Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 29

_Dominous_

Grey's POV

"Grabe, ang gwapo ni Atty. Costa 'no?" Pakiramdam ko'y umangat ang magkabila kong tenga nang marinig ang sinabi ng nurse sa station.

Kahit nakatungo sa papel na binabasa ko sa counter ay napatayo ang mga tenga ko para mapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Naku! Sinabi mo pa! Napakatikas, ang pogi, palaging nakangiti, mabango, ang gwapo ng boses, at! Ang ganda-ganda ng kulay! Moreno!!"

Napatawa ako nang pagak bag napa-iling nang tahimik na tumili ang dalawa nurse sa loob ng counter.

Pati ba naman boses nasasabihan na ng gwapo ngayon? At isa pa, hindi naman gwapo ang boses ni Code, sakto lang. Okay lang.

"Kung naghahanap siya ng step-mother ng anak niya? Puwedeng-puwede ako! Ako na! Pumila kayo sa likod!" Nagkukulitang turan ng mga nurse.

Napasinghal ako bago isinara ang folder na binabasa ko at napa-buntong hininga. Nitong mga nakaraan ay napapadalas si Code sa loob mismo ng ospital. Siguro ay inaasikaso nito ang tungkol sa construction sa kabila dahil malapit na rin itong matapos. O hindi naman kaya ay baka nagpapapansin lang ito sa akin.

Kahit madalas siyang nasa loob at madalas ko pang nakikita ay hindi kami nagpapansinan. Kahit ang lumingon sa gawi ko ay hindi niya ginagawa pero hindi nakakalampas sa akin ang mga pagsulyap niya na may nakakalokong ngisi. Kaya hindi ko alam kung nananadya ba talaga siyang pumunta kung nasaan ako o nagkakataon lang.

"Balita ko... andiyan nanaman si... frieny mo." Pabiro akong siniko ni Bianca nang ma-abutan ako sa may water dispenser na kumukuha ng tubig.

Napakunot ang noo ko habang umiinom, "Sinong frieny?" Taka kong tanong sa kaniya.

Napangisi ito bago naglibot muna ng tingin sa paligid at saka lumapit sa akin, "Si FUBU mo," bulong nito na ikinakunot ko ng noo.

"Hindi kami friends," Pagtatama ko sa kaniya bago muling kumuha ng tubig.

Napahalakhak si Bianca, "Ay, oo nga pala. Hindi naman kayo, Friends-With-Benefits. Fuck buddies nga lang pala..." May nakakalokong ngisi sa labi niya na ikina-irap ko.

"At isa pa, lagi naman siyang andito, ilang beses ko na siyang nakakasalubong ngayong linggo." sagot ko bago sumandal sa pader sa tabi ng dispenser.

Napanguso nang bahagya si Bianca bago muling tumingin sa paligid, "Oo nga 'no, yun din ang napapansin namin ni Louis. Baka naman binibisita ka?" Nagbalik ito ng tingin sa akin at pinasayaw-sayaw pa ang mga kilay niya.

Napabuntong-hininga ako at muling napa-irap, "Or... binibisita nila yung construction and same goes sa meeting with the director and other executives." ani ko rito. Napangiwi si Bianca bago sumandal sa kabilang tabi ng dispenser.

Alam kong dadaldalin pa niya ako, napatingin ako sa relo ko bago napabuntong-hininga at umalis sa pagkakasandal sa pader.

"You know what, I'll get going. Nagpahinga lang talaga ako saglit dahil halos limang oras na akong nakatayo." ani ko bago siya iniwan na sa tabing iyon at hindi na hinintay na sumagot pa.

Bumisita muna ako ng ER para makita kung may pasyente ba akong pwedeng tulungan. Nang makita na kumpleto naman ang mga doktor dito ay umakyat muna ako ng HR para kumuha ng bagong DTR lalo pa at malapit nang mapuno ang ginagamit ko ngayong buwan.

"Thanks Miss Stacy," ani ko bago siya nginitian.

Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya, "Welcome Doc Chua, kapag may kailangan ka, lapit ka lang, ha." ani niya at nahihiya akong ngumisi bago tumango.

Palabas na sana ako ng buong HR nang mapadaan sa mga Grade 12 students na nag wo-work immersion dito.

