Against The Wind
DelayedNAKASUNOD pala siya sa 'kin nang hindi ko napapansin! Kahit ilang hakbang pa ang layo niya sa akin ay rinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Huminga ako nang malalim saka binilisan ang paglalakad. May pilapil kasi na kailangang bagtasin mula sa bahay nina Zia Lynn bago marating ang kalsada. Halos liparin ko na ang kalsada, marating lang iyon at makalayo kay Puppy Gaston. "Shyr Divine!" muling tawag niya sa pangalan ko. Sa kamalas-malasan ay wala man lang dumadaang tricycle kaya hindi ako makatakas. Kaya lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko. Pero gano'n na lang ang pagsinghap ko nang may humaklit sa kaliwang braso ko. Muntik na akong mapasubsob sa dibdib niya. Iwinaksi ko siya kaya napabitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin. Nagkatitigan kami. Napaatras ako nang makitang parang nagtitimpi sa galit si Puppy. "Why are you running away? I'm talking to you!"Bumuga ako ng hangin, na kunwaring nauubusan na ako ng pasensya. Namaywang ako."E kasi ang kulit n'yo, Señorito."Suminghap siya at napakuyom ng kamao. "Because you were hard-headed. You didn't even explain why you were breaking up with me!""Aba, alin ba sa ayaw ko na sa inyo ang hindi n'yo naintindihan, Señorito? 'Di ba ang sabi ko hindi ko kayo mahal?" Muntik na akong mautal sa huling sinabi ko. Napahilamos naman siya ng mukha, sabay pamaywang din. "Do you really think I will buy that? You took care of me when I was drunk and sick. You kept me company in my room. That means you still care for me. You still love me," pagdidiin niya. "Kahit sino namang maysakit na tao aalagaan ko. Kahit si Timothy pa 'yon. Nagkataon lang na kayo 'yon, kaya inalagaan ko kayo. Pero hindi counted 'yon na may feelings pa ako sa inyo."Tila hindi makapaniwalang tiningnan niya ako sa mga mata. Pero nakita kong nasaktan siya. Hay, kailan ba siya susuko?"I don't believe it. There must be something that made you break up with me. Come on, tell me. I will listen. I don't believe your feelings would change that fast."Tumawa ako nang mapakla. "Señorito , ilang linggo na tayong break, hindi ka pa rin nakapag-move on? Bagong taon na kaya. Akala ko nga okay na kayo kasi hindi na kayo nagpakita.""That's because I gave you time for yourself. I thought you needed it. What else do you want me to do for you to get back to me?" aniya. Desperado ang kanyang boses. Umiling ako. "Wala kayong kailangang gawin dahil hindi na maibabalik ang dati. Ayaw ko sa 'yo kasi control-freak ka."May bumikig sa lalamunan ko pagkatapos ko iyong sabihin kaya napalunok ako. Gumuhit ang sakit sa mga mata niya. Napaiwas ako ng tingin. Mabuti na lang at wala pang dumadaan dito kaya walang nakakakita sa amin. "Fine! I will give you more time alone if that's what you want. I will let you do things on your own. I will not show up in front of you for the time being, but it doesn't mean we're breaking up. Just please take care of yourself while I'm gone. Eat and sleep on time. Don't let yourself get hurt. Once you fail to do those things, I will take you back in an instant," aniya sabay lapit sa akin, "and I swear, I will stay by your side forever."Napalunok ako nang sunod-sunod. Umaatras ako dahil parang matutunaw ako sa mga titig niya. "Ba...Basta break na tayo. Huwag ka nang bumalik kasi may iba na akong gusto.""What?!"Gumuhit ang pait sa mga mata niya. Bigla akong nakonsensya. Bakit ba kasi hindi na lang siya sumuko? Pinapahirapan pa niya ako lalo. "You're just kidding, right?"Patuyang tumawa ako. Tiniyak kong mukha akong naka-move on na sa kanya. "Mukha ba akong nagbibiro? Mahal ko si Atlas, at nararamdaman kong siya na talaga ang para sa 'kin.""Who the hell is Atlas? Why didn't I hear about him before?"Nakita ko ang bahagyang panginginig ng nakakuyom niyang kamao. Nanubig din ang kanyang mga mata. Napaiwas ako ng tingin. Buti na lang ini-recommend ni Vanessa ang The Mischievous Prince sa 'kin. Si Atlas kasi ang bida ro'n. "Hindi mo siya kilala kasi matagal kang nawala, 'di ba? Marami nang nagbago sa akin. Ang akala ko noon ay totoo ang nararamdaman ko sa 'yo, pero simpleng crush lang pala 'yon kaya napapayag mo akong maging tayo. Pero ngayong nagkausap na kami ni Atlas at nagkaliwanagan, gusto ko nang maging totoo sa sarili ko. Gusto ko nang sundin ang totoong nararamdaman ko. Kaya sana huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo, Señorito. Dahil kahit kailan ay hindi na ulit magiging tayo."Natigalgal siya dahil sa mahabang sinabi ko. