Chapter 47
Grey's POV
"Anong balak mo sa birthday mo? Sa susunod na linggo na yun, ah?" tanong sa akin ni Louis habang may hinahanap kaming record ng isang pasyente.
Napa-angat ako ng tingin, nagparte ang mga labi bago inayos ang salamin ko. "Uhm... may... may shift ako nun, eh? Wednesday, diba?" tanong ko.
Napakunot ang noo ni Louis bago bahagyang napatawa habang inaayos ang mga folders, "Birthday mo tapos hindi mo alam?" tanong niya at utay-utay akong tumango.
"Nalilingat na kasi ako sa araw ngayon. I lost track of the day and date." I replied, and he hummed before looking back down at the folders he was organizing.
"Yup, Wednesday, anong balak mo?" tanong niya at napakagat ako sa abi ko bago nagbaba ng tingin sa mga folders.
"Uhm..." I honestly don't know. Usually, for the past years, I would celebrate my birthday in the hospital hallway, ER, ward, or my clinic. If my birthday happens to be during the weekend or my day off, I would eat or drive somewhere, have a drink, and spend the day there. I don't usually plan any celebration for it since my schedule is too hectic.
"Why don't we book an Airbnb? Celebrate? Night swimming?" he suggested.
I lifted my head, raised both my brows, before nibbling on my lower lip. "Uhm... nag-leave na kasi ako noong holidays. Ilang araw rin akong wala. Baka... hindi na muna." sagot ko at utay-utay tumango si Louis.
"So... that's it? You're gonna celebrate your birthday working?" he asked, and I chucked before nodding. I grabbed the folder I was looking for before putting the box back on the shelf.
"Yep, that's how I'll celebrate it," I said before leaving the room.
I spent my last three hours at the hospital working my ass off. Running to the ER every time my pager buzzes, or running to my patient's room whenever I receive a code. I wasn't able to take even a short break or eat a light snack to recharge my energy. I was almost standing the whole afternoon. It wasn't new to me, and I've been used to this. It just gets really tiring and exhausting.
Code was waiting for me at the parking lot when I went out. He's wearing his white polo with a coat on top while wearing a pair of Rayban sunglasses.
I snorted, "Shades? Nasaan ang araw?" ani ko rito bago itinukod ang siko sa bintana ng kotse niya. Habang siya itong nakadungaw lang ang ulo mula sa loob ng sasakyan at nakabungisngis sa akin.
"I know you don't want me showing up at your workplace, but I miss you," he replied, which made me roll my eyes.
I'm not really worried that someone might see him. Louis and Bianca already left an hour ago, and I'm only hiding Code from them.
I scoffed, "You miss me? We just saw each other two days ago." I reminded him.
He pouted and rested his cheek on my arm, "But that was two days ago. I didn't really enjoy Batangas since you weren't there," he replied. His lower lip stuck out as he forced a pout.
I sighed and adjusted the strap of my bag on my shoulder, "Clingy," I mumbled before rolling my eyes and looking away.
I gasped when he suddenly stole a kiss on my cheek, and he even sniffed my cheek, which created a sound.
My hand immediately travelled to the cheek he kissed. "What was that for?!" I exclaimed, brows furrowed.
He smiled before giggling, "I told you, I missed you," he replied, and I rolled my eyes again.
"Oh, I remember," he pulled away, grabbing something from the passenger seat.
"I got these for you." My eyes grew wide when he showed me a bouquet of flowers and a plastic bag full of snacks and food, probably from Batangas.
"I was thinking of you the whole time I was in Batangas, so when I had free time, I went shopping for pasalubong para sa'yo," he said, a wide smile printed on his lips.
I reached for the bouquet and the plastic bag, "Ang dami. Baka naman hindi mo na pinasalubungan yung anak mo at puro para sa akin ang binili mo?" Biro ko at napangiwi siya.
