Chapter 34
Code's POV
"Daddy, can we visit Doc Grey po ulit? I miss him na po. It's been a while since we last saw him." I paused with Chiara's sudden request.
I slowly chew on my breakfast before glancing at my daughter, "Today? But Chiara, it's Wednesday, may pasok ka." tanong ko rito.
Ngumuso ito bago nagbaba ng tingin pagkain niya, "What about after class po? After you pick me up from school?" Pakikipagtawaran nito.
Napahagikhik ako nang bahagya bago sumubo ng hotdog, "But you have your tutoring, right? Akala ko ba you want to be better in math?" tanong ko rito. Agad namang ngumuso ang labi nito.
"Can we... move the schedule po? 7 PM? Let's just see Doc Grey, please!!!" She clasped her hands together, placed them under her chin, before showing me puppy eyes while pouting cutely.
I sighed before looking back down on my food, "Fine, I'll tell your tutor na 7 PM nalang pumunta ng bahay." ani ko at biglang lumiwanag ang mukha ni Chiara.
"Yeyy! Thank you, Daddy! You're the best!" She gave me a thumbs up before clapping her hands together.
I chuckled, shaking my head a bit before continuing to eat.
Pagkahatid ko sa kaniya sa school ay agad akong nag-message sa private tutor niya na i-move ng 7 PM and session nila ni Chiara sa bahay. Nakakatawa pa nang mapagtanto ko na nauna kong i-reschedule ang tutoring ni Chiara kaysa i-message si Grey para magtanong kung free ba siya mamayang hapon.
Napakagat ako sa labi bago pinatay ang cellphone. Napabuntong hininga ako habang pinaglalaruan ang device ko sa kamay.
Paano ko sasabihin sa kaniya? Paano ako magtatanong? Paano ako mag re-reach out sa kaniya? Kung dalawang linggo na ang nakakaraan noong huli naming pagkikita.
"Maze," tawag ko sa secretary ko. Agad itong nag-angat ng tingin mula sa ginagawa niya, "Yes, sir? May kailangan po kayo?" tanong nito.
Napasinghap ako bago napabuntong hininga at inikot-ikot ang bangko ko.
"Kung... susuyuin ka— ah hindi, halimbawa, may boyfriend ka, tapos... dalawang linggo mo na siyang hindi pinapansin. Kahit messages, wala kang paramdam, tapos susuyuin ka niya, anong gusto mong matanggap mula sa kaniya?" tanong ko rito.
Napakunot ang noo ng secretary ko bago maya-maya ay napangiwi.
Nagparte ang mga labi nito, "Sir... may girlfriend kayo—"
"Example lang yun. Pero kung susuyuin ka, anong gusto mong matanggap?" Putol ko rito.
Muling napakunot ang noo niya, "Sir, ako... praktikal kasi akong tao. Kung manunuyo ka... ibig sabihin nagtampo ako. Mas gusto ko na pag-uusapan namin yun ng boyfriend ko kaysa magbigay siya ng kung anu-ano." sagot niya at napapikit ako nang mariin bago utay-utay tumango.
"Pero hindi nga, siyempre... kapag mag-uusap kayo, maganda na... may dala siya para sa'yo, ano yun? Anong gusto mo?" tanong ko ulit rito.
Muli siyang napangiwi bago sumandal sa bangko niya, "Siguro sir... bigas, tapos kambing, o baka." sagot niya at napasapo ako sa noo ko.
Jusko naman, Maze! Yung sweet naman, yung... nakakakilig! Saan aalagan ni Grey ang baka at kambing sa condo niya?!
Utay-utay nalang akong napatango habang minamasahe ang noo ko, "Sige, Maze, salamat nalang." ani ko at tumango ito bago nagbalik ng tingin sa mga papel sa lamesa niya.
Napabuntong hininga ako bago napansandal sa bangko ko at pinaglaruan ang ballpen sa kamay ko. Ilang beses ko itong pinaikot-ikot habang nakatingala sa kisame at nag-iisip ng paraan kung paano makakausap si Grey— at ang paraan kung paano makakakuha ng pagkakataon na maka-usap siya.
Naka-attend nalang ako ng isang meeting at nakapagtanghalian pero wala pa rin akong naiisip na gagawin. Hindi ko magawa-gawang mag-message sa kaniya dahil kinakabahan ako.