"Sabi ni Miss May tayo na raw ang magdala— HINDI KO KAYA!" Agad akong natigilan nang marinig ang bsoes ng isang estudyante na mukhang paiyak na.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Natigilan ako sa paglalakad at mas lumapit pa sa cubicle kung saan nagkakagulo ang apat na estudyante.

"Kahit alam kong mabait yung director, hindi talaga! Nasa meeting sila! Tapos kasama yung ibang executives! Paano kung hindi sila mabait!?" singhal pa ng isa, napatawa ako nang pagak bago napa-iling at saka kumatok sa cubicle.

Sabay-sabay napalingon ang apat na estudyante at mukhang mga natakot at nagulat pa.

"Y-Yes po? Maingay po ba kami masyado? Sorry po!" Natatarantang turan ng isa.

Muli akong napatawa nang pagak bago umiling, "Dadalhin niyo ba 'yan kay Director?" tanong ko sa kanila bago tumuro sa puting folder na hawak ng isa.

Agad tumango ang etsudyante na may hawak nito, "Y-Yes po! Kaso... nasa meeting daw po si Director ngayon. Pero ang bilin po sa amin ni Miss May ay dalhin na raw po agad kay Director mismo." sagot nito at tumango ako.

"Kung gusto niyo, ako na ang magdadala sa kaniya." Alok ko at agad namilog ang mga mata nito bago ang tatlo ay tumango habang ang isa naman ay agad inilahad ang folder.

"Sige po, Doc, hindi po kasi talaga namin kaya!" ani nito at napatawa ako bago kinuha sa kaniya ang folder.

"'Wag na kayong mag-alala, ako na ang bahala rito. Don't worry, hindi ko kayo ipapahamak." I gave the students an assuring smile before heading out the HR department.

I took the elevator, pressed on the floor where the director usually holds meetings. I'm singing to a random melody I heard this morning while tapping my feet on the floor. When the elevator opened, I immediately stepped out, still humming the familiar melody before stopping by the meeting room's door.

I pressed my ear first to the door, and when I heard a slight talking, I figured out they're having a peaceful meeting.

I raised my first before knocking three times, I cleared my throat first before twisting the knob.

"Good morning, Director," I immediately greet him as his chair is right in front of the door.

The person in front stopped talking while the Director immediately glanced at me, and a wide smile grew on his lips.

"Oh, Doctor Chua, napabisita ka?" Nakangiting bati nito.

Tuluyan akong pumasok ng meeting room at naglakad palapit sa kaniya, "Miss May said you need these? Natatakot po kasi yung mga work immersionist natin na dalhin dito. I decided to help them out." I explained and Mr. Chan chuckled while looking through the papers inside the folder.

"You're really nice when it comes to kids, Doctor Chua." Nakangisi nitong turan.

"Everyone, this is Doctor Chua," he introduced me to the whole board.

I tensed up a bit before facing the other people around the table. But my eyes snapped to the person just beside me.

Why didn't I see Code immediately?! He's just sitting right beside me!

"He's one of the doctors I'm considering to send sa Germany para pag-aralin pa. He's a very great doctor!" My eyes grew wide.

My eyes traveled back to Direction Chan, who was smiling widely.

I swallowed the lump in my throat before my eyes travelled to the man beside me. Eyeing me from head to toe, a wide smile was printed on his lips.

"Uhm... Director, uuna na po ako. I'm afraid I'm interrupting your meeting." I excused myself.

Director Chan chuckled before nodding, "Sige, sige, thank Doc Chua." he gave me a pat on my arm, and I smiled back at him before turning around to face the door. Just when I took a step forward, my hand accidentally hit Code's glass of water, that is on the edge of the table.

"Shit— I'm sorry, Attorney!!!" I immediately bent down on my knees to pick up the shattered pieces of glass on the floor.

"Doc Chua, it's fine. I'm okay—" Parehas kaming natigilan ni Code nang bigla kong bawiin ang kamay ko dahil naramdaman ko ang gumuhit na sakit sa daliri ko.

"Are you okay?!" Nang mag-angat ako ng tingin sa mukha niya ay bakas na bakas dito ang pag-aalala.

He held my hand to look at the wound on my finger, blood dripping down my palm, almost reaching my white lab coat.

"I think it's better if you treat this wound, baka ma-infection pa." ani niya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

Tumango ako habang pinagmamasdan din ang kamay ko. Nang biglang natanaw ko ang mukha ng ibang executives na mukhang sinisilip kami ni Code sa ilalim ng lamesa ay nataranta ako bigla.

