Dagger Series 6 Unwavering
#DS6Unwavering #CirCoal #SharkFamily #DaggerSeries
A/N: Ples. Huwag niyo ng paisa-isahin sa akin ang edad ng mga chikiting ng Dagger dahil sasabog na ang brain ko sa dami nila. Isipin niyo na lang na lahat sila babies pa rin XDCHAPTER FIVE: SURPRISESCOAL'S POVKatulad ng inaasahan kapag magkakasama kami na buong pamilya ay maingay at magulo ang paligid. Kasalukuyang nag-aagawan ang mga kapatid ko sa mga nakahandang pagkain sa lamesa. Lia, my second oldest brother Gun's wife, invited us for a family dinner. We're used to having dinner at their house, but it's rare that all of us are available. Minsan kasi ay nagkakataon na abala sa kaniya-kaniyang trabaho ang iba. But as much as possible sinusubukan namin na makompleto kami paminsan-minsan. We all love Lia's cooking. "Ang daya mo! Ako ang nauna eh!" angal ng panlima sa amin na magkakapatid na si Kuya Trace. Hawak niya ang leg part ng manok na nakatusok sa tinidor ni Lucienne, ang asawa ng panganay na kapatid namin na si Kuya Thorn."Akin na 'to! Sa'yo na lang 'yung wings.""Ayoko nga. Baka lumipad palayo sa akin si Ember," nakangusong sabi ni Kuya Trace na ang tinutukoy ay ang asawa niya."Anong connect?" Umismid si Lucienne. "Kapag kinain mo 'tong leg part, tatakbo palayo si Ember. Kaya kung ako sa'yo huwag ka na lang kumain."Sumandok ng vegetarian curry ang bunso sa aming mga lalaki na si Domino at inilagay iyon sa plato ng kapatid namin na ayaw pa rin pakawalan ang manok. "Gulay ka na lang Kuya para happy.""Sinong happy?" Ngumisi si Domino. "Kami."This is our normal. Most of the time ay nakikipag-agawan din ako sa kanila ng pagkain. But tonight, I couldn't join their banter. Hindi ko nga alam kung makakakain ako ng maayos. Fuck. Why am I this nervous? I'm about to turn thirty-five. Hindi na ako teenager.Sandaling tinapunan ko ng tingin ang mga kuya ko. Kuya Trace will back me up no matter what but the other four will grill me to death. But like I've said, I'm not a teenage boy anymore. I can handle myself."Bakit ang tahimik mo ata?"Scratch that. I can't. A memory of Circe hugging and showering our daughter with kisses flashed in my mind. Damn it. "May importante—""—akong sasabihin."Gulat na napatingin ako sa bunso at nag-iisang babaeng kapatid namin na si Luna na nakaupo sa tabi ko.Magkasalubong ang kilay na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya Thorn. Being the eldest, he became the parent to me and my other siblings. Lalo na ng mawala na ang mga magulang namin. That's why even though my other older brothers could be more stern than he is, Kuya Thorn is the one we all don't want to disappoint.Natahimik ang kaninang maingay na paligid. Kuya Axel, the fourth Dawson, eyed us suspiciously while munching on a piece of chicken."Luna..." Tumikhim ako. "Ano 'yung sasabihin mo?""H-Ha? Ikaw di ba may sasabihin ka rin?""Ikaw ang tinatanong ni Kuya Thorn.""Ako ba? Hindi naman ata." Pinagkrus niya ang mga braso niya. "Saka ikaw ang sumagot ah.""Sumagot ka rin—""Awat!" Tumayo si Lucienne na napapapalatak. Inabot niya sa amin ang kanang kamay niya na nagtatakang tinignan lang namin. "Ipatong niyo ang isang kamay niyo sa kamay ko."Luna and I hesitantly followed her instruction.Lucienne nodded in satisfaction. "Ang gumaya sakin... taya!"My hand moved on instinct. I gritted my teeth when I saw that, just like Lucienne's hand, mine was facing palm up.Nakangising bumalik siya sa pagkakaupo. "See? Easy. Very diplomatic."Quiet laughter echoed around, which thankfully helped ease my tension a bit. Rip it like a band-aid, Coal. "I need help.""May umaaway sa'yo?" tanong ni Lucienne bago makapagsalita si Kuya