"Maze," Tawag ko ulit sa secretary ko. Alas dos na ng hapon at ilang oras nalang ay susunduin ko na si Chiara sa school.
"Yes, sir? May kailangan po kayo?" tanong ni Maze, nakatingala subalit nakatutok ang mga mata sa lamesa niya.
"May bagay akong nasa isip ngayon, sa tingin mo ba, gawin ko o hindi?" tanong ko sa kaniya.
Napakunot ang noo nito, nakababa pa rin ang tingin sa laptop sa harap niya at patuloy ang pagtipa rito.
"Gawin niyo na sir, mukhang kanina pa kayo binabagabag niyan." Pabalang nitong sagot.
Napabuntong hininga ako bago tumango at sumandal sa bangko, "Salamat Maze, maaasahan ka talaga." ani ko bago nagtipa sa message box ko para kay Grey.
To: Rafael Grey
[Hey, nasa trabaho ka ba ngayon? Gusto ka kasing makita ni Chiara. Baka pwede ka namin puntahan at sunduin para magmiryenda? Kahit saglit lang.]
Pinagmasdan ko ito ng ilang segundo bago sinend. Napa-igkas ako mula sa bangko ko. Agad kong binitawan ang cellphone ko at ipinatong sa lamesa bago naglakad-lakad sa tabi ng lamesa ko.
Nang hindi pa masiyahan at pakiramdam ko'y sasabog ako sa kaba ay kinuha ko ang walis at dustpan sa may lamesa ni Maze at nagwalis-walis sa paligid.
"Sir, anong ginagawa niyo? Naglinis po ang utility dito kaninang umaga. Madumi po ba?" tanong niya, nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bahagyang namilog ang mga mata ko.
"U-Uhm... hindi naman, ano lang... wala lang akong magawa." Pagdadahilan ko. Nagparte ang mga labi niya bago utay-utay tumango, "Sige sir," ani nito. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya habang patuloy sa pagtitipa sa laptop.
Nang matapos sa pagwawalis at hindi pa rin ako kalmado ay diniligan ko ang mga halaman na nasa loob ng opisina ko.
Maya-maya ay ilang beses akong tinawag ni Maze na may halong paghangos sa boses, "Sir...! Sir...! Fake po 'yang mga halaman na 'yan...!" Agad akong natigilan sa pagbubuhos ng tubig sa paso.
Nag-ayos ako ng tayo at agad siyang nilingon, "Talaga ba?" Taka kong tanong, napakamot ito sa ulo niya bago tumango, "Opo sir, kaya... hindi niya na po kailangan diligan 'yan." ani niya at utay-utay akong tumango bago binitawan ang water bottle na hawak ko.
Pinagpagan ko ang kamay ko at nagpunas pa ng tissue nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa lamesa. Agad namilog ang mata ko bago dali-daling napatakbo sa gawi nito at binuksan ang message.
From: Rafael Grey
Free ako ngayon dahil day-off ko naman.
From: Rafael Grey
Nasa lang condo ako
Agad namilog ang mata ko, "Maze...!" Nang lingunin ko nag secretary ko ay gulat itong nakatanaw sa akin.
"Aalis lang ako— I mean, baka hindi na ako bumalik. Tawagan mo 'ko kapag kailangan ako pero kapag kailangan na kailangan lang." Nagmamadali kong turan habang inaayos ang mga gamit ko.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya nang maayos bago dali-daling lumabas ng opisina.
Dumaan ako sa flower shop malapit sa kumpanya. May nadaanan din akong bakeshop at bumili ng maliit na chocolate cake bago dumiretso na sa condo niya.
Naglalakad ako papasok ng building nang mag-message ulit si Grey.
From: Rafael Grey
Umakyat ka nalang, nakapagsabi na ako sa receptionist. Banggitin mo nalang ang pangalan mo sa kanila tapos dumiretso kana ng unit.
Nag-heart nalang ako sa message niya bago ginawa ang mga sinabi niya. Mabilis akong naka-akyat sa floor ng condo niya at kinakabahan na naglakad papunta ng unit niya.
Bumunot ako ng isang malalim na buntong hininga bago pinindot ang doorbell. Narinig ko na ang boses niya, bago maya-maya ay ang yabag ng paa niya at kasunod ay nagbukas na ang pinto.
Nagulat ko nang bumungad sa akin si Grey na nakasuot ng bathrobe, nagpupunas ng buhok na nagtutulo pa.