Shit, too close! Too close!

I immediately yanked my hand away from him, "I-It's fine, Attorney, I'm fine. Ako na ang bahala rito." ani ko bago agad tumayo habang hawak-hawak ang kamay ko.

Humingi ako ng paumanhin sa buong board bago nagpaalam na at dali-daling umalis ng meeting room. Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa clinic ko at nilinis ang sugat ko. Hindi rin muna ako nagpakalat-kalat sa ospital at tumanggap nalang muna ng mga pasyente sa clinic ko at doon ginugol ang natitirang oras ko sa ospital.

Pagsapit ng alas syete ay nagpalit lang ako ng damit sa clinic bago nag-out sa ospital at umalis na.

Hindi muna ako dumiretso sa condo at sumaglit muna sa gym lalo pa at mukhang natutulog na naman ang mga muscle ko sa katawan. Pero pagpasok ko palang ay mukhang gusto ko na agad umuwi.

"Kamusta yung sugat sa kamay mo?" Bungad sa akin ni Code nang lapitan ako sa isang arm machine.

Napabuntong-hininga ako bago umiling, "I'm fine, okay lang yung kamay ko." sagot ko sa kaniya at utay-utay itong tumango.

"Are you sure? Patingin nga—" akmang hahawakan niya ang kamay ko nang agad ko itong inilayo sa kaniya.

"I said I'm fine. Tiningnan ko na siya kanina. I'm a doctor, Code. Of course, I know how to treat a wound." I snapped at him.

A scoff escaped my lips before I stood up from the arm machine and walked away from him.

I almost didn't last an hour at the gym as Code seems to be getting on my nerves, even though he's not even doing anything.

Just the sight of him really boils my blood!

When I finished around 8:30 PM, I went to the shower room to take a shower, of course, and to change into some clean clothes.

I was walking through the hallway of the gym when I heard footsteps behind me. When I lifted my head from my phone and turned my head to look at the man behind me, a sigh immediately escaped my lips, and I shook my head.

"Ano nanaman?' singhal ko rito habang patuloy sa paglalakad at binabasa ang messages a group chat namin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na mas binilisan nito ang paglalakad hanggang sa masabayan na niya ako, "Wanna grab dinner? It's on me," he offered.

I stopped walking, faced him, and my brows furrowed.

I squinted my eyes at him, "What's with you?" I irritably asked.

I saw the shock on his face before he put his hand inside his pocket. "I was just trying to be nice," he sounded defeated.

I shut my eyes, took a deep breath before nodding, "Fine, fine, whatever. You can take me to dinner." I said, and a wide smile grew on his lips.

I just followed his car wherever he would take me. I even thought he'd take me to another restaurant or even a fancy one. But instead, he took a turn at Jollibee. I was surprised at first and wanted to laugh at him, but he looked excited when we went inside.

"Anong gusto mo? Ako na ang o-order." tanong niya at lumingon muna ako sa menu. "Uhm.. two piece chicken with rice. Yun lang, tapos... iced tea yung drink." sagot ko at tumango siya bago pumila na. Ako na ang naghanap ng lamesa namin at pinili pa ang isa na nasa sulok para iwas sa mata ng ibang tao.

Maya-maya ay bumalik din ito. Una kong napansin kung gaano kahaba ang resibo na dala niya kaya agad napakunot ang noo ko. Kukunin ko sana ito nang agad niya itong kinuha at itinupi.

He went silent for a few minutes. He got busy with his phone, at first at thought he was playing, but soon realized he was watching some random videos online.

I sighed, "I'm sorry about the water incident kanina. I noticed na nabasa yung pantalon mo." I broke the silence.

He lifted his head from his phone, a smile grew on his lips before he placed his device down on the table.

"It's fine, wala yun, mas importante yung sugat mo. Kamusta nga pala yung kamay mo?" tanong niya na bahagya kong ikinatawa.

"Alam mo, kanina mo pa kinakamusta yung kamay ko. I already told you, it's fine, ginamot ko na." ani ko rito na may bahid ng inis sa boses.

Napahagikhik siya bago dahan-dahan na inabot ang kamay ko na nasa lamesa. Napakunot ang noo ko at gusto sanang bawiin ito agad pero nang nakita ko kung gaano kaingat ang kamay niyang hinawakan iyon at hinimas-himas ang gasa ay napawi ang inis ko.

