Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE
Chapter 28
ALEXANDROPagkalabas namin ng bahay nila Braden mura nang mura itong si Gregorio. "Tangina! Anong klaseng cake yun. Mukhang torta! Tangina!" nagmumukha na siyang tangina.At itong dalawang kasama ko mukha silang kakabangon sa pagkakaidlip ng ilang taon. Buti naka-survive kaming anim sa kinain naming kakaibang lasa ng tortang banana cake. Nasobrahan sa saging. Sabi ni bubwit isang kilo daw ang inilagay niyang saging,tapos hindi pa daw hinog yun. Ang exotic shake ni bubwit naman ay kakaiba. Hindi ko alam kung paano ko ide-describe ang lasa. Hindi ko alam kung mapangingiwi o mapapamuk-asim. Tumigil ang tatlo sa paglalakad. "Godamnit!/Tangina!/Shit!" sabay sabay nilang sabi. Napakunot noo ako ng nag-unahang bumalik sa loob ng bahay ang tatlo. Nagtutulukan pa sila sa pag-uunahan sa pagpasok sa pintuan."Hey! Why are you going back?" sigaw na tanong ko sa kanila. "Natatae ako!" sabi ni Kael."Tangina magiging malnourished yata ako nit," sabi ni Logan. Hawak-hawak nito ang tiyan. "Shit! Ilan ba ang C.R. nila dito?" nagtatakbo na sila sa loob. Habang ako naman ay pinakikiramdaman ko muna ang sarili ko kung natatae din ako. Pero mukhang hindi pa naman. Tangina namang buhay ito. Napahawak ako sa beywang ko.Pumasok uli ako sa loob. Hindi ko nakita Brayden at si Raymond sa sala. Nagpunta ako sa kusina.Nag-aayos na si bubwit ng mga ginamit niya sa pag-bake at paggawa ng shake. Umurong ang tae ko ng makita ko ang bubwit na masaya. Kahit hirap kami sa mga niluto niya mapasaya lang siya ay ayos na ako. Napaangat ng tingin si bubwit ng maramdaman niyang may nagmamasid sa kanya."Kuya Alex, akala ko nakauwi na kayo?" nilapitan ko siya at hinapit ang beywang niya. Hinagkan ko ang noo nito."Thank you, babe," sabi ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi."Para saan Kuya Alex?" nagtatakang tanong niya."Pinasaya mo kami sa niluto mo," sabi ko saka nginitian siya. Napayakap siya sa beywang ko at isinandal ang ulo sa ibabaw ng dibdib ko. "Thank you, Kuya Alex. Kaya love na love kita, eh!" hinagkan ko ang buhok nito. "I love you too, babe," sagot ko. Hindi niya ba alam na totoo ang sinabi kong mahal ko siya?Napatingin kami sa limang pumasok sa kusina. Nagmukha silang problemado sa buhay. Si Kael na parang nagkaroon ng tag-tuyot. Si Logan na macho parang hindi kumain ng isang linggo ang hitsura. Si Gregorio na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Si Raymond nagmukhang naging matanda. At si Braden ay parang nagkaroon ng tag-gutom. Anong klaseng mga hitsura iyan? "Hala! Bakit mukha kayong gutom? Tamang-tama may sobra pa sa ginawa kong cake at saka.." hindi na naituloy ni bubwit ang sinasabi niya ng nagmadaling umalis ang lima."Anong nangyari sa kanila?" nangamot ng ulo si bubwit. "Hayaan mo na sila, babe. Baka may pupuntahan pa ang mga yun kaya nagmamadali sila." Yumakap ako sa beywang niya. "Doon ka matulog sa bahay babe. Na-miss ko na katabi ka sa kama ko," sabi ko. "Ayoko na no?! Baka tuklawin ako ng ahas mo. Nakakatakot pa naman," napanguso ang bubwit habang napatingin sa pagitan ng mga hita ko."Hindi naman nanunuklaw ito. Bakit sinilip mo pa," natatawang sabi ko. Hinampas niya ako sa balikat. "Ah, basta ayaw ko!" napatakip ito ng mukha. Natatawa kong inalis ang palad niyang nakatakip sa mukha. " Ehh!!! Kuya Alex!" nakita kong namumula na ang mukha nito. " Promise hindi ko na ipapakita sa iyo para hindi ka na matakot. Sige na babe payag ka na." yumakap ako sa beywang nito. Hinalikan ko ang pisngi nito. Ang bango bango ng bubwit. "Ang bango naman ng babe ko. Naligo ka na no?" birong tanong ko." Hala oo kaya!" inirapan niya ako. " Love you babe" sabi ko. Biglang napabaling ang tingin sa akin ni bubwit. Sinuri niya ang mukha ko na parang isang malaking kasalanan ang pagsasabi ko ng I love you sa kanya. " You seem not to believe me. Don't you babe?" nakakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Hindi naman kasi kapani- paniwala ang mukha mo Kuya Alex," nakangiwi ang labi nito. Nalungkot ang mukha ko. Bakit hindi nila ako mapaniwalaan. Hindi ako nagbibiro. Totoo na itong nararamdaman ko para kay bubwit. Siya na ang ihaharap ko sa dambana. "Baguhin mo muna ang mga nakagawian mo dati bago mo sabihin iyan sa akin. Ayokong masaktan kapag ikaw ang nakatuluyan ko. Baka umiyak lang ako palagi. Mdami kang naging babae. Ayoko nun!" sabi niya. "So it means bina-basted mo na ako niyan?" malungkot na tanong ko. "Hala siya, oh? HIndi ka naman nanliligaw sa akin? Bago mo sabihing binasted kita, manligaw ka muna!" sabi nito at iniwan akong nangangamot ng ulo. Oo nga naman. HINDI ko napilit ang bubwit na matulog sa bahay. Kaya nalungkot ang lolo niyo dahil na-miss kong katabi ang bubwit sa kama. Pagkapasok ko ng bahay naabutan ko ang kapatid kong kausap si Mame. Kasama nito si Alonah na malaki na ang tiyan. Manganganak na ito isang buwan na lang. Naisip kong lumagay na sa tahimik. Pero paano naman? Hindi pa graduate ang bubwit. 