Thorn. "Sino 'yan? Gusto mo takutin ko? Hindi lang ako magsuklay, masisindak na 'yon.""Money?" Lia asked, full of concern. "I can help you.""Baka stalker? Ex mo?" tanong naman ni Belaya. "Gusto mong isumbong ko sa ate ko? Not that I don't think Dagger can't handle it. Kaya lang alam kong busy kayo. Baka sila ate may available na empleyado."Dagger is the second top investigation agency in the country. Belaya's family owns the number one. Nangalumbaba si Mireia, Kuya Axel's wife. "O ex mo na ginugulo ang current girlfriend or fling mo? Paiyakin ko ba?"Bumuntong-hininga ako at nilingon ko si Ember. Might as well wait for her input too since all of my sisters-in-law are giving me one. She gave me a sweet smile and shrugged. "Pwede naman nating kausapin muna nang maayos. Pero kapag hindi nakuha sa gano'n, maybe that person will be more cooperative when facing a sharp arrow." Her eyes brightened as if she thought about something brilliant. "Pwede rin nating ipahabol sa kambing ko. Even Potchi can participate."Napailing na lang ako at inabot ko ang baso ko ng tubig. Kuya Thorn gave them a look as if to tell the women to be quiet. They all settled into their different versions of pouts except for Lia, who just leaned on her husband, and Ember who just smiled, clearly unbothered."I need help," I repeated. "May kailangan ako at hindi ko alam kung paano o saan ko sisimulang hanapin."Never in my wildest dream would I have thought that I would be considering this. It's not that I'm allergic to commitment. I just don't see the appeal of it. Hindi ko makita ang dahilan para manatili sa iisang tao kung marami rin naman na mga naghahanap ng temporary na set up lang.But no matter how hard I tried to deny it before, that one night with Circe changed everything that I thought I wanted. And seeing her again... seeing her with Kaise, the path that I thought I wanted—one that is straight and easy—now became a road of chaos. Once a Dawson finds it, he'll know it.Hindi ko pwedeng sabihin na basta na lang naging iba lahat ng pananaw ko sa mga kinasanayan ko noon. That it's easy to change from one course to another. That it's not confusing. Right now, I'm not sure of anything anymore. I just know that I want to be in Circe and Kaise's lives, and that I want to do what's right for them."Ano ba 'yan? Tulungan kitang hanapin. Baka meron sa Shopee. Kapag wala ro'n baka meron sa Lazada o Tiktok shop." Napangisi siya na parang may naisip. "Gusto kong umorder ulit sa Tiktok Shop. Sasabihan ko 'yung courier na may kasamang sayaw dapat kapag nagdeliver sila para on brand—"Hindi na nagawang tapusin ni Lucienne ang sasabihin niya nang takpan ng asawa niya ang bibig niya. I gave my brother a grateful look. "It doesn't need to be rushed... or I don't think it needs to be. Pero mas gusto ko sana kung mabilis na makakahanap para maayos ang mga dapat ayusin.""Kuya, pwedeng diretsuhin mo na?" tanong ni Domino. "Parang hindi ako matutunawan sa mga pa-suspense mo eh— aray!" angal niya nang batukan ko siya.Humugot ako ng malalim na hininga. Like a band-aid. Grow a pair, will you? "I need a house. In Lemery, Batangas. Iyong malapit sa dagat, but preferably beach front mismo. Mas maganda kung private. I don't care about the price as long as I can buy it immediately and the house is not deteriorating—"Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang naputol sa pagsasalita nang basta na lang nagtilian ang mga sister-in-law ko. Maging si Lucienne ay hawak ang kamay ng asawa niya para hindi siya mapigilan na sumigaw. "A house with a lot of rooms, a big dining area because I know you will all come over a lot, and