Napalunok ako ng laway bago nagbaba ang tingin ko sa dibdib niya na bahagyang nakalabas.
"Uhm... nasaan si Chiara?" Natauhan ako nang magsalita siya.
Bumukas na ang labi ko subalit walang lumabas na salita rito. Agad ko itong itinikom pasara bago tumikhim, "Uhm... balak ko kasing... sunduin natin parehas... tapos... saka natin dadalhin sa kainan." Nangangapa kong sagot sa kaniya.
Nagparte na ang mga labi niya bago utay-utay tumango.
"Pumasok ka muna...?" Pinagtaasan niya ako ng isang kilay.
Agad naman akong napatango at humakbang papasok nang bahagya siyang pumwesto sa gilid at tumabi bago binuksan ng malaki ang pintuan.
Para akong bata sa bahay ng kaibigan ko na dahan-dahan naglalakad papasok. Naglibot ang tingin ko at pinagmasdan ang loob ng unit niya. Wala itong naging pagbabago sa huling beses na nagawi ako rito.
"Gutom ka ba? Gusto mo ba ng pagkain?" Agad kong nilingon si Grey sa likuran ko na nag-aalinlangan na nangangalok ng pagkain.
Nagparte ang labi ko bago napatingin sa cake sa kamay ko, "I... bought you some cake— and flowers," I panicked a bit.
I saw how his brows furrowed before his eyes travelled down to the things in my hand.
"Flowers? Bakit? Para saan?" Taka niyang tanong.
Napalunok ako ng laway bago naglakad papunta sa gawi niya. "I just thought na... baka... galit ka sa'kin o... may hindi ka nagustuhan sa mga nangyari noong nakaraan kaya hindi kana nagparamdam." Nag-aalinlangan kong turan. Muling kumunot ang noo niya, inilahad ko sa kaniya ang bulaklak at cake na dahan-dahan niyang inabot.
"You really don't have to do this—"
"But I wanted to. After everything that happened? After we had sex? Hindi ka nalang magpaparamdam? It may be my first time having a fuck buddy but I know ignoring each other after a very heated night is wrong. Nag-aalala ako sa'yo, specially after we... saw your mom downstairs." I cut him off.
His lips parted, and I saw how his eyes grew wide right after I finished talking. He pursed his lips, wet his lower lip using his tongue before looking away, "Wala yun. Nothing happened, really." he started walking towards his kitchen, placing the box of cake on the countertop.
My feet immediately moved on their own, and the next thing I knew, I was already chasing after him.
"B-But... But why didn't messaged me? Bakit hindi ka nagparamdam?" Taranta kong turan habang pinapanood siyang buksan ang kahon ng cake.
Nakita ko itong suminghal at tumawa nang pagak, "Bakit pa? Para saan? Kailan ba ako unang nag-message sa'yo?" Nagtaas ito ng kilay.
"Hindi ba't ikaw ang laging nangungulit? Hindi ba't ikaw ang una laging nag-me-message? Bakit ka ngayon naghihintay na para bang may pananagutan ako sa'yo? It was just sex, Code. Get over it!" he sternly said before facing his back at me.
He was about to walk away when I grabbed his wrist and forcefully spun him around to face me, "Because I care, okay? I care about you and I'm worried about you!" I snapped.
I saw the shock on his face, how his eyes grew wide, and how his lip parted.
"Kahit sabihin mo na sex lang yun, na fuck buddies lang tayo, hindi ko mapipigilan yung sarili ko na mag-alala sa'yo! Cause we had sex — we had a connection with each other! Hindi ako sanay sa culture ng mga tao ngayon na ginagawang normal na bagay ang pakikipag-sex! Because if it were to happen to us years ago, I would've cherished that moment—"
My face immediately turned to the other side when Grey's hand landed on my cheek. I shut my eyes tight, felt the stinging pain on my left cheek as I heard Grey's deep and loud breaths in front of me.
"If it were... to happen years ago?" he scoffed. I reached for my cheek that he just slapped and gave it a few massages before facing him again.
I saw the anger on his face. I saw how his brows are furrowed, almost touching each end. I saw how his jaw is clenched tight, and how his shoulders go up and down as he takes heavy breaths.
"Guess what, Code? It did happen to us years ago. You used me for your own fucking pleasure, making me think that you were in love with me— but no. You. Fucking. Used. Me." he pointed at my chest, pressing his finger hard on my skin as he spoke each word.
