Truyen3h.Co

M A Series 15 Lucas Sanchez






Hello may updates na po ako mamaya ulit kay Lucas! Pero may ikukuwento muna ako.

Remember last January pinost ko po yung picture ng tatay ko na may hawak na book ng The governor sa fb page ko na nag-gained ng 1k++ likes? Nasa Bataan kami no'n for family outing. Pero after po no'n nagkasakit na siya and until now gano'n pa din ang lagay niya.

Diabetic si Tatay then dala na din ng katandaan siguro (79 y/o) kaya hindi na niya kayang gumalaw mag-isa. As in naka depende na po siya sa amin ngayon. Pero yosi is life pa din🥴 (pisti)




So if nagtataka kayo bakit may time na hindi ako nakakapag-update lalo na kapag weekend kase nga puyat ako lagi and hindi ako makapag-focus sa pagsusulat. Ilang beses na din kami nanggaling sa doktor since January pero yon nga sa katandaan na nga daw kaya siya ganyan sabi ng doktor. Okay naman kase lagi ang blood sugar niya pero wala na talaga mahina na. Para bang sa maghapon, nasa dapit hapon na talaga siya ng buhay niya.



So kapag di po ako nakakapag-update yon po ang dahilan, bangag na bangag po talaga ako these past few weeks sa antok at pagod.





Kaya sa mga bumibili ng self pub book ko maraming salamat po! Sobrang laking tulong niyo sa gastusin namin ngayon pati na din sa mga nagjo-join sa vip group at patreon. Thank you, thank you!



#maribelatentastories

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co