"Of course not, si Chiara pa makalimutan ko? Isang malaking kahon ang pasalubong ko sa kaniya. Para nga akong galing ibang bansa sa dami ng dala pauwi. At isa pa, hindi ko makakalimutan yun, 'no. Number 2 ka lang, si Chiara ang number 1." Sagot nito, tinatarayan pa niya ako na ikinahagalpak ko ng tawa.
Pabiro kong inihampas sa kaniya ang bouquet, "Fine, fine, I'm going home. Thank you for these." I gave him a smile.
But his brows furrowed, "Anong uuwi ka na? Hindi ka pa pwedeng umuwi." ani niya at noo ko naman ang napakunot.
"Bakit?" Taka kong tanong.
Bigla itong ngumisi, "Dinner, sa bahay, naka-uwi na si Kuya Top." ani niya at muling napakunot ang noo ko.
"Kaya sige na, tara na, hinihintay ka na ni Chiara sa bahay." ani niya bago binuhay ang makina ng sasakyan niya. Kahit naguguluhan pa ay naglakad na ako papunta ng sasakyan ko at sinundan siya papunta sa kanila.
That has been our routine for a while now. He would pick me up from my shift, and I would trail behind his car, driving to wherever he wanted to take me. We mostly go to his house to have dinner with his daughter. But we only get to do that if Kuya Top has already gone home.
Which confuses me because he hasn't mentioned why we have to avoid seeing each other if Kuya Top is around. I've been wanting to ask him about it for the past week, but I tend to forget it once we're together.
"Malapit ka na mag birthday, ah? Anong balak mo?" tanong sa akin ni Cairo. Day-off ko ngayon at tinutulungan ko siya sa bahay nila na maglinis at magtapon ng mga gamit na hindi na nila kailangan.
Napangiti lang ako bago nagpunas ng pawis gamit ang likod ng kamay ko.
Bumuntong-hininga si Cairo at sumandal sa pader niya, "Wala ka nanamang balak? Mag th–thirty three ka na." tanong niya at bahagyang napakunot ang noo ko.
"Ano naman?" Taka kong tanong at napabuntong hininga si Cairo.
"Dapat nag ce-celebrate ka ng birthday. Ano... dapat... grateful ka na buhay ka pa." ani niya at bahagya akong napatawa bago sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko.
"Pag-iisipan ko pa, Miyerkules kasi yun, may shift ako." sagot ko at nag-hum lang siya.
Sa mga sumunod na araw ay pinagmamasdan ko si Code, nakikiramdam ako kung alam ba niyang birthday ko na sa susunod na araw. Pero sa tuwing susundo siya sa akin ay wala siyang binabanggit.
Inisip ko rin kung minsan ba ay nabanggit ko sa kaniya ang birthday ko? Hindi rin kasi ako pala-celebrate ng birthday noong college. Kaya imposible kung malalaman niyang birthday ko na sa Miyerkules.
Napakunot ang noo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko habang nagtatanghalian kami nila Louis sa canteen.
Binuksan ko ang Instagram ko at nakita na may message request ako.
xXaitlinx_V wants to send you a message.
Binuksan ko ito at nakitang ilang sunod-sunod na message ang nanggaling sa kaniya.
From: xXaitlinx_V
Heyyy!! It's me! Xait!
From: xXaitlinx_V
Just wanna ask if you have old books you used in med school???
From: xXaitlinx_V
I'm too tamad to look for books sa lib or bookstoreee, I'm tired naaa
Napabuntong-hininga ako bago nagtipa ng reply sa kaniya.
To: xXaitlinx_V
I have, but they're at my unit in Rockwell, nasa Binondo ako ngayon
xXaitlinx_V reacted to your message.
From: xXaitlinx_V
It's fineee, can I borrow or maybe buy them? Huhuhu
To: xXaitlinx_V
It's fine, I'll give them to you for free.
xXaitlinx_v reacted to your message.
From: xXaitlinx_V
OMG!! Thank you so muchh!! When can I get them? Dw, i'll get them from you, just tell me where and when.
To: xXaitlinx_V
Pwede mo 'kong hintayin mamaya sa condo ko sa Rockwell around... 7PM, I'll send you the address.
