Truyen3h.Co

What Used To be Ours

Chapter 36

_Dominous_

Code's POV

Naitikom ko ang labi ko bago agad siyang sinundan sa kusina na parang batang napagalitan. Sinubukan ko pa na tulungan siya sa pagkuha ng pinggan pero mukhang mainit ang ulo nito. Hinayaan ko nalang siya sa paghahain at pinanood habang naka-upo.

"Hindi 'yan fast food, masama sa'yo yun. Ipinaluto ko 'yan sa karinderya malapit sa ospital. Mainit-init pa 'yan, kumain kana." ani nito bago ginusumot ang supot na pinaglagyan ng pagkain.

Tumango ako bago agad nagsandok ng kanin. Baka hindi lang pagkain ang maging mainit dito, baka pati ulo niya ay uminit dahil sa'kin.

Tahimik akong kumain. Si Grey itong busy sa cellphone niya habang kumakain. Kung andito si Chiara ay nasaway na nito ang lalaki sa harap ko. Kahit naman ako ay ayaw na may cellphone sa hapag, pero hindi ko naman masaway si Grey lalo pa at mukhang nababanasan na rin ito sa presensya ko.

"Pagkatapos mong kumain, uminom ka na agad ng gamot." ani niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Agad naman akong tumango, "Sige, pagkatapos kong linisin yung pinagkainan natin." sagot ko at agad ko itong narinig na bumuntong hininga na agad kong ikinatigil sa pagkain.

"'Wag na, ako na ang bahala rito." Mariin nitong sagot. Napalunok ako ng laway at tumango bago isinubo ang pagkain ulam sa kutsara ko.

Binilisan ko na ang pagkain lalo pa at ramdam ko na hindi na natutuwa si Grey sa pagmumukha ko. Agad akong kumuha ng gamot na nasa medicine box sa kwarto niya at ininom iyon.

Lumabas ako ng kwarto para sana tulungan si Grey sa pag-aayos ng lamesa lalo pa at mukhang maraming pagkain ang natira. Natigilan ako nang bigla siyang tumigil sa paglilinis ng lamesa nang tumabi ako sa kaniya sa lamesa para tulungan siya. Pinunasan nito ang kamay gamit ang tissue bago naglakad paalis.

Naitikom ko ang bibig ko bago nagpatuloy sa paglilinis.

Anong signal na ba ng Metro Manila ngayon? Baha pa ba sa daan papunta sa bahay? Baka pwede na akong umuwi ngayong gabi? Kaya ko pa naman mag-maneho.

"Oh," Nagulat ako nang may ilapag na paperbag ng Bench si Grey sa lamesa.

Nagparte ang labi ko bago taka siyang tiningnan. Sinenyasan ako nito gamit ang mga mata niya na buksan an g paper bag na agad ko rin dinampot.

"Baka... nahihirapan ka sa large na brief." ani nito bago naglakad paalis.

Pagbukas ng paper bag ay tumambad sa akin ang kalahating dozena ng itim na brief— size XL!!

Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago muli itong ibinalik sa paper bag at nagpatuloy sa paglilinis ng lamesa.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto. Pagpasok ko ay nakita ko si Grey na may tinitiklop na damit sa kama.

"Magpalit ka na ng damit, pero huwag mo basain ang buong katawan mo, maglinis ka lang ng mga dapat mong linisin. May bago rin na toothbrush diyan, gamitin mo na." Nakatalikod siya sa akin pero alam niyang ako ang pumasok.

Malamang, may iba pa bang tao sa condo?

Parang bata ay sinunod ko ang sinabi niya. Pumasok ako ng kwarto dala-dala ang pajama at t-shirt na ibinigay niya at ganun na rin ang isang brief galing sa paper bag.

Pagkalabas ko ay agad naman siyang tumayo mula sa kama. "Check your temperature, sabihin mo sa'kin mamaya paglabas ko." ani niya bago ako nilampasan at dumiretso na ng banyo.

Humiga ako sa kama at ginamit ang thermometer. Pagtunog nito ay agad ko itong tiningnan. Mas mataas kaysa sa kanina! Yes!