preferably close to a hospital... and school," I continued."Curious lang. Teacher ba iyang gusto mong pikutin?" tanong ni Kuya Trace.Pikutin. "No.""Eh bakit kailangan na malapit sa school?" Nanlaki ang mga mata niya. "Nag-aaral pa? Hindi naman sa problema 'yon ha? Kung late siya or something. Pero hindi naman siguro sobrang bata niyan no?"Shit. "The school is for my... my daughter."Laglag ang pangang napatulala sa akin ang kapatid ko. I know he's not the only one because the whole dining area became so quiet that I could probably hear a pin drop.I looked around me, and I confirmed that I was right. Everyone of them looks petrified. Si Mireia lang ang napilitang kumilos dahil kinailangan niyang tulungan si Kuya Axel na bigla na lang nabulunan."She's two." I forced myself to swallow the lump in my throat. "Uhh... surprise?" naging patanong na sabi ko.Nanatili pa ring nakatunganga sa akin ang lahat. Naunang nakabawi si Luna. I looked down at my little sister, and she made a "wew" sound while chuckling nervously."So..." alanganin ang ngiti na pinagsalikop niya ang mga kamay niya. "Since nothing is more shocking than Kuya Coal here walking towards the path of being Mr. Commitment and having a surprise baby, is this the right time to tell you guys that I got married?"Fucking hell."What?!" It wasn't just me. The question came from all of us.CIRCE'S POV"Let me get this straight. Halos suyurin natin ang lahat ng social media na alam natin, at kinulit natin nang kinulit ang management ng resort kung saan kayo nagkakilala, pero dito mo siya sa Siargao nakita? And he met Sese first before you did?""Yep.""Ngayon pupunta siya rito kasama ng buong pamilya niya?""Yeah."Karga ang natutulog na si Kaise na umupo si Tala sa bakanteng upuan na nasa harapan ko habang nakamata sa akin. Kararating niya lang dito sa Siargao. May palapit na competition ang bago niyang kino-coach pero umuwi pa rin siya ngayong araw na ito dahil wala raw siyang planong i-move na naman ang birthday celebration ni Kaise ngayong hindi na siya nakauwi noong February. She actually wanted me to have a party that month kahit wala siya pero ano namang sense na magkaroon ng party kung kulang naman kami? She's been helping me with Kaise kahit noong pinagbubuntis ko pa lang ang anak ko. It wouldn't be complete without her. Kaya nagpagawa na lang ako ng cake noong birth month ni Kaise at vinideo call na lang namin siya."At nakalimutan mong i-chika sa akin ngayong last week pa kayo nagkita? Ngayon na isinarado mo ang Sand Dollar dahil makikilala mo ang pamilya ng mystery guy mo?"Just like I told Coal, I reserved the whole Sand Dollar. Tinawagan niya rin kasi ako para sabihin na makakapunta raw ang pamilya niya. Even her nephews and nieces. "You're busier than the president of this country. Saka alam ko naman na makikita mo siya today kaya hindi ko na sinabi sa'yo." Matamis na nginitian ko siya. "Surprise!"Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Surprise ka pa riyan. Kaya wala kayong ginawa ng lalaki na 'yan kundi mag gulatan eh." Napapalatak na marahang tinapik-tapik niya ang likod ni Kaise. "Mabuti na lang cute ang inaanak ko."Tala and I were already thick as thieves before Kaise came into my life. Pero nang mabuntis ako at nanganak, lalo pa kaming naging mas malapit. Tala hates being around children, but Kaise is her exception.Sumandal ako sa kinauupuan ko at nilibot ko ang paningin ko sa paligid. The place looks like Baby Shark vomitted on it. Mula rito sa loob hanggang sa labas ay puno ng asul na dekorasyon para maging underwater ang kalabasan habang litaw naman ang kulay dilaw na paboritong shark ni Kaise. From table