From: xXaitlinx_V
Owki!! Thanks ulit, Doc Grey!! Mwah!!
"Sino 'yan?" Bigla akong napa-angat ng tingin kay Louis na nagsalita.
Agad kong pinatay ang cellphone ko at nnapa-iling, "Wala, just... a family friend. Nanghihiram ng libro sa'kin." sagot ko at utay-utay tumango si Louis.
Nag-message ako kay Code na huwag na muna akong puntahan sa ospital mamayang gabi dahil may aasikasuhin ako. Noong una ay nakipagtalo pa ito na tutulungan ako pero ipinagtabuyan ko siya at sinabihan na sa susunod na araw nalang kami magkita.
Pagka-uwi ko ng condo ay agad kong hinagilap ang mga luma kong libro na ginamit sa med school. Ganun na rin ang ibang materials gaya nalang ng mga research books na binili ko noon pati na rin ang mga notes ko sa med school.
Pagbaba ko ng building ay naghihintay na si Xaitlin sa may sofa. Nang tawagin ko ito at makita na niya ako ay bigla itong tumayo at nagtatakbo palapit sa akin.
"Doc Grey!!" I was surprised when she suddenly hugged me.
She pulled away, "OMG! You're a lifesaver talaga!!" She started jumping in front of me.
I shyly smiled before handing her the paper bag, "Here, I included other materials you might use." I said, and her eyes grew wide before reaching for the paper bag.
"OMG!! Thank you so much!! I owe you one!!" she exclaimed, a wide smile printed on her face.
I smiled at her before nodding, placing both my hands inside the pockets of my pants, "No worries, you don't have to pay me." I said, she gasped before shaking her head.
"No! No, no, no! I will pay you! Some other things, maybe... a coffee or... something, I'll treat you some other time! Tell me when you're free, I'll treat you sa café sa España!" she exclaimed, and I just chuckled before nodding.
"Fine, fine, I'll let you know. You should head home now, it's getting late, delikado sa daan." I told her, and her face lit up before nodding.
She gave me another tight hug before leaving the building, waving goodbye as she walked away.
Nakikita ko na agad ang future ni Chiara paglaki. Kaya pala parang pamilyar ang ugali at pananalita niya. Kahit ang mga kilos at galaw niya, nakilala ko na agad kung sino ang kagaya niya. Chiarang-Chiara ang galawan niya. Mula sa pananamit at kakulitan sa pagsasalita. Humanda si Code sa paglaki ng anak niya, nakikinita-kinita ko na ang sitwasyon ni Code paglaki ni Chiara.
Paalis na sana ako ng lobby nang biglang may tumawag sa akin, nakilala ko boses ni Code at agad siyang nilingon.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko bago naglakad palapit sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niya akong salubungin ng yakap. Nanlaki ang mata ko bago utay-utay ibinalot pabalik ang braso ko sa katawan niya.
"Ang bango mo," ani niya nang kumalas sa yakap.
Bahagyang namilog ang mata ko, "H-Ha? Anong amoy?" tanong ko at muli niyang inilapit ang mukha sa akin para amuyin ako.
"Mabango, mala... Victoria Secret, ganun. Nagbago ka ng pabango?" tanong niya nagparte ang labi ko.
"Uhm... hindi, baka... baka ano lang, sa kasamahan ko sa ospital." Pagsisinungaling ko. Bahgyang kumunot ang noo niya bago tumango.
May dala siyang pagkain at cake na dinala namin sa taas at kumain na ng hapunan. Hinanap ko ang anak nito at sinabing may tutoring session pa raw ito sa kanila kaya hindi nakasama.
Kinabukasan ay nag-isip na ako ng gagawin ko bukas para sa birthday ko. Na-alala ko ang sinabi ni Cairo na dapat ay nagpapasalamat ako na buhay pa ako.
Kung ikukumpara sa mga nakaraang taon, hindi ako nagce-celebrate ng birthday ko dahil... hindi naman ako nagpapasalamat na nabuhay ako. Anumang oras noon ay okay lang sa akin ang mamatay dahil pakiramdam ko ay wala naman akong dahilan pa para mabuhay.
