Arrest Me Barako Series 4 Published Under Immac Publishing House
"Nakaka-inlove ang lasa, grabe naman!" napailing si Dade at saka napahawak sa lamesa. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang matawa."Talaga Tito Dade? Ay, meron pa akong patitikim sa iyo. Naku bagay sa iyo ito, healthy." Tuwang-tuwa ang bubwit. Nagsalin na siya sa baso at pinuno niya ang baso. Hindi alam ni Dade kung uupo o tatayo. Napakapit siya sa sandalan ng silya nang mahigpit. Binigyan niya kaming dalawa ni Mame ng tulungan niyo ako look. Palihim kaming natatawa ni Mame sa hitsura ni Dade. "Susmaryosep!" napasigaw si Dade nang mainom niya ang ampalaya shake. Namutla ang mukha nito. Gusto ko ng tumawa. "Ang galing naman ng baby girl namin," sabi ni Dade at naupo at napahilot ng kanyang batok."Thank you, Tito Dade. Hayaan niyo gagawa uli ako." Napatingin kaming lahat kay bubwit. Diyos ko po! "Ano naman ang gagawin mo sa susunod, babe?" lakas loob kong tanong. Siguro naman okay na sa susunod. Napaisip na naman ito. Napangiti ito ng maalala na niya. "Kamias shake! Madami kasing kamias sa likod bahay namin kukuha ako bukas," nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Si Dade ay naubo samantalang si Mame naman ay napahilot sa sintido niya. "Hi, everyone!" napatingin kami sa dalawang dumating. Napangisi ako. Si Kael at Logan ang dumating. Lumapit ang dalawa kay Mame at Dade para humalik sa pisngi nila."Ay! Hi, kuya Kael.
Hi kuya machong Logan," bati ni bubwit. "Hello, baby girl." Nakangiting bati ni Logan."Hi, Issa. Mukhang masaya ka, ah?" sabi naman ni Kael malibog."Napadaan kayong dalawa?" sabi ko. "Wala lang makikikain lang." Napatingin si Kael sa lamesa. "Uy! May makakain pala dito, bro." sabi ni Kael. Umupo ang dalawa. Napatingin ako kay Dade hindi ito makapagsalita. Hindi kasi siya makaget-over sa kinain at ininom nito. Napaiiling pa si Dade."Mga kuya, tikman niyo ang niluto kong cookies. Tapos ito oh? Gumawa ako ng shake!" pagmamalaki ng bubwit. Ngiting-ngiti ang dalawang. Tingnan natin kung mapapangiti pa kayo pagkatapos niyong kumain."Aba, kakaibang kulay ng cookies ito, ah?" sabi ni Kael.Magkasabay pang sumubo ang dalawa. Bigla silang natigilan ng malasahan ang cookies. "Tangina!" mura ni Kael. Napatingin si bubwit kay Kael. "Kakaiba ang ginawa mo Issa. Parang nasa heaven, mapapatawag ka ng diyos ko!" lihim kaming natatawa nila Mame at Dade.Si bubwit naman ay tuwang-tuwang sa sinabi ni Kael. Pumalakpak pa ang bata. Si Logan naman ay parang nagkaroon ng tag gutom para siyang pumayat sa hitsura niya. Napahampas ng mahina sa mesa at saka pumalatak."Tama ka Kael mapapa-diyos ko ka nga!" napasuklay ng buhok si Logan na parang frustrated sa buhay."Thank you mga Kuya pogi. Oh ito pa may ginawa akong shake inumin niyong lahat para maging healthy kayo," nagsalin na ito sa dalawang baso."Masarap 'yan mga bro!" sabi ko sa dalawa na nakatitig sa napaka-green na shake. Ininom ng dalawa ang shake. Nagtagisan ang kanilang bagang saka nagtapikan sa likod.
"Ang sarap hindi ba mga bro!" nangingiting sabi ko.
GRABE ang nangyari sa amin nila Dade at Mame. Mas lalo sa dalawa kong pinsan dahil pinaubos ni bubwit sa dalawa ang ginawa niyang cookies at shake. Hindi ko alam kung masasabing shake ba iyon o tinunaw na ampalaya. Nang paalis ang dalawa hindi ko alam kung anong klaseng mukha ang mayroon sila. Para silang galing ng giyerahan tapos natalo. Para silang binagsakan ng langit at lupa.
"Chief, okay na po ang mga tauhan natin," napaangat ako ng tingin ng pumasok ang tauhan ko. Tinanguan ko ito.
Ngayon ang raid namin sa isang hideout ng malaking transaction ng droga. Isang malaking sindikato ang mahuhuli namin sigurado ngayon. Hinanda ko ang sarili ko.
Nakarating kami sa lugar medyo malayo ito sa kabihasnan dahil ang paligid ay puro talahiban at malayo sa bahayan. Ito ang perfect place ng mga sindikato kapag may transaction sila sa droga.
"Men, be ready wait my signal," sabi ko sa mga tauhan ko. Tumango sila.
