Truyen3h.Co

Jonah Complex Gl Hss 3 Completed

"Good morning po." Bati ni West kay Mama at Mimi.

Magiliw naman siyang pinuntahan ng mga magulang ko—lalo na ni Mama na para bang tuwang-tuwa siya. "Ang ganda mong bata. Sure ka bang gusto mo 'tong anak ko?"

Napasimangot ako. "Mama, ah."

Natawa si Mimi. "Binibiro ka lang ni Mama mo."

"Eh, kasi." Ngumuso ako. Nahihiya na nga ako kasi si West pa ang dumalaw dito at inaya akong lumabas. Ako dapat 'yon, eh. Ako ang nanliligaw, eh.

"Oo nga, bilib lang ako sa dugo nating magaganda."

Hindi ko alam kung anong ir-react ko sa sinabi ni Mama. Hyper niya, eh.

Kaagad nilang hinila papasok si West na tahimik lang naman din na sumunod. Nag-gather kami sa table kung saan naka-prep na yung breakfast.

Kahapon pa lang ay nagpaalam na ako kay Mama na nag-aya si West na lalabas kami. Okay lang naman sa kanya, tapos inasar-asar pa ako na mahaba ang hair. Nakakahiya na nakakatawa, eh. Pero mas nakakaloka talaga no'ng nag-out ako sa kanila.

"Ma, Mi," Napakamot ako sa ulo ko. Napalunok din ako ng ilang beses. Kulang na lang malagas daliri ko sa kaka-squeeze ko dahil hindi ko talaga alam kung paano magsasabi. "Ano..."

"'Nak, hinga ka muna," Pabirong sabi ni Mimi kaya natawa ako. Binatukan naman siya ni Mama na ikinangiwi niya.

"Umayos ka nga!"

"Maayos naman ako, ah."

"Ella Marie, ano na?" Tumingin sa akin si Mama, nakataas pa ang isang kilay kaya lalo akong natigilan. Jusko, paano ako magsasabi kung nagtataray kaagad siya?

"Mahal, ayusin mo muna kilay mo. Tinatakot mo yung bata." Natatawang sabi ni Mimi kaya nakurot nanan siya ngayon sa tagiliran. "Ang sakit, ang sakit! Sorry na."

"Mag-behave ka diyan."

Tumango naman si Mimi habang nakangiti. Cute talaga ng parents ko.

"Ella, mamaya ka ngumiti diyan kapag nasabi mo na kung anong sasabihin mo."

Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama at tumango. Huminga ako ng malalim pero lalo lang yata akong kinabahan. Nakakaloka naman! "Bale, ano po—"

"Ano nga?"

Sungit ni Mama. "Ma, relax po."

"Relax lang ako. Ano nga?"

"M-may ano po, may nagugustuhan na ako." Huminga ako ng malalim at napakamot sa may collarbone ko kahit hindi naman obvious yung bone. "He-he."

"He-he ka riyan." Tinaasan ako ng kilay ni Mama. Para akong maiihi sa kaba dahil sa titig niya. "Kilala namin ni Mimi mo? Wala akong maalalang may nabanggit kang lalaki na kaklase o kaibigan."

"Eh, ano po...bale po...babae po."

Nagkatinginan silang dalawa. Nagtaka ako nang bigla silang mag-appear, hindi pa nakuntento at nag-fist bump pa sila, yung may kung anu-anong seremonyas.

Parang pinagtitripan ako ng magulang ko samantalang kabang-kaba ako.

"Kilala ba namin 'yan? Si Valeen?"

"Hala, Mi, hindi!" Jusko, nagulat naman ako sa sinabi niyang name! Best friend ko 'yon, bakit ko magugustuhan? Tsaka lagi ako no'n tinatawag na Jollibee. Parang kapatid ko na rin siya. Ano ba 'to! Bigla akong kinilabutan, feeling ko incest.

"Eh, sino ba?"

"Si ano po..."

"Ano?"

"West po."

"West?" Mama pursed her lips a bit. "Yung Hansen? Kapatid no'ng tumawag sa amin dati no'ng pumunta kayong debut?"

"Opo."

Nag-appear ulit sila. Napakamot ako sa ulo ko.

"Mana talaga sa akin 'tong anak ko, mahusay pumili ng chicks." sabi ni Mimi.

Natawa ako bigla, kasi naman parang hindi bagay matawag na chicks si West. I mean masyado kasi siyang maganda para lang sabihan ng ganoon.

"Kailan ka nagka-chicks, eh, ako first love mo?"

"Ikaw chicks ko."

Napailing na lang si Mama na para bang kunsumi na siya sa isa.

"Tsaka nanliligaw po ako sa kanya." Dagdag ko pa sa mahinang boses. Pero sure naman akong narinig nila.

"Marunong ka ba manligaw?"

"Hindi po."

"Sinabi ko bang pwede kang manligaw?"

"H-hindi rin po."

"Aba mag-aral ka na manligaw!"

Napatango na lang ako kay Mama, hindi ko malaman kung seryoso ba siya o ano. Parang hindi big deal mga pinagsasabi ko samantalang nanlalamig na pati pawis ko.

"Sure ka na bang babae ang gusto mo? Baka mamaya hindi naman pala sure tapos ligaw-ligaw ka diyan, aba'y kukurutin kita sa singit."

"Opo, Ma." Napangiwi ako nang ma-imagine kong kinukurot niya ako, bigat pa naman ng kamay niya. "P-pero, hindi ninyo po ako pipigilan na nanliligaw ako?"

"Eh, anong magagawa namin at nagsimula ka nang manligaw?" Tinaasan na naman niya ako ng kilay. May point naman siya. "Kung sigurado ka na, ayos lang. Kaya naman naming tanggapin ni Mimi mo. Hindi ko na pwede sabihin na huwag ka munang magkaka-love life at ikaw itong gumawa ng move doon sa tao, alangang ipabawi namin? Hindi kami nagpalaki ng taong walang isang salita."