"Kamusta?" Iyon agad ang bungad sa akin ni Grey nang lumabas ng banyo at nagpupunas ng buhok niya.

Nag-thumbs up ako, "Okay lang, 39 degrees." sagot ko at agad kumunot ang noo nito bago nagmadaling lumapit sa akin.

"Ano?! Bakit mas mataas?!" Nagulat ako nang agad itong gumapang sa kama para salatin ang noo ko.

"Anong nararamdaman mo?" Nag-aalala nitong tanong.

Imbes na sumagot sa kaniya ay natulala ako sa mga mata niyang mapusok ang tingin sa akin. Alam ko naman na nag-aalala lang siya pero yung tingin niya sa akin na parang pinapatay niya ako nang buhay ay nakaka-akit.

Napalunok ako ng laway bago naglayo ng tingin, "Uhm... mabigat... yung pakiramdma ko." Nag-aalinlangan kong turan.

Bukod sa bigat sa ulo ko ay may mabigat rin na nakapatong sa kamay ko... yung puwet niya.

"Teka nga, sandali, dadalhin na kita sa—" Akmang papatayo na siya nang hawakan ko siya sa kamay para pigilan ito.

"Grey, 'wag na, okay na ako rito." Pigil ko sa kaniya. Kahit madilim ang paligid at nakatayo ito ay na-aaninag ko pa rin ang inis na ekspresyon sa mukha niya.

"Anong 'wag na? Nangingilalim na yung lagnat mo. Bitawan mo nga ako. Dadalhin na kita sa—"

"Hindi na nga, Grey. Okay lang ako, madadala pa ng gamot 'to," Nakikipaghilahan siya sa akin. Kahit nanghihina ay nanlalaban pa rin ako sa kaniya dahil ayaw kong magpadala sa ospital.

"Hindi nga, eh! Kaiinom mo lang ng gamot, dapat bumaba 'yan— Code! Ano ba?! —" Maski ako ay nagulat nang matumba si Grey sa ibabaw ko.

Parehas namilog ang mata namin at gulat na nagkatinginan, "'Yan kasi, eh, ang kulit mo—"

Imbes na makatayo nang maayos ay lalo siyang na-out balanced, naramdaman ko ang pagbagsak ng baba niya sa dibidb ko na ikina-daing naman niya.

"Are you okay—"

"Mukha ba akong okay...!" Pilit itong tumayo, napadaing ako nang mahina nang maramdaman ang siko nito sa pisnge ko.

Sinapo ko iyon at bahagyang namilipit sa sakit, "Oh, ano namang nangyari sa'yo?" Inis na tanong nito. Hindi ko siya magawang masagot dahil minamasahe ko pa rin ang pisnge ko na nasiko niya.

"Patingin nga," Pilit niyang inalis ang kamay ko at sinapo ng isa niyang kamay ang pisnge ko habang ang isa naman ay minamasahe ang parteng nasiko niya.

Sumaltik ang dila nito, "Masakit?" tanong niya at utay-utay akong tumango.

Patuloy niya itong minasahe, inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko dahil siguro sa dilim ng paligid. Nang maramdaman ko ang paghinga niya sa mukha ko ay napalunok ako ng laway.

Gusto kong lumingon sa kabilang panig pero hindi ko magawa dahil hawak-hawak niya ang pisnge ko.

"Mhmm... hindi naman siguro magpapasa 'no?" Kumpara sa kaninang tono ng pananalita niya ay kalmado na iyon ngayon. Naitikom ko ang bibig ko bago utay-utay tumango.

"Sana nga," muntikan pa akong pumiyok.

Napagtanto ko lang kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Ang braso niya ay nakapatong sa dibidb ko, ang magkabilang kamay ay nasa mukha ko at halos ilang pulgada nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

Hindi na yata lagnat yung 39 degrees na yun. Baka naman 37 lang dapat yun, yung 2 ay dahil sa init na nararamdaman ko ngayon.

