Truyen3h.Co

Against The Wind

Falsified

NAGISING akong parang mababasag ang ulo ko. Pumikit pa ako ulit pero naalala kong kailangan ko pa palang pumasok. Anong oras na kaya?

Sapo ang ulong bumangon ako at tiningnan ang orasan. Gano'n na lang ang panalalaki ng mga mata ko nang makitang pasado alas otso na ng umaga.

Late na ako sa trabaho!

Nanakbo ako sa banyo pero sa pinto pa lang ay naramdaman ko nang parang umiikot ang paligid ko. Napakapit ako sa hamba ng pintuan. Pipikit-pikit na binaybay ko ang daan patungo sa bowl para ilabas ang bumabara sa sikmura ko.

Tagatak ang pawis ko pagkatapos kong maiduwal lahat ng iyon. Sobrang bigat talaga ng ulo ko. Ano kaya'ng nangyari?

Saglit akong napaisip.

Natampal ko ang noo ko nang maalalang uminom nga pala ako kagabi. Pero ang huling naaalala ko lang ay hinihintay ko si Puppy dahil ang tagal niyang dumating.

Dali-dali akong naligo. Naaamoy ko pa ang alak sa hininga ko. Paano kaya ako nakarating sa kuwarto? Nasa opisina na kaya si Puppy? Hindi man lang niya ako ginising. O baka ginising niya ako pero hindi ko naramdaman. Hindi ko nga rin narinig ang pag-alarm ng cellphone ko.

Hindi ko na nagawang magpatuyo ng buhok dahil sobrang late ko na. Pinaraanan ko na lang ng tuwalya. Basta na lang din akong bumunot ng damit sa closet.

Pansin ko ring may missed calls ako galing kay Vanessa. Siguro nagtataka siya kung bakit wala pa ako roon.

Nanakbo ako palabas pero napatigil ako nang makasalubong ko si Puppy na kapapasok lang ng unit. Hila-hila niya ang tali ni Bambi.

"Bakit...Bakit nandito ka pa?"

"You're finally awake," aniya sabay hagod sa akin ng tingin. "Where are you going?"

"Papasok siyempre," diretsang sagot ko.

Tiningnan ko rin siya. Nakasuot lang siya ng kulay abong jogger pants na pinaresan niya ng puting T-shirt.

"Bakit hindi ka pumasok?" untag ko saka kinuha ang tali ni Bambi sa kamay niya.

Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay hinapit niya ako sa baywang saka ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

"How are you feeling?"

Niyakap ko siya pabalik saka sumandal sa dibdib.

"Medyo nahihilo pa," nahihiyang pag-amin ko.

Naabutan niya kaya akong umiinom kagabi? Siya kaya ang nagdala sa akin sa kuwarto?

"You should have dried your hair. Magkakapulmonya ka," panenermon niya.

Napanguso ako. "Late na ako, e. At saka bakit parang wala kang balak pumasok? Late ka na rin."

Inamoy ko siya. Ang bango-bango niya. Nakakaadik.

Naramdaman ko naman ang mga labi niya sa noo ko.

"I already called HR to file sick leave for both of us. You can't go to work nang ganyan ang lagay mo."

"Seryoso?"

Humiwalay ako sa kanya. Pero nakakawit pa rin sa baywang ko ang mga kamay niya.

"You have a hangover. How can you possibly work in that state?"

"Oh, okay."

Yumakap lang ulit ako sa kanya. Pagkaraan ng ilang minuto ay inihatid namin si Bambi sa kuwarto niya. Ngayon ko lang natingnan nang maigi iyon. Malaki rin pala. Parang kasinglaki ng kuwarto ko. May doghouse siya at iba't ibang laruan. Kaya pala hindi siya nag-iingay kasi well-ventilated din ang kuwarto niya. Ang sarap ng buhay ni Bambi, parang nagiging karibal ko na siya sa atensyon ni Puppy.

"Hold on. Don't go anywhere," untag ni Puppy pagkalabas namin.

Kinunutan ko lang siya at sinundan ng tingin nang pumasok siya sa kuwarto ko. Naupo na lang ako sa sofa dahil nakaramdam na naman ako ng hilo.

Pagkabalik ni Puppy ay may bibit niyang hair dryer. Pumunta siya sa likod ko at tinuyo ang buhok ko. Panay naman ang sermon niya na huwag ko na raw uulitin. Napapanguso na lang ako.

"No'ng bata pa ako hindi naman uso ang ganito. Tinutuyo ko lang kaya ng tuwalya ang buhok ko," untag ko.

Napangiwi ako nang pinitik niya ako sa noo.

