Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 25

_Dominous_

Code's POV

"And as for the ground-breaking ceremony, it is bound to happen by... July 22 this year. We have already cleared the contract with the Costa Group, we have already signed the contract, and we're all set!"

Napa-igtad ako at natauhan nang biglang magpalakpakan ang lahat ng nasa meeting room. Bumunot ako ng isang malalim na hininga bago sumabay sa palakapakan nila habang naglilibot ng tingin.

The meeting ended after a few more slides and reminders. Mr. Villanueva stayed to talk with the other owner of our partner industry to discuss the upcoming business. So as the company's lawyer, I had to stay too, so we could clear up more things about the contract and the project.

When I was finally able to leave, I bid goodbye to Mr. Villanueva before driving off to Binondo to check the hospital and also... unwind a bit.

"Ang aga mo rito, ah?" Bati sa akin ni JC nang makita ako sa may quarters ng mga trabahador pagkatapos kong i-check ang tiniutuluyan nila.

Napangisi ako nang pagak, "Kakatapos lang ng meeting namin, along the way naman itong ospital kaya dito na rin ako dumiretso para bumisita." sagot ko at tumango ito bago tumayo sa tabi ko at tumingala sa ginagawang building.

"Tapos na 'to ng mga bandang August, ano?" tanong niya sa akin at agad akong tumango habang pinagmamasdan din ang building.

"Dapat lang, apat na buwan lang ang extension na ibinigay sa opsital na 'yan." sagot ko at narinig kong humagikhik si JC.

"Mami-miss ko agad ang Binondo." ani nito na ikinatawa ko bigla, "Wow ha, akala mo naman ang tagal-tagal mo nang andito. Eh last-last week ka lang inilagay rito, eh." sagot ko at agad pumihit ang ulo nito sa akin.

"Grabe ka naman sa akin! Hindi ba pwedeng... na-attach lang ako sa ospital?" tanong niya at napasinghal ako bago napa-iling.

"Na-attach," napatawa ako nang pagak.

Nagparte ang labi nito at hindi makapaniwala akong tiningnan, "Grabe ka talaga sa'kin! Baka ikaw ang na-attach dito at may pinopormahan kang doktor—"

"Ano!!?" Agad akong napasinghal. Namilog ang mata ko at halos magdikit na ang magkabilang dulo ng kilay ko sa sobrang kunot ng noo ko.

Napahagalpak ng tawa si JC, halos matumba pa ito at kailangang humawak sa katabing pader para suportahan ang bigat. "Huli! Huli ka! May pinopormahan kang doktor 'no—"

"Wala! Siraulo ka!" Pabiro ko itong binatukan na lalo niyang ikinahagikhik ng tawa. Yung tipong nakaka-agaw na siya ng atensyon ng ibang trabahador sa paligid.

"Sus! Huli ka balbon! Sino dun? Sinong doktor dun? Balita ko maganda raw yung bagong pharmacist diyan? Bagong lipat daw dito, ah?" tanong niya at napa-ismid ako.

"Hindi ko kilala yun, wala akong pake sa mga doktor diyan." ani ko bago pinag-cross ang magkabila kong braso at humarap sa ginagawang building.

"Sus? Eh si Doktora Alvarez? Yun, maganda raw yun sabi nila." ani pa nito at napa-iling ako bago bumuntong hininga.

Pake ko sa magagandang doktor? Yung isang doktor lang naman diyan ang may pake ako, lalaki pa.

"Ay, saglit," hinawakan ako nito sa braso.

Napalingon ako sa kaniya at napakunot ang noo, "Ano yun?" Taka kong tanong.

Napakiling ito, "Hindi ba... syota mo si Grey noong college? Bading ka nga pala, ano?" tanong nito at agad namilog ang mata ko bago nagbalik ng tingin sa building at sinubukang hindi pansinin ang tanong niya.

"Oo nga!" Hinampas ako nito sa braso, "Mag-boyfriend kayo dati, diba? Anong nangyari sa inyo? Ang cute-cute niyo pa man din dati. Kamusta na kayo ngayon?" tanong nito sa akin.

Napasinghap ako bago tumingin sa relo ko, "Ano, uh... una muna ako. May... gagawin pa ako sa opisina. Sige pre, una na ako." Tinapik ko ito sa balikat bago naglakad paalis.