decorations to the party favors, everything is shark-themed. Kahit maging ang two-tier birthday cake at mga cupcake."Sana mabait ang pamilya niya," sabi ni Tala. "Mukha naman. Mabait naman si Coal."Napailing na lang siya. "Basta kapag inabutan ka ng sobre tanggapin mo agad.""Sobre? Regalo para kay Kaise?""Hindi. Kapag binigyan ka ng cheke para layuan mo ang ama ni Sese."I just rolled my eyes at her. Kahit kailan talaga ang kulay ng imagination ng isang 'to. Sa kaniya rin ako nahawa na manood ng mga telenovela na dati tinatawanan ko lang. Ang corny kasi minsan. Laging may kabit, nababaril, nahuhulog sa bangin, nagkakaroon ng amnesia, nagtataguan ng anak, o ninanakawan ng anak."At sana hinanda mo na ang sarili mo.""What do you mean?" I asked."Kung sakaling hindi siya dumating."My heart instantly constricted, tightening inside my chest. I tried not to let it show, but she knew me well. "Then it would be his loss.""Kaise won't get hurt. She's still a baby, and she can forget because she can receive so much love from us to erase whatever her father might cause. Pero ikaw ang inaalala ko.""Bakit ako? Coal and I don't have any relationship except for being Kaise's parents. Iyon lang ang meron kami.""Para namang hindi kita kilala Circe. You're easygoing, and you breeze through life despite its difficulties because that's just you. Pero pagdating sa usaping puso, doon ka natatalo."Nagpalingon-lingon ako bago bahagyang yumuko ako para bumulong sa kaniya. "I'm not in love with Coal!""Yet.""You know what happened before. I'm a lot of things, but being a fool that will put herself in that situation again is not one of them.""Kunwari naniniwala ako. Kunwari si Kaise lang ang magiging disappointed kapag hindi nakarating si Daddy Shark.""Hindi—""Kunwari rin hindi ko alam kung bakit ayos na ayos ka ngayon," nakangising sabi niya. I'm wearing a light blue summer dress. It has thin straps and a plunge neckline that more than accentuate what only got bigger when I had Kaise."Tala Natasha!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Malamang mag-aayos ako. May party, remember? Stage mother ako."She just stuck out her tongue at me before standing up. "Papalitan ko na ng damit ang prinsesang 'to.""Ako na.""Stop hogging my baby."Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Anak ko 'yan."Tinawanan niya lang ako bago bitbit si Kaise na naglakad siya papunta sa opisina ng may-ari ng Sand Dollar. Doon kasi nila pinalagay ang mga gamit namin para hindi nakakalat dito sa labas."Kung sakaling hindi siya dumating."Malakas na napabuntong-hininga ako at kinuha ko ang cellphone ko. Walang sense na mag-overthink kung pwede ko naman siyang tanungin ng diretso. For my peace of mind. I was about to text him when I heard noises coming from the outside of Sand Dollar. Tumayo ako para silipin ang pinanggagalingan no'n. It felt like my heart wanted to jump out of my chest at how hard it was thumping.I tried not to let my disappointment show when I saw that it was just Kaise's other guests and not the one I was expecting. Malala ka na, Circe. Ipinaskil ko ang ngiti sa mga labi ko. "Pasok kayo."Hindi naman ganoong karami ang inimbita ko. Iyon lang talagang mga madalas naming makasalamuha ni Kaise. I invited our neighbors, the grocery store clerks near the house, the surfers that Kaise and I usually hang out with when we're out swimming, and the handsome coffee shop owner and also the hot yoga instructor that I'm both trying to fix Tala with."Nasaan na ang prinsesita?" tanong ni Ashton, ang yoga instructor. Baka sakaling si Tala pa ang makapagpaamo sa isang 'to. He's known on the island for being a ladies