Echoes Of Mistakes Montemayor Second Generation
Wala akong nagawa noon ng sapilitan akong isinama ni Ysmael. Ginamot niya ang aking sugat sa labi habang nandiyan ang kanyang fiancee. First time ko rin noon nakilala ang fiancee niya at hindi kami gaanong ka close. Pinadala nga noon sa US si Sapphire at balita ko ay babalik siya ngayong first semester. Hindi man kami parehong eskwelahan ay alam ko naman na magkikita parin kami. Usap usapan rin sa circle of friends namin yung nangyari sa amin nila Nica at Anne. Marami akong kaibigan pero hindi yung tipo na pinagkakatiwalaan ko. Marami na rin akong naging boyfriend at kung makipagbreak man ako ay hindi ako nasasaktan. Like what mamita said, I have to enjoy my generation dahil hindi habang buhay ay walang commitments. Dalawang araw matapos mangyari iyon ay sinagot ko si Nath. Isang business man , matured, at kilala ni daddy ang pamilya nila. Just try lang naman. Ngayon lang ako nagkaboyfriend ng matured. Gusto ko lang ng matured na lalaki at seryoso..ewan ko ba. Bukod sa matured ay ilang buwan narin siyang nanliligaw sa akin. "Ate, is it true? Na si Nath Mercader ang boyfriend mo? Weh?!" si Margo na hindi man lang mapigilan ang sarili. "Shh! Sino nagsabi sayo niyan?" I was preparing for a date with Nath. Margo was wearing her uniform, kakarating lang sa bahay at ito agad ang bumungad sakin. "My friends? Alam mo naman mga friends ko masyadong updated sila sa buhay mo kasi raw you are so pretty! Hindi lang sila makapaniwala kasi kilala si Nath no! Tsaka akala ko ba si Raphael talaga gusto mo? " I smirked proudly. "Shhh your mouth Margo. I have a date with him later. No time to argue with you. Wala sila mommy kaya behave ka dito ha!" I wore a white croptop and a brown leather skirt. Sinuot ko rin ang sandals ko. Pagkatapos kong puyudin ang aking mahabang buhok ay nilingon ko si Margo na natutulog na sa kama ko. Umiling iling ako na nilapitan ang aircon para i-on iyon at sinarado ang lahat na kurtina. I kissed her forehead and grabbed my bag , ready to leave. Naalala ko ang pagbayad ni Ysmael sa aking mga pinamiling make up nung kailan. I smiled bitterly for my first love that failed. Noon , I tried to seduced Ysmael kahit na may fiancee siya. Ilang beses niya rin akong nireject ng paulit ulit. Yes, we had sex and we are both sports with it. Pero alam ko sa sarili ko na malalim ang nararamdaman ko para sa kanya.Alam ko rin na may mga taong conservatives, nirerespeto ko iyon. At ako yung tipo na liberated. Na-adapt ko ng mabilisan ang pamumuhay sa ibang bansa lalo na mostly kapag summer ay doon ako sa bahay namin sa America. Bumabalik ako dito sa Pinas para sa pag aaral. America is my escapde. Tuwing nalulungkot ako ay agad akong nagpapa-book papunta doon. Ang bahay namin doon ay hindi malapit sa siyudad kundi malapit sa bukirin. Iyon ang spot na binili ni mommy dahil relaxing ang ambiance doon. Nagdrive ako patungo sa isang restaurant. Sa tipo palang ng restaurant ni Nath ay napangisi na ako. Hindi crowded at may kinuha siyang ekslusibong parte para sa amin. Hindi man lang ako kinabahan o anuman. Gusto niya akong sunduin ngunit hindi ako pumayag! Pinark ko ang aking sasakyan at may kumuha agad na valet ng susi ko. Ngumuso ako ng makita si Nath na nag aabang sa akin sa pintuan pa lang ng restaurant. Ngumiti siya at agad na hinawakan ang aking kamay. "You look so pretty everyday." puri niya sakin. Humalakhak ako sa kanyang sinabi. Ang restaurant na ito ay hindi basta bastang tao ang pumupunta. Mostly mga CEO, at iba't ibang businessman. "You too, you look so handsome." nilakbay ko agad ang tingin sa kabuuan ng restaurant at nagulat dahil nandoon si mamita! Dadaan pa kami sa kanyang mesa bago kami ni Nath makapasok sa pinareserved na puwesto. "Oh?! Really? The one at Paris?" sabi ni mamita at napatingin sakin. Dalawang tingin pa at nagulat siya ng makita ako. She's with her friends in her age. "Oh my gosh. Honey...Ruby." agad na tumayo si mamita. Mabilis akong lumapit at nakipag beso sa kanya. "Ay! Amiga, anak iyan ni Damon? Kamukha e. Ang ganda ganda." sabi ng kasama ni mamita na kasing edad niya. "Good afternoon po." nakipagbeso rin ako sa kasama ni lola. "I remember you hija. Maliit kapa noon! Ngayon...sobrang ganda mo na. Call me mamita Leandra." I nodded curtly at nakita ang mapanudyong titig ni mamita sakin. "And you are with Nath? Hmm.." "Mamita, my boyfriend, Nath Mercader, my boyfriend." pakilala ko. Nasapo ni mamita ang dibdib at malapad na ngumisi. Malugod na nagpakilala si Nath sa dalawa na hangang hanga sa kanya. "The famous business man!" Mamita gasped.