Nagsilabasan kami sa patrol car namin. Dahan dahan kaming lumapit sa warehouse. May nakapalibot na mga kalalakihan sa area. May fence ang lugar kaya hindi kami makakapasok kaagad. 'Buti na lang handa ang lolo niyo, boyscout kasi ako. Pinakuha ko ang cutter at pinutol ang fence para makagawa ng lusutan. Sumenyas ako sa mga tauhan kong kumalat kami.
Nang makagawa ng butas pumasok na ako sa loob. Napaatras ako ng may dumating na lalaki. Nagtago ako sa likod ng drum. 'Buti na lang madaming drum na puwedeng mapagtataguan. Sumilip ako para tingnan kung nakaalis ang mga lalaki. Likod na lang ang nakita ko.
Pinaputukan ko ang lalaki. Mabuti at may silencer ang baril ko. Natamaan ko sa katawan nito. Natumba ang lalaki. May isa pang lalaki na babarilin sana ako inunahan ko na, binaril ko.
Pagkapasok ko sa loob nakita ko na may mga taong nag-uusap at may dalang maleta na puno ng droga at ang isa ay pera naman ang laman. Nagtagis ang bagang ko. Dahil sa mga taong ito madami ang mga kabataang nasisira ang buhay dahil sa droga.
Sumenyas ako sa mga tauhan kong humanda sila.
"Fuck!" napamura ako ng mapansin kami, nagkabarilan na. Ang lulupit pa naman ng mga armas ng sindikato, daig pa ang mga sandata namin. Sila na ang mga high-tech kami ay lowtech paltik lang. Tanginan naman!
Nanlaki ang mga mata ko ng itsahan kami ng granada. Nagsitaguan kaming lahat subalit naabutan kami ng pagsabog. Tumalsik sa amin ang nabasag na salamin at iba pang bagay na sumabog.
Kahit may tama ako hindi ko inalintana kailangan mahuli ang mga ito. Buti hindi malala ang tama ng mga tauhan ko.
Sumenyas akong magpatuloy kami. Nakipagbakbakan kami sa mga sindikato. Kahit alam naming lamang sa armas ang mga kalaban hindi kami pinanghinaan ng loob. Mas mahalagang masupil ang mga kriminal. Narinig ko ang siren ng mobile kaya napangiti ako. Dumating ang mga backup namin.
******
"Okay na ako Mame. Natamaan lang ng shrapnel wala po akong tama ng baril." Pagpapakalma ko kay Mame nang dalawin niya ako sa ospital. Para naman na kasi akong mamatay kung makaiyak siya.
Binatukan niya ako. Grabe naman may pagbatok talaga? "Paanong hindi ako mag-aalala sa iyo? Muntik ka ng mamatay? Anak kita kaya natural na mag-aalala ako sa iyo. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman malala ang mga tama mo ng shrapnel," sabi ni Mame. Umupo ito sa tabi ko.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinagkan ang likod nito. "Mame, parte ng trabaho ko na matamaan ng baril or masaktan kapag nasa labanan kami. Pero nag-iingat naman ako Mame," sabi ko.
"Nga pala sinabi ko kay Issa na naospital ka kasi dumalaw kanina sa bahay. Pupunta daw siya dito para dalawin ka," napatango ako.
Bumukas ang pinto at pumasok si Dade kasama si bubwit. Lumapit si bubwit sa kinahihigaan ko.
"Hala Kuya! Anyare sa iyo! Sabi sa akin ni Dade madami ka daw sugat! Kaya nagpagawa ako ng halamang gamot kay Nanay! Ito, oh? Ipaiinom ko sa iyo sabi ni Nanay tatlong beses ka iinom nito." Diyos ko ano na naman ba ito? Tumingin ako kila Mame at Dade- na natatawa sa isang tabi.
Inilabas ni bubwit ang pitcher. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung anong gamot ang sinasabi niya. Light bown ang kulay ng tubig. Napalunok ang lolo niyo. Ikamamatay ko yata ang gamot na ipaiinom ni bubwit. Diyos ko tulungan niyo po ako!
"Don't worry Kuya Alex noong bata pa ako pinapainom ako ni Nanay ng ganito para madaling gumaling ang sugat ko. Pero keribels mo naman ang lasa nito. Nilagang dahon ng bayabas ito."
Nagsalin si bubwit sa baso. Napatitig ako sa kulay ng tubig parang gusto kong bumangon at tumakbo palabas ng ospital.
"Kuya, inumin mo na para madaling maghilom ang mga sugat mo. Ang dami mong sugat sa braso mo, pati dito sa face mo," hinaplos niya ang panga ko. Napangiti ako dahil kahit napakakulit ni bubwit sobrang concern niya sa akin.
"Inom na kuya."
Pagkatapos kong mainom ang nilagang bayabas biglang nanigas ang kapulisan ko. Bakit ganoon iba ang nanigas hindi ang katawan ko? Gusto ko sanang mapapikit sa lasa ng ininom ko nakatingin ang bubwit. Malawak ang pagkakangiti niya. Pasimpleng napahawak ako sa kapulisan ko.
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co