Truyen3h.Co

Arrest Me Barako Series 4 Published Under Immac Publishing House

MELISSA

HABANG inaayos ang rubber shoes ko napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa akin. Nakita ko ang dalawang mukhang kuwago at mukhang tsonggo na kumidnap sa akin noon. Napakunot noo ako. Anong ginagawa nila dito sa school? Tumayo ako at lumapit sa kanila.

May kasalanan ang dalawang ito sa akin.

"Hoy! Kayong dalawa anong ginagawa niyo dito?" tanong ko.

Napangiti sila sa akin. "Dinadalaw ka namin Melissa," sabi ni tsonggong pogi.

Pumameywang ako. "Sinungaling kayo! Sabi niyo sikat kayo dahil model kayo. Hindi naman kilala ang brand na sinasabi niyo. Yung ano.." napaisip ako.

"Dulse and Kabana!" sabi ko.

Nagkatawanan ang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin kaya natigil ang dalawa.

"Hindi naman kasi Dulse ang Kabana ang bigkas doon. Dolce and Gabbana," pagtutuwid nila sa sinabi ko. Napanguso ako. Magkatunog naman, eh?

"Pareho lang naman, spelling lang ipinagkaiba!" inirapan ko ang dalawa. "Anong ginagawa niyo dito? Huwag niyong sabihing kikidnapin niyo na naman ako! Naku isusumbong ko kayo kay Du30. Lagot kayo dun!" napakamot ng ulo ang dalawa.

"We're not here to kidnap you. Actually naalala ka namin at siyempre gusto naming bumawi sa iyo. Doon man lang makahingi kami ng tawad sa iyo. Alam mo ba ng dahil sa iyo nagbago na kami," tumaas ang isang kilay ko. Ano namang ginawa ko sa dalawang ito kaya sila nagbago?

"Weh, hindi nga?! Bakit ano ba kayo dati? Alien kayo ano?! Kaya pala ganyan ang mga hitsura niyo. Kakaiba, ah?" sinipat ko pa ang dalawa saka ko sila kinabog sa likod nila. Napaubo ang dalawa sa ginawa ko.

"Iyan ang nagustuhan namin sa iyo Melissa. Hindi ka kagaya ng ibang babae. Wala kang kaarte- arte. Hihingi sana ako ng favor. Please sana pagbigyan mo ako. Kahit anong hilingin mo gagawin ko" pakiusap nito sa akin.

"Oh, talaga kahit? Paano kung pasayawin ko kayong dalawa dito ng Switch it up." Nagkatinginan ang dalawa. "Char lang!" sabi ko.

"Iyon lang pala. Sige ba!" payag ng dalawa.

"Oh?" napangiti ang dalawa. Sumayaw nga ang dalawa. Nagkumpulan ang mga etudyante habang nanonood sa dalawa. Wow! Nakakamangha naman ang galing nilang sumayaw. Hindi na sila mukhang tsonggo at kuwago.

Nang natapos silang sumayaw nagpalakpakan ang mga tao. Tuwang- tuwa ako kasi uto-uto itong dalawa.

Nagsibalikan na sa kanya kanyang ginagawa ang mga tao nang matapos sumayaw ang dalawa.

"Ano na iyong favor na hinihingi mo ba?" tanong ko. "Ay ano pala name niyong dalawa?" sabi ko..

"I'm Raymond" sabi ng mabalbas na guy.

"I'm Braden. We're cousin" sabi ng isa.

"Wow ang ganda ng pangalan niyo ah pang artista. Oh magpinsan pala kayo" napatango ang dalawa.

"Melissa, hope mapagbigyan mo ang hiling ko." biglang lumungkot ang mukha ni Braden. Mukha tuloy siyang tuta na may eyebug. " My Mom is sick she has 4 stage cancer in ovary. Gusto kong mapagbigyan ang kaniyang hiling sa akin na ipakilala sa kanya ang kasintahan ko. Gusto kong mapaligaya siya sa huling sandali ng buhay niya." nanlaki ang mata ko. Ako magiging syota niya?