Narinig ko pang tumatawag ito sa akin pero dire-diretso akong naglakad papunta ng sasakyan at nagmaneho paalis.

Napahilamos ako sa mukha ko nang maupo sa opisina ko. Sa tuwing ma-aalala ko ang tanong ni JC ay napapasinghap ako at napapa-inom ng milktea na ipinabili ko sa secretary ko.

Ano nga bang nangyari sa amin?

Ah wala naman, nakipaghiwalay lang naman ako kasi 'straight' ako at hindi ko naman talaga siya mahal.

Punyeta talaga. Anong hindi mahal? Kung kaya ko lang talikuran ang tatay ko noong mga panahon na yun, ginawa ko, eh.

Kung hindi lang buhay niya ang magiging kapalit, baka may pamilya na kami ngayon.

Paminsan-minsan ay binibisita ko ang messages ko para tingnan kung may paramdam ba siya. Ilang beses ko rin pinagtangkaan na mag-message sa kaniya para kamustahin siya. Maski ang tanungin siya kung seryoso ba siya sa sinabi niya noong gabing iyon ay sinubukan kong gawin. Pero ayaw ko namang mainis siya sa akin at magmukha akong desperado na gawin iyon.

Pagsapit ng hapon ay sinundo ko na si Chiara sa school. Naghahapunan kami nang mag-message si Lukas at nag-aaya ng inuman sa bahay niya. Kaso hindi raw makakapunta ang mag-asawa dahil sa mga bata.

Ang naging solusyon naman ni Lukas ay ang dalhin ang inuman kila Yago.

"Bakit hindi mo isinama yung anak mo?" tanong sa akin nito nang dumating ako sa bahay nila Yago.

Napatawa ako nang pagak, "May pasok yun bukas, hindi pwedeng magpuyat." sagot ko bago umupo sa tabi nito.

"Mabuti nang hindi mo isinama, pinatulog ko na rin kasi yung kambal dahil may pasok din bukas. Walang makakalaro yun kung isinama mo rito." sagot ni Hades at tumango ako bago dinampot ang basong may laman na alak na isinalin ni Yago para sa akin.

Nagkwento si Lukas ng tungkol sa mga nangyari sa kaniya nitong mga nakaraang linggo. Nakakaawa naman itong isang 'to. Walang ibang kaibigan at walang ibang mapag-kwentuhan. Tanging mga kasambahay lang nito ang kasama sa bahay niya, madalas pang umaalis ng Maynila at mag-isa rin sa mga hotel room niya.

"Minsan nga pare... sa condo ako natutulog kapag mas feeling ko mag-drama." ani nito at napangirit ako nang bahagya habang napahagikhik naman si Yago.

"Anong mag-drama, teh? Ano? Nagre-relapse ka kay Cairo?" tanong ni Hades, muntikan nang maibuga ni Yago ang inumin habang ako naman itong agad nagbaling ng tingin kay Lukas na mukhang paiyak na.

"Kanino pa ba? Alam niyo namang yun lang ang bebe ko, eh." sagot nito na ikinahagalpak namin ni Yago ng tawa habang ikina-irap naman ni Hades.

"Gaga ka, edi hanapin mo, ligawan mo ulit." ani ni Hades at napasinghap si Yago.

"Niligawan ba ni Lux si Cairo, dati? Eh, dinala yata niya si Cairo sa santong-paspasan, eh." Turan ni Yago na ikinahagalpak namin ni Hades ng tawa.

Tumagay si Lukas bago sumandal sa bangko, "Grabe na kayo sa akin, kaibigan ko ba talaga kayo?" Pagda-drama nito, nagpepeke pang umiyak at suminghot.

Napahagikhik ako bago umiling, "Tandang-tanda mo na, trenta kana, nag-rerelapse ka pa?" Pang-aasar ko rito na ikinatawa ng mag-asawa,

Suminghap ako, "Wala pala talagang pinipiling edad ang pag re-relapse, 'no? Kahit gurang na, tinatamaan pa rin." Napahagapak kaming tatlo ng tawa.

Pabiro akong itinulak ni Lukas, "Grabe na kayo!" Sumubo si Lukas ng pulutan.

"Ibebenta ko na nga yung condo ko. Bilhin niyo na, 80 million lang." Alok nito sa mag-asawa.

Napasinghal si Yago bago napatakip sa mukha at humagikhik, si Hades naman itong napa-ismid.

