Arrest Me Barako Series 4 Published Under Immac Publishing House
MelissaNASAKTAN ako sa pang-iinsulto ng kuya ni Mikaelo. Sa bisig ni Mikaelo doon ko ibinuhos ang iyak ko."Tahan na, huwag ka ng umiyak. Ako na ang humihingi ng tawad sa sinabi ng kuya ko sa iyo." Napaangat ako ng tingin. "Bakit ikaw ang humihingi ng sorry? Dapat ang kuya mong pulpol ang humingi ng sorry dahil s'ya ang nakagawa ng masama sa 'kin." Ani ko saka pinahid ang luha ko. "Hayaan mo kakausapin ko siya at sasabihin kong humingi siya ng dispensa sa sinabi niya s'yo." Sumama ang mukha ko. Bakit ba si Elo pa ang gagawa ng effort para humingi ng tawad ang pulis pulpol na iyon? Masama ang ugali ng lalaking iyon, walang consideration sa nararamdaman ng mga babae! Puro pansarili lang niya ang iniisip! Napakayabang niya!Hinaplos ni Elo ang likuran ko. "Huwag mong gagawin iyon, Elo. Dapat siya ang gumawa ng way para humingi ng tawad sa akin at hindi ikaw. Namimihasa na iyang kuya mong mayabang."Hindi nakapagsalita si Elo. Totoo naman ang sinabi ko. Mayabang ang kuya niya akala mo makukuha niya ang loob ng lahat ng mga babae. ISANG linggong 'di na ako nagpupunta sa bahay nila Elo dahil sa nangyari last time. Sobrang nagka-trauma ako at parang ayoko ng makita ang pagmumukha ng kuya niya. "Issa, sige na punta ka na sa bahay. Hinahanap ka na ni Mame, eh. Bakit daw hindi ka na nagpupunta doon? Malungkot tuloy siya," pamimilit ni Elo."Ayoko ng pumunta sa bahay ninyo. Makikita ko lang ang mapang-api mong Kuya saka lalaitin na naman ako. Alam mo naman mainit ang dugo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ayoko na talaga!" "Hindi na umuuwi si Kuya doon mula nang nagpunta siya sa bahay ninyo," napatingin ako kay Mikaelo. "Weh, 'di nga?" "Sige na nga pupunta na ako." Nakanguso kong sabi. Kawawa naman si Tita Mame malungkot siya. Ayokong nalulungkot siya kasi para ko ng Nanay iyon. "Hi ,Tita Mame," bati ko sa Mame ni Mikaelo nang makarating kami sa bahay nila. Yumakap ako sa kanya at hinagkan ang kanyang mga pisngi. "Oh, baby girl, na-miss kita. 'Buti wala ka ng lagnat. May ginawa akong cake na paborito mo at saka cookies." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ginawa niyang chocolate cake at cookies na may iba't ibang flavor na nakalagay sa plato. Kumuha ako ng isang cookies at isinubo sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matikman ang cookies. Ang sarap! Heaven na heaven ang lasa. Ang galing talaga ni Tita Mame gumawa ng mga sweets. Sana ako rin marunong gumawa nito, para puwede kong ibenta. "Baby girl, tikman mo itong cake para sa iyo iyan!" napangiti ako ng malawak. Umupo ako para lantakan ang cake. Kiniskis ko ang dalawang palad ko. Tamang-tama nagugutom ako. Wala kasing makain sa bahay at hindi ako nagmeryenda. "Mame, bakit si Issa lang ang inaalok ninyo?" Nakangusong sabi ni Mikaelo. "Ikaw talaga nagselos ka pa. Oh, ito para sa'yo. Hindi mo bagay ngumunguso anak, mukha kang pato!" Sabi ni Tita Mame. Natawa ako sa biro niya kaya nabulunan ako. Hinaplos ni Mikaelo ang likod ko. Binigyan naman ako ng tubig ni Tita Mame. Tinungga ko lahat ang lahat ng laman ng baso."Dahan-dahan sa pagkain, baby girl," sabi ni Tita Mame. Nginitian ko siya. "Ang galing ninyo naman magbake, Tita Mame. Ang sarap-sarap!" halos makalahati ko na ang cake na binake niya. Chocolate