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makalayo. Saktong may paparating na tricycle kaya pinara ko iyon. Pero pagkasakay na pagkasakay ko ay agad na bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko akalain na nakayanan kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya. Pakiramdam ko sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa sobrang sakit. Pagkarating ko sa bahay ay nagkulong ako sa kuwarto saka iniiyak sa unan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung sakaling dumating man ang araw na mabalitaan kong kasal na sila ni Shelley. Ganito lang siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit masakit kailangan mong magparaya para sa kapakanan niya. ...KINABUKASAN ay maaga akong nagising para maghanda sa pag-alis ko. Noong isang araw pa nakaayos ang mga gamit ko. Mabuti na lang at may kalakihan ang laman ng ATM na ibinigay niya sa akin. Nandito rin kasi ang ibinayad ni Timothy sa 'kin na TF. Kasya na ito para sa unang buwan ko sa Maynila. Cellphone lang kaya ang iniwan ko. Pinaghirapan ko rin naman ang perang ito. Pero kapag nakaipon na ako ay babayaran ko rin at ibabalik ang iba kasi sobra na ito sa sahod ko. Mabuti na lang din at lagpas na ang peak season kaya nakatsamba ako. Nakabili ako ng plane ticket. Medyo may kamahalan nga lang. Mamayang hapon ng alas singko ang flight ko. "Tumawag ka ba sa Tiyang Solana mo? Baka hindi ka nila masundo sa airport," untag ni Nanay. "Okay na, Nay. Si Ate Angelica raw ang susundo sa akin," tukoy ko sa pinsan kong anak ni Tiyang Solana."Mabuti kung gano'n. Mag-iingat ka roon. Iba ang Maynila sa probinsya. Huwag kang magtitiwala sa mga hindi mo kakilala. Tatanga-tanga ka pa naman. Baka magulat ka na lang nadekwat na ang cellphone at pera mo. Huwag kang-""Oo na, Nay. Ito naman kung makabilin para akong 10 years old. Ilang buwan na lang 22 na kaya ako."Sinamaan ako ni Nanay ng tingin. "Oo nga pero isip-bata ka kasi."Napanguso na lamang ako habang nag-aayos. Gusto ko pa sanang magpaalam nang maayos kay BFF pero mukhang wala na akong pagkakataon. Isa pa ay ayaw ko siyang abalahin pa. Gusto ko sanang ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa amin at humingi ng advice sa kanya pero mas marami siyang iniisip ngayon kaya saka na lang. Kapag may free time na ako ay tatawagan ko na lang siya.
Pinuntahan ko si Bambi saka niyakap."Magpakabait ka, ha? Sorry, hindi kita madadala. Pero 'wag kang mag-alala, after 3 months babalik ako. Kukunin kita," kausap ko sa kanya.Kumawag naman ang buntot niya saka dinilaan ako sa pisngi. "Divina, tara na!" untag ni Nanay.Malungkot kong tiningnan si Bambi bago tumayo.Inihatid ako nina Nanay sa airport. Umarkila kami ng taxi na minamaneho ng kapitbahay namin. Buong biyahe akong tinatalakan ni Nanay tungkol sa mga kailangan kong gawin. Kulang na nga lang maglagay ako ng takip sa tainga. Tiniis ko na lang dahil hindi ko naman siya masisisi. First time ko kasing mahihiwalay sa kanila na tawid-dagat ang layo. "Tumawag ka kaagad kapag nakarating ka na roon, ha?" bilin niya ulit bago ako pumasok para mag-check in. Oo na lang ako nang oo para hindi niya na ako pabaonan ng sermon."Ate, pasalubong ko pag-uwi mo, ah?" ani Dave. Binatukan siya ni Nanay. "Hindi pa nga nakakaalis ang ate mo, pasalubong na agad ang nasa isip mo. Akala mo naman uuwi siya kaagad. Doon na muna siya mananatili.""Nay, si Bambi 'wag ninyong pababayaan, ah?" bilin ko."Oo na. Pero kung maarte pa rin siya sa pagkain, ipamimigay ko siya."