"Sige, pero 10 years to pay, tapos ikaw na magpaaral sa kambal hanggang college." sagot ni Hades na ikihagikhik at ikina-iling ko.

"Ngi! Lugi pa ako!" singhal ni Lukas na ikinahagalpak ng tawa namin ni Yago. Wala na talagang ibang ginawa si Lukas at Hades kundi ang magbangayan kapag nag-iinuman kami.

"Code, ikaw? 80 million, fully furnished, dadalhin mo nalang ang sarili mo dun." Alok nito sa akin.

Napabuntong hininga ako, inilapag ang baso sa lamesa at nilingon si Code.

"Anong histura? Describe mo nga sa akin." ani ko at lumiwanag bigla ang mukha nito.

"Loft type, may 2nd floor, three bedrooms din yun. Isa sa baba, dalawa sa taas. Centralized aircon, ceiling-to-floor window, large balcony, 1,800 square feet. Mura na yun for the size, ha!" ani nito at napatawa ako nang pagak bago tumango.

"80 million? Sure ka? Fully furnished?" tanong ko at tumango ito.

"Oo, matagal na rin kasi yun sa akin at madalang ko rin puntahan. Pumupunta lang ako kapag nagdra-drama ako. Baka tirhan na nga yun ng multo, eh." sagot nito at napahagalpak ng tawa ang mag-asawa sa harap namin.

"Kaya naman pala mura, may humihingi ng hustisya!" Biro ni Yago na ikinatawa,

"Abogado pa man din si Code. Sabihin nung multo, 'Attorney Costa, pinatay nila ako, tatlo sila, isinilid ako sa blue na drum.'" Humagalpak kami nang tawa nang mag-ala-alang zombie si Yago.

Ang asawa nito ay halos itapon na ang sarili kay Yago at nakasapo na sa dibdib habang hindi na halos makahinga sa kakatawa.

"Hindi! Ang nagmumulto sa kaniya ay yung mga ala-ala nila ni Cairo!" Hagalpak ni Hades na lalo naming ikinatawa.

Mga bandang alas diyes ay nagka-ayawan na rin kami sa inuman. Kami na ni Lukas ang nag-impis ng pinag-inuman dahil mukhang bagsak na ang mag-asawa. Nagpaalam na kami bago umalis ni Lukas.

Kinabukasan, mga bandang alas nuebe ng umaga ay nag-message sa akin si Lukas at inaaya akong tingnan ang condo na inaalok niya.

Nang makita ko ito ay halatang wala halos tumitira rito. Ma-alikabok din ang paligid at may pagka-malungkot pa ang pakiramdam.

"80M, kunin mo na, pre. Ibibili ko ng bagong property yung 80M kapag binili mo." Alok nito na ikinahagikhik ko.

"Ano namang gagawin ko rito? May bahay ako, andun yung anak ko, para saan 'tong condo na 'to?" tanong ko, naglibot ng tingin si Lukas, nang lingunin ako nito pabalik at nagkibit-balikat siya.

"Awan ko, kapag nagre-relapse ka kay Grey?" Mungkahi nito.

Doon ay natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Grey. Hindi dahil nalungkot ako o nag-relapse kundi dahil may na-alala akong sinabi ni Grey.

'Let's do this somewhere else. Huwag dito sa bahay mo. Huwag tayong magkalat sa lugar kung nasaan din ang anak mo.'

Pwede rin naman namin iyong gawin sa mga hotel. Pero mas maganda kung sa exclusive place namin ito gagawin na kaming dalawa lang at solo namin ang lugar.

Nagparte ang labi ko at muling hinarap si Lukas, "Deal, I'll take it." ani ko at napakunot ang noo ni Lukas.

"Seryoso? 80M?" Taka niyang tanong at tumango ako,

"Yes, 80M, how would you like it? Cash? Check? Bank transfer?" I asked, and his eyes widened before clearing his throat, "Check will do," he replied, and I nodded before reaching for the empty check in my pocket.

I wrote him the 80 million pesos check, signed it, and handed it over to him. "When do I get to move in?" I asked, and he chuckled before shaking his head.

"Gusto mo ngayon na eh, kukunin ko lang sa taas yung mga papeles." ani nito bago umakyat sa 2nd floor ng condo.

