Truyen3h.Co

Wildflower's Scars

Simula

heartlessnostalgia

Happy 450K, Archers! I know some of you have read my 3rd Gen. Sandejas' Simula but here it is! Available for you to read! Please take note na last 'to sa series so the next chaps will be posted in the future pa and this MIGHT change. 'Yong P.O.V. I am still not sure. I might be switching to 3rd Person if ever but we'll see.

Enjoy our baby cologne ambassador! Haha! I love you!

--

Simula

"Naku, paniguradong marami na namang mao-offer-an ng gamot 'yan si Yasmin." From the envelope I am holding, I looked at the girls direction and smiled.

"Hmm?"

"Sabi namin, paniguradong marami ka na namang mao-offer-an ng gamot natin." Ani Althea, isa ring medical representative kagaya ko.

"Kayo rin naman, ah?" I asked, "bakit naman hindi?"

"Sus, sa ating lahat naman dito'y ikaw ang pinakamagaling na magsalita, ano? Maganda pa at malambing ang boses kaya ang sarap pakinggan. Tiyak na may o-oo na naman."

"Hindi naman," napangiti ako, "sa tamang pagsasalita lang iyon, Althea. Mahirap talagang magbenta ng gamot sa kalakihang mga ospital ngayon dahil na rin sa daming brand na nagsusulputan, sa tamang pagpresinta lang tayo bumabawi."

"Oh, ayan, Liz! Narinig mo?" nakangising siniko ni Althea ang bagong med rep na kasama namin. "Makinig ka kay Ma'am Yasmin, naku at employee of the month na 'yan in five consecutive months!"

"Althea!" I called out, blushing because she's praising me so much.

"Asus, mahiyain!" napatawa pa siya, "ganyan talaga iyan, Liz. Tahi-tahimik pero ang utak ang talim mag-isip, kapag gusto mo ng advice tanungin mo 'yan at marami na 'yang experience sa pag-aalok ng brand natin sa mga ospital."

Nahihiya ako sa pinagsasabi ng kaibigan pero 'di ko rin maitago ang saya na naramdaman sa kanyang papuri.

"Ma'am Yas, totoo po bang marami na kayong napagtrabahuhang mga kompanya? Atsaka ospital?" the curious new girl asked kaya kaagad akong sumulyap kay Althea na ngumuso sa akin, mahinang sumasambit ng sorry niya sa pagiging madaldal kaya napailing ako at bumaling kay Liz.

"Ah, medyo." I explained, "ano kasi...paikot-ikot ako ng lugar, no permanent address ba kumbaga kaya ayon, kung saang may available na p'wedeng mapasukan doon ako."

"Ah..." she nodded. "Masaya po bang maging med rep? Pasensya na po't first time ko kasi talaga."

"Oo, masaya naman." I smiled, "nakakatakot at nakakakaba sa una pero kapag naman nasanay ka na ay ayos na. Madadaan mo lang iyan sa magandang usapan sa kliyente. Lalo na't mga doktor at propesyunal ang ating kinakausap."

Tumango-tango siya, nangingiti pa sa akin.

"Salamat, Ma'am. Tama nga itong sinabi ni Althea na magaling ka." Aniya kaya ngumuso ako, sumulyap sa kaibigan na binibigyan pa ako ng thumbs up at napailing.

"Ikaw talaga..." turo ko sa kanya na tatawa-tawa sa akin.

"Yasmin knows best," malakas pa niyang sabi kaya napatawa na ako.

Unti-unti kaming nabawasan nang madaanan na ang ibang ospital para sa iba kong mga kasama at nang kami rin ay mabilis kaming bumaba.

Kipkip ko ang isang envelope at paper bag na may logo ng pharmaceutical company na pinapasukan ko habang kasama si Liz na naglalakad papasok sa mismong lugar.

Akala ko'y simple at maliit na ospital lamang ang pupuntahan ko ngayon kaya 'yon na lang ang mangha nang makita ang prestihiyoso at malaking building ng ospital na ito.

The place was almost made with glass. Mataas at halatadong pang-mayaman ang mga nandito. I can imagine VIPs, rising stars or even politicians being confined here. This looks more of a hotel than a hospital sa labas pa lang! Paano pa kaya sa loob?