"Can't you feel it? Pati likod mo basa na dahil tumutulo pa ang buhok mo."

Napasandal ako sa sofa nang sa wakas ay natapos na siya. Parang tinablan ako ng antok kahit na halos kagigising ko lang. Ganito pala ang pakiramdam ng may hangover. Hindi ko alam kung nakailang lata ako ng alak kagabi. Basta ang alam ko lang ay marami akong inilabas sa ref. Hinihintay kong banggitin ni Puppy ang tungkol doon pero inalagaan niya lang ako.

"Take a rest. Iinitin ko lang ang pagkain," untag niya saka itinabi ang dryer.

Tumango ako habang nakapikit na. Mabuti na lang pala ipinagpaalam niya akong um-absent. Mukha kasing tama siya. Hindi ko kakayaning magtrabaho nang ganito.

Tinablan ako ng hiya nang maisip kong pati siya ay hindi na nakapasok nang dahil sa 'kin. Halos sabunutan ko ang sarili ko. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko, e 'di sana hindi na ako uminom ng alak kagabi.

Pero kasi kailangan ko ng pampalakas ng loob.

Napadilat ako nang maalalang kakausapin ko pala siya dapat kagabi. Pero ang tagal niyang dumating.

Hay. Palpak ka talaga kahit kailan, Divine!

Bakit ko ba kasi naisipang uminom? Mali pala ang nabasa ko sa nobela na nakakalakas iyon ng loob. Nakakalakas pala siya ng tama kaya nalasing ako at nakatulog.

"What are you thinking? Come on, let's eat."

Nag-angat ako ng tingin kay Puppy. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman iyon.

Bahagya siyang nakaakbay sa akin habang papunta kami sa dining. Ipinaghila niya ako ng upuan saka itinali na naman niya ang buhok ko. Nagiging habit niya nang gawin iyon sa tuwing kakain kami nang sabay.

"Have some of this. It's good for hangover," aniya habang inilalagay sa harapan ko ang isang bowl ng chicken noodle soup. Mukhang mainit pa iyon.

Alanganin akong ngumiti. Bigla kasi akong nakonsensya. Binigyan ko pa siya ng aalagaan.

Hay. Minus points na naman ako nito. Baka isang araw bigla niya na lang akong palayasin dahil pagod na siya sa 'kin.

"Sa...Salamat. Pasensya ka na, ah?"

Umangat ang sulok ng labi niya. "You should be. You almost finished the stocks last night."

Tiyak na namumula ako ngayon kahit hindi ko tingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi kaya na-turn off siya sa akin dahil naglasing ako?

Lumunok ako at itinuon na lang ang atensyon ko sa nakahain sa harapan ko. Pansin ko ang kakaibang paninitig niya na para bang may gusto siyang sabihin o itanong sa 'kin.

Sa tingin ko talaga may ginawa akong nakakahiya kagabi. Pero wala kasi akong maalala kahit anong silip ko sa isip ko.

Pinakiramdaman ko siya. Bigla tuloy akong na-conscious.

"Can you recall everything that happened last night?" biglang tanong niya na nagpatigil sa akin.

Kinakabahang tiningnan ko siya. Marahan akong umiling.

"May...May ginawa ba akong nakakahiya?"

"Not that much," aniya. Pilit niyang hinuhuli ang paningin ko.

Pakiramdam ko ay namutla ako. Hindi kaya nasukahan ko siya?

Nakakahiya!

Tumikhim ako saka tinapos ang prutas na kinakain ko. Tapos ko na kasi ang soup.

Nag-volunteer ako na magligpit pagkatapos naming kumain pero pinigilan niya ako. Inihatid niya pa ako sa sala para raw makapagpahinga ako.

Nang pakiramdam ko'y bumaba na ang kinain ko ay pumasok ako ulit sa kuwarto para magpahinga. Medyo nahihilo pa rin kasi ako. Mukhang kailangan ko ng mahabang tulog.

Wala pang dalawang minuto akong nakahiga nang bumukas ang pinto ng kuwarto saka pumasok siya.

Napabangon ako nang diretso.

"Are you okay?"

Kiming ngumiti lang ako sabay tango.

Naupo siya sa kama ko kaya lumundo ito. Sumandal siya sa headboard saka hinapit niya ako. Pinasandal niya ako sa kanyang dibdib saka niyakap.

"You threw up several times last night. You don't really remember?" untag niya.

Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya sa sobrang hiya.

"So...Sorry talaga."

Tumawa lang siya nang mahina. "How much do you remember about last night? Can you recall something that you have said?" pagkuwa'y dagdag niya.

Napahiwalay ako sa kanya. Umiling ako.

