Chapter Thirty-Two
Yago's POV
Nang patayin ni Hades ang tawag ay napatalon ako pababa ng kama at kinuha ang wallet at Bench n Bath ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa harap ng TV at doon lumupagi para maghanap ng CD sa ilalim ng patungan ng TV.
"Yago, anong ginagawa mo d'yan?" tanong ni kuya ni Charles nang matagpuan ako sa sala.
"Ah, ano kasi kuya, pupunta ako sa bahay nila Hades, manonood kami ng palabas." sagot ko, hindi manlang nililingon si kuya dahil abala ako sa paghahanap. Ayon! Titanic!
"Si Yeol, may mga CD pa siya sa kwarto, tanungin mo siya." ani ni kuya Charles habang nag-aayos ng kuwelyo ng polo niya.
"Sige Yago, aalis muna ako. May aasikasuhin lang ako ng papeles ko sa school, ingat ka doon, ha? 'Wag mag papagabi." Bilin niya at saka umalis bitbit ang mga papeles at laptop niya. Malapit na nga pala silang maka-graduate.
Nakakuha ako ng tatlong CD na gusto ko at sa tingin ko ay magugustuhan din ni Hades nang makasalubong ko si Kuya Yeol.
"Oh Yago, saan mo dadalhin 'yan?" tanong niya sa akin.
"Pupunta akong bahay ng kaklase ko kuya, manonood kami." sagot ko at tumango siya,
"May mga CD pa ako sa kwarto. Kaso mga musicl, baka gusto niya?" ani niya at tumango ako.
"Titingnan ko kuya, thank you!" ani ko at humaripas ng takbo papuntang kwarto nila ni kuya Charles, halatang magkaiba sila ng personality kahit magkakambal sila, 'yong parte ng kwarto ni kuya Charles puro about science at biology.
Tapos 'yong sa side ni kuya Yeol ay mga posters ng mga banda tapos mga gitara. Sa kaniya rin ako natuto mag gitara at sa kaniya ako minsan nanghihiram.
Naghalungkat ako sa mga CD sa drawer ng lamesa ni kuya Yeol at nakahanap ng dalawang CD gusto ko at saka ako bumaba.
"Kuya Yeol si mama at papa?" tanong ko kay Kuya Yeol na nanonood ng TV.
"Nasa labas," sagot niya na hindi manlang ako tinitingnan.
Tumango ako at lumabas na, doon ay nakita ko nga sila mama at papa na nakahiga sa tig-isang duyan.
"'Ma, 'Pa..." Tawag ko at parehas sila nag-angat ng tingin.
"Pupunta lang po ako kila Hades, hapon na po ako makaka uwi." Paalam ko at parehas sila tumango.
"Sige basta mag iingat 'Go, ha! 'Wag na magpadilim." Bilin ni mama at tumango ako. Nagmano ako sa kanila at umalis na.
"Hmmm, ano kayang masarap dito?" Namimili ako ng mga ice cream na nasa tub. Feeling ko kasi mas ma-enjoy namin ni Hades kung marami kaming kakainin. Kaya kahit medyo mahal ay iyong malaki na ang bibilhin ko.
"Miss, Cookies and Cream nga po." Sabi ko sa tindera para buksan nito ang freezer.
Bumili rin ako ng nmga malalaking pack ng potato chips at cheese rings. Hindi na ako bumili ng soft drinks dahil masosobrahan kami. Malapit na pati ang pasukan baka magkasakit pa kami.
Nag bayad na ako at halos nasa three hundred lahat lahat. Sumakay ako ng tricycle dahil kung naglalakad ako ay baka matunaw pa ang ice cream.
Gaya ng sabi ni Hades ay nagsuot ako ng sumbrero at face mask. Nakarating kami sa baranggay nila Hades at tumigil ang tricycle sa harap ng bahay nila. Nagbayad ako at inayos ang pagkakahawak ko sa mga dala ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba bago pa man ako maka tawag kay Hades. Bakit pinagtitinginan ako? Bakit parang may mali sa mga tingin ng kapit-bahay nila?
"Hades? Tao po!" Tawag ko, bukas na ang pinto nila pero ang gate ay hindi, nakita ko ang isang babae na sumulip pero umalis ulit.