"You shouldn't really have touched that shattered glass. You shouldn't have cared about those, hinayaan mo na sana," he said while softly caressing my finger.

My brows furrowed, "What are you talking about? Of course, I feel sorry for yanking your glass and making a mess inside the meeting room." I said, and he lifted his head, locking eyes with me.

He sighed, "Kahit na, dapat hinayaan mo nalang." ani niya at umiling ako.

"The Director and other executives are inside that meeting room. Plus, you were there, nakakahiya na nga yung nangyari, I was trying to clean my own mess." I replied, and he squinted his eyes at me.

"It was an accident, you didn't want that to happen," he replied, and I sighed,

"Kahit na, those people are my boss. They're still higher than I." I replied before taking a sip from my water.

"Higher than you? Ano naman?" tanong niya at napasinghal ako bago napatawa nang pagak.

"Wala, hindi mo mage-gets yung sinasabi ko—"

"Ano nga? Iintindihin ko." Pangungulit nito. Malumanay ang boses niya at malambing ang tingin nga mga mata sa akin.

Napabuntong hininga ako bago pinagmasdan ang kamay niyang minamasahe ang kamay ko, "Code... you're the owner's son of the company you're working at. Your... life is secured. I'm sure not even once you see yourself as someone small. Pero ako? Sometimes... sa tanda kong 'to? Sa tagal ko nang doktor? Minsan mababa pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Kaya grabe nalang ang takot ko kanina noong nabasag ko yung baso mo. Pakiramdam ko... hinuhusgahan na ako ng ibang executives." sagot ko rito.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko kung gaano kalambot pero malungkot ang tingin niya sa akin.

Muli itong bumuntong hininga bago sinapo ng magkabilang kamay niya ang kamay kong may sugat.

"Edi... mag resign ka na sa trabaho mo. If... you feel that way. Kung... na-aapektuhan ang mental health mo, edi mag-resign ka." ani niya na agad kong ikinatawa.

"Wow ha, at paano ako mabubuhay? Saan ako magtatrabaho?" Pabalang kong tanong dito na ikinatawa niya rin.

"Kukunin kitang personal doctor ni Chiara. Two hundred thousand pesos a month, okay na ba yun?" tanong niya at agad namilog ang mata ko bago pabirong hinampas ang kamay niya.

"Loko ka, ewan ko sa'yo." Inis kong turan dito habang siya itong humahagikhik.

"But you heard what Director Chan said, ipapadala ka niya sa Germany para pag-aralin." ani niya, napangiwi ako bago napakunot pa ang noo.

"Sus, hindi yun totoo. Maraming mas magagaling na doktor kaysa sakin, hindi niya ako ipapadala sa ibang bansa." sagot ko rito na ikinatawa niya nang pagak.

Maya-maya ay tumunog ang buzzer kaya naman agad itong tumayo para kunin ang order niya. Napakunot ang noo ko nang makita itong naglalakad pabalik at may kasunod na isa pang waiter na may dala rin na tray na puno ng Kiddie Meal box.

"Bumili ka ng mga laruan?" Taka kong tanong dito.

Napabungisngis siya bago tumango habang inaayos sa lamesa ang mga pagkain. "Chiara saw them sa TV and immediately wanted them, I wanted to surpise her that's why I bought the whole collection." he replied which made me chuckle as I watch him excitedly check each toy in each box.

But my smile slowly fades over the next few seconds.

He really loves his daughter. I wonder if... we actually have our own family, would he be as happy as he is right now? Ano kayang pakiramdam na bumuo ng pamilya kasama siya?

Inaya na niya akong kumain matapos niyang tingnan lahat ng laruan. Mabuti nalang at natahimik din siya sa pagkain kaya hindi ako napilitan na magsalita at kausapin siya.

I thanked him for the dinner after we finished eating. I even helped him bring the seven Kiddie Meal boxes to his car since it was too much for him to hold.

When the weekend came, Chaira would message me nonstop using his father's account. She would ask whether I've already had my lunch, if I'm busy, or just checking up on me.

She's really a sweet kid. And I must admit that I'm missing her too. The sudden change in my schedule of day off from weekends to weekdays did make such an impact on me. I used to have my day off at any time of the week. But when Chiara and Code came, it felt like it had been a routine for me to be free by either Saturday or Sunday, just to spend time with them.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cellphone mo, sino bang inaabangan mo na mag message?" tanong sa akin ni Louis habang nagmi-miryenda kami.