"Bakit ako?! Hindi ba may syota ka na hinahabol habol mo pa nga. Nagalit ka pa nga dahil inagaw siya ni Kuya Alex yung babae mo! Oh siya na lang ang ipakilala mo! Huwag ako duh!" sabi ko. Mamaya niyan multuhin pa ako kasi nagsinungaling ako sa Nanay niya. Naku ayaw ko multuhin takot ako sa mumu.

Umiling iling ako.

"Please Melissa, kahit ano ibibigay ko mapagbigyan mo lang ako. Ayaw kasi ni Mommy sa girlfriend ko. Maarte daw at mukha daw pokpok. Gusto kasi ni Mommy iyong kagaya mo. Walang kaarte-arte sa katawan. Madaldal at saka maganda pa," sabi nito sa akin. Bigla ko itong hinampas sa balikat niya.

"Hindi naman no?! Grabe naman siya, oh!" sabi ko sabay ngingiti-ngiti ako na parang tuwang-tuwa sa sinabi niyang maganda ako.

"Please . . ." pagmamakaawa niya sa akin. Nagmukha naman siyang tilapia ngayon.

"Sige pero hindi talaga tayo magsyota ah? Kunwari lang ito. Kaya lang nakakakonsensya naman sa Mommy mo nagsisinungaling tayo. Baka magalit iyon."

"Alam ko pero gusto ko siyang mapasaya sa huling sandali niya." sabi nito. Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto ko din tulungan ang Mommy niya.

******

"Wow ang laki ng bahay niyo Kuya Braden!" sabi ko nang makapasok kami sa bahay niya. Napapangiti ang dalawa sa akin.

"Alam mo gusto kong magkaroon ng kapatid na babae. Nag-iisang anak lang kasi ako. Kaya gusto ko iyang tawag mo sa akin na Kuya." binigyan niya ako ng ngiti.

"Talaga?! Huwag na lang kaya tayo maglie sa Mommy mo. Ipakilala mo na lang akong kaibigan. Nakokonsensya kasi ako ayaw kong magsinungaling sa kanya." napatitig sa akin si Kuya Braden.

"Okay, nakokonsensya din naman ako. Ipapakilala kita bilang friend ko." sabi nito. Napangiti ito sa akin. Ang pogi ni Kuya.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila namangha ako dahil napakaganda ng loob. Sinalubong kami ng katulong.

"Sir Braden, Sir Raymond. Mabuti naman napadalaw kayo ngayon. Nasa likod ng bahay si Ma'am," sabi nito. Napatingin si ate sa akin. Kumaway ako at nginitian ito. "Sino itong kasama mong maganda?"

"She is my friend. Her name is Melissa. Sige po puntahan ko na po si Mommy." Sumunod na ako kay Kuya Braden at Kuya Raymond. 

Napahinto  kami sa paglalakad. Nakita ko ang isang ginang na nakaupo sa tumba-tumba sa  garden. May kandong itong cute na aso na mabalbon. Hindi ko alam ano tawag dun.

"Kuya Raymond kamukha mo yung aso, oh?" pareho kasi silang mabalbas. Nilapitan ko agad ang aso na nakakandong sa babae na may edad.

Napatingin sa akin ang babae.

"Hi po, Ma'am. Ang ganda po ng aso niyo. Ang cute kamukha niya si Kuya Raymond pareho silang may balbas. Parang silang mag Kuya" sabi ko.

Natawa ang ginang sa sinabi ko.

"Hi Mom!" lumapit si Kuya Braden. Humalik sa Mommy niya. Ganun din ang ginawa ni Kuya Raymond humalik din ito sa pisngi ng Ginang. Kamukhang kamuha siya ni Kuya Braden.

"Sino itong batang maganda na ito?" nakangiting tanong ng Mommy ni Kuya Braden at Kuya Raymond.

"Kaibigan po namin Mommy si Melissa." pakilala nito sa akin. Lumapit ako sa kanya para humalik sa noo nito. Nakakaawa ang hitsura niya pero hindi dapat sila kinakaawaan bagkus bigyan dapat sila ng positibong pananaw sa buhay. Kung awa ang ipapakita mo mas lalo lang silang malulungkot.

"Hi po Tita." masayang bati ko sa ginang.

"Kinagagalak kitang makilala iha. Dito ka na maghapunan nagpaluto ako ng masarap na pagkain." sabi nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Kahit ngayon ko lang siya makita magaan ang loob ko sa kanya. Parang kay Tita Mame lang.