ang flavor ng ginawa niya, which is my favorite. Tawa nang tawa sa akin si Mikaelo mukha daw kasi akong bata kumain. Napalabi ako sa kanya. Pinahid nito ang chocolate na nasa pisngi ko. Dahil sutil ako nilagyan ko naman ng icing ang ilong ni Mikaelo. Kaya tawa ako nang tawa. Ganoon rin ang ginawa nito sa akin kaya ang dami kong icing sa mukha. Tuwang-tuwa naman si Tita Mame sa aming dalawa ni Mikaelo.AlexandroILANG araw rin na hindi ako umuuwi nakauuwi sa bahay ng mga magulang ko. Naging busy ako sa work kaya walang oras. I miss Mame and Dade."Pards, uuwi ka na ba?" tanong ng kasama kong pulis, napalingon ako. "Yes, pards, uuwi na ako sa bahay ng parents ko." Sabi ko. "May naghahanap kasi sa iyong babae." Itinuro niya ang kinaroroonan ng babae na nasa labas ng presinto. Kumunot ang noo ko. Kung sa ibang pagkakataon aariba ako kapag nakaririnig ng babae, pero ngayon ay parang wala akong gana. "Bakit daw ako hinahanap?" tanong ko.Nagkibit balikat lang ito. Nagpasya akong puntahan ang magandang babae. Nakasuot ito ng maikling palda at naka-off shoulder na damit. "What do you want?" Tanong ko agad nang makalapit sa babae. Parang pamilyar ang mukha nito. Ito yata ang babaeng naka-fling ko ng ilang beses, ngunit matagal na iyon. Lumapit ito sa akin at humawak sa dibdib ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako sa paghawak nito sa dibdib ko. Dati naman gustong gusto ko iyon. Pero ngayon para bang kasalanan ang umariba."I miss you, Alexandro. It's been a while. Do you miss me?" tanong niya sa nang-aakit na boses. Wala man lang akong naramdaman na kakaiba. Inalis ko ang mga kamay niyang sa dibdib ko. "No. Why do I miss you? I will never. Sorry I'm not available anymore," sabi ko saka tumalikod. Narinig ko ang pagmumura ng babae ngunit hindi ko pinansin. Tangina niya siya pa ang may ganang magalit. Bahala siya sa buhay niya.PAGKAPASOK sa bahay nakita kong natutulog sa sala ang bubwit. Hindi ko alam pero napangiti ako nang makita ko siya."Kuya, napadalaw ka?" sabi ni Mikaelo. May dala itong tubig. Napakamot ang kapatid ko nang tumingin ito kay bubwit. "Hala, nakatulog na pala siya. Akala ko iinom ng tubig kaya dinalhan ko siya?" "Dinadalaw ko si Mame at Dade. Dito ba matutulog iyan?" tanong ko kay Mikaelo. "Yes. Ayoko namang gisingin. Ite-text ko na lang ang Nanay niya para ipaalam na dito siya matutulog," sabi ng kapatid ko. Kinuha nito ang cell phone at nagtipa. Nakapamaywang pa ang kapatid ko. "Ako na magdadala sa kaniya sa itaas." Presinta ko.Napatingin sa akin ang kapatid ko."Okay. By the way you should sorry to her. Nasaktan siya sa sinabi mo last time, Kuya. Wala namang malisya ang pagkandong niya sa akin. She's like my sister to me Kuya wala ng hihigit pa doon kung iniisip mong mayroon." sabi nito. "I am sorry, Mikaelo, for being bad last time. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon. Masyado lang akong madaming iniisip. Don't worry kapag nagising siya magso-sorry ako sa kanya," tumango ang kapatid.Binuhat ko ang bubwit. Habang naglalakad papunta sa silid namin hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. She is perfectly beautiful. Kahit sobrang makulit at may pagkamataray.Nang makapasok na kami sa silid. Hindi ko muna ibinaba. Umupo ako habang nasa kandungan ko siya. Napayakap sa akin ang braso ng bubwit. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Tinitigan ko ang kanyang mga labi. Parang may nag-uudyok sa aking halikan ang labi niya. Hindi naman siguro masama- tulog naman.Bumaba ang labi ko at nagdikit ang aming mga labi. Ang smack lang na balak ko hindi na nangyari dahil ginalaw ko ang labi ko. Napatigil ako nang umungol siya.F*ck! Muntik na ako mahuli. Kaya nagpasiya na lang akong ibaba siya sa kama. Hinubad ko ang kaniyang rubber shoes at inayos na rin ang pagkakahiga niya. Kinumutan ko siya. "Goodnight bubwit," hinalikan ko ang noo at labi niya bago umalis.Pagkalabas ko ng pinto. Nakita kong nakatayo si Mikaelo sa tapat ng pintuan."Kuya, bakit mo hinalikan mo ang labi ng best friend ko?" tanong ng kapatid ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang ipaliliwanag ko. Kailangan ko na bang aminin?"Okay, hindi ko naman sinasadya. Na carried away lang ako," napatingin ako sa kapatid ko. Nakakunot ang noo niya sa akin. "I like her," diretso kong pag-amin sa kaniya.Bigla akong tinapik sa balikat ni Mikaelo. Nagtaka naman ako. Akala ko susuntukin ako ng kapatid ko pero hindi pala."Congrats Kuya! In love ka na! Sabi ko na nga ba kaya pala nagagalit ka na kumakandong sa akin si Issa. Nagseselos ka pala. Don't worry kapatid lang ang turing ko sa kaniya," nakangiting sabi nito. Inakbayan niya ako. "Promise mo Kuya huwag na huwag mong sasaktan ang best friend ko. Kung hindi lagot ka sa akin at kay Mame." umalis na siya pagkatapos niyang sabihin iyon at saka pumasok sa silid niya. Naiwan akong nakatulala at iniisip ang mga sinabi ng kapatid ko. Nang marealize ko kung ano ibig sabihin ng kapatid ko.Napangiti ako at napa 'yes' ako. NAKITA kong pumasok sa dining area ang bubwit. Magulo ang buhok niya at para bang nasa dreamland pa ang diwa niya. Umupo sa upuan at napahikab saka ininat ang kanyang mga braso. Hindi niya ako napapansin na katabi niya lang ako. "Good morning Elo. Good morning sa iyo" bati niya sa akin na hindi nakatingin. Tinapik pa nga ako. Napapangisi ang kapatid ko. Tumayo ako para ako ang maglagay ng pagkain ng bubwit. Hindi talaga niya ako nakikilala. Parang tulog pa ang diwa nito. Kahit nakamulat na ang mata. "Salamat, yaya," sabi nito sa akin nang naihanda ko na ang pagkain nito. Gusto kong matawa sa bubwit. Napagkamalan pa akong yaya. Naririnig ko ang pagpipigil ng tawa ng kapatid ko.Bumalik ako sa pagkakaupo at nagsimula nang kumain. Panaka-naka kong sinusulyapan ang bubwit na kumakain na rin. Hindi nagtagal natapos na akong kumain. Papasok na ako sa trabaho. Tumayo ako para umalis na. Ang bubwit ay parang walang pakialam sa paligid. May naisip akong ideya. Yumukod ako para bigyan siya ng halik sa pisngi."I have to go, babe," paalam ko sa kaniya. Napangisi ako sa kapatid ko na kanina pa gustong matawa. "Yaya. . ." napahinto si bubwit nang tumingala sa akin. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napahawak pa sa kaniyang pisngi.Mabilis kong hinalikan ang labi nito. "Good morning, babe," sabi ko. Sinamantala ko ang pagkatulala niyang iyon, nagmadali na akong lumabas ng dining room. Nang nasa labas na ako narinig ko ang pagsigaw ng bubwit. Kaya tawa ako ng tawa habang pumapasok sa sasakyan ko. Naisahan ko ang bubwit.
All Rights Reserved
By coalchamber13
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co