Truyen3h.Co

A Dare To Prepare Published Under Bliss Books

Chapter 4

She's back.

Nagising ako kinabukasan na matamlay at walang ganang tumayo, mailap sa akin ang antok buong gabi, malamang ay dahil sa lumilipad ang isip ko sa mga bagay-bagay.

Napatingin ako sa bintana ng kwarto at napalabi ng makita na madilim pa, I took a glance at my alarm clock at the side table at hindi na ako nagulat na makita na alas-singko palang ng madalang-araw.

Bumuntong-hininga ako at pabagsak na humiga sa kama, di ko alam kung anong mangyayari sa akin mamaya. Same shit, different day.

How amazing does that sound? Just wow...

Dati, quizzes lang ang pinoproblema ko. Ngayon, pati na 'tong lintek na dare na 'to. Can I quit? Ayoko ng ganito.

"Good Morning!" napabangon ako agad sa higaan at hinagilap ang salamin ko para makita ang sumigaw na nagpasira ng umaga ko. I narrowed my eyes at the door at nangunot ang noo ko ng makita ang Ate ko na nakangisi sa akin.

Then slowly, my eyes widen.

"A-Ate?" Napaawang ang bibig ko.

"Yes! The one and only!" Nagpose pa s'ya sa harap ko, tinanggal ko naman ang salamin ko para ipunas sa shirt ko, two months na kasi ang nakalipas simula ng umalis 'yang si Ate papuntang States dahil sa preparation ng engagement nila ni Kuya Jules kaya nagulat ako ng makita sya rito.

"N-Nakauwi ka na?!" tinuro ko sya.

"Obvious ba? Naku, sis, mukha bang wala ako dito? Halika bilis! nasa baba yung mga pasalubong ko sa'yo, Come on! Andun din si Jules." nakangiti nyang sabi.

"Sige," sagot ko sa kanya at tumayo ng kama at nag-ayos ng sarili, mabilisan kong inayos ang mga gagamitin ko at agad na bumaba..

"Hi, Chloe!" nakangiting bati sa akin ni Kuya Jules, matanda kasi si Kuya Jules ng dalawang taon kay Ate at matanda ng isang taon sa akin si Ate. So, she's twenty by now.

"Hello, kuya." nakangiti ko ring bati at kumuha ng cookie sa table na siguradong bi-nake ni Mama.

"Musta na?" tanong sa akin ni Kuya at naupo sa sofa katabi ko.

"Okay lang, eto buhay pa rin. Kamusta naman yung preparation n'yo sa engagement?" tanong ko naman sa kanya na nakatingin sa Ate ko kaya napangiti ako.

"Okay lang, doing good." sagot n'ya at biglang narinig ko ang sigaw ni Ate.

"Sis! Halika dito! Andito yung pasalubong ko, mamaya mo na kausapin yang ugok na yan!" sigaw ni ate, napatawa naman kami ni kuya.

"Ano?! Ate naman, alam mo namang mas gusto kong magsuot ng salamin!" sigaw ko kay Ate sa sobrang inis, nakakaasar kasi! Never akong magsusuot nyang contact lense! Nasubukan ko na dati kaso hindi ako sanay at naluluha pakaya hindi ko na inulit. I would rather wear glasses than those annoying lenses.

"Anong ayoko? No! susuotin mo 'to, now na!" sabi nya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Ayaw." sagot ko at tumalikod, hinding-hindi ko susuotin yan kahit anong gawin nya.

"Kukunin ko yung laptop mo!" banta nya na ipinagsawalang-bahala ko. Wala naman akong ginagawa dun kaya ayos lang.

"Kunin mo," sagot ko at naupo sa sofa, nilantakan ko ang cookies at sumimsim ng gatas mula sa baso. I heard her hissed at me pero umirap ako at inayos ang salamin ko.

"Kahit anong gawin mo 'di ko susuotin yan!" Matigas kong sagot at itinaas ang kilay.

"Talaga?" ngumisi s'ya.

"Talagang-talaga." sagot ko at ngumisi, hinding-hindi ko susuotin 'yan.

"Kahit itapon ko yung mga books mo?" Natigilan ako at napatayo agad sa gulat, No! not my books!

"H'wag!" sigaw ko na naaalarma.

"Sige, pag di mo 'to susuotin susunugin ko yung mga libro mo sa shelf!" Panakot nya, syempre natakot ako. Libro ko yun eh! Kapag nagbanta pa naman yan tinototoo nya.

"Sino bang nagsabing di ko susuotin yan?!" bigla kong sigaw, narinig kong tumawa si Kuya Jules, Mama at si Ate. Sumimangot nalang ako sa sobrang inis.

"Oo nga, sinong nagsabi?!" sabi din ni Ate at humalakhak.

"Sis, ikaw na! Ikaw na maganda!" sigaw ni Ate na mas nasasayahan pa sa nakikita nya. Napaismid ako at pinikit-pikit ang mata ko. Nakakainis! This is probably the last time that I will wear these!

"Grabe, sis, ang ganda mo talaga kapag wala kang malaking eyeglasses! Promise! Gosh! kamukha mo yung model sa Victoria Secret!" sigaw nya ulit habang nagpapaikot-ikot sakin na para akong isang mannequin.

Hindi naman ako sumagot habang sambakol ang mukha, nakatitig lang ako sa eyeglasses ko at napailing. Magkikita ulit tayo, matapos lang talaga ang araw na 'to.