"Wala talaga."

Hinigit niya ako ulit saka niyakap.

"It's okay. I will just find out what I need to know."

"Huh?"

Napatingala ako sa kanya. "Ano 'yon?"

"Nothing. Just close your eyes and go to sleep."

"Hindi ba talaga tayo papasok? Baka maghinala silang magkasama tayo?" mahinang tanong ko.

"Stop thinking about work. I just want to cuddle with you."

Napahikab ako. Humiga siya saka pinahiga rin ako sa dibdib niya. Sobrang komportable ng pakiramdam ko kaya nakatulog na naman ako.

...

NAALIMPUNGTAN ako nang hindi ko na makapa si Puppy sa tabi ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Mag-a-alas dos na pala ng hapon. Sinapo ko ang ulo ko. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko. Nakatulong pala talaga ang pagtulog.

Pumunta muna ako ng banyo para maglinis ng katawan.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay tahimik ang buong unit.

Nasaan kaya si Puppy?

Kinatok ko siya sa kuwarto niya pero walang sumasagot kaya sinubukan kong buksan iyon. Pumasok ako saka hinanap siya. Wala siya sa banyo.

Lumabas ako sa terrace. Naabutan kong may kausap siya sa cellphone. Nakatalikod siya kaya hindi niya napansin ang presensya ko.

"I don't mind the price. Just send me all the information that I need to know. You shouldn't miss a single detail. I want it as soon as possible."

Agad niyang pinatay ang tawag pagkatapos niyang sabihin iyon. Pagkaharap niya sa akin ay saglit na nanlaki ang mga mata niya. Halatang nagulat siya.

"How long have you been there?"

"Ngayon lang," kibit-balikat na sagot ko. "Sino'ng kausap mo?"

Umilap ang mga mata niya. "Nothing. Just some office-related matters."

"Oh."

Napangiwi ako. Inatake na naman tuloy ako ng konsensya dahil kasalanan ko kung bakit hindi siya nakapasok.

"Sana pumasok ka na lang kanina. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko, e."

Hinapit niya ako sa hinagkan sa noo. "Don't worry, Joefel can take care of everything while I'm away. Besides, I also need to rest. I've been working my whole life."

Napabuntonghininga na lamang ako.

Nagkatinginan kami nang marinig naming may nagdo-doorbell.

"Baka si Kuya Presto 'yon. Ako na ang magbubukas."

"Ako na," aniya.

"Tayo na nga," untag ko. Tumawa naman siya.

Sabay nga kaming lumabas at tinungo ang pinto. Ako ang nagbukas. Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagsino ang bumungad sa paningin ko.

"What are you doing here?" pasinghal niyang tanong sabay tulak sa akin. Muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nasalo ako ni Puppy.

"She should be the one asking you that. What are you doing here, Shelley?" seryosong untag ni Puppy.

Kita ko ang pagpupuyos ni Shelley habang palipat-palipat niya kaming tinitingnan ni Puppy.

"Don't tell me she's living with you, Gaston?" Halos mag-hysterical siya. Dinuro pa niya ako.

"She's my woman. What's wrong with that? And who are you to even ask?"

Hinila ako ni Puppy saka hinapit. Napailing na lang ako habang kaharap namin si Shelley. Lalo siyang nagngitngit sa galit habang nakatingin sa kamay ni Puppy na nasa baywang ko.

Bakit kaya naisipan niyang sumugod dito? Siguro pumunta na naman siya sa office at nang hindi niya mahanap si Puppy roon ay dito siya dumiretso.

"I can't believe you've been fooled by this woman again!"

"Aba't walanghiya 'to, ah!" asar na bulalas ko.

Akma ko siyang susugurin ngunit pinigilan ako ni Puppy. Itinago niya ako sa likod niya saka hinarap si Shelley.

"Just leave, Shelley. I'm warning you, don't you dare come here again. Give yourself some decency. Even though our families have already cut ties, I still consider you a friend. But if you keep on messing with my woman, I will absolutely deal with you myself."

Maging ako ay kinabahan sa banta ni Puppy. Sobrang nakakatakot kasi ng boses niya. Sinilip ko si Shelley, mukhang hindi siya natinag. Bagkus ay tumawa siya nang mapakla.

"I pity you, Gaston. Nabilog ka na naman kasi ng babaeng 'yan. Sa tingin mo ba ay malinis siya? See it for yourself."

Inabot niya kay Puppy ang bitbit niyang brown envelope. Napakunot naman ako.

Binuksan iyon ni Puppy para tingnan. Nakitingin din ako.