My eyes wandered around and saw the name of the facility in gold, bold letters.

Desert Springs Mental Facility and General Hospital

My mouth parted, amazed how amazing this looks for a mental facility. I rarely see this kind of hospitals, lalo na ngayon. Ang alam ko kasi'y—base sa nakita ko'y hindi napaglalaanan ng gobyerno ang mga pasilidad kagaya nito.

A mental facility is supposed to be a nice place to shelter those in need of special care but why does these facilities look like prisons? Bakit ang isang pasilidad na dapat tumutulong sa mga tao na mapabuti at makalaya sa sakit ay mukhang siya pang mas lalong nagkukulong sa kanila roon?

"Wow, ang laki, Ma'am Yas!" Liza blurted out in amazement and I can't blame her.

"Ang ganda nga at malaki," mahinang papuri ko, "alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng ospital na ganito kalaki—bukod sa General hospital siya ay mental facility din? Sa probinsya o kaya'y sa ibang lugar kasi'y mukhang pinabayaan at bilangguan ang ganito."

"Po? Talaga?" Aniyang namamangha pa, "nakabisita na ba kayo sa ganito, Ma'am?"

I stopped at that. A sudden memory played inside my head but I snapped out of it quickly and looked at her.

"Let's get to work, shall we?"

She nodded and smiled. Inayos ko ang pencil skirt na suot at marahang sinuklay ang buhok na isinasayaw ng hangin, humuhugot ng hininga pampalakas loob bago tumuloy sa entrance ng ospital pero kaagad kaming hinarang.

"Saan po kayo, mga Ma'am?" magalang na tanong ng guard kaya inabot ko ang envelope na hawak at inilabas doon ang file para ipakita sa kanya.

"Ay..." napahawak siya sa batok, "med rep pala kayo, mga Ma'am. Sige po, pasok po kayo at kausapin 'yong magandang nando'n sa may front desk at magtanong. Magandang gabi po pala."

"Magandang gabi po, Sir." I gave him a small smile. "Salamat po."

Sumaludo siya, mabilis pa kaming pinagbuksan ng salaming pintuan kaya tuloy-tuloy kami sa pagpasok doon.

"Sabihin mo med rep tayo," I told Liz, urging her to do it.

"P-parang nahihiya ako, Ma'am." Aniyang namumula pa kaya ngumiti ako at umiling.

"Ako rin no'ng una, Liz." I said, "ganyan ako kagaya sa 'yo, takot na takot sa mga tao pero kailangang susubok tayo para mawala ang takot na iyon. Ano pa't paano mo makakamtan ang gusto mo kung hindi ka gagawa ng isang bagay patungo roon, 'di ba?"

Her eyes brightened.

"Salamat, Ma'am," she puffed a breath. "Kaya ko 'to."

I nodded and smiled at her. Pinauna ko siya sa paglalakad at nakitang kinakausap na niya ang attendant na ipinakita sa amin ang log book.

"Una ka na, Ma'am." Aniya sa akin kaya nakangiting kinuha ko ang ballpen para isulat ang numero at pangalan.

97. Ivorea Yasmin Rivera

After writing my name, kailangang isulat din ang oras kaya inangat ko ang kamay para alisin ang pagkakatago ng orasan sa pulsuhan. I checked it and wrote the time in the book but stopped upon seeing the attendant staring at my wrist.

Sumulyap ako sa pulsuhan at nagitla nang matantong nakalitaw iyon kaya dali-dali kong ibinaba ang kamay at itinago ang pulso sa long sleeves na suot.

Our eyes met and she blinked, looking apologetic before looking away.

"Ikaw na, Liz," inilipat ko ang log book sa pwesto niya bago luminga-linga sa paligid para aliwin ang sarili dahil sa kabang nararamdaman.

Malakas at mabilis, pakiramdam ko'y muling binalot ng takot ang puso ko sa pagkakakita ng attendant sa pulso ko.

"Doc, napainom ko na po ng gamot si patient," my eyes moved when I heard a voice stopping on my tracks when I saw a nurse in scrubs talking to a man.

My eyes brightened, noticing how fit and athletic he looked in his white doctor's coat underneath it is a gray and white polo shirt tucked on his black pants.

