Truyen3h.Co

Arrest Me Barako Series 4 Published Under Immac Publishing House

Alexandro

"Alexandro, wala pa si Issang nag-text kanina pa na baka gabihin daw siya ng uwi. May tatapusin yata silang project," sabi ng Nanay ni bubwit.

Maaga pa naman akong nag-out sa trabaho. Ang akala ko nandito na ang bubwit.

"Sa school po ba sila gagawa ng project?" tanong ko ulit sa Nanay niya. Na-lowbat na kasi ang cellphone ko kaya hindi ko na siya na-i-text. Dahil sa busy hindi ko na na-i-charge kanina sa presinto.

"Ang sabi niya sa bahay ng ka-eskwela sila gagawa ng project, malapit lang daw sa school nila. Teka ite-text ko lang kung saan ang address," kinuha nito ang cell phone at tinext ang bubwit.

"Sunduin ko na lang po siya doon," sabi ko nang ilang minuto na walang reply mula kay bubwit.

"Baka na-lowbat na ang batang iyon. Hindi na nag-reply at saka 'di na nag-ri-ring ang cellphone niya. Puntahan mo na lang nga doon. Pagkaalala ko may nabanggit siyang Anonas street sa text niya kanina," sabi ng Nanay ni bubwit.

"Sige po, 'Nay, mauna na po ako. Hahanapin ko na lang po kung saan ang street na sinabi niya," nagpaalam na ako.

Na-traffic pa nga ako bandang malapit na sa PUP. Tangina namang buhay ito. Kung kailan nagmamadali ka saka naman umaariba ang traffic!

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago umusad ang mga sasakyan. Pero para namang may patay sa sobrang bagal ng usad. Narating ko ang school ni Issa halos isang oras na nasa kalsada ang sasakyan ko. Buwisit na traffic iyan. Malapit na nga lang umabot pa ng one hour.

Ipinarada ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan kahilera ng iba pang sasakyan na nakaparada rin. Bumaba ako ng sasakyan ko at hinanap ang Anonas street. Ilang blocks mula sa kinaparadahan ko narating ko ang PUP campus. May nakita akong babae na estudyanteng naglalakad palabas ng gate ng campus. Lumapit ako sa babae.

"Miss, puwedeng magtanong?" tanong ko dito.

Tumango naman siya pero nakatitig sa akin na parang nakakita ng artista. Kaya nginitian ko siya. "Saan dito ang Anonas street?" tanong ko.

Pero ang babaeng estudyante ay nakatulala na. I snapped my finger.

"Miss!" sigaw ko rito. Napakamot ng ulo ang estudyante.

"Doon po," turo niya sa isa pang kanto. Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya.

"Salamat," pasasalamat ko rito at saka ko kinindatan.

Umawang ang labi ng estudyante. Iniwan ko na siya roon at pinuntahan ang Anonas street.

Pagkapasok sa eskinita napatingin ako sa makitid na daan, parang isang lane lang ang lapad. Mahaba pala ang street na ito. Medyo padilim na kaya baka mahirapan akong maghanap kay bubwit. Napahawak ako sa baywang ko at napakamot sa ulo ko.

Nasaan na kaya ang batang 'yon?

Napaangat ako nang tingin narinig ko ang pamilyar na boses. Ngingiti na sana ako nang makita kong may kasama si bubwit - isang lalaki at babae. Bigla ay sumulak sa akin ang inis at selos dahil may kasama siyang lalaki. Nagtatawanan pa kasi sila, mukhang tuwang-tuwa ang bubwit sa sinasabi ng lalaki.

Tangina!

"Melissa!" tawag ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Malawak ang ngiti niya nang makita niya ako. Nilapitan ko sila.

"Hi, kuya Alex!" bati niya. Hinalikan ko ang buhok niya at saka siya hinapit sa baywang.

Amoy barbecue.