man. Objectively speaking, he's hot, and his body is to die for. Mukha nga lang magiging sakit ng ulo dahil sa mismong mga rason na iyon. But I know Tala is interested in him."Nandoon at pinapalitan ng damit ng ninang niya." Umangat ang kilay niya. "Nandito pala si Tala?"Hmm. "Hindi papayag na absent 'yon."Ilang sandali pa na kinausap ko siya bago ko nilapitan ang ilan pang mga bisita ni Kaise para igaya sila sa mga upuan nila. I was busy talking with Levi, the coffee shop owner, that I didn't notice the commotion outside the establishment."Hindi ko alam ang bibilin ko para sa kaniya kaya binili ko na lang lahat nang nakita ko na may shark. Kaya lang baka meron na siya ng mga 'yon," napapakamot sa ulo na sabi ni Levi. "Walang tulong ang pamangkin ko eh. Puro robot lang ang alam no'n.""You didn't have to, but thank you. Kaise will surely love it. Kahit ata sampung magkakaparehas na kung anuman basta may shark ay matutuwa iyon."Napapitlag ako ng bahagya nang maramdaman ko na may nahulog sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa mga nakasabit na asul na ribbon sa itaas ko."I love my daughter, but I'm not looking forward to cleaning all these up later," I grumbled.Natatawang nag-angat ng kamay si Levi at may kung ano siyang kinuha sa buhok ko. I opened my mouth to thank him, but before I could do so, I felt a hand on my arm. Gulat na tumingin ako sa nagmamay-ari no'n at sa pagkabigla ko ay ang seryosong mukha ni Coal ang nabungaran ko."Y-You're here," I said as a greeting."I promised you that I would be." His eyes turned sharp when he looked at the man beside me. Bago ko pa sila mapakilala sa isa't isa ay maingat na hinila ako palapit ni Coal sa kaniya at pagkatapos ay inilahad niya ang kamay kay Levi. "I'm Coal. Kaise's father."Nakangiting kinamayan siya ng binata. "Levi, pare."Mabuti na lang may sunny personality si Levi. Mukhang hindi niya kasi napansin ang kakaibang kinikilos ng binata. O baka ako lang ang nakakapansin kasi masyado akong aware kay Coal? "This is a nightmare."No'n ko lang nalingunan ang mga nagsisipasukan pa na mga bisita. A woman with a beauty that could only be described as ethereal walks in. A nightmare. I straightened my back. Mukhang magkakatotoo pa nga ata ang sinabi ni Tala at maaabutan ako ngayon ng sobre. Mahal mabuhay ngayon. Kung bibigyan ako ng cheke eh di tanggapin."I told you that this is not a good idea," nakasimangot na sabi niya kay Coal."It's going to be fine, Lush."I bit my lower lip. I want Coal in my daughter's life. Gusto ko rin na makilala ng anak ko ang pamilya ng ama niya. Pero kung ganito lang? Huwag na lang siguro. "Excuse me—"Tumingin sa akin ang babae at tinignan ako mula ulo hanggang paa. To my surprise, she suddenly beamed. "Iba talaga ang mga Dawson." Tinapik niya ang braso ni Coal bago siya humakbang palapit sa akin. Sa pagkagulat ko ay bigla na lang niya akong niyakap. "Hi, Circe! Ang ganda ng name mo. Pwede bang pahiram? Magandang gamitin sa libro eh— ay wait. Gagawan ko naman pala talaga kayo ng libro. Ano kayang magandang title no? I'm Lucienne by the way."What's happening? "Umm...""Sorry na late kami ha? Sinabihan ko naman kasi ang mga 'to na huwag ng isama ang mga bubwit. Ang sosyal kaya ng babysitter namin. Anak pa ng presidente. But Coal wanted Kailani Sereia to meet her cousins," tuloy-tuloy na pagkukuwento ng babae. "Ito tuloy late kami. Nagkagulo pa kasi kami sa hotel dahil pahirapan palitan ng damit ang mga kuting na 'yon.""Did anyone say kuting?"Napanganga ako nang makita ko ang isa pang babae na lumapit sa amin. Holy shit. She's an actress! Napabaling ako kay Lucienne ng may kung ano akong naisip. She