Napasinghap ako nang makita ang logo sa itaas. Logo ng ospital iyon kung saan ako na-admit no'ng nakaraan.

Medical record ko iyon! Paano iyon napunta sa kanya?

Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lahat ng dugo sa katawan.

"Where did you get this, Shelley?" mariing tanong niya pero sa akin siya nakatingin.

"I overheard her talking to someone. Then, I checked the hospital and of course, I had to pull some strings to get that record. Aren't I amazing?" ani Shelley sabay halukipkip na animo'y nanalo na siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtapo ang mga mata namin ni Puppy.

"So, it's true after all? Hindi ako nagkamali ng narinig kagabi," nanghihinang sabi niya.

Kagabi? Ibig sabihin may nasabi ako kagabi?

"Puppy, magpapaliwanag ako," tarantang sabi ko.

Mapait siyang ngumiti. Kumislap ang mga mata niya na parang may nagbabadyang luha.

"So, we really almost had a...baby." Nalaglag ang mga balikat niya.

"Puppy-"

Sinubukan ko siyang hawakan ngunit umiwas siya.

"How can you be so cruel?"

Napaiyak na ako. Sinasabi ko na nga ba't hindi niya matanggap. Kasalanan ko talaga kung bakit nawala si baby.

"Puppy, sorry. Hindi ko naman alam na gano'n ang mangyayari. I'm sorry, hindi ako nag-ingat."

Hinawakan ko siya sa braso ngunit tinanggal niya ang mga kamay ko.

Nanikip ang dibdib ko. Nakita ko ang mapaglarong ngiti ni Shelley.

"Hindi nag-ingat? How can you say that when you deliberately aborted our child?"

Napaawang ako at naguguluhang tiningnan siya.

"A...Abort?"

Rumihestro ang magkahalong sakit at dismaya sa kanyang mga mata.

"Ano...Ano'ng ibig mong sabihin?"

Kinuha ko sa kamay niya ang medical record at binasa iyon. Tama ang ibang detalye. Pero bakit gano'n? Bakit nabago ang ibang mga detalye?

Nanghina ang mga tuhod ko. Nabalot kami ng ilang minutong katahimikan.

"How long are you going to keep me in the dark if not for Shelley?" malamig na tanong ni Puppy.

Nakagat ko na lamang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"I didn't know you can actually kill an innocent life, Shyr Divine. Nasa loob pala ang kulo mo," ani Shelley.

Nagngitngit ang kalooban ko. "Wala kang alam sa nangyari!"

"What? Isn't it clearly written there? Induced abortion, Divine. You didn't miscarry the baby."

Umiling-iling ako. "Hindi ito totoo. Induced abortion nga iyon, pero ang sabi ng mga doktor patay na ang fetus sa sinapupunan ko kaya kinakailangang tanggalin."

"E bakit nga namatay ang fetus? Because you purposely killed it!"

"Hindi!" mariing tanggi ko. "Aksidente ang lahat! Oo, partly kasalanan ko dahil hinabol ko ang snatcher. Pero hindi naman tamang husgahan mo akong pinatay ko ang sarili kong anak! Hindi ko magagawa 'yon!"

"You did! Stop making excuses, Shyr Divine!" pagdidiin pa ni Shelley.

Nagpuyos ang kalooban ko kaya hindi ko na napigilang sugurin siya.

"Sumusobra ka na! Ba't ba mas marunong ka pa sa nangyari sa akin, ha?!"

Hinila ko siya sa buhok. Napaigik siya sa sakit.

"Let go of me!" tili niya.

"Shyr Divine, stop it!" ani Puppy. Pilit niya akong kinakalas kay Shelley.

"Ang tagal ko nang nagtitimpi sa 'yong babae ka! Tapos ngayon, aakusahan mo pa akong mamamatay-tao. Gaga ka ba?" gigil kong singhal sa kanya.

"Ouch! Let me go! You, bitch!"

Inabot niya rin ang buhok ko. Napangiwi ako nang maramdaman kong parang matatanggal ang anit ko. Hinigpitan ko pa ang pagkasabunot sa kanya.

"Stop, you two!"

Pinaghiwalay kami ni Puppy pero napalakas yata ang pagkahila niya. Napaigik ako nang maramdaman ko ang pagtama ng gilid ng noo ko sa cabinet.

Agad kong nalasahan ang dugong tumulo mula sa noo ko. Pero kahit dumudoble na ang paningin ko ay nakita ko pa kung paano nanlaki ang mga mata ni Puppy Gaston nang mapatingin siya sa akin.

"Shyr Divine!"

Napangiti lang ako nang mapait bago tuluyang nilamon ng dilim ang paningin ko.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co