Chapter Twenty-Eight
Cairo's POV
"L-Lux..." Tawag ko ulit, nagbabakasakaling makita na siya at doon ay tumulo ang mga luha ko, naupo ako sa isang bangko at doon umiyak.
"Gosh, Cairo!" Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Lux at mas lalong bumuhos ang luha ko.
"I'm sorry Cai, please stop crying, shit. Cai, please, I'm sorry, magbabayad na ako, uuwi na tayo, Cai I'm so so sorry!" ani niya habang hinihimas ang likod ko, he keeps on consoling me.
"I'm sorry..." I sobbed, naramdaman ko itong umiling.
"No Cai, it's my fault, stop crying now, let's go." Tumayo kami habang patuloy pa rin na nakayakap sa akin, ramdam ko ang mga tingin sa amin na pilit kong iniinda.
"Shit, ang cute nila!!"
"Sana all!"
"Gago bhie, kapag di sila mag-on, di na talaga ako maniniwala sa forever."
Natawa ako sa nag reaksyon ng mga nakakita. Tumahan na ako at kumalas na sa pagkakayakap si Lux.
"Let's go.?" Akit niya at tumango ako.
Nagbayad na siya at lumabas na ng department store, on our way to exit the mall ay may nakabungguan si Lux.
"I'm so sorry." ani ni Lux at tinulungan ang babae na kunin ang mga dala niya na nahulog.
"Trixie?" Narinig kong turan ni Lux at agad akong napatingin dito, si Trixie nga.
"Oh Lux, anong ginagawa mo rito? Diba dapat nasa Tiaong ka?" tanong niya at napatawa si Lux.
"Ah, kasi pinuntahan ko lang si Cai." sagot ni Lux at saka lang na realize ni Trixie na andito ako.
"Hi Cai," Bati niya sa akin at ngumiti lang ako.
"Ikaw Trixie? Bakit ka andito? Hindi ba dapat nasa San Pablo ka?" tanong ko habang sinusubukan na hindi mag taas ng kilay, binalingan ako ng tingin ni Lukas na para bang sinesenyasan ako pero tiningnan ko lang din siya.
"Uh... aalis na kami Trixie... ingat ka. Byee!" ani ni Lux at hinigit na ako palabas ng SM.
"What was that, Cai?" tanong ni Lux habang nakasakay kami sa sasakyan pauwi na ng bahay.
"Wala lang, diba nga tinanong ka niya kung bakit ka andito edi tinanong ko rin siya." Depensa ko at nakita ko siyang minasahe ang sintido niya, napa-irap ako at kinuha na lamang ang earphones ko at nakinig sa kanta. Medyo nanghihina na rin ako at nahihilo. Isa ito sa mga sintomas ng hyperventilation ko.
It was oh-good ten minutes nang tapikin ako ni Lux.
"What?" tanong ko at inalis ang earphones ko, sinenyasan niya ako na tumahik at kumunot ang noo ko.
"Diba gusto mong mabayaran ako? Pero sabi ko hindi pera." ani niya at nag aalinlangan akong tumango.
"Samahan mo ako sa mansion namin... doon ka matulog." Biglang nanlaki ang mata ko, nakita ko na 'to eh! Alam ko na kung anong binabalak niya!
"Ayoko ko nga Lux! Ang bastos mo!" ani ko at hinampas siya.
"Ano kaba, Cai?! Wala lang akong kasama sa bahay kaya gusto ko sanang sumama ka. Please, ipagpapaalam kita kay tita." ani niya at hindi na ako nakasagot.
Nakarating kami sa bahay at nagsimula na akong kabahan. What if magalit si mama?! What if ma-misunderstand niya?! Kung ano-ano na ang pwedeng sabihin ni mama ang pumasok sa isip ko.
Nang makapasok kami ay andon ang mga pinsan ko. Si mama naman ay nagluluto na ng pang hapunan at si tita ay nasa table lang, may sariling ginagawa.
"Oh, Cairo! Maricar andito na ang anak mo." ani ni tita at agad napabaling ng tingin si mama.
"Cai, Lux, andito na pala kayo, kamusta ang SM?" tanong ni mama at nagpunas ng kamay niya.
"Ayos lang po ma." sagot ko at ngumiti.