I swallowed, and a lump in my throat before lowering my head.
He's right— well, technically, he's not. It's not true. What he knows is wrong. What I told him was a whole lie. And what he believes now is all wrong. But... I did tell him I was just using him before. And I cannot blame him for holding onto it even after years had already passed.
"Look, Grey—" When I lifted my head back. My heart crashed as I saw the tears streaming down his cheeks and how his eyes were now red from crying.
He immediately looked away before aggressively wiping his cheeks.
"Ano? Ano nanamang sasabihin mo?" Matigas niyang turan.
Napabuntong hininga ako bago napahilamos sa mukha, "I know... I know what I did was wrong. And what I said a while ago was... wrong too. I'm sorry," I apologized. I saw him swallow a lump in his throat, tears still streaming down his cheeks.
"I was just... really worried about you. Nag-alala lang ako kasi hindi kana nagparamdam. I must admit that I was a coward too. Dapat... hindi na ako nagpadala sa kaba at takot ko." Paliwanag ko.
Muli niyang pinahid ang luha sa pisnge niya bago ako nilingon. Nanikip ang dibdib ko nang makita na mas mapula na ang mga mata niya at mas basa na ang mga ito.
"I came here to... apologize. If... may... may hindi ka man nagustuhan sa ginawa ko. Kung may sinabi man ako na mali, kung may mali man akong nagawa noong nakaraan— I'm sorry, Grey. I really am." I sincerely said.
He glared at me, brows still furrowed, but his jaw was no longer clenching, and he had a softer expression than a while ago.
"And I hope... we can be okay, kahit ngayon lang. Kasi... gusto ka talagang makita ni Chiara." Pagmamaka-awa ko rito. Nagtagpo ang mga mata namin, nawala ang kunot sa noo niya at mas naging malambot pa ang ekspresyon niya.
Suminghot ito, "Ano pa nga ba? Sa tingin mo ba... papa-akyatin kita rito dahil lang gusto ko? Ginagawa ko lang naman lahat ng 'to para sa anak mo." Masungit niyang turan. Pero kahit gaano kasungit iyon ay gumuhit pa rin ang maliit na ngiti sa labi ko.
Kahit gaano ito kainis at kagalit sa akin ay nagawa pa rin ako nitong ipaghanda ng chips at juice. Pinapanood din muna ako nito sa sala habang nagbibihis at nag-aayos siya sa kwarto. Nalingat ako sa oras at nagulat nalang nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa si Grey na nakasuot ng maong pants, black shirt na pinatungan niya ng light brown na blazer.
"Okay... lang ba yung damit ko? Susunduin lang naman natin si Chiara diba?" tanong nito.
Agad namilog ang mata ko bago tumango, "Yes, yes— you look good— I mean fine. Okay na 'yan." sagot ko at napakunot ang noo niya.
"Okay na 'to in a sense na... pwede na? Or... is it... Great?" he asked, and my brows furrowed.
What does that mean? "It's... great, maganda, maayos tingnan." sagot ko at utay-utay siyang tumango.
Sinundan ko pa ng tingin nang maglakad siya sa gawi ng pintuan niya kung nasaan ang ibang sapatos niya.
"White shoes or... this one?" He held two shoes in the air.
My lips parted a bit before pointing at the white rubber shoes, "That one looks better." sagot ko at tumango siya bago iyon dinala sa kwarto niya.
Ilang minuto ang nakalipas at muli itong lumabas, nakasuot na ito ng sapatos at may suot pang cross, sling bag.
"Tara na ba? Anong oras ang labasan nila Chiara?" tanong nito sa akin,
Agad akong napatingin sa relo ko, "Uhm... it's... 4:33 PM, 5 PM ang uwian nila." sagot ko at tumango siya.
"Tara na? Baka mahuli tayo sa pagsundo," pag-aaya niya. Agad naman akong napatango at tumayo bago dinala ang pinagkainan ko sa lababo.
"Let's use my car," Aya ko sa kaniya nang makita itong maglalakad sana palayo.
Nilingon ako nito at bahagya pang napakunot ang noo, "Paano ang pag-uwi ko?" tanong niya at pinindot ko na ang remote ng sasakyan.
"Ihahatid kita," sagot ko rito. Nagparte ang mga labi niya, nakita ko pa ang pag-aalinlangan sa mata niya ng ilang segundo bago maya-maya ay tumango ito.