Pero ngayon? Iba na. Bumalik si Code. Hindi lang ang presensya niya kundi dahil bumalik na ulit siya sa buhay ko. Kasama pa ang anak niya na nagbibigay buhay at kulay sa mundo kong malungkot.
Bago pa man ako makapagpa-reserve sa isang restaurant ay biglang tumunog ang beeper ko. Agad akong napatayo at isinara ang laptop ko bago humaripas ng takbo palabas.
Nalingat na ako sa oras at nakalimutan ang pagpaplano kong ginawa. Hindi na ako nakapagpa-reserve sa restaurant dahil madilim na nang mapahinga ako. Pagka-uwi ko naman ng condo ay pagod na pagod na ako at pagligo ay agad akong nakatulog.
Paggising ko kinabukasan ay sunod-sunod na ang bati sa akin ng Happy Birthday. Si Louis, si Bianca, si Cairo, mga nurse sa ospital, mga ibang doktor, at maski na rin ang ilan sa mga boss ko ay bumati na.
Bago ako pumasok ay um-order ako ng mga bila-bilao na pagkain para sa ospital mamaya. Um-order ako ng baked mac, lasagna, chicken at iba pa. Iniwasan ko lang ang um-order ng pancit para iwas hectic sa trabaho.
Nasa kalagitnaan ako ng pagro-rounds nang malala kong hindi pa ako binabati ni Code. Habang naglalakad sa hallway ay tiningnan ko ang cellphone ko para tingnan kung may message ba ito. Laking pagkadismaya ko nang makita na ang huli niyang message sa akin ay kahapon pa.
Buong araw kong hinihintay ang message niya. Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko pero nadidismaya lang ako.
Nang dumating na ang mga in-order kong pagkain ay inaya ko na ang mga katrabaho ko. Sinubukan pa nila akong kantahan ng Happy Birthday pero agad ko silang pinigilan dahil nahihiya ako.
Kumuha lang ako ng manok at kaunting baked mac bago rin sila iniwan para asikasuhin ang pasyente ko sa ward.
Nang sumapit ang alas singko ay wala na ako sa mood. Bukod sa pagod ko sa trabaho ay hindi pa rin ako binabati ni Code.
I mean... what was I expecting? I didn't tell him it's my birthday! How would he know?! So basically, it's my fault that he hasn't greeted me.
Okay, point taken.
But... not checking up on me?! No 'good morning'?! No 'how are you'?! Nakakatampo na, ha!
Tuluyang natapos ang araw ko na sirang-sira ang mood ko. Kahit pagsundo sa akin ay wala!? Anong nangyari sa kaniya?! Wala naman siyang sinabi na busy siya o may pupuntahan siya!
Galit akong naupo sa sofa sa unit ko. Pinag-cross ko ang magkabila kong braso sa tapat ng dibdib ko habang kunot-noong tinitigan ang TV.
Ano bang trip niya? Ang saya-saya namin noong nakaraan. Araw-araw niya akong kinakamusta at pinupuntahan. Tapos kung kailan araw pa talaga ng birthday, saka naman siya hindi nagparamdam?!
Napabuntong-hininga ako. Minasahe ko ang noo ko at napatingala sa kisame.
Nakakainis siya. Matapos niya akong sanayin na lagi siyang andiyan, laging may paramdaman at lagi kong kasama, bigla-bigla siyang maglalaho ngayon?
I really get too comfortable with him. I really shouldn't get used to him always being here. I'll only end up with a broken heart again.
A heavy sigh escaped my lips. I removed my hands from my face before standing up from the sofa. I was about to walk towards my bedroom when my phone rang.
My heartbeat went fast. I immediately thought it was Code, but my brows furrowed when I saw Hades's caller ID.
"Hello? —"
[Hello?! Grey?!] Agad akong nag-alala nang marinig ang natatarantang boses ni Hades.