"Aba hindi ko po tatanggihan iyan. Nagugutom na nga po ako." nagkatawanan sila sa sinabi ko. Totoo naman kaya yun nagugutom na talaga ako. Biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Kaya tiningnan nila ako. Napangiti ako ng alanganin.

Alexandro 

Pinuntahan ko ang bubwit para sana sunduin. Subalit hindi ko na naabutan dahil ayon sa kaibigan nito may sumundo daw na dalawang lalaki na guwapo.

Bigla akong kinabahan baka ito na naman iyong dalawang lalaki na nagtangkang kidnapin si bubwit. Kaya tinawagan ko ang numero ni Melissa. Huwag naman sana na may masamang mangyari sa kanya. Dahil hindi ko mapapatawad ang mga lalaking iyon. Tatadtarin ko ng bala ang mga katawan nila.

Sinagot naman ang tawag ko. Napakunot ang noo ko ng may sumagot pero tahol naman ng aso ang narinig ko. Naging aso na ba si Melissa?

"Aw.Aw.Aw.Aw" sabi ng sumagot sa phone ni Melissa.

" Hello nasaan si Melissa? Sumagot ka!" mukha akong baliw na kinakausap ko ang aso. Sasagot kaya iyon?

"Arp arp arp.." sagot ng aso sa tanong ko. Nakarinig ako ng tawanan sa kabilang linya. Napakunot ako ng noo. Nasaan ba si Melissa.

"Kuya Alex ang galing mo napagsalita mo si dolly." sabi ng bubwit.

"Where are you? May ginawa bang masama sa iyo yung dalawang ugok na lalaki?" tanong ko.

"Naku Kuya Alex wala silang ginawang masama. Mababait naman pala sila. Nandito ako sa bahay nila Kuya Braden. Dito ako kumain ng hapunan. Ang sarap ng ulam nila Kuya."

"Umuwi ka na. Tell me where you are susunduin kita" sabi ko. Hindi maaring maging close siya sa mga lalaking iyon.

"Mamaya pa ako uuwi tsaka ihahatid ako ni Kuya Braden. Pinapatulog ko pa si Tita Bernadette tsaka si Dolly" mas lalong sumalubong ang kilay ko. Bakit kailangan niya pang patulugin? Ano iyon baby?

"No tell me where you are. Susunduin nga kita!" pinal na sabi ko. Napataas na ang tono ng boses ko dahil naiinis akong kasama nito ang dalawang ugok na iyon.

"Eh!!! Kainis ka Kuya Alex isusumbong kita kay Tita Mame sinisigawan mo ako! " parang matutuyuan yata ako ng tubig sa katawan sa bubwit na ito.

"Okay, sorry na babe. Please tell me where you are ako na mag-uuwi sa iyo." mahinahon na sabi ko. Baka.isumbong nga ako kay Mame. Lagot na naman ang lolo niyo.

"Nandito kami sa Ayala Alabang. Kuya Alex mamaya daan tayo ng Mcdo huh" napangiti ako.

Okay babe malakas ka sa akin" sabi ko.

Nakarating ako sa sinabi niyang address. Isa itong exclusive village na puro mayayaman lang ang nakatira.

Nang marating ko ang bahay pinapasok naman ako ng maid nila. Palinga linga ako sa paligid. Napakalaki ng lawn nila.

"Doon po sila Sir sa may tabi ng swimming pool." tinanguan ko ang katulong.

Nakita ko ang dalawang ugok na tawa ng tawa habang si bubwit nakatayo at may sinasabi. Hawak nito ang maliit na aso.

Napatikhim ako napalingon sila sa akin.

"Hey, Alex!" tawag sa akin ni Braden. Yes kilala ko sila. Hindi naman ako inis sa kanila kinasusuklaman ko lang naman ang mga pagmumukha nila. Tinanguan ko lang ang dalawa.

"Susunduin ko lang itong bata." makabata ang lolo niyo nagmumukha tuloy akong tatay ni bubwit. 

"Ay Kuya Alex, tingnan mo ang cute ni Dolly," napatingin sa akin ang asong mabalbon. Sa sobrnag balbon nito dila na lang ang makikita mo. Hindi ba uso ang gupit sa asong ito.