"Ah, tita may ipapag paalam lang po sana ako." ani ni Lux at mas lumala ang kaba ko.
"Ano 'yon, Lux?" tanong ni mama at nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Lux.
"Pwede po b'ang sa mansion po muna namin matulog si Cai? Wala po kasi akong kasama bukod sa mga katulong namin, isang gabi lang naman po." Pagpapaalam ni Lux, nanatiling naka-awang ang bibig ni mama sa sinabi ni Lux.
Mas lalo akong kinabahan. Jusko, bakit naman ganito?!
"Sige, basta mag iingat kayo ha? 'Wag magpupuyat." Aani ni mama habang naka-ngiti, seryoso ba siya!?
"Seryoso ka ma?! Pumapayag ka?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oo naman, bakit parang ikaw ang hindi sigurado sa gusto mo?" ani ni mama at napatakbo ako papunta sa kaniya at niyapos ito.
"Naku-naku ang anak ko. Sige na, mag ayos kana ng gamit mo at naghihintay na si Lux." ani ni mama at bumitaw na ako, paakyat na sana ako ng pigilan ako ni Lux.
"Wag kana mag dala ng damit, papahiramin nalang kita." ani niya at natigilan ako, siya ang umakyat at saka ko na-alala na may mga gamit nga pala siya sa taas.
"Tita aalis na po kami." Paalam ni Lux, nasa labas na kami ngayon ng pinto,
"Sige ingat kayo! Cai, magpaka bait ka!" sigaw ni mama mula sa kusina, napatawa kami ako bago kami tuluyang naglakad ni Lux.
"Cairo, gumamit ng plastic balloon!" Nanlaki ang mata ko sa sinigaw ang pinsan ko.
"Anong plastic ballon?! Mag saing kana!" Narinig kong saway ni mama at tuluyan na kaming sumakay ni Lux sa sasakyan nila.
"Woah, Lux ang ganda talaga ng bahay niyo!" ani ko nang makababa ako ng sasakyan nila, binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang sangkaterbang katulong. Akala ko ba ay wala siyang kasama?!?
"Ang dami-dami namang tao dito tapos sabi mo sa akin wala kang kasama?" Pagmamaktol ko at natawa siya.
"Ito nga ang bayad mo sa akin okay? Saka hindi ko naman ka-close ang mga katulong namin." sagot niya at tumango lang ako.
"Sumama ka sa akin." ani niya at ako naman itong manghang-mangha at walang nagawa kundi sumunod nalang sa kaniya.
Lahat dadaanan namin ay napakaganda, mansion na mansion talaga ito! Ang gaganda ng mga decorations. Mga figurines at ibang designs!
"Ay figurines!" sigaw ko nang marinig ko ang pagtaklab ng pinto, tumingin ako sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa isang kwarto na pala ako, kwarto ni Lux.
"Lux? Anong gagawin natin dito?" May halong kaba sa boses ko, ang ilaw pa rito ay hindi pa gaanong buhay kaya medyo madilim ang paligid.
"Uhm... bayad mo sa akin?" ani niya at biglang naghubad.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, "Huy, gagi, Lux! Hindi ako handa! Gago ka! Buksan mo 'tong pinto! Oy! Virgin pa ako! Palabasin mo ako!" sigaw ko at kinalampag ang pinto, bigla naman siyang natawa at tinakbo ako para matigil sa pagkalampag ng pinto.
"Ano kaba Cai, hindi ko gagawin sayo 'yon, mag bibihis lang ako kaya ako nag hubad. Pero kung gusto mo naman subukan-"
"Ano?! Tumigil kana at mag bihis." ani ko at naupo sa kama niya, king size ito at napakalambot. Ang sarap dito matulog. Teka saan nga pala ako matutulog? Nag-angat ako ng tingin at saktong naka-tingin din pala sa akin si Lux at nagkatagpo kami ng mga mata.
"Masarap ba d'yan? Malambot?" anong niya at tumango ako.
"D'yan ka matutulog." ani niya at bigla akong napaupo.
"Eh ikaw?" tanong ko,
"D'yan din, tabi tayo. 'Wag kang mag-alala hindi ko gagawin 'yon. 'Wag mo nalang lagyan ng malisya." ani niya at akmang papasok na ng banyo nang muli siyang tumingin sa akin.