Natauhan ako bigla nang maramdaman ang paghagod ng daliri ni Grey sa labi ko. Bahagyang namilog ang mata ko bago nagpabalik-balik ng tingin sa mata niya at sa labi niya.

"Masama ba talaga ang pakiramdam mo?" tanong niya sa malalim at kalmadong boses.

Napalunok ako ng laway bago umiling, "H–Hindi naman gaano," Nauutal kong turan.

Nakita ko ang pagkagat niya sa pang-ibaba niyang labi bago muling hinagod ng hinlalaki ang labi ko. Utay-utay ay mas lumapit ang mukha niya sa akin hanggang sa tuluyang maglapat ang mga labi namin sa isa't-isa.

Agad namilog ang mata ko at halos hindi alam ang gagawin. Nang ilagay niya ang magkabilang palad niya sa balikat ko, sumampa sa ibabaw ko, at naupo sa akin ay agad gumapang ang kamay ko sa beywang niya.

Napapikit ako nang mariin habang nakikipagtuos ang labi ko sa labi niya. Mas naramdaman ko ang init sa katawan ko nang bahagya niya akong sabunutan at dilaan pa ang ibaba kong labi. Agad kong ibinuka ang bibig ko at siya naman itong agad ipinasok ang dila niya sa loob.

I started gasping for air when a few minutes had already passed, and we're still making out. My hands are already inside his shirt, brushing the area of his abdomen and even reaching his nipples, massaging and pinching them from time to time.

He already planted kisses on my neck and even my collarbone, sucking on some areas where I know it'll leave a mark.

I let him take the lead as he would grind on top of me, teasing my erected dick. Even though he's already edging me, I didn't make any move and let him do whatever he wants.

His hands would roam around my body, digging his nails into my skin in certain areas while he would pinch some parts, especially my arms.

I really thought it would lead to something more heated.

But a deep breath escaped his lips when he pulled away, wiping the side of his lips, "Let's sleep."

"What?!" I almost sat up on the bed. He has already crawled down from on top of me and tucked himself under the sheets.

He chuckled, he know damn well I am hard right now and he decided to stop whatever he's doing!?

He turn his head and look at me, a grin printed on his lips, "Next time, kapag magaling ka na." ani niya bago ako tinalikuran at pinatay ang maliit na ilaw sa tabi niya na pinanggagalingan ng tanging liwanag sa kwarto.

Napahilamos ako sa mukha. Wala rin akong nagawa lalo pa at hindi ko rin naman kayang asikasuhin ito ngayong gabi dahil sa sama ng pakiramdam ko. Bigo nalang akong nagkumot at natulog sa tabi niya habang iniinda ang gising sa pagitan ng hita ko.

Nagising ako na mas magaan na ang pakiramdam ko kaysa sa kagabi at kahapon. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang mag-check ng temperature ko lalo pa at bilin nanaman iyon sa akin ni Grey bago pumasok sa trabaho.

Mula 39 degrees kagabi ay 38.1 nalang ito, mukhang malapit na akong gumaling. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at halos mag a-alas diyes na ng umaga. Blangko nanaman ang pwesto sa katabi ko sa kama dahil kahit bumabagyo ay kailangang pumasok ni Grey sa trabaho.

Pero nang papalabas na ako ng pinto ng kwarto ay napakunot ang noo ko nang makarinig ng ingay sa labas na nanggagaling sa... TV?

Taranta kong binuksan ang pinto ng kwarto at lumabas sa pag-aakalang naiwan ko itong bukas kagabi.

Pero laking gulat ko nang makita si Grey sa sofa, nakasuot ng dark blue niyang scrubs, may nakatapal na Cool Fever sa noo habang may iniinom na mainit sa mug.

"H-Hindi ka pumasok?" Nag-aalinlangan kong tanong nito.

Nilingon ako nito, bumuntong hininga bago nagbalik ng tingin sa TV.

"Pumasok ako, pero wala pa akong isang oras sa ospital, nangingilalim na ang lagnat ko." Walang gana niyang sagot. Nagparte ang labi ko bago agad siyang nilapitan para salatin ang noo.