seems familiar. Am I wrong or she's a famous author?Lucienne chuckled. "Iyan ang original na kuting. Hindi ko alam kung kilala mo siya pero that's Belaya Lawrence Dawson. Asawa ng pangatlo sa mga magkakapatid. Ako naman ang asawa ko ay ang panganay at pinakagwapo sa kanilang lahat.""I disagree," a man's voice said. Nakangiting inilahad ng lalaking hindi maitatangging kapatid ni Coal ang kamay niya sa akin. "I'm Trace. Ang totoong pinakagwapo—"Hindi niya natapos ang sasabihin niya at hindi niya rin ako nagawang kamayan nang agawin ni Lucienne ang kamay ko at hinila ako para sumunod sa kaniya. "Huwag kang masyadong didikit kay Trace. He's the fifth Dawson pero unofficial. Feeling ko kasi talaga napulot lang siya sa napagbagsakan ng bulalakaw noon. In short, alien.""Ang sama mo talaga sa akin!" the alien, Trace, shouted loudly in our direction. "Princess, inaapi na naman ako ni Lush!"Isa-isa akong pinakilala ng babae sa iba pang miyembro ng pamilya nila. I met Coal's brothers who all looked intimidating except for the youngest who looks so excited to meet me and weirdly offered to fan boy if I want one when I have a competition. Pinakilala rin ako ni Lucienne sa iba pang mga sister-in-law ni Coal at sa bunsong babaeng kapatid ng binata. May artista, singer, supermodel, a professional archer, and a well-known journalist. I'm also pretty sure that Lucienne is the author I'm thinking about.She pulled me again, and this time she introduced me to the children. Coal wasn't exaggerating. Sobrang dami talaga nila. Hindi ko alam ang eksaktong edad ng mga bata but most of them are varying from babies to toddlers. The oldest is probably eight or nine years old."Daddy shak!"Natahimik ang buong cafe' at lahat kami ay napatingin kay Kaise na ngayon ay suot na ang dilaw na tulle dress niya habang sa buhok niyang naka-pigtails ay nakakabit na ang mga pinaka-customize ko na dilaw na shark ribbon. I watched Kaise nearly jump out of Tala's arms so that she could get to Coal. Mabuti na lang ay nasalo siya ng nakahandang mga kamay ng lalaki. "I never thought I would see this day." I turned to Lucienne when I heard her whispered words. "Nasa state of shock pa 'yan pero kapag nahimasmasan ang isang iyan siguradong lalabas din ang galawan ng mga Dawson sa kaniya. I hope you're ready.""Ready for what?""If there's one thing that those siblings have in common, it's that all of them are forces of nature. They might appear tough and unmovable, they might sometimes try to fight it, but once they know, they know... and there's nothing in this world that has been created yet to stop them.""I don't... I don't understand.""One day you will." She turned to me, and I saw that her eyes were bright with happiness. "He always seems so lost. But now he looks like he's been found." Pinagmasdan niya ako sandali na para bang nababasa niya ang pagkakagulo ng sistema ko. Nakakaunawang tinapik niya ako sa balikat. "Welcome to the Dawson family, Circe."My gaze went to where Coal was standing. He's smiling while talking to her brothers, who are all fawning over our daughter. Maging ang mga kapatid niya na mukhang seryoso at hindi masyadong palangiti ay may mga malambot na ekspresyon sa mukha habang nakatingin kay Kaise. The one named Trace was even singing "Happy Birthday" while belting it as if he were an opera singer.Nang mukhang maramdaman ni Coal na nasa kanila ang atensyon ko ay tumingin siya sa direksyon ko. The smile on his lips widened. Inangat niya ang kamay ni Kaise at ipinangkaway sa akin.Oh Lord. I'm in trouble.
____________________________End of Chapter 5.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co