"Hades, bisita mo!" Narinig kong sigaw nito at ilang minuto ay lumabas na sa pinto ang humahangos na Hades.
"Bilisthan mo..." ani niya ag halos itulak ako paloob ng bahay, halos matalisod at madulas din ako sa kakamadali niya sa pagtulak sa akin sa hagdan.
"Dahan-dahan naman..." Malumanay kong turan nang makazpasok kami ng kwarto.
"Ithe cream?" tanong niya at inilabas ko ang supot na laman ang ice cream.
"Hala! Ang laki niyan!" Gulat niyang turan at napahagikhik ako.
"Wait kukuha lang ako ng kutsthara, ihanda mo na 'yong DVD player." Turo niya sa DVD player sa ilalim ng TV.
"Sana all may TV sa kwarto." ani ko habang sine-set up ang CD at DVD, napag-desisyunan ko na Titanic nalang ang panoorin. Pero kung ayaw naman niya ay ayos lang, pwede ko naman palitan.
May pinindot ako sa player at agad nagsimula ang palabas, muli kong pinindot ang button at buti naman ay tumigil ito. Ayaw ko naman na simulan ang palabas nang wala si Hades.
Nagbukas ang pinto at dala-dala ni Hades ang dalawang kutsara, dalawang baso at pitsel na may lamang tubig.
"Stha lagayan nalang natin 'yan kainin, para stha tubig 'to." Turo niya sa dalawang baso na dala niya at tumango ako, na-upo na kami parehas sa sahig at sinimulan na ang palabas.
"Ang tanga mo! Nastha likod!" Irit ni Hades at tumago sa likod ko, ako naman itong nakatakip ng kamay sa mata ko pero natatawa sa tuwing tatago si Hades sa likod ko.
Nasa pangalawang movie namin ito, horror movie, kung tutuusin ay hindi naman gaano nakaka takot, 'yon ngalang ay nakakagulat.
"Bobo takbo!"
"TAKBO!"
"Tanga tumakbo ka!"
"Takbo sabi! 'Wag kana lumingon!"
Siguro ay iniisip na ng mga kapit-bahay nila kung may nag-aaway ba sa bahay nila. Nagpapalitan kami ni Hades ng sigaw at hampas sa isa't-isa. Kung kami siguro ang nasa palabas ay hidni na kami lilingon-lingon pa at tatakbo lang nang tatakbo.
Natapos kami sa pangalawang movie namin at mukhang hindi na masusundan. Ala sais na kasi ng hapon, medyo tanghali na rin kasi ako nakarating sa kanila at inuubos nalang namin ni Hades ang mga potato chips. Iyong ice cream naman ay kanina pang Titanic na ubos.
"Grabe 'no? Pasthukan nanaman." ani ni Hades habang naka-unan sa balikat ko.
"Oo nga, ang bilis ng panahon." sagot ko at sinuklay ang buhok niya gamit ang aking daliri.
"Naka-post nga pala pati sa page ng USV na may bagong tawag sa mga students ng USV, nakita mo na?" tanong ko rito at nag-angat ito ng tingin.
"Binago na? Ano?" tanong niya,
"Hulaan mo." Pang-iinis ko at agad niya akong hinampas sa hita.
"Aray naman, naglalambing lang, eh." ani ko at niyapos ang braso niya at ako naman ngayon ang naka-unan sa hita niya.
"Ano nga, Yago?" tanong niya at muling hinampas ang hita ko pero mahina na.
"Uhm, ano 'yon eh... starting with letter C... uh... Co... C-Column? Colombia? Columbi-ah! Columbidae!" sigaw ko nang ma-alala ko na, hirap naman sabihin, napaka-choosy ng university namin.
"Ano? Colum what?" tanong ni Hades,
"Columbidae, nakita ko explanation ng principal natin doon. Columbidae is the scientific name of dove which dove also means a person who is like oppose of war or warlike policies, yet also an innocent and gentle person." Paliwanag ko at tumango-tango lang siya. Minemorya ko talaga 'yong nakalagay doon, parang galing google lang 'no?
"Sige na, umuwi kana, ang dami mo nang sinasabi madilim na rin." ani niya at sumang-ayon naman ako at tumayo na, namumulot ako ng mga pinagkainan namin nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko
Bahagya akong nagulat, "Bakit?" taka kong tanong nang makita ko ang kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata.