I found myself adoringly staring at the tall man in a clean and sexy haircut. His hair has short trims in each side of his head—like that of a popular crew cut but with a much longer one.

The front side of his black hair at the top of his head is a bit longer and messy, emphasizing his strong jawline and high cheekbone. His lips curved into a smile when the woman said something funny the same time he raised his head and our gazes met.

My heart pounded harsher than it was a moment ago when I got a look on his formidably deep set of black eyes under his eyeglasses.

His lips tugged into a smile when he caught me looking and my cheeks flushed. I was panicking when I shifted my body to Liz talking to the attendant.

"S-saan banda 'yong..." humugot pa ako ng hininga para kalmahin ang sarili, "'yong sa psychiatry department? D-doon kasi ako..."

"Ah, diretso lang po, Ma'am. Third Floor, diretso lang po tapos may makikita kayong pasilyo sa kaliwa po kayo." Aniya kaya tumango-tango ako.

"Sa OB ako," ani Liz sa akin kaya nginitian ko na. "Hatid na kita."

When I glanced back where the handsome tall man is, he wasn't there. Medyo nanghinayang pa ako pero napailing at natawa sa naiisip.

Kailan pa ako nagkainteres sa mga lalaki? Hindi dapat.

The lady instructed us the direction at hinatid ko si Liz sa OB department at pinalakas ang kanyang loob dahil kabadong-kabado na.

"You can do it!" I chirped and smiled when she puffed a breath.

"Thank you, Ma'am Yas! Kaya ko 'to!" she tapped her chest and I bid her my goodbye, saying we should meet after an hour at the lobby and that's when she's settled I went on my way.

Tinahak ko ang lugar ayos sa sinabi ng attendant sa akin. Pero pagkarating ko sa pasilyong sinabi niyang lilikuan ko'y kaagad na natigilan nang makitang maraming mga opisina ang naroon.

My forehead creased, ni hindi ko naisip na maraming mga opisina rito kaya nalito ako. Naglakad ako patungo sa may nurse station sa floor para magtanong pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay may naglakad na sa harapan ko.

"Sunrise Pharmaceuticals?" I saw a chubby man in his late 50s I guess in a tight blue long sleeves. May hawak-hawak siyang chart at mabagal na naglalakad patungo sa akin na nakangisi.

"Ah, hello po, Doc." I said softly, "yes po."

"Oh..." he grinned, glancing at me from head to toe. A smirk played on his lips. "Tara! Tara, sa office tayo, hija!"

Maybe I was too paranoid but I unknowingly took a step back when he walked towards me.

Humalakhak siya, "asus, mahiyain ka pala. Tara, h'wag kang mahihiya, please me inside my office! Para tignan natin kung maganda iyang—he looked at me from head to toe again—mga produkto mo."

Kinuha niya ang pulsuhan ko at hinila ako. Hindi na ako nakapalag sa gulat sa kanyang ginawa at napasunod sa paglalakad niya.

He was almost dragging me that I started panicking.

"D-doc..." my voice quivered, "p-p'wede pong..." hinila ko ang kamay ko.

"H'wag ka nang maarte, hija." Ngumisi siya nang lingunin ako, mas humigpit ang hawak sa akin. "First time kung sakaling magiging supplier ang Sunrise rito sa ospital kung mapa-oo mo 'ko."

Nagdidilim ang paningin ko. Nanginginig na ata ang kamay ko habang nakasunod sa kanyang hila-hila ako, tahimik na humihingi ng tulong at saktong pagdaan namin ay nakita ko ang lalaking iyong kanina.

He's looking at something on his chart, on his other hand is a cup of coffee from a venti machine.

"Dr. Valderama, good evening!" the doctor greeted. He lifted his gaze to look at the man and nodded coldly.

"Good evening." He greeted in a monotone and was about to walked past us when I caught his gaze.

His velvety lips parted, I realized he have a few tiny stubbles near his chin and jaw. His intense and deep set eyes looked at me behind his eyeglasses.

I looked at him pleadingly before the doctor pulled me to the opened clinic. Nakatitig pa kami sa isa't-isa ng doktor na iyon sa labas bago nagsara ang pintuan sa harapan ko nang i-lock niya iyon.

Binitawan lang ako ng doktor pagkapasok namin sa kanyang opisina at naupo sa may sofa at pinagmasdan ako bago tinapik ang tabi niya.

