya ang mukha ko bago kinuha ang phone niya at kinunan ng picture ang pisngi ko bago ito ipinakita sa akin.

"Ano 'yan?" Tanong niya ulit, napakunot ang noo ko nang mamukaan ko ang nasa pisnge ko, pasa?

"Pasa yata..." Hindi ko siguradong sagot.
"Pasa?! Sinong gumawa sa 'yo niyan?" he exclaimed, I bit my lower lip when I remember how I got that bruise. 

He sigh, "Cai... sino?" He once again used his deep husky voice, wala akong magagawa kapag ginagamit niya 'yon.

Nang ma-alala ko kung paano ko nakuha ang pasa ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko na mamuo sa aking mga mata. Nakaka... trauma, hindi maalis sa isipan ko ang bawat salita at suntok na pinakawalan sa akin ni papa.

Napahikbi ako, "Si papa, sumugod siya sa bahay ni tita at... binugbog ako!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co