Inasikaso namin buong araw ang paglilipat sa pangalan ko ng condo. Aabot pa ito ng ilang linggo pero pwede naman na akong maglipat ng mga gamit ko doon ayon sa may-ari ng condominium building. Pero dahil kumpleto na ang mga gamit ni Lukas dito at wala na siyang binawi na kahit ano ay hindi ko na kailangan bumili ng mga kagamitan para sa condo. Nag-hire nalang ako ng maglilinis nito para pwede na itong tirhan.

Ang problema lang... yung taong dahilan kung bakit ko binili yung condo ay hindi na ulit sa akin nagparamdam. Ilang araw ko na siyang hinihintay. Ilang araw ko rin hinihintay si Chiara na gustong bisitahin si Grey sa ospital pero may mga ginagawa ito pagkakauwi ng bahay kaya hindi pumapasok sa isip nito ang bisitahin si Grey.

Sinabi niya lang ba iyon dahil sa bugso ng dadamin? Natauhan ba siya at napagtanto niya na ayaw niya naman pala talagang gawin iyon?

O di naman kaya ay... nagsisisi na siyang ginawa namin ang mga bagay na iyon at ngayon ay dumidistansya na siya sa amin?

Imbes na magpaka-stress at mag-overthink tungkol kay Grey ay napagdesisyunan kong pumunta sa gym habang gumagawa ng assignments si Chiara sa bahay.

Doon ko inilabas ang mga hinanakit ko sa buhay at nararamdaman. Ilang kilo rin ang nabubuhat ko na medyo ikinagugulat ko dahil ilang linggo na ang nakakalipas noong huli kong bisita sa gym.

Isang ungol ang kumawala sa labi ko bago inilapag ang bar sa sahig. Inalis ko ang lifting belts sa beywang ko bago dinampot ang water bottle ko na may lamang protein drink at uminom.

Napabuntong hininga ako bago nagpunas ng pawis gamit ang likod ng braso ko.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko si Grey sa kabilang dulo ng gym, nakasuot ng puting t-shirt habang busy na mag pull up sa isang bar.

Nagparte ang mga labi ko bago agad nag-iwas ng tingin.

Well fuck, after a week of having no contact, I'm finally seeing him.Pero anong sasabihin ko?

'So Grey, kailan natin itutuloy yung nangyari sa bahay?'

That would be so stupid! I would look so desperate to fuck!

Well... maybe I am... But that's so wrong! Baka lalong magalit iyon sa akin.

Napabuntong hininga ako bago muling inilapag sa sahig ang water bottle ko. Muli kong isinuot ang lifting belts ko bago inayos ang headphones sa ulo ko at muling pumwesto para buhatin ang belt.

Ilang beses kong paulit-ulit na binuhat iyon para ilabas ang frustration ko. Para lang mawala sa isip ko at makalimutan na hanggang ngayon ay hinihintay ko si Grey na mag-reach out sa akin.

"Aray!" Agad kong binitawan ang bar nang makaramdam ng kirot sa pulsuhan ko.

Inalis ko ang lifting belt ko at ang headphones bago naupo sa isang tabi at minasahe ang pulso ko.

"Tangina talaga," singhal ko habang sinusubukang ibsan ang sakit.

Nang ilang minuto na at hindi ito nawawala ay napabuntong-hininga ako bago napatungo, minamasahe pa rin ang pulso ko.

"Patingin ako," Napa-angat ako ng tingin nang may magsalita sa harapan ko.

Agad namilog ang mata ko nang makita si Grey na nakalahad ang kamay sa akin. Napalunok ako ng laway bago tumayo mula sa sahig at inilahad sa kaniya ng kamay ko.

Inabot niya ang kamay ko at marahan itong hinawakan, "Sobrang sakit ba?" tanong niya habang pinipisil-pisil iyon.

Agad akong umiling, "Hindi naman," sagot ko habang nag-iiwas ng tingin sa kaniya.

"Yung sakit ba ay sa litid lang o sa tingin mo ay sa buto?" tanong niya at napatikom ako ng bibig habang pinapakiramdaman ang kamay ko.

"Parang... sa litid lang." sagot ko at tumango siya.

"Kapag ba ginawa ko 'to..." pinihit-pihit niya iyon, "Masakit?" tanong niya at bahagya akong tumango.

"Medyo, pero hindi gaano." sagot ko at tumango siya.