"May problema ba, Hades?" Malumanay kong tanong,
"Yago, ano kasthi... bastha! Paglabasth mo ng bahay at paglalakad mo. 'Wag mong papansthinin 'yong mga kapit-bahay, ha?" ani nito na animo'y may bumabagabag sa kaniya.
Napakunot ang noo ko, "Gagawin ko 'yon, Hades. Pero bakit? May problema ba? May mali ba akong nagawa? Sabihin mo lang gagawan ko agad para--"
"Hindi Yago, wala kang kasthalanan, okay? Bastha gaya ng sthinabi ko, okay? May headsthet ka ba?" tanong niya at umiling ako.
"Wait! Papahiramin kita..." Agad siyang napatakbo sa may drawer at mas lalong napakunot ang noo ko. Ano b'ang nangyayari?
"Hades, 'wag na, okay lang ako. Hindi ko nalang sila papansinin." Nilapitan ko siya para kunin ang kaniyang mga braso na naghahanap pa rin, bahagya siyang naginginig habang may mga luhang umaagos sa kaniyang pisnge.
"Okay lang ako. Hindi ko alam ang dahilan mo, pero naiintindihan ko, susunduin ko ang sinabi mo at hindi sila papansinin, okay? Tama na, 'wag kana umiyak, alam mo naman na weakness ko ang makita kang umiiyak." Gamit ang aking hinalalaki ay pinahid ko ang kaniyang luha.
Bumaba na kami at nagpaalam ako sa ibang tao sa bahay nila at umalis, sa paglalakad ko ay ramdam ko ang mga tingin sa akin ng kanilang kapit-bahay. Wala kasing tricycle sa gawing ito, may waiting shed sa labas pero hindi pumapasok ang mga tricycle para sumundo pero pumapasok sila para maghatid. Naaktuhan ko na wala kaya naglakad ako.
Tahimik akong naglalakad, nakatungo at tanging daan lamang ang pinagtutuunan ng pansin. Hanggang sa narinig ko ang mga chismisan.
"Diba siya rin yung kasama ng anak ni kagawad noong minsan?"
"Oo nga... siya rin 'yon. Ano 'yon bakla rin siya?"
"Sayang naman gwapo pa man ding bata. Maski si Hades gwapong bata."
"Kawawa naman ang mga magulang niyan."
"Ano kaba! Ang balita ko tatlong magkakapatid na lalaki yan."
"Edi 'yong anak lang pala ni kagawad ang kawawa kasi nag-iisang lalaki, bakla pa..."
Napakuom ang kamao ko habang nakakagat sa labi, ito ba 'yon? Ito ba ang sinasabi sa akin ni Hades?! Kaya ba takot-takot si Hades? Kaya ba halos ayaw niya na magpakita ako sa iba. Kaya ba ilang pag-aaya ko na ang tinanggihan niya? Dahil sa mga 'to? Pinigilan ko ang sarili ko na sagutin sila. Wala akong mapapala sa pagsagot sa kanila. Mga gurang na sila, mas lalo lang sasama ang tingin nila sayo.
'Pasensya na Hades kung hindi ko sila nagawang baliwalain gaya ng sabi mo at nakinig pa. Pero kung alam ko lang na ito pala ang dahilan kung bakit ka umiiwas, sana ay hindi na ako nagpumilit na pumunta kung ang kapalit nito ay ang laman ka ng chismisan nila.'
Sa bugso ng damdamin ay agad akong nakagawa ng desisyon. Hindi ko na inalam kung ano ang magiging epekto nito kay Hades, sa akin, sa aming dalawa. Pero ang gusto ko ay hindi na siiya maging tampulan ng chismis sa lugar nila.
Talaga bang may mali sa mga ginagawa namin ni Hades? Talaga bang hindi maiintindihan ng lahat na... pwedeng gawin ang mga bagay-bagay na ginagawa namin ni Hades?
Sabagay, sino nga naman ang mga lalaki na gagawin ang ng mgaa bagay na iyon? Paano kung... paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng kakaiba kay Hades? Paano kung hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? At ako ang magdadala sa kaniya ng kapahamakan?
"Kung alam ko lang Hades, sana noon palang ay alam ko na sa ating dalawa, ako pala ang utay-utay nahuhulog."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co