"Saan ka galing?" tanong ko kay bubwit. Hindi ko binitiwan ang kanyang baywang.

"May project kaming ginawa, kuya. Nagpunta ako sa bahay ng classmate ko, ngayon lang kami natapos. Siya nga pala classmate ko si Andy at Rowena." napatingin ako sa katabi ng lalaki. Tinanguan ko lang ito. Hindi ko pinansin ang lalaki dahil nabubuwisit kasi ako sa pagmumukha niya.

Inakbayan ko si bubwit at hinagkan ang ibabaw ng buhok niya.

"Babe, bakit amoy barbecue ang buhok mo?" tanong ko rito. Napanguso si Issa sa sinabi ko.

"Kumain kasi kami diyan ng barbecue, nausukan kami," nakangiting sabi nito.

"We have to go, it's getting dark now," sabi ko sa kasama nito.

Naiirita na kasi ako sa lalaki na kasama nila Issa, pasulyap-sulyap kay bubwit.

"Bye! Mauna na ako," paalam ni Issa sa dalawang kasama. Nagyakapan pa sila ng babae. Akmang yayakapin rin ni Issa ang lalaki bigla ko siyang hinila. Napakamot ng ulo ang lalaki.

"Bye guys!" sabi ko sa dalawa.

Hinila ko na si bubwit. Bakit kailangan pang may yakap pa ang lalaking iyon? Ako lang ang yayakap sa bubwit ko.

"Malayo ba ang pinaradahan mo?" tanong ng bubwit habang naglalakad kami. Napabuntonghininga ako.

"Yeah, wala na kasing space na puwede kong pagparadahan ng sasakyan ko. Kaya doon pa sa may malapit sa school ninyo. Babe, gusto mo bang buhatin na lang kita?" tanong ko. "Sakay ka sa likod ko." Dagdag na sabi ko. Tumalikod ako para sumakay siya sa likod ko.

Kinapit niya ang braso sa leeg ko at ikinawit sa magkabila kong baywang ang kanyang mga hita.

"Kuya Alex, nagugutom ulit ako, puwedeng kumain muna tayo?" sabi ni bubwit.

Naramdaman ko ang hininga niya sa may tainga ko kaya para akong na-a-arouse.

Aariba yata itong kapulisan ko. Tigang pa naman.

"Bili na lang tayo sa fastfood at i-take out na lang natin."

"Okay," pagpayag nito.

Narating namin ang sasakyan ko at bumaba na ang bubwit. Napahikab na siya . Mukhang pagod na ang bata. Naawa naman ako sa bubwit.

"Napagod ka yata sa school?" tanong ko at saka hinaplos ang pisngi niya.

"Oo kuya, ang daming projects dahil magbabakasyon na kasi."

Binuksan ko ang passenger seat at pumasok agad ang bubwit. Isandal nito kaagad ang likod sa backrest ng upuan. Marahan kong isinarado ang pinto. Mabilis akong nagpunta sa kabilang side ng driver seat. Isinarado ko agad ang pinto nang makapasok sa loob ng sasakyan ko.

Ikinabit ko ang seatbelt ni bubwit na mukhang nakalimutan na nitong ikabit.

"Bibili na lang tayo ng food tapos uuwi na tayo," hinalikan ko ang noo niya. Tumango siya habang nakapikit.

NAGULAT ako nang may tumawag sa akin nang nasa labas ako ng presinto.

"Xandro. . ." Napatitig ako sa mukha ng babae.

"Charise?" sabi ko.

Napatingin ako sa mukha niya, mas lalo siyang gumanda. Naalala ko noon ng kami pa ni Charise, lagi itong bantay sarado sa akin dahil sobra itong lapitin ng mga lalaki dahil sa taglay nitong ganda.

"Hey, how are you?" tanong ko rito.

Hindi ko expected na makikita ko pa siya. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Nabalitaan ko na pulis ka na pala. Nakausap ko si Redentor ng magkita kami last time. Nabanggit niya kung saan presinct ka nagwo-work," nakangiting sabi nito.