"Tara, Miss. Upo ka." He tapped the seat beside him.

I gulped harshly, sweating coldly. My heart kept on pounding harshly inside my chest and I felt like I couldn't breathe.

"Tara, Miss. Akala ko ba magbebenta kang gamot?" aniya sa akin na nakatitig kaya humugot ako ng malalim na hininga.

Ayos lang 'yan, Yas. It's nothing, right? You are just damn paranoid! You wish to keep this job instead of leaving again and again? Then stop being weird!

"Miss?"

"O-okay po..." maliit kong sabi at naupo sa kanyang tabi, sumusubok na pirmihin ang sarili.

"Hmm, you seemed stiff. Ano ba 'yang gamot na dala mo?"

"W-well..." tumikhim ako at inayos ang pencil skirt bago idiniretso ang likod at ang upo. "Let me introduce myself, Doc."

"Uh-huh, sure." Ngumisi siya at kinilabutan man ako roon ay 'di ako umimik.

"I'm Ivorea Yasmin Rivera." I introduced, "a Registered Pharmacist and a medical representative from Sunrise Pharmaceuticals."

He nodded, still looking at me. I gulped, when I realized he's looking at my chest kaya dali-dali kong ipinatong sa pagitan namin ang paper bag.

"Here are the products from Sunrise, Doc." I said, "I am aware you have the best brand for the medicines you have for the patients but Sunrise offers not just effective but convenient drugs—"

"That's so boring. I've heard a lot like that from med reps, Miss." Aniya kaya natigil ako sa pagsasalita. "Why don't you please me with something else? Something...more exciting?"

"U-uhm..." I cleared my throat, nanginginig ang kamay na kinuha ang gamot na dala ko. "I'll cut the intro, Sir. Here are the benefits of—"

Halos mapigtas ang hininga ko nang lumapit siya sa akin.

"So...boring." He whispered on my ear. I shivered.

"Doc," I said formally. "Ito po ang gamot—"

"You're so stiff," he whispered back, my breath hitching when he placed his hand on my leg.

"Doc," I called and stared at his hand, "a-ano pong ginagawa ninyo?"

"I'm not interested with the drugs, hija." Aniya, "we have a lot of high quality meds here from abroad."

"G-gano'n po ba?" mahinang sabi ko, "sige po, s-salamat. Sa iba na lang po—" akmang tatayo ako ay mabilis niya akong hinila kaya bumagsak akong muli sa sofa.

"You can please me in other ways, hija." He grinned while looking at my chest, "I might say yes...to your offer."

Umangat ang kamay niya sa pencil skirt ko. His hand crawled on my leg, lifting my skirt up and I know I should push his hand away. A logical thing to do is move away but I found myself stunned and stoned.

Hindi ako makagalaw sa takot. Malakas ang apuhap ng aking dibdib habang hinahaplos niya ang hita ko.

"There, good girl—" a knock on the door stopped him pero 'di niya iyon pinansin. Muli pa sana siyang lalapit pero mas lumakas ang katok doon, akala mo'y mawawasak na ang pintuan.

"Tang inang istorbo," bulong niyang mariin at tinanggal ang kamay sa hita ko.

"Sino 'yan?" he asked.

"Dr. Mendoza, it's me."

That voice...

"Tang ina, si gago." Mariing sinabi ng doktor at nilingon ako at itinuro. "H'wag kang magsasalita. Subukan mo't mayayari ka sa 'kin." Banta niya bago tumalikod at tinungo ang pintuan.

I quickly fixed myself. I was in the verge of crying but I refrain myself from doing it and instead, stood and watch as the door opened.

A familiar handsome man from earlier is what I saw at kaagad na nagtagpo ang mata namin kaya namilog ang mata ko at ikinuyom ang kamay.

"Everything okay?" his baritone voice asked the other doctor.

"Oo naman, Doc," tumawa itong tila walang nangyari, "nag-uusap lang kami nitong med rep at may bagong mga gamot daw. 'Di ba, Miss?"

Bumaling sa akin ang doktor at namilog ang mata ko at mabilis na tumango-tango at itinungo ang ulo. Itinago ko ang nanginginig na kamay sa likod ko.