The whole ride to Chiara's school is very silent. I would glance at Grey for a split second before looking back on the road just to see what he's doing.
He's busy on his phone. He looks like he's watching some random videos, as I can hear some sounds coming from them.
Kahit may kantang tumutugtog sa speakers ay ramdam ko pa rin ang awkwardness ng paligid. Lalo pa nang tumugtog ang BMW ni Because & Leslie na may pagkamalaswang kanta.
Agad ko itong inilipat, maya-maya ay narinig kong tumawa si Grey na bahagyang ikinakunot ng noo ko.
"Bakit?" Taka kong tanong. Nagpatuloy ang paghagikhik niya na medyo ikinakatawa ko na rin.
"Imagine, you're playing BMW sa sasakyan mo tapos Toyota naman ang brand ng kotse mo." Natatawa niyang turan. Doon ay gumuhit ang ngiti sa labi ko bago napahagikhik din.
"Wala, eh, hindi sila gumagawa ng kanta na ang title ay Toyota." sagot ko na ikinahagikhik nanaman niya.
"Sa tingin mo ang disrespectful nun sa sasakyan mo kapag nagpapatugtog ka ng BMW?" tanong niya na ikinahagalpal ko ng tawa.
"Hindi ko alam, hindi naman nagsasalita yung sasakyan ko, eh." sagot ko na ikinahagikhik nanaman niya.
"Ano kayang lyrics ng kanta kung Toyota naman ang gawan nila ng kanta?" tanong niya, napangirit ako, nagpipigil tumawa pero hindi nagtagumpay at napahagikhik na rin.
Parehas kaming napatawa sa tanong niya. Nagluha pa ang mata ko sa kakatawa na agad itong pinahid.
"'Kaw ang laman ng... passenger seat, empty road..." Lumingon ito sa likuran, "Seven seater—" Parehas kaming napahagalpak ng tawa sa kinanta niyang lyrics.
"Para meron tayong space sa likod," Pagpapatuloy ko sa kanta,
Napabuntong hininga siya bago muling nagbalik ng tingin sa cellphone niya, "Ating sulitin ang hamog, magsisilbi 'yang taklob, ang hilig 'di malagot na masilip sa loob," Pagkanta pa niya.
"Sa loob ng aking—" nagkatinginan kaming dalawa, hinihintay ko siyang ituloy ang kanta.
Napangisi ito, "Sa loob ng aking... Land Cruiser—" Napahagalpak nanaman kami ng tawa.
Napasubsob si Grey sa dashboard habang ako itong sige ang hagalpak habang nagmamaneho. Pinindot ko ang screen para muling patugtugin ang BMW na sinabayan namin ni Grey sa pagkanta.
Hanggang sa pagbaba namin ng sasakyan sa tapat ng classroom ni Chiara ay naririnig ko ang pag-hum ni Grey ng kanta. Naupo kami sa isang flower pot habang hinihintay ang paglabas ng mga bata.
Nang magsimulang magtakbuhan ang mga bata palabas ng classroom nila Chiara ay nanatili lang akong naka-upo. Pero nang biglang tumayo si Grey at tumakbo papunta doon ay napatayo rin ako at hinabol ito.
Nakita ko ang pailan-ilan na tingin ng ibang bata at mga magulang kay Grey habang tinitingnan isa-isa ang mga batang babae na lumalabas ng pinto.
Maski ako ay kinikilala ang anak ko sa mga bata.
"Daddy!!" Ako ang unang nakita ni Chiara, sa akin ito unang tumakbo at yumakap.
Nakita ko kung paano hinabol ng tingin ni Grey si Chiara at mukhang hindi alam ang gagawin lalo pa at hindi siya napansin ng bata.
"Chiara, look who's here," tinapik ko ang balikat ang anak ko.
Nang kumalas ito sa yakap at sinundan ang kung saan nakaturo ang daliri ko ay napasinghap ito, "Doc Grey!!" Agad itong tinalunan si Grey. Agad namang lumuhod si Grey para salubungin ito ng yakap at binuhat.
"Hello, big girl, did you missed me?" tanong nito sa bata, agad namang tumango si Chiara na parang sirang manika.
"Yes po! Super-duper po!" sagot ng anak ko. Parehas kaming napabungisngis ni Grey sa ka-cute-an ng anak ko.
