Conrad Series 3: The Detective
Kabanata 3
Kabanata 3:
"Let go of me!" sikmat ko kay Lordgen nang medyo makalayo na kami sa mga babae. I turned to face him in frustration, ready to give him more scolding, but I stopped when I saw him smiling.What's wrong with this panda? Ano pa bang tinatawa-tawa niya?"Nababaliw ka na ba? Bakit mo hinahayaan na sinasabihan ka ng gano'n ng mga babaeng 'yon? Iyon ba 'yong type mo? Yung Joy? Ang panget naman kung gano'n!" sunod-sunod kong sermon, hindi na napigilang ilabas ang inis ko.Malakas siyang bumuntong-hininga."May sugat ka oh, ouch ba?" Turo niya sa braso ko.Doon ko lang din muling napansin at naramdaman ang hapdi ng kalmot sa braso ko.Mas lalo akong nairita, hindi man lang niya pinansin ang sermon ko.Hinila niya ako sa ilalim ng isang punong mangga, saka ako pinaupo sa matabang ugat nito.Tahimik siyang umupo sa lupa sa mismong harap ko. Nakakunot ang noo niya habang hinahawi ang ilang dahon sa paanan ko para hindi ako masugat ng mga ito. Maya-maya, kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng shorts niya, walang alinlangan niyang idinampi-dampi iyon sa sugat ko."Sandali lang," sabi niya, mahina. "Wag kang magagalit, linisin ko lang 'to."Napakagat ako sa labi ko.Gusto kong magreklamo pa. Gusto kong ibalik ang usapan sa sermon ko kanina. Pero hindi ko rin alam kung anong ikinaiinis ko talaga... 'yung babae ba? Yung ngiti niya? O itong pagkakalma niya na parang walang nangyari kanina?What the hell was I thinking? Why did I even say those words? I don't care... right?Ano naman ngayon kung binu-bully siya ng mga babae na 'yon? Pake ko?"Dapat hindi mo na sila pinatulan, Olivia," aniya.Bahagya akong nagulat sa pagtawag niya ng buong pangalan ko, hindi ko inasahan 'yon mula sa kaniya."Okay lang naman ako. Nasugatan ka pa tuloy dahil pinagtanggol mo ako."Pagak akong tumawa, habang nasa gano'n pa rin kaming posisyon."Sino naman nagsabi sa'yong ginawa ko 'yon para sa'yo? Naiirita ako sa kanila kaya ginawa ko 'yon."Humaba ang nguso niya, may binulong-bulong pero hindi ko na maintindihan pa."Eh, bakit ka naman naiirita?""At bakit mo naman hinahayaan sinasabi ka nila ng gano'n?""Totoo naman kasi..."Pinitik ko siya sa noo, at agad niya akong sinamaan ng tingin habang marahang hinihimas ang parteng tinamaan."Aray, Ante! Mapanakit ka ah!""Talagang masasaktan ka kapag nakipag-usap ka pa ulit sa mga 'yon. Nililigawan mo ba 'yon? Anong nakita ko roon?" Parang Ate na sermon ko sa kaniya."Hindi naman ganyan ang ugali ni Joy noong una namin kita e, kaya niligawan ko siya. Ewan ko ba kung anong nangyari, parang nahawa siya sa mga bago niyang kaibigan," palusot pa niya bago siya tumayo nang maayos sa harapan ko."And you courted her after your first meeting?" I asked, raising an eyebrow in disbelief.Hindi ko alam kung gets niya ako."Hehe, madali kasi akong ma-fall e. Marupok ako.""Iyang pagmamahal ang ikamamatay mo. Ang bata-bata mo pa, puro ka na lang kalandian.""Eh bata ka pa rin naman, ah. Mas matanda ka lang ng ilang taon, feeling Tita ka na agad, parang pa-menopause ka na," sagot niya sabay tawa, parang sinadyang asarin ako.Umiling ako, walang gana na makipagtalo pa sa kaniya. Tumayo na rin ako at pinagpagan ang dumi sa short ko bago tumalikod na sa kaniya.Buong araw na akong nakakulong sa kuwarto matapos maligo.Hindi ko na namalayan ang oras, nakatulog ako at nagising na lang nang madilim na sa labas, kasabay ng malakas na patak ng ulan sa bubong."Magandang gabi, Olivia!" bati ng aking Tita nang makababa ako.May binabasa siyang libro."Kumain ka na, iha. May sinigang diyan sa mesa, pinadala ni Lord kanina. Hinahanap ka pa nga, kaso tulog ka."