"Gusto sabay tayo maligo?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.
"Bastos ka! Maligo kana!" Ibinato ko ang isang unan at nagtatawa siya saka pumasok ng banyo. Bastos!
"Your turn." ani niya nang lumabas siya ng banyo habang pinupunansan ang buhok, nagtutulo pa ito kaya maski ang laway ko ay malapit nang tumulo. Umilingako para mawala ang kung anong nasa isip ko.
"Damit ko? Sabi mo papahiramin mo ako." Sinubukan kong maging matigas ang boses ko.
"Sus, 'yon lang naman pala." ani niya ay pumasok sa walk in closet niya, ang yaman talaga!
"Pwede na ba 'yan?" Inabot niya sa akin ang isang short na malapit na sa tuhod at white t-shirt.
"Ayos na 'to, pwede ko bang gamitin nga gamit mo doon except tooth brush? Saka wala nga pala akong dalang toiletries, saka wala rin... brief." Nahihiya kong turan, narinig ko siyang tumawa at napa-hilamos sa mukha niya.
"Buti nalang may mga hindi pa ako nagagamit na brief, saka may bagong tooth brush din at pwede mo na rin gamitin 'yong shampoo at sabon ko." sni niya at muling pumasok sa walk in closet niya at saka inabot sa akin ang isang black na brief.
"Kasya na siguro sayo 'yan, hindi naman ganon kalaki-"
"Bastos!"
"Wait lang! Patapusin mo kasi ako, 'yong beywang ko. Hindi naman nagkakalayo ang waist line natin kaya kasya na sayo 'yan." Pagpapatuloy niya, naramdaman ko namang namula ang pisnge ko kaya dali-dali akong pumasok ng banyo.
Maski banyo niya ay ang laki at ang ganda, modern design ito at parang matanda na ang gumagamit sa pagka-organize. Matino naman pala si Lux sa gamitm, eh.
Binuksan ko ang shower at tinimpla ito, sa una kasing bagsak ng tubig ay sobrang lamig. Kaya kailangan ko pangtimplahin.
Kinuha ko ang shampoo niya at ginamit iyon. Ang bango ng shampoo niya. Kaya pala lagi siyang mabango. Pagkatapos kong mag shampoo ay ginamit ko rin ang sabon niya. Liquid soap iyon, hindi ko alam ang gagawin ko noong una, hindi ko alam kung gagamit ako ng laddering puff kasi sa kaniya iyon. Pero sa huli ay ginamit ko na rin. Wala naman akong sakit sa balat kaya wala siya dapat ipag-alala.
Nagbanlaw na ako at nagtuyo ng katawan. Sinuot ko ang mga binigay niya, ang brief ay medyo luwag pero okay lang, 'yong short ay okay lang din kasi may tali naman, 'yong t-shirt nagmukhang over sized shirt sa akin.
Lumabas ako ng banyo na pinupunansan ang buhok ko. Doon ko siya natagpuan na naghihintay sa harap ng salamin habang hawak ang suklay at blower.
"Lux?" tawag ko sa kaniya dahil mukhang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa cellphone niya.
"Zeus, tapos kana pala, upo ka muna rito at tutuyuin ko ang buhok mo." ani niya at sumunod ako, umupo ako sa bangko sa harap niya at nagsimula na siyang suklayin ang buhok ko.
Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga ni Lux at tila ba siya ay may pinproblema. Seryoso rin ang mukha niya at nakakunot ang kaniyang noo.
"Ayos ka lang ba? May problema ba?" tanong ko at tila ba siya ay nagulat sa pagtawag ko.
"Wala naman, ayos lang ako." sagot niya at tumango ako, nagpatuloy siya sa susuklay at pagtutuyo. Bawat hagod niya sa buhok ko ay tila nakakapagbigay ng kakaibang sensasyon sa akin.
"I told you bagay sayo ang ash brown." ani niya habang sinusuklay nalang ang buhok kong tuyo na.
"Bagay din sayo 'yong ash grey, ang ganda nga, eh." Puri ko at napatawa siya, binitawan na niya ang blower at suklay.
"Let's go downstairs. Luto na ang dinner." ani niya at tumango ako, kinuha ko sa bedside table niya ang cellphone ko at bumaba na kami.
