Jonah Complex Gl Hss 3 Completed
Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, 4am pa lang. Dapat antok pa ako ng ganitong oras dahil late din naman ako nakatulog pero ewan ko ba at gising na gising kaagad ang diwa ko. Sinubukan ko ulit bumalik sa tulog pero waepek, nakakaloka.Nag-check na lang ulit ako ng phone para makita kung may notifications ako. Wala pa ring update si West, tagal niya talaga mag-update minsan. Hindi ko maiwasang mapanguso. Kaso ayoko naman mag-demand. She's my friend na rin, eh, tsaka alam ko mahirap magsulat. Ako nga dati nagsisimula pa lang ubos na agad idea, siya pa kayang marami nang nagawa.At dahil wala pa akong mabasa, maghahanap na muna ako at baka sakaling may magaganda na ulit na hindi ko lang nakikita Sa totoo lang ang daming magandang stories sa Wattpad, yung iba nga lang underrated, pero mas maganda pa iyon kadalasan kaysa sa mga mainstream na stories.Bukod kay West-este, kay Nishi_Ishin, iilan lang din talaga yung mga writers na tumatak sa akin. Maraming mahuhusay pero iilan lang yung nag-iiwan talaga ng impact sa akin. Kadalasan pa, hindi sila yung klase ng nakapag-published na ng book o ano man, pero gem talaga yung kwento.Bigla kong naalala yung story na chini-chika sa akin ni Val last time. Wala sa isip na ni-search ko yung title no'n. Sabi niya maganda raw tapos nakakakilig na nakakatawa. Ang problema, never pa akong nagbasa ng gxg. Hindi ko nga alam bakit ko naalala at bakit ako curious ngayon.Anong problema ng utak mo ngayon, Ella? Para kang aning. Hindi naman siguro ako mahahawa kay Valeen kung ic-check ko lang naman yung story. Safe naman ako, sure naman ako na lalaki ang gusto ko, eh.Nahanap ko na rin sa wakas yung story na sinasabi niya, mabuti na lang naalala ko yung name ng author kaya kita kaagad. Bongga naman nitong author na 'to, daming followers! Eleven stories yung nakalagay sa profile niya, marami rin reads. Ang galing.Mi Amore Series#1 My Mute Maid by jaysanj.Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako kahit hindi ko pa naman nao-open yung chapter. Feeling ko hindi ko dapat basahin pero gusto ko. Bakit ba ako curious? Dahil kay Julliana na mahilig mag-pair ng friends as couple? Dahil sa napapansin ko last time kay West at sa way ng closeness nila ni Jamaica? Dahil kay Valeen mismo?"Ang sakit sa utak mag-isip," Hindi ko na maiwasang i-voice out.Huminga ako ng malalim. Okay, babasahin ko na lang para period na. I was about to start the story nang mapansin kong may Wattpad notification ako. Out of impulse ay sinilip ko 'yon, kusa na lang talaga gumagalaw daliri ko kapag ganoon.You awake?Hala, shit!Mabilis akong napabangon. Yung kabog ng dibdib ko kanina dahil sa kaba, mas dumoble pa yata dahil sa simpleng message na 'yon ni West. Oh, my gosh, ano ir-reply ko? Ngayon na ba? Maya-maya? Ano na? At saka bakit ba siya sa Wattpad nag-message, eh, friends naman na kami sa Facebook? Pwede na siya mag-chat doon! Kaso naisip ko baka sa taranta ko, ma-click ko na lang bigla yung chat head if ever at ma-seen ang message niya kahit hindi pa ako ready mag-reply.Teka, Ella, kalma ka muna. Si West lang 'yan, na favorite author mo lang naman-at isa na rin sa girl crushes mo. Ah, maloloka na yata ako!Ilang beses akong nag-inhale-exhale ng malalim, sinusubukan kumalma kasi ang exaggerated mag-react ng puso ko. Kung bakit naman kasi ang pretty ng writer na 'to, eh. Unfair ni life grabe, pwede namang ako rin kahit kaunti.Kahit may Messenger ay sa Wattpad na lang din ako nag-reply.Kakagising ko lang. Whyyy?Ang echosera mo, Ella. Gusto ko kutusan sarili ko. Hello, kanina pa ako gising! Eme na naman ako.Para akong shunga na waiting lang kung magr-reply ba siya kaagad o hindi. Humiga ako sa kama, binalot ko sa kumot ang sarili at parang embotidong nagpagulung-gulong. Huminto lang ako nang muntik na ako mahulog sa kama. Lalong nagigising diwa ko sa kanya tuloy. Sana lang mamaya sa school hindi ako antukin.Hindi nagtagal ay may nag-notif ulit.Let's meet early?Ate girl, ano na! Meet ulit!Sige, ano pag-uusapan natin pala?Feeling