"Nakalusot ka, 'nak!"

"Demi."

"Sorry."

Sinenyasan ako ni Mama na lumapit kaya sumunod naman ako. Pinaupo niya ako sa pagitan nila ni Mimi bago sabay na niyakap. Ewan ko ba, pero para akong maiiyak kasi ang bait nila. Hinahaplos ni Mama yung buhok ko habang nakahawak lang sa kamay ko si Mimi.

"Parang hindi pa rin ako makapaniwalang dalaga na 'tong anak ko." Natawa si Mama bago huminga ng malalim. "Dati buhat-buhat lang kita, eh."

"Pwede pa naman, Ma."

"Sige, tapos mabali na lang likod ko."

Natawa ako sa kanya, akala mo naman nirarayuma, eh, ilang taon lang siya. Pero sabagay, baka mabigat pa ako kay Mama. Mas payat pa yata siya sa akin, wait, sexy pala si Mama. Parang hindi obvious yung age niya, same sila ni Mimi. Ganoon yata kapag hindi mga mukhang stressed.

"Ang bumilis mo lumaki, Ella."

"Sakto lang po, Mi."

"Huwag ka muna mag-aasawa."

Napatitig ako sa kanila. Hindi pa nga ako sinasagot, asawa na kaagad?

"Kamusta naman manligaw 'tong dalaga namin?"

Susubo pa lang si West no'ng sinangag nang mabitin dahil sa tanong ni Mama. Ako naman muntik nang mabulunan, eh, puno pa naman na ang bibig ko. Parang gusto ko magtago kasi nakakahiya kaya! Ni hindi nga ako matinong manliligaw, siya pa nag-invite sa akin. Lord, how!

"She's doing great po," sagot ni West.

"Ows?" sabay na reaction ni Mama at Mimi.

Napatakip ako sa mukha ko kasi nahihiya na talaga ako habang binibilisan ang pagnguya, hindi tuloy ako maka-react kaagad. "M-ma!"

"OA mo, Ella. Naninigurado lang kami."

"M-maayos naman po ako."

"Eh, sabi mo hindi ka marunong manligaw?"

Napatakip ako sa mukha ko. Ewan ko, nilalaglag talaga nila ako, lalo na si Mama. Parang trip nila ako asarin simula nang mag-out ako.

Masaya naman ako na alam na nila yung feelings ko kay West, at alam nilang mutual kaming dalawa. Pero para bang nagkaroon sila ng instant hobby. Mama at Mimi ko na talaga sila? Jusko.

"Nag-Google po kaya ako."

"Oh, ano sabi ni Google?"

"Eh, ano, basta..."

"May pan-date ka ba kay West?"

Inisip ko kung may ipon ba ako...at na-realize kong wala. All this time buong baon ko napupunta sa pagkain. "Konti."

"Hindi ka kaya buhayin nito, West." Umiling si Mimi habang natatawa.

"Ako na lang po magw-work." Pagsakay naman ni West sa usapan.

Bakit parang papuntang kasal yung topic? Hindi pa nga ako sinasagot.

"Malakas kumain 'tong anak namin."

"I like her appetite po."

Natawa parehas sina Mimi. Walang patinag kasi si West sa sagot, tapos seryoso pa yung facial expression niya. Parang wala lang yung mga sinasabi. Hindi ko alam kung kikiligin ako o ano kasi appetite ang usapan. Para namang napakalakas ko kumain, eh, marunong naman ako mag-adjust.

Nakakain ng maayos si West nang manahimik na ang magulang ko. I feel at ease, para bang natural lang yung nangyayari, kahit na ngayon lang talaga nakarating siya nakapunta sa amin. Hindi siya mukhang nahihiya, kahit may pagka-introvert siya ay ang galing niya magdala ng sarili.

Sana all, 'di ba, Lord?

"Huwag mo titigan masyado si West, 'nak, masyado kang obvious." sabi ni Mimi. "Mana ka sa'kin masyado."

Nag-init ang buong mukha ko lalo na ng makita ko si West na nakangiti sa akin, tinaas niya pa ang dalawang kilay. "N-nakatulala lang ako!"

"Nakatulala kay West?" Panunudyo niya lalo. "Ashushushu."

Masyado na akong nab-bully sa pamilyang ito.

"Ito yung first time namin na nakita ka, pero ilang beses ka na ring nakuwento ni Ella." sabi ni Mama. "Mukha namang mabait kang bata."

"Thank you po." West smiled.

"Siguro, masyado lang akong advance sa sasabihin ko. I know hindi pa naman kayo, pero ganoon din naman ang bagsak no'n." Simula ni Mama. Bigla ay nawala na yung humor sa boses niya. Hindi masungit, pero ang seryoso no'ng pagkakasabi niya. "Huwag kayo masyadong magmamadali sa relasyon, maliwanag? At hindi excuse na parehas kayong babae. Babae at lalaki, babae at babae, lalaki at lalaki—parehas lang lahat, walang exception sa relationship. We'll guide you properly."

Mabilis kong na-realize kung saan nanggagaling yung sinabi ni Mama. Feeling ko ayaw niya matulad ako, o si West, sa nangyari sa kanya. Yung maagang nag-pamilya, tapos na-abandon ng magaling kong ama.

Ayaw niya ng rush decision, kahit parang ang luwag niya sa akin sa ganitong bagay.

Kahit hanggang ngayon, cautious pa rin talaga si Mama.

"I'll be patient po." Sabi ni West.

"Ako rin, Ma."

"Good. Ubusin ninyo 'yang pagkain ninyo."

_____

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co