Naglakad na kami pabalik ng sasakyan. Si Grey at Chiara ang nauuna-unang maglakad papunta rito habang nasa likuran ako at dala-dala ang bag ni Chiara. Hindi nakakalampas sa mata ko ang mga masasamang tingin ng mga tao kay Grey at Chiara. Kapag maglilipat sila ng tingin sa akin at makikitang nakatingin na agad ako sa kanila ay agad silang nag-iiwas ng tingin.
Bakit? Ngayon lang kayo nakakita ng magulang na fresh sumundo sa anak?
Nasa sasakyan palang kami ay madaldal na si Chiara. Wala itong patid sa pagkekwento kay Grey sa mga nangyari sa school niya nitong mga nakaraan. Hanggang sa makarating kami sa Korean buffet ay patuloy siya sa pagkekwento. Mukhang natatandaan pa rin niya ang mga kaganapan sa buhay niya at ikinekwento ang bawta detalye — hindi manlang nag-summarize.
"Do you wike Korean food po, Doc Gwey?" Tanong ni Chiara kay Grey habang may laman ang bibig.
Parehas kaming napahagikhik ni Grey, kumuha ako ng tissue at agad pinunasan ang amos ng anak ko.
"Don't talk when your mouth is full, Chiara." Pa-alala ko rito.
Mabilis nitong nginuya ang pagkain sa bibig niya at agad nilunok, "I love Korean foods po, Doc Grey. Ikaw po?" tanong ulit nito kay Grey na busy sa pagluluto.
Napangiti si Grey, "I like some of their food, noodles, chicken, dumplings, and some of their street foods, too. But not much, I'm more on... Chinese foods kasi, eh." Sagot ni Grey at agad namilog ang mata ni Chiara.
"Woah... you like Chinese foods po? Why po?" tanong ni Chiara at bahagyang napahagikhik si Grey habang patuloy sa pagluluto.
"Hindi ko pa ba nasabi sa'yo? I'm half Chinese, Chiara. My father is full Chinese while my mom is half-Filipina, half-Spanish." Grey replied. Napakunot ang noo ko at maski ang noo ni Chiara.
"Part Spanish ka pala?" Taka kong tanong habang ngumunguya.
Napatawa si Grey bago tumango, "Yep, hindi lang halata dahil mas mukha akong Chinese." sagot ni Grey at utay-utay akong tumango.
"If you're Chinese po, have you been to China?" tanong ni Chiara, nagbalik ako ng tingin kay Grey, naghihintay rin ng sagot.
Ngumiti si Grey bago tumango, "I have, for few times. Pero hindi ako tumira sa China dahil sa Pilipinas naman ako ipinanganak." sagot ni Grey at parehas kaming napatango ni Chiara.
Hinango ni Grey ang karne na niluluto niya. Ginupit pa nito ang karneng bagong luto sa pinggan ni Chiara dahil masyado itong mahaba. Habang diretso naman na inilagay sa pinggan ko ang isa.
Ngumuso ako, "Bakit hindi mo ginupit?" tanong ko, napangiwi si Grey bago napatawa nang pagak.
"Matanda kana, hindi kana mabubulunan." sagot niya na ikinatawa namin parehas.
Hindi namin natapos ang 2 hours na time limit sa buffet lalo pa at busog na kaming tatlo at may tutor pa si Chiara. Pumayag naman si Grey na ihatid muna namin ang bata sa bahay dahil parating na ang tutor nito bago ko siya ihatid sa condo niya.
"I will miss you po ulit, Doc Grey." Hindi halos kumalas si Chiara sa pagkakayakap sa binti ni Grey.
Napangiti ako habang si Grey naman ay napahagikhik nang bahagya, "I will miss you too, Chiara. But we will see each other next time naman, right?" tanong ni Grey, kumalas na sa yakap si Chiara bago tumango. "Opo, pero I'll miss you pa rin." sagot ni Chiara at tumango si Grey bago inayos ang buhok ng bata.
Humakbang ako palapit sa anak ko, "After your periodical exam, we will go somewhere, saan mo gusto?" tanong ko rito.
Bahagyang ngumuso si Chiara bago maya-maya ay lumawanag ang mukha, "China!" sigaw nito.
Napasinghap si Grey habang ako ito napapikit ng mariin, "How about inside the Philippines muna, okay? Sige na, go upstairs and change your clothes, parating na ang tutor mo." ani ko rito. Tuluyan itong umakyat ng bahay, nagsisisigaw pa at nagpapaalam kay Grey bago tuluyang pumasok ng kwarto niya.