Napailing ako at kumaway na sa kanila bago pumasok. Isang maliit na maleta, backpack at sling back lang ang dala ko kaya hindi ako nahirapan. Puro pasalubong lang naman para kina Tiyang Solana ang laman ng mga ito at kaunting damit. Sabi kasi ni Nanay ay doon na lang ako bumili ng karagdagang gamit. Pagkatapos kong mag-check in at idaan sa dalawang security check ang bagahe ko ay dumiretso na ako sa departure area malapit sa gate para maghintay ng flight ko. Napapatingin ako sa katabi ko dahil puro nakahawak ng touch screen. Ako lang yata ang di-pindot pa rin ang cellphone. Bukas na bukas din ay bibili ako ng cellphone dahil kasya pa naman ang pera ko. Naghanap muna ako ng ATM saka nag-withdraw ng pera. Makaraan ang isang oras ay tinawag na ang flight ko. Napabuga ako ng hangin. Wala na talagang atrasan ito. Sumunod ako sa mga kasabayan kong mga pasahero papuntang gate para makasakay sa eroplano. Habang papasok ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay naiwan ang kalahati ng puso ko rito. Pinatay ko ang cellphone ko saka ikinabit ang seatbelt. Sa may bintana banda ang upuan ko kaya nakikita ko ang tanawin sa baba. Nang mag-take off na ang eroplano ay awtomatikong tumulo ang mga luha ko. Bakit kaya naging iyakin ako? Nahawa na yata ako kay Zia. Marahas ko iyong pinahid dahil napapatingin sa akin ang katabi kong pasahero. Siguro ay nagtataka kung bakit ako umiiyak. Baka iniisip niyang naglayas ako. Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit.Mahigit isang oras din kaming nasa ere bago ko natanaw ang mausok na skyway ng Maynila. Malayong-malayo roon sa Iloilo. Bigla akong nakaramdam ng hilo nang lumapag na ang eroplano. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko. Pigil na pigil kong masuka. Napahawak ako sa ulo saka pinauna munang bumaba ang ibang mga pasahero bago lumabas sa upuan ko. Napapatingin tuloy sa akin ang isang flight attendant. "Are you okay, Ma'am?"Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. "Okay lang, salamat."Inalalayan niya akong lumabas. Kinuha ko muna ang cellphone ko sa loob ng bag saka binuksan iyon. Saktong sunod-sunod na pumasok ang text ng pinsan ko. Mukhang nandito na siya sa airport, naghihintay sa akin sa labas. Muntik pa akong maligaw. Mabuti na lang at nabasa ko kaagad kung nasaang terminal siya. "Insan!" Napatingin ako sa unahan nang may makita akong tumatalon at kumakaway."Ate Angelica, ikaw na ba 'yan?" manghang untag ko. Pakiramdam ko kasi mas kamukha pa niya si Nanay kaysa sa akin. "Grabe, ang tangkad mo na at gumanda ka lalo!" untag niya sa akin sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. Napangiwi ako. Niyakap niya ako nang ilang segundo bago kinuha ang maletang hawak-hawak ko. "Noong huling uwi ko sa atin napakapayat mo pa. Ngayon medyo nagkalaman ka na nang kaunti. Mabuti naman kasi mas nagmukha kang dalaga tingnan. Ang blooming mo rin! Iba talaga ang dalagang probinsya."Napatingin din ako sa sarili ko. Pareho kasi sila ng sinabi ni Zia. Hindi ko kasi napapansin sa sarili ko kasi pakiramdam ko ay gano'n pa rin. "Salamat, Ate. Ikaw nga rin. Ang ganda mo.""I know, right! Nasa lahi natin."Nagtawanan kami at nag-high five. Mas matanda nang anim na taon sa akin si Ate Angelica. Pero mukha pa rin siyang bata tingnan. "Hala, sige na. Halika na. Nag-book na ako ng sasakyan kasi mahal ang singilan ng taxi rito. Nandiyan na yata siya."Tumango ako at sumunod sa kanya. Napangiwi ako nang makaramdam na naman ako ng hilo. Hindi yata ako sanay sa masyadong crowded na lugar tapos mausok. Kahit gabi na ay parang maalinsangan pa rin. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay nakasakay na kami. Nahilot ko ang sentido ko. "Okay ka lang? Napagod ka yata sa biyahe mo. Umidlip ka muna kasi mukhang anong petsa pa tayo makakarating. Ang haba ng traffic, oh."Napatango ako kay Ate Angelica. Humingi ako ng paumanhin saka pumikit. Kahit na inaasahan kong ganito ang eksena sa Maynila ay hindi ko pa rin maiwasang madismaya. Gustong-gusto ko na talagang humiga sa isang malambot na kama dahil hilong-hilo ako. Dahil yata sa eroplano. Nagising ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko. "Insan, malapit na tayo sa bahay."Napaungot ako at marahang nagmulat. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Pasado alas otso na ng gabi. Gano'n katagal kaming bumiyahe? Kalahating oras pa lang bago mag-alas siyete kami umalis sa airport. "Nag-text na ako kay Nanay na naipit tayo sa traffic. Iniinit niya raw ang pagkain. Nauna na siyang mag-dinner kasi gutom na raw siya sa kahihintay sa atin," ani Ate Angelica. Napangiwi ako. Matagal nang patay ang tatay ng pinsan ko at tanging sila lang ni Tiyang Solana ang nandito sa Maynila. Dito kasi siya nagtatrabaho kaya madalang lang silang makapamasyal sa probinsya. Tumigil kami sa isang hindi kalakihang bahay pero concrete naman. May kadikit itong isa pang bahay. Halos magkadikit-dikit na nga talaga ang mga bahay rito. "Halika na."Nagpatiuna ako at bumaba. Kinuha ng driver ang maleta at backpack ko sa compartment saka inabot sa akin. Pagkatapos naming magpasalamat ay pumasok na kami sa bahay nila insan. Dinig na dinig ko ang ingay ng TV mula rito sa labas. "Nay, andito na kami!" Sumunod ako kay Ate Angelica papasok. Nakita kong tumayo si tiyang pagkakita niya sa akin. "Ang tagal n'yo na naman.""Alam mo naman, Nay, rushed hour.""Aba! Ikaw na ba talaga 'yan, Divina? Ang ganda-ganda mo. Para kang manika! Mana sa akin ang mga mata mo!" bulalas ni Tiyang sabay yakap sa akin. Nakita kong umikot ang mga mata ni Ate Angelica kaya natawa ako. "Grabe, hindi mo man lang ako sinabihan ng ganyan sa buong buhay ko, Nay?" reklamo niya."Siyempre, mana ka sa tatay mo, e. Alangan naman sabihin kong kamukha kita," asik ni Tiyang. Magkaugali talaga si Nanay at si Tiyang Solana. Pero medyo may hawig nga ang mga mata ko kay Tiyang. "Tiyang, nandito sa maleta ang mga ipinadalang pasalubong ni Nanay," untag ko. "Talaga? Sige! Pero bukas na 'yan, gabi na. Kumain na muna kayo kasi tiyak na gutom na gutom kayo."Hinila ako ni Tiyang sa kusina nila. In fairness kahit simple lang ang bahay nila ay maganda at malinis. Minimalistic type. Okay na rin kasi dalawa lang sila rito. Ipinaghila pa niya ako ng upuan sa harap ng lamesa saka pinaupo. "Ang suwerte ni Divine, maraming may paborito sa kanya. Ako kaya kailan?" reklamo ni Ate Angelica. Napangisi ako. "Anak, tikman mo 'tong salmon," sabi ni Tiyang Solana. Hindi siya magkandugaga sa pagtanggal ng takip ng mga ulam."Ano na namang klaseng luto 'yan, Nay? Patsam na naman?"Nangunot ako. "Anong patsam, Ate?""E 'di patsamba-tsamba. Mahilig kasing mag-experiment ng luto 'yang si Nanay."Kinuha ko iyon. Mukhang baked salmon. At may mga kung anu-anong kasamang dahon. Ngunit nang maamoy ko ay biglang bumaliktad ang sikmura kaya nanakbo ako sa lababo para sumuka. "Mukhang nanibago ka sa biyahe mo, Divine. Nakalimutan kong first time flight mo pala," untag ni Ate Angelica habang hinahaplos ang likod ko. "Hindi ka ba kumain bago ka umalis, Divina? Daig mo pa ang buntis kung makasuka. Dapat nagdala ka ng white flower. Hala magmumog ka," untag ni Tiyang. Pero imbes na sundin siya ay natigalgal ako nang mapagtanto kong delayed na ang regla ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Lately, lagi rin akong nahihilo. "Okay ka lang, insan?" untag ni Ate Angelica. Umiling ako at biglang nanghina. Regular ang menstruation ko at hindi pa ako kailanman na-delay. Hindi kaya buntis nga ako? Nasapo ko na lamang ang aking noo.©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co