Habang kumakain kami ni Lux ay ramdam ko ang mga tingin sa amin, more like sa akin ng mga katulong nila. It's actually making me a little uncomfortable. Lalo na't medyo malayo sa akin si Lux... nasa harapan ko lang siya pero parang kailangan nasa tabi ko siya para na maging komportable ako.
"Bakla ba si sir Lux?"
"Baka siya ang bakla, binabakla lang si sir Lux."
"Sayang naman gwapo pa naman din."
"Kaya nga eh, gwapo siya kaya si sir Lux ang binibingwit."
"Pwede bang tumahimik kayo! Iwan niyo kaming dalawa!" Ma-awtoridad na sigaw ni Lux, Lahat ng katulong na nakapaligid sa amin ay natahimik maski ang dalawa sa likod ko.
"Pero sir Lux--"
"Hinihingi ko ba ang opinyon mo?! Alis!" sigaw ni Lux at tumayo pa ito at hinampas ang lamesa, tumunog ang mga pinggan at baso rito.
Nagtinginan ang mga katulong at umalis na, nang lahat sila maka slis ay muling umupo si Lux at nagpatuloy kumain. May problema talaga, eh. Ramdam ko, parang masyadong mainit ang ulo niya simula noong lumabas ako ng banyo.
"Lux-"
"Kasalanan nila Cai, laman ka ng chismisan nila." Putol sa akin ni Lux at hindi manlang nag-angat ng tingin.
"Sana hinayaan mo nalang sila Lux." ani ko ag nag-angat siya ng tingin at napa-kunot ang noo niya.
"Hahayaan ko nalang Cai na pag chismisan ka nila, ganon ba 'yon?! Hahayaan ko nalang na sirain ang gabi mo?! Na ipagkalat sa buong mansion na hinuhuthutan mo lang ako ng pera?! Ganon ba ang gusto mo, Cai?!" sigaw niya sa akin. Sandali akong natahimik at natulala sa kaniya, hanggang sa maya-maya ay wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Ayoko ng ganito, ayoko nang sinisigawan ako, ng pinagtataasan ako ng boses.
"Oh... shit, Cai, I'm sorry, fuck! Chanelle!" sigaw niya at may isang katulong na humaripas ng pasok sa dining table.
"Bakit po sir?" Bakas sa mukha ng babae ang takot at kaba.
"Pumunta ka sa kwarto ko, kunin mo 'yong bag sa ibabaw ng kama ko, bilis!" sigaw ni Lux at umalis na ang katulong.
"Shit, Cai, I'm sorry, tangina!" Tumayo si Lux at pumunta sa akin, marahas niyang nai-ikot ang bangko na inuupuan ko at niyakap ako.
"I'm sorry, please stop crying. I'm sorry, please Cai, please hindi na kita pagtataasan ng boses, I'm sorry." Pagsusumamo niya habang hinihimas ang likod ko.
"Ito na po sir." Dumating ang katulong na inutusan niya dala-dala ang string bag ko, kumalas si Lux sa pagkakayakap sa akin at hinalungkat ang bag ko.
"Here baby drink this." Isinubo niya sa akin ang isang tableta at tinulungan ako sa pag-inom.
Muli niya akong niyakap at nagsimula na akong mahulasan.
"O-Okay na..." Tinapik ko ang balikat niya, kumalas siya at tiningnan ako sa mata, ang katulong na nag ngangalang ate Chanelle ay andon pa rin.
Biglang hinarap ni Lux si ate Chanelle, hindi siya ang nasa likod ko kanina.
"Lux-"
"Tawagin mo ang dalawang nagkekwentuhan sa likod ni Cai." Ma-awtoridad na utos ni Lux at agad lumabas si ate Chanelle, maya-maya ay pumasok ang dalawang babae nasa likod ko.
"S-Sir Lux... p-pasensya-"
"Lumayas kayong dalawa!" Putol ni Lux sa kanilang dalawa. Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ng dalawa.
"'Wag po Sir Lux!! Wala na po kaming trabaho! Pasensya na po Sir Lux!" Pagmamaka-awa ng dalawa. Hinawakan ko si Lux sa balikat.
"Hindi mo pwedeng gawin 'yan Lukas...!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co