"Ganoon ba?" sabi ko.

"How was tita? Miss, ko na ang mga luto niya," nakangiting sabi nito.

Naalala ko madalas sa bahay noon si Charise at palaging nilulutuan ni Mame. Dahil sa sabik sa anak na babae palagi niyang pinapapunta si Charise sa bahay.

"Matutuwa si mame kapag nakita ka niya," parang nagbalik ang lahat sa akin pati yata ang nararamdaman ko para sa kanya.

Melissa

NAPASIMANGOT ako nang palihim dahil bakit may kasamang babae si kuya Alexandro. Sinundo niya ako sa school dahil ipinapasundo ako ni tita mame. Sa backseat ako pinaupo ni Kuya Alexandro. Dati naman sa may front seat ako pinapaupo.

Napanguso ako. Sa harap talaga iyong babaeng mukhang anghel kapag nakaharap si kuya Alex. Pero kanina pa sa akin irap ng irap - ang sama pa makatingin. Bakit ba kasi ako pumayag na sumama? Sana pala sinabi kong masakit ang tiyan ko at nagtatae ako. Napanguso na naman ako.

Napaiirap ako kasi naglalampungan na ang dalawa. Parang wala ako dito.

Nangilid ang mga luha ko. Naiiyak ako. Sana nandito si Mikaelo para hindi ako nalulungkot. Saka miss ko na ang best friend ko. Napasinghot ako.

Nakarating kami sa bahay nila kuya Alexandro pero para namang hindi ako nag-e-exist. Pati si tita mame sinolo na ng babaeng peke. Akala naman niya ay maniniwala ako sa ipinapakita niyang kabaitan. Ang orocan niya.

Kumuha lang ako ng slice ng cake at nagpunta sa swimming pool. Umupo ako sa lagi naming inuupuan ni Mikaelo kapag dito kami tumatambay.

Habang kumakain ng cake hindi ko napigilang lumuha. Nami-miss ko na si Elo. Siya lang naman ang nagbibigay ng oras at pag-aaruga sa akin. Hindi naman ako makatawag doon kasi bawal. Pinahid ko ang mga luha ko.

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko. Nandito silang dalawa, hindi nila ako napansin. Napatingin ako sa kamay ng babaeng nakayapos sa baywang ni kuya, ganoon din siya nakayapos sa baywang ng babaeng orocan -ang plastic kasi. Nanlaki ang mga mata ko ng maghalikan sila sa harapan ko. Para tuloy akong nanonood ng porn movie.

Padarag akong tumayo at iniwan sila doon. Uuwi na lamang ako kahit gabi na. Hindi na ako nagpaalam kay tita mame. Pinasabi ko na lang sa katulong na nakasalubong ko na uuwi na ako.

Lumabas na ako ng bahay nila. Naghintay ako ng taxi sa labas ng gate pero walang dumaan. Kaya nagpasya na lang akong lakarin ang pinaka-gate ng village. Medyo malayo pa naman.

Nang malapit na ako sa gate biglang bumuhos ang ulan.

Anak naman ng tokwa't baboy. Wala akong nagawa kundi suungin ang ulan. Basa na rin lang ako ituloy ko nang maglakad sa ulanan.

May nakita akong taxi na may ibinababa kaya tumakbo ako papunta doon.

Nagulat ako nang may humintong sasakyan sa harap ko kaya napahinto ako. Bumukas ang bintana kaya nakita ko ang kinabubuwisitan ko. Ang babaeng orocan ang plastic na matibay.

"Melissa, halika na pasok ka dito! Basang-basa ka na," sabi sa 'kin ni Kuya Alex.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil tinaasaan ako ng kilay ng babae ni kuya Alexandro. Nasa front seat na naman -sarap niyang sabunutan. Hindi ko pinansin ang sinabi ni kuya Alexandro, tinalikuran ko na sila. Buti hindi pa umaalis ang taxi kaya sumakay na ako agad doon.