Thank goodness.
"Sige ho.""Teka, nabalitaan ko 'yong nangyari sa inyo ng mga dalagita sa kabilang kanto. Iha, kararating mo pa lang, wala ka pang isang araw rito," nakangiti pero may halong paalala niyang sabi sa akin."Sila naman ang may kasalanan. Kahit bago o matagal na ako rito, gano'n pa rin ang gagawin ko," matigas kong sagot.Malakas siyang bumuntong-hininga. "Manang-mana ka talaga sa Mama mo... hindi nagpapapigil." Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon pero hindi na lang ako sumagot.Habang kumakain, hindi ko maiwasang maisip ang buhay ko sa Maynila... 'yung nakasanayan kong bahay, mga kaibigan, gadgets, at 'yung laging may pera sa bulsa.Kahit isa ay wala akong nadala.I really need to find a way to convince Dad to let me go home. Even if I end up growing old in this place, it won't change who I am.I am still Olivia Zera Escalante.Nang gabing 'yon, hindi talaga ako makatulog. Aside from the heavy rain outside, it feels like I've completely run out of sleepiness. Kaya naman dilat na dilat pa rin ako kahit hatinggabi na. Kung may cellphone lang sana ako, baka nag-e-enjoy na akong mag-scroll online."Wow, kabog!" bungad sa akin ni Lordgen, kinabukasan.Nagulat pa ako nang makita siya sa bahay ni Tita Fe. Maulan sa labas kaya hindi ko inasahang nandito siya. Saka... ano na naman bang trip niya?"Inutusan ka na naman ni Tita na bantayan ako?" pagtataray ko kaagad."Hindi, ah. Wala lang talaga akong magawa sa amin kaya nakikinuod muna ako ng TV dito. Buhay ka pa pala, kanina ka pa raw hindi gumigising, eh.""Pake mo ba.""Wala lang, nakikichismis lang. Ba't ka naman kaagad galit, Ante?"Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko rin alam kung bakit naiirita ako tuwing siya ang kausap ko... kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginagawang masama sa akin.I don't know, maybe because he acted too comfortable and not intimidated around me, and I didn't like that.Tumanaw ako sa labas mula sa pintuan na nakabukas. Hindi na gano'n kalakas ang ulan, pero tuloy pa rin ito, parang ayaw tumigil."May kainan ba malapit dito?""Hmm, doon sa bayan siguro may mga bukas pa na kainan. Mga sampong minuto kung may sasakyan tayo. Gusto mo pumunta?"I pouted my lips.Wala akong pera ngayon, kasi kinuha nila ang phone at wallet ko, para raw siguradong hindi ako makakaalis dito o makakatawag sa mga kaibigan ko sa Maynila para sunduin ako."Libre ko."Nakuha niya ang atensyon ko, kaya tinaasan ko siya ng kilay. "May pera ka? Hindi ba sabi mo roon sa Joy mo, wala kang pera kaya hindi mo mabili 'yong pinapabili niya?"Napangiwi siya. "Meron na kasi akong pera. Tumulong ako sa simbahan kaninang madaling araw, kaya nabigyan ako ng kaunti."I feel the temptation. I just want to taste a warm, comforting soup, especially with this kind of weather.Siyempre may mga nanlilibre rin sa akin sa Manila, lalo na 'yong mga may gusto sa akin, pero never akong tumanggap. Never naman kasi akong nawalan ng pera roon."I'll pay you once I get my money," I said, trying to sound convincing."Pay? Babayaran mo ako? Akala mo sa akin bayarang lalaki?" biro niya, siya lang din ang natawa. "Nako, huwag na. Libre nga e, para ka naman others, Ante."So yabang."So paano tayo pupunta ng bayan? Sasakay ako sa'yo?"Eksaheradong nanlaki ang mga mata niya. "Hala, bata