"Nag-check ka na ba ng temperature mo? Uminom ka na ba ng gamot? Anong nararamdaman mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang sinasalat ang pisnge at leeg niya gamit ang kamay ko.

Kumunot ang noo nito bago inilayo ang mukha sa akin at itiulak palayo ang kamay ko. "Oo, nag-check na ako, oo, uminom na ako, at masama ang pakiramam ko, masakit ang ulo at sinisipon." Inis nitong sagot, nagparte ang labi ko bago naupo sa sofa sa tabi niya.

"Kumain ka na—"

"Oo, ikaw hindi pa, kumain ka na doon." Putol nito sa akin habang tutok na tutok ang tingin sa TV kung saan may nagbabalita tungkol sa bagyo.

Utay-utay akong tumango bago naglakad papuntang kusina at kinain ang pagkain na itinara niya sa akin. Pagkatapos ay uminom na ako ng gamot bago siya sinamahan sa sala na nanonood pa rin.

"Siguro pwede na akong umuwi ngayon 'no? Mahina na ang ulan, puro hangin nalang." Nagbabakasakali kong turan.

Ngumuso ito para ituro ang TV, "Tingnan mo ang kalsada ngayon," ani niya, sinundan ko ng tingin ang daliri niya at nakita na halos lampas kalahating katawan ng tao ang baha.

"Ah..." nagparte ang labi ko.

Sumandal ako sa sofa at nanatiling tahimik. Nakinood nalang ako sa balita na pinapanood niya. Nang magsawa siguro ay inilipat niya ito sa Netflix at nanood ng series na hindi ako pamilyar.

Kahit hindi interesado sa pinapanood ay nanatili akong naka-upo sa tabi niya at nakikinood. Sa paglipas ng oras ay naiintindihan ko na rin naman ang nangyayari sa palabas at naging interesado na rin ako.

"Ah... hindi pala sila magkakampi?" Taka kong tanong bago nilingon si Grey.

Nagulat ako nang makita itong tulog na at nakasubsob pa sa arm rest ng sofa.

Napangisi ako nang mapansin na bahagyang tumabingi ang salamin niya at ang pisnge nito ay naipit sa kamay niya na ginagamit niya bilang unan.

Tumayo ako mula sa sofa at pumasok ng kwarto para kumuha ng kumot. Dahan-dahan ko itong ipinatong kay Grey para hindi siya magising. Hininaan ko na rin ang volume ng TV para hindi siya mabulabog habang naka-upo ako sa paahan niya at nanonood pa rin.

Maya-maya ay bigla siyang uminat, itinuwid ang paa hanggang sa masipa niya ako. Imbes na umalis ay ipinatong ko nalang ang paa niya sa hita ko at bahagya pa itong tinapik-tapik na parang batang pinapatulog.

"Gutom ka na?" Napalingon ako kay Grey nang magsalita ito bigla.

Kinuha ko ang remote para i-pause ang palabas, "Uhm... it's pass 11 na pero okay lang naman." sagot ko at tumango ito bago naupo sa sofa. Pero nang mapansin ko na bahagyang gumewang ang katawan nito ay agad ko siyang hinawakan sa braso para alalayan siya.

"Magluluto na ako, anong gusto mo?" tanong niya at agad akong umiling.

"Hindi na, ako na, mas masama ang pakiramdam mo kaysa sa akin. Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kaniya.

Napakunot ang noo nito bago ako nilingon, "Ako na, bisita kita—"

"Hindi ako espesyal na tao para pagsilbihan mo. Ako naman ang magsisilbi sa'yo, kaya anong gusto mong pagkain?" Putol ko sa kaniya.

Napabuntong hininga ito bago bahagyang napamasahe sa noo, "May sabaw... ahm... ano... nilaga? May baka sa ref, masarap yun na nilaga." ani niya at agad akong tumango.

"Nilaga, coming right up! Matulog ka muna, paggising mo may nilaga na." ani ko sa kaniya na bahagya niyang ikinangisi bago muling humiga sa sofa.