Napatawa ako nang bahagya bago umiling at inilapag sa lamesa ang cellphone ko, "Si Chiara, na-late kasi yung reply ko sa kaniya. Baka hindi ko nanaman mapansin kapag nag-reply siya, magtampo pa yung bata." ani ko at nakita kong nagkatinginan ang dalawa.

"Yung anak ba talaga o... yung tatay ang kausap mo?" tanong ni Bianca at napa-irap ako.

"Yung anak nga, ang kulit niyo." ani ko bago sumubo ng halo-halo.

Napatawa si Bianca, "Pa-alala lang, ha. Sunday ngayon, araw ng pagsimba, baka naman iba ang luluhuran mo mamayang gabi." ani ni Bianca na ikina-kunot ng noo ko.

"Bastos! Of course not! Madalang naman namin gawin ni Code, last week yung huli namin." sagot ko rito at utay-utay tumango ang dalawa.

"I think dapat mga once a week manlang, 'no? Para... mapanindigan yung pagiging FUBU at mas mahulog ang loob niya sa'yo." sagot ni Louis at napasinghal ako habang hinahalo ang pagkain ko.

"May required number pa kung ilang beses makikipag-sex sa ka-FUBU?" Natatawa kong tanong bago muling sumubo ng halo-halo.

Narinig kong humagikhik si Louis, "Wow ha, parang first time makipag-FUBU." Pang-aasar nito na ikinahagalpak ng tawa ni Bianca.

"Ilang beses niyo nga ginagawa noong nasa med school tayo? Ah... oo, three times a week?" Mapang-asar nitong turan bago nagpabalik-balik ng tingin sa akin at kay Louis.

Napatawa nalang ako nang pagak bago umiling.

I got bored after my shift. It was 9 in the evening and I couldn't fall asleep. I decided to watch a movie series while eating some ice cream in my living room. After finishing one episode, I got sick of it. I have also finished my ice cream and didn't want to go for another tub.

I frustratedly ran my fingers through my hair before picking up my phone, messaging Code's account.

To: Nicodemus Ace

are you asleep already? I can't sleep, can we meet?

After five or seven minutes, he finally read my message and sent a reply.

From: Nicodemus Ace

I'm finishing something, pero matatapos na rin 'to in few minutes, kung gusto mo, mauna kana sa condo, I'll send you the passcode.

He sent me the passcode for his condo's padlock. I immediately packed my things before heading out of my unit and driving off.

When I arrived at his place, I immediately went straight to the bedroom and waited for him. I have already informed him that I'm at his place and waiting for him. I waited and waited for him until I didn't notice I was already dozing off and fell asleep.

I woke up with a heavy feeling in my arm. I also realized I'm already lying down on my side, different from the last position I remember. My brows furrowed when I saw that I'm already covered by the thick and soft blanket. When I looked underneath it, I was shocked to see Code's arm wrapped around me.

Agad akong napabangon na ikinagising ni Code.

"Shit! Bakit hindi mo 'ko ginising?!" Taranta kong turan dito bago agad hinubad ang t-shirt na suot ko.

Natigilan ako nang bigla akong hawakan ni Code sa kamay at pinigilan akong hubarin ang pajama ko.

"Hey, Grey, chill, relax. Matulog nalang tayo." ani nito sa garalgal at inaantok niyang boses.

Napakunot ang noo ko, pinanood ko siyang kunin ang hinubad kong t-shirt at ini-abot ito pabalik sa akin.

"But... you came here to fuck." I said, and he smiled, a soft chuckle escaping his lips.

"Yeah, but when I arrived, you were already sound asleep. Ang sabi mo pa sa message mo, hindi ka makatulog, pero pagdating ko, ang himbing na ng tulog mo kaya hinayaan nalang kita." sagot niya at agad nagparte ang labi ko.

"But, aren't you expecting to fuck?" I asked once again.

He chuckled, shook his head before laying back down on the bed. "Seeing you is enough for me. Kahit hindi natin gawin yun ngayong gabi, kuntento na ako."

—------

a/n: hey, i'm sorry, I really feel shitty about this chapter, I don't feel so good while writing this and this feels more like a filler chapter and has nothing to do with the plot, but I'll try to make it work huhuhu, i was going through a writer's block and I just pushed myself to write huhuh, promise, next chaps would be better. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co