3 years pa ang bubunuin nito. Kaya maghihintay pa ako. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. "Hey!" bati ko sa kanila. "Kuya Alex, mabuti naabutan ka namin," sabi ni Stefano. "Napadalaw kayo?" tanong ko. "Kinuha lang namin itong cookies ni Mame at cake. Gusto kasing kumain nitong baby ko," nakangiting sabi ni Stefano. Humilig sa dibdib nito si Alonah. Hinagkan naman ni Stefano sa noo ito."Thank you, sweety pie ko. Mamaya sasayawan kita ng taki-taki," napahagikgik pa ito. Nanlaki ang mga mata ni Stefano sa sinabi ni Alonah. "Baby, kabuwanan mo na bakit sasayaw ka pa ng ganun? Baka naman mapaaga ang panganganak mo?" tawa nang tawa si Mame sa isang tabi. "Stefano, anak magandang exercise iyon para hindi mahirapan sa panganganak si Alonah," sabi ni Mame. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa kanila. Ini-imagine ang buhay ko kasama si bubwit. Napangiti ako na parang tanga. Naiisip ko ang hitsura ni bubwit habang kalong niya ang baby namin at ipinagluluto niya ako ng mga bago niyang recipe. Siyempre bilang asawa magiging proud ako sa mga luto ng mahal kong bubwit. Biglang may tumapik sa balikat ko kaya nagising ako sa pag-i-imagine ko."Grabe ang pagkakangiti mo ah, Kuya Alex, " sabi ni Alonah. Nakatunghay na pala sila sa akin. Napakamot ako ng ulo ko. Natawa sila sa sinabi ni Alonah."Baka ini-imagine na ni Kuya Alex na may asawa na at may baby na siya. Tapos habang nagluluto si misis pinapanood niya. Kahit hindi masarap ang luto ng asawa sasabihin niyang perfect! Kainan na!" napamaang ako sa sinabi ni Alonah. Paano niya nalaman ang iniisip ko? Napaiiling na lang si Stefano dahil pagkain pa din ang nasa isip nito. "Ikaw talaga baby pagkain lagi ang nasa isip mo. Busog na busog ka na nga, eh? Laki na ng tiyan mo," nagkatawanan sila sa biro ni Stefano. I want to have a family like my brother. DUMALAW muli ako sa bahay nila Braden. Pagkapasok ko nakita ko ang bubwit buhat ang asong mabalbon. "Babe!" tawag ko rito. Napalingon ito sa akin. Nangunot ang noo ko ng makita kong umiiyak ang bubwit ko. Kaya dali-dali kong nilapitan ang bubwit."What happen? Why are you crying babe?" baka may nangyari ng masama sa Tita niya. Kailangan nito ng karamay. Hinawakan ko ang braso nito. Hinila ko siya upang umupo sa silya."It's okay, babe. Malalagpasan mo din 'yan," pagpapakalma ko sa kanya. Pinahid ko ang mga luha niya gamit ng daliri ko. Hinaplos ng bubwit ang ulo ng asong wala ng mga mata. Halos matakpan na kasi ng balahibo ang mga mata nito. Napayakap sa akin ang bubwit."May nangyari ba kaya ka umiiyak?" tanong ko rito. Tumango siya."Naaawa talaga ako sa kanya. Mami-miss ko talaga siya." Napabuntonghininga ako. Hindi talaga natin hawak ang buhay ng tao kaya hangga't nandiyan ang minamahal natin ipakita at iparamdam na mahal natin sila."I am sorry, babe."Sumandal sa balikat ko si bubwit. Pati ang aso nakisali na din. Sinandal din ang ulo nito sa braso ko. Habang tumutulo ang laway sa kamay ko. Napangiwi ako. "Oh, anak halika na kakain na. Kanina pa naghihintay ang Tita Mariel mo. Tama na kasi ang drama mo." Napalingon bigla ako sa Nanay ni bubwit. Akala ko ba may nangyaring masama sa Tita niya? Sino ang iniiyakan ni bubwit? Halos magbuhol sa lukot ang noo ko kasi hindi ko alam ang nangyayari."Alex, napadalaw ka. Pagpasensyahan mo na si Issang. Nakatanggap kasi ng balita galing sa kaibigan niya sa lugar namin. Namatay na kasi yung aso nila. Paborito kasi ni Issang ang asong yun." Biglang umiyak na naman ang bubwit. Nalaglag ang panga ko sa nalaman. Aso naman pala ang iniiyakan ng bubwit. Akala ko naman kung sino. Napakamot ako ng ulo. Nabudol ako dun, ah?
All Rights Reserved
By coalchamber13
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co