Medyo natagalan ako sa pagluluto dahil pinalambot ko pa ang baka. Para sa akin kasi ay masarap ang karne na malambot kapag nilaga at alam kong gusto rin iyon ni Grey. Mabuti at may dalawang piraso ng maliit na patatas sa ref na isinama ko na rin. Mga bandang 12:30 ay natapos na ako sa pagluluto. Inayos ko muna ang lamesa bago nilapitan si Grey para gisingin ito.

"Grey? May nilaga na, kakain na tayo." Marahan kong tinapik ang braso niya.

Umungot ito, iginalaw ang ulo bago uminat. "Ibangon mo 'ko," garalgal nitong turan, napatawa ako nang bahagya bago kinuha ang magkabila niyang braso at ipinatong sa balikat ko. Hinawakan ko siya sa beywang bago dahan-dahan na ibinangon.

Inalalayan ko ito sa paglalakad papunta sa hapag, dahan-dahan itong umupo sa bangko bago napahilamos.

Pinagmasdan ko ang reaksyon niya nang tikman ang sabaw. Bahagyang nanlaki ang mata nito bago napatango, "Masarap?" Nag-aalala kong tanong.

Agad itong tumango bago muling humigop ng sabaw, "Masarap," sagot niya at agad gumuhit ang maliit na ngisi sa labi ko bago kumuha ng kanin.

Hindi gaano karami ang nakain niyang kanin dahil nasusuka na raw siya. Pero ang sabaw ng nilaga ay halos gawin niyang tubig sa dami ng nahigop niya. Pagkakain ay bumalik lang siya sa sofa at ipinagpatuloy ang pinapanood.

"Nakatapos ka na ng two episodes?" tanong nito habang naghuhugas ako sa kusina.

Agad ko siyang nilingon, "Ah, oo, maganda pala siya, nag-enjoy ako panoorin." sagot ko bago nagbalik ng tingin sa hinuhugasan ko.

"Anong nangyari, i-summarize mo nga." Utos nito, napabungisngis ako nang bahagya bago bumunot ng isang malalim na hininga.

Ikenwento ko sa kaniya ang nangyari sa dalawang episode na napanood ko habang tulog siya. Noong una ay nasa sofa lang ito habang nakikinig sa akin, siguro nang hindi gaanong marinig ang boses ko ay lumapit ito sa akin at sumandal sa countertop para pakinggan akong magkwento habang naghuhugas.

"Yun, yun lang naman ang nangyari," sagot ko habang pinupunasan na ang lababo na may mga talsik ng tubig at sabon.

"Mhmm... gusto mo pang panoorin?" tanong niya at agad akong tumango.

"Oo sana, kaso hindi ko alam yung mga unang nangyari." sagot ko at muli itong nag-hum.

Siya naman nag nagkwento tungkol sa simula ng palabas. Natapos na ako sa paglilinis sa lababo at lumipat kami ng sofa para doon niya i-kwento ang mga unang pangyayari. Hindi ako sumisingit sa pagsasalita niya dahil busy ako na pagmasdan lang siya habang nagkwe-kwento. Mukhang tandang-tanda pa rin niya ang mga pangyayari kahit iyong mga paunang episode.

Nang matapos siya sa pagkekwento ay ipinagpatuloy namin ang palabas. Noong nagsisimula palang kaming manood ay halos nasa magkabilang dulo kami ng sofa. Pero sa kalagitnaan ng panonood ay ipa-pause niya ang palabas para ipaliwanag sa akin kung bakit ganun ang mga nangyayari. Sa tuwing may mababanggit ang mga characters sa nakaraan ay ipapaliwanag niya sa akin kung ano ang ibig sabihin nito para hindi ako maguluhan sa sinasabi nila.

Bago pa namin matapos ang isang episode ay wala ng isang metro ang layo namin sa isa't-isa. Ang braso ko ay nakapatong sa sandalin ng sofa kung saan nakasandal si Grey. Maya-maya ay nagulat ako nang mas lumapit ito sa akin. Palapit nang palapit hanggang sa magtama na ang mga balikat namin.

"You won't mind if... I lean on your shoulder, right?" he asked, a bit of shyness present in his tone of voice.