"Don't be sad! Suotin mo na yung uniform mo bilis! Tapos pagdismiss nyo umuwi ka agad, ah? May surprise ako!" Sabi pa nya, tumango nalang ako, takot ko lang sunugin ang libro ko.

"Bagay naman sa kanya diba babe, Mama?" sabi nya sabay turo sakin, ngumiti naman at nagthumbs-up ang dalawa. Maya-maya pa ay may nagdoorbell sa labas at nagpresinta na ako na ang magbubukas, tutal naman ay papasok na ako.

Tumunog ulit ang doorbell kaya nagmamadali akong lumabas. Binilisan ko ang lakad ko hanggang makarating sa gate. Mukha ng bestfriend ko ang bumungad sa akin pagkabukas.

"Chloe Mae Villafuerte! Ikaw ba yan?! Asan yung nerd kong bestfriend?!" Exaggerated nyang bungad habang nanlalaki ang mata. Napailing ako at hindi sinagot ang tanong nya. OA nanaman nila ni Ate, kainis.

"Oh my bestfriend! May himala! Totoong may himala!" sigaw nya habang nakatingin sa akin at tumatalon-talon pa, nakakahiya! pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay.

"Tumahimik ka nga," sita ko at tumingin sa paligid.

"Anong nakain mo?!" sabi nya habang inaalog ang balikat ko.

"Wala! si Ate kasi!" Irap ko.

"Ate? As in... Ate Rica?" tanong nya na unti-unting nagniningning ang mata at um-oo kaagad ako.

"Gosh! Nasa loob ba?!" tumango ako, pagkatango ko agad syang nawala sa harap ko at pumasok ng bahay, walang hiya. Sumunod nalang ako, mamayang pagkatapos ng lunch nalang kami papasok.

"Ate Rica!"

"Mika!" Tili nilang dalawa at nagyakapan pa. Natatawang napailing nalang ako, sila nga ata yung magkapatid.

"Ate, ikaw nagpasuot dyan ng contacts?!"

"Oo naman!" proud na sabi ni Ate at ngumisi pa.

"Oh?! anong panakot mo, ate?"

"Susunugin ko yung books n'ya." Sagot nya at humalakhak. Sige! tumawa kayo, Tsk!

"Kaya naman pala eh." Sagot pa n'ya.

"May surprise pa ako dyan mamaya eh!" sabi ni Ate at nagbulungan na parang mga bubuyog ang dalawa.

"Okay lang yan Chloe, bagay naman sa'yo." biglang sabi ni Kuya Jules na biglang sumusulpot at ginulo ang buhok ko.

"Huwag mo guluhin Kuya! magulo na nga guguluhin mo pa!" reklamo ko at inayos ang basa kong buhok.

"Oh! Chillax lang." Malakas din syang tumawa pagkatapos. Bakit ba sayang-saya nila sa itsura ko? Ang panget nga eh.

Kinuha ko yung phone sa bagpack ko ng tumunog ito at isang hindi nakaregister na number ang tumatawag. Agad ko itong sinagot kahit na hindi kilala, baka kasi importante.

"Hell—" Naputol ang sasabihin ko dahil sa may biglaang sumabat.

"Girlfriend ko, asan ka? Bakit hindi ka pumasok?!" agad kong nalayo yung phone sa tenga ko sa lakas ng boses na bumungad sa akin. Mukhang alam ko na kung sino 'tong tumawag.

"Hoy, Lanc—"

"Chloe, answer me! Why the hell you're—" kahit na kinilabutan ako sa pagtawag nya sa pangalan ko ay pinutol ko sya.

"Tumahimik ka nga muna!" Sigaw ko, tumahimik naman sya kaagad mula sa kabilang linya. "Papasok ako, mamaya after lunch." Sagot ko naman at sumulyap sa Ate ko na may kakaibang tingin sa akin. Yung parang may tinatago akong baho sa katawan.

"Ha? bakit?" Tanong nito sa kabilang linya, narinig ko pa ang ingay ng mga kabarkada niya sa background.

"Nandito na kasi si Ate." Natahimik naman yung sa kabilang linya na ipinagtaka ko.

"Hello Lance? Ayos ka lang?" Tumikhim sya at kaagad na sumagot.

"So, she's back." Mahina yung pagkakasabi nya pero sapat na para mapakinggan ko. Back? Ano bang nahithit nito?

"Ha?" Tanong ko sa kanya ng hindi na sya nagsalita.

"W-wala, sige, girlfriend! Bye." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na naputol ang tawag kaya napabuntong-hininga nalang ako at isinilid ito sa bag ko.

"Oo, ate, may boyfriend na yang si Chloe." Nagitla ako ng marinig ang pangalan ko at marahas na napalingon. Napatingin ako kaagad ng masama kay Mika, bwiset bakit sinabi nya yun?

"Talaga?! Mama narinig nyo yun? Jules?" tumango naman si Kuya Jules at si Mama naman ay tumili na parang nakakita ng gwapo.

"Talaga?! Anak?! Bakit di ka nagsasabi sa akin?!" reklamo ni Mama at inalog-alog pa yung balikat ko na tila tuwang-tuwa. Halos mahilo pa ako sa ginagawa nya at hindi na nagsalita, bahala kayo d'yan magtanong.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co