"Nice meeting you madam." "I've known you Nath-""Angelica come here!" sabi ng kasama ni mamita at sa laking gulat ko ay ang fiancee ni Ysmael at kasama siya mismo!
Nakahawak si Angelica kay Ysmael at kitang kita ko ang pagkapawi ng ngiti nito sa labi ng makita ako. Ugh! Ofcourse, I am her number one hater! "Hija, di'ba nakita mo na noon si Ruby? She's with her boyfriend Nath! Iyong kasosyo ng daddy mo."
Fuck! I could feel my lips palpitating! "Uh yeah. Kamusta Ruby? Hi, Nath." mahinhin na bati ni Angelica sabay hawak sa braso ni Ysmael na seryosong nakatingin sakin. Naitikom ni Mamita ang kanyang bibig at umirap sa ere. "Tutal nandito nalang rin naman ang mga apo natin Amiga, bakit hindi nalang tayo magsabay sa kanila? Right honey?" mamita eyed me warningly. Yung' tipo na sinasabihan niya ako na huwag padadaig!
Syempre hindi no!
Ysmael and Nath shook hands firmly bago kami nag ayos para makaupo na. I nodded. "Why not? Di'ba Nath?" Seryosong tumango si Nath at pinisil ang baywang ko. "Yes we can eventhough I would like a private time with my girlfriend. I think makakaantay naman iyon."
Nilingon ko si Nath at ngumiti dahil sumasang ayon ako sa kanya.
Pagkaupo ay agad na itinaas ni Ysmael ang kanyang kamay para sa karagdagang pagkain at inumin.
"Alam mo Amiga, ibang iba na talaga ang henerasyon ng mga kabataan. Natatandaan ko pa noon kahit na dyesi otso anyos pa tayo ay naghahabulan parin tayo sa hardin." nasundan iyon ng tawa.
"Oh yeah, that's true. "
"Mabuti nalang hindi sumasakit ang ulo ko sa apo ko, di'ba Angelica? You know amiga she's a brilliant top honor student and a valedictorian back in her high school. A Summa Cum Laude graduate in College!"
Damn! Wala ako lahat nun!
Ngumiti ng malapad si Angelica at tumingin sakin.
"Uh, how about you Ruby? How's your school? You are still in college right?" Hindi ko talaga makitaan ng kapintasan si Angelica kaya siguro ako minsan nakakaramdam ng insecurity. Lalo na bagay na bagay silang dalawa ni Ysmael.
Umubo ako at umayos ng upo. "Just fine." maikli kong tugon. Halos mahiya ako dahil sinipa ako nu mamita sa ilalim ng mesa.
"Ah!" sabay tawa ni mamita. "You know Ruby.. She's more on studies. Iyon muna ang importante sa kanya ngayon lalo na maraming offer sa kanya ng modelling agency abroad."
"Well that's right. Napakaganda nga naman nitong si Ruby." sagot naman ng lola ni Angelica.
"How about you hijo, Ysmael? What can you say about my apo's offer? She should grab it if there's a time? Or...she only have to focus on her studies?" Damn mamita! Bakit si Ysmael ang tinanong niya? Naabutan ko ang seryosong titig sakin ni Ysmael, he looked at Nath dangerously and back at me again! Umigting ang panga niya at sumagot. "She's too young to commit a serious matter. In her age, dapat pag aaral muna ang unahin hindi ang ibang bagay." At bakit parang tonong nanunumbat siya?!! "And having a boyfriend in such early age is just a distraction in her studies. I suggest she have to focus more in what's important." tuloy tuloy na sabi nito tsaka naghahamon ang mga titig kay Nath. Naikuyom ko ang aking palad sa mesa at halos walang nagsalita! Laglag panga si mamita at ang kanyang amiga! Uminom naman ng tubig si Angelica atsaka ako inirapan! "Uh...excuse me. I...I need a bathroom." nanginginig ako sa inis ng umalis ako sa aking kinauupuan! How dare you, Ysmael!
~~~
Authors note: Merry Christmas , My bitches!
Advance chapters posted on my VIP page! Would like to read the series one (completed?) And my other novels which not posted here on wattpad? Please be part of my VIP fb page hanggat di pa expire ang 1year promo and lifetime promo membership! Message me on the link below or search my name on fb (Frezbae Montemayor) habang nakapromo pa ang lifetime membership and 1 year membership!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co