Truyen3h.Co

M.A series 15 Lucas Sanchez

CHAPTER 08

Maribelatenta


Good evening, Leon Dela Vega (2nd gen) is on going and pay to read on Patreon and vip group. Ito po 'yong anak ni Hunyo at Angela.








"Wait, don't tell me 'yan ang sasakyan natin?" Lucas was looking on the color white Ducati in front of them, alas singko na ng umaga at matapos nga nilang dalawa mangialam sa kusina ng kaibigan na si Hugo ay nagsabi si Polaris na aalis nga daw ito at pupunta ng Isabela. And of course he want to go with her.

"Wag kang ambisyoso Lucas ako lang no at hindi ka kasama." I need to act like this in front of him dahil baka ipaalala niya sa akin ang nangyari sa aming dalawa at hanggang maaari ay ayoko pag-usapan 'yon. Kaya naman nakakapagsisi din talaga kapag umiinom eh, bigla tuloy ako nagkaroon ng instant fans.

"I'll go with you, wala naman ako gagawin kaya puwede naman kitang samahan. And we can use my car too." Tinuro pa niya ang kanyang Rolls-royce cullinan na nakaparada sa malawak na talyer ni Hugo. Mas magiging komportable ang biyahe nila kapag ito ang sinakyan nilang dalawa. Isa pa wala siyang tiwala sa pagsakay sa big bike dahil takaw lang 'yon sa aksidente. 

"Tigilan mo nga ako, sinali na kita kanina sa niluto ko at pinakain na din kita kaya puwede ka ng umuwi ngayon." Pagtataboy ko sa kanya habang inaayos ko ang gloves ko, hindi naman sa pagmamayabang pero napanalunan ko lang ang motor na ito sa isang boxing competition na underground din noong nakaraang taon. Kaya naman alagang-alaga ko talaga ito at talagang pina-costumized ko na din kay master Hugo. 

"Pinakain mo nga pero hindi lang naman 'yong niluto mo ang gusto kong kainin, dapat may pa desser ka man lang sa akin. You know.."

Ano daw? I took a glanced at him at heto na naman po ang pilyong ngiti niya. Parang nag-loading pa sa isip ko ang ibig sabihin ng sinabi niya at ng magets ko nga ay mabilis ko siyang inambahan ng suntok. "Siraulo!" Sabi ko sa kanya ng umiwas siya sa kamao ko.

"Come on 'yong sasakyan ko na lang ang gamitin natin tapos ako na lang din ang magda-drive." Hinawakan pa ni Lucas ang kamay ni Polaris para hindi na ito pumalag pa at naglakad na sila sa nakaparadang sasakyan niya. 


"Uy, uy, uy ano bang trip mo Lucas? Hindi ka puwedeng sumama sa akin okay? Malayo 'yon at nasa pitong oras ang biyahe mula dito, maiinip ka lang." Geeezz ano bang trip ng lalakeng ito at ako ang pinepeste niya? Oo alam kong maganda ako pero hindi niya naman ako kailangang guluhin ng ganito dahil may mga ganap din ako sa buhay.

"I'll go with you at wala akong pakialam kahit pa sa dulo ng Pilipinas ka pupunta basta sasamahan kita." Pinala na sabi ng binata at tinulak na nga si Polaris papasok sa kotse niya. 

Wala naman nagawa si Polaris kung hindi sumakay na lang din sa sasakyan ni Lucas, ayos lang naman sa mga magulang niya kung may kasama siyang umuwi sa kanila dahil gano'n din naman ang ginagawa niya maski noon pa. Minsan mga kabaro niya na lalake o babae na pulis ang inaaya niya magbakasyon sa lugar nila at ayos lang naman 'yon sa mga magulang niya. At ang pitong oras sanang biyahe nila papuntang Ilagan, Isabela ay inabot ng walong oras dahil sa mga stop over nilang dalawa para kumain o kaya mag-banyo. 

"Wait, wait ihinto mo, ihinto mo." Utos ko kay Lucas ng mapadaan kami sa tindahan ng Ninang Cristy ko, medyo malayo-layo pa ito sa amin pero dito ako noon bumibili dahil kumpleto talaga ang tinadahan na 'to. 

Sinunod naman 'yon ng binata at hininto nga ang sasakyan, ibinaba niya na lang din ang bintana sa side ni Polaris para hindi na ito bumaba pa.

"Diba bawal mag-inom diyan?" Sabi ko agad sa limang kalalakihan na nakatambay sa tindahan ng Ninang ko, kilala ko ang mga ito at sila ang mga pasaway dito sa Sitio Guiguinto. 

"Naku si Tinyente pala ito." Agad nakilala ng isa sa lalake na naka sumbrero ang dalaga at tumayo pa nga ito agad tsaka sumaludo ng makita si Polaris. "Tinyente!" Agad nitong bati.

"Tapusin niyo na 'yan at magsiuwi na kayo pagkatapos, pag nagsumbong sa akin ang Ninang ko na nanggugulo na naman kayo diyan lagot kayo sa akin." Banta ko sa kanila, sila kase ang mga nalalasing na hindi yata sa tiyan dinideretso ang alak kung hindi sa ulo at madalas nag-aaway-away na kapag nalasing kaso nakaka-perwisyo nga.