pa ako! Ayoko nga!""What?""Kahit naman sobrang dyosa ka, hindi naman ako basta-basta," sabi niya sabay yakap sa sarili.My forehead creased at his nonsense, and he instinctively took a step back. I felt genuinely offended, and it was too late when I realized what this kid was thinking."Hoy, bastos ka!" Sinipa ko siya sa bayag.Akala ko makakaiwas siya kaagad, kaya gano'n na lang ang gulat ko nang matamaan ko siya roon. Bigla siyang napaluhod, sapo-sapo ang gitna habang nanlalaki ang mga mata."Anak ng tinapa!" sigaw niya.Kaagad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay."Ano ba? Huwag ka ngang maingay!" singhal ko, halos pabulong.Tumango siya na para bang seryoso na, kaya dahan-dahan ko siyang binitawan. Pero sa mismong segundo na binitawan ko siya, bigla ulit siyang humiyaw na parang sinapian.Napapikit ako sa inis. "Seryoso ka ba?""Lead me, Lord! Lead me by the hand and let me face the rising sun!" kanta niya, nasapo ko na lang ang noo ko sa sobrang stress.Kaya naman pagdating namin sa bayan ay iika-ika na siya, at sa totoo lang, gusto ko talagang matawa kasi mukha siyang penguin habang naglalakad."Dito gusto mo? Masarap ang bulalo nila, Ante." Turo niya sa bulaluhan."Hmm, sige puwede na."Nagulat pa ako nang pinunasan niya ang bahagyang basang buhok ko gamit ang dulo ng hoodie jacket niya. Pilit pa niyang inaabot ang ulo ko kahit alam niyang mas matangkad ako sa kaniya."Ayan! Wala na, baka magkasakit ka, kasalanan ko pa."Inirapan ko siya dahil kung ano-ano na naman ang iniisip niya, tapos nagpatiuna na akong pumasok sa kainan.Paglingon ko, nakita kong binati niya agad ang may-ari, para bang close na close talaga sila.Lahat naman ata ay feeling close siya.Sa may sulok ako pumuwesto habang siya naman ay um-order. Napansin ko ang palingon-lingon ng ilang lalaki sa kabilang lamesa, saka nagbubulungan sila.I looked at them too, but they quickly looked away then giggled again.Men.Nilingon ko si Lordgen, nakikipagharutan na naman siya sa dalagitang nagtitinda sa karinderya, kaya napairap na lang ako."Hello, Miss. Type ka raw ng tropa ko, hihingiin niya sana number mo." I looked up at the man, he seemed just a few years older than me, probably in his early twenties."Bakit hindi siya mismo ang kumuha kung gusto niya pala?" taas-noo kong sagot.Tiningnan ko ang tinuturo niyang binata, medyo may itsura naman. Probinsiyano ang dating, moreno, nakataas ang buhok, halatang naggi-gym, at mukhang matangkad din kaysa sa akin.Hmm, not bad.Kinagat ng lalaki ang ibabang labi, saka nahihiyang ngumiti sa akin, lumitaw pa ang malalim niyang dimples. Naghiyawan ang mga kaibigan niya. Ngingitian ko na sana siya pabalik, pero bigla na lang may pumagpag ng menu sa harapan ko pa mismo."Ante, anong bulalo gusto mo? Unli? Super bulalo? 'Yung sinusupsup? Oh pili ka na."Panira naman 'to!"Kahit ano. Just order anything na mura lang."Tinawag niya ang dalagitang nagbabantay, at humalukipkip ako habang nagsasabi siya ng order namin. Pero pagbalik ng babae, ang dami niyang dala, mas marami pa kaysa sa narinig kong inorder namin."Ay, Miss, binayaran na po ng mga nasa kabilang table," sabi niya habang tumuturo roon sa mga lalaking kanina lang ay kumukuha ng number ko.Napangisi ako.This is what I like about being maganda."Ay weh, legit ba? Ayos 