ko yung moment na nagkikita kami minsan sa school ng maaga, sa vacant room doon, parang special spot namin. Dahil din doon kaya kami naging friends. Saglit lang kami, oo mabilis ang oras, pero iyon lang kasi yung pagkakataon na nakakausap ko siya na hindi ako masasapawan ng ibang tao.Kasi kung nasa room kami, it's either Jamaica ang kasama niya o si East. Kung nalapit naman siya, mas nakakausap niya si Valeen kaysa sa akin. Wala kasi akong masabi kapag may kasama kami, eh. Hindi ako makasingit. Parang ang hirap gawin.No'ng time nga sa mall, pahapyaw lang kami mag-usap. Kaunting tanong then ayon na 'yon. Hindi naman ako nagtatampo o ano pero minsan, gusto ko rin sanang makausap siya na kami lang-kahit pa may mga kasama kami.Nag-reply ulit si West kaya natigilan ako sa pag-iisip.Anything. Later?Hindi ko na napigilan yung smile ko. Ewan ko ba, ba't ba ang cute ni West kahit through message lang? Nai-imagine ko siya na siguro kung kaharap niya ako habang sinasabi yung mga replies niya, malamang nakatingin lang siya sa akin ng diretso, naka-tilt ng bahagya ang ulo, at ngingiti ng tipid. Yung ngiti na mas nakaangat yung isang side ng lips niya.Tapos minsan may kasama pang panggugulo ng buhok ko. Para siyang matanda kumilos kahit almost one year lang naman ang agwat ng age niya sa akin.Sige sige, see u laters!--Tulad ng goal ay maaga ako nakarating sa school. As usual inusisa na naman ako nina Mama habang nag-aagahan. Baka raw inlababo na ang anak nila sa kung sinong nilalang dahil maaga na naman akong nagising. Hindi naman, eh. Grabe na talaga sila sa akin.Paano pala kung na-in love na talaga ako? Baka 2am pa lang nakain na ako ng breakfast no'n sa aga. Parang shunga lang nasa isip ko. Wala pa naman kasi talaga akong nagugustuhan, tsaka paano nga ako magkaka-boyfriend kung ni manliligaw wala. Wala rin akong nababalitaang nagka-crush sa akin. Huling nagkaroon elementary pa ako. Naglalaro pa lang ako tamaan-tao no'n, eh.Dumiretso kaagad ako sa meeting place namin ni West at ayon siya-prenteng nakatayo sa hamba ng pinto. Hay, ang cool niya talaga na ang cute. Kahit ano yatang maganda pwede i-describe sa Hansen na 'to.Si Lord talaga mamimigay na lang ng kagandahan, hindi man lang ako tinirhan kaunti, ibinigay talaga sa lahat ng magkakapatid na Hansen. Baka magulat ako buong lahi nila pretty dyusko iiyak na lang ako. Sana talaga hindi ko na lang kamukha yung lalaking 'yon, sa lahat talaga yung nang-iiwan pa.Lumingon siya sa akin na parang alam na alam niyang ako kaagad iyon. Marami-rami naman nang estudyante sa paligid pero huli niya kaagad ako sa tingin. Hinawakan niya ang isang strap ng bag niya at sumenyas na lumapit. Nang maglakad ako ay saka siya pumasok sa loob ng room kaya ganoon na rin ang ginawa ko.As usual, iba pa rin ang datingan niya. Mukha siyang snobby na honor student kasi ang linis niyang tingnan sa suot na uniform, tsaka bakit ganoon? Sixteen lang naman siya pero ang balingkinitan niya tingnan sa damit. Nakakahalina. I mean si East naman ganoon din dahil magkamukha sila, childish lang ang vibes ng kapatid niya."How are you?" tanong niya sa akin."Huh?"Natawa siya pero hindi naman niya inulit ang tanong. Inilagay niya sa harapan ang bag at may kinuha sa bulsa no'n sabay abot sa akin. Ewan ko pero natawa ako. Dati Combi tapos ngayon Oreo na. Improving!"What's funny?" Kumunot ang noo niya. "Gusto mo ng Combi?""Huh?" Napailing ako. "Cute mo lang kasi, hobby mo na yata abutan ako ng biscuit."Napatango siya, unaffected na tinawag ko siyang cute. Wala sa isip na nabanggit ko lang naman 'yon pero medyo nag-expect ako ng magiging reaction niya. "May tanong lang ako.""Ano?""Did you enjoy our time together sa mall? With Valeen and Jo?""Oo naman, bakit?"Nagkibit siya ng balikat. "Wala tayong masyado napag-usapan."Napakamot ako sa may pisngi ko. Ibinula ko yung Oreo. "Eh, ayos lang 'yon. Mahalaga importante."She chuckled. "If you want to talk to me, just speak up. I want us to be able to talk, too, kahit may mga kasama tayo."Natahimik ako. Naisip ko, ganoon nga ang