*****

Tumatawag si kuya Alex sa cell phone ko ngunit hindi ko sinasagot. Pinatay ko na lang ang cell phone ko at inilapag sa gilid ng unan ko. Bakit ba kailangan niya pa akong tawagan?

Bigla akong bumahing. Magkakasipon yata ako. Naulanan naman kasi ako. Nakatulugan ko na ang inis kay kuya Alexandro at sa babae niyang orocan- ang plastic na matibay.

"Nak, gising ka na inumin mo muna itong gamot. Mainit ka, eh. Bakit kasi nagpabasa ka sa ulan," nagising ako sa boses ni Nanay. Mabigat ang pakiramdam ko at nilalamig pa ako.

"Nay. . ." tawag ko sa Nanay ko at bigla akong umiyak.

Umupo siya sa gilid ng kama ko. Niyakap ko siya. "Uminom ka muna ng gamot. Tahan na anak," hinaplo ni Nanay ang likod ko. Ininom ko ang gamot na binigay niya sa akin at saka ako kinumutan ni Nanay.

BUTI na lamang sabado ngayon kaya okay lang na may sakit ako. Sana sa monday wala na akong lagnat.

"Anak, nasa labas si Alexandro ang kuya ni Mikaelo," sabi ni Nanay.

Ano naman ang ginagawa niya dito? Tumayo ako mula sa kama ko para puntahan sa sala si kuya Alex. Nakasuot ako ng makapal na sweater. Ito iyong regalo ni Mikaelo sa akin last year sa birthday ko. Napabuntonghininga ako.

Parang tumaas ang lagnat ko dahil sa nakita kong kasama ni Kuya Alex. Bakit kasama na naman niya ang babae niya?

"Sinabi ng Nanay mo na may lagnat ka daw," sabi ni kuya Alex.

Nakita kong may dala siyang basket ng prutas at box. Hindi ako sure kung cake ba 'yun. Akala naman niya natutuwa ako sa mga dala niya. Naiinis ako dahil kasama niya ang babaeng orocan-ang plastic na matibay.

"Okay na ako," walang gana kong saad.

Tinaasan ako ng kilay ng babaeng orocan. "Kailangan bang ganyan ka sumagot kay Alex? Dinalaw ka na nga ng tao, ganyan pa ang ipinapakita mo sa kanya?" mahinhin na sabi nito pero pataray ang salita.

Tumaas ang presyon ng dugo ko pati na ang lagnat ko dahil sa sinabi ng babaeng orocan sa sagot ko.

"Bakit sinabi ko ba na dalawin ninyo ako? Hindi 'di ba? Parang utang na loob ko pa ang pagdalaw ninyo sa akin sa tono ng pananalita mo," sarkastikong sabi ko sa babae.

"Melissa! You don't have to say anything bad to her. Okay, lang kung sa akin pero sumusobra ka na. Masyado ka ng nagiging isip bata," singhal ni kuya sa akin.

Nakita kong hinaplos ni Kuya ang likod ng babae. Nangilid ang mga luha ko sa sinabi niya.

"Umalis na kayo. Kung iyan ang iniisip mo sa akin bahala ka. Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan tutal isip bata naman pala ang tingin mo sa akin. Oh, eh, di siya na," sabi ko sa naghihinanakit na tono saka ko sila tinalikuran at pumasok sa silid ko.

Ilang minuto ang nakalipas narinig ko ang papaalis na sasakyan ni Kuya Alex.

Bakit ko ba kasi nararamdaman ito. Nagseselos ako sa ipinapakita niyang ka-sweet-an sa babaeng orocan. Nangako siya sa akin na aalagaan niya ako. Pero hindi na yata mangyayari iyon. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi na magku-krus ang landas namin. Magsama sila ng babaeng iyon.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13





























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co