"Arp. Arp. Arp. . ." tahol ng aso. Bumaba sa bisig ni bubwit ang aso. Napababa ang tingin ko. Umali-aligid ang aso sa hita ko na parang nagpapahid lang ng katawan niya sa pantalon ko. Inamoy-amoy niya pa ang sapatos ko na para bang mayroon something doon.

Nangunot ang noo ko ng itinaas niya ang isa nitong paa at inihian niya ang paanan ko. Pagkatapos nagkakawag pa.

"What the fuck!" mura ko kaya napalayo ako sa aso. Nagtawanan sila sa nakita nila.

"Hala Dolly lagot ka! Bakit diyan ka umihi hindi naman poste iyan. Paa ni Kuya Alex iyon." sabi ni bubwit sa asong maliit. Hinaplos haplos niya ang ulo nito. Bigla itong umalulong na parang umiiyak. "Kuya Alex magsorry ka sa kanya sinigawan mo kasi. Hindi siya sanay na pinapagalitan eh" sabi ng bubwit. Maiintindihan kaya ng aso ang sorry ko?

Napabuntonghininga ako. Pati aso nagiging kaugali na din ni bubwit. Hinaplos ko ang ulo ng aso para hindi na umiyak. Napangiwi ako ng tumingin ang aso. Tumulo ang laway nito sa kamay ko. Dinilaan pa nito. Napahawak ako sa upuan feeling ko malalagutan ako ng hininga sa dalawang ito. Napatingin ako sa asong wala ng mata. Parang tuwang tuwa pa na nalawayan niya ako.

Dadaan pa sana kami ng Mcdo subalit nakita kong nakatulog na ang bubwit sa upuan. Kaya hindi na ako natuloy. Inuwi ko na lamang sa bahay baka tulog na ang Nanay ni bubwit. Pagkarating bahay nakita kong nakabukas pa ang living room. Nakita ko si Mame na may inaayos na mga papaer bag.

 Oh, Alex, bakit gabi ka na?" napatingin ito kay bubwit. "Naku nakatulog na si babay girl." nilapitan niya ito at hinaplos ang buhok nito.

"Hindi ko na inuwi sa bahay nila baka po tulog na ang Nanay ni Issa. Itext ko na lamang po para mabasa niya kinabukasan ang message ko. Ano po iyang inaayos niyo?" tanong ko.

"May order kasi ang kumare kong cookies at cake bukas ko ideliver. Inaayos ko itong paglalagyan" napangiti ako mahilig kasi magbake si Mame ng kung ano ano. Siguro nagustuhan ng mga kumare niya.

Humalik ako sa pisngi ni Mame.

"Matulog ka na Mame pagkatapos niyo po diyan" sabi ko. Tumango si Mame.

Nang marating ko na ang kuwarto ko inilapag ko ang bubwit. Inayos ko muna ang bubwit bago ako pumasok ng bathroom dahil ang panghi ng amoy ko. Kasalanan ng asong iyon.

Pagkalabas ko ng banyo napabuntonghininga ako. Parang nagkaroon ng delubyo ang loob ng kuwarto ko. Nakakalat sa sahig ang mga unan pati na ang kumot.

Luminga-linga ako para hanapin si bubwit? Chineck ko ang paligid. Walang bubwit. Nakita ko ang paa ng bubwit nakalitaw sa ilalim ng higaan ko.  Hinila ko ito kasi nakasiksik na sa ilalim. Buti na lamang carpeted ang sahig magkakabukol ito kapag wala.

Ibinalik ko ulit sa ibabaw ng kama. Napanguso pa ito at nagkamot ng ulo. Napapailing ako kahit sa pagtulog ang kulit pa din ng bubwit.

Hinagkan ko ang labi nito. Tumabi na ako sa bubwit. Niyakap ko ang braso ko sa beywang nito. Inamoy ko ang leeg niya. Kahit pinagpawisan na ang bubwit ang bango bango pa din.

Bigla itong humarap sa akin at yumakap sa beywang ko. Bahala na si batman bukas. I-enjoy ko ang gabi naming magkatabi. Napangiti ako.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co