M V Series 11 Saito Yakimoto
"Come on Pare, lumabas-labas ka naman. Hindi 'yong lagi ka na lang diretso sa pag-uwi pagkatapos ng trabaho." Sabi ng tatlumpu't apat na taong gulang na si Khalil. Nandito sila ngayon sa Yakimoto empire para sana imbitahan ang kaibigan niyang si Saito na lumabas silang mag-kakaibigan. Pero mukhang hindi na naman sasama sa kanila ang lokong 'to.
"Khalil was right, you should go out with us. Aba, hindi naman porket kasal ka na ay trabaho bahay ka na lang." Sabi naman ni Demon, ang isa pang kaibigang matalik ni Kaito. Inom na inom pa naman siya ngayon, hindi naman sila 'yong tipong manginginom na talagang lasing na lasing na kung umuwi. Pero masasabi niyang sila 'yong tipo na gusto lang mag unwind. At sa pag-iinom nila makukuha 'yon. They are all business magnate, at hindi naman sa pagmamayabang sapat na ang mga pera nila kahit hindi na sila magtrabaho pa habang buhay. They can live extravagance because of the money they have so they have also the right to enjoy their hardworks.
Saito only shook his head, pinaikot-ikot niya din ang hawak na ballpen sa kanyang daliri. Sa edad niyang tatlumpu't lima ay masasabi niya na mayroon siyang mga kaibigan na bad influence. At numero uno na nga ang dalawang 'to. "Uuwi ako ng diretso saka wala naman kayong pasabi na pupunta kayo dito." Sabi niya nga sa dalawa. Ni hindi man lang kasi talaga ang mga ito tumawag man lang sa kanya at nagsabi kung ano ba ang mga plano ng mga 'to. Siyempre may personal din siyang buhay at kakakasal niya din lang isang buwan na ang nakakalipas kaya ito muna talaga ang aasikasuhin niya sa ngayon.
"Come on, hindi naman tayo magtatagal Pare, beside hindi mo naman kailangang magpaka-subsob ng todo sa trabaho. Your wealth is getting bigger and bigger, aba tandaan mo hindi mo madadala ang kayamanan sa langit." Pang-bubuska pa ni Demon.
"Hindi ko nga madadala pero puwede ko naman ipamana, alam mo ikaw lagi na ka na lang nandito sa opisina ko. Kung hindi dito nando'n ka naman sa ibaba, I told you don't pester my receptionist Demon." Sabi ni Saito, sa kanilang magkakaibigan ay alam niyang ito ang pinaka-maloko pagdating sa babae. At kaya niya nasasabi ito kasi nga dinidiskartihan nito 'yong receptionist niya sa ibaba.
"What's wrong if I go here? Were friends naman ha, beside ano ba masama na puntahan ko si Nikka Mae? she's single while me, I'm ready to mingle." Pagbibiro pa ni Demon na agad naiwasan ang binatong ballpen ni Saito sa kanya.
"I know that young lady, at nakita ko mismo na hinaharot mo 'yong receptionist ko sa ibaba. Kaya tigil-tigilan mo 'yan ha. Hindi siya makapag-focus sa trabaho kakakulit mo sa kanya. At natural nahihiya 'yon na prangkahin ka kasi alam niyang kaibigan kita. Kaya sinasabi ko lang sa 'yo wag mong demonyohin 'yong empleyado ko." Paalala pa ni Saito.
"Hay naku, wag na natin ibahin ang usapan at baka kung saan-saan pa 'yan mapunta. Let's go na Saito. Saglit lang tayo." Singit ni Khalil.
At dahil alam ni Saito na wala siyang magagawa at hindi siya titigilan ng dalawa ay pumayag na lang din siya sa huli na sumama sa mga ito. Sakay ng mga kani-kanilang kotse ay nagpunta sila sa pinaka-sikat na bar dito sa Uptown hill, na pagmamay-ari niya mismo. He found out that he would earn money from having a bar, knowing that his friends always want to drink.
"How's the newly wed? Anong balita ha? Magkakaroon na ba kami ng inaanak?" Sabi ni Khalil habang magkakaharap silang tatlo.
Magkaanak? I guess malabo pang mangyari 'yon. Shania and I sleep with different room. At para ngang hindi kami mag-asawa dahil kapag kinakausap ko siya ay hindi siya umiimik. Sa isip-isip ni Saito, pero hindi niya sasabihin ang tungkol dito dahil baka asarin lang siya ng dalawang 'to. "Were good and beside hindi ko minamadali si Shania sa bagay na 'yan." Simple at safe niyang sagot.
"Susss, baka kamo magkahiwalay kayo ng kuwarto? Kung tama man ang naiisip ko ay bumabahag din pala ang buntot ng isang Saito Yakimoto." Pang-aasar na naman ni Demon.
"Tsk, you know me. Babae ang nagkakandarapa sa akin at hindi ko gagawin ang gano'n dahil sa isang babae lang. Shania and I are good, natural nasa adjustment period pa lang kami dahil kakakasal lang namin." Sagot na naman ni Saito, but honestly talagang nasusubok ang pasensiya niya kay Shania. But he wants to be married to her, so he should extend his patience.
"She's young, natural mag-aadjust talaga 'yon." Sabi naman ni Khalil, malaki ang agwat ni Saito at ng asawa nitong si Shania. Kaya naman maski silang mga kaibigan nito ay talagang nagulat ng bigla itong magpakasal. They are always together, but pagdating sa babae o pakikipag-relasyon ay talo-talo sila. Hindi nila pinapakialaman ang bawat isa pag tungkol doon. Unless na lang kung katulad ni Demon na hindi tinitigilan ang receptionist nitong si Saito.
"I'm only 35 at age doesn't matter ika nga diba? I don't look at my age, kaya walang kaso kung malaki ang agwat ng edad naming mag-asawa." Sabi ni Saito bago inumin ang alak niyang nasa baso.
"But were waiting for your mini me Saito. Kaya kung ako sa 'yo paspasan mo na ng paspasan." Sabi ni Demon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen3h.Co