[P-Pwede ka bang pumunta sa bahay? Sunduin mo kami, please! Si... yung kambal kasi! Nilalagnat! Nagsusuka't-tae, hindi ko na alam ang gagawin ko! Wala si Yago, walang magmamaneho papunta ng ospital para isugod yung mga bata!] Humahagulgol na turan ni Hades.
Agad nanlaki ang mata ko bago dinampot ang bag sa sofa, "Y-Yes, yes! Papunta na ako! Hintayin niyo 'ko diyan!!" sigaw ko bago humaripas ng takbo palabas ng unit.
[Sige, bilisan mo, ha! Pero magdahan-dahan ka!] sigaw nito at nag-hum lang ako bago pinatay ang tawag.
Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang nagmamaneho. Malakas ang kalabog ng dibdib ko at nararamdaman ko pa ang bahagyang panghihina ng kamay ko.
Ito ang isa sa mga ayaw ko sa trabaho ko. Sa ganitong pagkakataon, kapag naririnig o nakikita ko na nag-aalala ang magulang ng bata, maski ako ay hindi mapakali. Lalo pa ngayon at anak ng kaibigan ko ang nasa panganib, baka sabayan ko pa si Hades sa pag-iyak.
"Hades!" sigaw ko agad nang mag-park sa harap ng bahay nila.
"Grey! Andito kami sa loob!" sigaw ni Hades, sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko mabuksan ang gate. Nang mainis ay bigla ko nalang itong sinipa, napaharipas ako ng takbo papasok.
"Tara na—"
"HAPPY BIRTHDAY!!!"
Agad akong napa-urong at namilog ang mga mata nang sabay-sabay silang sumigaw sa loob ng bahay. Pumutok pa ang isang popper na hawak ni Lukas habang si Code naman ay nagpaingay ng torotot habang may suot-suot na party hot.
"Birthday na ni Chua, birthday na ni Chua! Birthday na ni Chua! Birthday, ni Chua, ngayon! Get, get out!!" Kanta ng mag-sawa na sinasayawan pa ni Lukas.
Napasapo ako sa mukha ko habang si Code itong agad akong sinuotan ng party hat, "Happy Birthday," bati nito bago ako hinalikan sa pisnge na ikinalaki ng mata ko.
"Code...!" Hinampas ko ito sa braso. Nang lingunin ko ang mga kaibigan namin ay nakangisi nang nakatingin sa akin si Yago.
"Alam na namin, nagkwento na 'yan." ani nito at nahulog ang panga ko bago nilingon si Code na naka-ikot na ang mga braso sa beywang ko.
"Friends naman natin sila, eh. Pwede ba exempted sila sa secret natin?" Nagpa-cute pa ito.
Napabuntong-hininga ako at umirap, may sasabihin sana ako nang bigla akong yapusin ni Chiara sa beywang habang ang kambal naman sa binti, "Happy Birthday Doc Grey!! I have a gift for you po!!" Magiliw nitong turan.
"Happy Birthday, Ninong!!" sigaw naman ng kambal, "May gift din po kami sa iyo." Nakangiting turan ni Beau.
Napangiti ako bago lumuhod para yakapin ang mga bata, "Thank you, nag-abala pa kayo magregalo." ani ko at bumungisngis lang ang tatlo.
Nang magsimula kaming kumain ay bumanat naman ng kanta si Lukas sa videoke nila Yago. Napapa-iling nalang ako habang pinapakinggan siyang kumanta na parang kinakatay na kambing habang sila Yago at Code naman ay hindi na halos makakain dahil sa kakatawa.
Nang matapos akong kumain at inilagay na sa lababo ang pinagkainan ko ay tinabihan ko ang mga bata sa sofa. Sunod-sunod na nilang ibinigay ang mga regalo sa akin at pinilit akong buksan ang mga ito.
Mula kay Chiara ang isang pares ng bedroom sleepers, ang sabi sa akin ng bata ay para raw komportable ang mga paa ko kapag nasa bahay. Ang kambal naman ay niregaluhan ako ng isang teddy bear na sila pa raw mismo ang namili sabi ni Hades. Si Lukas naman ay niregaluhan ako ng isang imported na wine habang ang mag-asawa ay automatic vaccum cleaner para sa condo ko.