I cleared my throat and straightened my back, "I won't mind, it's fine," I replied, eyes focused on the TV, trying not to sound excited,

He hummed, and a second after, I felt a weight on my shoulder. When I took a quick glance at him, he was already pillowing my shoulder, hair brushing my neck.

I bit my lower lip, and the muscles in my arms tensed a bit as my hand turned into a fist.

Shit... is this... actually happening? Are we actually close without sexual acts getting involved?

We stayed in that position for a few minutes, until minutes turned into hours. I'm not complaining, I'm enduring the slight discomfort on my shoulder because I know he's comfortable in that position.

"Nangangalay ka na ba?" Bigla nitong tanong na bahagya ko pang ikinagulat dahil akala ko'y tulog siya noong una.

Agad akong umiling, "Hindi, okay lang, pahinga ka lang diyan." sagot ko sa kaniya. Nakita ko itong tiningnan ang relo niya bago biglang umalis sa pagkakasandal sa balikat ko na siyang ikinagulat at ikinadismaya ko.

"Bakit?" Taka kong tanong, dismiyado na lumayo siya sa akin.

"Mag-miryenda tayo, iinom ulit tayo ng gamot." ani niya bago akmang tatayo ng pigilan ko ito.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge para tingnan kung mainit pa ba siya, "Ako na, nilalagnat ka pa, anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha, "Uhm..." nag-iwas ito ng tingin, "May... sliced bread sa cup board, i-toast mo. Tapos... may chocolate powder sa drawer, gusto ko ng hot choclate." sagot niya. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko bago tumango at tumayo na para i-handa ang miryenda.

Habang nasa kusina ay pilit kong tinatanaw ang palabas. Minsan ay ipina-pause ito ni Grey para ipaliwanag sa akin ang nangyayari kapag hindi gaanong malinaw ang dating ng audio.

"Here, kumain kana," inihain ko sa coffee table ang miryenda.

"Magbabanyo lang ako saglit," paalam ko rito habang siya itong busy sa cellphone.

Medyo natagalan pa ako sa pagbabanyo dahil naghilamos ako saglit. Mainit pa ang pakiramdam ng mukha ko pero pakiramdam ko ay giginhawa ang pakiramdam ko kung maghihilamos ako. Nagpunas muna ako ng mukha gamit ang towel na ginagamit ko rito bago lumabas.

Nadatnan ko si Grey na nakatayo at naglalakad paupo ng sofa habang kumakain na ng tinapay. Naupo ako sa tabi niya at kumuha rin ng isang slice. Pag-upo ko ay siya naman itong naupo na rin sa tabi ko at bumalik sa posisyon namin kanina kung saan naka-unan siya sa balikat ko. Naninibago pa rin ako sa kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Hindi ako sanay. Hindi na ako sanay.

Maya-maya ay may nag-doorbell. Agad napabangon si Grey mula sa pagkaka-unan sa balikat ko habang ako naman itong napakunot ang noo.

"May bisita ka?" Taka kong tanong, akmang tatayo na si Grey nang hawakan ko ito sa kamay, "Ako na, umupo ka nalang dito." Pigil ko sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pagkataranta sa mata niya. Malikot ang mga ito at ganun din ang labi niya na mukhang may gustong sabihin.

Tumayo na ako at naglakad papunta ng pinto, nag-doorbell pa ng isang beses ang nasa pinto na medyo ikina-inis ko.

"Yes? —" Parehas kaming nagkagulatan ng nasa pinto nang buksan ko ito.

What the...

Louis raised a brow at me, "Oh, I didn't know na may bisita ka pala, Grey." ani nito bago sumilip sa loob ng condo. Paglingon ko sa likuran ko ay naglalakad na si Grey papunta sa gawi namin.

"Is this the reason why you don't want me to visit you?" he asked, pointing at me. I immediately heard the anger in his voice that made my brows furrow.

He scoffed, "Kaya pala hindi mo 'ko pinapapunta sa'yo... may maiistorbo pala ako."

—-------

a/n: Louis be like: "Sorry natapakan ko pagka-loveteam niyo!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co