"Tara na, ihahatid na kita." Aya ko kay Grey. Napawi ang ngiti sa labi niya bago utay-utay tumango. Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ng sasakyan. Nakasalubong pa namin sa may gate ng subdivision ang tutor ni Chiara na paparating pa lang.
Na-traffic kami sa isang banda papunta ng Rockwell. Sumabay pa ang malakas na ulan kaya halos zero visibility na ang daahn.
"Anong oras ang pasok mo bukas?" Binasag ko ang katahimikan na bumabalot sa amin.
Nag-angat siya ng tingin mula sa cellphone niya, "7 AM ang pasok ko, minsan, 9 AM. Pero twelve hours pa rin ako sa trabaho maliban nalang kung may operation or emergency." sagot niya at utay-utay akong tumango.
Lumingon ako sa gawi ng bintana at tinanaw ang labas. Sobrang lakas ng ulan na halos ilaw nalang ng ibang sasakyan ang na-aaninag ko.
Nasa isip ko pa rin ang BMW na kanta at nag-hu-hum pa sa ritmo nito. Sinasabayan ko pa ng bahagyang paghampas sa manibela para mabawas-bawasan ang katahimikan sa loob.
Ilang minutong umusog ang traffic, pero maya-maya lang din ay muling tumigil ang mga sasakyan. Ilang beses akong panakaw-nakaw ng tingin kay Grey. Hindi na ito busy sa cellphone niya pero nakasandal sa bintana at nakatanaw rin sa labas.
Tumikhim ako, "Uhm, Grey, can I ask you something?" I finally had the courage to ask.
He lifted his head from the window and faced me, "Sure, 'wag lang yung mag-aaway tayo. Ayaw kong maglakad sa labas na umuulan." sagot niya na bahagya kong ikinangisi.
Napakamot ako sa tuktok ng ilong ko bago muling tumikhim, "Do you... hate me that much? As in... so, so much?" I asked,
I saw how his brows furrowed. Our eyes locked for few seconds before looking away, clearing his throat, "Minsan, oo, sobra-sobra pa nga. Kapag... nang–iinis ka, kapag... pakiramdam ko nanadya kang galitin ako." sagot niya. Naitikom ko ang bibig ko at utay-utay tumango.
"Pero... kapag nakikita ko na kasama mo yung anak mo, kapag nakikita ko kayong mag-ama... nababawasan yung galit ko sa'yo." Nagbalik siya ng tingin sa akin, may maliit na ngiting nakaguhit sa labi.
"Kasi... nakikita ko kung gaano mo kamahal yung anak mo. Kung... gaano ka... kabuting ama." Dagdag niya. Mas lumawak ang ngiti sa labi niya, bahagya pa siyang napatungo at napahagikhik bago muling lumingon sa labas ng bintana.
"Pero kapag tayong dalawa lang? Katulad nito? Galit ka ulit sa akin?" tanong ko pa.
Hindi agad siya sumagot, noong una, akala ko'y hindi na niya ito sasagutin. Pero humarap siya pabalik sa akin, "Kapag ganito? Okay lang. Wala akong nararamdaman na galit." sagot niya at utya-utay akong tumango.
"Edi... kailan mo nararamdaman ulit yung galit sa akin?" Nangangapa kong tanong. Natatakot ako na baka... mainis siya sa akin at makaramdam nanaman siya ng galit. Baka lumabas pa siya ng sasakyan at sumugod sa ulan — magkakasakit nanaman siya.
Ngumiti siya, yung tipo ng ngiti na... presko lang, kalmado ngunit hindi masaya, "Kapag na-aalala ko yung mga ginawa mo sa akin. Kapag... na-aalala ko na niloko at ginamit mo lang ako, saka bumabalik yung galit ko. Kapag na-aalala ko kung... gaano kasakit at gaano kahirap noong panahon na... wala ka."
—------
a/n: Another episode of... hulaan natin kung genuine ba yung sinabi ni Grey o kasama 'to sa plano niya.
: Btw, guys, lemme know if you don't like chapters na one day events lang? Ako kasi medyo... nakukulangan ksksksks, pero I enjoyed writing thischapter. Nagiging soft-hearted na si Grey kay Code ORRR parte pa rin 'to ng plano niya HAHAHAH malalaman sa mga susunod na chapters, he he he he.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co