"Sa tinagal-tagal nating magkaibigan, tatlong beses palang akong nakakapunta ng birthday mo." ani ni Hades habang nakakalong sa asawa.
Napabungisngis ako, "Hindi naman kasi ako mahilig mag-celebrate." ani ko habang tinutupi ang mga gift wrap na nagkalat sa paligid.
"Ako nga first time, eh." ani ni Code habang inuubos ang chicken leg na ini-abot sa kaniya ng anak.
Napatawa si Yago, "Paano... may pakikipag-break ka pa na nalalaman. Hindi mo tuloy naranasan yung minsang birthday ni Grey sa BGC." ani nito at namilog ang mata ni Code.
"Nag birthday siya sa BGC?" Taka nitong tanong at pare-parehas kaming napatawa.
"Oo, nag-bar kami, nanibago nga ako kasi hindi ako sanay. Tapos si Grey, kasama mga kaibigan niya sa med school, tapos isinayaw pa si Grey nung isang lalaki na—" Agad siniko ni Hades ang asawa.
"Ang ingay mo. Ang ingay mo. Nagkakabati pa nga lang yung dalawa...!" Pabulong-bulong si Hades na narinig din naman namin.
Napangisi ako bago nilingon si Code na nakanguso habang nakatingin sa akin.
Bumanat pa ng ilang kanta si Lukas sa videoke. Bentang-benta rin siya sa tatlong bata at nagmistulang clown pa siya ng mga ito.
Sumaglit ako sa labas para magpahangin. Ilang minutong payapa ang buhay ko sa labas nang biglang gumapang ang mga braso ni Code sa beywang ko.
"Are you still upset? Magkausap si Hades at Cairo kanina, hindi raw maipinta ang mukha mo sa ospital." tanong nito habang nakapatong ang baba sa balikat ko.
Napabungisngis ako, "Hindi na. Pero nakaka-inis ka talaga, hindi ka nagpaparamdam. Akala ko may nangyari sa'yo. At isa pa, si Hades, kinabahan ako kanina. Akala ko kung napa-ano yung kambal." ani ko at napatawa si Code.
Isinayaw-sayaw nito ang mga katawan namin, "Sinubukan naming papuntahin si Cairo, pero ang una niyang tanong ay kung pupunta raw ba si Lukas." sagot niya at gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.
"Magkasabay kaming nag-iinuman at umiiyak dati ni Cairo noong nasa med school pa kami. Kami ang magkaramay sa lahat. Sa hirap, sa... stress, ganun na rin kapag na-aalala namin kayo ni Lukas. Alam ko rin ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Cairo. Kaya... wala tayong magagawa ngayon kung galit pa rin siya kay Lukas." Paliwanag ko at nag-hum si Code habang patuloy na isinasayaw ang mga katawan namin.
"Are you happy? Ngayon?" tanong niya at agad naman akong tumango. Isinandal ko ang pisnge ko sa ulo niya habang nakatingala sa kalangitan.
"Of course, why wouldn't I be? Alam mo ba, dati, wala akong ganang mag celebrate ng birthday ko." Pagkekwento ko.
Nag-hum ito, "Talaga? Bakit?" tanong niya.
Napabuntong-hininga ako, "Kasi... hindi naman ako thankful noon na nabuhay ako. Hindi ako masaya. Wala rin akong... ganang mabuhay kaya hindi espesyal sa akin ang birthday ko." Dagdag ko pa.
"Pero alam mo ba?" Nilingon ko siya, nag-angat siya ng ulo at nilingon ako pabalik.
Namilog ang mata niya, "Ano yun?"
Napangiti ako bago inalis ang braso niya sa beywang ko at hinigit siya sa harapan ko para magkaharap kami, "Ngayon, may... gana na akong mabuhay. May... gana na akong mag celebrate ng birthday ko. Kasi andito ka na." Malumanay kong turan. Agad gumuhit ang ngiti sa labi niya at ganun din sa akin.