ginagawa sa akin ni West. Binabati niya ako sa classroom, tinatanong-tanong niya ako. Sinubukan niyang i-engage ako sa conversation. Ako lang yata talaga yung masyadong nag-iisip to the point na wala na akong masabi."Wala kasi akong masabi, eh.""Dahil?""Ewan ko," Napanguso ako. "Basta nab-blangko na lang ako bigla kahit marami akong gustong sabihin.""You know what the problem is?" Umiling ako. Naglakad siya palapit sa akin. Kumabog na naman yung dibdib ko kahit lalapit lang naman siya. Para talaga akong tanga! She clicked her tongue. Ang cute niya lalo kapag ganoon. Hay... "Masyado kang tense. Loosen up, kumalma ka. I'm your friend, too. Treat me like how you'll treat Valeen.""Magkaiba naman kayo, ah." Hindi ko maiwasang sabihin."We are, pero we're both your friends. Do you get me?""Medyo?"Natawa na naman siya. Bumalik siya sa usual spot niya-ang mahiwang board. Isinandal niya ang sarili doon at hinawakan ulit ang isang strap ng bag. "Be like this, Ella Marie. You can talk to me right now, 'di ba? Just imagine na we're alone kung kakausapin mo ako, kahit nasaan tayo."Medyo nanibago ako nang i-include niya yung second name ko. Parang biglang naging cute pakinggan ang Marie kahit biscuit talaga ang nai-imagine ko sa pangalan ko na 'yon. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko. Shit talaga! Siguro naman hindi niya mahahalata kasi mainit naman na kahit maaga pa."Pinagpapawisan ka na naman," Katulad dati ay naglabas siya ng panyo. Color light blue naman iyon ngayon na checkered ang pattern. "Use this, may extra pa naman ako.""Huh? O-okay lang, ano ka ba." Tsaka bakit parang lagi siyang may extra panyo? Hindi ko pa nga naisasauli yung last time tapos pahihiramin na naman niya ako. Baka naman magkaroon na ako ng collection ng panyo ni West sa bahay kung palagi niya akong pahihiramin."Sige na.""Huwag na."Tumaas ang dalawang kilay niya. Narinig ko yung paghinga niya ng malalim. Naglakad ulit siya sa akin at siya na mismo ang nagpunas ng pawis ko-na ikinabigla ng katawang lupa ko kaya halos traydurin ako ng lamang loob ko dahil bigla na lang silang naglilikot na akala mo gustong lumabas. Kadiri ma-imagine pero ganoon talaga!Itinago niya ulit ang panyo. Baka naisip niya rin na kapag binigay niya pa sa akin iyon, hindi ko rin kaagad maibalik. "Pawisin ka.""Fats naman 'yan, eh. Exercise din 'yon." Palusot ko kahit hindi naman talaga. Pinagpawisan lang ako pero hindi naman ako se-sexy dahil trabaho ko nang kumain at humilata at matulog lang."Sure, Ella." Tumawa ulit siya. Kinuha niya sa bulsa ang phone then tumingin siya sa akin pagkatapos. "Ang bilis ng oras, let's go."Tumango ako. Hindi pa rin kasi kumakalma lahat sa akin. Pati brain cells ko pakiramdam ko ilalaglag ako anytime. Habang tumatagal nagiging abnormal yata ako.Sabay kaming naglakad palabas. No'ng una ay nauuna siya pero binagalan niya ang lakad para sabayan ako. Siguro nga tama siya, dapat lang ako kumalma. Friend ko siya, dapat i-treat ko siya katulad ng kay Valeen. Hindi kami best friend ni West pero gusto ko siya maging close, gusto ko rin siya makausap nang walang restriction.Kailangan ko lang talaga subukan. Ay bahala na nga! One at a time na lang, Ella. One at a time.Pagdating namin sa loob ng classroom una ko kaagad napansin yung tinitingnan ng mga kaklase ko. Sinundan ko naman kung anong tinitingnan nila dahil para silang mga ewan. No'ng una akala ko nag-i-imagine lang ako. Nagkatinginan pa kami ni West. Tinaas niya ang dalawang kilay at nag-tilt ng ulo. Bumalik ulit ang tingin ko kay Valeen nakaupo na sa armchair niya.Sa likuran niya ay nakapwesto ang familiar na babaeng kailangan lang din namin nakilala. Nakapatong ang dalawang braso niya sa magkabilang balikat ng bespren ko, akala mo close, kung hindi lang naka-neutral expression si Valeen.Lumingon siya sa amin at ngiting-ngiting kumaway. "Hi, babies!"Si Julliana-nakasuot ng school uniform na katulad ng sa amin.Nasaan na nga yung one at a time mantra ko? Parang mahihirapan ako yata. Hay!_____
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co