A Dare To Prepare Published Under Bliss Books
Chapter 12Invite"Mom!" Saway ko kay Mama ng walang pasabing inabot ang photo album ko noong bata pa ako kay Lance—I mean Cedrick na tuwang-tuwa na kinuha ito.Shit! Not that!"Ma! H'wag yan!" Saway ko may Mama habang patuloy silang nagtatawan ni Cedrick sa picture ko na naliligo at nakaupo sa balde ng tubig. Napasimangot ako ng humagalpak ng tawa si Cedrick at sumulyap sa akin."H'wag kang magulo anak at nagbabonding kami ng boyfriend mo!" Saway sa akin ni mama sa pag-alma ko at dinamayan ulit ang huli. Napairap nalang ako sa kawalan at napagdesisyunang umakyat nalang sa kwarto para magbihis.Hindi ko na napigilan si Lance na pumasok sa bahay namin, tinutulak ko pa nga s'ya sa sasakyan nya pabalik pero hindi n'ya ako hinayaan at sya pa mismo ang nag-doorbell at sinalubong ng beso ang Mama ko.What the heck, 'di ba?Gulat ang Mama ko nang nagpakilala si Cedrick at hindi makapaniwalang tinignan ako pero nang hindi ako umalma ay unti-unting lumaki ang ngisi n'ya at hindi ko na nasaway ng hilahin n'ya papasok si Cedrick papasok at inilabas ang mga album ko na nasa loob pa siguro ng baul nanggaling.Napagdesisyunan kong magplain-white-shirt nalang at maikling shorts, nag-bun na rin ako ng buhok ko at tinanggal ang glasses ko, nasa bahay lang naman ako kaya walang problema kung hindi ako nakasalamin.Tahimik akong bumaba at agad na nagpanting ang tenga ko sa ng marinig ang topic nila."Hijo, kailan mo niligawan ang anak ko?" Takang tanong ni Mama habang hindi nawawala ang ngisi sa mukha. Ngumisi ang babaero at sumagot."Naku, Tita, hindi ako unang nagconfess. S'ya yung una, nagulat nga ako 'nun, eh, pero s'yempre gusto ko po ang anak n'yo kaya ko niligawan at walang sweat na napasagot! Syempre sa gwapo ko ba namang ito, Tita?" Halos mabulunan ako sa sariling laway at liparin sa hangin sa mayabang na kwento ng walang-hiya at napahalakhak si Mama ng sobra. 'Yong tipong napapahawak na s'ya ng t'yan at hinampas pa ang braso ni Cedrick sa tuwa."I like you, hijo! Basta ba alagaan mo anak ko, ah?" Tumango si Cedrick at kaagad na nagseryosong tumingin kay Mama."Of course, Tita, I will." Seryoso n'yang sabi at kaagad kong naramdaman ang biglang pagtibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib at nakagat ang labi.No, not now.Kaagad akong tumikhim para mawala ang kakaibang nararamdaman at napalingon sila sa akin at naputol sa pag-uusap."Oh, anak, nandyan ka na pala." Ngumiti sya at ikinumpas ang kamay. "Halika't tabihan mo ang boyfriend mo at maghahanda ako meryenda." Tumango ako at naiilang man ay kaagad akong tumalima at tumabi kay Cedrick.Hinintay kong makaalis ang Mama at noong tuluyang makaalis ay kaagad kong sinunggaban ang pagkakataon na hilahin ang tenga ni Cedrick at piningot ng sobra at kaagad s'yang napahiyaw roon."A-Aray! Shit! Let go, Chloe!" Naaasar nyang sabi na pilit na tinatanggal ang kamay ko pero hindi ko sya hinayaan, hinila ko pa ang leeg nya at bahagya syang sinakal ng pabiro."Anong sinabi mo kay Mama?!" Naiinis kong sabi sa kanya at binatukan ko muna sya ng mahina at pinakawalan."Ah, wala naman. Sinabi ko lang sa Mama mo na gwapo ako." Nakahawak sa batok pero proud n'yang sabi kaya binatukan ko ulit s'ya."Fuck! Aray ko naman! Brutal talaga nito." Inirapan ko s'ya at humalukipkip na lang at hindi na nagsalita pero sumiksik sya sa akin sa may gilid ng sofa at nagulat ako ng paakbay n'ya akong tinabihan."Alam kong narinig mo 'yong kwento ko." Ngumisi sya at sinilip ang mukha ko. "Astig no? Grabe nakakakilig love story natin, 'no?" Tumingin sya akin at parang baklang tumitili-tili pero 'di ako nagpahalatang natutuwa ako at naku-cute-an sa ginagawa nya kaya tinanggal ko nalang ang kamay n'ya sa balikat ko."Parang bakla..." Nangingisi kong sagot at noong nawala ang ngiti sa labi nya ay bumungisngis ako."Sinong bakla? Ako? Gusto mo try natin? Ano, baka bukas n'yan may apo na si Mother-in-law!" Mayabang nyang sabi at kaagad kong naramdaman ang mainit na umaakyat sa pisngi ko at napaiwas kaagad ng tingin.Gosh! Bunganga ng bwiset na 'to! Nakakainis!"J-Joke lang." Mahina kong bawi sa sinabi ko sa kanya at umayos ng pagkakaupo sa sofa.Mahina s'yang tumawa at inakbayan ako."Joke lang din, pero pwede rin nating totohanin. Ano, tara?" Bumalik ang sigla sa mata n'ya at nginitian ako at 'yon nalang ang paglabas ng kusina ni Mama habang may dalang tray ng cake at juice.Lance left and while having our dinner, Mama spoke."Anak, why don't you invite Lance bukas?" Biglang turan ni Mama habang kumakain kami ng hapunan sa hapag. Nangunot naman kaagad ang noo ko at