"I'm really thankful that we have settled things between us. I'm... thankful to myself that I let down my walls and my pride. I'm thankful that you explained, and I listened. Turns out, communication is really important in a relationship." I said, a wide smile printed on my lips.
Suddenly, his eyes grew wide, "Relationship? So... tayo na?" tanong nito at agad namilog ang mata ko.
"Hindi 'no!" Pabiro ko siyang itinulak palayo, agad niyang naikapit ang kamay niya sa beywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya.
"Akala ko naman, eh." Ngumuso ito at kumurap-kurap pa para magpa-cute.
Napasinghal ako bago umirap, "Bakit? Nanliligaw ka ba—"
"Hindi ba halata? Sa tingin ko nga, mukha ng garden yung unit mo dahil sa mga bulaklak na ibinibigay ko, eh." Biro niya at agad akong napahagikhik bago tumango lalo pa at totoo ang sinasabi niya.
"Oo, ganun na nga, puro bulaklak." Natatawa kong turan bago sumumsob sa dibdib niya.
Ilang minuto kaming nagtawanan doon. Ginagatungan pa niya ito lalo ng kung anu-ano pang mga biro niya at halos mapaluhod na ako sa kakatawa. Sumasakit na rin ang tiyan ko at sapo-sapo na ito.
"Ano bang requirement mo sa manliligaw? Baka naman may kulang o mali sa ginagawa mo kaya hindi mo pa ako sinasagot." tanong niya na ikinatawa kong muli.
He's very impatient! Gusto niya na sagutin ko siya agad-agad!
"Hmm," I tilted my head.
"Gusto ko... yung... taller than me," I started.
He faked a cough, "Ehem, 6'2." bulong niya na ikinahagikhik ko.
"Tapos... moreno,"
"Mahilig talaga ako sa beach, eh." ani niya na ikinatawa ko lalo.
"Tapos... malaki yung katawan," Dagdag ko pa. Bigla itong tumuro sa isang direksyon, ibinabandera sa mukha ko ang braso niya, "May lote pa pala doon sa bandang yun, oh. Bilhin ba natin?" tanong niya na ikinahagalpak ko ng tawa.
Maski siya ay natawa sa ginagawa niya. Muntikan na akong mapaluhod sa sahig kung hindi niya lang ako binuhat.
"Tuwang-tuwa ka naman sa akin," ani niya habang inaayos ang salamin ko.
Napasinghal ako, "Loko-loko ka kasi," ani ko bago umirap.
Natatawa niya akong hinawakan sa beywang bago isinayaw-syaw muli ang katawan namin.
Akala ko ay may sasabihin nanaman siya, pero tinitigan niya lang ako sa mata na ginawa ko rin sa kaniya.
"Ang... ganda mong lalaki," ani niya na ikinangiti ko.
"At ang gwapo mong lalaki." ani ko at agad siyang napabungisngis. Napapikit ako nang bigla ako nitong halikan sa labi.
Mabilis lang iyon na ikinabitin ko. Binasa ko ang labi ko bago napatawa. Nagkatinginan kami at napahagikhik.
Hinawakan ko siya sa pisnge at akmang hahalikan sana siya nang may tumikhim sa likuran namin.
"Mga teh," Parehas kaming napalingon ni Code sa likuran ko kung saan nakatayo ang mag-asawa.
Naka-cross ang mga braso ni Hades sa dibdib niya habang si Yago ay nakasandal sa door frame.
"'Wag niyo naman gawing motel yung bahay namin, ano? May mga bata sa loob, mamaya makita pa kayo." Mataray na turan ni Hades na ikinabungisngis namin ni Code.
Napatawa si Yago, "Baka sabihin pa ng anak mo, 'ay si Daddy, daddy rin ang hanap'."
—-------
a/n: I had fun writing this chapter, especially the last part, simple lang, chill lang, sweet lang. Inihahanda kayo sa mabibigat na scenes ksksksks
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co