'to, libre!" tuwang-tuwang tanong ni Lordgen, sabay kaway sa mga nasa kabilang table. "Salamat, mga Kuya! Humayo kayo at magpakarami!"Mas ako pa ang nahiya sa kakapalan niya."Just shut up and eat," I muttered under my breath.Hindi na ako muling lumingon sa kabilang table habang kumakain kami. Masarap naman ang bulalo, pero mas masarap pa rin 'yung natikman ko sa Tagaytay noon. Pero sige na nga, pwede na rin 'to.Tahimik lang ako habang kumakain, pero si Lordgen ay walang pagbabago. Pati pangalan ng aso niya noong elementarya, naikuwento pa niya sa akin."Siyempre iyak ako nang iyak noong namatay si Dugong, kasi nga regalo 'yon ni Mama eh. Kaso nasagasaan siya. Tapos 'yong mga kapitbahay pa namin sa Tondo, binibili siya sa akin... gagawin daw nilang pulutan. Siyempre hindi ko binenta," he said it with so much hand movement and exaggerated facial expressions, like he was reliving the whole scene right in front of me.“Tapos ayun nga, nasaan na ba ako? Ah, oo! Kami lang ni Mama ang magkasama simula pa noong bata ako. Hindi ko kasi nakilala si Papa, e. Pero sabi ni Mama, may lahi raw ’yon. Astig, ’di ba?” dagdag pa niya, parang proud pa sa kwento kahit medyo malungkot.“Okay,” sagot ko.“Ikaw nasaan ang magulang mo? Buti at hindi sila sumama sa’yo magbakasyon? May kapatid ka ba, hehe?”I sighed. “My mom died years ago. Now, my dad’s getting married again, and his bride has a son. That’s the real reason he sent me here, so I wouldn’t get in the way of their plans.”Nakita kong napakurap-kurap siya, umarte siyang tinatakpan ang kaniyang ilong animong may tumutulo roon.“Jusko, hirap mo maging kaibigan.”Good thing he didn’t fully understand what I said.Hindi ako sumagot, hinimas ko ang aking tiyan saka tumunganga sa kaniya.Halos hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya... ang bilis niya kasing magsalita, sabay pa sa matinding hand gestures at animated na ekspresyon sa mukha. Pero habang tuloy siya sa pagkukuwento, doon ko lang napansin...his eyes were actually beautiful. His lashes were long, giving him a look that was always alert, yet never tired.Matangos ang ilong, kahit medyo sunog ang balat niya sa araw. Medyo malaman kaya lumulubo ang pisngi, at punggok nga lang kung tutuusin.Cute din pala 'tong si Lordgen. Hindi lang halata sa una.“Bakit ka ganyan tumingin? Huy, dalawa lang ’yong laman na kinain ko, baka naman akala mo inubos ko ’yung laman ha!” sabi niya, napaka offensive.Okay na sana, huwag lang niya ibubuka ’yang madaldal niyang bibig.“Let's go na. I'm busog na.”“Diyan ka na lang muna para hindi ka mabasa, mag-aabang akong tricycle sa labas. Tawagin na lang kita.” Napanguso ako nang tuluyan siyang lumabas sa karinderya.Tsk, akala mo ako ang mas bata sa kaniya.Lumipas ang halos limang minuto ay hindi pa siya bumabalik kaya sumunod na ako sa labas.Nagpalinga-linga ako, wala siya sa labas ng karinderya. Malakas ang ulan, halos tabingi na ang bagsak ng mga patak sa lakas ng hangin, pero sa hindi kalayuan, naaninag ko si Lordgen… kasama ang apat na lalaking hindi ko kilala.I gasped the moment I realized what was happening, they were kicking and punching Lordgen while he was already lying helplessly on the ground.I didn’t think twice. I ran to save him… again.______________
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co