bumaling sa kanya. Inilapag ko ang kutsara sa plato bago bumaling at nagsalita."Huh? Ano pong meron bukas at i-invite ko si Cedrick?" Tanong ko pero bago pa man ako masagot ng Mama ko ay nagsalita si Ate."Cedrick? You're calling him Cedrick?" Bakas ang gulat sa mukha nya habang nagtatanong at nagtataka man ay tumango ako at napakagat labi."Bakit, Ate?" Tanong ko pabalik pero napaiwas sya ng tingin ng tanungin ko sya na mas lalong ipinagtaka ko."Wala naman, I was just asking." Napatango nalang ako at bumaling kay Mama para antayin ang sagot n'ya sa tanong ko."Anong meron bukas, Ma?" Pagbabalik tanong ko sa kanya at nakita kong ngumiti ng pagkalaki-laki si Mama bago sumagot sa akin. Her eyes danced with happiness at halatang excited s'ya sa sasabihin at maging ako ay na-excite ring bigla."You're dad will be going home." Napaawang ang labi ko at saglit na natulala at napatingin kay Ate na nakangiti lang sa akin at kay Mama, marahil siguro'y alam na nya na uuwi si papa.My heart jumped with happiness at napatayo ako at lumapit kay Mama. Hinila ko ang isang bakanteng upuan na dapat sana ay para kay Kuya Jules at lumapit sa tabi n'ya."Ma, seryoso?" Nang tumango si Mama ay yun nalang ang paglaki ng ngiti ko at napapalakpak akong bigla."Oh my God! Yes! Finally! I miss Dad!" I chanted happily at tumayo sa upuan ko para yakapin si Mama.Finally! My Dad will be home after two years of being far from us! Kinailangan n'ya kasing mag-stay sa ibang bansa para ma-i-ayos ang kompanya na palugi na, na ipinamana sa kanya ng Lolo at Lola kong yumao na. He's the only man in their family kaya sa kanya ipinamana ang kompanya but unfortunately, nalubog ito sa utang noong yumao ang huli at kinailangan 'to ng focus ng Papa ko.We seldom visit him there dahil nga sa masyadong busy at may pasok pa ako. It's my last year in college at t'wing bakasyon lang namin syang nabibisita kaya miss na miss ko na s'ya.Mas close ko kasi kung tutuusin ang Papa ko kaysa sa Mama ko, we're like best of friends, alam ni Papa ang crush ko noong elementary ako hanggang highschool.Tumulong ako sa paglilinis ng pinagkainan at nang matapos ang gawain ay kaagad akong dumiretso sa kwarto at kinuha ang phone bago hanapin ang numero ni Cedrick para tawagan.Sa unang pagring ng telepono ay hindi 'to sumagot and it actually takes three more rings for him to answer. Bakit ang tagal sagutin?"Hello?" Kaagad kong napigil ang hininga ko ng marinig ang paos nyang boses sa kabilang linya. Parang biglang nangatog ang sistema at kulang na lang ay mabagsak ko ang telepono sa hawak ko."H-Hello!" Nauutal man ay pinakalma ko ang sarili. Pakiramdam ko ay biglang namawis ang palad at ang noo ko at sumandal ako sa headboard ng kama habang inaantay ko ang sagot n'ya. I was just hoping na sana ay hindi nya napansin ang pagkautal sa boses ko.This is the very first time that I will call him."Oh, hi, Sweety! Good evening..." Malamyos n'yang sabi sa kabilang linya na halatang bago palang s'yang gising. I shivered with the thought. Damn, and so? Ano ngayon kung bagong gising s'ya?Shit, I am not supposed to feel this way!"Sweety? You alright?" Biglang sabi n'ya ng hindi ako kaagad nakasagot."O-Oo, I'm good... Ayos lang ako, ayos lang." I composed myself, especially my voice bago tumikhim."Why'd you call? Need anything?" Narinig ko ang paghikab n'ya sa kabilang linya na patunay na nagising ko s'ya kaya napangiti ako. So it explains why it took him some quite time answering my calls."Ah, sorry, naistorbo kita." Kinagat ko ang labi ko habang nag-aantay ng sagot n'ya, sumulyap pa ako sa kisame at dumaosdos ng higa sa kama."Not really but a kiss will do." Narinig ko ang pagngisi n'ya sa kabilang linya at kaagad kong nahigit ang hininga at siguradong nangangamatis na ang mukha ko. Mahina akong napamura at napabalikwas ng bangon."Ano bang..." He cut me off."Kidding, kinabahan ka 'no?" Humalakhak sya na kinainis ko. Marahas akong bumuntong hininga."Bwisit ka talaga 'no?" Naasar kong sabi sa kalokohan n'ya."Tsk! Stop the curses sweety, pero pwede naman nating totohanin. Ano? Punta na ba ko dyan?" Pang-aasar pa nya bago sumipol sa telepono."Shut up! You moron!" Mas lumakas ang halakhak nya mula sa kabilang linya at narinig ko ang pagtunog ng kama nito ng tumayo sya."So-Sorry," humalaklak sya. "Why'd you call, by the way?""Wala!" I shouted bago pinatay ang tawag at itinapon sa paahan ko. Narinig ko pa ang pagring 'nun pero hindi ko pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot.Nakakainis! Napakabastos talaga ng babaerong 'yon!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co