"I suggest na magpahinga kana. Don't do heavy work muna ulit hangga't hindi nawawala yung sakit, okay?" Malumanay niyang turan.

Napalunok ako ng lawya bago nag-iwas ng tingin at tumango, "Yes, Doc," sagot ko at narinig ko itong tumawa.

"Umuwi kana, madilim na sa labas, baka naghihintay na yung anak mo." ani niya at tumango ako bago binawi ang kamay ko sa kaniya. "Salamat," maikli kong turan, nag-iiwas pa rin ng tingin sa kaniya bago naglakad na paalis.

Nakaka-ilang hakbang na ako palayo sa kaniya nang marinig ko ang pagtawag nito sa akin.

"Code," nang lingunin ko siya ay tumatakbo ito palapit sa gawi ko.

"Sasabay na ako sa'yo palabas, uuwi na rin ako." ani nito nang ma-abutan ako.

Nagparte ang labi ko at taka siyang tiningnan, pinagtaasan ako nito ng magkabilang kilay, "Let's go?" Aya niya bago naglakad papunta ng locker room.

Sabay kaming lumabas ng gym, ipinagbukas pa niya ako ng pinto para hindi ko gamitin ang kamay kong masakit.

Natiyempuhan pa na magkatabi ang sasakyan namin sa parking. Mukhang mas nauna ako sa kaniya dahil wala naman ang sasakyan niya kanina sa tabi ng sasakyan ko nang dumating ako rito.

"Salamat ulit," ani ko rito bago akmang papasok na nang magsalita siya.

"Day-off ko sa... Sunday, baka... baka free ka?" tanong nito,

Natigilan ako at muli siyang nilingon, "Uhm... hindi ko alam kung free si Chiara, may... taekwondo lessons kasi siya ng Sunday." ani ko at nakita ko itong ngumisi nang bahagya.

"No, I mean—" Napatikom ito ng bibig, "About the... uhm... the thing that happened last time? Are we still..." he raised both his eyebrows.

My lips parted, and my eyes immediately grew wide after realizing what he meant.

"Uhm, are you... still up for it? I mean, hindi ka ba... uncomfortable sa nangyari?" Nangangapa kong tanong, nagpamulsa siya bago napahagikhik nang bahagya.

Umiling ito, "No, I'm not. And I'm still up for it," he replied so surely.

My lips parted before nodding. I felt like my heart stopped beating for a second, and I ran out of breath for a while.

"Sure, I actually... have a new place, a condo? Maybe we can... you know," I shrugged, "Para malayo kay Chiara?" tanong ko at gumuhit ang ngiti sa labi niya bago tumango.

"Of course, we can... do it there. Just send me the address and the time, pupunta nalang ako doon." ani niya at tumango ako.

He didn't even bid me a goodbye and just walked towards the driver's seat of his car before getting in. Pinanood ko siyang magmaneho paalis na hindi manlang ako nililingon.

Maybe he's... shy about it too? He may not be uncomfortable, but to me, it was a little bit embarrassing to plan about having sex with someone. And maybe he's going through the same thing.

I couldn't wait for Sunday. I feel like a kid who was promised to go to an amusement park as a reward. But the difference is that whatever Grey will be doing on Sunday is not suitable for kids at all.

I spent my time with Chaira the whole Saturday. I already told her I'll be busy by Sunday and will be spending the night somewhere else to work.

Maybe because of the new toy I got her, she agreed with no tantrums and nagging. Para ngang wala siyang pake sa akin noong nagpapaalam ako dahil busy siya sa paglalaro niya.

"Daddy, why are you not eating po?" tanong sa akin ni Chiara habang nagmi-miryenda siya ng spaghetti.

"I'm not hungry kasi, Chiara. You eat na, alam ko namang pagod ka galing training." ani ko at agad ko itong tumango na nasundan ng pagkekwento niya sa mga nangyari sa taekwondo lessons niya.

Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang cellphone ko dahil baka may message sa akin si Grey.

Nang matapos kumain si Chiara ay umakyat na ito ng kwarto niya para magpahinga. Saka naman ako nakatanggap ng message galing kay Grey.

From: Rafael Grey

I may not make it on 7 PM, baka mga 7:30 pa, is that okay? May emergency operation ako ng 6:30, eh.

—------

a/n: see you next week? HAHAHAH originally 6k+ words 'to, masyadong mahaba para sa akin kaya pinutol ko na hehi

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co