"Sige po Tinyente wala pong problema." Magalang na sabi ng isang lalake na naroon noong huli kaseng umuwi si Polaris dito sa lugar nila ay pinagbabaril sila nito kaya naman alam nilang pag nagsalita na ito nga ganoon ay tototohanin talaga.

Tinanguan ko naman ang mga ito at sinenyasan na si Lucas na mag-drive na, kilalang-kilala ko ang mga pasaway dito sa Sitio namin at kasali ang limang 'yon. 

"Tsk, tapang ah." Ani ni Lucas na parang hindi makapaniwala at nagpatuloy na sa pagmamaneho, nakipagpalitan naman siya kanina kay Polaris sa pagda-drive pero ng makarating na sila ng Ilagan ay siya na ulit ang nag-drive. And actually this was his first long drive kaya nga ramdam na niya ang pagod kanina pa dahil wala pa din naman siyang tulog. 

"Kaunti lang ang nakatira dito sa amin kaya kilala ko lahat kahit pa nasa Maynila ako naka-destino tsaka takot talaga sila sa akin dahil magugulo ang mga 'yon at laging napapatawag sa baranggay." Kuwento ko naman, taga dito din si Ara at magka-eskuwela kami noon at dito din na-assign si Kuya Rios kaya nakilala ko siya at naging dahilan kung bakit ginusto ko mapasok sa pagpupulis. Dati kase ay madaming NPA dito sa amin at kawawa talaga kaming mga nakatira dito dahil madalas kami ang napeperwisyo at hinihingian ng pera at pati mga produktong binebenta namin ay kinukuha nila. Pero dahil sa mga SAF na na-assign dito ay nawala na sila unti-unti kaya naman kahit ilang taon na ang lumipas basta napasyal sila Kuya Rios dito sa lugar namin o pati na iba niyang kasamahan ay welcome na welcome talaga sila. Magsasaka ang mga magulang ko at pito kaming magkakapatid at ako nga ang bunso. 

"I see, so taga dito din si Ara?" Tanong ni Lucas, buti na lang at hindi rough road ang dinadaanan nila kung hindi siguradong kawawa ang sasakyan niya pag nagkataon. 

"Yes at madadaanan natin mamaya ang bahay ng parents niya and take note si master Hugo nga pala ang nagpagawa nitong kalsada na 'to." 

Napatingin naman si Lucas sa katabi. "Anong si Hugo ang nagpagawa nito? What you mean?"

"Rough road talaga 'to at dito din si Kuya Rios na-assign noong nasa SAF pa siya, pero nung pinakasalan na ni Hugo si Ara ay pinaayos niya itong daan kase ilang beses nasira ang sasakyan niya dito."

Tumango-tango naman si Lucas, so may angking bait pala ang Montero na 'yon kahit papaano? Pero nadugasan nga pala siya nito ng anim na milyon kagabi dahil binili niya ang kotse na napanalunan nito sa laro ni Polaris kaya doon na niya naalala ang binili niyang sasakyan kagabi kaya kinuha niya sa kanyang bulsa ang susi at inabot sa dalaga. 

"Alam kong susi 'to pero para saan 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Binili ko 'yong napanalunan ni Hugo na sasakyan kagabi kaso hindi ko naman type kaya sa 'yo na lang." Napaka-kaswal na sabi ng binata.

"Ano?" Parang hindi makapaniwala na tanong ko. "What you mean binili mo pero hindi mo naman pala gusto? as in 'yong Nissan GTR?"

"Yes, 'yon nga, basta wag na madaming tanong at tanggapin mo na lang. Sa 'yo na 'yan at hindi ko na tatanggapin kapag ayaw mo dahil ayoko no'n." 

Shit! Alam kong milyon ang halaga ng kotse na 'yon kahit pa sabihin na second hand, pero ang bilhin niya at ibigay sa akin? What the--? Ano ba talagang gusto ng Lucas na 'to?

    Isang simpleng bungalow house ang nadatnan ni Lucas na bahay daw ng pamilya ni Polaris, at probinsiyang-probinsiya nga talaga dahil nawawala-wala ang signal ng cellphone niya. Madami  sa kanyang bilin ang dalaga habang nasa biyahe sila at ang sasabihin lang daw nito sa mga magulang ay kaibigan lang daw siya nito na walang magawa sa buhay kaya sumama siya dito. 

"Naku hindi mo naman sinabi na darating ka anak." Parang maiiyak pa na sabi ng 61 years old na ina ni Polaris ng makita ang dalaga. 

"Surprise nga po Nay kaya hindi ako tumawag." Nakangiti kong sabi. 

Lumabas din ang isang may edad na lalake mula sa kusina na ama naman ni Polaris, nagluluto kase silang mag-asawa ng marinig nga ang paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay nila.

"Tay.." Bati ko agad sabay mano sa kanya, niyakap naman niya ako ng mahigpit gaya ng ginagawa niya kapag dumadating ako. 

"Ikaw talaga Tinyente lagi mo kaming sinusurpresa, at may kasama ka pa pala." Sabi pa ni Mang Luicito na ang tingin ay na kay Lucas. 

"Ay opo Tay, si Lucas nga po pala." Bumitaw ako sa pagkakayakap ng Tatay ko at tiningnan si Lucas na nasa likod ko pero hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil parang gusto kong maglahong parang bula.

"Ako nga po pala si Lucas, Lucas Sanchez asawa ni Polaris." 

#assumerosiLucas
#maribelatentastories



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co