"Bakit ka naparito, Dr. Valderama?" he asked.

"Someone's looking for you at the parking," aniya.

"Huh? Bakit daw? Sino? Sa parking talaga?"

"Oo." Aniyang mas malamig pa. "Go there and meet him, it must be important."

"Maya na lang, Doc." Tumawa ang huli, "makakapag-antay naman siguro 'yon. Pauwi na rin naman ako, kakausapin ko lang ang med rep para matapos na rin—"

"Why are you even negotiating with the medical representative?" he asked, "she must be on my office. Not here."

Nag-angat ako ng tingin dahil sa nagulat sa sinabi niya. Nang makita ko ang ekspresyon niya ay madilim iyon habang nakatingin sa matanda.

"Ano..." tumikhim siya, "mukhang abala ka kasi kanina, Doc. Tumulong lang ako."

"I don't ask for help in terms of these negotiations, Doc." His jaw clenched, "doon sa opisina ko ang mga importanteng transaksyon kagaya nito."

"P-pasensya na po..." he lowered his head like a scared puppy and my eyes are just wide, realizing I was almost harassed here.

Tapos...tapos hindi naman pala ako dapat nandito.

"Go out and talk to that man, it must be important," aniya.

"Pero mamaya na—"

"I said it is important." He said hardly, "so go and meet him. You hear me?"

"O-opo..." tango-tango niya, "pasensya na, Doc...Miss..." sumulyap sa akin ang doktor at nanghihina ako't kinakabahan kaya mas tumungo lang ako.

He left abruptly, narinig ko naman ang yapak ng pagpasok niya kaya dali-dali akong bumalik sa sofa para ayusin ang mga gamit pero sa sobrang taranta ko ata'y nahulog ang paper bag at ang mga lamang lagayan ng gamot ay nahulog at gumulong sa sahig.

"S-sorry..." I murmured shakingly, nagmamadaling kinuha ko ang mga gamit na nahulog, "p-pasensya na po, pasensya..."

Inabot ko ang mga bote ng gamot isa-isa. My hands are trembling, ramdam ko ang kanyang presensya sa aking paligid pero ang takot ko'y narito na naman sa dibdib kahit anong gawin ko para iwasan.

I saw the remaining bottle just beside the table but before I could reach it, someone did.

Nag-angat ako ng tingin at nahuli ang itim na itim niyang mga matang nakatingin sa akin, sa kanyang kamay ay may iilan ding bote kaya dali-dali akong tumayo at inabot iyon mula sa kanya.

"S-salamat po," mahinang sabi ko at inayos ang paper bag kung saan ko inilalagay iyon. "P-pasensya na po sa abala...s-salamat po." Nauutal kong sambit.

I may be shaking so much my things almost feel but he caught it mid-air quickly.

"Careful," his voice is soothing, akala mo'y 'di nagtaas ng boses kanina. "Here." Aniya at inabot sa akin ang gamit kaya mabilis ko iyong kinuha.

"Salamat po...salamat." I bowed, "p-pasensya na po, 'di na mauulit."

"It's okay," he mumbled. "Look at me, Miss."

Hindi ako nakagalaw kaagad. Natatakot na sulyapan ang mukha niya at baka ang galit doon ang makita.

"I'm not mad," he murmured gently, "uhm, well, I'm rude. Let me introduce myself to you."

Lumunok ako.

"Pero tingin ka muna?" he asked and hesitantly, I did. I was shocked upon seeing the look on his face after I expected rage on it but instead—it was softness.

"There you go." His velvet lips tugged into a smiled, "I'm Deion Rheus Valderama. You are?" he offered me his hand but I'm still hesitant.

"It's okay to not say your name, I understand." He shook my hand firmly but unlike with the doctor earlier, I did not feel scared.

"Sorry..." I whispered, "s-sorry po."

"You don't have to apologize for the things you could not control, Miss." Doon na ako muling tumitig sa mga mata niya.

"Let me ask you this instead...nasaktan ka ba? Ayos ka lang?" he asked. Simpleng mga salita, simpleng tanong pero ang gulo at takot sa aking dibdib. Ang mga tinik na nakatusok ay tila nawala. Tila kinukuha niya iyon sa akin, inaalis at pinapalitan ng ginhawa at kaligtasan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co